You are on page 1of 3

YUNIT 1: Ang Kurikulum

Pangalan: JEAN D. BAYADOG Taon/Seksyon: 1-D Petsa: 02-22-2024 Marka:____

Gawain 2: Batayang Kurikulum sa Pagtuturo ng Filipino sa Sekondarya at Tersyarya


● Kasalukuyang Kalagayan ng Pagtuturo ng Filipino sa Batayang Edukasyon
o Elementarya
Una – sa mga nagsasalita na ng Filipino, dapat silang sanayin sa mabisang pag-aaral ng pagbasa
at pagsulat sa wika.
Ikalawa – sa mga di Tagalog na kailangan pang maging bihasa sa Filipino, makatutulong ang
pagtuturo sa kanila ng Filipino bilang istandard na wika at sanayin sila sa pakikinig at
pagsasalita.
Ang dapat mangyari sa paaralang elementarya ay magingmabilis ang pagkatuto ng mga
estudyante sa paggamit ng Filipino para madali lang maunawaan at maipaliwanag ang mga
kaalaman sa mga araling pangnilalaman (content subjects) sa pamamagitan ng wikang ito. Ibig
sabihin nito na kailangan ang mas mahihirap na materyal na nakasulat sa Filipino, kasama ang
mga mayamang teksto para mapahusay ang pagtuturo sa pamamagitan ng Filipino.

o Sekondarya
Unang Dalawang Taon
● pukos sa pag-aanalisa at pag-aaral ng mga tiyak na istrukturang gramatikal ng Filipino,
pagtamo ng wastong kasanayan sa pagbasa.
● pagsanib ng interdisiplinaring paksa at makabagong teksto: PROSIPYAL, REPERENSYAL,
LITERASI, JOURNALISTICS, POLITIKO-EKONOMIK, at pagkakatuto ng iba’t ibang
istrukturong gramatikal
Huling Dalawang Taon
● pokus sa mapanuring pag-iisip sa pamagitan ng kritikal na pagbabasa, at pag-unawa ng
ibang genre sa panitikan Filipino.
UNANG TAONG IBONG ADARNA
IKALAWANG TAON FLORANTE AT LAURA
IKATLONG TAON NOLI ME TANGERE
IKAAPAT NA TAON EL FILIBUSTERISMO

o Tersyarya
Republic Act No. 7722 o Higher Education Act of 1994, Komisyon sa Lalong Mataas na
Edukasyon(CHED)

● UNANG TAON -BIC (Basic Interpersonal Communication) o ang Filipino para


sosyalisasyon(social language skills)
- CALP(Cognitive Academic Language Profiency ) upang matuto sila sa
paggamit ng Filipino sa higit na mataas na abstraktong pag iisip sa mga espesyal na paksa sa
kurikulum.
● IKALAWANG TAON- turo ang balarila kahit na makabago pa.
-nararapat pa rin bigyang puwang ang pagtuturo ng ilang aspektong
pambalarila dahil kailangan ito sa pagpapataas ng paggamit ng wika.
● IKATLONG TAON -bigyan at pabasahin sila ng mahihirap na teksto.
-dapat malinang ang mas matataas na antas ng kasanayan sa pagbasa,
pagbibigay ng abstrak na ideya, mapanuring pag-iisip, pangangatwirang lohikal, at iba pa.

IKAAPAT NA TAON- isang kapangyarihan ang pagsulat sa paglagong kognitibo at pagtatamo ng


CALP. pagsasalaysay,eksposisyon, argumento, at deskripsyon. Cummins (1981),
ang CALP, kapag natamo sa unang wika, ay magagamit o maililipat sa iba pang wika na
matutuhan ng isang tao.

● Epektibong Guro at Malikhaing Pagtuturo


Si RICHARD (1992) ay nagsasabing ang epektibong guro ay malikhain. Ang kanyang klase ay
masigla, kawili-wili, at laging may bagong gawain. Hindi lamang ang magpunta at magkintal
ng impormasyon o prinsipyo ang hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais matulungan ang
mag-aaral sa mapabuti ang buhay.

Nasusukat ang pagiging epektibo ng isang guro sa gawain, kaasalan, at saloobin ng kanyang
tinuturuan. Ito ang resulta ng kanyang mga gawain sa klase. ito ang batas ng edukasyon.

Dapat taglayin ng isang epektibong guro ang mga sumusunod ayon kay WAYNE AT YOUNG
(2003)
● Walang itinatangi
● May positibong pag-uugali
● May kahandaan
● May haplos-personal
● Masayahin
● Marunong tumanggap ng pagkakamali
● Mapagpatawad
● May respeto May mataas na ekspektasyon
● Mapagmahal
● Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral
● Malikhain

2 FIL 123
3 FIL 123

You might also like