You are on page 1of 15

SAINT JOSEPH COLLEGE

Junior High School Department


Tunga-tunga, Maasin City, Southern Leyte

Ika-16 na Modyul sa Filipino 10

Ikaapat
na

BB. GINA K. MADERA, BSED-F4


BB. JINBIE T. AROY, BSED-F4
Gurong Mag-aaral sa Filipino 10

GNG. ERNALIN G. SARATAN, LPT


Ikalawang Punong-Guro

G. DANTE M. MONTER,MAT-PE
Punong Guro
I. Panalangin:
Ama naming bukal at tagapagtaguyod ng karunungan
Dakilang pinagmulan ng lahat at Siyang tamang daan
Nawa’y tanggapin ang aming pasasalamat sa iyong mga biyaya
At buong pusong paghingi ng kapatawaran sa aming mga nagawang
pagkakasala sa Iyo at sa aming kapwa
Gabayan Ninyo po kami sa aming mga gawain sa araw-araw
Lalong-lalo na sa pagsagot sa aming mga modyul
Gabayan niyo rin po ang mga guro sa kani-kanilang gawain
Bigyang lakas at husay sa pagharap sa bawat pagsubok ng buhay
Habang nananatiling nagpupunyagi at nagsusumikap 
Para sa ikauunlad ng aming sarili at pamayanan
At para sa ikararangal ng aming paaralan at ng bansang Pilipinas.
Amen.
II. Pangkalahatang Panuto:
1. Ang pagsubok ay nasa hiwalay na bahagi upang madali niyo
lamang itong ipasa na hindi niyo na kailangan pang putulin o
kopyahin ang bahagi ng paksa.
2. Ang ipapasa niyo lamang ay ang pagsubok, HUWAG
KAKALIMUTANG LAGYAN NG PANGALAN AT SEKSIYON ANG
INYONG PAPEL.
3. Maaari niyo itong ipasa sa paaaralan/messenger/email
Para sa St. Daniele Comboni:
Messenger: Jinbie Tanghinan Aroy
Email: jinbiearoy@gmail.com

Para naman sa St. Daria:


Messenger: Gina Kistadio Madera
Email: ginamadera794@gmail.com

Para naman sa St. Digna:


Messenger: Lynbiemae B. Degamo
Email : lynnovapinkgirl12@gmai.com

Para naman sa St. Dominic Savio, St. Dorothy,St. Diego,


at St. Damien:
Messenger: Mary Sheen Javinez Leonor
4. Kung may katanungan o may hindi kayo naintindihan sa aralin at
mga komento o suhestiyon maaari niyo lamang kaming kontakin
gamit ang messenger/email.

III. Layunin:
 Ang Nilalaman ng El Filibusterismo. Nasusuri ang pagkakaayos ng
napakinggan buod ng mga kabanata ng nobela. F10PN-1Vb-c -84
 Natutukoy ang papel na ginam-panam ng mga tauhan sa akda sa
pamamagitan ng:
- pagtuton sa mga pangyayari
- pagtukoy sa mga tunggalianang naganap
- pagtiyak sa tagpuan
- pagtukoy sa wakas. F10PB-1Vb-c-87
 Nabibigyang kahulugan ang mga matatalinghagang pahayag na
ginamit sa binasang kabanata ng nobela. F10PT-IVb-c-83
 Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng
binasang akda batay sa:
-katangian ng mga tauhan
-pagkamatotohanan ng mga pangyayari
-tunggalian sa bawat kabanata ng mga tauhan. F10PS-IVb-c-86
 Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata. F10PU-IVb-c-86

Paksa: Ang Hamon ng Buhay


(Ilang Pangyayari sa Pilipinas sa Panahong Isinulat ang El
Filibusterismo Teoryang Historikal)
IV. Nilalaman:
a. Isakonteksto

