pananalita sa angkop na sitwasyon (pagbati). Pakingganng mabuti ang usapan sa telepono.
Krrrriiing! Krrrring! Krrrring!
“Michael pakisagot ang telepono,” wika ng kaniyang Nanay. “Opo inay,” sagot ni Michael. Mabilis na lumapit si Michael sa telepono at sinagot ang tawag. Michael: Magandang araw po! Sino po sila? Jaypee: Ako si Jaypee, ang kaibigan ng iyong ate Lhovie. Maaari ko ba siyang makausap? Michael: Opo, sandali lang po tatawagin ko po si ate Lhovie. 1. Sino ang bata sa kuwento? 2. Ano-anong magagalang sa salita ang kanyang ginamit? 3. Anong uri ng bata si Michael? 4. Gumagamit ka rin ba ng mga salitang ito? Magbigay ng iba pang halimbawa ng magagalang na salita. 5. Tuwing kailan natin ito dapat gamitin? Ang magalang na pananalita ay ginagamit upang ipakita ang paggalang sa kausap. Ang pagiging magalang ay isang magandang asal na dapat na taglay ng batang kagaya mo. Maipapakita ang paggalang ayon sa tamang pagkakataon: a. Pagbati Halimbawa: Magandang umaga po sa inyo. b. Paghingi ng paumanhin Halimbawa: Paumanhin po ma’am, hindi ko po agad naibigay ang inyong lapis. c. Paghingi ng pahintulot at pakiusap Halimbawa: Puwede ko po ba hiramin ang inyong aklat? d. Pagpapakilala Halimbawa: Ako po si Ethan, pitong taong gulang. Lagyan ng ✓ kung dapat bang gawin at ✗ naman kung hindi. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. _________ 1. Hayaang tumunog ang telepono. _________ 2. Ibaba agad ang telepono pagkatapos mong magsalita. _________ 3. Bumati ng may paggalang sa tuwing may kausap na tao kahit sa telepono. _________ 4. Maging mahinahon sa pakikipag-usap sa iba. _________ 5. Makinig sa nagsasalita at huwag itong sabayan. Isulat kung P kung ang pahayag ay nagpapakita ng magagalang na pananalita at HP kung hindi. Isulat ang sagot sa kuwaderno. ____________ 1. Maraming salamat po! ____________ 2. Pasensiya na po. ____________ 3. Iabot mo nga sa akin iyan. ____________ 4. Magandang araw po! ____________ 5. Ayaw ko niyan. Kopyahin ang tsart sa iyong kuwaderno. Punan ito ng mga magagalang na salita ayon sa gamit nito. Piliin sa mga salitang nakakahon ang mga magagalang na salitang angkop dito. Paano mo naipakikita na ikaw ay isang batang magalang? Ano ang pakiramdam ng isang batang magalang? Ang magalang na pananalita ay ginagamit upang ipakita ang paggalang sa kausap. Ang pagiging magalang ay isang magandang asal na dapat taglay ng isang batang kagaya mo. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang dapat mong sabihin na naaayon sa sitwasyon. Isulat sa kuwaderno ang letra ng tamang sagot. 1. Tumawag sa telepono ang kaibigan ng ate mo. A. Magandang araw po! Sino po hinahanap nila? B. Sino to? Sino ang hinahanap mo? 2. Mayroong tumawag sa telepono ngunit mali ang numerong kaniyang tinawagan. A. Ano kailangan mo? B. Naku! Pasensiya na po wala po dito ang hinahanap ninyo 3. May kumakatok sa inyong pinto per hindi mo agad ito mapuntahan. A. Ano ba iyan, ang ingay naman. B. Sandali lang po, papunta na. 4. Inutusan ka ng nanay mo na tawagin ang ate mo para kumain. A. Tatawagin ko na po, inay. B. Ako nanaman uutasan. 5. Pagod ang tatay mo sa paggawa ng nasirang kabinet. A. Tatay, magpahinga na po muna kayo. B. Tatay hindi ka pa ba tapos? 5. Pagod ang tatay mo sa paggawa ng nasirang kabinet. A. Tatay, magpahinga na po muna kayo. B. Tatay hindi ka pa ba tapos? Piliin ang tamang sagot sa bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Binati ka ng iyong kapitbahay. A. Magandang araw po. B. Pasensiya na po. c. Maraming salamat. D. Makikiraan po. 2. Binilihan ka ng bagong damit ng nanay mo. A. Magandang araw po. B. Maraming salamat po C. Pasensiya na po. D. Makikiraan po. 3. Mayroong nag-uusap sa daraanan mo. A. Magandang araw po. B. Maraming salamat po. C. Pasensiya na po. D. Makikiraan po. Pakingganng mabuti ang usapan sa telepono.
