Professional Documents
Culture Documents
Mga mgaulang o ang mga matataas na pinuno ng komunidad ang siyang nangangasiwa sa
edukasyon ng mga kabataan.
Nagpatuloy ang impormal na edukasyon para sa mga Pilipino. Ang sistema ng edukasyon
ng Espanya ay naipatupad lamang sa mga probinsyang kanilang nasakop. Samantala, ang mga
probinsyang nananatiling malaya sa sa Espanya ay nagpatuloy sa edukasyong nakagawian ng
kanilang lipunan ayon sa kanilang kultura.
Ipinakilala ng mga Kastila ang Pormal na edukasyon sa bansa. Maraming mga paaralan
ang ipinatayo na sentralisado. Nagbukas ng malalaking Katolikong kolehiyo na pinatatakbo ng
mga prayle katulad na lamang ng mga sumusunod na paaralan: Colegio de San Idefenso o
Pamantasan ng San Carlos sa Cebu, Colegio de San Juan o Seminario ng San Jose sa Maynila,
Colegio de Nuestra Señora Santisimo Rosario o Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila,
Colegio de San Juan de Letran sa Maynila, at Colegio de Santa Isabel sa Maynila. Ang mga
naturang paaralan ay hindi bukas sa mga Pilipino. Tanging mayayaman o may-kaya lamang ang
nakakapasok sa paaralan.
Ang Educational Decree of 1863 ang nagbigay ng pagkakataon para sa mga Pilipino na
makapasok sa mga pamantasan. Nagawang makapasok ng may kayang Pilipino sa mga
prestohiyosong kolehiyong ito. Kinilala sila bilang mga Ilustrado at ang karamihan sa kanila ay
may ginagampanang papel sa rebolusyon laban sa mga Kastila katulad na lamang nila Jose Rizal,
Graciano Lopez Jaena, Marcelo del Pilar, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, at Juan Luna.
Mataas ang nagging diskriminasyon na kanilang naranasan sa pagitan nila at ng mga guro
at paring Kastila. Naging tampulan sila ng pang-uuyam, hindi kinikilala ang kanilang galling at
napaalis sa paaralan sa direktiba ng mga Kastila.
Sumiklab ang digmaan sa pagitan ng mga kastila at mga Amerikano noon 1898. Mga
rebolusyong pinangunahan ng Katipunan at panandaliang sinira ang mga paaralan sa Pilipinas.
Kontitusyon ng Malolos
Ang mga nasabing paaralan ay hindi pinapatakbo ng mga sekta ng relihiyon at ng mga
dayuhan. Inabot lamang ng batas na ito ang mga probinsyang nasa ilalim ng Rebolusyunaryong
Pamahalaan. Samantala, ang sistema ng mga Kastila ang nanatili sa mga probinsyang kanila pa
ring sakop.
Noong 1908 nagtatag sila ng batas na Act No. 1870 upang patatagin pa lalo ang
edukasyong pangkolehiyo sa bansa ay itinatatag ang Unibersidad ng Pilipinas na inaprubahan
Asamblea ng Pilipinas. Ang UP ay isang state university na nangangahulugang ang kanyiyang
pondo ay mga pamahalaan at pinatatakbo ng mga kawanin ng pamahalaan.
Binago ng mga Hapones ang sistema ng Amerikano. Maraming Pilipino ang tinalikuran
ang pag-aaral dahil sa pangamba sa kanilang kaligtasan dahil ito ay panahon ng kaguluhan kahit
na binigyang pokus sa edukasyon ang mga bagay na Pilipino. Sunod sunod na digmaan, paghuli
sa mga Pilip[inong pinaghihinalaang mga rebelde, mga kababaihang ginagawang comfort
women ang nagdulot ng takot sa mga Pilipino na umiwas na magkaroon ng interaksyon sa mga
Hapones.
Noong 1972, nagging Department of Education Culturre and Sports ang Ahensiya.
Noong 1994, inihiwalay ang regulasyon para sa mga kolehiyo at pamntasan nang itatag
ang Commission on Higher Education o CHED. Para sa mga kurosong bokasyonal ay an
Technical Education and Skills Developmen Authority o TESDA. Naging pokus ng Department
of Education, Culture and Sports and regulasyon ng mababa at mataas na paaralan.
K to 12 (2012-2013)
Nagdagdag ng dalawang taon sa dating sampung taon ng basic education upang palalimin
ang kaalaman at malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa: information, media and
technology skills; learning and innovation skills; effective communication skills; and life and
career skills. Ang isang mag-aaral ng basic education ay kinakailangang magkaroon ng isang
taon sa kindergarten, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa “junior highschool” at
dalawang taon sa “senior highschool”.
Naglalayong pataasin ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas upang ang mga maging
produkto nito ay mahusay sa lakas paggawa at mamamayan na kayang makipagsabayan sa
pandaigdigang pamantayan, lalo’t marami ang mga Pilipinong nangingibang bansa.
Nilalaman ng K-12
Inayos ang kurikulum upang bigyang pokus ang mga kaalaman at kakayahanng mga
mag-aaral na magagamit ng mga ito sa kinabukasan. Binawasan ang mga aralin ng asignatura
upang bigyang pokus ang mga araling makakapaglabas ng 21st century skills.
Mother Tongue
Pagtuturo sa mga asignaturang sa unang tatlong bahagi ng mababang paaralan gamit ang
lenggwahe ng lugar kung saan nakatayo ang paaralan. Ito ay base sa pag-aaral na higit na
natututo ang mga mag-aaral ng mga konsepto gamit ang lenggwaheng kanilang alam. Ang Ingles
at Filipino ay sabay nang tinuturo upang matuto rin ng ibang lenggwahe ang mga mag-aaral.
Pagdating ng ikaapat na baiting unti-unti ng gagamitin ang Ingles at Filipino bilang
midyum ng pagtuturo hanggang sa tuluyan na itong maging midyum ng instruksiyon sa mataas
na paaralan.
Kailangan isama ang local na kasaysayan ng lugar o probinsya kung nasaan ang paaralan
upang mapailalim ang pagkakakilanlan ng mga mag-aaral sa kanilang bayan at lahing
pinagmulan.
Mula una hanggang ikasampung baiting ituturo ang asignaturang Siyensya, Matematika,
Ingles, Filipino, Araling Panlipunan, Edukasyong Pangkalusugan, Musika, Technology and
Livelihood Education, at Edukasyong Pangkatauhan. Ito ay sisimulan sa mga simpleng konsepto
at kakayahan sa unang baiting at unti-unting itataas ang lebel nito bawat taon hanggang sa
maging mataas pa ang lebel ng kakayahan at kasanayan ang matutuhan ng mga mag-aaral sa
ikasampung baiting.
Ang makakapagtapos sa mga track na ito ay maari nang makapagtrabaho matapos ang
senior high school, sapagkat mayroon na silang sapat na kakayahan upang matanggap sa trabaho.
Sports and Arts. Ito ay may kinalaman sa palakasan. Pagiging referee, pagganap sa teatro
at musika.
KASAYSAYAN NG
EDUKASYON SA
PILIPINAS
Ipinasa ni:
Sy, Nomer F.
Ipinasa kay:
G. Beceril
BSE II-I