You are on page 1of 208

Ang Aklatang Bayan Online

at ang Paglalathala ng/sa Kasalukuyan

Noong 1989, pinagtibay at ipinatupad sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang Patakarang


Pangwika na naglalayong gamitin at hustuhin ang wikang Filipino bilang midyum ng
pagtuturo, pananaliksik, at paglilimbag. Itinatag ang Sentro ng Wikang Filipino sa
parehong taon upang tuparin ang mandatong ito. Bukod sa pagtalima sa probisyong
pangwika ng Konstitusyon ng Pilipinas, ang Patakarang Pangwika ng UP ay pagsandig
at pagtindig na pinakamabisa at pinakaangkop ang sariling wika upang isulong at
palakasin ang makabayan, makatao, siyentipiko, at makatarungang oryentasyon ng
edukasyon.
Unang hakbang ang pagkakaroon ng Patakarang Pangwika sa UP. Sa
pamamagitan ng Sentro ng Wikang Filipino, pinagyayaman at pinauunlad ang
produksyon at distribusyon ng kaalaman gamit ang wikang Filipino. Noong 1994,
sinimulan ang proyektong Aklatang Bayan na naglalayong maglimbag sa wikang
Filipino ng mga aklat at pananaliksik sa iba’t ibang disiplina.
Sa panunungkulan ng dating direktor na si Dr. Rommel B. Rodriguez,
pinalawak ang maaabot ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF-UPD) sa ilalim
ng proyektong e-Bahagi o Aklatang Bayan Online. Sinimulan ito bilang pag-a-upload
sa seksyong e-Bahagi ng website ng SWF-UPD ng mga PDF (portable document
format) na bersiyon ng isina-aklat na mga piling tesis at disertasyon sa UP, anuman
ang disiplina, na gumagamit ng wikang Filipino. Malaya rin itong nada-download ng
sinumang interesado.
Sa ika-30 taon ng Sentro ng Wikang Filipino noong 2019, sa simula ng
panunungkulan ng bagong direktor ng SWF-UPD na si Dr. Mykel Andrada, katuwang
ang tagapamahalang patnugot ng proyekto na si Gng. Maria Olivia O. Nueva España
at ang iba pang mananaliksik at kawani ng SWF-UPD, higit na ibinukas ang proyektong
Aklatang Bayan para sa paglilimbag gamit ang plataporma ng internet. Pormal na
tinaguriang Aklatang Bayan Online, inililimbag online ang mga PDF na bersiyon ng
mga aklat, pananaliksik, pag-aaral, at malikhaing produksyon para sa libreng pag-
download at pamamahagi. Tumugon sa panawagan ang maraming mga guro, iskolar,
mananaliksik, at manunulat upang magsumite ng kanilang mga manuskrito sa layuning
maibahagi ito sa pinakamalawak na mambabasa. Sinuportahan at pinondohan ito ng
dating Tsanselor ng UP Diliman na si Dr. Michael L. Tan. Ibinukas rin ang nasabing
proyekto para sa print-on-demand na posibilidad ng paglilimbag. Nagpapatuloy pa
rin sa pangangalap ng mga manuskrito ang SWF-UPD para sa Aklatang Bayan Online.
Bahagi ito ng masidhing paninindigan para sa pagpapalakas at pagsusulong
ng wikang Filipino at ng makabayang edukasyon. Dahil naninindigan ang pamunuan
at opisina ng SWF-UPD na dapat malaya at mapagpalaya ang kaalaman – na hindi ito
dapat nahahadlangan ng elitistang ekonomiya, hindi dapat para sa iilan lamang, at
hindi dapat nagsisilbi sa mga diyos-diyosan. Dapat naaabot nito ang pinakamalawak
na hanay ng mamamayan. Dahil para saan pa ang kaalaman kung mabubulok lamang
ito sa malalamig at inaagiw na espasyo ng kahungkagan.
Ngayong 2020, sa gitna ng pagharap sa pagpaslang sa wikang Filipino sa
kolehiyo, sa gitna ng pandemya at sa krisis sa pamahalaan, sa gitna ng banta sa kalayaan
at karapatan, at sa gitna ng hindi normal na “new normal,” higit na naninindigan ang
Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman na ang wikang Filipino bilang wikang malaya
at mapagpalaya ay napakahalaga para sa pagtatanggol at pagpapagaling ng bayan.

Serye ng mga aklat sa agham panlipunan. Sa wikang Iloko


at Ibanag nagmula ang salitang “Ili” o “bayan.” Inililimbag
sa serye ang mga aklat na nagtataguyod ng kaalamang
panlipunan, kaisipan, at kalinangang Filipino.
MGA PILING TALA NG
ISANG BLOGGER
MULA KALYE HANGGANG KONGRESO
MGA PILING TALA NG
ISANG BLOGGER
MULA KALYE HANGGANG KONGRESO

MONG PALATINO

SENTRO NG WIKANG FILIPINO


Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Lungsod Quezon
Mga Piling Tala ng Isang Blogger : Mula Kalye
Hanggang Kongreso
©2019 Raymond V. Palatino at Sentro ng
Wikang Filipino-UP Diliman

Hindi maaaring kopyahin ang anumang bahagi ng aklat na ito sa


alinmang paraan – grapiko, elektroniko, o mekanikal – nang walang
nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-sipi.

The National Library of the Philippines CIP Data

Recommended entry:

Palatino, Mong

Mga piling tala ng isang blogger : mula kalye hanggang kongreso


/ Mong Palatino. -- Quezon City : Sentro ng Wikang Filipino,
[2019], c2019.

Electronic resources
1. Filipino essays. 2. Philippines -- Politics and government -- Blogs
3. Blogs. I. Title.
899.2114 PL6058.9.P35 P920190206

ISBN 978-621-8196-01-8

Kinikilala ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman ang Opisina ng Tsanselor


ng Unibersidad ng Pilipinas para sa pagpopondo ng proyektong ito.

Raymond V. Palatino
May-akda

Michael Francis C. Andrada Max Santiago


Pangkalahatang Patnugot Larawan sa Pabalat
ng Proyektong Aklatang Bayan
Direktor, Sentro ng Wikang Michael Balili
Filipino-UP Diliman Disenyo ng Aklat at Pabalat

Maria Olivia O. Nueva España Inilathala ng:


Tagapamahalang Patnugot Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman
ng Proyektong Aklatang Bayan 3/Palapag Gusaling SURP,
E. Jacinto St., UP Campus,
Diliman, Lungsod Quezon
Telefax: 8924-4747
Telepono: 8981-8500 lok. 4583
NILALAMAN

vii Introduksiyon

BALIKTANAW

5 SONA 2001-2009
11 Ilang tala hinggil sa kalagayan ng bansa 2008
15 Mayroong himala
20 CON-ASS: Huwag buhayin ang patay
24 PNoy@100
28 'Daang Matuwid' at mabuting pamamahala
32 Baliktanaw sa 2013 at pamahalaan ni BS Aquino
36 Ka Bel: Lider, bayani, rebolusyonaryo
39 Ang problema kay Jose Maria Sison

POOK AT PAKIKIBAKA

45 Labanan sa tubigan
50 Bundok, dagat, pulitika
56 Looban, pagsasamantala, pag-aalsa
60 Ebolusyon ng Metro Manila
66 Loob-Labas
71 Recto-Doroteo Jose
74 Bakit hindi matalu-talo ang New People’s Army?
x

HALALAN

79 Bayanihan sa 2010
83 Pagbabago para sa Pilipino
89 Wika ng halalan
95 Pagmumuni-muni ng isang kandidato

SEKTORAL NA LABAN

100 Ang lumalabang Lumad bilang tanglaw ng Mindanao


106 Kabataan at ‘Daang Matuwid’
112 Iskolar ng bayan
116 Diwa ng aktibismo sa kasalukuyan
120 Edukasyon, wika, teknolohiya
128 Campus press at halalang 2010
134 UP Multisectoral Alliance: ‘Magbuklod para itaguyod
ang pamantasan ng bayan, para sa bayan’
139 MDGS at health workers
143 K12 ng Kabataan
147 Hamon sa Sangguniang Kabataan
152 Kabataan: Pag-asa ng bayan ngayon

LABAS NG BATASAN

161 Sona sa labas ng Batasan 2009


164 Walang kapayapaan sa ‘Daang Matuwid’
166 Salamat sa House Secretariat

PAG-IBIG

171 Magmahal na parang walang bukas


175 Para sa mga magsisipagtapos: Boom Panes!
180 Ang paglaban at pag-ibig ay laging
nasa tamang panahon
186 Pagpupugay sa Batch 2017!
Nagmahal, Nagsikap, Nagtagumpay
190 Bakit aktibista ang crush ng crush mo?

195 Tungkol sa may-akda


INTRODUKSIYON

MAY PAGKUTYA SA SALITANG blogger dahil kinakabit siya sa mga


kontrobersiyal na tagasuporta ng gobyernong ‘dilaw’ at Digong. Akala
tuloy ng marami ang pagiging blogger ay pagpili lamang sa dalawang
panig na ito. Ang librong ito ay isang paalala na may mga gumamit ng
blog hindi upang maging propagandista ng estado kundi hamunin ang
kontra-mamamayang diskurso ng mga nasa kapangyarihan.
Sinimulan ko ang aking blog noong 2004. At ang aking pagsulat
ay mula sa tanaw ng paggampan ng aking pulitikal na gawain bilang
kabataang aktibista, kinatawan sa kongreso, at lider ng Bagong Alyansang
Makabayan sa Metro Manila. May hugot ang mga pinili kong sanaysay sa
mga nagdaang rehimen at marami ay naglalaman ng mga salitang hango
sa balita na maaaring hindi na pamilyar sa konteksto sa kasalukuyan.
Kaya isang byahe sa malapit na nakaraan ang alay ng kompilasyong ito.
Gayunpaman, hindi lang ito komentaryo patungkol sa nakalipas na
dekada. Ito ay may layong magbigay din ng kritika sa pulitika ng bansa
habang nagbibigay diin sa halaga ng pakikisangkot ng marami, lalo na
ng kabataan, sa pagtulak ng pagbabago. Mababasa sa ilang talumpati ang
aking paraan kung paano pinapaliwanag ang kumplikadong proseso ng
xii

pulitika at maging ng pakikibaka na higit na mauunawaan ng karaniwang


mambabasa o tagapakinig.
Nagkaroon ako ng pambihirang pagkakataon na masulyapan ang
loob ng kongreso at mula dito ay naabot ko ang mas maraming kababayan
natin sa iba’t ibang dako ng bansa. Marami sa aking nasaksihan ay nasulat
sa aking blog o nalathala sa Bulatlat, isang alternatibong news website.
Nawala na sa uso ang blog pero ang librong ito ay patunay na nagkaroon
ng partikular na silbi ang espasyong ito upang hikayatin ang mga tao na
magsulat, na ngayo’y pwedeng pag-aralan bilang dokumentasyon ng iba’t
ibang naratibo, opinyon, at karanasan sa ating lipunan sa unang bahagi
ng bagong siglo.

