You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X

MOCK TEST
A&E Secondary
Learning Strand 5 – Undestanding the Self and Society
1. Nagpapakita and sumusunod ng mga paraan upang maibsan ang stress na nararamdaman MALIBAN sa
a. pagpakonsulta sa doctor c. paghanap ng maaaring mapaglilibangan
b. pagsangguni ang iyong nararamdaman sa iba d. pagiging ideyalistiko sa pananaw sa buhay

2. Ibinalita ng PHILVOCS na may naitalang mga pagyanig sa lugar na kinatatayuan ng bahay mo. Ang mga pagyanig ay
posibleng tanda ng ‘volcanic activity’ sa bundok. Ano ang pinakamainam na iyong gagawin?
a. Pabulaanan ang pahayag ng PHILVOCS c. Lagyan ng tali ang bahay para maging matibay.
b. Bumaba ng bundok at magtungo sa lupa. d. Lisanin ang lugar para sa kaligtasan.

3. Ang bagyong Yolanda ay isa sa pinakamalakas na bagyong sumalanta sa Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang hindi
naging epekto ng bagyong Yolanda?
a. sakit at epedimya b. polusyon c. pagkawala ng ari-arian d. pagkasira ng pananim

4. Ito ang iba’t ibang kaugalian, tradisyon at saloobin na katangi-tangi sa mga Pilipino MALIBAN sa
a. magalang sa mga matatanda. c. maasikaso sa pagtanggap sa mga kaibigan
b. matulungin at mapagmahal sa kasambahay. d. mapanglait at mapagmataas.

5. Ipinagbabawal ang paggamit ng dinamita dahil sa __________-.


a. lubhang mahal ang dinamita c. wala na mang pagbabago sa kita ng mangingisda
b. nasisira ang mga uri ng yamang dagat d. obrang dami ang nahuhuling isda

6. Maraming pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa Leyte. Dumating ang mga taga-DSWD para mamigay ng mga pagkain
sa mga nasalanta ng bagyo. Ano ang gagawin mo kung isa ka sa mga taong naapektuhan?
a. Sisigawan ang mga kapwa na nasalanta c. Pipila nang maayos at hihintaying mabigyan.
b. Hahayaang hindi makakuha ng rasyon d. Makipag-unahaan sa rasyon ng pagkain.

7. Ikaw ay naatasang maging lider sa paggawa ng kubo para sa gaganaping patimpalak sa Buwan ng Wika. Ano sa iyong
palagay ang pinakamabuting sistema upang maging matagumpay ang inyong proyekto?
a. Ibibigay ko ang lahat ng trabaho sa pinakamatalinong ka-grupo.
b. Hahayaan ko ang lahat ng miyembro na kumilos ayon sa gusto nila para walang gulo.
c. Gagawin ko ang trabaho kahit walang tulong ng ibang miyembro para madaling matapos.
d. Hahatiin ko ang trabaho sa bawat miyembro upang ang lahat ay may bahagi sa proyekto.

8. Paano maipapakita ang iyong pag galang sa ating bandila habang itinataas sa tagdan?
a. Tatayo ng tuwid at aawitin ang pambansang awit nang malakas.
b. Ilalagay ang kanang kamay sa balikat, tatayo ng tuwid at aawitin ang pambansang awit.
c. Ilalagay ang kanang kamay sa dibdib, tatayo ng tuwid at aawitin ang pambansang awit.
d. Tatayo ng tuwid habang ang kanang kamay ay nasa dibdiv at papanoorin ang pagtaas ng bandila.

9. Ano ang ating pambansang wika?


a. Tagalog b. Filipino c. Pilipino d. Cebuano

10. Nagkakilala ang magkaibigang matalik na sina Jenny at Addie dahil sa pinapasukan nilang trabaho. Hilig ni Jenny na
mamasyal sa iba’t ibang lugar. Subalit hindi sanay si Addie sa mga pasyalan at pagliliwaliw. Ito ang madalas na sanhi ng
madalas na pagtatalo ng magkaibigan. Ano ang pangunahing dahilan ng kanilang di-pagkakasundo?
a. bahay c. pinagmulang probinsiya
b. trabaho d. kinamulatang kaugalian
11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mabuting maidudulot ng paglalakbay sa iba’t ibang lugar?
a. Makakakilala ng maraming tao. c. Makakalimutan ang kultura ng bayang pinagmulan.
b. Mararanasan ang ibang uri ng pamumuhay. d. Magkakaroon ng pagkakataong makapagbakasyon.