Krrrriiing! Krrrring! Krrrring!
“Michael pakisagot ang telepono,” wika ng kaniyang Nanay. “Opo inay,” sagot ni Michael. Mabilis na lumapit si Michael sa telepono at sinagot ang tawag. Michael: Magandang araw po! Sino po sila? Jaypee: Ako si Jaypee, ang kaibigan ng iyong ate Lhovie. Maaari ko ba siyang makausap? Michael: Opo, sandali lang po tatawagin ko po si ate Lhovie. 1. Sino ang bata sa kuwento? 2. Ano-anong magagalang sa salita ang kanyang ginamit? 3. Anong uri ng bata si Michael? 4. Gumagamit ka rin ba ng mga salitang ito? Magbigay ng iba pang halimbawa ng magagalang na salita. 5. Tuwing kailan natin ito dapat gamitin? Ang magalang na pananalita ay ginagamit upang ipakita ang paggalang sa kausap. Ang pagiging magalang ay isang magandang asal na dapat na taglay ng batang kagaya mo. Maipapakita ang paggalang ayon sa tamang pagkakataon: a. Pagbati Halimbawa: Magandang umaga po sa inyo. b. Paghingi ng paumanhin Halimbawa: Paumanhin po ma’am, hindi ko po agad naibigay ang inyong lapis. c. Paghingi ng pahintulot at pakiusap Halimbawa: Puwede ko po ba hiramin ang inyong aklat? d. Pagpapakilala Halimbawa: Ako po si Ethan, pitong taong gulang. Tukuyin kung kailan ginagamit ang magalang na pananalita sa ibaba. Isulat ang PB kung ito ay pagbati, PH kung pahintulot, PU kung ito ay paumanhin at PG kung pagtanggap. ____________ 1. Maraming salamat po! ____________ 2. Ipagpaumanhin po ninyo ang aking ginawa. ____________ 3. Magandang araw po sa inyo! ____________ 4. Tuloy po kayo sa loob. ____________ 5. Maaari po ba akong humiram ng aklat Ibigay ang tamang pahayag na nararapat mong isagot sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat sa kuwaderno ang iyong mga kasagutan. 1. Binati mo ang iyong guro sa pagpasok. 2. Nanghihiram ka ng pantasa sa iyong kaklase. 3. Magpapaalam ka na lalabas upang umihi. 4. Nahulog mo ang lapis ng iyong kamag-aral. 5. Binigyan ka ng kaklase mo ng baon niyang tinapay. Tukuyin kung kailan ginagamit ang magalang na pananalita sa ibaba. Isulat ang PB kung ito ay pagbati, PH kung pahintulot, PU kung ito ay paumanhin at PG kung pagtanggap. ____________ 1. Maraming salamat po! ____________ 2. Ipagpaumanhin po ninyo ang aking ginawa. ____________ 3. Magandang araw po sa inyo! ____________ 4. Tuloy po kayo sa loob. ____________ 5. Maaari po ba akong humiram ng aklat Paano mo naipakikita na ikaw ay isang batang magalang? Ano ang pakiramdam ng isang batang magalang? Ang magalang na pananalita ay ginagamit upang ipakita ang paggalang sa kausap. Ang pagiging magalang ay isang magandang asal na dapat taglay ng isang batang kagaya mo. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. ___1. Si Ana ay nagpaalam sa kanyang nanay upang maglaro. Ano ang kanyang sasabihin? A. Nanay, maaari po ba akong lumabas? B. Nanay, masama po bang lumabas? C. Nanay, lalabas po ba kayo? ___2. Kausap ni Arkie sa telepono ang kanyang kamag-aral. Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng paggalang? A. Hello, magandang umaga po. Maaari po bang makausap si Allen? B. Hello, kakausapin ko si Allen, tawagin ninyo po. C.Hello, nandyan ba si Allen? __3. Dumating ang lolo at lola ni Ara? Ano ang dapat niyang sabihin? A. Magandang umaga po Lolo at Lola. B. Nandyan na pala kayo. C. Kumusta kayo? ___4. May nagtanong sa iyo ng direksyon kung saan ang daan papuntang palengke? A. Hindi ko alam! B. Diyan lang, dumiretso ka na lang. C. Dito po, malapit po sa likod ng City Hall. __5. Nasanggi mo ang isang matandang babae. Paano ka hihingi ng paumanhin? A. Ay, bakit nariyan ka? B. Nakaharang ka kasi. C. Hindi ko po sinasadya. Sagutin ng Opo o Hindi ang bawat tanong.
