You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon IX, Zamboanga Peninsula


SANGAY NG ZAMBOANGA DEL SUR
MATAAS NA PAARALAN NG DUMALINAO
Paglaum, Dumalinao, Zamboanga del Sur

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 10


Kwarter 4, Modyul 1
Pangalan: Seksyon:
Pamagat ng Aralin
Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo bilang
isang obra maestrang pampanitikan
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang kasaysayan ng El
Filibusterismo (F10PN-1Va-b-83)
Konseptong Pangkaalaman

Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo


ni Dr. Voltaire M. Villanueva

Noon pa man pinangarap na ni Rizal ang pagsulat ng isang akdang magpapamulat sa marami niyang
kababayan sa umiiral na maling Sistema sa lipunan. Sa mga ideolohiyang kanyang tinaglay bunga ng
mataas na pagaaral, ipinagpatuloy niyang isulat ang karugtong na nobela ng’’ Noli Me Tangere’’. Ito
ang El Filibusterismo.

LAKBAY 1: Taong 1887, inumpisahan ni Rizal na sulatin ang kanyang nobelang El Filibusterismo.
Sinimulan niya ito bilang isang sequel o karugtong ng kanyang nobela. Ngunit nabatid ni Rizal na
hindi magiging matagumpay ang pagsulat ng kanyang nobela kung mananatili siya sa bayan dahil
maraming pagbabanta at suliranin ang kanyang kinakaharap, pansarili man o pampamilya. Kayat
nagpasya siya magtungo muli ng ibang bansa taong 1888 upang doon ipagpatuloy ang pagsulat ng El
Filibusterismo.

LAKBAY 2: Bago paman siya umalis, nagbilin siya kay Blumentritt hinggil sa maaari niyang
kaharapin at nagging dahilan ng kanyang pag-alis. Ito ang kanyang sinabi, Lahat ng mga punong
panlalawigan at mga arsobispo ay naparoon sa Gobernador-Heneral araw-araw upang ako’y
ipagsumbong.ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alcalde na Nakita nila
akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong akoy naglalakad sa
bundok kung bukang-liwayway na kasama ang mga lalaki,babae at bata upang damhin ang kalamigan
ng umaga ngunit may kasamang teniente ng guwardiya sibil na marunong managalog. Inalok ako ng
salapi ng aking mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito hindi lamang
sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaring
ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may pagkarahuyo sa ganitong mga
pananalita ay lalong nagpaalab kay Rizal upang tuluyang sulatin ang karugtong na nobela.

LAKBAY 3: Habang siya ay nasa ibang bansa damang-dama ni Rizal ang matinding paghihirap sa
pagsusulat ng nobela dahil sa kakulangan ng pondo at labis nap ag-alalasa kalagayan ng pamilya sa
bansa. Kaya, nagpadala siya ng sulat kay Jose Maria Basa; ito ang nilalaman n g sulat, “Ako’y
naghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang maging mapait
ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at
pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako…Naisanla kuna ang aking
mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang restaurant
upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglaon iyon, ititigil ko kung walang darating
sa aking salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako
naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin anking mga kababayan at ang lahat sa
demonyo…’’Bakas sa kanyang sulat ang pagnanais na siya ay mayulungan dahil gusting-gusto niyang
mailimbag at matapos na ang karugtong na nobela.
LAKBAY 4: Naging mabait sa kanya ang tadhana dahil dumating ang inaasahang tulong mula kay
Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuoang perang kinakailanagan para sa
pagpapalimbag ng nasabing nobela. Mayo 1891, nang matapos ang pagwawasto ng EL Filibusterismo
at nagtungo si Rizal sa Ghent, Belgium upang doon ipalimbag. Nailimbag ito noong Setyembre,1891
sa sinabi pa ring lugar at bansa. Nagpadala siya ng walong daang kopya sa Pilipinas upang ipamudmod
ng kanyang mga kasamahan. Dito nagsimula ang paglaganap ng El Filibusterismo sa lipunang Pilipino.
Nagsimula ito ng maraming pagsibol ng ideya upang labanan ang mga mapang-abusong Kastila.

LAKBAY 5: Inihandog ni Rizal ang nobela sa tatlong paring martir na Gomez, Burgos, at Zamora
kaya maituturing itong nobelang politikal. Nagsasalaysay at naglalahad ito ng mga suliranin at bulok
na Sistema ng pamahalaan at iba pa. Masasalamin sa nobela ang mapapait na karanasang umalimpuyo
sa damdamin ni Rizal upang lalong maipakita sa bayan ang kanyang pagmamahal. Ipinakita rito ang
pagbabanyuhay ni Rizal bilang isang dakilang bayani at manunulat.

