You are on page 1of 13

10

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

FILIPINO
Kwarter IV – Linggo 6
Padre Florentino: Salamin
ng Mabuting Ugaling Pilipino

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 10
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 6: Padre Florentino, Salamin ng Mabuting Ugaling Pilipino

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Lodevics E. Taladtad
Pangnilalamang Patnugot: Lorna A. Quiatzon
Editor: Eva R. Zumarraga
Tagawasto: Luis R. Mationg
Tagasuri: Luis R. Mationg, Ligaya A. Miraflor at
Mary Jane D. Altes

Tagaguhit: Eva R. Zumarraga


Tagalapat: Lodevics E. Taladtad

Tagapamahala: Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS


Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:
Ronald S. Brillantes Enrile O. Abrigo Jr.
Mary Jane J. Parcon Ernesto P. Socrates Jr.
Ronald N. Fragata Maja Jorey B. Dongor
Joseph D. Aurello

Joseph D. Aurello
Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)
Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Padre Florentino: Salamin ng Mabuting
Ugaling Pilipino

MELCs: Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan, kapwa-tao at magulang)
(F10PB-IVd-e-88)

Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay ng:


- karanasang pansarili
- gawaing pangkomunidad
- isyung Pambansa
- pangyayaring pandaigdig (F10PN-IVf-90)
Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayari ang nabasang teksto/akda ang
pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda.(F10PD-lvb-c-82)

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang kaisipan sa mga kabanata kaugnay sa;
- karanasang pansarili
- gawaing pangkomunidad
- isyung pambansa
- pangyayaring pandaigdig
2. Natutukoy ang kaisipang lutang sa akda kaugnay sa Diyos, bayan, kapwa-tao
at magulang
3. Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga pangyayari partikular ang tradisyon sa
nabasang mga kabanata

Subukin Natin
A. Panuto:Basahin at unawain mo ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang
sagot na tinutukoy sa bawat aytem at isulat sa patlang bago ang bilang.

____1. Kilala siyang mayamang paring Indiyo na naging amain ni Isagani.


A. Salvi B. Camorra C. Sibyla D. Florentino

____2. Alin sa sumusunod ang kaisipang may kaugnayan sa kapwa tao at gawaing
pangkomunidad?
A. Pag-ibig lamang ang makagagawa ng mga bagay na kahanga-hanga
B. May sariling katuwiran ang Diyos na hindi natin nalalaman
C. Mapapawi rin ang lahat ng sakit pagkalipas ng ilang sandali
D. Kung ano ang pamahalaan, gayon din ang mamamayan

____3. Sino ang sinisimbolo ni Padre Florentino sa kasalukuyan?


A. Paring may pagnanasa sa kayamanan ng simbahan
B. Paring tumutupad sa sinumpaang tungkulin sa simbahan
C. Alagad ng Diyos na may interes sa pansariling kapakanan
D. Alagad ng Diyos na ginagawang negosyo ang simbahan

1
Para sa bilang 4-6

Si Simoun ay sugatan at nanghihinang kumakatok sa tahanan ni Padre


Florentino. Walang tanong-tanong ay buong tinanggap ng pari si Simoun at
tinulungan ang may sakit. Inisip na lamang niya na kaya ganoon si Simoun ay
dahil umalis na ang kaibigan nitong Kapitan Heneral kung kaya’t hinahabol
siya ng mga naiinggit sa kanyang kayamanan at yaong kinuhanan nya ng mga
kayamanan.
(Pinagkunan: Glady E. Gimena at Leslie S. Navarro, Ang Pinaikling Bersiyon
El Filibusterismo ni Jose Rizal, Prime Multi-Quality Printing Corp., 2009)

____4. Batay sa talata, anong kultura at tradisyon ng mga Pilipino ang ipinapamalas na
hanggang sa kasalukuyan ay taglay pa rin ng ating lahi?
A. Masipag B. Matulungin C. Mapagmataas D. Mapagkunwari

____5. Alin sa sumusunod ang angkop na kaisipang may kaugnayan sa talata?


A. Ang pagtulong sa kapwa ay tunay na dakila
B. May inaasahang kapalit ang pagtulong sa kapwa
C. Likas sa mga Pilipino ang magmalasakit at tumulong sa kapwa
D. Kaloob ng Diyos sa bawat isa ang pagiging matulungin

___6. Ang mabubuong kaisipan sa talata ay may kaugnayan sa _________.


A. Kapwa-tao B. Diyos C. Magulang D. Bayan

B. Panuto: Tukuyin ang pinatutungkulan ng sumusunod na kaisipan. Piliin ang sagot sa


loob ng kahon sa ibaba at isulat ang titik sa patlang bago ang bilang.

