You are on page 1of 6

(ESP) Edukasyon sa Pagpapakatao 3

QUARTER 3 ARALIN 1: Isapuso Natin ang Pagiging Pilipino


\

OBJECTIVES: Sa araling ito, iyong…


 Matutukoy ang mga positibong ugali at katangian ng mga Pilipino
 Mapahalagahan ang taglay naa mabubuting ugali ng mga Pilipino
 Maipapakita kung paano isinasabuhay ang mabubuting katangiang Pilipino

Learn About It!


Isapuso Natin ang Pagiging Pilipino

Kilala ang mga Pilipino sa buong mundo na may taglay na mga positibong
ugali at katangian. Ilan sa mga ito ay ang mabuting pagtanggap sa mga bisita,
pagkamagalang at pagkabukas-palad. Dahil sa mga ugali at katangiang ito,
nagugustuhan tayong mga Pilipino ng mga nakikilala natin at nagdudulot pa ito
ng rnagandang samahan.
Maraming paraan upang maipakita ang mga ugali at katangiang mayroon
tayo. Ang pagtulong sa mga gawaing-bahay at pagiging mabuti sa ating mga
magulang at kapuwa ay ilan lamang sa mga ito.
Pagtuklas sa Kabutihan
-Taglay mo ba ang sumusunod na ugali at mabuting katangian? Kung oo, paano
mo isasabuhay ang mga ito? Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.
Mabuting
Pakikitungo
Masipag
sa mga
bisita

Marunong
Masipag magpasala
mat

-May alam ka pa bang ibang katangian at mabuting asal ng mga Pilipino?


Hanapin ang lima o higit pang salita sa puzzle sa ibaba.
M A P A G A L A G A
C P Q R K C D M Y M
G R C F A A B A C D
M Y C D B G O S H S
R E I U A S C A G I
C H R I I S L Y O V
L I F S T B J A K W
P A G M A M A H A L
T A P A N G R I Y S
N P Q U B N K N D S
Mabuting Kaalaman
Mahalaga sa atin ang ating pagkakakilanlan bilang tao. Ito ang nagpapakita
ng kaibahan at pagiging espesyal natin sa ating kapuwa. Ngunit bilang tao,
masaya tayo na maging bahagi o mapabilang sa isang pangkat, lalo at kilala ito
sa paggawa nang mabuti at maipagmamalaki. Tuwing kinikilala ang ating
kapuwa Pilipino sa ibang bansa, tayo ay masaya at ipinagmamalaking kapuwa
natin ito Pilipino. Ngunit hindi ang mga tagumpay na ito ang bumubuo ng
ating pagka-Pilipino kundi ang mga mabubuting asal at katangian. Naikukubli
ng mga tagumpay ang ating pagkatao, ngunit ang mabuting asal at katangian
ang nagpapakita ng ating naiisip at kalooban. Ipakita natin sa buong mundo na
tayo ay tunay na Pilipino sa puso at isip sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng
mga kaugaliang Pilipino tulad ng mabuting pagtanggap sa mga bisita,
pagmamahal sa pamilya, kasipagan, malikhain, at pagpapasalamat o pagtanaw
ng utang na loob.
Tamang Pag-uugali
Basahin ang pag-uusap sa ibaba. Pag-aralan kung paano ipinakita ng Pamilya
Bisoy ang mabubuting kaugalian nating mga Pilipino.