Malaking isyung panlipunan mula noon hanggang ngayon ang reporma sa


lupa. Isa sa mga kinahaharap na problema ay ang pagmamay-ari ng lupa dahil
iilang mayayamang pamilya lamang ang nagmamay-ari ng malalaking lupang
sakahan; samantala, maraming magsasaka ang wala ni kapirasong lupa. Ang
paglutas sa suliraning ito ang patuloy na ipinaglalaban ng mga nakikibakang
magsasaka sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Isang partikular na halimbawa ay
ang kalagayan sa Hacienda Luisita. Ito ay dating pag-aari ng “Compania
General de Tabacos de Filipinas,” kilala bilang “Tabacalera,” na itinatag noong
Nobyembre 1881 ng Espanyol na si Don Antonio Lopez Y Lopez mula sa
Santander sa Cantabria, Espanya. Ang Hacienda Luisita ay mahigit 4 000
ektarya lupaing taniman ng asukal sa Tarlac na pag-aari ngayon ng pamilya
Cojuangco na kinabibilangan ng dating Pangulong Corazon Aquino at kaniyang
anak na si dating Pangulong Benigno Aquino III. Sinasabing kasinlaki ng
pinagsamang mga lungsod ng Makati at Pasig ang Hacienda Luisita. Bisitahin
ang mga kasinlaki ng pinagsamang mga lungsod ng Makati at Pasig ang
Hacienda Luisita. Bisitahin ang mga artikulo sa sumusunod na URL at maging
mulat sa kalagayan ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita na representasyon
ng kalagayan ng maraming magsasaka sa bansa. Sagutin ang mga
katanungan matapos mabasa ang teksto.

• Pagkilos para makamit ang hustisya: http://www.manilatoday.net/walang-


hustisya-sa-hacienda-luisita/
• Kalagayan ng mga magsasaka sa panahong maipamahagi ang kanilang
lupa: https://www. veritas846.ph/kalagayan-ng-mga-magsasaka-sa-hacienda-
luisita-tugunan /; http://www. veritas846.ph/kaunlaran-kapayapaan-sa-
hacienda-luisita-hangad-ng-simbahan/
1. Ano ang kalagayan ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita?
2. Ano ang ipinaglalaban ng mga magbubukid mula sa Hacienda Luisita?
3. Magbigay ng isang karanasan ng mga magsasaka na tumimo sa iyong
isipan mula sa mga nabasang artikulo. Bakit ito tumimo sa iyong isipan?
4. Anong bagong kaalaman ang nalaman mo mula sa artikulo?
5. Sa iyong palagay, paano mapabubuti ang kalagayan ng mga magsasaka sa
bansa?

b. Talasalitaan
Magsaliksik at alamin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap.

1.Upang mapakinabangan ang lupa at makapagtanim, kailangang hawanin ang


gubat.

linisin

2. Madawag man ang daan tungo sa sikat na batis, dinarayo pa rin ng mga turista.

matinik/lubak-lubak na kalsada

3. Eskopeta ang gamit noon sa pangangaso.

shotgun

4. Nagsumbong sa kinauukulan ang duwag na legong asendero.


isang katiwala sa hacienda
5. Kahit libakin ng mga guro, pursigido pa rin siyang makatapos ng pag-aaral.

maninira ng tao /mang insultu ng tao

6. Salimbayan ang idea at gawain sa isip ng pinuno para sa bago niyang plano.

hindi alam kung ano ang gagawin

7. Asarol ang isa sa mga kasangkapang gamit ng mga magsasaka.

isang gamit na pangbukal ng lupa

8. Nagdili-dili ang binata kung saan ba niya unang nasilayan ang misteryosang
dilag.
nag-alinlangan/nalilitu

9. Patuloy na tinudla ng kanilang panig ang argumento ng kalabang panig.


ipinaglaban

c. Tampok na Panitikan
Ang problema sa pagmamay-ari sa lupa ay matagal nang suliranin sa
Pilipinas. Isa ito sa mga inilarawang kalagayan ni Rizal sa kaniyang mga
nobela. Batay sa tunay na karanasan, mismong ang pamilya ni Rizal ay
nakaranas ng panggigipit matapos silang palayasin sa kanilang lupang
sinasaka sa Calamba. Ayon sa historyador na si Ambeth Ocampo (2012), ang
lupang ito ay bahagi ng malawak na lupaing hacienda na pag-aari ng mga
Dominiko sa lalawigan ng Laguna at Batangas. Nirerentahan ito ng mga
Pilipino kabilang ang pamilya ni Rizal. Isa itong kabalintunaan dahil ang
pagmamay-ari ng lupa sa Pilipinas ay nasa misyonerong Espanyol sa halip na
sa mga katutubong Pilipino. Basahin ang sumusunod na buod ng ilang
kabanata sa El Filibusterismo. Suriin ang kalagayang inilatag ni Rizal sa
bahaging ito ng nobela.

