You are on page 1of 7

FM-AA-CIA-15 Rev.

0 10-July-2020

Study Guide in FIL 104: ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON Module No.4

STUDY GUIDE FOR MODULE NO. 4

ANG KURIKULUM AT ANG FILIPINO


• Ang Kahulugan ng Kurikulum
• Ang Pag-unlad ng Kurikulum sa Pilipinas
• Ang Pagtuturo ng Filipino
a. Sa Elementarya
b. Sa Sekundarya
c. Sa Tersyarya
• Ang Programang Filipino sa Batayang Kurikulum sa Edukasyon
a. Sa Antas Elementarya
b. Sa Antas Sekundarya
c. Sa Antas Tersyarya

MODULE OVERVIEW

Tatalakayin sa modyul na ito ang kahulugan ng kurikulum, ang pag-unlad at mga nakapaloob sa
kurikulum ng Filipino sa batayang antas ng edukasyon at mga kaukulang pagbabago.

MODULE LEARNING OBJECTIVES

Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag – aaral ay inaasahan na:

1. Naiisa – isa at napaghahambing – hambing ang kurikulum at layunin ng Filipino sa antas elementarya,
sekundarya at tersyarya.
2. Napalalawak ang kabatiran at nasusuri ang kabuuan.

LEARNING CONTENTS (ANG KAHULUGAN NG KURIKULUM)

• Ang kurikulum ay mula sa salitang Latin na "curere" na ang ibig sabihin ay pamahalaan o pangasiwaan. Ito
ay ang mga nilalaman ng ng mga asignatura o ito ang mga pinag-aaralan. Ang kurikulum ay ipinapatupad ng
pamahalaan. Ang kurikulum ay ipinapatupad para malaman ang pagkasunod-sunod ng mga pag-aaralan.
• Kurikulum ang tawag sa lahat ng mga gawain, kagamitan, paksa at mga layuning isinasama sa pagtuturo ng
mga asignatura sa paaralan. Patuloy na pinauunlad ang kurikulum upang matugunan ang mga
pangangailangan ng lipunan.
• Ragan at Shepherd
➢ Ayon sa kanila, ang kurikulum ay isang daluyang magpapadali kung saan ang paaralan ay may
responsibilidad sa paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng mga karanasang pampagkatuto. Sa
pamamagitan ng kurikulum, ang mga mag-aaral ay naisasama sa karanasang pang-edukasyonal at
tunay na makatutulong sa pagpapaunlad ng sitwasyon ng lipunan.
• Ang kurikulum ay isang plano ng gawaing pampaaralan at kasama rito ang sumusunod:
1. Ang mga dapat matutunan ng mga mag-aaral;
2. Ang paraan kung paano tayahin ang pagkatuto;
3. Ang katangian ng mga mag-aaral kung paano sila matatanggap sa programa; at
4. Ang mga kagamitang panturo.

LEARNING CONTENTS (ANG PAG – UNLAD NG KURIKULUM SA PILIPINAS)

Ang bawat panahon sa kasaysayan ng Pilipinas ay kakikitaan ng iba’t ibang tuon ng kurikulum.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 1


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in FIL 104: ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON Module No.4

