You are on page 1of 20

2 Edukasyon sa

Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 7:
Tuntunin at Pamantayan na
Itinakda sa Loob ng Tahanan:
Pagtapos sa mga Gawaing
Bahay

ii
Edukasyon sa Pagpapakato – Ikalawang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan 1 – Modyul 7: Mga Tuntunin at Pamantayan na Itinakda sa Loob ng
Tahanan (Pagtapos sa mga Gawaing Bahay)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Christy B. Arbis


Editors: Rebecca Sambas, Bernadette M. Angel
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos

Tagaguhit: Christy B. Arbis


Tagalapat: Christy B. Arbis
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almendra – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz - Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz - REPS – Edukasyon sa Pagpapakatao
Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura – Division EPS in Charge of LRMS
Marcelo B. Bocatera - Division ADM Coordinator
Edmund A. Rosete Sr. - EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

iii
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa


iyong kaalaman at pagkatuto sa mga aralin
at upang higit na malinang ang iyong pagkakaroon ng
disiplina sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga
tuntunin at pamantayan sa loob mismo ng inyong
tahanan.
Ang mga gawaing ilalahad sa modyul na ito ay mas
pina-simple upang lubos mong maunawaan ang iyong
leksyon.
Ang araling ito ay nakapukos sa iyong kakayahan
sa pagsunod sa mga tuntunin at pamantayan sa loob
ng tahanan na dapat mong maisakilos at maipakita.

Most Essential Learning Competencies:

• Nakapagpapakita ng pagsunod sa mga tuntunin at


pamantayang itinakda sa loob ng tahanan
(EsP2PKP – Id-e – 12)

Sa araling ito, inaasahang maipapakita ang


pagsunod sa mga tuntunin at pamantayan sa pagtapos
ng mga gawaing bahay na itinakda sa loob ng
tahanan.

1
Subukin

Panuto: Iguhit sa iyong kuwadernong


panggawain ang pulang puso kung ito ay
tama at dilaw na buwan naman kung ito ay mali.

Hugis Sitwasyon
1. Kapag inutusan ka ni nanay na bumili ng
mantika sa tindahan, ikaw ay
magdadabog.
2. Naglalaba si ate ng inyong mga damit at
ikaw ay masayang nagbabantay sa mas
nakababatang kapatid.
3. Kusa mong nililinis ang marumi mong silid.
4. Ipagpapaliban mo muna ang pagpupunas
ng bintana dahil hindi pa naman ito
masyadong madumi.
5. Magwalis muna sa loob ng bahay bago
makipaglaro sa mga kaibigan.

Balikan

Sa nakaraang aralin, nalaman mo na ang bawat


tahanan ay may mga tuntunin at pamantayang
itinakda ng mga magulang kagaya ng pagkain ng
wasto sa tamang oras. Paano mo ba ito ginagawa?
Sa iyong kuwaderno, sumulat ng isang
pangungusap kung paano mo ito ginagawa.
Tapos ka na ba? Ngayon naman ay dagdagan pa
natin ang iyong kaalaman tungkol naman sa pagsunod
at pagtapos ng mga gawaing bahay.

2
Tuklasin

Panuto: Basahin ang kwento at sagutin ang


mga katanungan.

Gawain Muna, Laro Mamaya Na


ni Christy B. Arbis

Lunes ng umaga, tumawag ang kaibigan ni Ronie


sa telepono habang nakikinig ang kanyang
nakababatang kapatid na si Rona.

Sinabihan siya na maglalaro na sila ng patintero sa


parke. Gusto n’yang makipaglaro dahil wala pa
namang pasok sa paaralan.

3
Ngunit hindi sumang-ayon ang dalawa dahil
merong itinakdang tuntunin ang kanilang mga
magulang sa bahay para sa isa’t isa. Uunahin muna nila
ang kanilang mga gawain bago maglaro. Kumuha
agad ng walis at lampaso si Ronie.

Si Rona naman ay tumulong sa kanyang nanay sa


kusina.

Ang bawat isa ay masayang gumagawa sa


kanikanilang mga gawain. Kahit wala pang klase ay
maraming natututunan ang dalawang bata sa
pamamagitan ng pagtulong sa mga gawaing bahay.

4
Suriin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga


katanungan.
Isulat sa kuwadernong panggawain ang iyong sagot.

1. Anong tuntunin sa tahanan ang ipinakita ni Ronie


nang siya ay tumanggi sa paanyaya ng kanyang
kaibigan na maglaro ng patintero sa parke?

2. Paano sinusunod ng magkapatid ang mga


tuntuning itinakda sa kanilang tahanan kapag
walang pasok?

3. Anong tuntunin sa tahanan ang sinunod ni Ronie


nang siya ay kusang kumuha ng walis at lampaso?

4. Paano tinapos ng magkapatid ang mga gawaing


bahay na itinakda sa kanilang tahanan?

5
Tandaan:

Ang bawat tahanan ay may mga tuntunin at


pamantayang itinakda tungkol sa pagtapos ng mga
gawaing bahay tulad ng mga sumusunod:

• Tapusin muna ang gawain bago makipaglaro.

• Tumulong sa mga magulang sa mga gawaing


bahay lalo na kung walang pasok.

• Gawin ang mga gawaing bahay kahit hindi


inuutusan.

• Tapusin ang mga gawain na maluwag sa


kalooban.

