You are on page 1of 12

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Commission of Higher Education


Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

MASUSING BANGHAY – ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5


I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahan na:
a. Nasusuri ang pagbabago sa kultura ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol..
b. Naipapapaliwanag ang impluwensya ng kulturang Espanyol sa kulturang Pilipino.
c. Nagbibigay ang iba’t-ibang impluwensya ng mga Espanyol sa kultura ng mga
Pilipino.

II. Paksang Aralin


1. Paksa:
Mga Impluwensya ng mga Espanyol sa Kulturang Pilipino
2. Kagamitan:
Telebisyon , Laptop , Powerpoint presentation , Mga larawan
3. Sanggunian:
Internet , Araling Panlipunan 5 Pilipinas Bilang Isang Bansa pahina 198 - 203

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Pagdarasal

Magsitayo ang lahat para isang maikling


panalangin.
Magsisitayo ang mga mag-aaral para
sa isang maikling panalangin.

2. Pagbati

Magandang araw mga bata!


Kamusta kayo sa araw na ito. Magandang araw din po!
Okay lang po kami.

Mabuti naman at nasa maayos kayong kalagayan.

3. Pagsasaayos ng silid

Bago tuluyang umupo ang lahat sa kanya –


kanyang upuan ay nais ko munang pulutin ninyo
ang mga nakakakalat na basura sa ilalim ng mga
upuan at alisin ninyo ang mga kagamitan na hindi
gagamitin sa oras na ito.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

( Gagawin ng mga mag-aaral ang


sasabihin ng guro )
4. Pagtatala ng liban

“ Mayroon bang lumiban sa klase ngayong araw ?”


Wala pong liban sa araw na ito ma’am.

Mahusay ! Masayang malaman na narito ang lahat


upang makinig at matuto ng bagong aralin.

B. Balik-Aral
1. Balik-Aral
Ngayon, upang matukoy ko kung talagang
naunawaan ninyo ang tinalakay noong nakaraan ay
may inihanda akong gawain.

A. Pagtukoy sa Konsepto.Tukuyin ang salitang


binibigyan- kahulugan sa sumusunod na
pangungusap .

1.Ang ( bandala / tributo ) isang uri ng


pinagkukunan ng kita ng pamahalaan.
Mga Sagot :
2.Ang ( polo y servicio / tributo ) ang patakaran sa 1.bandala
sapilitang paggawa.Sapilitang pagtratrabaho ng
kalalakihang may 16 hanggang 60 taong gulang. 2.polo y servicio

3.Ang ( tributo / falla ) ay ang sistema ng 3.tributo


pagbubuwis ng salapi o katumbas na halaga nito sa
ani. 4.Samboangan
5.vinta
4.Ang ( Samboangan / falua ) ay ang buwis na
binayaran ng mga taga-Zamboanga sa mga
Espanyol para pagsupil sa mga Moro.

5. Ang ( vinta / samboangan ) ay ang buwis na


binayaran ng mga naninirahan sa may pampang ng
kanlurang Luzon bilang tulong sa pagdedepensa ng
mga lalawigan dito mula sa banta ng mga Muslim.

Maari na tayong magpatuloy sa susunod na


paksa.

C. Aktibiti
1. Pagganyak
Bago tayo magsimula sa ating panibagong aralin
ay may inihanda akong laro.Ang larong ito ay
tinatawag na “Hanapin Mo Ako ”.Ang grupo ay
mahahati sa tatlo.Hanapin ang mga salita sa ibaba
sa loob ng puzzle at bilugan ito.Ang grupo na
nagtaas ng flag ay siyang hahanap ng salita sa loob
ng puzzle.

Hanapin ang mga salita na nasa ibaba sa loob ng


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

puzzle.

1. Pananamit 6. Pangalan
2. Pagkain 7. Panitikan
3. Arkitektura 8. Sining
4. Wika 9. Musika
5. Edukasyon

Handa na ba kayo?
Opo ma’am.

A R K I T E K T U R A
K N O B S D T O X P N
I T P K M U S I K A R
W U S N A K I A P N S
A D B O N A N Y N G T
S R P M K S I Z M A O
P S A S U Y N A A L N
K O G R E O G R I A M
A N K O I N Y U P N P
T P A N A N A M I T M
R O I B T Y O T A Y A
P A N I T I K A N S Y

Klas !. Anu-ano nga po ulit ang mga salitang


inyong nahanap sa loob ng puzzle.

