You are on page 1of 14

rty

5
ope
P r E
AL
t
en
ov
ern
m
R S
G
F O
O T
N NOT

ARALING
PANLIPUNAN
Nasusuri ang paraang armado ng mga Espanyol sa pananakop ng mga
katutubong pangkat ng mga Pilipino
Quarter 3 - Module 4
Edukasyon sa Pagpapakatao- Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 3 – Module 4: Nasusuri ang paraang armado ng mga Espanyol sa
pananakop ng mga katutubong pangkat ng mga Pilipino

First Edition, 2020


Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI
Development Team of the Module
Author: Dolores s. Capa
Reviewers: Letecia D. Tatoy, EPS, Araling Panlipunan
Fernando D. Sumondong, PSDS
Selina O. Macas, PSDS
Jeffrey B. Ares, School Head

Illustrator and Layout Artist: Ronald A. Catedral, Teacher-III


Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


May P. Edullantes, EPS-LRMS
Latecia D. Tatoy, EPS, Araling Panlipunan
Fernando D. Sumondong, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088) 545-09-88

5
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

ARALING
PANLIPUNAN
Quarter 3 – Modyul 4

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


teachers, school heads, Public Schools District Supervisors, and Education Program
Supervisors of the Department of Education - Ozamiz City Division. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education - Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

We value your feedback and recommendations.


Department of Education ● Republic of the Philippines

Talaan ng Nilalaman
Nilalaman ng Modyul……………………………………………………………….……..i
Icons na Ginamit sa Modyul……………………………...………………………………..ii

Aralin 1:
Alamin……………………………………………………………………..
Subukin……………………………………………….……………………
Tuklasin…………………………………………….……………………...
Suriin……………………………………………………………………....
Pagyamanin……………………………………………...…………….…..
Isaisip…………………………………………….…….…………….……
Isagawa……………………………………………………..…………..…
Tayahin…………………………………………………………..………..
Karagdagang Gawain……………………………………………………..
Aralin 2:
Alamin……………………………………………………………………..
Subukin……………………………………………….……………………
Tuklasin…………………………………………….……………………...
Suriin……………………………………………………………………....
Pagyamanin……………………………………………...…………….…..
Isaisip…………………………………………….…….…………….……
Isagawa……………………………………………………..…………..…
Tayahin…………………………………………………………..………..
Buod……………………………………………………………………………..……..…
Susi ng Pagwawasto…………………………………………………………….....…...…
Sanggunian………………………………………………………………...……….
Ang Nalalaman

Naitanong mo ba sa iyong sarili kung ano ang naging buhay ng ating mga ninuno noon?
May kaibahan ba ang naging buhay nila noon at sa ngayon? Sa kasalukuyang panahon,
naitanong din mo ba na ikaw ay karapat dapat sa mga bagay na natatamasa mo ngayon lalo na
ang kalayaan ? Sa mga nakaraang aralin, napag alaman mo na may sariling kultura at
paniniwala ang mga sinaunang Pilipino ngunit maraming pangyayari na naganap sa kasaysayan
ng Pilipinas na nagpatibay at nagpapatatag sa ating bansa sa kasalukuyan .

Bilang isang Pilipino , nararanasan nating mamuhay nang masaya sa ating sariling
bansa. Nagagawa natin ito sapagkat naninirahan tayo sa isang bansang malaya. Subalit sa
kasaysayan ng Pilipinas dumating din ang panahon na tayo ay nasakop ng iba't ibang bansa sa
pangunguna ng bansang Espanya.

5
ARPAN
Quarter 3 - Module 4
(PAGBABAGONG KULTURAL SA
PAMAHALAANG KOLONYAL NG MGA
ESPANYOL)

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public and private schools, colleges, and or/universities. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education at action@ deped.gov.ph.
We value your feedback and recommendations.

Pamagat ng Aralin

NASUSURI ANG PARAANG ARMADO NG MGA ESPANYOL SA


PANANAKOP NG MGA KATUTUBONG PANGKAT NG MGA
PILIPINO

Aralin 1

Alamin

Sa pamamagitan ng araling ito, mabibigyang linaw ang naging pamamaraan ng mga


Espanyol sa pananakop at pamamahala sa Pilipinas noong panahon ng Kolonyalismo.

Alamin Natin

Paraan ng Pananakop ng mga Espanyol

Dalawang paraan ang ginagamit ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas - sa


pamamagitan ng Krus at Espada.