___7. Pag-ibig lamang ang makagagawa ng mga bagay na kahanga-hanga at kasiya-siya


___8. May sariling katuwiran ang Diyos na hindi natin nalalaman
___9. Mapapawi rin ang lahat ng sakit pagkalipas ng ilang sandali
___10. Kung ano ang pamahalaan, gayon din ang mamamayan

A. Karanasang Pansarili B. Diyos C. bayan D. Kapwa-tao

2
Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan ng Balakid
Ang pagtulong sa kapwa ay tradisyon na nating mga
Pilipino. Hindi lang ito natutuhan sa paaralan kundi maging
Indiyo – tawag sa mga
sa simbahan ay bahagi rin ng sermon ng pari ang pagtulong
Pilipino o karaniwang sa kapwa-tao. Katulad ni Pari Florentino sa Obrang El
mamamayan noong Filibusterismo, naging salamin siya ng Pilipinong may
panahon ng Kastila. pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa. Sino o anumang
problema ng kanyang kapwa ay handang pakinggan at
Kubyerta – palapag ng tulungan. Kitang-kita sa pagkatao ng pari ang matibay na
sasakyang pandagat o pagpapahalaga sa karangalan ng kaniyang pagkatao at
barko. kabanalan ng kaniyang tungkulin bilang isang pari.

Busabos – alipin noong


panahon ng Kastila. Alam mo ba kung sino Siya si Padre Florentino,
ang mabuting paring ang may pagmamalasakit
Meztizo/a – maputi at Indiyo na nagmula sa at handang tumulong sa
makinis ang kulay mayamang pamilya? kanyang kapwa.
dahil may lahing
kastila.
Guwardiya Sibil –
alagad ng batas noong
panahon ng Kastila.

Natatandaan mo pa ba ang paksang aralin sa CLAS 5? Nawa ay natutuhan mo ang


tungkol sa buhay at papel na ginampanan ni Isagani sa akda. Huwag mong kalilimutan
na siya ay isang makatang mag-aaral dahil sa lalim ng kahulugan ng kanyang mga
pahayag kahit sino man ang kanyang kausap. Ngayong aralin ay matututuhan mo ang
tungkol sa buhay ng isang tauhang pari na nagiging salamin natin sa paggawa ng
mabuti sa kapwa-tao.Malalaman mo rin ang kasaysayan ng buhay ni Padre Florentino
bilang isang anak, binata at mag-aaral bago siya naging pari.Halika at alamin natin.

