You are on page 1of 18

Mga Salik na Nakakaapekto sa Komprehensiyon sa

Asignaturang Filipino ng nga Mag-aaral ng Ika-labing

isang Baitang sa Bacan National High School

Isang sulating Pananaliksik

na hinaharap kay

G. Ronnie D. Rico ng

Bacan National High School

Bilang bahagi ng Pagtupad sa

Pangangailangan ng kursong

Pagbasa at Pagsiro ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Ronnie R. Ascano Jr.

Michelle Suniega

Angelica Britanico

Haya Buaron

Roy Dela Cruz

Joyce Igcasenza

Pebrero 08, 2019


Kabanata I

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Paglalahad ng Suliranin

Panimula

Mula sa Elementarya hanggang koleheyo ay isa sa pangunahing

asignatura ng mga mag-aaral ang asignaturang Filipino.Sa

asignaturang ito ang mga mag-aaral a tinuturang umintindi ng

wikang Filipino at pagpapahayag ng mga ekspresiyong gamit nito.

Tinuturuan ang mga mag-aaral na gumamit ng wikang Filipino sa

iba't ibang aspekto, pasulat man o pasalita. Sa Elementarya

tinuturo ang iba't ibang kaparaanan at kasanayan sa paggamit ng

wikang Filipino.Sa primary (baitang 1-3) itinuturo ang pagbabasa

at pagsusulat ng mga salitang Filipino. Binibigyang kahulugan din

ang mga salitang ito, sa pamamagitan ng pagpapaliwanag gamit ang

mga diyalektong alam ng mga mag-aaral. Kasabay nito ay ang

pagpapalalim ng kaalaman ng mga mag-aaral sa kanilang bernakular

o diyalekto.Sa intermediate naman (baitang 4-6) ay itinuturo ang

kasanayang gramatical at iba't ibang uri ng sulatin sa wikang.

Pagtungtong ng baitang apat ay magkakaruon ng sulating pormal at

di pormal ang mga mag-aaral upang mahasa ang kanilang kasanayan


nito. Binibigyan ng pag-uuri ang mga salitang alam na nila bago

tumuntong sa ikaapat na baitang gaya ng mga Panggalan, Pandiwa,

Pang-uri, Panghalip, Pangatnig, Pang-ukol, Pang-angkop at iba pa.

Ang mga ito ay mga bahagi ng pananalita sa wikang Filipino, sa

pagtungtong naman ng sekondarya o High School nagkakaroon ng

pagbabalik tanaw sa mga napag-aralan sa Elementarya at

pagtatalakay ng mga Kaligirang Pampanitikan sa Filipino. Dito

pinag-aaralan at inaanalisa ang Litiraturang Filipino ng mga mag-

aaral. Sa baitang pitp ay ang Panitikang Ibong Adarna, Florante

at Laura sa baitang walo, Noli Metangere sa baitang siyam, El

Feilibusterismo sa baitang sampu at Pananaliksik naman sa Senior

High School. Ang mga mitodolohiyang ito sa pag-aaral ay

nakatutulong upang hasain ang kasanayan ng mga mag-aaral sa

paggamit ng sariling wika. Dahil sa mga kaalamang nakukuha sa

pag-aaral ng Filipino ay mas nagiging mataas ang lebel ng pag-

unawa at kaalaman ng mga mag-aaral sa sariling wika. Sa

pamamagitan din nito ay nagkakaroon ng pagkakaisa, pag-unawa at

ugnayan ang mga mamamayang Pilipino.

Ang kasanayan sa wikang Filipino ay nakatutulong upang

makipag-ugnayan sa ibang parte ng Pilipinas. Ngunit may mga

elemento ng maaring makaapekto sa inaasahang bunga nito. May mga

salik na maaring makaapekto sa komprehensiyon ng mga mag-aaral sa

Filipino. Ang mga salik nito ay pwedeng maging masama o mabuti


ang epekto nito sa pag-aaral ng Filipino. Ilan sa mga salik ay

ang Pambubully sa mga mag-aaral ng Filipino, Extra-curricular

Activities ng mag-aaral, Estado sa buhay, Impluwensiya ng Barkada

at Social Media.

