You are on page 1of 18

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan V

I. Layunin

Pagkatapos ng 45 minutong talakayan sa “Mga Naging Partisipasyon ng Iba’t-


ibang Sektor (Katutubo at Kababihan) sa Pakikibaka ng Bayan”, ang mga mag-aaral sa
ika-limang baitang ay inaasahang magagawa ang mga sumusunod:

 naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa bahaging ginampanan ng


kolonyalismong Espanyol at pandaigdigang konteksto ng reporma sa pag-
usbong ng kamalayang pambansa at tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang
isang nasyon;
 nakapagpapahayag ng pagmamalaki sa pagpupunyagi ng mga makabayang
Pilipino sa gitna ng kolonyalismong Espanyol at sa mahalagang papel na
ginagampanan nito sa pag-usbong ng kamalayang pambansa tungo sa
pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon; at
 natataya ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor (katutubo at kababaihan) sa
pakikibaka ng bayan.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga Naging Partisipasyon ng Iba’t-ibang Sektor (Katutubo at


Kababihan) sa Pakikibaka ng Bayan

Sanggunian: De Jesus, Betty V. ADM-SLM Modyul 5: Pag-usbong ng Malayang


Kaisipan at Naunang Pag-aalsa. DepEd Region II. 2023

Kagamitan: Mga larawan, TV,

Pagpapahalaga: Pagmamalasakit, Pakikibaka, Pakikipag-ugnayan

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

 Pagbati

Magandang umaga mga bata!

Magandang umaga guro!


Kumusta naman ang araw ninyo mga bata?

Mabuti naman po guro!


Mahusay kung ganon.

 Pagdarasal
Bago ang lahat, tayo ay manalangin at
pangungunahan ito ni _____

Rodelyn maari kabang

 Pagtsetsek ng Liban

sa ngalan ng Ama, ng anak at ng espiritu


Meron bang lumiban sa araw na ito?
Santo Amen.

(Nagdarasal ang mga Bata)


Magaling, bigyan natin ng magandang ngiti
ang bawat isa at sabihing nagagalak ako na
kasama kita sa araw na ito.

 Pagbibigay Alituntunin Wala po guro!

Ngayon naman, ating alalahanin ang ating (Nag-ngitian ang mga bata)
mga alituntunin

 Umupo ng Maayos
 Itikom ang bibig, imulat ang mga
mata at makinig ng mabuti gamit ang
dalawang tenga
 Itaas ang kamay kung may sasabhin
 Maging magalang sa lahat

Maliwanag ba mga bata?

Ang ating lalaruin ay “PILIPINAS GAME KA


NA BA?

Ang gagawin niyo lamang ay sasagutin ang


mga katanungan, kapag nasagot mo ito ay Opo guro
meron ka siguradong premyo.

Handa ka na? Laruin na natin.

Pilipinas Game ka na ba?

Para sa unang katanungan.


1. Napatay niya ang pinuno ng mga Opo guro
kastila na si Ferdinand Magellan na
nagtangkang sakupin ang Mactan.

a. Apolinario Mabini
b. Tamblot
c. Diego Silang
d. Lapu-Lapu

Rodely ano ang iyong sagot?

Tignan nga natin kung tama ang iyong


sagot.

Tama – siya si Lapu-Lapu

Wow! Amazing! Magaling! At dahil diyan ito


ang iyong premyo! Dahil nakuha mo ang
tamang sagot.
Si Lapu Lapu po guro

Dumako na tayo sa pangalawang tanong

2. Asawa ng isang namatay na pinuno


ng rebelyon na nagpatuloy sa
pakikipaglaban – tinagurian siyang
“Joan of Arc ng Ilocos”

a. Apolinario dela Cruz


b. Melchora Aquino
c. Gabriela Silang
d. Lakandula

Andrea ano ang iyong sagot?

Tignan nga natin kung tama ang iyong


sagot.