MGA PAKIKIPAGSAPALARAN

(Buod Ng Kabanata 4–6)

Ibinuod ni Christopher S. Rosales


Kilala si Tandang Selo bilang mangangahoy sa gubat na iyon ng Tiana malapit
sa San Diego. Sa panahon ng kaniyang kabataan ay nangangaso siya rito’t
namumutol ng mga puno. Subalit ngayong matanda na siya’y paggawa na lamang
ng walis ang kaniyang pinagkakaabalahan. May isang anak-si Telesforo na higit na
kilala sa tawag na Tales. Sa tulong ni Tales at ng asawa nito’t mga anak, nagawa
nilang hawain ang madawag na gubat na ipinagpalagay nilang walang nagmamay-
ari. Ano’t habang nililinis nila ang sukal biglang dinapuan ng sakit ang asawa niya’t
panganay. Waring nagalit sa kanila ang diwata ng gubat. Di nagtagal ay binawian
sila ng buhay.
Tinatagan naman ni Tales ang kaniyang loob. Kasama
ng kaniyang ama’t anak ay buong tiyaga nilang nilinang ang lupa haggang sa ma
ang sari-saring prutas at gulay. Gayunman, sa kanilang Paano ka tutugon kung
basta na lamang
unang ani ay may isang korporasyong relihiyoso na big- inangkin ng iba ang
pinaniniwalaan mong
la na lamang nagpakita at pilit na nang-aangkin sa kanilang pag-aari mo?

lupain. Pinahintulutan naman silang patuloy na tamnan at pakinabangan ang lupa sa


kondisyong magbayad sila ng tatlumpung piso kada taon. Noong una’y hindi rito
sumang-ayon si Tales, subalit hinimok siya ng kaniyang ama na magparaya na
lamang. “Isipin mo na lang na nahulog sa tubig at nilulon ng
buwaya,”makahuluganng wika ni Tandang Selo. Sa huli’y pumayag din si Tales.
Sa paglipas ng mga taon ay nanagana pa nag husto ang taniman ng mag-ama.
Nakapagpatayo na ng bahay si Tales sa nayon ng Sagpang at itinalaga pa siya ng
kanilang barangay bilang kabesa. Ano’t sa pagdami’t paglaki ng kanilang ani ay
tumaas nang tumaas ang sinisingil ng korporasyon. Nang umabot na sa
dalawangdaang piso ang hinihinging bayad kada taon ay doon na umalma si
Kabesang Tales. Dugo’t pawis ang inilaan niya para sa kanilang lupa. Nagbuwis din
ng buhay para dito ang kaniyang anak at asawa. Walang sinumang dayuhan ang
may karapatang angkinin na lang ito basta sa kaniya. Ipinaglalaban niya ang
kanilang lupa hanggang kamatayan! Nang dumulog sa hukuman si Kabesang Tales
ay tiim-bagang siyang nanindigan. Aniya, hindi siya magbabayad ng kahit isang
kusing hagga’t walang naipapakitang kasulatan o titulo ang mga prayle na
nagpapatunay na pagmamay-ari nga nila ang gubat. Ang mga naipong pera ni
Kabesang Tales ay ipinambayad sa mga abogado at opisyal na nanamantala sa
kaniyang abang kalagayan. Samantala, hidi namn makapagbaba ng hatol ang mga
hukom dahil sa takot na mapatalsik sila sa puwesto.Araw-gabing nagmatyag sa
gubat si Kabesang Tales, pasan-pasan ang kaniyang eskopeta. Sa takot namn ng
legong asendero na mapatay siya ni Tales ay nagsumbong siya sa mga
kinauukulan. Nooon din ay nagbaba ng kautusan ang Kapitan Heneral na
nagbabawal sa paggamit ng anumang sandatang pumutok. Di naman
nagpatinagnag ang ginoo at patuloy na nagtanod sa gubat gamit ang kaniyang
gulok. Hanggang sa isang araw, bigla na lang dinakip ng mga tulisan si Kabesang
Tales at isinama sa mga bihag na bandido. Hinihingan ng limandaang piso ang
kaniyang mga kaanaak upang maatubos siya Dalawang araw lang ang taning.
Pagkatapos niyon, pupugutan na siya.