Mong Palatino
@mongster
MGA PILING TALA NG
ISANG BLOGGER
MULA KALYE HANGGANG KONGRESO
f
BALIKTANAW
STATE OF THE
NATION ADDRESS
2001-2009

SIYAM NA SONA. WALONG taon. Marami na bang pagbabago sa bansa?


Dahil huling Sona na ni Gloria Arroyo ngayong taon, balikan natin ang
kanyang mga naging pangako. Ano ang mga di malilimutang eksena sa
mga nakalipas na Sona?1
Sona 2001 – Katatapos lamang ng People Power II. Mahigit
isang oras nagsalita si Arroyo – ito ang kanyang pinakamahabang
Sona. Ang kanyang gimik: Mga bata mula sa Payatas na nagpadala ng
mga bangkang papel na nakaabot diumano sa palasyo ng Malakanyang.
Nangako si Arroyo na lalabanan niya ang korupsiyon at magpapatayo
siya ng paaralan sa bawat barangay. Sa labas ng Batasan, isang “jack in the
box” effigy ang ginawa ng mga aktibista sa protesta.
Sona 2002 – Dito binanggit ni Arroyo ang kanyang programang
Strong Republic. Ang mainit na isyu noon ay ang pagkakadakip sa mag-

*Batay sa presentasyong binigay sa UP Manila.


6

asawang Burnham ng mga Abu Sayyaf. Kinilala ni Arroyo sa Sona ang iba
pang biktima ng pagdukot na naligtas ng gobyerno. Sa labas ng Batasan,
ang effigy ay isang “Gloria Anay” kasi ang tawag ni Arroyo sa mga kritiko
ng pamahalaan ay ‘termites’. Nagdala kami ng flipflops para paluin ang
anay.
Para sa akin, ang Sona 2002 ang pinakamatino sa lahat ng Sona
ng pangulo. Kahit paano may vision (Strong Republic), wala masyadong
gimik na aksaya sa oras, nagpokus siya sa mga nagawa ng kanyang
administrasyon at hindi sa mga proyekto na gagawin o ginagawa pa
lamang.
Sona 2003 – May gera ang Estados Unidos sa Iraq, nagrebelde
ang mga Magdalo sa Oakwood kaya naman ang tema ng Sona ni Arroyo
ay “war against terrorism.” Dito sinimulan ni Arroyo na gamitin ang mga
tao sa plenaryo bilang bahagi ng kanyang presentasyon. Bago matapos
ang kanyang talumpati ay inisa-isa niya ang ilang mga sikat na Pilipino
tulad nina Josette Biyo at siyempre, Manny Pacquaio. Sa labas ng Batasan,
isang “Running Glo” ang hinanda ng mga aktibista. Sabi kasi niya hindi
siya tatakbo sa halalang 2004 pero walang naniniwala sa kanya noon. At
tama nga ang marami!
Noong 2003, ang sabi namin, huling Sona mo na GMA (Gloria
Macapagal-Arroyo), kasi nakatakda na siyang bumaba sa puwesto
pagkatapos ng ilang buwan. 'yong ibang oposisyon naniwala sa kanya.
Nagkamali kami. Ngayong 2009 ang sabi natin, huling Sona mo na
GMA. Ano sa tingin ninyo? Baka sa susunod na taon, bumalik ako sa UP
Manila tapos ang ating paksa ay hindi ang ikasampung-Sona ni President
Arroyo; kundi ang unang Sona ni Arroyo bilang Prime Minister.
Sona 2004 – Unang Sona ni Arroyo pagkatapos niyang talunin
si Da King (Salamat sa kanyang phonepal na si Hello Garci). Lumaya si
Angelo dela Cruz sa Iraq pagkatapos pauwiin ni Arroyo ang mga tropang
Pilipino sa Middle East. Kaya naman sabi ni GMA, siya ay kaibigan ng
masa. Eto ang sinabi niya: “You have a government – indeed, you have
a country – that cares. Your life is held more dearly than international
acclaim. And you have a president who is your friend …” Ang kanyang
slogan ay Mamamayan Muna pero sa totoo lang nagkamali siya dahil ang
talagang gusto niyang sabihin ay Mayayaman Muna.
7

Sa labas ng Batasan ang effigy ay isang “Gloria mechanical eagle/


fighter plane” bilang simbolo ng suporta ni Arroyo sa gera ng Estados
Unidos sa Iraq.
Sona 2005 – Pinakamaikling Sona ni Arroyo. Mainit na isyu
noon ang Hello Garci at Jueteng payola. Ang buong Sona ay inilaan sa
pagkukumbinsi sa Kongreso na suportahan ang Charter Change. Ang
daming gimik sa Sona na ito – ang oposisyon namahagi ng peach roses
bilang simbolo ng impeachment (eto 'yong impeachment na talagang
seryoso at pwedeng manalo) tapos nagwalk-out sila; ang mga pro-GMA
may suot na blue ribbon bilang tanda raw ng kanilang kagustuhan na
magkaroon ng kapayapaan; ang suot ni Arroyo ay isang lumang terno
na pagmamay-ari ng kanyang ina; pagkatapos magsalita ay bumaba si
Arroyo at nilapitan siya ng kanyang anak na si Luli Arroyo (hindi si First
Gentleman), magkahawak kamay silang lumabas ng plenary. Bakit si
Luli? Kasi siya lang sa mga kamag-anak ni Arroyo ang di pa nasasangkot
sa kontrobersiya
Sa labas ng Batasan, ang effigy ay isang “Gloria Kapit Tuko” sa
Malakanyang. Malaki ang rali, sa katunayan pinakamalaking Sona rali ito
pagkatapos ng 1986.
Sona 2006 – Ang Strong Republic ay pinalitan ng Super
Regions, bahagi ito ng Enchanted Kingdom script ng pangulo. Nagawang
manatili ni Arroyo sa kapangyarihan kaya nagpasalamat siya sa lahat ng
sumuporta sa kanya. Ang dami niyang binati noong Sona, kabilang si
Jovito Palparan na nasasangkot noon sa napakaraming kaso ng paglabag
sa karapatang pantao. Kaunti na lamang ang mga sumusuporta kay GMA
at lahat sila ay nagkasya sa loob ng Batasan. Kaya naman nakaya niyang
batiin ang bawat isa.
Sa labas ng Batasan ang effigy ay isang “Gloria Hitler.”
Kinumpara si GMA kay Hitler dahil sa pagdami ng bilang ng mga
extrajudicial killing, enforced disappearance, at kaso ng tortyur sa
bansa.
Sona 2007 – Tulad noong 2006, may powerpoint presentation
si GMA. Binati na naman niya ang kanyang mga kaibigan sa Kongreso.
Parang tourist guide si Arroyo at binida niya ang mga proyekto ng
kanyang gobyerno sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
8

Medyo nagyabang si Arroyo dahil ilang beses niyang nabigo ang


tangka ng oposisyon na siya ay patalsikin sa puwesto. Kaya sa pagtatapos
ng kanyang talumpati, aniya “Inyong lingkod, Gloria Macapagal Arroyo,
Pangulo ng Republika ng Pilipinas.” Siguro 'yong speechwriter nanood
ng pelikula ni Michael Douglas na The American President, parehong-
pareho kasi ang linya.
Sa labas ng Batasan ang effigy ay isang “Gloria Manananggal.”
Kapapasa lang noon ng Anti-Terrorism Bill. Ang ating sumbat: si Gloria
ay manananggal, manananggal ng karapatang-pantao.
Sona 2008—Matindi ang kagutuman, may krisis sa bigas. Kaya
ang Sona ni Arroyo ay pinaksa ang mga programa ng pamahalaan sa
agrikultura. Wala namang bago. Mga dinoktor na numero, mga proyektong
di pa nagagawa, mga pangakong bula lamang. Sa labas ng Batasan ang
effigy na ginawa ay pinakamalaki sa lahat: isang papalubog na barko at
isang GMA na nakasakay sa eroplano. Bakit ganito ang effigy? Kasi kahit
may trahedya noon sa bansa, nakuha pang lumabas ng bansa ni Arroyo.
Sona 2009 – Ano ang mga sasabihin ni Arroyo? Isusulong niya
ang Chacha. Ipagmamalaki niya ang ekonomiya (Sino ang niloko niya?).
Maaaring sabihin niya na hindi na siya tatakbo ulit (Bumenta na 'yan!).
Babanggitin niyang napalaya na ang mga bihag ng Abu Sayyaf (lagi
namang lumalaya ang mga bihag kapag malapit na ang Sona). Tulad ng
dati, iisa-isahin na naman niya ang mga kaibigan niya sa Kongreso. Ang
malinaw, wala na siyang kredibilidad. Sinayang niya ang walong Sona
para patunayan na isa siyang repormistang lider.
Ang Sona ay hindi lang dapat report card ng administrasyon,
hindi lamang paglalahad ng plano ng pangulo. Dapat isa itong okasyon
para pagkaisahin ang lipunan sa iisang direksiyon, pukawin ang interes
ng kabataan sa pamumuno ng bansa, magsilbing inspirasyon sa lahat na
lumahok sa proseso ng pagbubuo ng isang progresibong lipunan. Kaso
iniba ni Arroyo ang layunin ng Sona. Ginawa niya itong okasyon para
pasalamatan at purihin ang mga loyalista ng administrasyon.
Inako ni Arroyo ang lahat ng nagawa ng mga ahensiya ng
pamahalaan. Laging naiipit si Arroyo kasi kahit hindi pa tapos ang isang
programa o proyekto ay babanggitin na niya ito sa Sona. Kaya tuloy ang
Sona ay kasingkahulugan ngayon ng kasinungalingan.
9