Papel na Ginampanan ni Padre Florentino


sa El Filibusterismo
Si Padre Florentino ay paring Tagalog na amain ni Isagani. Kasalukuyan siyang
nakatira sa kanilang tahanan sa babayin ng Pasipiko na minana niya sa kaniyang
ina. Nakasakay siya sa ibabaw ng kubyerta patungo sa Los Baños Laguna. Kasabay
niya sa itaas ang mga paring Kastila, mga mayayaman, mga makapangyarihan, mga
prayle at kinikilala sa lipunan. Samantala ang mga karaniwang nilalang tulad ng
mestizo, Indiyo at mga Intsik na nabibilang sa mababang antas ay nasa ilalim ng
kubyerta. Malaki ang pagsasaalang-alang kay Padre Florentino ng mga nasa
kapaligiran niya sapagkat ang balanang lumalapit ay nagpupugay nang buong galang.
Nasa kaaya-aya niyang mukha ang pang-akit sa mga taong bumabati na tinutugon
naman niya nang buong lugod. Sa kabila ng kaniyang putiang buhok, matipuno pa
rin ang kaniyang pangangatawan, tuwid ang ulo’t katawan bagamat wala sa kanyang
anyo ang pagmamataas.
3
Nasa kabuoan ng kaniyang personalidad ang matibay na pagpapahalaga sa
karangalan ng kaniyang pagkatao at kabanalan ng kaniyang tungkulin. Masasaning
siya ay kabilang sa bang panahon, sa ibang salinlahing ang mga lalaki ay Malaya at
hindi busabos, may matalinong kaisipan at hindi sunud-sunuran ang damdamin.
Mayaman at kilala sa lipunan ang kaniyang mga magulang. Ang kaniyang ina ay
minsan ding naging kaibigan ng arsobispo. Hindi kailanman pumasok sa kaniyng isip
ang pagpapari. Sa katanuyan, mayroon na siyang katipan nang ipasya ng kaniyang
inang pasukin ang ganitong bokasyon. Ano mang pagtutol at pangangatuwiran ang
ginawa niy, umiral pa rin ang katigasan ng loob sa inang naniniwalang kalooban ng
Diyos na si Florentino ay maging pari.

Idinaos ang kanyang una at maringal na misa sa edad na dalawampu’t lima.


Tatlong araw na nagkaroon ng pagdiriwang. Walang kahulilip na kaligayahan ang
nadama ng kaniyang ina kayat nang namatay ito, sa kaniya iniwan lahat ng yaman
nito. Gayon pa man, ito ay sumugat nang gayon na lamang sa damdamin ni Florentino
na wari’y wala nang paggaling. Bago idinaos ang kaniyang unang misa, nagpakasal8
sa isang walang dangal na lalaki ang kaniyang kasintahan. Simula noon, nawalan na
siya ng sigla. Marahil, kung hindi malaki ang pagsasaalang-alang sa tungkulin at sa
likas na kabaitan, natulad na rin siya sa di-iilang katulad niya noon na nabulid sa
bangin ng kawalang-dangal. Ginamot na pilit ang sarili sa pagbubuhos ng panahon sa
tungkulin at sa pag-aaral ng likas na karunungan.
Nang lumapit si Padre Florentino sa magkakaumpok sa itaan ng kubyerta, wala
na ang init ng mga pagtatalo. Sumulpot si Simoun sa nag-uumpukan at agad naman
siyang binati ni Don Custodio na para bang walang nagdaang pagsasalungatan sa
kanilang dalawa. Sinabi ni Simoun na wala nang pang-akit sa kaniya ang
magagandang tanawin, higit daw siyang interisado sa mga alamat. Si Padre Florentino
ay nagbahagi ng kaniyang nalalamang alamat. Ayon sa salaysay, si Donya Geronima
ay kasintahan ng isang binatang nagpari gayong nangakong pakakasalan ang dalaga.
Naghintay ito hanggang sa tumandang dalaga. Nang malamang arsobispo na ang
nobyo, nagsuot lalaki at tinungo ang dating kasintahan. Sapagkat di na mangyayaring
ito ay pakasalan pa niya, itinira na lamang niya ito sa isang kuweba, doon na rin ito
namatay na itinuturing na isang engkantada.

Sa huling kabanata na may pamagat na katapusan, si Simoun ay sugatan at


nanghihinang kumakatok sa tahanan ni Padre Florentino. Walang tanong-tanong ay
buong tinanggap ng pari si Simoun at tinulungan ang may sakit. Inisip na lamang niya
na kaya ganoon si Simoun ay dahil umalis na ang kaibigan nitong Kapitan Heneral
kung kaya’t hinahabol siya ng mga naiinggit sa kanyang kayamanan at yaong
kinuhanan nya ng mga kayamanan.
Nang araw ding iyon ay may dumating na sulat na nagsasabing may huhulihin
silang tao sa bahay ni Padre Florentino buhay man o patay ay huhulihin nila ito. Sa
pag-aakala ni Don Tiburcio de Espadana na noon ay nakikitira kay Padre Florentino
na siya ang huhulihin at dahil kagagawan iyon ng kanyang asawa ay dali-dali syang
nag-empake at umalis upang hindi abutan ng mga guardiya sibil. Kahit anong
paliwanag ni Padre Florentino na si Simoun ang pinatutungkulan ng sulat ay hindi
naniwala si Don Tiburcio at umalis pa rin ito.

