You are on page 1of 6

DETAILED LESSON PLAN

Mishell A. Abejero BEED 2-A

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 40 minutong talakayan, ang mag-aaral ng ikaapat na baitang ay inaasahang
magagawa ang mga sumusunod na may pitongpu’t limang bahagyang antas;

a. Nakikilala ang mga bayani ng bansang Pilipinas

b. Natutukoy ang mga kabayanihang nagawa ng iba't ibang bayani ng bansa.

c. Nailalarawan ang kabayanihang nagawa sa pamamagitan ng paggawa ng poster.

II. Paksang-aralin

Paksa: Mga Bayani ng Bansang Pilipinas

Sanggunian: K-12 Basic Education Curriculum, AP3KLR-IIH-i-7

Kagamitan:

III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda
a. Panalangin
Mga bata bago natin umpisahan an gating araw nais bang magtayo ang lahat para sa ating maikling
panalangin. (Universal prayer)
b. Pamamahala sa silid-aralan
Mga bata bago tayo magsimula, maari bang pulutin muna natin ang mga papel na nasa ibaba ng
upuan? (opo) maraming salamat.
c. Magandang umaga mga bata! (magandang umaga aming guro) maari na kayong magsi-upo!
Kamusta ang araw niyo? (mabuti naman po titser) mabuti naman kung sa ganon!
d. Pagsuri ng pagdalo
Mga bata kapag tinawag ko ang inyong mga pangalan maari niyo bang itaas ang inyong kanyang
kamay at sabihing “andito po guro” May pangalan ba na hindi ko tinawag? (wala po) mabuti naman
kung ganon!
e. Pamantayan
Mga bata, bago tayo magsimula ng ating aralin, nais kong malaman kung ano ang dapat gawin kapag
kayo ay nasa loob ng klase. Mga bata ano ang dapat gawin kapag ako ay nagsasalita? (makinig)
tama, kayo ay dapat makinig. Ano pa? (wag mag-ingay) magaling! Dapat wag tayong maingay para
magkakaintindihan. At pag ako ay nagbigay ng Gawain, ano ang dapat ninyong gawin?
(magtulungan) Magaling mga bata!

f. Pagganyak
Mga bata nanonood ba kayo nang mga superhero movies? (opo) Sinong mga super hero ang kilala ninyo at ano
ang kanilang ginagawa? Oh, sige ikaw Rica. (Batman po, tumutulong siya sa mga taong humihingi nang tulong)
Mahusay! Sino pa dito ang may kilalang super hero? Oh sige, ikaw John. (Cardo Dalisay po, pinagtatanggol
niya lahat nang inaapi) Aba! Tama yan si Cardo Dalisay. Sa mga sagot sa inyong mga kaklase, sila ang mga
taong tinuturing natin na mga bayani dahil sila ay may kakayahang tumulong sa kapwa. Mga bata, ngayong
araw tayo ay maglalaro. Gusto niyo ba na makakuha nang gantimpala? (opo) magaling! Simple lamang ang
inyong laro, ang buong klase ay mahahati sa tatlong grupo, bawat grupo ay bibigyan ko nang maliit na sobre ay
may mga ginupit na larawan, bubuoin ninyo ito sa loob nang tatlong minuto. Kapag kayo ay tapos na
papalakpak kayo nang tatlong beses at isisigaw ang grupo. Isa, dalawa, tatlo, Group 1. Ulit, group 1 ano ang
gagawin kapag kayo ay tapos na sa pagbuo nang mga larawan? (isa, dalawa, tatlo Group 1!) magaling!
Maliwanag na ba sa inyo ang inyong gawain mga bata? (opo). Mga bata pagbilang ko nang tatlo ay simulan na
ang inyong mga Gawain. Isa, dalawa, tatlo simulan na!

Ngayon, bigyan natin nang ang galing clap ang unang grupo na nakabuo nang larawan. Paano nga ulit ang Ang
galing clap? (isa, dalawa tatlo, Ang Galing! Bigyan din natin nang limang palakpak ang ating mga sarili dahil
matagumpay ninyong nagawa ang inyong masayang gawain.