Ang Sona ay hindi lamang tungkol sa pangulo at ang kanyang


mga nagawa o di nagawa. Ito ay patungkol din sa atin. Kaya makatwiran
ang mga rali sa labas ng Batasan. May karapatan tayong magpahayag
kung ano ang tingin natin sa tunay na kalagayan ng bansa.
Taong 2001 unang Sona ni Arroyo. Noong 2001 kayo marahil
ay nasa elementary pa lamang, tama? Kayo ay naghayskul, nagbinata’t
nagdalaga, pumasok sa kolehiyo pero ang lider sa Malakanyang ay si
Gloria Arroyo pa rin. Ngayong malapit na kayong matapos sa pag-aaral,
si Arroyo pa rin ang pangulo. Sana, sana, huwag kayong pumayag na sa
inyong pagtanda, sa pagkaroon ninyo ng trabaho, sa pagbubuo ng sarili
ninyong pamilya ay tatawagin ninyo pa ring presidente o prime minister
si Arroyo.
Para sa amin na naging bahagi ng Edsa Dos, ang nakalipas na
walong taon ay parang bangungot. Bakit ang People Power president ay
naging “halimaw sa banga”? Bakit nangyari ang mga Hello Garci, NBN-
ZTE, fertilizer scam, extrajudicial killing?
Taong 2001, People Power ang ating sigaw sa kalye. Taong
2009, People Power ang ating sigaw …sa Facebook. Taong 2001, uso
pa ang makipag-usap sa bawat isa, naghahawakan tayo ng kamay, alam
natin ang ibig sabihin ng kapit-bisig. Taong 2009, wala nang nag-uusap,
nakafacemask na ang lahat, hindi pwedeng maghawakan ng kamay dahil
sa Swine Flu. Kung gusto natin ng pagbabago, isarado ang kompyuter,
ilagay sa bulsa ang cell phone, iuwi ang PSP, at sumama sa mga pagkilos
sa kalye. Sama-sama, hindi ako mismo, hindi myspace, hindi me na me,
kundi tayo mismo.
Kung ako ay tatanungin kung anong imahen ang pinakaakma sa
gobyerno ni Arroyo, eto ay ang lumubog na barko ng MV Princess of the
Stars. Ganyan ang nangyari sa bansa, lumubog o papalubog sa panahon
ni Arroyo. Pero ang imaheng ito ay hindi lamang tungkol sa trahedya. Ito
ay simbolo ng rebolusyon. Ito ay simbolo rin ng pagbabago.
Sa mga unang pahina ng nobela niyang El Filibusterismo, sinabi
ni Rizal na ang kaayusan sa bapor Tabo ay kahalintulad ng kalagayan
sa lipunan. Ang ilalim ng bapor ay para sa mahihirap at ordinaryong
mamamayan. Samantalang ang nasa ibabaw ay mayayaman at banyaga.

10

Kung titingnan natin ngayon ang MV Princess of the Stars, ang


ibabaw ay nasa ilalim. Ang ilalim ay nasa ibabaw. Sabi nga ng Buklod,
na inulit ni Bamboo, baligtarin ang tatsulok. Kadalasan ang mga barko,
lumulubog na lamang. Pero ang MV Princess of the Stars ay nag-iwan
sa atin ng nakakatakot na imahen. Hindi kaya ito ay isang pangitain ng
hinaharap? Na ang lipunan ay lulubog pero mga nasa ilalim ay mapupunta
sa ibabaw.
Gusto natin ng pagbabago. Pero walang pagbabagong
magaganap kung gagayahin natin si Lola Techie, isang kaawa-awang lola
Nag-iisa, malungkot, naghahanap ng atensiyon, aktibo’t matalino pero
nilalaan ang oras sa internet.
ILANG TALA HINGGIL
SA KALAGAYAN NG BANSA

NAHAHATI SA TATLONG BAHAGI ang aking talumpati. Una kong


ilalahad ang aking obserbasyon tungkol sa kalagayan ng ating bansa.
Pangalawa, pag-uusapan natin ang kasalukuyang sitwasyon ng kabataang
Pilipino. At huli, tatalakayin natin ang papel ng kabataan sa pagbabago
ng lipunan.1
Uso ngayon ang pagsasabi ng katotohanan. Pero sa totoo lang,
lahat naman tayo ay sinungaling. Ika nga ni dating Speaker Joe De
Venecia, “We are all sinners.” Nabasa ko sa isang artikulo na 6-20 beses
tayo nagsisinungaling sa isang araw. Ayon sa pag-aaral ng Cornell, halos
100 bahagdan ay nagsisinungaling sa mga online dating. Sa isang sarbey
sa UK, marami ang hindi nagsasabi ng totoo tungkol sa kanilang tamang
bigat at taas.

*Bahagi ng aking talumpati sa pagtitipon ng mga student council at campus publication


ng rehiyon ng Caraga. Ginanap ito sa Pope John XXIII Pastoral Center, Surigao City, 8
Marso 2008
12

Pero ang ating pagsisinungaling ay hindi naman kasing


bigat ng pagsisinungaling ng mga nasa kapangyarihan. Kapag tayo
ay nagsinungaling sa ating totoong edad, ilang tao lang naman ang
maloloko natin. Pero kapag ikaw ay spokesman ng pangulo at sasabihin
mong hindi boses ni Gloria Arroyo ang nasa ‘Hello Garci’ recording, aba
ibang klaseng lokohan na ito.
Kapag nagsisinungaling ang mga pulitiko, malaking parusa ang
idinudulot nito sa mga Pilipino. Bukod sa nababaluktot at nababastos
ang diwa ng katotohanan, nasasakripisyo ang kapakanan ng bayan.
Si mayor nagsubmit ng maling statement of assets and liabilities.
Si senador nakinabang sa dagdag-bawas. Si gobernador malaki ang
kickback sa pinatayong tulay. Si chairman $130 milyon ang kita. Limang
milyon daw ang binigay ng palasyo para kay Jun Lozada, pero bakit
P50,000 lang ang nakaabot sa kanya?
Nagiging ‘way of life’ na para sa mga pulitiko ang pagsisinungaling.
Ang itim ay puti. Ang mali ay tama. Ang peke ay totoo. Hindi nakapagtataka’t
kaawa-awa ang kalagayan ng ating bansa. Dahil sa pagsisinungaling ng mga
lider, patuloy na naghihikahos ang ating bayan.

MAYAMAN AT MAHIRAP ANG PILIPINAS

Ayon sa gobyerno, maunlad ang ekonomiya. Ito ang paborito kong


kasinungalingan ng pamahalaan. Sunod-sunod daw ang paglago ng
Gross National Product. Ipinagyayabang ng pamahalaan na lumakas
ang ekonomiya sa lebel na hindi pa natin nasasaksihan nitong nakalipas
na tatlong dekada. Matatag ang piso kumpara sa dolyar, presyo ng mga
bilihin ay stable, wala ng gusot sa fiscal situation ng bansa. Kakayanin
nating maging first world na bansa sa 2020; basta ba si Arroyo raw ang
lider natin.
Kung maunlad ang ekonomiya, bakit marami pa rin ang
mahirap? Bakit marami pa rin ang nangingibang bayan? Bakit may
mga Marianette Amper na nagpapakamatay? Bakit may mga Pilipinong
binebenta ang kanilang kidney organ?
Mismo ang National Statistics Office kinikilala na mas mahirap
ang mga Pilipino ngayon kumpara noong mga nakaraang taon. Ito ang
13

laman ng mga balita nitong mga nakalipas na araw. Maaaring malakas ang
tinatawag nilang economic fundamentals. Pero mas mahalagang tiyakin
kung nakikinabang ba ang bawat isa sa atin sa paglago ng ekonomiya.
Nararamdaman ba natin ang pag-unlad ng bansa? Baka naman kaunti
lamang ang may maginhawang buhay samantalang ang karamihan ay
nasasadlak pa rin sa kahirapan.

KAGUTUMAN

Kagutuman ang mukha ng kahirapan. Ilang sarbey na ang lumalabas


na nagpapakita ng matinding kagutuman sa bansa. At ito ay lubhang
nakakalungkot. Bakit marami ang nagugutom sa isang bansang sagana
sa likas na yaman? Bakit kulang ang pagkain samantalang napakaraming
halaman at hayop ang matatagpuan sa ating bansa?
Mukhang may di-pantay na distribusyon ng biyaya ng Diyos
sa ating lipunan. Ang iba ay busog sa karangyaan, samantalang marami
ang walang laman ang sikmura. Kung dati ay bigas ang ating paboritong
pagkain, ngayon napapalitan na ito ng instant noodles. Mas mura kasi ito
at medyo kaya pang bilhin ng mga kababayan natin.
Isa pang anomalya ay ang dami ng mga magsasaka na walang
makain. Silang mga nagtatanim para tayo ay may makain araw-araw
ay walang sapat na kita para makabili ng pagkain. Bukod sa walang
sariling lupa, lugmok sa kahirapan ang mga magsasaka. Tapos ngayon
hinihikayat pa ang magsasaka na magtanim ng biofuels. Baka tuluyan ng
walang makain ang mga tao sa kanayunan.
Ito ang patunay na di sapat ang mga numero para ipakita na
may pag-unlad sa bansa. Dapat may trickle down effect ang kaunlaran.
Dapat unahin ang batayang pangangailangan ng bawat isa. Pagkain sa
mesa, pabahay, damit, kalusugan at dangal bilang tao.

REFUGEE NATION

Malaking problema ngayon ang pag-init ng temperatura sa buong


mundo. Ang tawag nila dito ay global warming o climate change. Ayon
sa mga pag-aaral, magiging matindi ang negatibong epekto ng global
14

warming sa Pilipinas. At ito ay nararamdaman na natin. Summer period


na pero bakit binabagyo ang Eastern Visayas. Ilang araw nang malakas
ang ulan at pagbaha dito sa Butuan at Surigao. Dumarami ang bilang
ng mga super typhoon at ang nililikha nitong mudslides at landslides.
Minsan umuulan ng yelo sa Kordilyera. May flashflood sa ilang bahagi
ng Mindanao kahit walang bagyo.
Dahil sa sunod-sunod na mga kalamidad, bilyon-bilyon ang
halaga ng pinsala sa ating bansa. Naapektuhan ang kabuhayan ng mga
tao. Nasisira ang mga pananim, bahay at mga imprastruktura. Ang mga
eskuwelahan ay ginagawang evacuation center para sa mga tinatawag na
environment refugees.
Sa hinaharap lalong titindi ang problema sa kalikasan. May
kaugnayan ito sa paglala ng kahirapan. Kapag palpak ang pamunuan, o
kapag di kinikilala ng mga lider ang bigat ng problema, higit na lolobo
ang pinsalang matatamo natin sa pagdami ng bilang ng mga kalamidad.
Kailangan natin ng mga lider na may angkop na pag-unawa sa
ugat ng problema sa kalikasan. Halimbawa, napansin ninyo siguro 'yong
mga karatula ng DENR sa daan tungkol sa ‘Green Philippines Highway’
Layon ng programang ito na magtanim ng mga puno sa gilid ng mga
national road sa buong bansa. Kapuri-puring inisyatiba. Pero mas
mainam siguro na mas gawing berde ang mga bundok kaysa mga daan.
Marami ngang puno sa gilid ng kalsada pero kung kalbo naman ang mga
bundok, patuloy lang din ang pagbaha sa mga patag. Ang problema abala
ang DENR sa pagbibigay ng permit para sa mga maliliit at malakihang
pagmimina sa bansa. Dapat ayusin ng DENR ang kanyang prayoridad.

