You are on page 1of 11

10

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

FILIPINO
Kwarter IV – Linggo 1
Kaligirang Pangkasaysayan
ng El Filibusterismo

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 10
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Ernesto P. Socrates Jr.
Pangnilalamang Patnugot: Eva R. Zumarraga
Editor: Lodevics E. Taladtad at Ligaya A. Miraflor
Tagawasto: Luis R. Mationg
Tagasuri: Ligaya A. Mirflor, Lodevics E. Taladtad at Mary Jane D. Altes

Tagaguhit: Eva R. Zumarraga


Tagalapat: Lodevics E. Taladtad

Tagapamahala: Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS


Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:
Ronald S. Brillantes Enrile O. Abrigo Jr.
Mary Jane J. Parcon Ernesto P. Socrates Jr.
Ronald N. Fragata Maja Jorey B. Dongor
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning


Joseph D. Aurello Resource Management Section (LRMS)
Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Kaligirang Pangkasaysayan
ng El Filibusterismo
MELCs: 1. Natitiyak ang kaligirang Pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan:
-pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda sa pagpapatuloy ng
pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuhan o ilang bahagi ng akda patuloy sa
layunin ng may akda sa pagsulat nito. (F10PB-Iva-b-86)

2. Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa


kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo. ( F10PN-IV-b-83)

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda at ang mga
layunin sa pagsulat nito

2. Natutukoy ang mga pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo.

3. Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayari tungkol sa kaligirang


pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot

1. Ano ang naging kalagayan ng mga kamag-anak ni Jose Rizal sa pagkalimbag ng


makamandag na babasahing Noli Me Tangere at bago simulan ang pagsulat ng El
Filibusterismo?
A. Masaya at puno ng kagalakan.
B. Naging maunlad at matiwasay ang pamumuhay.
C. Nakaranas ng matinding kasawian at suliranin.
D. Nagkaroon ng maraming oportunidad sa pamahalaan.

2. Nagkaroon ba ng kaugnayan ang mga nangyari sa lipunan sa pagsulat ni Jose


Rizal sa El Filibusterismo?
A. Oo, dahil isa ito sa mga dahilan ni Rizal upang isiwalat ang mga kabulastugang
nangyayari sa lipunan.
B. Hindi, dahil isinulat ito ni Rizal para sa kanyang pamilya.
C. Oo, dahil talento ni Rizal ang pagsulat.
D. Hindi, dahil wala naming kaugnayan ang akda sa nangyayari sa lipunan

3. Inihandog ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa ______________.


A. Pamilya C. Kabataan
B. Tatlong Paring Martir D. Mga Bayani
1
4. Bukod sa pangungulila kay Leonor Rivera, pagdadalamhati sa nawalang kaibigan
at pagdurusa ng pamilya , si Rizal ay nakaranas din ng ______________.?
A. Suliranin sa pananalapi C. Pag-iisa
B. Pagkabigo sa paglalakbay D. kawalan ng hanap-buhay

5. Ano ang layunin ni Rizal sa pagsulat ng El Filibusterismo?


A. Isiwalat ang lahat ng nangyayari sa pamahalaan at lipunan.
B. Maging tanyag hindi lamang sa Pilipinas, bagkus sa buong mundo.
C. Maipakita ang talento sa larangan ng pagsulat.
D. Maipagmalaki ng pamiya at mga kaibigan.
Para sa bilang 6- 10
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay
nagpapahayag ng katotohanan at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.
_________6. Si Jose Rizal ay nakaranas ng suliranin sa pananalapi sa pagsulat at
paglimbag ng El Filibusterismo.
_________7. Sa El Filibustrismo ipinakilala ni Rizal ang pagbabanyuhay niya bilang isang
nobelista.
_________8. Nailahad sa nobela ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at mga
kaakibat na problema.
_________9. Naapektuhan si Rizal sa pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng
mga pari, katulad ng pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa
mga babae at panggugulo.
_________10. Naging madali kay Rizal ang pagsulat at pagpapalimbag ng nobelang El
Filibusterismo.

Ating Alamin at Tuklasin


Paghawan ng Mayaman ang panitikan ng Pilipinas. Ito ay
balakid sumasalamin sa kultura at tradisyon nating mga Pilipino.
Isa sa mga akdang pampanitikan ay ang nobela.

Kaligirang Sa araling ito ay maipamamalas mo ang iyong pang-


pangkasaysayan- ay unawa sa kaligirang pangkasasayan ng nobelang El
naglalarawan sa rason Filibusterismo na isinulat ni Jose P. Rizal upang iyong
o pagyayari na mabatid ang mga dahilan at layunin bakit ito naisulat.
sinaunang naganap o
kaya ay ginawa na Mahalaga bang malaman ang Oo, upang magkaroon
siyang tumuloy sa kung Kaligirang Pangkasaysayan tayo ng ideya kung
ano o bakit ganito ang ng isang akda? bakit ito isinulat.
isang bagay, tao,
pangyayari at iba pa.