Samantala, hindi alam ni Padre Florentino kung ano ang gagawin kay Simoun,
patatakasin ba ito o ano, kung kaya’t sinabi niya kay Simoun ang ukol sa sulat at
nagulat siya sapagkat ayaw ni Simoun na tumakas at ngumiti pa ito nang pauyam.

4
Umalis ang pari at pagbalik ay napansing nahihirapan si Simoun kung kaya’t kanyang
tinanong at sinabi nito na “Opo, konti lang po…ngunit sa loob ng ilang sandali ay
matatapos na din ang paghihirap ko!” At nalaman ni Padre Florentino na uminom pala
ng lason si Simoun. Mas nanaisin pa daw nitong mamatay kaysa mahuli ng buhay
ninuman.

Bago malagutan ng hininga si Simoun ay ipinagtapat niya kay Padre Florentino


ang lahat ng kanyang lihim na siya si Crisostomo Ibarra na nagbagong anyo upang
maghigante subalit siya ay nabigo. Ayon kay Padre Florentino ang kanyang pagkabigo
ay kagagawan ng Panginoon sapagkat hindi Nito nais ang paraan na pinili ni Simoun.
Ang kailangan ng bayan ay magtiis at gumawa upang makamtam ang kanyang layunin
at tanging pag-ibig lamang ang makapagliligtas. Sa pagtatapos ng kanilang usapan ay
wala ng buhay si Simoun at itinapon na ni Padre Florentino ang baul ng kayamanan
ni Simoun sa dagat Pasipiko.

(Pinagkunan: Glady E. Gimena at Leslie S. Navarro, Ang Pinaikling Bersiyon


El Filibusterismo ni Jose Rizal, Prime Multi-Quality Printing Corp., 2009)

Tayo’y Magsanay

GAWAIN
1
Panuto: Tukuyin ang pinatutungkulan ng sumusunod na kaisipan. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon sa ibaba. Titik lamang ang isulat sa patlang

_____1. Nasa kabuoan ng kaniyang personalidad ang matibay na pagpapahalaga sa


karangalan ng kaniyang pagkatao.

______2. Noong unang panahon, ang ina ang nagpapasya sa magiging bokasyon o
propesyon ng anak.

______3. Ang pagtugon sa pagpupugay ng kapwa ay tanda ng kabutihang dangal.

______4. Tanda ng pagmamahal sa lupang tinubuan ang pagbabalik sa sariling bayan.

______5. Tanging ang pag-ibig ng Diyos ang makapagliligtas sa bayan.

A. Diyos B. Bayan C. Kapwa-tao


D. Magulang E. Karunungang Pansarili

5
GAWAIN
2

Panuto: Ihambing ang tradisyon o kulturang nasasalamin sa kabanata sa kasalukuyang


panahon sa pamamagitan ng Venn Diagram. Isulat ang titik ng sagot na makikita sa oblong
sa ibaba.

PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA


A D

Tradisyon Noon Tradisyon sa


Kasalukuyan

1.
3. 4.
2.
5.

A. Malayang pumili ang anak sa bokasyon o propesyon na kaniyang kukuhanin sa


kolehiyo ayon sa kaniyang kagustuhan at kasanayan.
B. Mahilig sa mga kwentong kathang isip lang tulad ng alamat at naniniwala sa
pamahiin o walang katotohanan.
C. Nakasalalay sa kagustuhan ng magulang ang propesyon o bokasyon na kukuhanin
ng anak sa kolehiyo
D. May mga Pilipinong may mabuting puso at handang tumulong sa kapwa.
E. Ang kinahihiligan ay ang panonood at pagbabasa sa social media at
pinaniniwalaan ay ang katotohanan.

Replektibong Tanong :

Bakit nilikha ni Rizal si Padre Florentino bilang isa sa mga tauhan


ng El Filibusterismo?