12. Alin sa mga sumusunod na organisayon ang namamahala sa nga internasyunal na paligsahan sa boxing?
a. World Boxing Council (WBC) c. Philippine Boxing Association (PBA)
b. World Sports Commission (WSC) d. International Olympic Committee (IOC)

13. Alin sa mga sumusunod ang naidudulot ng ‘El Niño’ sa bansa?


a. Pagkakaroon ng polusyon c. Pagkakaroon ng iba’t ibang kalamidad
b. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin d. Pagkaranas ng suliraning pang-agrikultura

14. Ang awiting bayan na “Manang Biday” ay nagmula sa mga ___________.


a. Ilonggo b. Ilokano c. Kapampangan d. Bisaya

15. Ano ang tawag sa maiikling tulang iisahing saknong ng sinaunang panitikan ng Pilipinas?
a. Haiku b. Pantun c. Tanaga d. Dalit

16. Pagkatapos ng tatlong buwan sa sinapupunan ng ina, ang fetus ay __________.


a. handa nang maisilang
b. mukhang maliit na tao
c. nagkaroon ng malaking katawan at maliit na ulo
d. may kompletong organ system subalit hindi pa rin kayang mabuhay

17. Upang mabuhay ng malusog at masigla sa iyong pagtanda, dapat ay __________.


a. kumain ng wasto at regular ang pag-ehersisyo c. magsaya ka sa buhay
b. magkaroon ng mga magulang na malusog d. lahat ng mga nabanggit sa itaas

18. Nag-uumpisa ang kakayahang magparami o mag-reproduce sa _____________.


a. adolescence b. adulthood c. childhood d. infancy

19.Alin sa mga sumusunod ang masamang epekto ng pagsabog ng bulkan?


a. Ang pagbuo ng mga lawa na sagana sa isda. c. Pagganda ng buhay ng mga tao
b. Nakakapagpataba ng lupa. d. Pagdumi sa hangin at kapaligiran.

20. Alin sa mga sumusunod ang hindi sapat na proteksyon upang maiwasan ang pagkakaroon ng AIDS?
a. pag-iwas sa pakikipagtalik nang walang sapat na proteksyon
b. pagkakaroon ng isang kapareha lamang
c. pag-iwas sa pakikipagtalik sa mga bakla o masasamang babae o patutot
d. pag-iwas sa paggamit ng mga nakatutusok na instrumento sa balat

21. Ang gawain na hindi pagkain ng baboy at hindi pag-inom ng alcohol ay impluwensiya ng
a. Hapon b. Intsik c. Hindu d. Arabo

22. Aling pangkat ng katutubo ang kilala bilang pinakamatipid?


a. Kapampangan b. Pangasinense c. Ilocano d. Waray

23. Ang pagpasok nang maaga sa opisina ay tanda ng ___________.


a. isang responsableng empleyado c. isang taong may sariling sikap
b. isang taong may kusang gawa d. isang taong madaling makibagay

24. Alin sa mga sumusunod ang isang pisikal na epekto ng maling paggamit ng droga?
a. malnutrisyon b. pagkabalisa c. sakit sa utak d. makakalimutin

25. Alin sa mga sumusunod ang sintomas ng stress?


a. pananakit ng tiyan c. mga nanlalamig na paa at kamay
b. labis na pagpapawis d. lahat ng nabanggit

26. Ang ibig sabihin ng empathy ay ___________.


a. magmalasakit sa malungkot na kaibigan c. tingnan ang mga bagay sa sarili pananaw
b. pag-unawa at pakikibahagi sa nararamdaman ng iba d. lahat ng nabanggit

27. Ang mga negatibong damdamin ay kailangang harapin dahil ____________.


a. hindi natin mapapahalagahan ang mabuting damdamin kung ating iniinda ang ganitong damdamin
b. hindi tayo mabubuhay ng taliwas dito
c. sila ay banta sa katinuan
d. hindi natin ito kailanman dapat nadadama
28. Ang __________ ay ahensiya na nagbibigay ng insurance at mga benepisyo sa mga manggagawa ng mga pribadong
kompanya.
a. Government Service Insurance System (GSIS) c. Governance Service Insurance System (GSIS)
b. Security Social System (SSS) d. Social Security System (SSS)

29. Nakaiskedyul ka para sa isang interbyu. Pagdating mo sa opisina, alin sa mga sumusunod ang pinaka-akmang
sasabihin mo sa mag-iinterbyu sa iyo?
a. Mr./Mrs. _______ narito na ako para sa naka-iskedyul na interbyu.
b. Hello! Mr. / Mrs. ___________ narito na ako para sa interbyu.
c. Hi, Mr. / Ms. _________. Hindi ba’t iinterbyuhin mo ako?
d. Mr. / Mrs. _______ ikinagagalak ko at ako’y narito para sa interbyu.

30. Makakamtan ang tinatawag na ‘university in diversity’ ng mga bansa at kultura sa mundo sa
a. Pagsasapi sa mga samahang international ng bansa.
b. Pagkilala at pag-unawa sa pagkakaiba ng kultura ng bawat bansa.
c. Pagtataguyod ng sariling interes ng bawat bansa.
d. Pagtanggap sa pamumuno ng malalaki at mayayamang bansa.