B. PAGLALAHAD
Sa mga larawan na inyong nabuo, ano sa tingin ninyo ang ang ating tatalakayin ngayong araw? (Mga bayani
po) Tama! Ang ating tatalakayin ngayong araw ay tungkol sa Mga bayani ng bansa. Sa mga larawan na inyong
nakikita ay sila ang mga itinuturing nating Bayani ng Bansa. Mga mamamayang hindi takot makipaglaban at
mag buwis nang buhay upang makatulong sa kapwa. Unahin natin dito sa unang larawan.

Mga bata, kilala ninyo ba kung sino ang nasa larawan? (siya ay si Dr. Jose Rizal) Tama, siya ay ating
pambansang bayani nang Pilipinas, ngayon mga bata, paano siya naging bayani? Naging bayani siya sa paraan
ng pagsulat upang mabukas ang mata ng mga Pilipino sa pagmamalabis ng mga Espanyol. Gusto niyo din ba
maging si Dr. Jose Rizal? (opo) mabuti naman kung ganon dahil sa katalinohan at pagmamahal ni Dr. Jose
Rizal sa bansa ay naging pambansang bayani siya. Ngayon, iikotin naman natin ulit ang roleta.

Mga bata, sino ang nasa larawan? Siya ay si Andres Bonifacio.Siya ay kinikilala na dakilang Lumpo. Siya ay
naging bayani dahil siya ay nagtatag at namuno ng Katipunan o KKK, isang lihim na samahang lumaban sa
mga Espanyol para mapalaya ang Pilipinas.

Mga bata sino naman ang nasa pangatlong larawan?


Mga bata, sino ang bayani na nagmula sa Marawi, Lanao Del Sur? siya ay si Amai Pakpak at kilala bilang Datu
Akadir. Namuno siya sa pagtatanggol sa Kota Marahui (Camp Amai Pakpak) Namatay siya dahil sa
pagtatanggol sa Marawi laban sa 5,000 sundalong Espanyol.

Sino ang bayani na nagmula sa Rehiyon 1, lalawigan ng La Union? Siya ay si Diego Silang. Siya ay namuno sa
kilusang Rebolusyunaryo laban sa mga Espanyol ngunit pinatay ng mga taksil niyang kaibigan noong siya’y 33
taong gulang. Iikotin natin ulit ang roleta mga bata.

Sino ang bayani na nagmula sa Maguindanao? Siya ay si Muhammad Dipatuan Kudarat. Kilala sa tawag na
Sultan Kudarat. Napagkaisa niya ang ibang pinuno sa Mindanao kaya’t hindi nagtagumpay ang mga Espanyol
sa pananakop. Mga bata, ipagpatuloy natin ang pagkanta “ Wikang pambansa ang gamit kong salita, bayan
kong sinilangan hangad ko lagi ang kalayaan)

Mga bata sino ang bayani na nagmula sa Rehiyon 3, lalawigan nang Bulacan? Siya ay si Trinidad Tecson at siya
ang tinaguriang“Ina ng Biak-na-Bato.” Naging bayani siya dahil nakipaglaban siya kasabay ng mga lalaki.
Iikotin natin ulit ang roleta.