Pambubully

Ang pagkakroon ng sapat na komprehensiyon sa Filipino ay

makakapagpabuti sa isang tao. Ang pagtataglay ng ganitong

kasanayan ay maaring makapaangat sa tao, at ang higit na

kasanayang di tulad ng iba ay maaring magdulot ng karangalan at

katanyagan sa magtataglay nito. Mas mapapalawak ang saklaw na

pakikipag-komunikasyon kung mataas ang komprehensiyon sa Filipino

ng isang indibidwal. Sa kabilang banda, ang kawalan ng sapat na

konprehensiyon sa Filipino ay nagdudulot naman ng kabaliktarang

ding epekto. Sa paaralan, ang mahinang kasanayan nito ay maaring

pagmulan ng pangungutiya o pambubully ng mag-aaral. Maaring

magkaroon ng pang-eetiyapuwera o pagbubukod ng mga mag-aaal na

may mataas na antas ng komprehensiyon sa Filipino sa may mga

mababang antas ng komprehensiyon. Ang ganitog pambubully ay

mayroon ding epekto sa mga mag-aaral na binubully. Maaring

magpursigi ang batang binubully upang hindi na ito ibukod sa mga

mag-aaral na may mataas na kasanayan. Maari ring nakasanayan na


ito ng mag-aaral na binubully at manghina ang loob na magdudulot

ng kawalan ng gana sa pag-aaral.

Extra-curricular activities

Ang extra-curricular activities ay mga aktibidad o

karagdagang gawain para rin sa karagdagang puntos ng mga mag-

aaral. Ang pagkakaroon nito ay makatutulong upang mapataas ang

marka ng mga mag-aaral. Ngunit esensiya sa mga mag-aaral ang

balams sa extra-curricular activities at academic performance

kung ito ay inaasahang makapasok sa estudyanteng may karangalan.

Ang academic performance ng mga mag-aaral ay siyang batayan ng

kagalingan nito sa kanyang mga asignatura.Sa bagong curriculum ng

K-12(2016), binabaan ang pursyento ng extra-curricular

activities nakaakibat nito ay ang pagtaas naman ng purseyento ng

academic performance sa marka ng mga mag-aaral. Naapektuhan ng

pagbabagong ito ang mga mag-aaral na may mataas na credential sa

extra-curricular activities ngunit mababa naman sa academic

performance. Ang kawalan ng balanse tulad nito ay magdudulot ng

masamang epekto sa marka ng mga mag-aaral. Halimbawa nito ay ang

mga mag-aaral na atleta na bumaba ang grado sa mga asignatura

dahil sa sobrang pagtutok sa napiling larangan. Dahil rin dito ay

bumababa rin ang komprehensiyon at pagkatuto nito sa kaalamang

pang-akademiko. Ang mga komprehensiyon sa wikang Filipino, Ingles


at maging kaalaman sa Matimatika at Siyensya ay bababa kung

magpapatuloy ang kawalang balanse sa pag-aaral.

Barkada

Ang impluwensiya ng mga barkadahan ay may malaking epekto sa

pag-aaral ng isang mag-aaral. Ito ay nagdudulot ng parehong

positibo at negatibong epekto.Sa positibong epekto ay maaaring

mahikayat ng barkada ay isang mag-aaral na magkaroon ng malalim

na interes sa pag-aaral.Sa ganitong impluwensiya ay mag-dudulot

ng mataas na komprehensiyon ng isang mag-aaral sa kanilang pag-

aaral.Sa kabilag banda, maaari rin namang manghikayat ang barkada

na malululong sa masasamang bisyo. Bilang bunga nito, magkakaroon

ng mababang komprehensiyon at kawalan ng interes sa pag-aaal ang

mga mag-aaral.