Alam kong batid mo na ang nakaraang aralin. Nawa’y nalaman mo at naisabuhay


ang mga aral na iyong natutuhan tungkol dito. Halika at alamin ang kaligirang
pangkasaysayn ng nobelang El Filibusterismo at simulang pagyamanin ang iyong
kaalaman.
2
Kaligirang Pangkasaysayan
El Filibusterismo
(Buod)

Sinimulan ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa harap ng malungkot na


karanasan. Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit ng loob na dinanas niya at ng
kanyang pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na may plano na si Rizal para sa
ikalawang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa pagbabalik sa
sariling bayan. Tuwiran at di- tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang
pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng pagpapayaman
sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo at pagliligpit sa mga
kaaway atbp.
Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang
manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakot-takot na liham ng mga
pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador
na bumalik siya sa ibang bansa.
Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang mga suliranin. Ang kaniyang pamilya ay
inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng Mercado- Rizal hanggang kataas-taasang
hukumang Espanya. Maraming kamang-anakan niya ang namatay at inusig. May isa
pang tinaggihang ipalibing sa libingang katoliko. Sa gitna ng pag-aalalang ito, ginigiyagis
si Rizal ng mga personal at politikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera
at waring walang kasiglahan ang inspirasyong dulot ng paniningalang- pugad kay Nellie
Boustead, namatayan siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkilalang iginawad
sa kanyang mga kasama sa kilusang propaganda. Bukod dito ay nakaranas din si Rizal
ng suliranin sa pananalapi. Sa kabutihang-palad, nang maubos ang lahat ng pag-asa
ni Rizal, dumating ang hindi inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa
Paris.Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos
mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent Belgium.
Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang
pangunahing dahilan kung bakit ito ay itinuring na nobelang political,
Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang
nobelista.

(Pinagkunan: Glady E. Gimena at Leslie S. Navarro, Ang Pinaikling Bersiyon


El Filibusterismo ni Jose Rizal, Prime Multi-Quality Printing Corp., 2009)

Ang kaligirang pangkasaysayan ay mahalagang malaman upang


magkaroon tayo ng kaalaman kung paano nagsimula ang isang akda o
kuwento at kung ano ang mga layunin nito.

3
Tayo’y Magsanay

GAWAIN
1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap . Lagyan ng tsek () kung
ang pahayag ay may kaugnayan sa kaligirang pangkasaysayan at ekis (X) naman kung
wala. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

___________1. Pagiging matapang at matatag sa lahat ng hamon, problema at suliraning


kinahaharap.

___________2. Pagsuko at kawalan ng pag-asa na hindi na kailanman magkakaroon ng


kalayaan at kapayapaan.

___________3. Labis ang pang-aapi at pang-aabuso sa mga Pilipino.

___________4. Pangungulila at pag-aasam ng pag-ibig.

___________5. Pagmamahal sa pamilya , bayan at lupang tinubuan.

GAWAIN
2
Panuto: Gamit ang graphic organizer tukuyin ang kondisyon at kalagayang panlipunan
sa panahong isinulat ang akda. Piliin ang sagot sa kahon sa kasunod na pahina at isulat
sa kahong parihaba.

Kondisyon at
Kalagayang
Panlipuanan

4
-Kawalan ng karapatan -Pantay na pagtingin sa mamamayan - Pagiging malaya

-Pang-aabuso sa kababaihan -Talamak na katiwalian - problema sa lupa

-Pang-aapi ng mga pari at pamahalaan

Replektibong Tanong :

Base sa pagpapatupad ng lockdown sa ating lungsod, masasabi mo bang may


kaugnayan ang kalagayang panlipunan ngayon sa kaligiran ng El Filibusterismo?
Bakit?

Ating Pagyamanin

GAWAIN
1
Panuto : Basahin ang pahayag . Punan ng angkop na salita upang mabuo ang salaysay.
Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba.

Leonor Rivera Nellie Boustead kaibigan Pamilya Bayan


Tatlong paring martir di –Tuwiran pagliligpit sa mga kaaway

Sinimulan ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa harap ng malungkot na


karanasan. Magkakabisa sa kanya sa kaipala ang sakit ng loob na dinanas niya at ng
kanyang 1. _____________ . Tuwiran at 2. ___________ , naapektuhan ito ng wala pang anim
na buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng
pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo at
3.________________. Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang
pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso ng mga Mercado- Rizal hanggang katas-taasang
hukumang Espanya. Nangungulila siya kay 4._______________. Ang pagkahandog na ito sa
5._________________ ng ikalawang nobela ni Rizal angh pangunahing dahilan kung bakit ito
itinuturing na nobelang politikal.

5
GAWAIN
2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at iugnay ito sa pangyayari
batay sa kaligirang pangkasaysayan.