Sino ang bayani na nagmula sa sa lalawigan nang Ilolo? Siya ay si Graciano Lopez Jaena. Siya ay ang bayani
na nagmula sa lalawigan nang Ilolo.Isang mamamahayag, rebolusyunaryo, at propagandista. Unang patnugot ng
La Solidaridad na may pahayagang inilathala ng mga Pilipinong nag-aral sa Espanya na nagparating sa hindi
magandang kalagayan ng mga Pilipino. Iikotin natin uli nang isa pang beses ang roleta.
Mga bata sino ang bayani na nagmula sa Mactan, Cebu? Siya ay si Lapu-lapu at Siya ang kinikilalang kauna-
unahang bayaning Pilipino na pumatay kay Magellan na nagtangkang sakupin ang bayan. Maraming salamat sa
mahusay ninyong pagkanta.
Ngayon nakikilala na ninyo ang mga bayani ng ating bansa. Lagi nating tatandaan na pagiging bayani ay hindi
dahil meron tayong super powers kundi dahil meron tayong busilak na puso, tapang at malasakit sa ating
kapwa. Pwede tayong maging bayani sa pamamaraan nang pagtulong sa mga taong nangangailan. Ngayon,
maliwanag na ba sa inyo kung sino sino ang mga bayani nang ating bansa? (opo)
PANGKATANG GAWAIN
Ngayon sa inyong pangkatang gawain, magkakagrupo parin kayo. Ang gawain natin ay tinatawag nating
“ Alamin mo, gawin mo” Ang bawat grupo ay bibigyan ko nang isang sobre at sa loob nang sobre ay merong
isang larawan. Gagawa kayo nang isang sadula na nagpapakita nang pamaraan at kahalagahan sa pagiging isang
bayani na dapat nating tularan. Bibigyan ko lamang kayo nang tatlong minuto upang kayo ay magtipon-tipon
para mapag usapan ninyo ang tungkol sa inyong gawain. Naiintindihan ba mga bata? (opo) Sige simulan na ang
gawain. Mga bata, bigyan natin nang limang palakpak ang ating mga sarili dahil mahusay ninyong
natagumpayan ang inyong pangkatang gawain.
C. PAGHAHAMBING
Ngayon, ano nga ulit ang tawag sa mga taong hindi takot makipaglaban at mag buwis nang buhay upang
makatulong sa kapwa? (bayani) tama! Magbigay nang tatlong bayani sa kasalukuyan? (doktor, pulis at
titser) tama! Sino ang ating pambansang bayani? (Jose Rizal) Magaling!

D. Paglalahat
Mga bata tungkol saan ulit ang ating tinalakay? (tungkol sa mga bayani ng lalawigan at
rehiyon) Tama! Ano ang katangian meron ang isang bayani? (matapang, mapagmahal at
matulungin) mahusay! Bakit sa tingin ninyo naging bayani ang isang doctor? (dahil po sila
ang tumutulong upang maligtas tayo sa Covid-19 Virus) Bakit natin tularan ang mga
bayani na ating nakilala ngayong araw? (dahil mabubuti silang tao at may puso silang
tumulong sa kapwa) mahusay mga bata! May tanong pa ba tungkol sa ating talakayan?
(wala po) mabuti kung ganon.

IV. APLIKASYON
Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Siya ang kinikilalang pambansang bayani.
A. Jose Rizal
B. Lapu-lapu
C. Trinidad Tecson
D. Andres Bonifacio
2. Siya ang bayani at kinikilala na dakilang Lumpo.

A. Jose Rizal
B. Lapu-lapu
C. Trinidad Tecson
D. Andres Bonifacio

3. Siya ang bayani na tinaguriang“Ina ng Biak-na-Bato.”

A. Jose Rizal
B. Trinidad Tecson
C. Lapu-lapu
D. Andres Bonifacio

4. Ang mga sumusunod ay kinikilalang medical frontliners sa panahon ng pandemya maliban sa .


A. Nars
B. Inhinyero
C. Doktor
D. Medical Technologist

5. Ang mga sumusunod ay bayaning OFW’s maliban sa


.
A. Inhinyero sa Middle East
B. Factory worker sa Kuwait
C. Nars sa Japan
D. Mayor ng Pagsanjan sa Laguna

E. TAKDANG ARALIN
Para sa inyong takdang aralin, sumulat kayo nang kwento tungkol sa isang taong tinuturing ninyong isang
Bayani.
SABTA UG TARUNG ANG TANAN NIUNG OBJECTIVES,
PARA KUNG PANGUTAN-ON KA SA MAESTRA KABALO
KA MUTUBAG.. KABALO NA SILA MUDRAWING KAY
KINDER PALANG GADDRAWING NA SILA… KABALO
SILA MUBASA KAY GRADE 1 PALANG GABASA NA
SILA. MAO NA ITUBAG SA MAESTRA!

Pangkatang Gawain: POSTER MAKING


Pangkatang Gawain na pinamamagatang “BAYANI KO, SALUDO AKO “

BAYANI KO, SALUDO AKO

Panuto: Sa loob ng 10 minuto, gumawa ng isang poster na nagpapakita ng paglalarawaan ng kabayanihang


nagawa ng mga bayani ng bansang Pilipinas.

You might also like