Social Media

Sa panahon ng makabagong teknolohiya isa ang Social Media sa

may pinakamalaking kontribusyon sa pagbabago ng mundo. Ang socia

media website ay ginagamit upang magkaroon ng mas mainam na

komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa malalayong lugar. Ito ay

nakaayon sa layuning magkaroon ng maayos na sistema ng

komunikasyon sa buong mundo. Sa kabilang banda, ang hindi wastong


paggamit nito ay nagdudulot ng di mabuting epekto. Halimbawa ay

ang pagpapakalat ng fakenews na nag bubunga ng paghina ng

kredibilidad ng mga balitang lumalabas sa mga social media

website gaya ng Facebook at Twitter. Kalakip din ng transisyong

ito ang paghina ng komprehensyon ng mga kabataan sa pag-aaral

lalong-lalo na sa wikang Filipino. Ang paggamit ng coño speaking

ay karaniwang makikita sa mga website na ginagamit ng mga

Pilipino. Nagiging mas mainam itong gamitin ng mga kabataan upang

magkakaroon ng mas mabilis na pagpasa ng mensahe at impormasyon.

Madalas ding nag kakaroon ng code switching sa larangang ito na

imbis na gumamit ng malalim na Filipino ay papalitan na lamang

ito ng mas madaling salita na katumbas sa Ingles. Ang ganitong

pag-uugali ng mga kabataang Pilipino sa larangan ng social media

ay nadadala nila sa kanilang araw-araw na pamumuhay at maging sa

paaralan. Kapag ang isang bata ay nakasanayan nang gamitin ang

ganitong paraan ng pakikipag-ugnayan, maaari niya itong dalhin sa

paaralan. Bababa ang kasanayan ng mag-aaral sa paggamit ng wikang

Filipino kapag ipinagpatuloy nito ang ganitong pag-uugali. Maaari

ring naimpluwensyahan nito ang kanyang mga kamag-aral. Hihina ang

kanilang komprehensyon sa wikang Filipino kung mapanatili ang

ganitong pag-uugali.
Estado sa Buhay

Kadalasan sa mga kabataang mag-aaral ngayun ay naapektuhan

ang pag-aaral dahil nag papa apekto sila sa kanilang estado sa

buhay. Madaling nawawalan ng pag-asa ang piling indibidwal na

makapag-aral dahil sa kanilang kinakaharap sa buhay. Ang

komprehensyon sa pag-aaral ay napawalang bahala na dahil sa

kanilang kakayahan sa buhay. Hindi nakakapasok ang mga mag-aaral

sa paaralan dahil sa kakulangan sa pera, walang pambaon at

pangpamasahe ang estudyante kaya't hindi nalang sila nakakapasok.

Maraming bayarin sa paaralan at mga proyekto ngunit hindi nila

kaya itong bayaran kaya't napapahinto nalang sila sa kanilang

pag-aaral.Sa kabila ng lahat ng iyan tinitiis na lamang ng mga

estudyanteng gustong mag-aral ang ganyang sitwasyon. Ang iba na

nagsisikap talagang mag-aral ay namamasukan na lamang bilang

school girl/school boy. Sinasabay na lamang nila ang pag-aaral at

trabaho para lamang matustusan ito. Kung minsa'y napapabayaan

narin ang pag-aaral dahil sa samo't saring trabaho at obligasyon.

Teorya ng Pag-aaral

Maraming pakahulugan ang maaring kaakibat ng salitang

Edukasyon lalo pa sa kinikilala ito bipang larangan na may

malawak na sakop. Bahagi rin nito ang proseso ng pagkilala sa


sarili at pakikipagkapwa na nauugat sa pagtuturo ng isang guro sa

kanyang mag-aarak o grupi ng mga mag-aaral.

Ayon sa isang artikulo sa internet, ang mga karera sa edukasyon

ay nagpapahintukot sa bawat indibidwal na magamit ang kanilang

talento at kaalaman sa pagtuturo sa mga bata, mga kabataan at sa

mga nakakatanda. (www.christianet.com/education)

Mula naman sa isang literatura na may titulong Bullying and

Harrassment at School, kung saan isinaad na ang pambu-bully at

karahasan ay hindi na bagong isyu sa mga mag-aaral at paaralan.