BRAIN HEMORRHAGE

Bukod sa mabilis na pagkaubos ng mga likas yaman ng bansa, nawawala


din ang mga propesyunal at manggagawa. Patuloy ang pangingibang-
bayan ng mga Pilipino. Dati brain drain ang taguri sa pag-alis ng mga
Pilipino papunta sa ibang bansa. Ngayon isa na itong brain hemorrhage.
Nakakatakot ang bilang ng mga umaalis na doktor, nurse, engineer,
piloto, syentista, at guro.. Ilang taon ang ating ginugugol para magsanay
ng mga propesyunal tapos sa isang saglit sila ay mawawala bigla. Kawawa
15

naman ang ating mga industriya at lokal na negosyo.


Oo may ganansiya tayo sa perang pinapadala ng mga Overseas
Filipino Workers. Pero ito ay short term relief. Mas malaki ang nawawala
sa atin dahil mga skilled professional ang umaalis. Nagkakaroon ng
kakulangan sa manpower ang maraming industriya o sektor.
Sabi ng mga ekonomista, huwag matakot sa brain drain.
Nakakabawi naman daw tayo sa remittance ng mga OFW. Bumabalik
sa bansa ang mga OFW at bumibili ng mga real estate. May transfer of
knowledge na nagaganap. Nagkakaroon daw ng brain exchange o brain
circulation. Pero hindi ito totoo sa lahat ng pagkakataon at panahon.
Naghihingalo ang sektor ng kalusugan dahil sa pagkawala ng mga
mahuhusay na doktor at nurse. Nagsasara ang mga opistal. Namamatay
sa sakit ang mga Pilipino nang hindi nagagamot ng mga doktor. Anong
silbi ng remittance at condo unit ng mga OFW kung patay na ang kabayo,
este ang pasyenteng Pilipino?

EVIL REGIME

Sinumpa ba ang Pilipinas, bakit ba ‘binibiyayaan’ tayo ng mga rehimen


tulad ng Kamag-anak Inc. ni Pangulong Cory, Philippines 2000 B.C.
ni Pangulong Ramos, Midnight Cabinet ni Pangulong Estrada, at Evil
Regime ni Pangulong Gloria. Ayon sa mga tagapagsulong ng charter
change, “Six years is too short for a good president; and too long for a
bad president.” Eh paano kapag seven years na ang isang pangulong hindi
lang bad, kundi evil pa?
Masyado nang laganap, malalim ang ugat at sistematiko ang
katiwalaan sa pamahalaan kaya kahit ang mga moralistang opisyal tulad
ni Sec. Romulo Neri ay nagkakasya na lamang sa palasukong pangangaral
tulad ng “Moderate their greed.” Gawin nating mas kongkreto ang isyu
ng korupsiyon. Ang $130 milyon na kickback nina Chairman Abalos
et.al. ay katumbas ng P5.2 bilyon. Ayon sa Ibon Foundation, sapat na ito
upang bumili ng 44,234,813 textbooks; magpatayo ng 1,390 classrooms,
magpagawa ng 524,237 school seats; kumuha ng 2,733 new teachers; at
sagutin ang computer-related expenses ng 98 schools.
Dahil sa korupsiyon, nagkukulang ng pondo para sa edukasyon,
16

kalusugan at iba pang serbisyong panlipunan. Ramdam ng bawat isa ang


‘pagbukol’ ng kontrata ng NBN-ZTE.
Dapat huwag nating kalimutan na hindi lang naman
korupsiyon ang kasalanan ni Arroyo. Nariyan ang laganap na paglabag
sa mga karapatang pantao, pandaraya sa halalan, pagkalubog sa utang
ng Pilipinas, pagbenta ng likas-yaman sa mga mandarambong (Pilipino
man o dayuhan), at ang paghikayat sa mga Pilipino na mangibang-bayan
upang isalba ang ekonomiya.

PEOPLE POWER PA RIN

Kahirapan. Kagutuman. Katiwalian. Hahayaan ba nating madagdagan


pa ang mga kasalanan ni Arroyo? Sa tingin ninyo ba kusang bababa ng
puwesto si Arroyo sa 2010?
Umuusbong muli ang People Power. Bukambibig ito ng
maraming tao ngayon. Gawin nating mas masaklaw ang depinisyon ng
People Power. Hindi lang ito pagrarali sa Edsa at Ayala. Ito ay proseso,
pagbubuo ng kilusan, pagsasama-sama ng mga tao, paggigiit ng prinsipyo,
pagtatanggol sa demokrasya.
Walang copyright si Cory at CBCP sa People Power. Hindi
ito monopolyo ng civil society. Angkinin natin ang konseptong ito.
Patunayan natin na may People Power sa Caraga. Patunayan natin na
hindi totoo ang sinasabi ng mga political dynasty na buo ang suporta ng
mga probinsiya kay Arroyo.
Matuto tayo sa pagkukulang ng People Power I at People Power
II. Hindi sapat na pangulo lang ang pinapalitan. Dapat may pagbabago
din sa uri ng pulitika at sistema ng pamamahala. Imbes na tanungin
lang kung sino ang papalit kay Arroyo, mainam din na pag-usapan kung
anong sistema, anong uri ng gobyerno ang gusto nating mamayani sa
bansa.
MAYROONG HIMALA

PANGUNAHING TAGAPAGSALITA SI JUN Lozada sa forum sa St.


Scholastica Marikina, 28 Marso 2008.. Ako at si Sister Mary John Mananzan
ang mga reactor. Pakiramdam ko may halong lungkot at hinanakit ang
mensahe ni Jun sa publiko. Kaya sinadya kong maging ganito ang tono ng
aking tugon….
Bago pa man maging witness si Ginoong Jun Lozada sa senado,
alam na nating sinabihan ni First Gentleman Mike Arroyo si Joey de
Venecia na mag “back-off.” Alam na nating nag-alok si Chairman Ben
Abalos kay Secretary Romulo Neri ng “Sec, may 200 ka dito.”
Nadagdagan ang ating kaalaman tungkol sa korupsiyon nang
matapang na humarap si G. Lozada sa senado. Napatunayan natin na
totoong may anomalya sa NBN-ZTE. Nabisto natin na “she is evil.”
Sobrang sakim kaya hanggang “moderate their greed” na lang ang kayang
ipayo. May “tongpats” pala ang kontrata. May “greedy group” sa palasyo.
At masarap pala ang Ben’s Burjer.
Pero G. Lozada, higit pa dito ang naging bunga ng inyong
binigay na testimonya. Pinaniwalaan kayo ng tao dahil sa inyong
kredibilidad. Hinangaan kayo dahil nagsakripisyo kayo ng malaki para sa
18

bayan. Naging inspirasyon ito sa marami upang tumindig at magpahayag


ng disgusto sa nangyayari sa ating bansa.
Nagsalita ang mga dating nananahimik lamang sa tabi. Sumali
sa mga protesta ang mga dating ayaw sumigaw sa kalye. Napukaw
ang makabayang damdamin ng maraming mag-aaral. Naging truth-
seeker ang maraming Pilipino. Lahat gustong hanapin at ipaglaban ang
katotohanan, katarungan at pagbabago. Kahit ang Malakanyang, kasali
daw sila sa krusada para sa katotohanan.
G. Lozada, dahil sa inyong pinakitang kagitingan at sinseridad,
marami ang nanindigan laban sa korupsiyon. Hindi mabilang ang mga
noise barrage, prayer rally, democracy walk, at mga piket sa bansa.
Nagtayo ng truth center sa mga paaralan. Marami ang nag-ambag sa
sanctuary fund.
Naalala ko ang mensahe ni Elsa sa pelikulang Himala. Aniya:
Walang Himala! Walang himala! Pero sa totoo lang, mayroong himala.
Mula Luzon hanggang Mindanao ay dumagundong ang tinig para sa
pagbabago.
Gusto ng mga obispo ng communal action. Ang payo naman
ni Archbishop Angel Lagdameo ay simulan daw natin ang pagdebelop
ng bagong modelo ng People Power. Hindi ba’t ito ang nasaksihan
natin nitong mga nakaraang buwan? Ang sama-samang pagkilos ng
mamamayan, ang pagbuhos ng damdaming makabayan sa kalye,
paaralan, parokya, siyudad at kahit sa mga probinsiya.
G. Lozada, kung mapapansin ninyo ay hindi lamang mga
estudyante ang kaharap natin ngayon. Kapiling din natin ang mga guro’t
empleyado ng St. Scholastica at mga residente ng Marikina. Senyales ito
na totoong tapos na ang mga klase. Nagbabakasyon na ang mga kabataan.
Ito ang bagong hamon sa inyo at sa atin. Paano pananatilihing
mainit ang kampanya laban sa korupsiyon? Hindi dahil sa mainit ang
panahon ay tutumbasan din ito ng init ng ating paglaban.
Kaya G. Lozada, dalhin natin ang mga truth forum sa
komunidad, sa basketball court ng mga barangay, sa beach, sa Boracay.
Medyo ilapit natin ang pagdadasal sa Malakanyang.
Ang hamon naman po sa ating mamamayan ay maghanap ng
mga paraan kung paano higit na sisigla ang ating laban.
Halimbawa, sumulat po tayo sa mga senador. Bakit nila iuurong
ang hearing tungkol sa NBN-ZTE? Hikayatin natin ang Batch 2008 na
magsuot ng berdeng ribbon sa araw ng graduation – balita ko panukala
ito ng mga mag-aaral ng Ateneo. Kung si Neri at si you-know-who
ang spiker sa graduation, kayo na po bahala ang magdesisyon kung
19

pakikinggan sila.
May ilan akong mga kaibigan nililipat ang channel ng TV sa
tuwing nakikita nila ang mga mukha nina Neri, Abalos at you-know-who.
'yong iba hindi tinatanggap ang P200, pinapalitan nila ito ng dalawang
P100. Kailangan daw munang magsabi ng totoo si you-know-who bago
nila kilalanin ang perang P200.
Sa Abril 5 ay kaarawan ni you-know-who. Ano ang mensahe
natin sa kanya?
Kapag pupunta tayo ng beach, magpatugtog ng ZTE ringtone.
Pumunta tayo ng Wack-Wack at magtanim ng palay. Magpacontest kung
paano lulutuin ang Ben’s Burjer. Magsagawa ng foodfest na may temang
“mga pagkaing pampalamig at pampaamin.”
Kumbinsihin natin ang Korte Suprema na baguhin ang kanilang
desisyon hinggil sa kaso ni Neri at sa doktrinang executive privilege.
Noong Pebrero marami sa atin umasang magiging mabilis
ang labang ito. Akala natin aabutin lang ng ilang linggo bago tuluyang
lumabas ang buong katotohanan. Nasanay kasi tayo na instant lahat ang
mga bagay-bagay. Instant noodles, instant padala, text messaging, email,
pagdownload ng mga kanta, litrato, pelikula sa internet.
Pero sa totoong buhay, lalo na sa mundo ng pulitika, hindi
ito posible. Maraming sakripisyo ang kailangan. Mahaba-haba pa ang
pakikibaka. Masalimuot ang daan upang mahanap ang katotohanan.
Hindi instant ang mga resulta. Hindi lahat ng plano masusunod.
Ang mahalaga, hindi tayo susuko. Hindi mawawalan ng lakas
ng loob. Kumuha tayo ng inspirasyon mula sa paninindigang tama ang
ating ipinaglalaban.
G. Lozada, lahat ng evil natatalo. Lahat ng evil babagsak. Hindi
kayo nag-iisa. Hindi kayo iiwan ng kabataan.
Mabuhay ang ‘probinsiyanong intsik’! Mabuhay ang lumalabang
sambayanan.
CON-ASS:
HUWAG BUHAYIN ANG PATAY