1. Nagsasalita ako nang may paggalang.
2. Iginagalang ko ang lahat ng mga taong nakakasalamuha ko. 3. Humihingi ako ng pahintulot kapag may gusto akong gawin. 4. Tinatanggap ko ang mga paghingi ng paumanhin. Panuto: Pag-aralan ang maze sa ibaba. Maaari mo bang tulungan sina Dave at Ana upang mabisita ang kanilang lolo at lola? Gamitin ang mga magalang na pananalita sa pagsagot sa mga tanong na nasa ibaba.
1. Paano ninyo napuntahan ang lolo at
lola nina Dave at Ana gamit ang maze? 2. Binibisita o kinakausap mo rin ba ang iyong Lolo at lola? 3. Paano ka nakikipag-usap sa kanila? Panuto: Basahin ang usapan sa ibaba. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno. Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang dala ng mga bata para sa kanilang lolo at lola? 2. Magalang ba sina Dave at Ana sa pakikipag-usap 3. Ano ang magagalng na salita na ginamit ni Dave at Ana? 4. Sino ang pinuntahan nila Dave at Ana? 5. Bakit pinuntahan nina Dave at Ana si lolo at lola? 6. Bakit hindi nagtagal sina Dave at Ana sa kanilang lolo at lola? Ang iyong nabasa sa itaas ay mabuting halimbawa kung paano tayo makikipagusap sa matatanda, sa pagbati at sa paghingi ng pahintulot. tayong mga Pilipino ay gumagamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap, lalo na sa mga nakatatanda sa atin. Ayon nga sa isang salawikain “Ang batang magalang ay kayamanan ng magulang” , kaya ipagpatuloy ang nakagawiang paggalang sa kapwa lalo na sa mga nakatatanda. Panuto: Lagyan ng / ang patlang kung ang pahayag ay nagpapakita ng paggalang at X naman kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. Magandang araw, kaibigan. Kumusta na po kayo? 2. Sige, aalis na ako ‘nay! 3. Maraming salamat po tito at tita sa laruan! 4. Maaari po bang pumunta sa bahay nina Ben itay? 5. Ang bagal mo namang lumakad lola! Panuto: Sumulat ng isang pangungusap sa bawat sitwasyon na nagpapakita ng paggalang. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. Gusto mo sanang hiramin ang sombrero ng kapatid mo. 2. Babatiin mo ang iyong guro sa kaniyang kaarawan. 3. Tatanungin mo si lola kung saan makikita ang gunting. Panuto: Iguhitang puso sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at bilog naman kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. Mang Ambo, pwede po bang makausap si Matt? 2. Kuya! Pahingi ng tubig! 3. Ma! Doon na tayo sa Robinson. Ayoko nga dito sa Lee Plaza. Bakit mahalaga ang paggamit ng magalang na pananalita? Iyong tandaan nasa pakikipag-usap kaninuman, kailanman, saanman dapat magpakita ng paggalang. Gumamit ng po at opo lalo na sa mga taong nakatatanda sa atin. Tandaan na ang bata at taong magalang ay kinagigiliwan. Masarap pakinggan ang mga usapang punong-puno ng paggalang. Piliin at isulat ang titik ng tamang B. Nakangiting nagmano si Ana sa sagot. kanyang ina. C. Padabog na nagmano si Ela sa __1. Sino ang nagpapakita ng kanyang tita. paggalang? A. nakasimangot na nagmano si Lotte sa lola. __2. Paano ka sasagot sa kausap mo sa telepono? A. Hello, magandang umaga po. Sino po sila? B. Hello, ano ang kailangan mo? C.Hello, bakit ka tumawag? ___3. Paano ka hihingi ng paumanhin kung may nasagi ka? A. Pasensiya po, hindi ko sinasadya. B. Ay! Nandyan ka pala. C.Tumabi ka diyan! ___4. Ano ang sasabihin mo kung hihingi ka ng pahintulot sa iyong nanay? A. Inay, maaari po bang lumabas? B. Inay, maaari bang lumabas? C.Inay, lalabas ako. ___5. Paano mo matutulungan ang isang taong nagtatanong tungkol sa isang lugar? A. Ituro ang maling lugar. B. Ituro ang tamang lugar. C. Ituro ang malayong lugar. Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang kung nagpapakita ng magagalang na pananalita at ekis kung hindi. ___1. Magandang umaga po. ___2. Makikiraan po. ___3. Mawalang galang na po, saan po ang daan papuntang palengke? ___4. Kumusta ka na kaibigan? ___5. Hoy! Lumayo ka dito. Panuto: Pag-aralan ang maze sa ibaba. Maaari mo bang tulungan sina Dave at Ana upang mabisita ang kanilang lolo at lola? Gamitin ang mga magalang na pananalita sa pagsagot sa mga tanong na nasa ibaba.
