You are on page 1of 10

MGA KAUGNAY NA PAG – AARAL AT LITERATURA

PAPEL NG EDUKASYON SA LIPUNAN


Ang papel ng edukasyon sa pagbabago ng lipunan Hindi ito itinaas hanggang noong dekada '70 ng
ikadalawampu siglo, ang ilang mga publikasyon ng tagapagturo ng Brazil na si Paulo Freire ay nagbukas
ng isang debate na kasalukuyan pa rin.Bagaman ang edukasyon ay naiintindihan bilang isang proseso na
naghahangad na paunlarin ang mga kakayahan ng mga indibidwal na pabor ang kanilang pag-access sa
mga oportunidad. Mahalaga ang edukasyon sapagkat ito ang maging daan sa'tin para maging maunlad
hindi lang sa pansarili nating tagumpay kundi maging sa ating bansa. Ang edukasyon ang nagiging daan
tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan
ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon,
magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Ang una ay naniniwala na ang papel na
ginagampanan ng edukasyon ay upang makagawa ng isang sistema, isang kaayusang panlipunan. Ang
ikalawang isinasaalang-alang na ang edukasyon ay may responsibilidad ng paglaban at pagbabagong
panlipunan. Ang mga proseso sa edukasyon na naghahangad ng pagbabago sa lipunan ay kilala bilang
tanyag na edukasyon. Ang mga kaugaliang ito ay nakakamit ang mga tagasunod na nagtatrabaho sa mga
proseso ng pagtatayo ng bagong kaalaman sa mga pamayanan sa pamamagitan ng edukasyon.Ang
bagong pangitain na ito ay lumitaw upang maibawas ang edukasyon na minana mula sa modernidad
kung saan ang papel na ginagampanan ng indibidwal ay nakatuon sa paulit-ulit na mga diskarte at
pamamaraan na may hangarin na makamit ang tagumpay sa isang halos personal na antas.

SITWASYON NG EDUKASYON NOON AT SA KASALUKUYANG PANAHON


Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan,” linyang winika ni Gat Jose Rizal, kung ito ay iyong pagninilay-
nilayan ito ay pangarap niya sa mga kabataan upang maging matagumpayan at maging bahagi ng pag-
unlad ng ating bayan. Simple lamang kung tutuusin. Tanging ang edukasyon lamang ang tanging pag-asa
ng mga kabataan upang sumulong o dili kaya’y makisabay sa agos ng modernong takbo ng buhay. Ito ay
isinaad ni, Percy Sajise.

Sa aming pananaw, ang pag-aaral ang isang napakahalagang parte ng buhay ng tao. Ang
mabuhay nang mayroong karunungan, ay hangad ni Gat Jose Rizal para sa mga kabataan, at sa mga
susunod pang henerasyon. Ang edukasyon, ang magiging susi upang magtagumpay ang isng indibidwal
at ang isang bayan. Ano nga ba ang Edukasyon, o Sistema ng Edukasyon noon?

Ayon kay Julieta Rufeurzo, sa kanyang artikulo na, Edukasyon noon at ngayon, may kaibahan ba?
Ang edukasyon noon ay tulad ng pagpasok ng isang baka sa butas ng karayom. Sabihin pa ba ang
pagpalit-palit ng mga dayuhang namumuno, na kadalasan pa nga ay siyang nagsisilbing guro tulad ng
mga Kastila, sinundan ng mga Amerikano at mga Hapon. Nakakalito, iba’t-ibang sistema ng edukasyon.
Lalo na nung panahon ni Padre Damaso. Pawang mga ekslusibo ang paraan ng pag-aaral.

Sa aming pananaw, ukol sa isinaad ni Julieta Rufeuerzo, ang edukasyon noon ay napakahirap na
makamit. Isa sa mga dahlian nito ay ang pagkakaroon ng papalit-palit ng mga namumuno, na kung saan
sila ang nagsisilbing guro, maaaring sila ay nagkakagulo sa kung anong sistema nga ba ng edukasyon ang
kanilang dapat na sundin at gawin.

Ayon sa, artikulo ni Rovel Lacasama na, Edukasyon ng unang Pilipino, isinaad niya na bago pa man
dumating ang mga Espanyol ay mayroon nang Edukasyon ang ating mga ninuno. Ang mga bata, lalaki
man o babae ay nag-aaral sa sarili nilang tahanan na kasama ang kanilang mga magulang bilang kanilang
mga guro. Sila ay tinuturuang magbasa, magsulat, magbilang, at manampalataya. Hindi lamang mga
araling pang-akademiko ang itinuturo sa kanila, tinuturuan din sila ng mga kaalamang nauukol sa
pagmimina, paggawa ng sasakyang-dagat, pagiging platero at iba pa.