Tama – si Gabriela Silang

Wow! Amazing! Magaling! At dahil diyan ito


ang iyong premyo! Dahil nakuha mo ang
tamang sagot.
Para sa huling katanungan. Gabriela Silang po guro

3. Siya ang namuno sa Cebu laban sa


mga mananakop na Kastila.

a. Bancao
b. Tamblot
c. Diego Silang
d. Lakandula

Joshua ano ang iyong sagot?

Tignan nga natin kung tama ang iyong


sagot.

Tama – siya si Tamblot

Wow! Amazing! Magaling! At dahil diyan ito


ang iyong premyo! Dahil nakuha mo ang
tamang sagot.

 Pagganyak

Tamblot po guro

Ngayon naman, tignan ninyo ang larawan.


Ano kaya ang mensaheng nais ipabatid sa
atin nito?

Tama, isa itong mensahe ng pasasalamat


para sa ating guro

Halimbawa nalang sa ating baranggay


nakikita natin ang mga guro na
nagsasakripisyo para sa atin dahil gusto
milang makapagtapos tayo pag aaral. kaya
sa ating mga mag aaral sila ang tunay
nating mga bayani. Pagpasalamat sa ating guro

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Sino ang tinutukoy na bayani


ng mga mag aaral?

Tama, ito ay ang mga guro

Mahusay!

2. Bakit nagbibigay ng
inspirasyon ang mga guro? mga gurro

Tama, kaya lagi tayong makinig at wag


maging bastos sa kanila dahil sila ang
pangalawa nating magulang.

dahil tulad nila gusto din nila tayong


makapagtapos ng pag aaral
3. Sino-ang ating pangalawang
magulang?

4.Bilang isang magaaral, ano ang


maiaambag natin para maiwasan ng ating mga guro
mga guro ang stress?

B. Paglalahad

wag maging pasaway at makinig palagi sa


guro
Ano ang napansin ninyo sa larawan?

Tama, isa itong labanan sa pagitan ng mga


Pilipino at mga Kastila.

labanan sa pagitan ng mga pilipino at mga


Sa araw na ito, ang ating tatalakayin ay ang kastila.
Mga Naging Partisipasyon ng Iba’t-ibang
Sektor (Katutubo at Kababihan) sa
Pakikibaka ng Bayan

Tayo naman noon ay nakipaglaban sa


Covid-19 may mga katutubo, kababaihan at
may kaugnayan sa relihiyon na
nagpapakita rin ng kabayanihan gaya ng
pagtulong sa kapwa.

Tandaan mga bata na huwag kakalimutang


isulat ang mga mahahalagang Opo
impormasyon.

Sa loob ng 333 taong pananakop ng mga


Espanyol sa Pilipinas, nagkaroon ng
mahigit na 100 pag-aalsa ng mga Pilipino
laban dito.

Niyakap man ng mga Pilipino ang


Kristiyanismo, ito ay hindi
nangangahulugang tinanggap rin nila ang
pagmamalupit at pag-aabuso ng kanilang
mananakop.

Sa mga pag-aalsang ito na naganap sa


iba’t ibang panig ng Pilipinas at sa iba’t
ibang panahon, makikita ang mga dahilan
ng paghihimagsik ng mga Pilipino. Ito ay
nilahukan ng iba’t ibang sektor sa lipunan
tulad ng katutubo, kababaihan, at mga
taong may kinalaman o kaugnayan sa
relihiyon. Sa mga paghihimagsik na ito
nakilala ang mga Pilipinong nakipaglaban
upang makamit ang kanilang kalayaan.

Ilang taon nga uli ang pananakop ng mga


Espanyol sa Pilipinas?

Magaling!

Ilang pag-aalsa ang ginawa ng mga Pilipino


laban sa mga Espanyol? 333 taon guro

Magalig!