Pananamit ,pagkain , arkitektura , wika ,


edukasyon , pangalan , panitikan , sining
at musika.

Mahusay mga bata! ang mga salitang inyong


nahanap sa loob ng puzzle ay may kinalaman sa
paksang tatakayin natin ngayong araw.

Gabay na katanungan :

1. Sinu- sino mga ang nakaimpluwensya sa inyo


upang kayo ay mag-aral ?
( Ang sagot ng mga bata ay iba’t iba )

2. Sinu – sino ang mga nakaimpluwensya sa inyo


ng kagandahang-asal ?
( Ang sagot ng mga bata ay iba’t iba )

Klas,mayroon akong inihandang jumbled letters


Isaayos ang jumbled letters upang makabuo ng
mga salita na may kaugnayan sa paksang
tatalakayin natin ngayon.

AGM AYSNEWULPMI GN AGM LOYNAPSE


AS GNARUTLKU ONIPILIP
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

MGA IMPLUWENSYA NG MGA


ESPANYOL SA KULTURANG PILIPINO

Iyan ang pagtatakayan natin, kung anu –ano nga


ba ang mga impluwensya ng Espanyol sa kulturang
pilipino.

2. Paglalahad
Ngayong umaga ay bibigyang- pansin sa araling
ito ang impuwensya ng Espanyol sa kulturang
pilipino”.

Anu-ano nga ba ang mga naging impluwensya ng


mga Espanyol sa kulturang pilipino?

Sa huling bahagi ng ika-16 siglo ,maraming


aspeto ng pamumuhay ng mga Filipino ang
kinakitaan ng bahid ng kulturang Espanyol.Malaki
ang impluwensya ng Kristiyanismo sa pagbabagong
naganap sa kulturang Pilipino.

Halina’t ating alamin ang mga ito ;

PANANAMIT AT PALAMUTI
- Ipinakilala ng mga Espanyol ang pagsusuot ng
camisa chino , pantalon , sombrero ,tsinelas , ropilla
, at sapatos para sa mga kalalakihan.Ito ang pumalit
sa bahag at kanggan na dating isinusuot ng mga
katutubo.

- Ang mga kababaihan naman ay patuloy na


nagsuot ng baro’t saya na kalaunan ay naging
kimono.Nagsuot din sila ng mantilla o itim na
balabal , at panuelo o malaking panyo na
ipinapatong sa balikat.Pati ang pagsusuot ng
palamuti ng mga Filipino ay naimpluwensyahan din
ng mga Espanyol tulad ng mga pagsusuot ng
peineta o panggayak na suklay sa buhok, at iba’t
ibang hugis at laki ng hikaw.

PAGPAPANGALAN
-Nabago ang paraan ng pagpapangalan ng mga
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Filipino.Batay sa kautusan ni Gobernador-Heneral


Narciso Claveria Bautista o ang Claveria Decree of
1849-binigyan ng apelyidong Espanyol ang mga
Filipino tulad ng ; Dela Cruz ,del Rosario,de los
Santos at Santiago.Nakatala ang mga ito at mahigit
61,000 na apelyido na maaaring mapagpilian
apelyido sa Catalogo alfabetico de apellidos.

-Binago rin ng Espanyol ang pangalan ng mga


pook, pueblo , at alcadia na kalimitan ay hinango
sa pangalan ng mga patron at santo.

MUSIKA , SAYAW AT PAGDIRIWANG


-Sa pagdating ng mga Espanyol sa bansa ,napuna
nila ang likas na husay at hilig ng mga sinaunang
Filipino sa ritwal at local na pagdiriwang.Para sa
malaking balakid para sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo.Dahil dito ay ipinagbawal ang
tradisyunal na sayaw at musika ng mga
Filipino.Kalaunan,dahil sa paglaganap ng
Kristiyanismo ay ipinakilala sa mga katutubo ang
iba’t ibang kapistahan para sa santo.

-Madaling natutunan ng mga Filipino ang pagtugtog


ng mga instrumentong pangmusika tulad ng pluta ,
biyolin , harpa , at piano , na dala ng mga Espanyol
sapagkat kahalintulad ito ng mga instrumentong
katutubo sa kanila.

-May ilang relihiyosong tradisyon sa musika na


nabuo sa labas ng simbahan.Sa paghahalo ng
sinaunang tradisyon at mga bagong natutuhang
musika mula sa mga Espanyol ay sumibol ang
tradisyon na pagbasa , Flores de Mayo , santa
cruzan ,panunuluyan , at salubong.