1. Panahon bago dumating ang mga Kastila


➢ Pagtuturo sa loob ng tahanan ng mga pangunahing gawain upang patuloy na mabuhay
➢ Pananampalataya kay Bathala
➢ Paggalang sa batas, kaugalian at awtoridad na nirerepesenta ng mga magulang at mga
nakakatanda
2. Panahon ng Kastila
➢ Ginamit na paaralan ang kombento, at mga pari ang nagsisilbing mga guro.
➢ Ginamit nila ang mga akda nilang mga dayuhan at isinalin sa wikang katutubo upang palaganapin
ang kristiyanismo.
3. Panahon ng mga Amerikano
➢ Dito naitayo ang mga paaralang pampubliko
➢ Mga kawal na amerikano ang kanilang naging guro
➢ Ginamit nilang aklat ang mga dalang babasahin at itinuro ang wikang ingles
➢ Itinuro rin ang pagbasa, Pagsulat, pagbilang, paghahalaman, at pangkalusugan
➢ Naging pormal ang sistema ng edukasyon
4. Panahon ng Hapon
➢ Ipinagbawal ang patuturo ng wikang Ingles
➢ Pagtuturo ng wikang Niponggo at wikang Pilipino
5. Panahon ng Martial Law at ng 1996 Reboulusyon
➢ Ipinatupad sa panahong ito ang bilingual education, family planning, taxation at land reform
6. Kasalukuyang Panahon
➢ Kinikilala bilang panahon ng makina.
➢ Naging bahagi ng kurikulum ang kompyuter at mga makabagong teknolohiya.
➢ Binigyang-diin din ang pagpapaunlad ng wikang bernakular, ang wikang Ingles, inclusive
education, at special education
➢ Pagtuturo ng multiple intelligences, learning styles at iba pa.

LEARNING CONTENTS (ANG PAGTUTURO NG FILIPINO)

Ayon kay Gonzales (1998) isa sa pinakaepektibong tagapagpalaganap ng batayang kaalaman sa Filipino
ay ang sistema ng paaralan. Dito, itinuturo ang Filipino bilang isang wika at ginagamit itong midyum ng pagtuturo
sa Filipino, Agham Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapalakas, Edukasyon sa Pagpapahalaga, at iba pa. Ang
pagiging epektibo at kabisaan ng Filipino ay dahil sa itinuturo ito sa isang kapaligirang pabor sa wika. Bunga nito,
nagiging mabilis ang pagkalat ng wika.

A. SA ELEMENTARYA
• Dalawang tuon ang dapat na pagtuturo ng Filipino sa elementarya, paglilinaw ni Gonzales:
a. Una – sa mga nagsasalita na ng Filipino, dapat silang sanayin sa mabisang pag-aaral ng
pagbasa at pagsulat sa wika
b. Ikalawa – sa mga di Tagalog na kailangan pang maging bihasa sa Filipino, makatutulong ang
pagtuturo sa kanila ng Filipino bilang istandard na wika at sanayin sila sa pakikinig at
pagsasalita.
• Ang dapat mangyari sa paaralang elementarya ay maging mabilis ang pagkatuto ng mga estudyante
sa paggamit ng Filipino para madali nilang maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa mga
araling pangnilalaman (content subjects) sa pamamagitan ng wikang ito
• Kailangan ang mas mahihirap na materyal na nasusulat sa Filipino: kasama ang mga mayamang
teksto para mapahusay ang pagkatuto sa pamamagitan ng Filipino
B. SA SEKUNDARYA
• Sa antas sekundarya, kailangan ang pagpapaunlad ng mga Gawain sa pagbasa at pagsulat
• Kapag narating na ng mga estudyante ang tinatawag ni Jean Piaget, isang sikolohista, ang pormal
na hakbang ng kognitibong paglinang, dapat na:
1. Matutuhan na nilang harapin ang mga Gawain para sa mas mataas na order-kognitibo sa

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 2


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in FIL 104: ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON Module No.4