Bawat sasakyang pandagat na dumadaong sa Pilipinas ay may kasamang parang


misyonero. Tungkulin nilang palaganapin ang Kristiyanismo sa Pilipinas.
Pagdaong nila sa dalampasigan, naghandog ang mga misyonero ng misa ng pasasalamat
at nagtayo ng krus. Tunghayan sa Talahanayan sa ibaba ang mga pangkat ng misyonero na
dumating sa Pilipinas.

Mga order ng mga Misyonerong Dumating sa Pilipinas

Order ng Misyonero Taon ng Pagdating Mga Lalawigan o Rehiyon

1565 Mga Lalawigang Tagalog,


Pampang, Ilokos, Cebu at
1. Augustinian Panay

1577 Camarines, Bikol Region

2. Franciscan

1581 Bohol, Samar, Leyte, ilang


bahagi ng Mindanao
3. Jesuit

1587 Cagayan, Pangasinan

4. Dominican

1605 Zambales, Mindoro,


silangang Visayas, Palawan
5. Recollect at Mindanao

Upang maipaliwanag ang Kristyanismo sa mga Pilipino, pinag-aralan ng mga misyonero


ang mga Katutubong Wika ng Pilipinas. Bininyagan din nila ang mga katutubo sanggol man ito o
matanda upang mga maging ganap na Kristiyano. Bagama’t nabinyagan, may ilang Pilipinong
pinanatili ang kanilang aspekto ng kanilang katutubong paniniwala. Halimbawa na lang ang
paniniwalang paninirahan ang kalikasan ng mga anito at diwata.

Buo rin ang nagiging suporta ng pamahalaang kolonyal sa pagpapalaganap ng mga


misyonero ng Kristiyanismo. Mabigat ang parusang ipinataw sa sino mang Pilipinong
nanumbalik sa katutubong pananampalataya matapos na mabinyagan bilang Kristiyano.
Pinarusahan din ang pagsasagawa ng mga gawaing panrelihiyon na taliiwas sa itinuro ng mga
Espanyol.

Samantala, sa pamamagitan ng reduccion, o paglipat ng mga tirahan ng mga Pilipino sa


kabayanan, nilayon ng mga Espanyol na gawing Kristiyano ang mga Pilipino. Sa patakarang ito,
naging sentro ng mga kabayanan ang plaza. Madaling natipon ang mga tao sa pamamagitan ng
pagpapatunog ng kampana. Dagdag pa rito, ginamit din ang pagiging bago at kakaiba ng mga
ritwal at seremonyang Kristyanismo upang mahikayat ang mga Pilipinong maging Kristyano
tulad nalang ng makukulay na prosisyon at mararanyang kasuotan tuwing may kapistahan.

May ilang katutubong tumangging magpasailalim ng Kristiyanismo. Kinilala sila bilang


remontados (mga namundok muli), ladrones monteses (magnanakaw sa kabundukan),
cimmarones (Cimarron-mailap o marahas) at tulisanes (bandido). Hindi rin lumaganap ang
Kristiyanismo sa mga Muslim sa katimugan ng Pilipinas at sa mga Igorot ng Cordillera.

Samantala, ang paggamit ng espada ay tumutukoy sa paggamit ng mga Espanyol ng


puwersa at lakas-militar upang mapasailalim sa kanilang kapangyarihan ng mga Pilipino.

Nagsimulang magtatag ng mga pamanayang Espanyol si Miguel Lopez de Legaspi sa


Cebu noong ika-27 ng Abril 1565. Ito ay matapos ang labanan sa pagitan ng pangkat ni Legaspi
at ng mga Cebuano. Nabigo ang mga Cebuano dahil higit na makabago ang mga sandata ng mga
Espanyol.

Sunod na nagtayo ng pamayan si Legaspi sa Panay noong 1569. Sinundan ito ng pagtatag
ng pamayanan sa Masbate, Ticao, Burias, Mindoro, Mamburao, at Albay.

Matapos ito, naghanda si Legaspi upang sakupin ang Maynila. Itinalaga niya si Martin de
Goiti bilang pinuno ng puwersang Espanyol sa Maynila.

Noong una ay magiliw ang pagtanggap nina Raja Sulayman at Raja Matanda sa mga
Espanyol sa paniniwalang kapayapaan at pakikipagkaibigan sa layunin ng mga Espanyol sa
Pilipinas. Sa huli ay nauwi ang kanilang pakikipagkaibigan sa labanan na pinagtatagumpayan ng
mga Espanyol noong Mayo 19, 1571. Dahil dito, tuluyan nang mapaisailalim ng Maynila sa
pamamahala ng mga Espanyol.

Sa ganitong paraan, gumamit ang mga Espanyol ng puwersa sa pananakop ng Pilipinas.