HANTUNGAN NG RUTA: Ang El Filibusterismo ay mula sa salitang Pilibustero na ibig sabihin ay


‘’mga balak’’ o’’ paghahari ng kasakiman’’. Ito ang tinaguriang isa sa mababagsik na nobela na
magpahanggang sa ngayon ay naghahatid ng bulok na pamamahala. Ang tuon ng El Filibusterismo ang
pakikibaka at pagsalungat sa mga matataas na uri sa pamamagitan ng isang marahas at mabalasik na
paraan. Ang nobelang ito ang karugtong at wakas ng dalawang nobela upang matighaw ang pagkauhaw
sa kalayaan ng maraming Pilipino.
Pamprosesong Tanong
1. Ano-ano ang mga pangunahing layunin ni Rizal sa pagsusulat niya ng nobelang ito?
2. Ano-ano ang ginawa ng kaniyang mga kababayan para hadlangan ang kaniyang pagpapatuloy sa
pagsulat?
3. Bakit damang-dama ni Rizal ang paghihirap sa pagsulat ng nobela?
4. Paano ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat ng kaniyang nobela? Sino ang tumulong sa kaniya?
5. Sa iyong palagay, bakit kaya mahalagang pag-aralan ang nobelang ito?
Pagsasanay 1
Panuto: Piliin at suriin ang pagkakaugnay ng mga pangyayari sa loob ng kahon batay sa nabasang
kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo.
Mga Pangyayari sa Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo
A. Inumpisahang sulatin ang EI Filibusterismo
B. Pag-alis ni Dr. Jose Rizal sa Bansa
C. Hirap na dinanas ng isulat ang El Filibusterismo
D. Ang pagpunta niya sa Ghent, Belgium
Pangyayari 1 Pagsusuri:

Pangyayari 2 Pagsusuri:

Pangyayari 3 Pagsusuri:

Pangyayari 4 Pagsusuri:

Pagsasanay 2
Panuto: Ibuod ang nabasang kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo gamit ang grapikong timeline
sa ibaba.
Repleksyon
Panuto: Buuin ang mga pahayag sa pamamagitan ng pagpupuno ng sagot sa patlang mula sa akdang
nabasa.
Ang El Filibusterismo ay maituturing na nobelang ___________________. Naisasalaysay at
nailalahad nito ang ___________, _____________ at iba pang problemang may kaugnayan sa
_________, ____________, ___________ at iba pa. Nasasalamin sa nobela ang mapapait na
karanasang ______________ sa damdamin ni Rizal upang lalong maipakita sa bayan ang kaniyang
___________. Ipinakita rito ang _______________ ni Rizal bilang isang dakilang bayani at manunulat.
Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat niya ng El Filibusterismo?
A. Magising ang natutulog na damdamin ng mga Pilipino at magsisiwalat sa kabuktutan at
pagmamalupit ng mga Espanyol
B. Ang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho
C. Ang mabago ang naghaharing Sistema ng pamahalaan sa pilipinas
D. Ang maturuan ang mga Pilipinong lumaban sa pamamatitan ng mapayapang paraan
2. Ang sumusunod ay mga dahilang binanggit ni Rizal kung bakit nagtungo siya sa ibang bansa
maliban sa______.
A. Dahil sa pagmamalabis ng makapangyarihan sa kanya
B. Dahil sa nais niyang magkaroon ng kasiyahan sa pagtuklas at pagaaral
C. Dahil gusto niyang ipagpatuloy ang pagsusulat
D. Dahil gusto niyang mapalayo sa kanyang kababayan
3. Taon kung kailan sinimulang sulatin ni Dr. Jose Rizal ang El Filibusterismo?
A. 1891 B. 1888
C. 1887 D. 1896
4. Ang sumusunod na pahayag ay mga kahirapang dinanas ni Rizal sa pagsulat ng kanyang nobela.
maliban sa ____.
A. Naisanla ang kanyang mga alahas
B. Nakatira sa pangkaraniwang restawran
C. Wala siyang nasisingil sa pinagbilhan ng kanyang unang nobela
D. Kakulangan ng pondo at labis na pag-aalala sa pamilya
5. Sa nobelang El Filibusterismo. Sino ang pinadalhan ng sulat ni Dr. Jose Rizal?
A. Maria Clara B. Pamilya
C. Jose Maria Basa D. Ferdinand Blumentritt
6. Kailan nailimbag ang El Filibusterismo?
A. Marso 29,1887 B. Mayo 1891
C. Pebrero 21,1887 D. Setyembre 1891
7. ‘’Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang
maging mapait ang aking buhay.” Ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit ay______.
A. nag-aalala B. nagtatampo
C. nagsasawa D. nagtataka
8. Anong damdamin ang ipinakita ni Rizal sa kanyang pahayag sa itaas?
A. nalilito B. natatakot
C. nagdadalamhati D. nawalan ng pag-asa
9. Ang El Filibusterismo ay isang nobelang _____.
A. pampamilya B. panlipunan
C. pampolitika D. panrelihiyon
10. Kung si Maximo Viola ang tumulong sa kanya upang maipalimbag ang Noli Me Tangere. Sino
naman ang tumulong kay Dr. Rizal upang maipalimbag ang kanyang ikalawang nobelang El
Filibusterismo?
A. Ferdinand Blumentritt C. Valentine Ventura
B. Jose Maria Basa D. Tenyente Jose Taviel de Andrade
Karagdagang Gawain #1
Panuto: Mag-isip ng pinakamahalaga o natatanging kaganapan na sa iyong palagay ay labis na
nakaimpluwensya kay Rizal upang lalong ipagpatuloy ang pagsulat ng El Filibusterismo. Isulat ito sa
loob ng “speech bubble”. Maaari itong isaliksik nang maging gabay sa pagsusulat.
Sanggunian
Villanueva, Voltaire. Bahaghari 10 yaman ng panitikang pandaigdig aklat sa Filipino: Wika at panitikn.
Philippines: Pisara Publishing
Panitikang pandaigdig Filipino 10: Modyul para sa mag-aaral. Philippines
Knife black and white clipart. Accessed December 2020. https://www.google.com/search?
client=firefoxbd&ei=QU3MX8KEO6a9mAWviIugDw&q=black+and+white+itak+free&oq=black

You might also like