Sinu-sino ang mga sektor na nakilahok sa


pakikipaglaban sa mga Espanyol?
mahigit na 100 pagaalsa po guro

Hindi nasiyahan ang ating mga ninuno sa


pangkalahatang pamamahala ng mg
Espanyol, malaking hirap, pagmamalupit at
pag aabuso ang dinanas ng mga Pilipino
noon. Hindi natakpan ng rebelyon ang mga katutubo at kababaihan
kanilang pagmamalabis kaya nag alsa ang
mga Pilipino.

Narito ang talaan ng mga nangunang


bayaning Pilipino na nakibaka para sa
bayan.
Lakandula Raha Sulayman

Pinuno: Lakandula at Raha Sulayman

Taon: 1574

Lugar: Tondo, Maynila

Layunin/Dahilan: Ibig nilang ipabatid ang


hindi pagtupad ng mga Espanyol sa
kanilang pangako tulad ng paggalang sa
karapatan ng mga Pilipino, pagpapabuti ng
kanilang lupa, at pagpapabuti ng kanilang
pamumuhay.

Sektor na Nagsagawa o Nanguna:


Pinuno/Katutubo

Tamblot

Pinuno: Tamblot

Taon: 1622

Lugar: Bohol

Layunin/Dahilan: Makabalik sa katutubong


pananampalataya bunga ng pang-aapi ng
mga paring Espanyol.

Sektor na Nagsagawa o Nanguna: Mga


katutubo/pari o babaylan
Bankaw

Pinuno: Bankaw

Taon: 1622

Lugar: Leyte

Layunin/Dahilan:Maibalik ang katutubong


paniniwala. Ibig nilang sumambang muli sa
mga espiritu at diwata.

Sektor na Nagsagawa o Nanguna: Mga


katutubo/pari o babaylan

Juan Sumuroy

Pinuno: Juan Sumuroy

Taon: 1649

Lugar: Samar

Layunin/Dahilan: Ibig nilang tumutol sa


sapilitang pagpapadala sa mga Pilipino sa
mga pagawaan sa Cavite

Sektor na Nagsagawa o Nanguna: Mga


katutubo

Francisco Maniago Andres Malong

Pinuno: Francisco Maniago, Andres


Malong

Taon: 1601-1661

Lugar: Pampanga, Pangasinan

Layunin/Dahilan: Pagtutol sa sapilitang


pagtatrabaho sa pagawaan ng mga galyon
Sektor na Nagsagawa o Nanguna: Mga
katutubo

Diego Silang
Pinuno: Diego Silang

Taon: 1702-1764

Lugar: Ilocos

Layunin/Dahilan: Namumuhi siya sa mga


Espanyol na mapagsamantala at
lapastangan sa mga Pilipino.

Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang


paglabang ito nang mamatay ang kanyang
asawang si Diego.

Sektor na Nagsagawa o Nanguna: Mga


katutubo/Kababaihan

Francisco Dagohoy

Pinuno: Francisco Dagohoy

Taon: 1744-1820

Lugar: Bohol

Layunin/Dahilan: Ibig ang isang


repormang politika at maiwasan ang
pagmamalupit ng mga Espanyol

Sektor na Nagsagawa o Nanguna: Mga


katutubo
Juan Dela Cruz Palaris

Pinuno: Juan Dela Cruz Palaris

Taon: 1764

Lugar: Pangasinan

Layunin/Dahilan: Pagtanggi ng mga pari


na bigyan ng isang maayos na libing ang
kapatid ni Dagohoy

Sektor na Nagsagawa o Nanguna: Mga


katutubo

Hermano Pule

Pinuno: Hermano Pule

Taon: 1840-1841

Lugar: Quezon

Layunin/Dahilan: Pagtanggi sa simbahan


sa hiling niya na maging pari dahil siya’y
katutubo. Hindi naibigan ng mga opispo at
paring Espanyol ang mga patakaran niya
ukol sa relihiyon.