Ibinuod ni Christopher S. Rosales


Ibinuod ni Christopher S. Rosales
Ibinuod ni Christopher S. Rosales

(Buod ng Kabanata 4–6


Kilala si Tandang Selo bilang mangangahoy sa gubat na iyon ng Tiana malapit sa
San Diego
Kilala si Tandang Selo bilang mangangahoy sa gubat na iyon ng Tiana malapit sa
San Diego. Sa panaho

Kilala si Tandang Selo bilang


mangangahoy sa gubat na iyon ng
Tiana malapit sa San Diego. Sa
panahon
Kilala si Tandang Selo bilang
mangangahoy sa gubat na iyon ng
Tiana malapit sa San Diego. S
Kilala si Tandang Selo bilang
mangangahoy sa gubat na iyon ng
Tiana malapit sa San Diego. Sa
panahon
Labis na ikinalungkot ni Tandang Selo ang balitang iyon, maging ng anak na si
Juli. Dali-dali ay inilabas ng dalagitang si Juli ang lahat ng kaniyang ipon at ipinagbili
ang kaniyang mga hikaw, suklay, at rosary. Ang tanging itinira niya ang relikaryong
brilyante na regalo sa kaniya ni Basilio. Gayunman, sa kabuuan ay dalawnangdaan
at limampung piso lamang ang natipon niya. Kung kaya, nagpasiya siya na isangla
na ang kanilang bahay. Sa tulong ni Herman Bli ay madali naman siyang nakahanap
ng magpapautang. Iyon nga lang kailangang mamasukan ni Juli bilang katulong
hagga’t hindi pa nababayaran ang utang. Hindi naman ikinatuwa ni Tandang Selo
ang desisyong iyon ng kaniyang apo. Si Juli na mala-rosas ang kutis at siyang
pinakamarikit sa kanilang nayon, magiging alila lang ng kung sino?
“Magpapakamatay ako sa gutom kapag itinuloy mo ang balak mo” namimighating
wika ni Tandang Selo. Pinayapa namn siya ni Juli at sinabing ito lamang ang naiisip
niyang paraan upang mapalaya ang kaniyang ama. Noong gabing iyon, naidlip ang
maglolo sa banig ng lungkot at takot.
Samantala, nakarating na sa San Diego si Basilio. Noche Buena na noon.
Pansamantala ang kaniyang biyahe dahil sa isang kutserong nakalimot magdala ng
sedula. Dinakip ito ng mga guwardiya sibil at binugbog nang ilang ulit bago dinala sa
kuwartel. Habang nanonood ng parade ng mga santo ay natanaw ni Basilio ang
makulay at maingay na tahanan ng katukayong si Kapitan Basilio. Doo’y nasilip
niyang kasama ng Kapitan ang kura at alferez. Lhat sila’y tumitingin sa mga
ipinagbibiling alahas ni Simoun. Maya-maya pa’y dumiretso na si Basilio sa tahanan
ni Kpitan Tiago at saka nakibalita sa mga katulong. Doo’y nabaatid niya ang
ginawang pagdukot ng mga tulisan kay Kabesang Tales.
Kinabukasan ng madaling araw, palihim na nagtungo si Basilio sa matandang
gubat ng mga Ibarra na ngayo’y pag-aari na ni Kapitan Tiago. Binagtas niya ang
kadiliman, tumawid sa batis, taimtim na nanalangin. Dito nakalibing ang kaniyaang
ina na nabaliw at namatay sa labis na pagdaralita labintatlong taon na ang nakaraan.
Tandang-tanda niya pa ang gabing iyon. Habnag yakap-yakap ni Basilio ang
bangkay ng kaniyang ina ay may biglang dumating na lalaki na kumuha ng mga
panggatong kapalit ng ilang salapi. May susunugin itong isang pang bangkay.
Pagkaraan siyang tulungan ng lalaki na ilibing si Sisa ay humayo na si Basilio
patungo sa Maynila upang don na makipagsapalaran.
Ilanga raw na nagpalaboy-laboy sa kalsada si Basilio. Msy ialng pagkakataon
na natutukso siyang magpasagasa sa mga kabayon nagdaraan upang tuluyan nang
magwakas ang kalunos-lunos niyang kapalaran. Sa kabutihang palad ay tinanggap
siya ni Kspitsn Tiago bilang utusan. Walang bayad sa kaniya ang Kapitan, maliban
sa libreng pag-aaral sa San Juan de Letran. Naging mahirap para kay Basilio ang
mga unang taon niya sa Letran. Naroong pandirihan siya ng mga kamag-aral dahil