-Sa panahon ng Espanyol ay napatanyag din ang


harana.Isa itong uri ng kundiman o awit ng pagsinta
na iniaawit sa harap ng tahanan ng dalagang
nililigawan.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

- Nahaluan din ng impluwensiyang kanluranin ang


mga katutubong sayaw ng mga Filipino.Sinayaw
ang itik-itik at Tinikling sa indayog at tiyempo ng la
jota at polka .Ang dinala nilang sayaw na jota ay
nagkaroon ng magkakaibang bersiyon sa iba’t ibang
rehiyon ng Pilipinas. Ang sayaw nilang fandago sa
ay kinilala sa bansa na pandago sa ilaw. Kapuwa
naging sikat na sayaw sa mga pista at pagdiriwang
sa panahong iyon ang la jota at pandanggo.

- Ang ilan na galaw sa carinosa , sa sayaw ng


Santa Isabel , at iba pang sayaw ng pag-ibig at
pananampalataya sa mga santo ay hango sa
waltz.Maliban sa mga ito , nakilala ang mga sayaw
na rigodon , pasakat , lanceros , mazurka at surtido.

LUTUIN
-Kasabay ng pagdating ng iba’t –ibang mga prutas
at gulay mula sa kanluran ay ang pagpapakilala ng
sari-saring lutuing Espanyol tulad ng menudo ,
afritada , relleno , mechado , paella , pochero ,
caldereta , callos , leche flan.Nadagdagan rin sa
hapag kainan ng mga Filipino ang mga
nakapreserbang pagkain tulad ng hamon,sardinas ,
longganisa , at mga pagkaing de lata.Umiinom na
rin sila ng tsokolate at kape.

- Natuto ang mga Filipino na gumamit ng kutsara ,


tinidor , at kutsilyo sa pagkain. Naging bahagi na rin
ng kanilang hapag kainan ang mga kasangkapang
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

tulad ng plato , tasa , baso , mangkok , at platito, na


impluwensiya sa kapuwa ng mga Espanyol at tsino.

PANITIKAN
-Upang mapabilis ang pagpapalaganap ng mga aral
ng Kristiyanismo , dinala ng mga Espanyol sa
Pilipinas ang Sistema ng palimbagan.Ipinasunog
ang ilang nasulat na katutubong panitikan at
napalitan ng mga kwento ng pagpapakasakit Kristo
at ang pangako niyang buhay na walang
hanggan.Noong 1593 , nailimbag ang kauna-
unahang aklat sa Pilipinas na naglalaman ng mga
dasal ang Doctrina Christiana.

-Ipinakilala ang mga Espanyol ang mga dasal ,


nobena , talambuhay ng mga santo , mga awit ,
korido , tula , kwento at sarswela bilang paraan ng
pagpapabilis ng pagpapalaganap ng mga aral ng
Kristiyanismo.

SINING
-Dala ng implwensyang Kristiyano ay lumaganap at
naging limitado sa temang panrelilhiyon ang mga
likhang pinta at estruktura sa Pilipinas noong
panahong kolonyalismo.Kalimitang ipinta at inukit
ang wangis sa mga santo , Birheng Maria at mga
tagpo sa bibliya.Nag-ukit ng disenyo sa pintuan ,
haligi , sulok , pulpit ng simbahan, gayundin sa
carroza o sasakyan ng mga imahe ng santo tuwing
may prusisyon.

-Mula sa paglililok ng anito ay naging imahen ng


mga santo at retalbo o altar ng simbahan ang
kanilang ginawa.Isang halimbawa ng retalbo ay
matatagpuan sa simbahan ng San Agustin na inukit
ni Juan de los Santos noong 1617.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

ARKITEKTURA
-Noong simula ay yari sa kawayan , pawid at nipa
ang simbahan na ipinagawa ng mga prayle .Sa
pangambang madali itong masira ng sunog ,
lindol,at ulan , at bilang paraan ng panindak sa mga
Filipino, ay gumamit sila ng higit na matibay at
matatag na materyales..

-Ang San Agustin Church at Manila Cathedral


Intramuros ay dalawa lamang sa maraming
simbahang Katoliko na itinayo ng mga Espanyol sa
Pilipinas.

