You are on page 1of 6

De La Salle Andres Soriano Memorial College

Don Andres Soriano, Toledo City, Cebu, Philippines 6038


Telefax. No. (032)325-2026

COLLEGE OF EDUCATION
SECOND SEMESTER – PRELIM EXAMINATION
SY 2021-2022
FILIPINO 103

ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON


BSED FILIPINO I

Pangalan ng Estudyante: _________________________________________


Kurso at Taon: _________________________________________________
Instruktor: Dr. Maria Katrina S. Macapaz

PAKSA # 1-2 – Kasaysayan ng Kurikulum sa Pilipinas at Mga layunin ng Edukasyon

EDUKASYON SA PILIPINAS BAGO ANG KOLONISASYON

Mga magulang o ang mga matataas na pinuno ng komunidad ang siyang nangangasiwa sa edukasyon ng
mga kabataan at mga kalalakihan ay sinasanay sa agrikultura, pakikidigma, at pakikipagkalakalan
samantala ang mga kababaihan ay sinasanay sa paghahabi, pagbuburda, paggawa ng palayok at basket,
pagluluto, at pag-aalaga ng pamilya. Sa kabilang banda ang mga maharlika na magmamana ng kanilang
kaharian o komunidad ay binibigyan ng edukasyon tungkol sa pamamahala.

EDUKASYON SA PANAHON NG PANANAKOP NG MGA KASTILA

Nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa kasabay ng pagbabago ng katayuan sa


lipunan ng mga Pilipino at nagpatuloy ang pagsasanay sa pagsasaka, paggawa ng banga, paghahabi,
pagbuburda, paggawa ng palayok , basket, pagluluto, at pagpapamilya.

Bagaman , hindi na sila muli pang nagkaroon ng pagsasanay sa pakikidigmaan, kalakalan, at


pamamahala dahil ang mga gawain ay nakalaan sa mga Kastila na siya nang namumuno sa Pilipinas ng
mga panahong iyon. Nagpatuloy rin naman ang impormal na edukasyon para sa mga Pilipino. Ang
sistema ng edukasyon ng Espanya ay naipatupad lamang sa mga probinsyang kanilang nasakop at ang
mga probinsyang nanatiling malaya sa Espanya ay nagpatuloy sa edukasyong nakagawian ng kanilang
lipunan ayon sa kanilang kultura samantala pinakilala ng mga Kastila ang pormal na edukasyon sa bansa
kaya maraming mga paaralan ang ipinatayo na sentralisado dahilan na nagbukas ng mga malalaking
Katolikong kolehiyo na pinatatakbo ng mga prayle.

Tulad ng Colegio de San Ildefonso o Pamantasan ng San Carlos sa Cebu, Colegio de San Jose o Seminario
ng San Jose sa Maynila, Colegio de Nuestra Señora Santisimo Rosario o Pamantasan ng Santo Tomas sa
Maynila, Colegio de San Juan de Letran sa Maynila, at Colegio de Santa Isabel sa Maynila.

Kaya naman bawat bayan ay nagkaroon ng mga primaryang paaralan para sa kalalakihan at kababaihan,
ito ay pinatatakbo ng lokal na pamahalaan at ginawa na ang primaryang edukasyon ay libre at ang pag-
aaral ng wikang Espanyol ang isa sa mga sentro ng pag-aaral.

EDUKASYON SA ILALIM NG REBOLUSYONARYONG PAMAHALAAN

Sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at mga Amerikano noong 1898 ito ang mga
rebolusyong pinangunahan ng Katipunan.
Dahilan na:
- panandaliang sinira ang mga paaralan sa Pilipinas.
-idineklara sa ilalim ng pamumuno ni Emilio Aguinaldo ng Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Pilipinas at
muling buksan ang mga paaralan sa bansa.
-Naumpisahan ang Konstitusyon ng Malolos

EDUKASYON SA PANAHON NG PANANAKOP NG MGA AMERIKANO

Sa yugtong ito muling nagbago ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ang pamahalaang kolonyal ng
mga Amerikano ang nagpatakbo at nagturo sa mga paaralan. Pinalitan din ng wikang Ingles ang midyum
ng instruksiyon sa mga paaralan at naging sentro ng kurikulum ang pagtuturo sa mga Pilipino ng kanilang
mga tungkulin bilang mga mamamayan ng pamahalaang Amerikano.