sa marungis niyang anyo. Naroong libakin at iaphiya siya ng kanilang guro. Ngunit
tinatagan ni Basilio ang kaaniyang loob. Ngsikap siya. Walang tigil siyang nagbasa
ng mga aklat. Di nagtagalay nakapagtapos din si Basilio sa Letran at gianwaran pa
ng sobresaliente na may kasamang medalya. Dahil sa labis na paghanga ay
ipinasok naman siya ni Kapitan Tiago sa Ateneo kung saan siya kumuha ng
Batsilyer sa Medisina. Habang nag-aaral ay tumanggap ng kabi-kabilang papuri si
Basilio dahil sa angkin niyang sigasig at husay. Ngayon nga’y nasa huling taon na
siya ng Medisina. Dalawang buwan na laman at magiging isang ganap na siyaang
doctor. Kapag nangyari iyon ay muli siyang babalik sa San Diego upang pakasalan
si Juli.
Nagsasalimbayan pa rin sa isipan ni Basilio ang kay daming alaala naglalakaad
siya pabalik sa bayan. Ano’t biglang-bigla, sa di kalayuan ay may natanaw siyang
isang anino ng lalaki na may tanagn na asarol. Sa liwanag ng lamparang hawak ng
anino ay namukhaan ni Basilio kung sino ito---matangkad, maputla ang mga labi,
mapula ang mga mata. Ang alaherong si Simoun! Si Simoun at ang lalaking bigla na
lamang lumitaw kasaby ng pagkamatay ng tagapagmana ng lupaing iyon ay iisa!
Subalit sino si Ibrra sa dalawang estrangherong nakaharap niya--- ang buhay o ang
bangkay?
Patuloy na nagmasid nang palihim si Basilio, Walang humpay sa paghuhukay si
Simoun, ang Indiong Ingles na tinatawag ng marami na Kayumanging Kardena.
Eminensya Negra, at masamang espiritu ng Kapitan Heneral. Napansin ni Basilio
ang labis na paghingal at pagkahapo ni Simoun kaya naglakas- loob na siyang
lumapit at maglahad ng tulong. Napalundag naman sa gulat ang alahero nang
makita siya. Agad itong dumukot ng baril at itinutok sa binate. Pinakalma naman siya
ni Basilio at ipagpapalagay lang ng lahat na mga tulisan ang pumuslang sa kaniya.
Taglay na ngayon ng binatilyo ang lihim na makapagpapabagsak sa kaniya. Subalit
sa kabila nito ay hahayaan niya itong mabuhay. Kung bakit ay dahil gayaniya, may
kailangan din itong singilin sa lipunan. Kapuwa sila uhaw sa katarungan. At sa halip
na magpatayan ay dapat silang magtulungan.
Sansaglit na luminga-linga ang alahero sa paligi, pagkuwa’y nagpatuloy siya
sa pagsasalaysay. Kuwento ni Simoun, siya nga ang lalaking nagtungo sa gubat
upang gawaran ng marangal na libing ang isang kaibigang yumakap sa kamatayan
alang-alang sa kaniya. Pagkaraab niyang dumanas ng kasawian sa pusakal na
Sistema ay naglagalag siya sa buong mundo, araw-gabing nagsikap upang
magkamal ng kayamanan at matupad ang kaniyang mga balak. At ngayon nga’y
nagbalik siya sa sariling bayan bilang isang komersiyante. Ngunit sa halip na
tuwirang labanan ang buktot na Sistema ay higit niya pang pinasigla ang kasakiman
at hinihikayat ang krimen at kalupitan upang masanay ang bayan sa larawan ng
kamatayan. Pinamalagi niya ang ligalig upang kusang mag-isip at mapukaw na
maghimagsik ang taong- baya. Subalit biglang dumating ang mga tulad ni Basilio,
silang mga umaawit ng pagtitiwala sa gobyerno. Humihingi sila ng pagkakapantay-
pantay sa batas, ng Espanyolisasyon ng sariling mga kaugalian, subalit hindi nila
nakikitang ang hinihingi nila’y kamatayan, ang kapariwaraan ng kanilang
pagkabansa! “At magiging ano kayo sa hinaharap? Isang bayang walang katangian,
walang kalayaan. Magiging ano kayo sa hinaharap? Isang bayang walang
katangian, walang kalayaan. Magiging pawing hiram ang lahat ng inyo, maging ang
inyong mga kasarian,” naghihimagsik na sabi ni Simoun.