Ayon pa rito, dahil sa kaalaman ng lahat na ang pambu-bully ay

kadalasang nagaganap sa mga paaralan, nagiging banta ito sa mga

mag-aaral at ang paniniwalang ang bullying at isang development

stage na kung saan lahat ng mga kabataan ay pagdadaraanan ito

(Ross,2002)

(http:/umanitoba.com/faculties/education/media/Bennett.09.pdf)

Ayon kay Buenaflor et al. (2007), ang mga tao ay may iba't

ibang pangangailangan at posibleng ang mga ito ay mauwi sa isang

suliranin. Ang kabataan at ang kanilang mga magulang ay mayroong

iba't ibang karanasan, persepsyon, at mga paniniwala na humuhubog

sa kanilang pangangailangan ang kapaligiran at sitwasyon ay

nagsisilbi ring salik na nagtatakda ng kanilang pangangailangan.


Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may layuning sagutin ang

pangkalahatang katanungan na:

Paano mababawasan ang masamang epekto ng mga salik na

nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral sa Filipino?

Narito rin ang mga pampaksang katanungan upang mas mapalawak

at masuportahan ang layunin ng pag-aaral. Ang mga pampaksang

katanungan ay ang sumusunod:

1. Ano-ano ang mga epekto ng mga salik na nakakaapekto sa

komprehensyon ng mga mag-aaral sa Filipino?

2. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit may mga ganitong salik?

3. Paano nakakaapekto ang mga salik na ito sa isang mag-aaral?

4. Ano-ano ang mga maaring paraan upang mabawasan ang epekto ng

mga salik na ito?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naayun sa lahat mapa bata man,

matanda, mag-aaral at magulang. Ang importansya nito ay magagamit

ng larangan sa kahit ano mang larangan lalong lalo na larangan ng

pagsasalita. Ang wika ay ginagamit ng lahat upang magka unawaan,

kaya't inaasahang makatulong ito sa lahat ng mambabasa. Narito


ang ilang kahalagahan ng pananaliksik patungkol sa Komprehensiyon

ng mga Mag-aaral sa Filipino:

1. Sa mga mag-aaral, makatutulong ito sa kanila upang malaman

nila kung paano makakatulong ang wika sa larangan ng pag-

aaral at kung paano nila gagamitin ang lenggwaheng Filipino

ng wasto

2. Sa mga mamamayan at sa mga sumusunod na henerasyon, ito ay

magbibigay sa kanila ng kaalaman at ideta tungkol sa wika sa

pag-unlad at pagbago nito.

3. Sa mga piling dalubhasa na kung saan makakabuo sila ng

panibagong teorya at makakapaghatid/makakapagtala ng

panibagong impormasyon tungo sa pag-unlad ng inang bayan.

4. Sa mga guro, na kung saan magsisikbing gabat o panuntunan

nila ito upang makapagturo ng maayos at malinang ang mga

estudyanteng kanilang tinuran

5. Sa mga magulang, na kung saan madagdagan ang kanilang

kaalaman ukol sa panitikang Pilipino at nang sa gayundin, ay

maituro nila ito sa kanilang mga mag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Sa pag-aaral tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa

komprehensyon ng mga mag-aaral sa Filipino, nakapaloob ang mga


salik, dahilan ng mga salik at epekto nito. Saklaw rin nito ang

mga kaparaanan upang mabawasan ang mga maaaring masamang epekto

ng mga salik na ito. Nalilimitahang ang pag-aaral na ito, na

hindi ito magkakaroon ng datos kung gaano nakaka-apekto ang mga

salik na ito. Ang pokus ng pag-aaral ay paglalahad ng mga salik

na nakakaapekto sa komprehensyon ng mga mag-aaral sa Filipino at

mga paraan upang mabawasan ang masamang epekto nito na hindi

aabot sa pagkakaroon ng datos ng epekto.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindihan ng mga

mambabasa, minarapat naming bugyan ng depinisyon ang mga

sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat

isa sa pamanahing papel na ito.

Social Media- isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit

hindi mo siya nakikita. Ito ay may malaking kontribusyon din sa

komunikasyon sa mga taong nasa malayong lugar.

Social Networking Sites- modernong paraan ngayon ng

pakikipagkaibigan ng iba't ibang tao sa mundo dahil sa ito ay mas

"high tech", ms madali, at higit sa lahat, mas mabili. Ito ang

tukay sa atin para makamusta ang mga taong malalayo sa atin,

magkakaroon ng mga bagong kakilala at kaibigan.


