You are on page 1of 7

“KASALUKYANG EDUKASYON

SA BAYAN NI JUAN”

Nagdaan

John Axel T. Caliste


Jones Martyn D. Cabcaban
Silasil T. Masayo

GURO
Ma’am Mylene Escobar Barzuela
KURSO
Bachelor of Secondary Education
Major in Filipino
SKWELAHAN
University of Abra
PAUNA

I.

Sa kulturang Pilipino ang edukasyon ay maituturing na isa sa mahalagang bahagi ng pagkatao ng


bawat indibidwal. Ginagampanan nito ang isa sa malaking bahagi sa paghubog ng isipan at ugali ng isang
kabataan upang magkaroon ng magandang hinaharap.

*Ayon nga sa Foundations of Education, 1998 ang edukasyon ay tumutukoy ay ang pagkuha ng
kaalaman, kasanayan, at pagkuha ng kaalaman, kasanayan, at tamang pag-uugali upang maging
mahusay ang isang indibidwal.

II.

Sa Pilipinas tunay na mahalaga ang pagtatamo ng karunungan ng isang tao sapagkat sa paniniwalang
ang edukasyon ay susi upang makaahon sa kahirapan ng buhay.

*Ayon sa 1987 Konstitusyon Artikulo XIV: Edukasyon, Agham at Teknolohiya, mga Sining, Kultura, at
Sports Seksyon 1. Dapat pangalagaan at itaguyod ng Estado ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan
sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang
matamo ng lahat ang gayong edukasyon (Curriculum Development in the Philippine Setting, 1989).

III.

Kung titingnan malayo na nga ang antas ng edukasyon ng bansang Hapon, Tsina, Thailad at
Singapore kumpara sa sistema ng edukasyon sa ating bansa. Kung ang mga bansang ito’y nangunguna sa
larangan ng Siyensya at Matematika sa global na kompetisyon, nasaan na ang Pilipinas?
Ilan sa mga kakulangan at kabulukang ito ay ang mga sumusunod:

1.Kakulangan ng sapat na bilang silid aralan


Dahil sa lumalaking bilang ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa bansa nagiging resulta
ito ng kakulangan ng mga silid-aralan para sa mga mag-aaral.

*Dagdag pa nito ang init ng panahon na nagbibigay sa kanila ng karagdagang pasanin. Sa katunayan,
ang isang silid aralan na dapat ay may laman lamang na 30-40 mag-aaral upang maging mabisa ang
pagkatuto ay nagiging 60-70 mag-aaral sa isang silid-aralan. Kitang kita ang pagtitiis ng mga mag-aaral sa
ganitong sistema ng edukasyon sa bansa.

*Ang ganitong suliranin ay pinatunayan ng pagkakaroon ng konsepto ni CNN Hero Efren Florida ng
nagsagawa siya ng pushcart classroom. Ang sistemang ito ay isinagawa upang mabigyan ng edukasyon
ang mga bata sa na hindi kayang suportahan ng pamahalaan.

2.Kawalan ng maayos na silid


Ang kawalan ng maayos na silid-aralan ay isa sa rin sa kalunos-lunos na kalagayan na nararansan ng mga
Pilipinong mag-aaral sa bansa. Bagamat may mga silid-aralan, ang mga ito ay maituturing na hindi kaaya-
aya upang matamo ng isang kabataan ang karunungang dapat ay kanyang makuha. Nariyan din ang
kawalan ng proper ventilation, kawalan ng malinis na palikuran o maging ang kakulangan ng maayos na
mga upuan.

3.Kakulangan ng Sapat ng Guro


Sa katunayan, ang mga guro ang nagtuturo sa mga kabataan, kung paano maging isang ganap na
tao sa pamamagitan ng paghubog sa kanilang puso at isipan. Sa isang paaralan ang mga guro ang
itinuturing na pangalawang ina. Subalit, dahil sa kakulangan ng bilang ng mga guro sa mga
pampublikong paaralan ang paghubog sa kanilang isipan at tila mahirap sa bahagi ng isang guro.