Pahayag Kaugnayan sa kaligirang


pangkasaysayan

Ang kaugnayan nito ay ang


________________________________________
1. Pagsasakripisyo alang-alang sa
pagmamahal at kalayaan. ________________________________________

________________________________________
________________________________________.

Miuugnay ko ito sa pangyayaring

2. Pang-aabuso at pagsasamantala ________________________________________


makuha lamang ang gusto.
________________________________________
________________________________________

Replektibong Tanong:

Maituturing mo bang malaking problema ang COVID-19 sa lungsod ng Puerto Princesa


at sa buong bansa katulad ng mga problemang naransan ni Rizal sa kaligiran ng El
Filibusterismo ? Ipaliwanag.

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Base sa ating tinalakay, punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo
ang talata.

DUDUGTUNGAN KO

Ang 1._________________ ay rason o dahilan kung paano o bago naganap


ang isang pangyayari o akda. Sa nobelang 2._____________________ ipinakita ang
mga kaganapang may kaugnayan dito upang mas lalong maunawaan. Ayon dito
isinulat ni 3.__________________ bilang paghahandog sa 4.__________________ . Sa
akdang ito ipinakilala ni Rizal ang pagbabanyuhay niya bilang isang
5._________________.

6
Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik na tamang
sagot.
1. Ipinakikita sa kaligirang pangkasaysaan ng nobelang El Filibusterismo ang
______________?
A. kalagayang panlipunan C. kawalan ng hanap-buhay
B. pagmamahal sa pamilya D. pagsunod sa Pamahalaan.
2. Ano ang kalagayang panlipunang makikita batay sa paglalahad sa kaligirang
pangkasaysayan?
A. paghihirap C. pagmamahal
B. kakulangan sa edukasyon D. pagkakaisa
3. Inihahandog ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa _____________
A. pamilya C. tatlong paring martir
B. kasintahan D. matalik na kaibigan
4. Naging madali ba kay Rizal ang pagsulat at paglimbag ng kanyang nobela?
A. Hindi, sapagkat nagkaroon siya ng mga suliranin
B. Oo, sapagkat mayaman si Rizal
C. Hindi, sapagkat marami siyang katuwang sa pagsulat.
D. Oo, sapagkat ito ay kanyang talento at marami siyang ipon.
5. Isa sa mga layunin ni Rizal sa pagsulat ng El Filibusterismo ay ____________
A. makilala sa buong mundo C. ibunyag ang mga nangyayari sa lipunan
B. magbahagi ng talento D. magbigay ng inspirasyon

Para sa bilang 6-10


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung
ang pahayag ay Totoo at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bilang.

_______________6. Hindi natapos ni Rizal ang El Filibusterismo dahil nagkaroon siya ng


suliranin sa pera.
_______________7. Ipinakikita sa kaligirang pangkasaysayan ang paghihirap na
nararanasan ng mga Filipino sa kamay ng mga pari at namamahala.
_______________8. Labis ang kalungkutan at pagdadalamhati ni Rizal sa pagsulat ng
nobela.
_______________9. Isinawalat ni Rizal sa kanyang akda ang pang-aabuso at pang-aapi ng
mga Espanyol.
_______________10. Pagmamahal sa pamilya, kapwa Pilipino at sa bayan ang makikita sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

7
Susi sa Pagwawasto

TAYO’Y MAGSANAY Subukin Natin Ating Tayahin


Gawain 1 1. C 1. A
1.  2. A 2. A
2. X 3. B 3. C
3.  4. A 4. A
4.  5. A 5. C
5.  6. TAMA 6. MALI
Tayo’y
Gawain 2 Magsanay 7. TAMA 7. TAMA
1. kawalan ng karapatan 8. TAMA 8. TAMA
2. Pang-aapi ng mga pari at 9. TAMA 9. TAMA
karapatan 10. MALI 10. TAMA
3. Pang-aabuso sa
kababaihan
4. Problema sa sula
5. Talamak na katiwalian

ATING PAGYAMANIN ANG AKING NATUTUHAN


Gawain 1 1. Kaligirang
1. pamilya Pangkasaysayan
2. di-tuwiran 2. El Filibusterismo
3. pagliligpit sa mga kamay 3. Jose P. Rizal
4. Leonor Rivera 4. Tatlong paring martir
5. Tatlong paring martir 5. Nobelista

Gawain 2
Nakadepende sa sagot ng
mga bata.

Sanggunian
Aklat:

Ambat, Vilma C., Teresa B. Eric O. Carino, Mary Ane R. Dasig, Willita A. Enrijo, Shiela C.
Molina, Julieta U. Rivera, Roselyn T. Salum, Joselyn C. Sayso, Mary Grace A. Tabora
at Roderic P. Urgelles. Panitikang Pandaigdig, Patnubay ng Guro, Pasig City: DepEd-
Vibal Group, 2015.

Gimena, Glady E. at Leslie S. Navarro. Ang Pinaikling Bersiyon El Filibusterismo ni Jose


Rizal, Prime Multi-Quality Printing Corp., 2009.

8
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL
Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito OPO HINDI
ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya.

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapamatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like