1. Paano ninyo napuntahan ang lolo at
lola nina Dave at Ana gamit ang maze? 2. Binibisita o kinakausap mo rin ba ang iyong Lolo at lola? 3. Paano ka nakikipag-usap sa kanila? Panuto: Basahin ang usapan sa ibaba. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno. Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang dala ng mga bata para sa kanilang lolo at lola? 2. Magalang ba sina Dave at Ana sa pakikipag-usap 3. Ano ang magagalng na salita na ginamit ni Dave at Ana? 4. Sino ang pinuntahan nila Dave at Ana? 5. Bakit pinuntahan nina Dave at Ana si lolo at lola? 6. Bakit hindi nagtagal sina Dave at Ana sa kanilang lolo at lola? Ang iyong nabasa sa itaas ay mabuting halimbawa kung paano tayo makikipagusap sa matatanda, sa pagbati at sa paghingi ng pahintulot. tayong mga Pilipino ay gumagamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap, lalo na sa mga nakatatanda sa atin. Ayon nga sa isang salawikain “Ang batang magalang ay kayamanan ng magulang” , kaya ipagpatuloy ang nakagawiang paggalang sa kapwa lalo na sa mga nakatatanda. Pagdugtungin ang sitwasyon at ang magagalang na pananalitang angkop gamitin dito. Ano ang iyong sasabihin sa sumusunod na sitwasyon? 1. Nanghiram ka ng krayola sa iyong kaklase. Di sinasadya naupuan mo ito kaya naputol ang ilan. Ano ang sasabihin mo? 2. Pinabili ka ng iyong nanay ng suka sa tindahan. Nasalubong mo ang magulang ng iyong kaibigan. Ano ang sasabihin mo? 3. Gusto mong gumamit ng gadyet ng iyong kapatid. Ano ang sasabihin mo? 4. Nagsori sa iyo ang kaibigan mo dahil hindi niya natupad ang inyong usapan. Ano ang sasabihin mo? Ngayong alam mo na ang paggamit ng magagalang na salita, gumawa ka ng isang Comic Strip na nagpapakita ng paggamit ng magagalang na pananalita. Gawin ito sa kuwaderno. Bakit mahalaga ang paggamit ng magalang na pananalita? Iyong tandaan nasa pakikipag-usap kaninuman, kailanman, saanman dapat magpakita ng paggalang. Gumamit ng po at opo lalo na sa mga taong nakatatanda sa atin. Tandaan na ang bata at taong magalang ay kinagigiliwan. Masarap pakinggan ang mga usapang punong-puno ng paggalang. Basahin ang sitwasyon. Piliin at kulayan ang kahon ng angkop na magalang na pananalita na dapat gamitin. 1. Isang hapon ay nakasalubong mo sa parke ang iyong kapitbahay. Paano mo siya babatiin? 2. Nais mong magpunta sa palikuran o CR ngunit ikaw ay nasa klase. Alin ang iyong sasabihin? 3. May dumating kayong bisita at ikaw lang ang naabutan sa bahay kaya hindi mo siya pinapasok. Alin ang sasabihin mo? 4. Gusto mong bumili ng lolipap sa tindahan. Ano ang sasabihin mo sa iyong ina? 5. Humingi sa’yo ng paumanhin si Doray dahil naapakan niya ang iyong paa. Alin ang sasabihin mo sa kaniya?