Sa aming pananaw, noon pa mang unang panahon, ay naisasagawa na ang pag-aaral at pagkatuto sa
loob mismo ng tahanan. Ito na marahil ang dahilan kung bakit maraming alam na gawaing pantahan ang
mga kabataan noon. Dahil hindi lamang edukasyon, pang-akademiko ang kanilang pinag-aaralan kundi
pat narin ang iba’t ibang gawain.

Ayon naman kay Bryan Maalihan sa kanyang artikulong Ebulusyon ng Edukasyon sa Pilipinas, nagkaroon
ng ebulusyon sa edukasyon simula noong panahon ng ninuno hanggang ngayon sa ating kinahihinatnan.
Nagkaroon ng iba’t ibang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas ng mga taong nakakasakop sa atin tulad ng
mga Kastila, Amerika, Hapon at iba pa. Kung gayon, marami na ang nagdaan na mga mananakop sa ating
bansa kung kaya’t marami na rin ang sistema na ng edukasyon ang ating nakuha mula sa kanila.

Sa aming pananaw, ang pagdating ng mga namumuno sa ating bansa ang nagging dahilan kung bakit
tayo ay natuto ng iba’t ibang mga lenggwahe, kultura, at sistema ng edukasyon.

Ayon pa kay Krystel De Leon, sa kanyang artikulong, Kasaysayan ng Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas,
ang malawak na kaalaman ng mga sinaunang Pilipino ay hango sa edukasyong di-pormal, sapagkat
walang istruktura ng pormal na edukasyon na alam natin ngayon. Walang paaralang pinapasukan at mga
asignaturang pinag-aaralan. Gayunpaman, mataas ang antas ng marunong bumasa at sumulat sa mga
sinaunang Pilipino. Mayroon ding sinaunang alpabeto ang mga Pilipino, Alibata ang tawag dito. Ito ay
binubuo ng labimpitong titk, tatlong patinig at labingapat na katinig. Ang unang naging guro noong
nasakop tayo ng mga kastila ay ang mga Misyunerong Pari. Tinuruan nila ang mga bata na magsulat,
bumasa, tumugtog ng instrumento, at magkwento. Ipinapasaulo din nila sa mga mag-aaral ang mga
aralin, ngunit hindi naman nila naiintindihan ang mga ito. Ang mga Pilipinong nakapagtapos noon ay
tinatawag na Ilustrado o alta-sosyedang lipunan. Noong panahon ng Amerikano, ay pinapayagan ng
makapag-aral ang mga kababaihan, at ang mga guro ay tinatawag na mga Thomasites. Sa Panahon
naman ng Hapon, layunin nila ang pagpapalaganap ng kulturang Pilipino, pagtuturo ng Edukasyong
Bokasyunal at Pang-Elementarya, at ang pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa.

Sa aming pananaw, marami tayong natutunan sa iba’t ibang mga mananakop na dumating sa ating
bansa. Ito marahil ang nagging dahilan kung bakit tayo nag-karoon ng payak na edukasyon ngayon.
Dagdag pa rito, ipinagpatuloy ang maka-Amerikanong Sistema ng edukasyon, itinuro parin ang mga
kaisipang pangdemokrasya at Ingles parin ang wikang panturo.

Ano naman ang edukasyon ngayon sa Pilipinas? “Sa paglipas ng panahon ay unti-unti ng nabago
ang Edukasyon sa ating bansa. Dala ng modernisasyon, makabagong teknolohiya at mga istralehiya ng
pag-aaral ang edukasyon ngayon ay makulay, masining, maalam at maunlad. Ginagamit ang
demokratiko na kaisipan, may malayang pagdedesisyon tungkol sa mga bagay-bagay kung paano ka
uunlad bilang isang tao at ang pagsasagawa ng mga gawi sa pag-angat kung paano mapapaunlad ang
sarili, ang bayan at ang bansa.” linyang wika ni, Kenaz Mangguera sa kanyang artikulong, Ang Ebulusyon
ng Edukasyon ng Perlas ng Silanganan.