MAY NATATANDAAN AKONG PELIKULA ni Jestoni Alarcon at Charito


Solis na pinalabas sa takilya noong 1989. Grade 3 ako noon. Ang pamagat:
Huwag Mong Buhayin ang Bangkay. Sa sobrang pagmamahal ng ina sa
kanyang namatay na anak, lumapit siya sa itim na kapangyarihan upang
buhayin ang bangkay. Ang nangyari: nabuhay nga ang anak pero isa na
siyang zombie. Zombie na naghahasik ng lagim sa kanyang paligid.1
Eto ang ginawa natin sa Con-Ass. Binuhay natin ang patay.
Mag-ingat tayo sa bangkay na ating binuhay; tiyak itong magdadala ng
kamalasan sa ating bansa.
Bakit ko sinabing tila parang zombie ang Con-Ass? Ilang
beses kasing pinatay at binuhay ang Con-Ass. Una, binawi ni Rep. Luis
Villafuerte, principal sponsor ng Con-Ass, ang kanyang lagda sa Con-ass.
Sa kabila nito, sinulong pa rin ng mga PALAKA (Partido Lakas-Kampi)
ang Con-Ass sa committee level. Pinagbotohan sa committee kung
ihahapag na ba sa plenary ang Con-Ass kahit wala pang sapat na debate.
Nagwalk-out ang minority; tinuloy ang botohan; pero natalo pa rin ang

*Talumpating binigkas sa De La Salle – College of St. Benilde, 22 Hunyo 2009


21

mga pro Con-Ass. Ito ang pangalawang kamatayan ng Con-Ass.


Pero pagkatapos ng isang linggo binuhay ulit nila ang Con-
Ass. Nag-imbita kami ng mga respetadong iskolar tulad ni Fr. Joaquin
Bernas upang magbigay ng liwanag kung ano ba ang tamang paraan
para baguhin ang Konstitusyon. Mahigit tatlong oras kaming nakinig sa
mga iskolar; lahat sila nagsasabing kailangang bumoto ng hiwalay ang
dalawang kamara. Ibig sabihin hindi pwedeng lumipad ang Cha-Cha o
Con-Ass ng walang partisipasyon ng Senado. Ilan sa mga miyembro ng
Kongreso ay nagsalita sa committee hearing. Ang sabi nila estudyante
raw sila ni Fr. Bernas; sila raw ay nag-aral noon sa Ateneo. Ilang minuto
(uulitin ko, ilang minuto) pag-alis ni Fr. Bernas, nagbotohan ulit. Inaprub
ang Con-Ass. Binuhay ulit ang Con-Ass. Parang hindi sila nakinig kay Fr.
Bernas.
Hindi rito nagtatapos ang kuwento. Namatay ulit ang Con-Ass.
Binalik ng Committee on Rules ang HR 1109 sa mother committee. Ang
implikasyon nito ay hindi na malalagay sa adyenda ng plenaryo ang Con-
Ass. Akala namin ito na ang katapusan ng buhay ng Con-Ass kasi malapit
nang magtapos ang sesyon ng Kongreso. Aba, bigla kaming nagulat dahil
noong Hunyo 2, nagkaroon ng caucus ang majority at nagdesisyon sila
na isusulong na nila ang pagboto sa Con-Ass sa plenaryo. Ang bangkay
ay muling binuhay.
Hapon ng Hunyo 2. Biglang dami ng mga pumasok sa Kongreso.
Iyong iba unang beses kong nakita sa loob ng Kamara. Tapos ang pagkain
sa lounge ay sapat-sapat hanggang hatinggabi. Mukhang nakahanda
silang magpuyatan para ipasa ang Con-Ass.
Natatawa kami sa minority habang nakikinig kami sa
sponsorship speeches. Iba-iba kasi ang sinasabi ng mga sponsor. Bawat
isa ay may kanya-kanyang bersiyon kung ano ang balak nilang gawin sa
Con-Ass. Kahit sila hindi nagkakaisa sa interpretasyon kung ano ang
tamang paraan upang matuloy ang Cha-Cha.
Napanood natin kung ano ang nangyari noong gabi ng Hunyo
2. Nanalo ang mga pro Con-Ass. Pero hindi natin nakita ang kanilang
mga mukha dahil ang ipinasa ng Kongreso ay simpleng House Resolution
lamang; ibig sabihin hindi kailangang tumayo ang bawat miyembro ng
Kongreso upang ipaliwanag ang kanilang boto.
Ngayon, buhay ulit ang Con-Ass. Papatayin ito sa Senado.
Bubuhayin kaya ito ng Supreme Court? Kung pagbabatayan ang opinyon
ng publiko, mayorya ng ating mamamayan ay tutol sa Con-Ass at Cha-
Cha. Kailangan nating wakasan, tuldukan na ang buhay ng Con-Ass.
Paano?
22

Dapat daanin natin sa sindak ang mga miyembro ng Kongreso.


Huwag nating payagang umabot pa sa Korte ang labanan. Ngayon pa
lamang ay iparinig natin ang ating boses, ang ating matinding pagtutol sa
Con-Ass. Ipakita natin sa Malakanyang ang ating malakas na oposisyon
sa Con-Ass.
Nauuso ngayon ang virtual activism. Isa ako sa mga nagsusulong
nito. Sige gamitin natin ang texting, blog, Facebook, Twitter at Plurk
para ikampanya ang pagbabasura ng Con-Ass. Paramihin ang bilang
ng mga pumipirma sa ating mga online petition. Pero kilalanin natin
ang limitasyon ng mga ito. Una, hindi lahat ng masa ay inaabot nito.
Pangalawa, hindi lahat ng pulitiko ay mahilig bumisita sa cyberspace.
'yong marami hindi nagbabasa ng mga blog. 'yong iba hindi talaga
mahilig magbasa.
Hindi uubra na magpatali tayo sa mga cute na aksyon; kailangang
dambuhala, kailangang dumadagundong, kailangang rumaragasang mga
pagkilos ang gawin natin para masindak ang mga miyembro ng Kongreso.
Kailangan nilang maramdaman ang ating presensiya. Magplano ng mga
lokal na pagkilos. Pumunta sa opisina ng mga mambabatas. Kausapin
sila.
Nagawa na natin ito noon. Noong 1997 may balak ding Cha-
Cha ang administrasyong Ramos. Sophomore ako noon sa kolehiyo.
Malawak din ang pagtutol ng mamamayan sa Cha-Cha. Ano ang ginawa
natin? Nagrali tayo sa Luneta. Pinuno natin ang Luneta. Pinarinig natin
hanggang Malakanyang, hanggang Batasan, ang ating galit. Kailan tayo
pupunta ng Luneta?
May mga hamon tayong kakaharapin. Una, seryosong balakid
ang Swine Flu. Paano tayo magkakapit-bisig eh simpleng paghahawak
lang ng kamay sa simbahan ay mukhang ingat na ingat tayong gawin.
Paano tayo magpapalakas sa mga kampus kung palaging suspended ang
mga klase?
Pangalawa, huwag nating maliitin ang pwedeng gawin ni
Pangulong Arroyo. Kahit marami sa atin ay galit sa kanya, huwag
nating kalimutang nagawa niyang manalo noong halalang 2004. Hindi
siya mapatalsik sa Malakanyang sa kabila ng mga Hello Garci scandal,
fertilizer scam, extrajudicial killing, at marami pang mga kaso.
Ito ay mga balakid pero hindi ibig sabihin imposible tayong
magwagi. May hangganan din ang pasensiya ng ating mga kababayan.
Kaya pa natin ilunsad ang mas malaki, mas malawak, mas epektibong
porma ng People Power sa hinaharap. Sabi nga sa Koreanovelang Boys
over Flowers, (we should keep on) Fighting!
23

Para sa mga nagdadalawang isip, eto ang ilang mga katanungan:

-Gusto ninyo bang tawaging Prime Minister si Gng. Arroyo sa


June 30, 2010?
-Gusto ninyo bang maging Prime Minister for life si Gng.
Arroyo? Tandaan natin, bata pa siya.
-Payag ba kayong alisin ang term limits para sa mga miyembro
ng Kongreso?
-Hahayaan ba nating magmay-ari ang mga banyaga ng mga
lupain at korporasyon sa ating bansa? Eh samantalang sa ibang
bansa, kahit sa Estados Unidos at Europa, nagiging uso ulit
ngayon ang konsepto ng economic nationalization.

May planong martsa ang mga pwersang anti Con-Ass sa June


30? Dadaan ito sa harap ng inyong kampus sa hapon. Sana sumama tayo
sa pagkilos na ito. Isuot ang facemask, magdala ng alcohol, bitbit ang mga
placard at streamer, sabay-sabay nating labanan ang Con-Ass ni Gloria.
PNoy@100

ANG DAANG MATUWID NI Pangulong Noynoy ay walang pinagkaiba


sa dating daan ni Pangulong Gloria. Imbes na mag-u-turn slot, ayon
nagroad widening lang. Wala ngang wangwang sa kalye, pero baluktot
pa rin ang daan. Ano ang tinutukoy ko? Gawin nating halimbawa ang
2011 budget:1

– Ang Conditional Cash Transfer program ni Arroyo ay pinalawak


pa ni PNoy. Kung may peace bonds noon, may CCT ngayon si Sec.
Dinky Soliman ng DSWD.
– Tulad noon, lumobo ang budget para sa utang panlabas.
Binabayaran pa rin natin hanggang ngayon ang mga utang na hindi
natin pinakinabangan tulad ng proyektong Telepono sa Barangay.
– Pinaganda ni Pnoy ang pangalan ng programang pribatisasyon;
tinawag niya itong Public-Private Partnership. At may itatayo pang
Public-Private Partnership Center. Ang sabi niya noong SONA na
walang piso, walang sentimong gagastusin sa PPP. Pero sa budget

*Talumpating binigkas sa porum ng League of College Councils ng UP Diliman.