Schurman at Taft Commission-dinala ng mga Amerikano sa Pilipinas ang pampublikong edukasyon na


libre at sekular o yaong malaya sa impluwensiya ng kahit na anong institusyon panrelihiyon. Kaya naman
lahat ng mga mamamayang Pilipino ay libreng nakapag-aral mula mababa hanggang mataas na paaralan
at naging bukas din para sa lahat na paaralan sa kolehiyo

1901- Act No. 74 of Philippine Commission- naging sentralisado ang edukasyon sa buong bansa kasabay
ng paglawak ng kapangyarihan ng Amerikano sa Pilipinas hanggang Mindanao at tumaas ang populasyon
ng mga mag-aaral na nangahulugan na kailangan ng mas maraming guro.

1902-nagtayo ng mga paaralan para sa mga special children at mga institusyon para sa sining, kalakalan,
agrikultura, komersiyo, at marino. Upang patatagin pa lalo ang edukasyong pangkolehiyo sa bansa ay
itinatatag ang Unibersidad ng Pilipinas na inaprubahan ng Asamblea ng Pilipinas. Dito itinayo ang UP ay
isang state university na nangangahulugang ang kaniyang pondo ay mula sa pamahalaan at pinatatakbo
ng mga kawani ng pamahalaan.

EDUKASYON SA PANAHON NG PANANAKOP NG HAPON

Pinatakbo ng Commission of Education, Health and Public Welfare noong 1942 at Ministry of Education
noong 1943 ang sistema ng edukasyon. Wikang Filipino, Kasaysayan ng Pilipinas, at Character Education
ang nakasentro sa pagmamahal sa bayan at marangal na trabaho ang naging sentro ng edukasyon.

Sadyang binago ng mga Hapones ang sistema ng Amerikano. Maraming mga Pilipino ang tinalikuran ang
pag-aaral dahil sa pangamba sa kanilang kaligtasan dahil ito ay panahon ng kaguluhan kahit na binigyan
ng pokus sa edukasyon ang mga Pilipino.

Sa kasamaang palad sunod-sunod na digmaan, paghuli sa mga Pilipinong pinaghihinalaang mga rebelde,
mga kababaihang ginagawang comfort women ang nagdulot ng takot sa mga Pilipino na umiwas na
magkaroon ng interaksiyon sa mga Hapones.

EDUKASYON SA ILALIM NG REPUBLIKA NG PILIPINAS

Mga mahahalagang taon ng pagbabago:

1946-Naibalik sa mga Pilipino ang pagpapatakbo sa edukasyon sa PIlipinas ng makalaya ang mga Pilipino
sa mga Amerikano.
1947-Binuo ang Department of Education at naging kaagapay nito sa pagbabalangkas ng regulasyon
para sa mga paaralan ang Bureau of Private and Public schools.
1972-Naging Department of Education, Culture and Sports ang ahensiya.
1978-Naging Ministry of Education.
1982- Education Act ang Ministry of Education, Culture, and Sports
1987-Muling tinawag na Department of education, Culture and Sports.
1994- Inihiwalay ang regulasyon para sa mga kolehiyo at pamantasan nang itatag ang Commission on
Higher Education o CHED at para naman sa mga kursong bokasyonal ay ang Technical Education and
Skills Development Authority o TESDA. Naging pokus ng Department of Education, Culture and Sports
ang regulasyon ng mababa at mataas na paaralan.
2001-muli itong tinawag na Department of Education na kasalukuyan pa rin nitong pangalan.
Istruktura ng edukasyon sa yugtong ito:

Anim na taon sa mababang paaralan at apat na taon sa mataas na paaralan at ang naging daloy ng
kurikulum ay nakasentro sa mga asignaturang: Matematika, Siyensiya, Ingles, Filipino, HEKASI o Araling
Panlipunan, Edukasyong Panteknolohiya at Pantahanan, Edukasyong Pangkatawan, Pangkalusugan, at
Musika at Edukasyong Pangkabutihang Asal.

Samantala ang asignaturang relihiyon ay kasama sa kurikulum ng mga sektaryong pribadong paaralan o
yaong pinatatakbo ng relihiyon. Apat hanggang limang taon naman sa kolehiyo, depende sa kursong
kukunin na kinabibilangan ng mga kursong general education, professional education, at major subjects.

EDUKASYON SA KASALUKUYANG PANAHON

2012-2013- naisilang ang K to 12, at ipinatupad ang pinakabagong Sistema ng edukasyon sa Pilipinas
kung saan ang isang mag-aaral ng basic education ay kinakailangang magkaroon ng isang taon sa
kindergarten, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high school, at dalawang taon sa
senior high school.

Ano ang mga pagbabagong dala ng K to 12?