Facebook- isang makabagong ideyang nag-aalok sa ating

pagkakataong makipag-ugnayan sa isang malawak na sansinukob na

tao, mga taong marahil ay bago para sa atin.

Academic Performance- tumutukoy sa akademikong pagganap ng mag-

aaral sa loob ng paaralan.

Akademiko- ito ay listahan ng mga disiplinang akademiko (at mga

larangang pang-akademya).

Curriculum- tumutukoy sa larangan kung paano mas mapabilis na

matuto ang mga estudyante.

Emosyonal- tumutukoy sa nararamdamab ng isang tao.

Epekto- resukra o kinalabasan ng isang dahilan.

Extracurricular Activities- ito ay tumutukoy sa mga gawain na

isinasagawa sa kabas ng silid-aralan na maaaring makatulong sa

pagpapaunlad ng bawat indibidwal.

Sosyal- pakikisama sa ibang tao o pakikipagkapwa-tao.

Respondents- mga taong kakailanganin ang ideya upang maisagawa

ang pananaliksik.
Kabanata II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Pampanitikang Pananaw


 
PAGSULONG… pag-unlad… tagumpay… tatlong salitang

mailalarawan sa kasalukuyang estado sa pagpapatupad ng K -12

Curriculum para sa unang apat na taon sa hayskul  – ang Junior

High. Sa pag-aaral ng asignaturang Filipino, lalo na sa dalawang

huling baitang, ang Grade 9 at Grade 10 maliwanag na masasalamin

sa mga akdang pampanitikan ang mga kultura mula sa mga bansa sa

Asya at ilan pang bansa sa Kanluran. Ang kultura ay paraan ng

buhay kung saan natututo , ibinabahagi at ipinapasa sa susunod na

salinlahi sa pamamagitan ng wika o simbolo. Kung gayon, ano ang

kaugnayan ng kultura para sa pag-aaral ng mga akdang pampanitikan

mula sa ibang bansa sa ating mga Pilipinong mag-aaral? Ayon sa

talumpati ni Timoteo (2009), “nang dahil sa modernisasyon marami

ang nagbago hindi lamang sa damit, ugali, pamumuhay ,  marami pa

at halos lahat ay naaapektuhan. Ngayon nga paunti na nang paunti

ang  trabahong maaaring pasukan kaya karamihan ay nangingibang

bansa at pumapasok bilang  Overseas Filipino Worker (OFW) para

lamang makatulong sa pamilya at tinitiis lahat para lamang kumita

ng pera.” Dahil dito, ayon kay Burce (2013), sa ilalim ng

pamumuno ni Pangulong Aquino III ay binago niya ang kurikulum ng

ating bansa. Ang kurikulum na ito ay ipinatupad dahil sa

pangunahing layunin, ang pagiging “Globalisado” ng buong


kapuluan. Sa tulong ng Gabay ng mga Mag-aaral sa Filipino,(Isang

Modyul na ginagamit bilang batayang aklat sa asignaturang

Filipino) mahalagang matiyak ang kulturang masasalamin sa bawat

akdang pampanitikan sa mga bansang sakop ng Asya at mga bansa sa

Kanluran nang sa gayon ay matugunan ang pangangailangan ng mga

mag-aaral na maintindihan ang iba pang kultura at pamumuhay ng

mga tao ng karatig-bansa ng Pilipinas. Ang panitikan ay ginamit

bilang lunsaran sa pag-unawa ng kultura , magkakapareho man o

magkakaiba sa bawat lipunan. Dahil sa ang panitikan ay

nagsasaalang-alang sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa pang-

araw-araw , hindi ito maaaring mailalayo sa kung paano nila

ipinakikita ang pamamaraang ito. Kaya  ang mambabasa, sa oras na

babasahin ang isang akdang pampanitikan, masasalamin nito o

kakikitaan ng mga katangiang pangkultura ang mga tao sa bansang

kinatawan nito. Dahil dito, malaki ang maitutulong sa ating mga

Pilipino lalo na sa mga nagnananis makapangibang-bansa na may

paunang kaalaman sa kanilang pupuntahan  upang lalong magbigay –

pugay sa  bansang pinagmulan. Hindi maikakaila na saan mang panig

ng mundo may lahing Pilipino na namamayagpag at nagbigay dangal

sa bansang Pilipinas. Maraming Pilipino ang nagtagumpay sa

pangingibang bansa kahit gaano man kalaki ang kanilang

pagsasakripisyo. Mga itituturing nating MAKABAGONG BAYANI.

