You are on page 1of 2

Sa pananakop ng mga Kastila sa ating bansa maraming mga gawi at kultura ang naimpluwensya sa ating

kulturang Pilipino. Unang-una ang Kristiyanismo . Ang ating pagiging madasalin at pagiging relihiyoso ay
bunga ng paglaganap ng relihiyong itinatag ng mga Kastila dito sa ating bansa. Sunod ang mga
pagsusugal katulad ng sabong ,tong-its at iba pa ay naging impluwensya rin nila ng sa ating mga Pilipino.
Ang huli ay ang pagsisyesta. Sa impluwensyang dito nagsimulang maging tamad tayong mga Pilipino
dahil mas nakatuon na lamang ang ating pansin sa pagpapahinga kaysa sa pagtatrabaho. Hindi
maikakaila na sa loob ng tatlong daang taon na kanilang pananakop ay hanggang sa ngayon ay dala-dala
pa rin natin ang kanilang mga naging impluwensya.

Sunod ay ang mga Amerikano. Sa kanilang pananakop, isa sa mga naging pinakamahalagang
impluwensya na naiambag nila sa atin ay ang edukasyon. Sa kanilang panahon nagsimula na maging
bukas sa lahat ang edukasyon o ang tinatawag na “Education for All”. Dahil dito maraming mga
pampublikong paaralan ang naipatayo sa kanilang pananakop at sa kasalukuyan ay makikita pa rin natin
ang mga paaralan na kanilang itinayo. Naging oportunidad sa lahat ng mga Pilipino ang pagpasok sa mga
pampublikong paaralan upang makabangon sa kamangmangan at maibahagi din ang mga kaalaman sa
ating kapwa tao

Pagkatapos ng mga Amerikaano ay ang mga Hapon. Hindi rin gaano katagal ang kanilang pananakop sa
Pilipinas at wala din silang masyadong naimpluwensya sa ating bansa. Ngunit ang pinakamalagang
pangyayari ang naganap sa kanilang pananakop ay ang pag-usbong ng panitikang Pilipino. Maraming
nagsulputan na mga manunulat at akdang nailimbag sa wikang Filipino kaya kinikilala ang panahon ng
kanilang pananakop bilang “Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino.

Sa kasalukuyan dahil sa pag-usbong ng teknolohiya ay nauso ang mga social media. Dahil dito, mas
maraming mga bansa ang nakaimpluwensya sa kulturang Pilipino katulad ng Korea. Naging popular sa
ating bansa ang iba't-ibang mga kilalang Korean idol , mga K-pop na kanta ,Kdramas at iba pan. Dahil
dito mas umunlad ang kultura ng mga Pilipino.
Sa pagpatuloy ng akademikong taon, di ako sang-ayon sapagkat may krisis pa tayong kinakaharap.
Aminin man natin o hindi, masasabi nating halos sa mamamayan dito sa Pilipinas ay nabibilang sa
mahirap na antas ng lipunan. Halos lahat sa atin ay naghihikaos sa mga pangangailangan sa ating
tahanan, dagdagan pa ng mga kinakailangan para sa "New Normal Education" isang malaking pasanin
naman ang dumagdag. Imbis na ipambili ng pagkain ang perang naipon ay napupunta na lamang sa
pagbili ng load upang makapasok sa kanya kanyang klase.

Sunod, hindi lamang sapat ang load para makapasok sa klase, kinakailangan isaalang-alang din ang lakas
ng internet connection at ang gadgets na ginagamit upang walang sagabal sa pag-aaral. Wala namang
kakayahan ang iba na makabili ng high specs na gadget sapagkat hindi naman sapat ang pera upang
makakuha ng ganitong klaseng kasangkapan. Ang iba naman ay hindi kaya ang buwanang bayaran sa
paglalagay ng wifi sa kanilang bahay upang mas mabilis ang koneksyon ng internet.

Isa ring opsyon ang modular learning ngunit hindi naman sapat ito upang makatuto ng maayos.
Kinakailangan pa rin ng patnubay ng guro upang maunawaan mo ang mga bahaging malabo sa kaniyang
tinatalakay.May kahirapan na nga sa harapang klase, ano pa kaya kung online class o sa modular
learning? HIndi naman lahat ay may kakayahang makaagapay sa ganitong uri ng pag-aaral. Marami ang
nahihirapan hindi lamang ang mga mag-aaral pati na rin ang mga guro.

You might also like