Ang pagsunod sa mga ito ay makatutulong upang


matapos nang maayos ang mga gawain.
Kinakailangan nating tapusin ang mga nasimulang
gawain upang magkaroon ng isang malinis, payapa, at
masayang tahanan. Ang pagsunod sa mga ito ay
tanda rin ng pagkakaroon ng mabuting asal at disiplina
sa sarili.

6
Pagyamanin

Panuto: Piliin ang larawan na nagpapakita ng


pagsunod sa mga tuntunin at pamantayan sa pagtapos
ng mga gawaing bahay. Piliin sa grupo ng palanggana
o sa grupo ng timba ang iyong sagot. Iguhit sa
kuwaderno ang palanggana o timba base sa
iyong napiling sagot.

1.

2.

7
3.

4.

5.

8
Isaisip

Panuto: Piliin ang tamang salita sa loob ng panaklong


na nagsasaad ng pagsunod sa mga tuntunin at
pamantayan sa pagtapos ng mga gawaing bahay.
Isulat ang iyong sagot sa kuwadernong panggawain.
Isapuso at isakilos mo ito.

_____1. (Hayaan,Tapusin) muna ang gawain bago


makipaglaro.

_____2. Tumulong sa mga magulang sa mga gawaing


(bahay, pampaaralan) lalo na kung walang
pasok.

_____3. Gawin ang mga gawaing bahay kahit hindi


(inuutusan, nagpapaalam).

_____4. Tapusin ang mga gawain na (mabigat,


maluwag) sa kalooban.

9
Isagawa

Panuto: Tingnan ang mga larawan. Ano ang


iyong gagawin sa sumusunod na mga
sitwasyon? Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

1.

Nakakalat ang mga


dumi at basura sa
labas ng bahay.

10
2.

Nakakalat ang mga


damit na
pinagbihisan.

3.

Nagluluto ang nanay


sa kusina.

11
4.

Nalalanta na ang
mga halaman sa
bahay.

5.

Nagkalat ang mga


gamit sa loob ng silid.

12
Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng iyong sagot sa


kuwadernong panggawain.

1. Sabado ng umaga, dumating ang iyong kaibigan


at niyaya kang maglaro. Nagwawalis ka pa ng
bakuran, ano ang gagawin mo?
a. Ihinto ang ginagawa at sasama sa kaibigan.
b. Tatapusin muna ang pagwawalis bago
makipaglaro.
c. Tatakbo nang mabilis upang hindi makita ng
mga magulang.

2. Abala si Nanay sa pagluluto ng inyong ulam. Nakita


mo na hindi pa nahuhugasan ang mga gulay na
kanyang lulutuin, ano ang maaari mong gawin?

a. Tingnan lang si Nanay.


b. Manonood muna ng telebisyon.
c. Tulungan si Nanay sa paghugas ng mga
gulay.

3. Si ate ay naglalaba ng inyong mga damit, ano ang


maaari mong itulong?

a. Ikalat ang mga laruan.


b. Paiyakin ang bunsong kapatid.
c. Tulungan si ate sa pagsampay ng mga damit.

13
4. Nakita mong hindi pa nahuhugasan ang inyong
pinagkainan sa umaga, ano ang gagawin mo?

a. Kusang hugasan ang mga ito.


b. Hayaang iba ang maghugas sa mga ito.
c. Hintayin si nanay na dumating at sabihang
hugasan ang mga pinggan at baso.

5. Inutusan ka ni tatay na punasan ang mesang


pinagkainan, ano ang gagawin mo?

a. Maluwag sa kaloobang sundin si tatay.


b. Sundin si tatay ngunit magdadabog.
c. Tingnan lang ang mesa.

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ka ng isang tuntunin o gawain


na hindi mo sinusunod o minsan mo lang sinusunod.
Isulat sa papel kung bakit hindi mo ito palaging
sinusunod at ano ang gagawin mo upang sundin ito
ngayon.

Ako si _____________________________________
ay hindi sumusunod / minsan lang
sumusunod sa tuntunin ng tahanan na
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
___dahil___________________________________
__________________________________________
_______________________________________ .

Mula ngayon ito ang aking gagawin:


___________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
________________________________________.

___________________
(Lagda)

15
16
Patnubay ng Guro. Unang Edisyon.
—. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao Tagalog,
aaral. Unang.
Pagpapakatao 2 Tagalog, Kagamitan ng Mag-
MontezeroGonzales. 2013. Edukasyon sa
Rolan Baldonado Catapang, Isabel
Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan,
n.d. Most Essential Learning Competencies.
Sanggunian
Subukin Suriin
1. Unahin ang
gawaing bahay
1. bago ang
Balikan paglalaro.
2. *depende sa sagot 2. Tumutulong sila sa
ng bata. mga gawaing
3.
bahay.
Isagawa 3. Siya ay
4. gumagawa kahit
1. Walisan at itapon
sab asura hindi inuutusan.
5. 4. Tinapos nila ito
2. Iligpit at labhan
3. Tulungan sa nang maluwag sa
Pagyamanin pagluluto kalooban
1. 4. Diligan ang mga
halaman Isaisip
2. 1. Tapusin
5. Iligpit ang mga
3. gamit at ayusin 2. Bahay
3. Inuutusan
4. 4. maluwag
Tayahin
5.
1. B Karagdagang
2. B Gawain
3. C
4. A *depednde sa sagot
5. a ng bata
Susi sa Pagwawasto
PAHATID LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Ka gawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang
pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul
na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies
(MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na
kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-
2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng
modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education –
SOCCSKSARGEN Learning Resource
Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of
Koronadal Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228
1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

17

You might also like