Ang Masayang Pagbabalikbayan


ni Nenita Impreso de-Vega

Isang araw, naging abala ang Pamilya Bisoy sa paglilinis ng kanilang


bahay. Bibisita mula sa Amerika ang kanilang kamag-anak na si Tita Elma,
kasama ang kaniyang asawang Amerikano at ang walong taon na anak na si
Eloisa. Ang pamilya ni Tita Elma ay dadalo sa kapistahan ng bayan.
Mang Kiko: Gumising na kayo, mga anak. Aalis tayo nang maaga para sunduin
sina Tita Elma ninyo at ang kaniyang pamilya sa airport.
Aling Ising: Elmo, nasiguro mo bang malinis at nalagyan ng kurtina ang
kanilang gagamiting kuwarto?
Elmo: Opo, Nanay. Naiayos ko na rin po ang karaoke machine.
Aling Ising: Magaling! Mahusay ka talaga makitungo sa mga bisita.
Elmo: Opo, Nanay. Gusto ko po silang maging masaya sa kanilang pagbisita.
Katkat, ano ang inihanda mo para kina Tita Elma?
Katkat: Inihanda ko Kuya ang aking mga paboritong laruan at aklat, para
magamit namin ni Eloisa. Ituturo ko rin kay Eloisa kung paano maglaro ng
piko, tumbang preso, at taguan.
Sumakay ang Pamilya Bisoy sa kanilang inupahang dyip papunta sa airport
para sunduin ang Pamilya Kessler. Masayang nagkuwentuhan ang dalawang
pamilya habang sakay ng dyip pauwi.
Ginoong Kessler: What do you call this vehicle?
Mang Kiko: It is a Filipino invention inspired by an old army jeep. We call it
“jeepney" and we are proud of it. You will see many of this on the way to our
house.
Pagdating nila sa bahay ng Pamilya Bisoy...
Mang Kiko: Elmo, tulungan mo ako na dalhin sa kuwarto ang kanilang bagahe.
Elmo: Opo, Tatay.
Katkat: Tulungan na kita sa pagbubuhat ng mga bagahe, Kuya Elmo. Eloisa:
What are "opo" and "Kuya?"
Aling Ising: Eloisa, "opo" is a polite way of saying yes. "Kuya" is the polite
way of addressing an elder brother. For an elder sister, we say "Ate." So from
now on, call Elmo and Katkat "Kuya" and “Ate" because they are older than
you.
Nakita ni Tita Elma ang kanilang magulang pagpasok nito ng bahay.
Nagmano siya sa mga ito bago siya yumakap.
Tita Elma: Eloisa, do what I just did toyour grandparents. It is called
"pagmamano." Filipinos do it to show respect when greeting the elderly. Come
on, Try it.
Nagmano rin Sina Eloisa at ang kaniyang Daddy kina Lola Juanita at Lolo
Pablo.
Nanatili ang Pamilya Kessler sa bahay ng Pamilya Bisoy sa 100b nang
isang buwan. Bago umalis pabalik ng Amerika Sina Eloisa at ang kaniyang
magulang, sinabi nila sa Pamilya Bisoy na naging masaya ang kanilang
pagbabalikbayan. Binanggit din nila na hindi nila malilimutan ang mga
tradisyon at kaugaliang Pilipino na natutuhan nila. Nangako pa silang
magbabalikbayan taon-taon.

Alam Ko na Ngayon
Ipinagmamalaki ko na ako ay Pilipino. Ako ay Pilipino sa puso at sa isip kaya
pinauunlad ko ang mga ugali at katangiang likas sa ating mga Pilipino. Saan
man ako magpunta, ipinakikita ko ang mga ugali at katangiang ito. Gayundin,
itinuturo at ibinabahagi ko ang mga ito saan man ako magpunta. Ipagmamalaki
ko sa buong mundo at patuloy na ipaaalam na ako ay bahagi ng bansang
Pilipinas—bansa ng mga taong mayroong mabuting puso at matibay na pag-
iisip.
Checking Your Understanding
Pag-aralan ang mga larawan. Alin sa sumusunod na larawan ang nagpapakita ng
pagmamahal sa bansa at sa mamamayan nito? Isulat ang Tsek (√) kung

nagpapakita ng pagmamahal sa bansa at sa mamayan nito at isulat naman ang


Ekis (x) kung hindi.

1.
2.

3.
4.

Napakahusay mo sa paggawa ng worksheet na ito!

Prepared By:
Mrs. Charmene B. Hamsiraji

You might also like