25

deliberation, inamin ng DBM na gagastos tayo ng P15 bilyon para


sa PPP.
– Noong Miyerkules nagprotesta ang mga mambabatas mula Visayas
at Mindanao. Dalawa ang reklamo nila: mababa ang alokasyon para
sa kanilang mga rehiyon; at pangalawa, nalulula sila sa malaking lump
sum fund ng pangulo. Bukod sa wala ng congressional insertion,
nagtataka ang marami kung bakit tumaas ang pork barrel ng pangulo.

Eto ang ilang paghahambing:


Noong 2001, napakulong ni Arroyo si Erap tatlong buwan mula
nang maging pangulo siya ng bansa. Ngayong 2010, nasaan si Arroyo?
Kahapon nasa Batasan siya. At nagawa pa nga niyang umeksena sa New
York noong MDG Summit.
Bumagsak si Erap noong 2000 dahil sa jueteng. Ngayon may
jueteng pa rin. At mga taong malapit pa rin sa pangulo ang dinadawit
dito.
Noong Hunyo 30, buong mundo ay pinalakpakan si PNoy at
mga Pilipino dahil sa matagumpay at mapayapang halalan. Pinuri ang
inaugural address ni PNoy sa Luneta. Pagkatapos ng dalawang buwan,
pinagtawanan tayo ng buong mundo dahil sa palpak na hostage rescue sa
parehong lugar.
Kahapon ay nagbigay si PNoy ng ‘Report kay Boss’ sa La
Consolacion. Mahusay naman ang pagsasagawa ng scripted town hall
meeting. Tatlo ang totoo sa nangyari kahapon: ang protesta ng mga
estudyante, ang nakakatawang pag-upo ng guro, at ang buhok ni PNoy.
Hinambing ni PNoy ang nakaraang pamahalaan sa tatlong
matsing na bingi, bulag at kumakatha ng sariling katotohanan. Tama siya.
Pero siya ang bagong matsing. Siya ay bingi at bulag sa iba’t ibang isyu
sa bansa tulad ng jueteng, repormang agraryo at karapatang pantao. Sa
administrasyon ni PNoy, hindi lang isa ang kumakatha ng katotohanan:
iba ang katotohanan ng Samar Group, iba ang katotohanan ng Balay
Group. Iba rin ang gusto ng Kamag-anak Inc. at Classmates Inc.
Binanggit ni PNoy na ‘bulok ang sistema’. Hindi ba’t ang sarap
pakinggan ang pag-amin ng pangulo ng Republika na bulok ang sistema.
Pero sa kanyang talumpati ang tinutukoy lamang naman pala niya ay ang
PAGASA.
Maraming pinagyabang si PNoy na may kinalaman sa budget.
Isa-isahin natin:
Tinanggal na raw ang Kilos Asenso at Kalayaan Barangay Fund.
Mabuti 'yon. Kaso hindi niya sinabi na may bagong pondo ang DILG
26

na halos walang pinagkaiba sa kinaltas na pondo na tinuturing na pork


barrel ng Malakanyang para sa mga LGU. Ito ay 'yong Performance
Challenge Fund.
Tumaas daw ang pondo ng DOH. Tama. Pero binawasan niya
ng P500 milyon ang pondo para sa family planning. Akala ko ba isa siya
sa mga tagapagsulong ng Reproductive Health?
Pinakamataas daw ang budget ng DepEd. Taon-taon naman
ay ganito ang sitwasyon dahil mahigit kalahating milyong guro ang
pinapasuweldo ng ahensiya. Pero inamin ni Sec. Armin Luistro sa budget
deliberation sa kongreso na maliit pa rin ang pondo para tugunan ang
pangangailangan ng ating mga paaralan. At tulad noong panahon ni
Arroyo, ang budget sa edukasyon ay kumakatawan lamang sa 12-13
bahagdan ng national budget. Ang minimum dapat na budget ng sektor
ng edukasyon ay 20 percent para sa isang developing country.
Sabi pa ni PNoy “walang maiiwan” na Pilipino. Ang hirap
paniwalaan nito dahil cellphone nga niya ay naiwanan niya nang
pumunta siya sa Amerika. Kidding aside, marami ang maiiwan sa ilalim
ng pamahalaang ito dahil ang sentrong programa para lutasin ang
kahirapan ay pamimigay lamang ng dole-out.
Iwanan muna natin si PNoy dahil ang buhay sa bansa nitong
nakaraang 100 araw ay hindi lang naman umikot sa kanya. Kung
rerebyuhin natin ang mga balita, marami at dumarami ang mga aksiyong
radikal sa kalye at mga matatapang na pagkilos ng iba’t ibang sektor.
Nariyan ang banta ng welga ng mga empleyado ng PAL.
Kalimutan ninyo na ang dancing flight attendants ng Cebu Pacific.
Bantayan natin ang kaso ng PAL. Sana maunawaan ng marami, lalo
na ng mga kabataan, ang silbi ng pagkakaroon ng unyon at kung bakit
mahalagang kumilos at mag-alsa kung kinakailangan, para ipagtanggol
ang karapatan ng mga manggagawa.
Nariyan ang barikada ng mga residente ng San Roque sa Quezon
City. Pinatigil ang demolisyon ng korte at ng Malakanyang mismo dahil
lumaban ang mga maralita.
Nagwalk-out ang mga mag-aaral para ipanawagan ang pagtaas
ng budget sa edukasyon. Naglightning rally sa loob ng Kongreso,
nagprotesta kahapon sa kalagitnaan ng town hall meeting ni PNoy.
Binato ng paint bomb ang opisina ng DOTC bilang pagtutol sa pagtaas
ng pamasahe. Nagcamp-out ang mga magsasaka sa Mendiola at DAR
para sa tunay na reporma sa lupa. Kahit ang simbahan nagbabanta ng
civil disobedience kung ipapasa ang RH Bill. Tinapatan ito ng Damaso
gimik ng isang tour guide.
27

Welga. Barikada. Walk-out. Camp-out. Lightning rally. Civil


disobedience. Ito ang esensiya ng People Power. Sa sama-samang pagkilos
ay nagkakaroon ng hugis kung anong pagbabago ang makakamit natin.
Huwag nating hayaan ang kampon ni PNoy na ilimita ang kapangyarihan
ng People Power sa pagsusuot lamang ng yellow ribbon.
Pero bakit may mga mapangahas na pagkilos eh hindi na
naman pangulo si Arroyo? Dahil tulad ng sinabi ni PNoy dapat doon
tayo sa daang matuwid. Pero nakalimutan niyang sabihin na tayo mismo
ay pwedeng pumili at gumawa ng ating daang matuwid. At ang mga
kolektibong aksiyon ay nagpapatunay na ang ating kinabukasan ay hindi
hinihintay, ito ay ipinaglalaban.
'DAANG MATUWID'
AT MABUTING PAMAMAHALA

ANG UNANG SLOGAN NI Noynoy Aquino noong 2009 ay ‘Hindi ako


Magnanakaw’. Star-studded pa ang ginawang music video na nilahukan
ng maraming artista na may hawak na sulo. Patutsada ito sa pamahalaan
ni Gloria Arroyo na kumaharap ng maraming kaso at iskandalo ng
korupsiyon. Pagpapakilala rin ito ng magiging pangunahing mensahe
at kampanya na bibitbitin ni Noynoy at ng Liberal Party sa nalalapit na
halalan. 1
Subalit medyo hindi ito nag-click sa masa; marahil ayaw ng
marami sa panibagong pangako. Mas sikat noon ang mga advertisement
ni Manny Villar; 'yong ‘si Villar ang tunay na mahirap, si Villar ang tunay
na may malasakit at ipinanganak sa dagat ng basura’. Para kay Villar, ang
kalaban ay kahirapan.
Marahil bilang tugon, naglabas ng bagong slogan ang kampo
ni Noynoy: ‘Kung walang corrupt, walang mahirap’. Inugnay ang
pagnanakaw ng pera ng bayan sa kahirapan sa bansa. Naging malakas na
panawagan ito noong buong panahon ng kampanya.

*Talumpating binigkas sa Escaler Auditorium, Ateneo de Manila, 29 Nobyembre 2013


29

Si Villar ang malakas na kandidato na humamon o pumantay


sa popularidad ni Noynoy sa simula ng kampanya. Si Villar din ang
target ng slogang ‘Daang Matuwid’. Kung maalala ninyo ang ang mga
ad ni Noynoy, may pinapasaringan siyang lider na gumagawa ng liko-
likong daan imbes na tuwid na daan. Tinutukoy niya ang alegasyon na
naglagay ng double insertion si Villar sa budget ng C-5 at Daang Hari na
tumutumbok sa mga pag-aaring real estate ng pamilya Villar.
Binabanggit ko ito upang bigyang diin na ang mga slogan
ng mabuting pamamahala ay hindi dapat ituring na pangkalahatan o
abstract. Lagi at lagi ay may tinutugunan itong partikular na layuning
pulitikal. Hindi lamang bunsod ng mabuting kalooban ang pinapakalat
na mensahe ng ating mga lider kundi may malaking kinalaman din ang
pagsusulong ng mga pulitikal na interes.
Ngayon kapag naririnig o nababasa natin ang Daang Matuwid ay
tinuturing na itong krusada o direktiba ng pamahalaan at nakalimutan na
ang mga sirkumstansiya kung paano at bakit ito ang napiling panawagan.
Gayunpaman, kahit simplistiko, epektibo ang ‘Daang Matuwid’
upang tukuyin ang mali sa ating pamamahala. Hindi ba’t kadalasan ang
mga kaso ng korupsiyon ay may kinalaman sa mga kalsada. Diosdado
Macapagal Boulevard, SCTEX, mga gawang kalyeng sinisira upang
lagyan ng semento o aspatlo, mga tulay na walang hangganan.
Paborito ng mga pulitiko ang paggawa ng kalsada. Visible ang
proyekto at malaki ang kickback. Substandard kasi ang materyal na
ginamit. Hindi nakapagtataka ang daming luxurious road, o lukso nang
lukso.
May pulitika, at hindi lang ekonomiya, ang paggawa ng kalye.
Bakit ang road network ay nakakonsentra sa Mega Manila? Bakit bansot
ang sistemang transportasyon o walang railway o masiglang shipping
transport industry?
Ang mga akademiko ay may mga kumplikadong kategorya
kung paano binibigyang kahulugan ang mabuting pamamahala subalit
para sa maraming tao, ang mabuting pamamahala ay nakikita sa kanilang
dinadaanan araw-araw. Kaya malaki ang galit ng mga botante sa mga
epal billboard, naglabas pa ng editoryal ang Inquirer nang binuksan muli
ang Avenida noong 2010, nagdiwang ang mga motorista nang sinara
ang ilang u-turn slots ng MMDA, at higit sa lahat nang pinagbawal ang
wang-wang sa kalye. Hindi ba’t pinupuri ng marami ang mga advisory ng
pamahalaan kung nasaan ang trapik habang kasabay na binabatikos din
ang mabigat na trapiko sa siyudad.
Literal ang pag-intindi ng marami sa diskurso ng ‘Daang
30