31. Bilang isang mabuting mamamayan, paano ka makakatulong sa pag-unlad ng iyong bansa?
a. Gagayahin kung ano man ang uso sa ibang bansa.
b. Mangingibang bansa at doon magtatrabaho.
c. Sasali sa mga organisasyon na naglalayong baguhin ang sistema ng gobyerno.
d. Susundin ang lahat ng batas na ipinapatupad ng pamahalaan at sasali sa mga organisasyong pampamahalaan.

32. Aling sitwasyon ang kumikilala sa karapatan ng mga kababahian?


a. Ang isang babae na hindi pinapaaral ng mga magulang dahil magiging maybahay lamang sa paglaki.
b. Ang isang babae na na-promote sa trabaho dahil pumayag siyang makipagdate sa kanyang boss.
c. Isang babae na tinanggap sa pagiging mekaniko dahil siya ay kwalipikado rito.
d. Ang isang batang kandidato para sa barangay captain na hindi ibinoto ng mga mamamayan.

33. Ano ang dapat mong gawin kung marami kang kailangang tapusin subalit kinakapos ka na sa oras?
a. Tatapusin lamang ang gustong gawin. c. Madaliin ang ginagawa.
b. Gagawa ng sistema sa pagtatrabaho. d. Ipasa sa ibang tao ang trabaho.

34. Nakita ni Aling Annie na halos araw-araw sinasaktan ni Mang Danny ang mag-ina nito. Saang ahensiya ng pamahalaan
dapat humingi ng tulong si Aling Aning sa bagay na ito?
a. Department of Education c. Department of Social Welfare and Development
b. Department of Public Works and Highways d. Department of Labor and Employment

35. Alin sa mga sumusunod ang isang katutubong laro?


a. Badminton b. Chess c. Patintero d. Basketbol

36. Kahanga-hanga ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng isang makata na siyang sumulat ng isang napakagandang korido
na “Florante at Laura”. Sino ang sumulat nito?
a. Jose Palma b. Marcelo Del Pilar c. Francisco Balagtas d. Jose Corazon De Jesus

37. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang pinakamainam na naglalarawan ng disiplina sa sarili?
a. Ang pasyente na may sakit ay palihim na kumakain ng ipinagbabawal na pagkain ng kanyang doctor.
b. Isang lalaki na nag-eehersisyo araw-araw at kumakain ng di masusustansyang pagkain.
c. Isang anak na sumusunod sa magulang ngunit walang pagkukusa sa mga gawaing bahay.
d. Mag-aaral na sumusunod sa patakaran ng paaralan kahit walang nakakakita ng kanyang ginagawa.
38. Nalikha ni Thomas Edison ang bombilyang ilaw noong 1879 pagkatapos ng dalawang libong pagsubok. Ayon kay
Edison ”Ang katalinuhan ay siyamnapu’t siyam na porsyentong pawis at isang porsyentong inspirasyon.” Ano-ano ang
mga pagpapahalagang ipinamalas ni Thomas Edison sa paglikha ng bombilyang ilaw?
a. Kasipagan at pagtitiyaga c. Pagpapakasakit at pagkamaagap
b. Pagtitiwala at pagpapahalaga sa sarili d. Ambisyoso at pagka-masayahin

39. Ang pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas ay naganap noong _________ sa Kawit, Cavite.
a. June 12, 1898 b. June 12, 1895 c. June 12, 1897 d. June 12, 1896

40. Aling batas ang nagbibigay ng proteksyon sa mga bata laban sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso?
a. Republic Act 9165 b. Republic Act 7394 c. Republic Act 7610 d. Republic Act 9502
41. Aling batas ang tinatawag na Comprehensive Dangerous act of 2002?
a. Republic Act 9165 b. Republic Act 7394 c. Republic Act 7610 d. Republic Act 9502

42. Bilang isang mabuting mamamayan, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa pagkakaiba ng ating kultura?
a. Kilalanin na may higit na mataas na kultura kay sa iba. c. Makiayon sa kulturang nais mo.
b. Tanggapin at respetuhin ang kultura ng iba. d. Pansinin ang pagkakaparehas ng kultura

43. Ano sa palagay mo ang magiging resulta kung ang bawat miyembro ng pamilya ay ginagampanang mabuti ang kani –
kanilang tungkulin?
a. Nagkakasundo at may payapang pamumuhay. c. Pagkilala sa maling nagawa ng bawat isa.
b. Hindi nagkakasundo sa bawat tungkulin. pd. Aasa sa masipag na kasapi ng pamilya.