Filipino.
2. Maglaan ng mga gawain para sa ganap na pag-unawa ng iba’t ibang teksto sa larangang
akademiko gaya ng paglalapat ng mga prinsipyong natutuhan sa kongkretong sitwasyon,
paggawa ng makabuluhang analisis, pagbubuo ng sintesis, at malikhaing pagbuo ng mga
pangyayari at ebalwasyon
• Kailangan sa pagtuturo ang mga multi-lebel na babasahin sa Filipino (tungkol sa iba’t ibang paksa)
1. Dapat magtaglay ng mga gawaing magsasanay sa kritikal na pag-iisip
2. Kailangan hamunin ang mga mag-aaral na magpahayag ng sarili sa Filipino tungkol sa mga
isyung sopistikado at mataas na kaisipan
C. SA TERSYARYA
• Ayon pa rin kay Gonzales, apat na mahalagang puntos ang dapat na isaalang – alang sa pagtuturo
ng Filipino
a. Una: dahil sanay na sanay na sa Filipino ang mga estudyante pagtuntong sa kolehiyo sa
lebel ng BIC (Basic Interpersonal Communication) o iyong Filipino para sa gamit sa
sosyalisasyon (social language skills), ang kailangan nila ay ang Cognitive Academic
Language Proficiency (CALP; Cummins,1980, 1981) sa Filipino upang matuto sila sa
paggamit ng Filipino sa higit na matataas na abstraktong pag-iisip sa mga espesyal na paksa
sa kurikulum
➢ Cognitive Academic Language Proficiency (CALP) – Tinutukoy nito ang
kakayahang gamitin ang wika sa mga sitwasyong tinatawag na context reduced,
ang kakayahang gamitin ang wika sa pag-aral at pagtalakay ng mahihirap na
kaisipan (abstractions).
b. Ikalawa: huwag ituro ang balarila kahit na makabago pa.
c. Ikatlo: bigyan at pabasahin sila ng mahihirap na teksto hanggang sa “masaktan” sila
d. Ikaapat: pasulatin sila ng pasulatin dahil isang kapangyarihan ang pagsulat sa paglagong
kognitibo at pagtatamo ng CALP

LEARNING CONTENTS ( ANG PROGRAMANG FILIPINO SA BATAYANG KURIKULUM NG FILIPINO )

A. SA ANTAS ELEMENTARYA
• Ang Elementary Education Curriculum (EEC) ay isang pangunahing komponent ng Batayang
Kurikulum sa Edukasyon (BEC) na unang ipinatupad noong 2002. Ang makatwirang pagbuo nito ay
nakaangkla sa paniniwalang ang isang ideyal na mag-aaral na Filipino sa isang mabilis na
nagbabagong daigdig ay kailangang makapagpakita ng sariling pananagutan para sa kanyang
habambuhay na pagkatuto, kahusayan sa pagtuklas kung papaano ang matuto, may taglay na mga
kasanayan para makapamuhay, at maging isang ganap na mamamayang makabayan, makatao,
makakalikasan, at maka-Diyos. Sa nireestrukturang kurikulum ng 2002, binigyan din ng ibayong
pansin ang paglinang ng mga kasanayan sa pamumuhay, pagtukoy at pagsusuri sa mga
pagpapahalaga at ang pagkilala sa iba’t ibang katalinuhan ng mag-aaral.
• Gaya ng isinasaad ng kurikulum, mithiin sa pagtuturo ng Filipino ang: Nagagamit ang Filipino sa
makabuluhang pakikipagtalastasan (pasalita at pasulat): nagpapamalas ng kahusayan sa
pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at mensaheng pinakinggan at binasa para sa
kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagbabagong nagaganap sa daigdig.
• Layunin sa pagtuturo ng Filipino sa antas elementarya na linangin ang ang apat na makrong
kasanayang pangwika: pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat gayundin ang mga kasanayan sa
pagtingin at pag-iisip
o Pagtingin: isang proseso para sa isang mapanuring pagtanaw sa ilang impormasyong
biswal gaya ng pelikula, programang pantelebisyon, video at iba pa
B. SA ANTAS SEKUNDARYA
• Ang kurikulum ay isang panlahat na pantulong para sa mga paaralan at lagging bukas sa anumang
pagbabago
• Sa pagsisimula ng taong aralan 2005 – 2006, nagkaroon ng muling pagbisita sa umiiral na kurikulum