-Ang mga estrukturang tulad ng simbahan,gusaling


pampubliko , at bahay na bato noong panahon ng
kolonyalismo ay itinayo batay sa estilong
Antellian.Ang estilong ito ay buhat sa Antilles sa
Central America at hindi mula sa Spain.Pinagsama
nito ang impluwensiyang arkitekturang Byzantine ,
baroque , Gothic at Moro.

WIKA AT SISTEMA SA PAGSULAT


-Bago ang ika – 19 na siglo hindi itinuro sa
paaralan ang Wikang spanish.Hindi ito
pinahintulutan ng simbahan.Bagkus ay hinikayat
ang mga prayle na aralin ang wikang katutubo.
-Noong 1593 ay inilimbag ang kauna-unahang aklat
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

sa Pilipinas ang “ Dotrina Christiana –isang aklat –


dasalan na nasusulat sa Spanish at may kasamang
pagsasalin sa wikang tagalog na para lamang sa
prayleng Espanyol .Mula rito ay binibigkas nila ng
paulit-ulit ang mga dasal sa wikang katutubo.Sila ay
timaguriang mga ladino .Isa sa pinakatanyag na
ladino ay si Gaspar Aquino de Belen .Siya ang
manunulat ng Mahal na Pasion ni Hesu Cristo ,
isang patulang pasalaysay sa pasyon , kamatayan
at muling pagkabuhay ni Hesu Cristo.

-Nagdesisyon ang mga misyonerong Espanyol na


umupa ng mga katutubong gagawa sa trabahong
ito.Dito nagsimula ang pagkatuto ng ilang katutubo
na magsulat sa Spanish at katutubong wika.
Hesu Cristo , isang patulang pasalaysay sa pasyon
, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesu Cristo.

- Sa malaking pagkaktulad ng tunog ng Spanish at


mga katutubong wika tulad ng Tagalog , Ilokano , at
Bisaya naging madali para sa mga Filipino na
matutunan ang wika ng mga Espanyol.Dagdag pa
rito ang paglaganap ng mga babasahin sa wikang
Spanish at katutubo.

- Hindi nagtagal, pormal ng naging bahagi ng mga


asignatura at kurso sa mga paaralan ang pagturo
ng Spanish .Natutunan din ng mga Filipino ang
wikang banyagang ito mula sa pagdalo sa misa ,
pag-aaral ng mga dasal , katekismo , at pakikipag-
usap sa mga Espanyol.

SISTEMANG PANG-EDUKASYON
-Itinuro sa mga paaralang pamparokya ang mga
asignaturang tulad ng relihiyon ,Spanish ,pagsulat ,
pagbasa , aritmetika , musika , sining , at mga
kasanayang pangkabuhayan.

-Itinuro naman sa kolehiyo para sa mga kalalakihan


ang wikang Greek , Latin , gayundin ang pilosopiya
matematika , agham at sining.

- Samantalang ang kolehiyo ng kababaihan naman


ay inihanda sila sa pag-aasawa o maaaring ang
pagpasok sa kumbento.
-Ilan din sa mga asignaturang itinuturo ay ang
kagandahang asal , musika , pananahi at pag-
aayos ng tahanan.

-May mga paaralan din na naitayo upang magturo


ng edukasyong boksyonal.Ilan sa mga kasanayang
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

ibinabahagi dito ay ang agrikultura, pag iimprenta ,


pagkakarpintero at ang pagkukulay ng mga tela.

Naiintindihan ninyo ba mga bata ang tinalakay


natin sa araw na ito.
Opo ma’am.
Ano nga po ulit ang tinalakay natin sa araw na ito ?
Tungkol po ma’am sa mga
impluwensya ng Espanyol sa kulturang
Pilipino.

Mayroon ba kayong katanungan o nais linawin sa


ating naging talakayan ?
Wala po ,naunawaan po namin ang
paksang tinalakay natin ngayon.

Tandaan :
Maraming aspeto ng pamumuhay ng mga Pilipno
ang kinakitaan ng bahid ng kulturang Espanyol at
malaking impluwensya ng Kristiyanismo sa mga
pagbabagong naganap sa ating kultura ay makikita
at nararanasan parin hanggang ngayon.