______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
____

6
Ating Pagyamanin

GAWAIN
1

Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung may kaugnayan ito sa
A. Karunungang Pansarili B. Gawaing Pangkomunidad C. Pangyayaring Pandaigdig
D.Pag-ibig sa Diyos at E. Isyung Pambansa. Isulat ang titik sa patlang bago ang bilang.

_____1. Tuwing Linggo ay nagsisimba ang pamilyang Dela Cruz. Iminumulat ng haligi ng
tahanan ang kanyang mga anak kaugnay sa gawaing panrelihiyon.
_____2. Halos araw-araw ay nililinang ni Betong ang sarili sa larangan ng pagkanta,
pagsayaw at pag-arte.
_____3. Ang pinuno ng bayan ay bumuo ng programang nakatutulong sa mga
mamamayan para labanan ang COVID-19.
_____4. Kumakalat ngayon sa buong mundo ang COVID-19 kaya tinawag itong panahon
ng pandemya.
_____5. Hindi maiwasang magkaroon ng diskriminasyon sa pamahalaan, madalas
nabibigyan ng prayoridad ang kahilingan ng mga mayayaman kaysa sa
mahihirap.

GAWAIN
2
Panuto: Ipaliwanag ang kaisipan o aral mula sa mga kabanata ayon sa iyong sariling
pagkakaunawa. Piliin ang sagot sa loob ng caravan at isulat ang titik sa patlang bago ang
bilang.
_____1. Mapapawi ring lahat ang sakit pagkalipas ng ilang sandali.
_____2. Ang pagtitiis ang nagpapatibay, ang pakikipagtunggali ay nagpapalakas ng ating
kaluluwa.
_____3. May katuwiran ang Diyos na hindi natin nalalaman.
_____4. Walang isinudulot ang poot kundi kasamaan.
_____5. Pag-ibig lamang ang makagagawa ng bagay na kahanga-hanga at kasiya-siya.

A.Ang taong may damdaming galit B. Alam ng Poong Lumikha ang


ay nag-uudyok sa isipan na gumawa mangyayari sa lahat ng bagay gayon
nang hindi mabuti o labag sa din ang plano ng isang tao kung ito
kagustuhan ng Diyos. ay makabubuti o makasasama.

C. Ang pagtitiyaga at D. Giginhawa ang E. Kapag taglay ng tao


pagsisipag ang susi nararamdamang sakit o ang pag-ibig sa kapwa,
upang makamit ang mga problema pagkatapos siguradong makagagawa
pangarap sa buhay. pakalmahin ang sarili. ng mabuting resulta.

7
Replektibong Tanong:

Paano mo bibigyan ng pagpapahalaga at pangangalagaan ang mga pagmamalasakit


at pagtulong sa iyo ng iyong kapwa?

______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
____

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng talata.

Ating Tayahin

A. Panuto:Basahin at unawain mo ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang


sagot na tinutukoy sa bawat aytem at isulat sa patlang bago ang bilang.

____1. Sino ang mag-aalahas na pinag-uusig ng pamahalaan na tumuloy sa tahanan ni


Padre Florentino?
A. Isagani B. Don Tiburcio C. Simoun D. Basilio

____2. Alin sa sumusunod ang kaisipang may kaugnayan sa karanasang pansarili?


A. Pag-ibig lamang ang makagagawa ng mga bagay na kahanga-hanga
B. May sariling katuwiran ang Diyos na hindi natin nalalaman
C. Mapapawi rin ang lahat ng sakit pagkalipas ng ilang sandali
D. Kung ano ang pamahalaan, gayon din ang mamamayan

___3. Ang sumusunod ay sinisimbolo ni Padre Florentino sa kasalukuyan MALIBAN sa;


A. Pinagnanasaan ang kayaman ng simbahan
B. Tinutupad nang maayos at tama ang sinumpaan sa simbahan
C. Nagpaplano ng kaayusan ng sistema sa simbahang pinaglilingkuran
D. Malugod na tumatanggap ng mga taong may problema sa lahat ng aspeto
8
____5. Alin sa sumusunod ang angkop na kaisipang may kaugnayan sa kapwa-tao?
A. Ang pagtulong sa kapwa ay tinatanaw na may utang na loob
B. May inaasahang kapalit ang pagtulong sa kapwa
C. Likas sa mga Pilipino ang magmalasakit at tumulong sa kapwa
D. Kaloob ng Diyos sa bawat isa ang pagiging matulungin