Sektor na Nagsagawa o Nanguna: Mga


kautubo/pari o babaylan

C. Paglinang ng Kasanayan

Ngayon naman mga bata, mayroon tayong


aktibidad na gawain.

Pag-ugnayin ang mga pook ng pakikibaka


ng mga Pilipino sa mga bayani.

D. Paglalahat

Sinu-sino ang mga Pilipinong namuno


laban sa mga mananakop na Kastila?
Ano ang masasabi ninyo sa mga Pilipinong
namuno ng mga pag-aalsa sa loob ng
estadong kolonyal

E. Pagpapahalaga

Kaya dapat ay ipagmalaki natin na tayo ay


mga Pilipino. Sapagkat tayo ay may mga
bayani na handing ibuwis ang kanilang
buhay para sa Kalayaan ng bansang
pilipinas

May mga katanungan pa ba kayo mga bata


na hindi pa natalakay sa araling ito? Kung
wala na, tumungo na tayo sa susunod na
gawain, tiyakin na masagot mong lahat ang
mga tanong. Ito ang magsasabi kung
natutuhan o hindi mo natutuhan ang aralin.

wala na po guro
(Sagot)
Lakandula, Raha Sulayman, Tamblot.
Bankaw, Juan Sumuroy, Francisco
Maniago, Andres Malong, Diego Silang,
Francisco Dagohoy, Juan Dela Cruz
Palaris, Hermano Pule

Sila ang mga bayaning nagbuwis ng buhay


upang ipagtanggol ang ating kalayaan
laban sa mga kastila. Dapat silang
pasalamatan.
IV. Pagtataya

Pagtataya A: Piliin ang angkop na sagot sa mga tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

_____1. Alin ang tama sa mga sumusunod na pangyayari?


A. Iisa ang layunin ng pakikipaglaban sa mga Espanyol
B. Nagtagumpay ang mga pakikipaglaban ng mga Pilipino
C. Nag-alsa ang mga ninuno natin upang pamahalaan nila ang ating bansa
D. Iba iba ang layunin sa pakikipaglaban ng bawat pangkat ng mga Pilipino

_____2. Anong lugar ang pinamunuan nina Lakandula at Raha Sulayman


A. Cebu C. Leyte
B. Bohol D. Maynila

_____3. Bakit nag-alsa ang pangkat ni Juan Sumuroy?


A. Upang lumaya sa mga Espanyol
B. Upang tumutol sa sapilitang paggawa sa Cavite
C. Upang maibalik ang katutubong pananampalataya
D. Dahil hindi tinupad ang kasunduan ng mga Espanyol

_____4. Ano ang tinutulan nina Francisco Maniago at Andres Malong?


A. Ang paraan ng pananampalataya C. Ang paggalang sa karapatan
B. Ang sapilitang pagtatrabaho D. Ang patakarang Espanyol

_____5. Sino ang pinuno ng mga Pilipinong nag-aklas sa Ilocos?


A. Diego Silang C. Juan Sumuroy
B. Andres Malong D. Raha Sulayman

Pagtataya B: Ilahad ang iyong naramdaman sa mga sumusunod na pangyayari sa


pamumuno ng Espanyol. Lagyan ng masayang mukha  ang pahayag kung ito ay kaaya-aya
at malungkot na mukha  kung hindi. Iguhit ang iyong sagot sa sagutang papel.

O 1. Pakikipaglaban ng ating mga ninuno sa mga pinunong Espanyol.

O 2. Pag-alsa ni Paring Tamblot

O 3. Pagsusumikap ng ilan sa ating mga ninuno na makabalik sa kanilang


pananampalataya.

O 4. Lubos na pag-asam sa kalayaan ng mga Pilipino

O 5. Pagtutulungan ng mag-asawang Silang sa pag-alsa

V. Takdang Aralin
Magbigay ng limang kahalagahan na naidulot ng pakikibaka ng iba’t ibang
rehiyon at sektor laban sa mga Espanyol.
1.
2.
3.
4.
5.

You might also like