Matuwid’. At nagalak ang marami. Subalit hindi nagtagal ay unti-


unting nahubaran ang limitasyon ng diskursong ito; o kung paano ito
pinapatupad ng pamahalaan.
Ang pulitikang hinamon ng ‘Daang Matuwid’ ay nagpatuloy
sa administrasyon ni PNoy. Nanatili ang modus operandi ng mga pork
barrel operator. Nawala ang wangwang sa kalye subalit ang bakas ng
bulok na pulitika at pamumulitika ay namamayagpag pa rin.
Nilapat ang slogang ‘Daang Matuwid’ sa ibang aspeto ng
pamamahala at kahit mabuti ang hangarin, napatunayan nating hindi ito
naging sapat upang baguhin ang mga pundamental na mali sa sistema.
Para sa mga sektor na binubulok ng korupsiyon, ang ‘Daang
Matuwid’ ay tila naging kakatwa, motherhood na pahayag, at walang
pinag-iba sa pulisiya ng mga nagdaang administrasyon.
Aaminin natin na may inobasyon ang kasalukuyang pamahalaan.
Ito ay ang agresibo nitong paggamit ng lenggwahe ng IT at social media
upang ibandila ang retorika ng transparency at bukas na pamamahala.
Lahat ng pahayag, online agad. May tweet, may FB, may infographics
ang mga isyung tinitindigan ng Palasyo. Bumabaha ng impormasyon,
at ayon sa pamahalaan, ito ang susi sa mabuting pamamahala. Hindi
ba’t nang sinisi ni Pnoy ang Tacloban LGU, ang naging batayan niya ay
ang diumanong maagang abiso ng pambansang pamahalaan hinggil sa
pagdating ng bagyong Yolanda?
Nasa panahon tayo ngayon na mabilis na nagiging mainstream
ang paggamit ng social media tools sa lipunan. Alam ito ng pamahalaan
kung kaya’t napakarami nitong communication and messaging experts.
Subalit ang transparency at good governance ay hindi pwedeng ikahon sa
paggawa ng website o pagdigitize ng mga dokumento.
Maniniwala ba tayo kung sasabihin ng pamahalaan noong 1950s
at 1960s na sila ay bukas at tapat kasi lahat ng programa nito ay inuulat
ng publikong TV, radyo, at dyaryo? Ganyan din ang magiging pagtingin
ng mga Pilipino sa hinaharap kung tatanggapin natin ang argumento na
transparent ang pamahalaan kasi may magandang disenyo ang website,
interactive, at gumagamit ng maraming apps at social media tools.
Paano kung ang impormasyon, imbes na makapagbigay linaw,
ay nakakadagdag sa kalituhan? Paano kung sadyang nagbubuhos ng
sobrang impormasyon upang mabaling ang atensiyon? Pakikitirin ba
natin ang interaksyon ng mamamayan at namumuno sa mga virtual na
pamamaraan?
Hindi pa natatapos ang trahedyang Yolanda subalit marami na
tayong aral na mapupulot mula dito.
31

Para sa akin, pinakita ni Yolanda ang maraming kahinaan ng


sistema ng ating pamamahala: Bakit naging mabagal ang mobilisasyon
ng rekurso ng pamahalaan? Dahil maraming kagamitan ay dito sa Mega
Manila nakakonsentra. Dahil ang mga transportasyon ay pag-aari ng
pribadong sektor. Dahil may bahid pulitika.
Bakit sa Maynila dinadala ang mga biktima, hindi sa Cebu?
Dahil di pantay ang pag-unlad ng mga rehiyon. Ang mahirap dumadagsa
sa Maynila dahil andito ang mga oportunidad. Sa isang iglap, nahubaran
ang kakitiran ng mga programang tulad ng ‘Balik Probinsiya’.
Bago ang Yolanda, pinaniniwalaang pamantayan ng mabuting
pamamahala ang trust ratings. Agad-agad naglaho ang bisa nito. At ang
naging sukatan na ng marami ay kung paano umaksiyon o di-umaksiyon
ang pamahalaan ni Pnoy.
Bago ang Yolanda, binabandila ang pagiging ‘rising tiger’ ng
Pilipinas. Totoo naman ang impormasyon, mataas ang GDP, maraming
investment, at bawat kanto ng Edsa ay may tinatayong condominium.
Subalit ibang imahen ang ating nakita sa Samar at Leyte. Ganito pala
sa ating bansa, may ‘kongkretong’ pag-unlad sa mga lungsod subalit
nanatiling atrasado ang ating mga isla sa probinsiya.
Tama, mahalaga ang impormasyon sa pagsusulong ng
pagbabago sa pamamahala. Subalit ang impormasyon hindi 'yan basta-
basta sumusulpot. Pinoproseso, hinuhulma, pinapakete, bago ibigay sa
madla. Lahat naman ng PDAF documents online, pero ang anomalya
mahirap tukuyin. Kinakailangan pa ng mga whistleblower.
Ang tungkulin natin ay maging handa dito sa nagaganap na
information warfare. Maging mapanuring citizen at netizen. Higit pa
dito, ipaglaban ang transparency at bukas na pamamahala na hinuhubog
dapat ng ating sama-samang pagkilos. Ibig sabihin, dapat People Power
ang pamamaraan ng pagtutulak ng tamang pamamahala. Biguin ang
pamumuno ng mga dinastiya, tapusin ang pamamayagpag ng elitistang
demokrasya sa bansa, at ipaglaban ang isang tunay na makabuluhang
pagbabago.
BALIKTANAW SA 2013
AT PAMAHALAAN NI BS AQUINO

T AONG 2013 NANG TULUYANG nahubaran ang rehimen ni BS Aquino


bilang numero unong tuta ng imperyalismo, sagad-sagarang korap,
tagapagtanggol ng interes ng malaking negosyo, at inutil sa panahon ng
krisis at kalamidad. Nalantad si BS Aquino bilang hasyenderong pangulo
na pabaya, arogante, at kasabwat ng mga kurakot. Dahil dito, bumuhos sa
lansangan ang daan-daang libong masa upang isigaw ang kanilang galit
sa sistemang bulok at korap. Higit na tumindi ang poot ng mamamayan
nang masaksihan ng marami ang palpak na pamumuno ni BS Aquino
nang hinagupit ang bansa ng malalakas na lindol at bagyo na nagdulot ng
malaking pinsala at trahedya sa buhay ng maraming Pilipino.
Nawalan ng bisa ang pagbandila ng pamahalaan ni BS
Aquino ng paglago diumano ng ekonomiya nang mas tumingkad
ang kahirapang dinaranas ng karaniwang tao. Ang malaking agwat sa
pagitan ng mayayaman at mahihirap ay natumbok ng balitang hindi
lalagpas sa 40 pamilya ang nagmamay-ari ng 75 bahagdan ng ekonomiya.
Naging kakatwa ang pagtukoy sa mataas na Gross Domestic Product
habang ang mayorya ay dinudukha ng matataas na bayarin, murang
pasahod, maduming kapaligiran, at kawalan ng katiyakan sa pabahay
33

at kabuhayan. Kung tutuusin, ang pawis at dugo ng manggagawang


Pilipino ang bumubuhay sa ekonomiya ng bansa; at marami sa kanila ang
pwersadong makipagsapalaran sa ibang bayan at mahiwalay sa pamilya
upang may makain lamang. Sa kabila nito, pinagyayabang ni BS Aquino
na dumarami diumano ang nakakaramdam ng kaginhawaan dulot ng
mga patakarang pinapatupad ng kanyang pamahalaan.
Samantala, sa kabila ng pagkapanalo ng maraming kandidato
ng administrasyon noong nakaraang halalan ay hindi nito napigilan
ang pagsidhi ng krisis sa pulitika dahil mas tumampok na usapin ang
kawalan ng malinis at epektibong pamumuno sa bansa. Kahit may
postura itong malinis at bukas (transparent), lumabas ang katotohanan
na ang pamahalaan ni BS Aquino ay walang pinag-iba sa mga
nagdaang pamahalaan: madumi, magnanakaw, at ganid. Noong una
ay pinagtatanggol pa ni BS Aquino ang pork barrel subalit napilitan
ding magdeklara na pabor siya sa pagbuwag ng PDAF nang kumilos
ang mamamayan sa kalye. Gayunpaman, tulad ng inaasahan, ayaw
pakawalan ni BS Aquino ang presidential pork at DAP na aabot sa
isang trilyong piso kada taon. Kailangan ni BS Aquino ang pork upang
panatilihin ang kanyang dominasyon sa buong burukrasya habang
sistematikong kinakamkam ng kanyang pamilya at mga galamay ang
salapi ng mamamayan.
Upang humupa ang galit ng tao sa pork barrel, nangako ang
pamahalaan na ito ay ididiretso sa serbisyong sosyal at mga proyektong
kailangan ng mga komunidad. Subalit nabunyag ang kahungkagan ng
pangakong ito nang sadyang tinago, pinabagal, at nilapatan ng maraming
kondisyon ng pamahalaan ang pagbibigay tulong sa mga sinalanta ng
bagyong Yolanda. Naging malinaw sa lahat na ang pork barrel, bukod
sa kinukurakot, ay ginagamit at patuloy na gagamitin hindi upang
paglingkuran ang mamamayan kundi bilang kasangkapang pulitikal ng
naghaharing paksyon sa bansa. Bukod dito, hindi nagamit o sadyang
hindi ginamit ang trilyong pisong pork barrel ng pangulo upang palakasin
ang paghahanda ng bansa sa mga dumarating na sakuna.
At habang abala ang marami kung paano tutulong sa pagbangon
ng Samar at Leyte, ginamit itong oportunidad ng tusong rehimeng
US-Aquino upang pabilisin at gawing lehitimo ang pagpasok muli at
pagtatayo ng base ng mga tropang Amerikano sa bansa.
Dagdag pa, hindi tumutol ang pamahalaan sa pagtaas ng singil
sa kuryente at langis sa kabila ng sunod-sunod na kalamidad sa bansa.
Tila mas matimbang kay BS Aquino ang pagtatangol ng sobra-sobrang
kita ng mga oligarkiyang nag-ambag sa kanyang kandidatura kaysa
34