44. Ang Ramadan ay mahalagang pagdiriwang sa Relihiyong Islam. Ano ang pangunahing gawain ng mga taong
nagdiriwang nito?
a. nag – sasayaw b. nag – aayuno c. nakikipagkaibigan d. nagkakawang-gawa

45. Isa sa mga kaugalian ng mga Pilipino na ipinagmamalaki sa buong mundo ay ang pagdaraos ng mga makukulay na
festival. Kung ang Cebu ay may Sinulog Festival, anong pagdiriwang naman mayroon ang Davao?
a. Ati – Atihan Festival b. Mascara Festival c. Dinagyang Festival d. Kadayawan Festival

46. Ano ang banyagang institusyon na nagpapautang ng pantustos para sa mga proyektong pagpapaunlad sa isang
bansa?
a. Philippine National Bank c. Bangko Sentral ng Pilipinas
b. Development Bank of the Philippines d. World Bank

47. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang negosyante?


a. May malaking capital c. Risk-taker
b. May koneksyon sa gobyerno d. Profit-motivates

48. Isang kaugalian ng mga Pilipino na nagpapakita na sa una lang masigasig, maganda o magaling sa ginagawa ngunit sa
kalaunan ay hindi na naitutuloy ang nasimulan na gawain.
a. Ningas Cogon b. Bahala na habit c. Mañana Habit d. Crab Mentality

49. Ang nagdeklara na Filipino ang maging wikang pambansa at siya rin ay tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”.
a. Manuel Quezon b. Benigno Aquino c. Sergio Osmeña d. Jose Rizal

50. Pumuntasi Belinda sa China para magbakasyon ng limang araw. Tatlong araw mula ng pag-uwi niya ay nilagnat siya.
Pagkalipas ng apat na araw ay lumiban siya sa kanyang trabaho para magpakonsulta. Sinabihan siya ng doktor na
possibleng mayroon siyang NCOV. Ano ang ibig sabihin ng sakit na ito?
a. Novel Coronavaccine b. New Coronavirus c. Novel Coronavirus d. Neuro Coronavaccine
LS 5-Secondary

ANSWER KEY
1. D. Maging ideyalistiko sa pananaw sa buhay.
2.D. Lisanin ang lugar para sa kaligtasan.
3. B. Polusyon
4. D. Mapanglait at mapagmataas.
5. B. Nasisira ang mga uri ng yamang dagat.
6. C. Pipila nang maayos at hihintaying mabigyan.
7.D. Hahatiin ko ang trabaho sa bawat miyembro upang ang lahat ay may bahagi sa proyekto.
8.C. Ilalagay ang kanang kamay sa dibdib, tatayo ng tuwid at aawitin ang pambansang awit.
9. B. Filipino
10. D. kinamulatang kaugalian
11. C. Makakalimutan ang kultura ng bayang pinagmulan.
12.A. World Boxing Council (WBC)
13.D. Pagkaranas ng suliraning pang-agrikultura.
14. B. Ilokano
15.C. Tanaga
16. D. may kompletong organ system subalit hindi pa rin kayang mabuhay
17.A. kumain ng wasto at regular ang pag-ehersisyo
18.A. adolescence
19.D. Pagdumi sa hangin at kapaligiran.
20.A. pag-iwas sa pakikipagtalik nang walang sapat na proteksyon
21. D. Arabo
22. C. Ilocano
23.A. isang responsableng empleyado
24.A. malnutrisyon
25. D. lahat ng nabanggit
26. B. pag-unawa at pakikibahagi sa nararamdaman ng iba
27.A. hindi natin mapapahalagahan ang mabuting damdamin kung ating iniinda ang ganitong damdamin
28.D. Social Security System (SSS)
29.D. Mr. / Mrs. _______ ikinagagalak ko at ako’y narito para sa interbyu.
30.B. Pagkilala at pag-unawa sa pagkakaiba ng kultura ng bawat bansa.
31. D. Susundin ang lahat ng batas na ipinapatupad ng pamahalaan at sasali sa mga organisasyong pampamahalaan.
32. C. Isang babae na tinanggap sa pagiging mekaniko dahil siya ay kwalipikado rito.
33. B. Gagawa ng sistema sa pagtatrabaho.
34.C. Department of Social Welfare and Development
35.C. Patintero
36.C. Francisco Balagtas
37. D. Ang isang mag-aaral na sumusunod sa mga patakaran ng kanilang paaralan kahit walang nakakakita ng kanyang
ginagawa.
38.A. Kasipagan at pagtitiyaga
39.A. June 12, 1898
40. C. Republic Act 7610
41.A. Republic Act 9165
42. B. Tanggapin, respetuhin at pahalagahan ang kultura ng iba.
43.A. Nagkakasundo at may payapang pamumuhay.
44. B. Nag – aayuno
45. d. Kadayawan Festival
46. D. World Bank
47. c. Risk-taker
48.A. Ningas Cogon
49. A. Manuel Quezon
50. C. Novel Coronavirus

You might also like