Paano
Sinalungat naman ni Basilio ang alahero at sinabing napagbubukod ng
Mapagbubuklod ng wikang Espanyol ang buong kapuluan. wika ang inyong
pamayanan?
Gayunaman, muli siyang tinudla ni Simoun. Aniya, ang wika
ang pag-iisip ng bayan. Habang napag-iingatan ng isang bayan ang kanyang wik,
napapanatili rin nito ang kaniyang kalayaan. Dagdag pa ni Simoun, kung ayaw ng
mga Espanyol na ituro sa eskwela ang kanilang wika, nararapat na linangin ang
sariling atin at ito’y palaganapin. Mahalaga na magkaroon ng kaisipang nagsasarili
ag bawat isa upang hindi isipin ng mga banyaga na sa karapatan, kaugalian, at wika
ay nasa sariling tahanan siya.
Umalma namn sa panukalang ito su Basilio. Aniya, ayaw niyang makialam sa
politika. Ipinaglalaban niya ang pagtuturo ng Espanyol dahil sa palagay niya’y
makakabuti ito sap ag-aaral. Iyon lang at wala nang iba. Ang kaya niya lang gawin
ay ang gamutin ang karamdamang pisikal ng kaniyang kababayan.
“Ngunit paano ang karamdamang moral” kanti ni Simoun. “Hindi ba’t lalong
dakila ang makapagkaloob ng bagong buhay sa naghihingalo nating bayan? Hindi
mob a alam na walang kabuluhan ang buhay na hindi iniuukol sa isang dakilang
layunin? Isa itong munting batong nasadlak sa parang sa halip na maging bahagi ng
isang gusali.”
Matagal na natahimik si Simoun. Napagwari niyang hindi niya pa rin
napupukaw ang isip ni Basilio. Maya-maya pa’y bumaling siya sa ibang estilo ng
pangangatwiran at pagtatanong” Anon ba ang ginagawa mo alang-alang sa gunita
ng iyong ina at kapatid? Sapat na bang dumalaw ka rito taon-taon at parang
babaeng ngumunguyngoy sa ibabaw ng puntod?”
Nasukol sa tanong na iyon si Basilio. Nagalit siya at nagwikang hindi maibabalik
ng paghihiganti ang buhay ng kanyang mga kaanak. Isa pa, magoging biktima lang
din siya ng iba. Ano ang kaniyang mapapala?
“Maiiwasang danasin ng iba ang iyong mga naging pagdurusa” tugon ni
Simoun,” Wala nang mga anak na papaslangin o mga inang babaliwin. Tandaan mo,
walang mang-aalipin kung walang paaalipin”
Maya-maya pa, napasin ni Simoun na malapit nang magbukang liwayway.
Winakasan niya ang pakikipagtalo sa binate at tuluyan na ritong nagpaalam.
Sinabihan niya si Basilio na sakaling magbago ito ng palagay ay maaari siyang
dumalaw sa kaniyang tahanan sa Escolta, Gayundin, binalaan niya ang binata na
sakaling magsumbong ito sa kinauukulan ay tiyak na ang Eminensya Negra pa rin
ang paniniwalaan. Pgkatapos noon ay malugod nang nagpasalamat si Basilio at
saka tumakbo papalayo.