Sagutin:

1. Anu-ano ang dalawang paraan na ginagamit ang mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas
2. Paano naipalaganap ng mga Espanyol ang Kristiyanismo sa Pilipinas.
3. Papaano nakipaglaban ang mga katutubong Pilipino sa mga Espanyol?

PAGYAMANIN MO

Gawain A

Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang T kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng tunay na nangyari. At M kung hindi tama ang isanasaad sa pangungusap.

__________1. Dalawa ang paraan na ginamit ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas sa


pamamagitan ng Krus at Espada.

__________2. Pagdaong sa dalampasigan, ang mga misyonero ay naghandog ng misaat nagtayo


ng simbahan.

__________3. May mga katutubong tumangging magpasailalim sa Kristiyanismo.

__________4. Hindi rin lumaganap ang Kristiyanismo sa mga Muslim sa katimugan ng Pilipinas
at sa mga Igorot ng Cordillera.

__________5. Nagtagumpay ang mga Cebuano dahil higit na makabago ang mga sandata ng
mga Espanyol.

Gawain B
Tingnan ang dayagram. Isulat sa loob ng maliliit na bilog ang mga Misyonerong
dumating sa Pilipinas.
Mga Misyonero

Gawain C
Sagutin nang wasto ang mga tanong:

1. Anu-ano ang mga stratehiya ng mga Espanyol ang ginamit sa pananakop sa Pilipinas?
2. Paano naipalaganap ng mga Espanyol ang Kristiyanismo sa Pilipinas?
3. Paano ginamit ng mga Espanyol ang krus sa pananakop?
4. Ano ang Kristiyanismo?
5. Papaano nakipaglaban ang mga katutubong Pilipino sa mga Espanyol?
Isaisip

● Dalawaang paraan ang ginamit ng mga Espanyol sa pananakop ng Pilipinas – sa


pamamagitan ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, at sa Paggamit ng puwersa at
lakas – militar.
● Ang Kristiyanismo ay isang relihoyong banyaga sa Spain. Ito ay relihiyong nabuo
at yumabong sa Kanlurang Asya at Kumalat sa Syria, Mesopotamia, Egypt
hanggang sa makarating ito sa Europe.
● Dahil sa pagtutol sa pananakop ng mga Espanyol, nakipaglaban ang mga
katutubong Pilipino.Ngunit matapos ang labanan nabigo ang mga Pilipino dahil
higit na makabago ang mga sandata ng mga Espanyol.

Isagawa

Pagtambalin. Piliin ang tamang katawagan na binibigyang-kahulugan sa mga pangungusap sa


ibaba mula sa kahon na listahan sa kanan. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

a. Pananakop gamit ang


krus
b. Pananakop gamit ang
espada
c. Misyonero
d. Miguel Lopez de
e. Martin de Goiti
f. Abril 27,1565
g. Franciscam
h. God,Gold at Glory
i. Muslim, Igorot sa
Cordillera
j. 1569
k. Mayo 19, 1571

___1. Nagpapalaganap ng Kristiyano sa Katutubong Pilipino


___2. Estratehiya ng pananakop ng mga Espanyol gamit ang Kristiyanismo
___3. Manlalayag na nagtatag ng unang pamayanang Espanyol sa Cebu
___4. Tumutukoy sa puwersa at lakas-militar na Legaspi
___5. Petsa ng nagsimulang magtatag ng mga pamayanang Espanyol sa Cebu
___6. Sunod na nagtayo ng mga pamayanan si Legazpi sa Panay noong ______
___7. Tatlong layunin ng Spain sa pananakop sa Pilipinas
___8. Itinalagang pinuno ng puwersang Espanyol sa Maynila
___9. Misyonerong dumating sa Camarines, Bicol Region noong 1577
___10. Hindi lumaganap ang Kristiyansmo sa _____

Takdang Aralin:
Ilarawan kung paano naipalaganap ng mga Espanyol ang Kristiyanismo sa Pilipinas?
Isulat sa isang malinis na papel ang sagot.

Susi sa Pagwawasto

Sagutin

Tanggapin ang iba’t-ibang sagot ng mga mag-aaral

Gawain A
1. T
2. M
3. M
4. T
5. M

Gawain B

1. Augustinian
2. Franciscan
3. Josuit
4. Dominican
5. Recollect

Gawain C
Tanggapin ang iba’t-ibang sagot ng mag-aaral

Subukan Natin

1. C
2. A
3. D
4. B
5. F
6. J
7. H
8. E
9. G
10. I

Sanggunian : Isang Bansa Isang Lahi K to 12 for Grade 5

You might also like