Sa aming pananaw, masasabing totoo nga na unti-unti ng nagbabago ang Edukasyon ngayon, at
bilang isang mananaliksik, kami ay saksi sa pangyayaring ito. Tulad nga ng kanyang isinaad na, ginagamit
ang demokratikong kaisipan ng bawat tao ngayon.

Ayon kay, Ryan Nawal, sa kanyang artikulo na, Makabagong Teknolohiya, nakakatulong nga ba
sa Eskwela? Dahil daw sa teknolohiya, nagiging maayos at napapadali ang mga gawain sa paaralan lalo
na ng mga mag-aaral na nangangailangan ng kalidad na edukasyon. Sinisikap ng paaralan na mapadali
ang pagkatuto ng mga mag-aaral at mapaunlad pang lalo ang kakayahan at intelektwal na kapasidad ng
mga ito. Sa tulong ng mga netbook, projector at higit sa lahat ng internet, mas napabilis ang paglikom ng
impormasyon para sa kanilang takdang-aralin, research work at pag-uulat. Nagkakaroon sila ng bagong
kaalaman at repleksyon dahil sa pagsisiyasat sa internet.

Ayon naman sa artikulong Teknolohiya, Tulong sa Edukasyon, ni Bhai Marmay, iba’t ibang klase
ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong asignatura o paksa ang kanilang
pinag-aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga
klasrum ng mga estudyante at mga pagpupulong. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe
upang mas maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa makabagong
panahon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang
mga kompyuter na maaaring maka-access ng internet. Dagdag pa niya na, karamihan sa mga paaralan
dito sa Pilipinas lalo na ang mga pribado ay gumagamit na ng mga kompyuter na may access sa internet.

Sa aming pananaw, hindi lamang pala ngayon nagamit ang teknolohiya sa pag-aaral, dahil ginamit na rin
ito noong mga nagdaang taon. Gamit ang bagong teknolohiya, mas napapadali ang pag-aaral ng mga
kabataan ngayon, hindi kagaya noong unang panahon, na hindi ganun kadali ang kanilang pinag-
dadaanan upang sila ay makapag-aral. At ng dahil sa makabagong paraan ng pag-aaral, mas naging
maginhawa at madali ang pagkalap ng mga impormasyon ng mga estudyane. Mas epektibong
naibabahagi ng mga guro ang kanilang leksyon ng dahil sa internet.

Ayon kay Bertllo, sa Kasaysayan ng Edukasyon, Malaki ang naiambag ng teknolohiya, Sa katunayan, ito
ay isa sa pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagiging madali, at mabisa kung kaya naman
napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral.

Sa aming pananaw, ukol sa isinaad ni Bertllo, ang pagpapabilis ng trabaho at pag-aaral ng mga
estudyante ang isa sa mga dahilan kung bakit higit na tinangkilik ang makabagong teknolohiya pagdating
sa pag-aaral.

Ayon sa artikulong, Makabagong Sistema ng Pag-aaral, ni Donald Goco ang ibang tao ay nagiging tamad
na dahil sa makabagong teknolohiya umaasa na lamang sila sa mga sagot na nakukuha nila sa internet,
kagaya ng pag-aaral, isang pindot at copy at paste lamang ng estudyante ay mayroon sa siyang takdang
aralin, kahit na hindi na nila ito basahin.

Sa aming pananaw, nais ipahiwatig ni Donald Goco na, naging isang masamang epekto ng makabagong
paraan ng pag-aaral, ay ang pagiging tamad ng mga estudyante. Dahil, pinapadali nito ang isang gawain,
maaari silang umasa na lamang sa teknolohiya, dahil para sa kanila ito ay bahagi ng pag-aaral. Ano kaya
ang pagkakaiba at pagkakatulad ng edukasyon noon at ngayon?

PAPEL NG EDUKASYON SA PANSARILING KAUNLARAN


Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao. Nakakatulong ito sa pagpapa-unlad
ng sarili at maging angkinabukasan. Nagpapalakas ito ng loob ng isang tao para makipagsapalaran sa
buhay. Nagpapatatag sa pagkatao para harapin ang mgapagsubok at matutong lumaban sa agos ng
buhay. Madalas nating naririnig sa ating mga magulang na ang edukasyon lamang ang tanginilang
maipapamana sa mga anak kaya pinapayuhan silang mag-aral mabuti at magtapos sa pag-aaral. Ang
edukasyon daw angpamanang kailanman ay hindi mawawala sa tao at hindi mananakaw
ninuman.Edukasyon Edukasyon 