d. Panunuring Pampanitikan

Teoryang Historikal
Ang historikal na pagsusuri sa isang akdang pampanitikan ay tumutukoy sa
pag-unawa sa akda batay sa mga pangyayari at karanasang pumapalibot sa
pagkakabuo nito. Sakop ng historical pagsusuri ang mga karanasan at buhay ng
may –akda at ginagamit ang mga ito upang bigyan ng interpretasyon ang mga
pangyayari sa salaysay.
Sinasabing ang dulog historikal ay isa sa pinakamatandang pamamaraan na
gamit sa pagsusuri ng akda. Ayon sa www.carleton.educ, hindi na naging palasak
ang paggamit ng dulog historikal sa pagdating ng gitnag bahagi ng ika-20 siglo dahil
na rin sap ag-usbong ng tinatawag na “New Criticism” na naghihiwalay sa awtor at
sa kaniyang akda. Subalit mulig itong bumaik sa bihis ng tinatawag na’New
Historicism.” Batay kay Lois Tyson, ang isang akdang pampanitikan ay nagssisilbing
“cultural artifact” na makapagssasalaysay ng ugnayan ng mga diskurso at sapot ng
mga kahulugang panlipunan na nangyayari sa panahon at lugar kung saan isinulat
ang akda.
Ang El Filibusterismo, bilang isang nobelang pampolitika ay masusuri sa
pamamagitan ng teorayng historikal. Inilalarawan ni Rizal sa tiyak at simbolismong
pamamaraan ang kalagayan ng lipunan at politika sa Pilipinas sa ilalim ng
pamamahala ng mga Espanyol. Masasalamin sa akda kung ano-anong mga
pangyayari at mga patakarang umiiral sa lipunan at bansa. Tunsy ngang ang El Fili,
gayundin ang Noli, ay maituturing na “cultural artcraft” na magsasalaysay ng mga
katotohahanan sa kaugnayan ng bansa sa panahon ng pamumuhay ng may-akda.

e…Palihang Pampanitikan
Ilang Pangyayari sa Pilipinas sa Panahong
Isinusulat ang El Filibusterismo

Sa nakalipas na aralin, tinalakay ang pag-aalalang nararanasa ni Rial


sa panahong isinusulat niya ang El Filibusterismo. Isa sa mga dahilan ng
pag-aalalalang ito ay ang kalgayan n kaniyang pamilya sa Calamba, Laguna
na noon ay nakararanas ng panggigipit mula sa mga Espanyol dahil sa
problemaang agraryosa kanilang bayan. Bakit nga ba nangyari ang
panggigipit na ito?
Ayon kay Ambeth Ocampo (2013), ang pamilya ni Rizal ay isa sa mga
pamilyang may magandang relasyon sa mga Dominiko, ang orden na
nagmamay-ari ng malawak na hacienda sa Laguna at Batangas, gayundin
sa mga namamahala sa mga hacienda. Tumanggap umano sila ng espesyal
na pagturing mula sa mga ito. Sa katunayan, ayon kay Ocampo, noong
1883, sa isang liham ay pinaalalahanan ng nakakatandang kapatid na si
Paciano si Jose na maging magpasalamat sa mga Dominiko. Pumayag
umano ang korporasyon na maupahan nila nag kanilang lupaing sinasaka
sa Pansol, Laguna sa halip na ipaupa ito sa iba. Ayon kay Paciano, naisin
ng korporasyon ang kabutihan ng kanilang pamilya kahit na walang
obligasyong anuman ang mga ito sa kanial, at tila binibigyan sila ng mga ito
ng pabor sa abot ng makakaya ng kanilang kapangyarihan.
Gayunman, sa parehong taon ay sumusulat muli si Paciano kay Rizal
na nagkukuwento tungkol sa panhaon ng pagbabayad ng renta sa lupa at
ibinalitang di katulad ng dati, tinanggap ang kanilang bayad nang walang
ibinibigay sa kanilang resibo kaya’t wala siyang ebedensiya ng pagbabayad.
Nagtaas din umano ang pagbabayad ng renta nang walang pagsasaalang-
alang kung may malak o maliit na ani. May mga pagkakataonng
nangungutang ng pera ang mga magsasaka para may maipambayad.
Noong ika- 39 ng Disyembre 1887, sinilip ng pamahalaan ang buwis
ng mga taga- Calamba at kasama sa nasilip ay ang pagbabad ng lupa. Nng
panhong iyon ay nasa Pilipinas si Rizal at sinimulan na nag pagsulat ng
kaniyang ikalwang nobela. Sumulat siya noong Enero 1888 ng isang
petisyon na pinirmahan ng mga principales ng bayan na kumukuwestiyon
sa legalidad ng pagbabayad ng renta at pagmamay-ari ng lupa ng mga
Dominiko. Kasunod nito, sa pagsabok ng Pebrero ay tumanggi nang
magbayad ng upa ang mga taga-Calamba. Nagpursige ang mga Dominiko na
singilin ang mga umuupa pero hindi na talaga sila ng nagbayad. Isang taon
makalipas ay dinala ng mga Dominiko ang kaso sa korte ng Calamba
subalit sila ay natalo. Hindi sila tumigil at dinala naman ang kaso sa
Panlalawigang Korte ng Santa Cruz na nagbigay ng paborableng desisyon sa
kanila. Kasunod nito ang ay ipinag-utos ng korte na magbayad na ng upa
ang mga tag-Calamba na patuloy naming tumanggi. Dahil dito, nagpadala
ang korte ng mga kawani nito kasama ang 50 sundalo upang ipatupad ang
kautusan. Ngresulta ito sa pagkasunog ng mga bahay at pagkasugat ng mga
magsasaka. Napalayas sila sa kanilang lupain. Nang magtangka silang muli
bumalik, ipinag-utos naman ng gobernador-heneral na ipatapon ang ilan sa
kanila sa Mindoro. Kabilang sa mga naitapon ay si Paciano at sina Antonio
Lopez at Silvestre Ubaldo, mga mag asawa ng mga kapatid ni Rizal na sina
Narcisa at Olimpia. (Ocampo. 2013)
Ayon kina Diosdado Capino, Ma. Minerva Gonzales, at Filifinas Pinea
sa kanilang aklat na Rizal’s Life, Works, and Writings: Their Impact on our
National Identity (2005), sa loob ng apat na taon na pagitan ng pagkalimbag
ng Noli Me Tangere (1887) at El Filibusterismo (1891), pinalilim ang mga
kaisipan ni Rizal ng mga karanasan ng kaniyang pamilya at kapuwa Pilipino
sa Pilipinas. Ang mga ito ang naging impluwensiya niya sa pagsulat ng
ikalawa niyang nobela.