Para sa bilang 6-7

Bago malagutan ng hininga si Simoun ay ipinagtapat niya kay Padre


Florentino ang lahat ng kanyang lihim na siya si Crisostomo Ibarra na nagbagong
anyo upang maghigante subalit siya ay nabigo. Ayon kay Padre Florentino ang
kanyang pagkabigo ay kagagawan ng Panginoon sapagkat hindi Nito nais ang
paraan na pinili ni Simoun. Ang kailangan ng bayan ay magtiis at gumawa upang
makamtam ang kanyang layunin at tanging pag-ibig lamang ang makapagliligtas.

(Pinagkunan: Glady E. Gimena at Leslie S. Navarro, Ang Pinaikling Bersiyon


El Filibusterismo ni Jose Rizal, Prime Multi-Quality Printing Corp., 2009)

____6. Batay sa talata, anong paraan ang naisip ni Simoun para siya’y makapaghigante?
A. Pakikipagkasundo B. Paghihimagsik C. Pagtitiis D. Pagmamahal

____7. Alin sa sumusunod ang angkop na kaisipang may kaugnayan sa talatang binasa?
A. Mapapawi rin ang lahat ng sakit pagkalipas ng ilang sandali
B. Kung ano ang pamahalaan, gayon din ang mamamayan
C. Likas sa mga Pilipino ang magmalasakit at tumulong sa kapwa
D. May sariling katuwiran ang Diyos na hindi natin nalalaman

B. Panuto: Tukuyin ang pinatutungkulan ng sumusunod na kaisipan. Piliin ang sagot sa


loob ng kahon sa ibaba at isulat ang titik sa patlang bago ang bilang.

___8. Kung ano ang pamahalaan, gayon din ang mamamayan


___9. Ang pagtitiis ay nagpapatibay, ang pakikipagtunggali sa sakit tulad ng COVID-19 ay
nagpapalakas ng ating kaluluwa
___10. Pag-ibig lamang ang makagagawa ng mga bagay na kahanga-hanga at kasiya-siya
lalo’t higit sa oras ng pandemya

A. Karanasang Pansarili B. Gawaing Pangkomunidad


C. Isyung Pambansa D. Pangyayaring Pandaigdig

9
Susi sa Pagwawasto

TAYO’Y MAGSANAY SUBUKIN NATIN ATING TAYAHIN


Gawain 1 1. D 1. C
1. E 2. A 2. C
2. D 3. B 3. A
3. C 4. C 4. A
4. B 5. B 5. C
5. A 6. A 6. B
Gawain 2 7. D 7. D
1. B 8. B 8. C
2. C 9. A 9. A
3. D 10. C 10. B
4. A
5. E

ATING PAGYAMANIN AKING NATUTUHAN


Gawain 1 1. Padre Florentino
1. D 2. Isagani
2. A 3. Baybayin ng
3. B Pasipiko
4. C 4. Simoun
5. E 5. Crisostomo Ibarra
Gawain 2
1. D
2. C
3. B
4. A
5. E

Sanggunian

Aklat:

Ambat, Vilma C., Teresa B. Eric O. Carino, Mary Ane R. Dasig, Willita A. Enrijo, Shiela C.
Molina, Julieta U. Rivera, Roselyn T. Salum, Joselyn C. Sayso, Mary Grace A. Tabora
at Roderic P. Urgelles. Panitikang Pandaigdig, Patnubay ng Guro, Pasig City: DepEd-
Vibal Group, 2015.

Gimena, Glady E. at Leslie S. Navarro. Ang Pinaikling Bersiyon El Filibusterismo ni Jose


Rizal, Prime Multi-Quality Printing Corp., 2009.
10
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL
Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito OPO HINDI
ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya.

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

11

You might also like