(https://thedailyguardian.net/community-news/kultura-pag-aaral-

at-pananaw-sa-asignaturang-filipino)
Kabanata III

Metodolohiya at Paraan ng Pananaliksik

Sa kabanata na ito ay ipapakita ang disenyo ng pag – aaral,

paraan ng pangangalap ng datos o impormasyon, bilang ng

repondente at sino – sino ang mga ito.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag – aaral na ito ay isinasagawa sa paraang diskriptib

– sarvey sapagkat naangkop ito upang makuha ang pananaw ng mga

mag – aaral sa epekto ng mga salik na nakakaapekto sa

komprehensyon sa asignaturang Filipino. Susuriin ng pag – aaral

na ito ang mga masasamang epekto ng bawat salik upang mabigyan

ito ng mainam na sulusyon.

Paraan ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito, upang makalap ang kakailanganing

impormasyon ay kaylangang humanap ng mainam na paraan upang

makakuha ng sapat na impormasyon para makabuo ng mga konklusyon

at solusyon sa problema ng pag-aaral. Bilang paraan ay gumamit ng

tatlong istilo ng pananaliksik; una interbyu, pangalawa

kwestyuner at ang pangatlo ay obserbasyon.


Interbyu

Upang suportahan ang ideya ng masamang epekto ng mga salik

nanakakaapekto sa konprehensyon sa Filipino ay kailangang malaman

kung ano ang epekto ng mga salik na ito. Pinili ang mga

estudyante ng baitang labing-isa sa Bacan National Highschool

bilang mga respondente alin-sunod sa hinihinging datos. Pipili ng

mga estudyanteng maaaring bigyan ng interbyu patungkol sa

problema.Sa ganitong paraan ay makakalap kami ng iba't ibang

saloobin ng mga respondente .Sa mga saloobing at opinyong ito ay

maaari kaming bumuo ng konklusyon at solusyon sa problema.

Kwestyuner

Gagawa ng mga katanungan na maaaring sagutin ng mga

respondente upang mas mapabilis ang interbyu. Ang mga katanungan

ay nakaayon sa mga kakailanganin naming impormasyon at batay rin

sa problema. Kung magkakaroon ng ganitong mga katanungan ay mas

marami rin ang mga respondente na makukuhanan ng opinyon.

Kabilang sa mga respondente ang apektado o hindi apektado ng mga

salik ng problema.
Obserbasyon

Magkakaroon din ng obserbasyon sa mga respondente upang

makadagdag sa impormasyong nakalap sa naunang kaparaanan. Sa pag

obobserba ng mga respondente ay maaaring makakuha ng impormasyon

ukol sa kanilang mga komprehensyon sa Filipino. Sa mga

respondente na nagtataglay ng mga salik na nabanggit sa pag-aaral

ay maaari silang tutukan ng obserbasyon upang malaman kung ano

ang epekto nito sa kanila. Halimbawa nito ay ang salik na social

media, karamihan sa mga respondente ay gumagamit nito dahil sa

makabagong panahon. Lahat ng respondente na gumagamit nito ay

mapapasailalim ng obserbasyon.

Mga Pokus ng Pag – aaral

Ang mga kalahok sa pananaliksik ay ang mga mag – aaral sa

ika – labing isang baitang ng Bacan National High School. Ang

respondente ay limitado lamang sa 50 na mag – aaral na maaring

sumagot sa bawat katanungan ng mga mananaliksik.

Tritment ng mga Datos

Ang pagkakaroon ng organisasyon sa mga kwestyuner na

nakabatay sa suliranin at kakailanganing impormasyon ay makkabuti

upang makakuha ng dikalidad ng pag – aaral. Ang mga mananaliksik

ang syang magbubuod ng pinagsamsamang saloobin at opinion ng mga

datos mula sa kwestyuner.

You might also like