3. Pagpapakatang-gawain
Upang subukin kung lubos nga ninyong
naunawaan ang tinalakay natin sa araw na ito ay
magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.
Hahatiin ko kayo sa apat na pangkat.Ang bawat
pangkat ay kailangan sagutin ang mga nakaatang
na gawain.Ang unang pangkat na matapos ay
pumalakpak ng “ Ang galing Clap ”Bibigyan ko
lamang kayo ng 5 minuto upang isagawa ang
gawain.

Ngunit bago kayo dumako sa gawain , ay tingnan


at alamin muna ang mga dapat tandaan sa
pagsasagawa ng pangkatang gawain.

- Makiisa sa gawain ng maayos


- Iwasan ang paglikha ng ingay kung hindi naman
kinakailangan.

Naunawaan ba?
Opo ma’am.

Unang pangkat :
Magbigay ng impluwensya ng Espanyol sa
larangan ng “Lutuin” .
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Ikalawang pangkat :
Gumuhit ng ilan sa mga impluwensya ng
Espanyol sa kulturang Pilipino.

Ikatlong pangkat
Magbigay ng mga kagamitan na implwensya ng
mga Espanyol.

Ikaapat na pangkat
Isa-isahin ang mga impluwensya ng Espanyol sa
Kulturang Pilipino.

Presentasyon ng bawat grupo

Napakahusay ng bawat pangkat sa ipinakitang


presentasyon sa klase.Kaya naman bigyan ninyo
ang inyong sarili ng “ Ang galing mo Clap ”

D. Analisis
Base sa ating ginawang talakayan .Ano ang
natutunan ninyo ngayong araw na ito ?

Mga impluwensya ng Espanyol sa


kulturang Pilipino.
Magbigay nga kayo ng ilan sa naging
impluwensya ng Espanyol sa kulturang Pilipino ?

( Ang sagot ng mga bata ay iba’t iba )

Mahusay mga bata! Tama ang inyong


kasagutan.Batid kong naunawaan ninyo ang mga
naging impluwensya ng Espanyol sa kulturang
Pilipino.

E. Aplikasyon
A. Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat
bilang.Piliin ang sagot sa kahon.

DOTRINA CHRISTIANA PEINETA

CARROZA GASPAR AQUINO DE BELEN

PANUELO

___1.Isang aklat –dasalan na nasusulat sa Spanish


at may kasamang pagsasalin sa wikang tagalog na Susi sa Pagwawasto :
para lamang sa prayleng Espanyol.
___2. Ito ay paggyanyak na suklay sa buhok , at
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

iba’t ibang hugis at laki ng hikaw. 1. DOTRINA CHRISTIANA


___3. Sasakyan ng mga imahe ng santo tuwing
may prusisyon. 2. PEINETA
___4. Siya ang manunulat ng Mahal na Pasion ni
Hesu Cristo , isang patulang pasalaysay sa pasyon 3. CARROZA
, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesu Cristo. 4. GASPAR AQUINO DE BELEN
___5. Ito ay isang malaking panyo na ipinapatong
sa balikat. 5. PANUELO

IV. Pagtataya
Panuto : Isulat sa patlang ang TAMA kung ang
pahayag ay tama at MALI kung ang pahayag ay
mali.

_____1. Natutunan ng mga katutubo ang wikang


Espanyol mula sa pagdalo sa misa , pag-aaral ng Susi sa Pagwawasto :
mga dasal , katekismo , at pakikipag usap sa mga 1. TAMA
Espanyol.
_____2. Noong 1952 , nailimbag ang kauna- 2. MALI
unahang aklat sa Pilipinas na naglalaman ng mga
dasal ang Doctrina Christiana. 3. TAMA
_____3. Si Gaspar Aquino de Belen ay isa sa
pinakatanyag na ladino. 4. MALI
_____4. Ang Mahal na Pasion ni Hesu Cristo na
5. TAMA
isinulat ni Gaspar Aquino de Belen ay hindi isang
patulang pasalaysay sa pasyon , kamatayan at
muling pagkabuhay ni Hesu Cristo.
_____5. Ang San Agustin Church at Manila
Cathedral Intramuros ay dalawa lamang sa
maraming simbahang Katoliko na itinayo ng mga
Espanyol sa Pilipinas na may estilong Antellian.

V. Takdang-Aralin
Para sayo , ano ang pinakamahalagang
impluwensiyang Espanyol sa kulturang Pilipino ?
______________________________________

_______________________________________

Inaprobahan ni: Inihanda ni:


GLENDA R. BUBAN JAVELYN D.GAJITO
Master Teacher II Gurong Nagsasanay

You might also like