Prayoridad sa sektor ng edukasyon ang susi sa ating kaunlaran!Maraming beses na natin itong narinig.
Ilang mga dakilang tao na rin angpaulit-ulit na sinasabi ito. Ilang pag-aaral na rin ang nagpapatunay na
malaking bagay ang sapat at dekalidad na edukasyon ng mgamamamayan para sa kaunlaran ng isang
bansa.Ngunit sa ating bansa, sa matagal na panahon ay napabayaan ng ating pamahalaan ang
mahalagang sektor na ito ng ating lipunan. Sakawalan ng magandang plano sa sektor ng edukasyon,
maging ang mga college graduates natin ngayon ay hindi na nakakahanap ngtrabaho. Sa pag-aaral ng
Labor Force Survey ng National Statistics Office, lumalabas na kahit nakatapos sa kolehiyo, 18% ng mga
walangtrabaho sa Pilipinas ay mga college graduates. Pangatlo ang mga college graduates sa listahan ng
mga madalas walang makuhangtrabaho mula taong 2006 hanggang 2011.Hindi na nakakagulat ito dahil
marami sa mga kolehiyo sa bansa ay nakakakuha ng zero passing rates sa mga professional
examinations.Sa lahat din ng professional exams sa lahat ng disiplina sa bansa, lubhang mababa ang
average passing rates. Sa datos ng Commissionon Higher Education o CHED, noong 2010 ay 33.91% ang
average passing rate at noong 2011 naman ay tumaas lamang ito sa 35.37%average passing rate. Ibig
sabihin, lubhang kakaunti lamang ang pumapasa sa mga exams dahil na rin sa hindi dekalidad na
edukasyon samaraming bilang ng mga colleges at universities sa bansa.Ang isa pang dahilan ng patuloy
na mababang kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang kawalan ng mga mahuhusay na guro sa bansa.Kung
titingnan ang teacher-pupil ratio ng Pilipinas kumpara sa mga karating bansa nito, tunay na may
problemang kinakaharap ito. Sadatos ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization
o UNESCO, noong 2009, sa bawat isang guro sa Pilipinas ay 39pupils ang tinuturuan nito o may ratio na
1:39. Samantala, ang teacher-pupil ratio sa bansang Malaysia ay 1:13 lamang; Thailand ay1:16;
Indonesia naman ay 1:17 lamang; at maging ang bansang Vietnam ay may teacher-pupil ratio lamang na
1:20.Tulad ng pagkain, tirahan, at trabaho, isang karapatang pantao ang pagkakaroon ng sapat at
dekalidad na edukasyon. Dapat itongpahalagahan dahil bahagi ito ng pangangalaga ng dignidad ng tao.
Ayon sa turo ng Simbahan, ang edukasyon din ang nagbibigaykakayahan sa sinuman na makilahok sa
pagpapatakbo ng lipunan at sa pagsisigurong ang lahat ay nakikinabang sa mga bunga ng pag-unlad. Ang
patuloy na pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay patunay lamang ng napakalaking pagkukulang
sa pangangalaga atpagtataguyod ng karapatang ito.Panahon na samakatuwid na iangat ang sektor ng
edukasyon sa ating bansa. Kailangang matukoy ng pamahalaan ang napakahalagangkontribusyon ng
mga paaralan sa kaunlaran ng ating bansa. Kailangan ang tunay, mabilis at epektibong reporma para sa
sektor ngedukasyon sa Pilipinas.
PAPEL NG EDUKASYON SA PAGBABAGO
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng
isang lipunan tungo sapagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi
lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay nanatutunan sa ating mga university at paaralan.
Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat naedukasyon, ang
praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na
piliting maabot.Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga
pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science,English at mga bagay na tungkol naman sa buhay
at kung paano mabuhay ng maayos.Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na
hinaharap ng isang bansa.

Kung wala nito, at kung ang mgamamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay
at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap parasa kanila na abutin ang pag-unlad.
Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang
mgainaasam na mga mithiin.Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga
bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharapat sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing
mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rinang
dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.Ang
edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa
kanilang kinabukasan.

Angkanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at
damdamin sa mga bagay na kailangan nila sakanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat
ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkolsa kanyang buhay,
pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang
matagumpay na mundona kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at
malaman ang mga layunin nito.

Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang


karanasan at pormal naprograma na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang
maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilangmagiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-
asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangannila upang maabot
nila ang mga pangarap na nais nilang matupad.

You might also like