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 3


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in FIL 104: ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON Module No.4

upang alamin ang kanyang kalagayan


• Taong 2005 – tatlong taon pagkatapos ng implementasyon (piloting) ng BEC, nagsagawa ang DepEd
ng ebalwasyon nito upang alamin ang kanyang viability (humihinga pa ba) at kabisaan (efficacy)
• Enero 5 – 6, 2006
o Tumawag ang Kawanihan ng Edukasyong Sekondarya ng isang konsultatibong pulong sa
Filipino at iniulat nila ang kinalabasan ng isang sarbey na kanilang isinagawa sa ilang
representatibong paaralan sa buong Pilipinas
o Isang pangunahing rekomendasyon ng sarbey ang pagrebyu ng BEC Filipino na nakatuon
sa balangkas, nilalaman, at mga kasanayan sa pagkatuto
o Binigyang-pansin din ang mga gaps, overlaps at/o duplikasyon ng mga nilalaman, lawak at
pagkakasunod-sunod
o Kung paghahambingin ang kinalabasan ng sarbey sa BEC Filipino (2002) at ng SEDP (1989)
halos pareho ang obserbasyong iniulat. Pag-aralan ang sumusunod:
a. Repetisyon at overlapping ng mga itinuro lalo na sa wika mula elementarya
hanggang tersyarya
b. Kakulangan, kundi man kawalan ng artikulasyon ng mga kurikula sa tatlong antas
c. Mababaw na nilalaman at kasanayang nililinang
d. Walang kaayusan at pokus sa pagpili n nilalaman at kasanayang nililinang
e. Di-lubusang paglinang ng kahusayang magamit ang wikang natutuhan sa pagkatuto
ng mga asignaturang itinuturo sa Filipino
o Bilang tugon sa mga kahinaan ng umiiral na kurikulum, mabilis na nagsagawa ang DepEd
ng mga hakbang tungo sa pagrereporma ng kurikulum
• Sa antas sekondarya, mithiin ng pagtuturo ng Filipino na “makadebelop ng gradweyt na mahusay na
komunikeytor sa Filipino…”
• Sa pagtuturo ng Filipino ay dapat gamitin ang mga tekstong hango sa iba’t ibang disiplina gaya ng
sa humanidades, agham panlipunan, at mga agham pisikal
C. SA ANTAS TERSYARYA
• Binibigyang-diin ang mas malawak na kaalaman sa paksa at pagdedebelop ng mataas na lebel ng
pag-iisip
• Mas madalang ang pagsusulit (malamang 2 o 3 beses lamang isang semestre) at kakailanganin ng
bawat mag-aaral ang makapagtamo at makaunawa ng higit na maraming kaalaman at impormasyon
upang mapagtagumpayan ang mga pagsusulit
• Ang rebisyong pangkurikulum
o Ang binagong kurikulu sa Filipino sa tersyarya ay inaasahang makatutugon sa ilang
kahinaang natuklasan sa umiiral na kurikulum gaya ng mga sumusunod:
1. Kawalan ng artikulasyon sa pagitan ng mga kurso kaya’t hindi makita ng mga mag-
aaral ang halaga/silbi ng naunang kurso kasunod nito
2. Kakulangan sa nilalaman at mga kasanayang pampag-iisip na dapat linangin
▪ Ang binagong kurikulum sa Filipino ay may layunin makadebelop ng isang
mag-aaral na nagtataglay ng kasanayan sa epektibong pakikipagtalastasan
▪ Ang nirebisang kurikulum sa Filipino sa tersyarya ay may tuon sa
pagpapalawak ng gamit ng wikang Filipino para sa mga layuning intelektwal
▪ Narito ang pagbabago sa pagpapangalan ng araling Filipino General
Education Curriculum
a. Filipino 1 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO (Sining
ng Pakikipagtalastasan) / KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON SA FILIPINO
b. Filipino 2 – PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
(Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) / FILIPINO SA
IBA’TIBANG DISIPLINA
c. Filipino 3 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG (Retorika) / DALUMAT
NG/SA FILIPINO