Sa katunayan ang isang guro sa mga pampublikong paaralan ay may hawak na 60 hanggang 70
na mag-aaral kumpara sa isang guro sa mga pribadong paaralan na may 20 hanggang 40 na mag-
aaral. Ang ganitong kalagayan ay lantad na mula pa noong administrasyong Ramos at lalong
lumalala ng pumasok ang administrasyong Arroyo na hindi seryoso sa pagpapaunlad ng
edukasyon sa bansa.

4.Kakulangan ng mahuhusay na guro


Upang maging mahusay ang isang mag-aaral Dapat taglay rin ng mga paaralan ang pagkakaroon
ng mahuhusay na guro na siyang huhubog sa isipan ng bawat kabataan Subalit sa kasalukuyang
sitwasyon

Kitang-kita natin na ang mga guro sa pampublikong paaralan ay tila kulang sa kaalaman sa
kanilang asignaturang itinuturo. Ang ganitong sitwasyon ay ramdam din ng mga mag-aaral sa
ilang pribadong paaralan na Itinuturing subalit sa katotohanan ay hindi pa pasado ang mga guro.
Sa ganitong kalagayan, paano uusad ang edukasyon sa Pilipinas? Kulang rin ang mga guro sa
taning training upang makahabol sa mabilis na pag-unlad Ng teknolohiya.

5.Kakulangan ng bilang ng sapat na libro


Dahil sa lumalaking bilang ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa bansa hindi na
matugunan ng mga paaralan ang pagkakaroon ng mga mag-aaral ng isang libro bawat isang mag-
aaral sa bawat asignatura.

Mapalad na ang isang mag-aaral kung makakuha siya ng kumpletong bilang ng libro. Kung hindi
naman, nagtitiyaga na lamang sila sa panghihiraman o ang masaklap ay hindi na lang magbabasa
kung saan ang nagiging resulta ay mababang kalidad ng edukasyon.

6. Maling paggamit ng meduim of instruction


Gaya ng guro, malaki ang gampanin ng wika upang matutong mabuti ang mga mag-aaral. Gaya
ng mga ilang bansa sa Asya at Europa, ang Pilipinas ay isang multi-lingual na bansa. Ibig
sabihin, taglay nito ang higit sa isang wika.

Sa aking pananaw, hindi angkop na ipagamit ang wikang banyaga sa mga Pilipinong mag-aaral
sapagkat hindi ito ang kanilang kinagisnang wika. Kung ang ilang mga katutubo ay hirap na sa
paggamit ng wikang Filipino mas mahihirapan sila sa paggamit ng isang wikang hindi naman
nila gamay gaya ng Ingles. Kaya makabubuting gamitin ng mga guro sa pagtuturo ang wikang
sinasalita sa lugar kung saan nakatayo ang kanilang paaralan.

7.Kawalan ng mga kagamitang panteknolohiya sa pagtuturo


Sa kasalukuyang panahon kompyuter na ang kalimitang ginagamit ng mga tao mula sa iba't-
ibang larangan upang magkaroon nang mabilis na transakyon at upang makahabol sa global na
pagkatuto.

Bagamat ang mga pampublikong paaralan sa Pilipinas ay nakisabay sa ganitong sistema, hindi pa
rin ito masasabing matagumpay. Sa katunayan, marami pa rin sa mga nagtapos ng sekondarya sa
mga pampublikong paaralan sa bansa ang pampublikong paaralan sa bansa ang hindi marunong
gumamit ng simpleng Microsoft Word o simpleng presentasyon sa kompyuter.

8. Kakulangan ng sapat na pondo sa edukasyon


Ang mga nabanggit na kakulangan o kabulukan ng sistema ng edukasyon sa bansa ay nag-uugat
sa mababang pondo ng edukasyon sa ating bansa partikular na sa kasalukuyang administrasyon.

Ang mga bagay na ito ay ilan lamang sa mga problema o pagkukulang sa edukasyon sa bansa na
lantad na sa ating lahat. Ang ganitong sistema ay maaring mananatili sa mga susunod na taon
kung ang mga nanunungkulan sa gobyerno ng Pilipinas ay patuloy sa pagbabalewala sa
pagbibigay ng karampatang lunas sa bulok na sistemang ito at kung tayong mga Pilipino ay
mananatili sa pagiging pipi at bulag sa sitwasyon ito.

You might also like