You are on page 1of 4

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
DUMALINAO 1 DISTRICT
Dumalinao, Zamboanga del Sur

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 7


Kwarter 2, Modyul 2

Pangalan
Seksyon
Pamagat ng Aralin
Tradisyon ng Kabisayaan
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa akda na sumasalamin sa
tradisyon ng mga Bisaya (F7PB-IIa-b-7)
Konseptong Pangkaalaman
Ang tradisyon ay isang salita mula sa salitang Latin na traditio, at ito naman ay mula sa
pandiwang trader, na nangangahulugang maghatid o magpadala. Ang tradisyon ay ang paghahatid ng
mga kaugalian, pag-uugali, alaala, simbolo, paniniwala, alamat, para sa mga tao ng isang pamayanan,
at kung ano ang ipinapadala ay nagiging bahagi ng kultura.
Sa madaling salita, ang kaugalian o tradisyon ay mga paniniwala, opinyon, kostumbre o mga
kuwentong naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.
Ang mga Bisaya ay isa sa mga katutubong Pilipino ng malaki at maraming porsyento ng tao at
naninirahan sa rehiyon ng Kabisayaan at ilang bahagi ng Mindanao. Pinapanatili pa rin ng mga Bisaya
ang mga nakasanayang tradisyon ditto sa Pilipinas, tulad ng:
*pagdidiwang ng kapistahan
*paghahanda ng pagkain sa namayapang kamag-anak tuwing Araw ng Patay sa paniniwalang
bumibisita sila
*pagsasa-ulog ng Santacruzan o Flores de Mayo
*Visita Iglesia tuwing Mahal na Araw
*pagpapakasal bago magkapamilya
*mahigpit na pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak
Maraming kaugalian ang mga bisaya na pinupuri ng ibang katutubo sa Pilipinas. Ilan sa ito ang
pagiging relihiyoso at pagiging deboto, may malasakit sa kapwa kahit ano pa man ang itsura o
pinagmulan o paniniwala, pagiging matulungin sa lahat ng bagay (kahit sa problema ng kapit-bahay o
malayong kadugo), pagbibigay respeto at hindi pangingi-alam sa pribadong buhay ng ibang tao at
ibang aspeto nito, pagiging maasikaso sa panauhin, makakalikasan at pagiging masayahin.
Pamprosesong Tanong
1. Anong tradisyon ang sinusunod ng iyong pamilya? Magbigay ng isa.
2. Mayroon ba itong epekto sa iyo? Ano iyon?
Pagsasanay 1
Panuto: Ibigay ang sariling hatol sa ideyang nakapaloob sa mga awiting-bayan sa ibaba. Ang huling
kahon ay ginawa na para sa iyo.
Lawiswis Kawayan
(Awiting-Bayan mula sa Samar-Leyte)

Awiting-Bayan Tradisyon/Kaugaliang Makikita Ideyang Nakapaloob

Si Pilemon

Ili-ili Tulog Anay

 Ipinapakita na mapagmahal
ang mga Bisaya at may
Lawiswis Kawayan  Pagbibigay respeto respeto sa babaeng
sinisinta.

Pagsasanay 2
Panuto: Ibigay ang sariling hatol sa ideyang nakapaloob sa mga bulong mula sa kabisayaan. Ang unang
kahon ay ginawa na para sa iyo.

Mga Bulong Tradisyong Makikita


Bulong ng mga Bagobo ng Mindanao
“Tabi, tabi  Paniniwala sa nuno
Nuno makikiraan lang
Patawarin mo kami
Kung kayo’y matapakan.”
Bulong sa Ilocos
“Huwag magalit, kaibigan,
Aming pinuputol lamang
Ang sa ami’y napag-utusan.”
Bulong sa Bicol
“Dagang Malaki, dagang maliit,
Ayto ang ngipin kong sira na’t pangit
Sana ay bigyan mo ng kapalit”
Repleksyon
Panuto: Ibigay ang sariling ideya batay sa tradisyon ng mga Bisaya.
Ano ang iyong natutuhan?

Isagawa
Panuto: Bumuo ng sariling awitin o bulong (1 hanggang 2 talata) na kakikitaan ng sariling tradisyon sa
iyong lugar/pamayanan. Isulat sa kahon sa ibaba ang iyong nabuo.
Rubrik

Pamantayan Indikador Puntos marka


Nilalaman Maayos ang pagkakabuo ng ideya 5
Kaangkupan ng May kaugnayan sa paksa ang nabuong 5
ideya ideya
Kabuoan

Pagtataya
A. Hanapin at bilugan sa loob ng puzzle ang mga kaugalian ng bisaya na pinupuri ng ibang katutubo sa
Pilipinas.
A K O A R E H I Y O
L M D L E G A W A Y
M A T U L U N G I N
I A A H I G A N N I
T S P A H M W A G H
O I A N I A D L A A
B K T A Y O M A T Y
O A A G O A A G I A
K S N L S K K A N S
A O I N O I E M K A
D E B O T O N G I M

B. Ibigay ang mga tradisyon ng mga Bisaya.


8

P
7

6 at
9
G P P K S L
T
N
R
G T 10 H G P T
K H
C
R N
N

N
Pababa
6. Ang ibinibigay ng mga bisaya sa mga namayapang kamag-anak tuwing Mahal na araw
7. Pinagdidiwang tuwing Mayo para kay Birhen Maria
8. Ito ay panahon ng kasiyahan at galak
Pahalang
9. Dapat ginagawa ng gusting bumuo ng sariling pamilya
10. Paraan ng pagpapalaki ng mga bisayang magulang sa anak
Susi ng Pagwawasto
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Maaaring magkakaiba-iba Maaaring magkakaiba-iba
ang sagot ng mag-aaral. ang sagot ng mag-aaral.
Pagtataya
A. Maaaring magkabalik-baliktad ang sagot
1. matulungin 3. magalang 5. relihiyoso
2. masayahin 4. maasikaso
B.
6. pagkain 9. pagpapakasal
7. santacruzan 10. mahigpit
8. kapistahan
Sanggunian
https://www.scribd.com/document/429274081/Mga-Tradisyon-Sa-Visayas
https://tl.encyclopedia-titanica.com/significado-de-tradici-n
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kaugalian
http://filipino-folksongs.blogspot.com/2015/07/lawiswis-kawayan-lyrics.html
https://www.tagaloglang.com/lawiswis-kawayan-lyrics/
https://www.smule.com/song/visayan-song-ili-ili-tuloganay-karaoke-lyrics/174093258_3180203/
arrangement
https://www.bisdakwords.com/kanta/si-pilemon/
Manunulat QUIZEL D. JIMENEZ

Tagasuri JOHN MARK C. LLOREN LOVILA M. AMAYA

You might also like