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 4


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in FIL 104: ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON Module No.4

▪ Sa lalong ikalilinaw ng pagpapatupad ng CMO No. 59, s.1996, ipinalabas


ang CMO No. 4, s.1997 na may pamagat na “Panuntunan sa
Pagpapatupad ng CHED Memorandum Order No.59, s.1996, New
General Education Curriculum (NGEC)”
✓ Tiniyak sa CMO No.4, s.1997 na ang pinakamahabang kailangan ng
NGEC sa CMO No.59, s.1996 para sa Filipino sa antas tersyarya ay
siyam (9) na yunit para sa mga estudyante ng Humanities, Social
Sciences at Communication (HUSOCOM). Tinatawag itong GEC –
Plan A.
✓ Para sa mga mag-aaral na hindi kumukuha ng HUSOCOM, anim (6)
na yunit lamang ng Filipino ang dapt na kunin. GEC – Plan B naman
ang tawag dito at sumasaklaw sa mga kursong inhenyeriya,
marine, agham, matematika, pangangalakal, agrikultura, at iba pa
CMO NO.59, S.1996 (GEC – A) ALTERNATIBO (GEC – B)
1. Wika at Panitikan 24 yunit 1. Wika at Humanidades 21 yunit
English 9 yunit English 6 yunit
Filipino 9 yunit Filipino 6 yunit
Panitikan 6 yunit Mga Aralin sa Humanidades 9 yunit
(e.g., Panitikan, Sining, Pilosopiya)
2. Matematika at Natural Sciences 15 yunit 2. Mathematics, Natural Sciences 15 yunit
at Information Technology
Matematika 6 yunit Matematika 6 yunit
Natural Sciences 6 yunit Natural Sciences 6 yunit
Science Elective 3 yunit Elective 3 yunit
(e.g., Mathematics, Natural Sciences,
Information Technology)
3. Humanidades at mga 18 yunit 3. Mga Agham Panlipunan 12 yunit
Agham Panlipunan
Humanidades 6 yunit (Binubuo ng mga aralin tulad ng Political Science,
Sining Psychology, Anthropology, Economics, History and
Pilosopiya provided that the following topics are taken up in
Agham Panlipunan 12 yunit appropriate subjects: Taxation and Land Reform,
Basic Economics (with Taxation and Philippine Constitution, Family Planning Population
Agrarian Reform) Education)
General Psychology
Politics and Governance (with Philippine
Constitution)
Society and Culture (with Family Planning)
4. Mandated Subjects 6 yunit 4. Life and Works of Rizal 3 yunit
Life and Works of Rizal
Philippine History
KABUUAN 63 YUNIT KABUUAN 51 YUNIT
Deskripsyon ng mga Araling Filipino sa Antas Tersyarya (CMO No. 59, s.1996 at CMO No.6, s. 1997)

• CMO No. 30, s. 2004 (Nirebisang Polisi at Pamantayan para sa Di-Gradwadong Kurikulum sa
Edukasyong Pangguro)
o Ipinalabas na may pamagat na Revised Policies and Standards for Undergraduate Teacher
Education Curriculum
o Sinimulang ipatupad noong taong panuruan 2005 – 2006 sa mga institusyong may
programang Bachelor of Elementary Education (BEED) at Bachelor of Secondary Education
(BSED)
o Ganito ang talatakdaan sa pagpapatupad ng kurikula para sa edukasyong panguro:

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 5


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in FIL 104: ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON Module No.4

Taong Panuruan (TP) 2005 – 2006 Para sa Papasok sa Unang


Taon
TP 2006 – 2007 Para sa papasok sa Unang Taon
at nasa Ikalawang Taon
TP 2007 – 2008 Para sa papasok sa Unang Taon
at nasa Ikalawa at Ikatlong Taon
TP 2008 – 2009 Para sa lahat ng lebel