Modyul 16
Pangalan:____________________________________Seksiyon:___________________
Marka:________

V. Pagsubok:
A. Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.
1. Ano ang pamagat ng kabanatang iyong binasa ? Mga Pakikipagsapalaran
2. Sino ang tinatag na kabesa ng kanilang barangay? Kabesa Tales
3. Magkano ang hinihingi ng mga tulisan sa kamag-anak ni Tales upang
maatubos si Tales? Limangdaang piso
4. Sino si Simoun? Ano ang kanyang mithiin?
isang alahero
mithiin niya na mahinto ang pang-aalipin at pagiging sunod-sunuran
ng mga Pilipino sa sa mga dayuhang Espanyol.
5. Sino ang tumulong kay Juli para mapadali ang paghahanap niya ng
pera, para itumbas sa kanyang amang si Tales? Herman Bli

B. Sa pamamagitan ng talahanayan, tukuyin ang papel na


ginagampanan ng mga tauhan sa akda:
Pangyayaring Tunggaliang Tagpuang Kinahahantungan
Tauhan Kinasangkutan Kinahaharap Kinabibilangan sa Pagwakasa ng
Buod

Kabesang Dinakip ng mga Ipinatutubos Agawan ng Nakabihag


Tales tulisan. siya ng lupain kasama ng mga
limandaang bandido
piso na may
dalawang araw
na taning at
pagkatapos ay
pupugutan.
Simoun Natulasan ni Nais niyang Naghihikayat Umalis na
Basilio ang maghiganti sa sa mga tao na nanatili pa rin sa
kaniyang mga kastila kumampi sa kanyang
totoong kanya laban sa prinsipiyo laban
katauhan mga kastila sa mga kastila

Basilio Nagtagpo sila Siya ay Pagtatalo sa Nagwakas ang


ni Simoun sumasalungat pagitan nilang kanilang
kay Simoun dalawa ni pagtatalo at
Simoun umalis na rin.

Juli Pagtubos sa Mga tuilisang Ibinenta ang Namasukan


kanyang dumakip sa kanyang mga bilang isang
amang si kanyang ama alahas at katulong
Kabesa Tales nangutang ng
pera dahil ito
ay kinulang
para pangtubos
sa ama
Tandang Selo Pinagbabayad Isang Agawan ng Dinakip ang
ng upa sa korporasyon lupain kanyang anak na
lupain ng relihiyoso si Kabesa Tales

Kasagutan sa Pagsubok A:
1. Mga Pakikipagsapalaran
2. Tales
3. Limandaang piso
4. a. isang alahero
b. mithiin niya na mahinto ang pang-aalipin at pagiging sunod-
sunuran ng mga Pilipino sa sa mga dayuhang Espanyol.
5. Herman Bli

You might also like