1. Nagdagdag ng dalawang taon sa dating sampung taon ng basic education upang palalimin ang
kaalamanan at malinang ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa: information, media and
technology skills; learning ang innovation skills; effective communication skills; and life and
career skills.
2. Inaasahan ang isang mag-aaral na nakatapos sa programang K to 12 ay may kakayahang
magtrabaho, magnegosyo, at kuwalipikado sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo sapagkat dala na
nila ang kaalaman at kakayahan na mayroon ang isang miyembro ng lakas paggawa.
3. Ang mag-aaral sa unang baitang ay kinakailangang pitong taon at siya ay magtatapos sa mataas
na paaralan sa edad na labingwalo na itinuturing na legal na edad upang makapagtrabaho,
bumoto, at pumasok sa mga kontrata.
4. Naglalayong pataasin ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas upang ang mga magiging produkto
nito ay mahusay sa lakas paggawa at mamamayan na kayang makipagsabayan sa pandaigdigang
pamantayan, lalo't marami ang mga Pilipinong nangingibang bansa.

Kasanayang Pagkatuto #1 at 2 – Ipaliwanag mo!

Mula sa unang talakayan natin hinggil sa pitong yugto ng kasaysayan sa pagbabago ng


edukasyon sa Pilipinas. Pumili ng tatlong yugto na para sa iyo ay may pinakamagandang
layunin. Ilahad ng mahusay ang iyong kadahilan na susuportahan ng mga makatotohanang
pangyayari sa kasaysayan. Gawing gabay ang rubrik sa pagmamarka.

1. Edukasyon sa panahon ng __________________

Paliwanag :
2. Edukasyon sa panahon ng __________________

Paliwanag:

3. Edukasyon sa panahon ng __________________


RUBRIK SA PAGMAMARKA

3-
5- Kabuuang
Kraterya 4-Mahusay Katamtamang
Napakahusay Marka
husay
Ang nilalaman
Ang nilalaman ay hindi
Ang nilalaman
KAAKMAAN ay kakikitaan ng
ay angkop at
NG napakaangkop angkop at
naglalahad ng
NILALAMAN at naglalahad malinaw nap
malinaw na
(x3) ng napakalinaw unto bagkus
punto
na punto taliwas ito sa
pinag-uusapan
KAAYUSAN SA Hindi
ISTRUKTURA kakikitaan ng Kakikitaan ng
Kakikitaan ng
AT pagkakamali sa maraming
1-3 kamalian
GRAMATIKA istruktura at kamalian.
(x2) gramatika
PAG-AYON SA Na-isumite ang Naisumite ang
Naisumite ang
PETSA NG awtput ng mas awtput lagpas
awtput sa
PAGSUMITE maaga sa sa inaasahang
tamang petsa
(x1) deadline petsa
TOTAL /30

PAKSA # 3-4 – Ang pagtuturo ng Filipino sa Binagong Kurikulum at ang Kasalukuyang kalagayan
ng pagtuturo ng Filipino sa Batayang edukasyon

Ang pangunahing nilalaman ng Pagtuturo ng Asignaturang Filipino sa binagong kurikulum mula


elementarya hanggang kolehiyo ay”:

Gramatika, Panitikan , Komunikasyon ,Pananaliksik

Ang mga pangunahing kasanayang pinapaunlad ng pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Pagbasa, Pagsulat ,Pagsasalita ,Pakikinig ,Panonood , at Pananaliksik

Deskripsyon ng Batayang Konseptuwal na Balangkas sa Pagtuturo ng Filipino sa kasalukuyan gamit


ang K to 12 curriculum.

Pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 ay ang makalinang ng isang buo at ganap na Filipinong


may kapaki -pakinabang na literasi.

Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang kakayahang komunikatibo, replektibo /
mapanuring pag-iisip at, pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga
babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at
patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Sa ikatatamo ng mithiing ito, kailangan ng mga kagamitang panturo ng mga guro bilang suporta sa
kurikulum na magmumula sa administrasyon, ahensiyang panlipunan, pribado at publiko, pamahalaang
lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan.

Isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang panlipunan, lokal at global na


pamayanan, maging ang kalikasan at pangangailangan ng mga magaaral. Pinagbatayan din ang mga legal
na batas pang-edukasyon, at mga teoryang pilosopikal ng edukasyon at wika nina Jean Piaget
(Developmental Stages of Learning), Leo Vygotsky (Cooperative Learning), Jerome Bruner (Discovery
Learning), Robert Gagne (Heirarchical Learning ), David Ausubel (Interactive/Integrated
Learning),Cummins (Basic Interpersonal Communication Skills-BICS at Cognitive Academic Language
Proficiency Skills-CALPS) at ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na nagsabing “nasa
kabataan ang pag-asa ng bayan”. Dahil ang Filipino ay nasa disiplina ng wika, pinagbatayan ang mga
teorya sa kalikasan at pagkatuto ng wika, mga teorya / simulain sa pagsusuring panliterasi at mga
pagdulog sa pagtuturo ng wika (W1, W2, W3) at pagtuturo ng mga akdang pampanitikan at tekstong
palahad

Sa pagsulpot ng pandemya napagdesisyon ang DepEd Curriculum and Instruction Strand na babawasan
nang 60% ang curriculum units ng buong K to 12, mula sa Kindergarten hanggang Grade 12 at ititira
lamang ang Most Essential Learning Competencies (MELCs). Lakip na nito ang bawat antas ng
asignaturang Filipino na dati ay may mahigit na 200 mga kompentensi bawat taon ngayon ay binawasan
upang tutugon ang edukasyon sa kasalukuyang hamon na kinakaharap na pandemya.

Ang mga MELC ay tinutukoy na mga kailangan ng isang mag-aaral upang magpatuloy sa kanyang marka,
makatawid sa susunod na baitang, at magkaroon ng isang matagumpay na buhay na hinubog ng
dekalidad na edukasyon. Ang MELC ay:

A. Nakahanay sa pambansang pamantayan o mga balangkas, tulad ng, "Holistic Filipino Learners with
21st Century Skills".

B. Nagkokonekta ng nilalaman sa mga mas mataas na konsepto sa iba't ibang content areas.

C. Naaangkop sa mga sitwasyon sa totoong buhay.

D. Mahalagang matutunan ng mga mag-aaral kahit may mag-drop out man sa paaralan.

E. Hindi karaniwang natututunan ng mga mag-aaral kung hindi itinuro sa paaralan.

Kasanayang Pagkatuto #3 at 4 – ANO ANG PANANAW MO?

RUBRIK SA PAGMAMARKA
Kabuuang
Kraterya 5-Napakahusay 4-Mahusay 3- Katamtamang husay
Marka
Ang nilalaman ay Ang nilalaman ay hindi
KAAKMAAN Ang nilalaman ay
napakaangkop at kakikitaan ng angkop at
NG angkop at
naglalahad ng malinaw nap unto bagkus
NILALAMAN naglalahad ng
napakalinaw na taliwas ito sa pinag-
(x3) malinaw na punto
punto uusapan
KAAYUSAN SA
Hindi kakikitaan ng
ISTRUKTURA
pagkakamali sa Kakikitaan ng 1-3 Kakikitaan ng maraming
AT
istruktura at kamalian kamalian.
GRAMATIKA
gramatika
(x2)
PAG-AYON SA
Na-isumite ang Naisumite ang Naisumite ang awtput
PETSA NG
awtput ng mas awtput sa tamang lagpas sa inaasahang
PAGSUMITE
maaga sa deadline petsa petsa
(x1)
TOTAL /30
Mula sa ating naging talakayan sa pagtuturo ng Filipino sa binagong kurikulum at ang
pagbibigay-diin natin sa paksa na paggamit ng Most Essential learning Competencies (MELC)
bilang batayang gulugod sa umiiral na kurikulum ngayon sa Basic Education sa panahon ng
pandemya. Sa iyong palagay ang mga katangiang napapaloob sa MELC ay umaangkop kaya
upang lubusang mapagtibay ang mga pangunahing kasanayang nararapat sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino tulad ng Pagbasa, Pagsulat ,Pagsasalita ,Pakikinig ,Panonood , at
Pananaliksik? Ipaliwanag ng may kahusayan ang iyong sagot.
Kasanayang Pagkatuto # 5. Isaliksik mo!

Mga Pundasyon ng Kurikulum

1. Pilosopikal na Pundasyon
Ang isang guro, mga nagpaplano sa kurikulum at tagapagtaguyod ng mga batas ay
nangangailangan na magkaroon ng pilosopiya o malalimang paniniwala hinggil sa
edukasyon at sa anong uri ng kurikulum ang nasa bawat klasrum at kapaligiran.

Magsaliksik ng mga pangunahing katangian ng mga pilosopikal na pundasyon at bigyang ng


mahalagang deskripsyon ang bawat isa na makikita sa ibaba.
A. Perenyalismo-
B. Esensyalismo-
C. Progresibismo-
D. Rekonstruksyonismo-

Kasanayang Pagkatuto # 6. Itampok mo!

Ayon sa paunang talakayan natin. Ibigay ang mahahalagang tampok na katangian ng K to 12


Kurikulum. Ilahad ito sa loob ng isang talata lamang.

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________.

You might also like