• Ang Balangkas ng Kurikulum

BEED BSED
General Education Courses 63 63
Professional Education Courses 54 51
*Theory / Concept Courses 27 24
*Methods / Strategies Courses 12 12
*Field Study Courses 3 3
Specialization / Content Courses 12 12
*Special Topic Courses 57 60
Total Units 174 units 174 units

• Inilalahad sa ibaba ang isang prototipong programa ng mga aralin para sa BSE Medyor sa FILIPINO.
(Kabuuang Bilang ng Unit = 72)

General Education (9 units)

G-Fil 01 Komunikasyon sa Akademikong Filipino


(Communication in Academic Filipino)
G-FIL 02 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
(Reading and Writing Toward Research Work)
G-Fil 03 Masining na Pagpapahayag
(Communicating Creatively in Filipino)

Specialization (18 courses = 54 units)

SP-Fil 11 Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika


(Introduction in Language Teaching and Learning)
SP-Fil 12 Panimulang Linggwistika
(Introduction to Linguistics)
SP-FIL 13 Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon
(Filipino in the Basic Education Curriculum)
SP-Fil 14 Istruktura ng Wikang Filipino
(Structure of Filipino)
SP-Fil 15 Pagtuturo ng/at Pagtataya sa Pakikinig at Pagsasalita
(Teaching and Assessment of Listening and Speaking Skills)
SP-Fil 16 Pagtuturo ng/at Pagtataya sa Pagbasa at Pagsulat
(Teaching and Assessment of Reading and Writing Skills)
SP-Fil 17 Paghahanda at Ebalwasyon ng Kagamitang Panturo
(Preparation and Evaluation of Instructional Materials)
SP-Fil 18 Introduksyon sa Pagsasalin
(Introduction to Translation)

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 6


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in FIL 104: ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON Module No.4

SP-Fil 19 Introduksyon sa Pananaliksik – Wika at Panitikan


(Introduction to Research in Language and Literature)
SP-Fil 20 Introduksyon sa Pamamahayag
(Introduction to Journalism)
SP-Fil 21 Panitikan ng Rehiyon
(Regional Literature)
SP-Fil 22 Panitikang Popular
(Popular Literature)
SP-Fil 23 Sanaysay at Talumpati
(Essay and Speech)
SP-Fil 24 Panunuring Pampanitikan
(Literary Criticism)
SP-Fil 25 Maikling Kwentong Filipino
(Filipino Short Stories)
SP-Fil 26 Panulaang Filipino
(Filipino Poetry)
SP-Fil 27 Pagtuturo ng/at Pagtataya sa Panitikan
(Teaching and Assessment of Literature)
SP-Fil 28 Pagpapahalagang Pampapanitikan
(Literary Appreciation)

Electives (3 courses = 9 units)

E-Fil 29 Pagbasa ng mga Obra Maestrang Filipino


(Reading the Masterpieces in Filipino Literature)
E-Fil 30 Panitikan ng mga Umuunlad na Bansa
(Literature in Developing Countries)
E-Fil 31 Dula at Nobelang Tagalog
(Filipino Drama and Novels)
E-Fil 32 Panitikang Pambata / Pangkabataan
(Children / Adolescent Literature)
E-Fil 33 Malikhaing Pagsulat
(Creative Writing)
E-Fil 34 Pilosopiya ng Wika
(Philosophy of Language)

LEARNING ACTIVITY

Pagmumuni:

Magbasa o magsaliksik ng mga dagdag na kabatiran sa BIC at CALP ni Cummins 1980, 1981. Ilahad ang
bunga ng pagbabasa sa tulong ng isang dayagram. Talakayin ang implikasyon ng mga ito sa mabisang pagtuturo
ng wika.

REFERENCES:

a. Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino: Mga Teorya, Simulain at Istratehiya. (2008)
Badayos, Paquito. Mutya Publishing House, Inc.

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 7

You might also like