kapakanan ng mahihirap. Kaugnay nito, sinusulong ang pribatisasyon ng


mga ospital, reklamasyon ng mga baybayin, at tax holiday pabor sa mga
dambuhalang kroni.
Kung mahigpit ang pagtutol ni Aquino sa panukalang dagdag
sahod ng manggagawa, kabaligtaran naman ang posisyon nito pagdating
sa pagpataw ng mga dagdag na bayarin sa mamamayan. Magtataas ng
buwanang singil ang SSS at Philhealth kahit bilyon-bilyon ang kita ng
mga institusyong ito at kahit na tumatanggap ng milyon-milyong bonus
ang mga opisyal nito. Nakaamba rin ang pagtaas ng pasahe sa MRT at
LRT dahil babawasan ng gobyerno ang subsidyo para rito.
Sa Metro Manila, agresibong pinapatupad ang Public-Private-
Partnership bilang pamantayan ng pagtataguyod ng mga malalaking
proyekto. Tinuturing na negosyo ang pagbibigay serbisyo sa mamamayan
kaya ang tinatarget ng mga ahensiya ay pagkamal ng tubo sa halip na
pagbutihin at gawing mura ang mga serbisyong publiko.
Laganap din ang banta at aktuwal na kaso ng demolisyon sa
mga komunidad na pagtatayuan ng mga sentrong komersiyal imbes na
maglaan ng pondo para sa pangmasang pabahay. Winawalis ang mga
maliliit na manininda sa kanilang mga pwesto kahit walang alternatibong
kabuhayang inihahain ang pamahalaan. Bukod dito, unang binabaling
ang sisi sa mga maralita kung may malalang pagbaha sa siyudad, at
ginagamit itong dahilan upang gibain ang kanilang tirahan, sa halip
na ugatin ang problema at tukuyin ang kawalan ng maayos na urban
planning at land zoning sa bansa, kahirapan, at historikal na kapabayaan
ng pamahalaan.
Sa pagsidhi ng krisis sa lipunan ay ramdam ang bagsik at
pasismo ng pamahalaan laban sa mamamayang Pilipino. Tumindi
ang militarisasyon sa kanayunan lalo na sa mga malalaking hasyenda,
minahan at plantasyon ng mga multinasyonal na korporasyon. Ginamit
ang armadong lakas ng estado upang supilin ang pagtutol ng mamamayan
sa mga mapanira at maduming operasyon ng malaking negosyo. Hindi
binuwag ang private army ng mga despotikong panginoong maylupa
at warlord; at sa halip ay hinayaang maghasik ng lagim sa maraming
komunidad, lalo na sa mga lugar na may solidong lakas ang mga
progresibong pwersa.
Tinangkang ipakete ang Oplan Bayanihan bilang makatao,
mapayapa, at makatarungang programa upang biguin ang rebolusyong
komunista sa bansa. Ginamit ang wika ng repormiso at pasipismo upang
linlangin ang mamamayan na huwag sumapi sa mga radikal na samahan
at itakwil ang rebolusyon.
35

Subalit tulad ng mga naunang counterinsurgency program ng


pamahalaan, ang OpBay ay nagbunsod lamang ng matinding karahasan
sa bansa. Nagpatuloy ang harassment, pagdukot at pagpaslang sa mga
aktibista, mamamahayag, at iba pang may kritikal na tindig sa mga
usaping bayan. May pananagutan si BS Aquino sa paglobo ng bilang ng
mga biktima ng karahasan mula sa sektor ng mga bata, IP, at kababaihan.
Brutal na binubuwag ng militar ang mga kooperatiba, unyon,
at mga progresibong alyansa habang nagkakalat ng black propaganda at
taktikang red baiting sa mga paaralan, simbahan, at mga barangay laban
sa kilusang pambansa demokratiko.
Pinatindi ang atake sa mga masang organisasyon sa kalunsuran.
Sinampahan ng gawa-gawang kaso ang mga hayag na lider masa ng
kilusan upang pilayin ang pagsulong ng pakikibakang masa at bahiran
ang kredibilidad ng mga progresibo. Higit na naging sopistikado ang
paniniktik gamit ang makabagong teknolohiya (CCTV) habang lumiliit
ang demokatikong espasyo na kung saan malaya at walang takot na
pwedeng magpahayag ang mamamayan.
Pinatunayan ni BS Aquino na wala itong tapat na hangaring
magtulak ng tunay na kapayapaan sa bansa dahil sa makitid nitong
pananaw hinggil sa usapang pangkapayapaan. Ang balakid sa muling
paghaharap ng peace panel ay madaling mawala kung tutuparin lamang
ng pamahalaan ang obligasyon nitong palayain ang mga bilanggong
pulitikal, partikular ang mga consultant ng National Democratic Front.
Subalit sa halip na makipag-usap ay aroganteng pinaninindigan ni BS
Aquino at ng militar na may kakayahan itong talunin at lansagin ang
rebolusyonaryong kilusan bago matapos ang taong 2016.
Tatlong taon pa lang ang panunungkulan ni BS Aquino subalit
kaya na nitong higitan ang mga nagdaang rehimen pagdating sa pagiging
sunud-sunuran sa mga dayuhan, kurakot, berdugo, at pabigat sa buhay
ng masa. Ang ‘Daang Matuwid’ ay slogang walang silbi na nagdulot
lamang ng walang kaparis na kahirapan at karahasan sa mamamayan.
Ang gobyerno ni BS Aquino ay nananatiling gobyerno ng mayayaman at
mga mapang-api sa lipunan.
Sa kabila ng malakas na impluwensiya ni BS Aquino sa mga
konserbatibong institusyon tulad ng mainstream media, mga unibersidad,
at simbahan, nabigo itong itago ang kabulukan at baho ng kasalukuyang
sistema. Umalingawngaw ang galit ng mamamayan at dumami ang
mga tinig na nananawagang patalsikin ang isang pamahalaang inutil at
kurakot.
Dapat ipunin ang saloobing ito at itaas ang paglaban ng
36

mamamayan. Ang desperasyon ng masa sa sistemang pumapatay ay


dapat hubugin hanggang ito ay maging diwang rebolusyonaryo. Ang
tuloy-tuloy na paghamon sa pamahalaan ni BS Aquino hanggang sa ito
ay mapabagsak ay bahagi ng pangmatagalang pakikibaka na wakasan ang
sistemang mapang-api at itayo ang tunay na demokratikong pamahalaan
ng mamamayan.
KA BEL:
LIDER, BAYANI, REBOLUSYONARYO

P ARA SA AMING HENERASYON, hindi na namin nakasama’t nakilala


sina Kasamang Felixberto at Lando Olalia. Silang mga magigiting na
lider ng kilusang paggawa ay mga pangalan na lamang para sa marami
sa amin. Binabasa namin ang kanilang mga akda at humahanga kami
sa kanilang ambag sa kilusang pambansa-demokratiko, pero hindi kami
pinalad na makasama sila sa mga martsa sa lansangan o marinig ang
kanilang mga payo tungkol sa pagsusulong ng ating pakikibaka.1
Kaya’t isang karangalan para sa mga kabataan ngayon ang
makilala si Kasamang Crispin Beltran, dakilang lider ng bayan at tapat
na tagapaglingkod ng masang anakpawis. Ikukuwento at ipagyayabang
namin sa susunod na henerasyon na minsan ay nakasama namin si Ka
Bel sa iba’t ibang laban; kakapit-bisig, at kasamang nagtataas kamao.
Kilala si Ka Bel bilang palaban, mapagkumbaba, matalino,
palabiro at higit sa lahat, prinsipyado. Ito ang ilan sa mga dahilan kung
bakit mataas ang paghanga ng kabataan sa kanya.
Laging pinag-uusapan ng kabataan ang mga talumpati ni Ka

*Binigkas sa IFI Cathedral, Taft, Maynila, Mayo 2008


38

Bel. Kumprehensibo ang pagtalakay niya sa mga usapin; inuugat niya


ang mga problema; at laging binabaybay ang mga aral ng kasaysayan.
Laging naiimbita namin si Ka Bel na magbigay ng pambungad na
pananalita o reaksiyon sa mga porum hinggil sa mga napapanahong
isyu; at pagkatapos ng kalahating oras hanggang isang oras, dudulo ang
talakayan sa pagpapabagsak ng imperyalismo. At ito ang gusto namin
kay Ka Bel!
Ang buhay ni Ka Bel ay inspirasyon sa mga kabataan. Dapat
tulad ni Ka Bel, matapang na hinaharap ang mga hamon ng panahon.
Dapat tulad ni Ka Bel, hindi sumusuko sa mga laban. Matiyagang
nagpapaliwanag ng mga isyung panlipunan sa mahihirap. Nakikinig,
handang matuto sa dunong ng masa.
Mabuting huwaran si Ka Bel. Ipinaglaban niya ang karapatan
ng manggagawa, tinaguyod niya ang interes ng mahihirap. Pinatunayan
ni Ka Bel na pwedeng tumanda ang mga kabataan nang hindi nagiging
trapo, reaksiyunaryo at kaaway ng mamamayan.
Kabilang si Ka Bel sa mga kahanga-hangang senior citizen ng
bayan. Si Ka Dan Vizmanos, huwaran para sa mga batang sundalo; si Ka
Satur para sa mga mamamahayag; si Ka Romeo Capulong para sa mga
abugado; si Nanay Mameng para sa mga kababaihang maralita; at si Ka
Bel para sa mga manggagawa at kabataang aktibista.
Noong 2001, kasama ko si Ka Bel sa pangangampanya para
sa Bayan Muna. Kasama ko siyang umikot ng Bikol, Bulakan at ilang
lugar dito sa Metro Manila. Noong isang taon ay nagkaroon ulit ako ng
pribilehiyo na makasama siya sa pangangampanya sa halalan; siya bilang
kinatawan ng Anakpawis, at ako bilang nominado ng Kabataan Partylist.
Nasaksihan ko ang pagmamahal sa kanya ng mahihirap at ang karisma
niya bilang lider.
May natutunan akong mahalaga mula kay Ka Bel: ang pagpanig
sa mga isyu ay hindi lang dapat nakabatay sa mga abstraktong teorya;
dapat laging magsuri mula sa punto de bista ng mga inaapi.
Ang mga diktador, pasista, korap at mga mapang-api ay
paparusahan ng mamamayan. Pero si Ka Bel ay hindi malilimutan
ng sambayanan. Siya ay mananatiling buhay sa bawat Pilipinong
nangangahas na makibaka para sa tunay na kalayaan at pagbabago.
Mabuhay si Kasamang Crispin Beltran!
Isulong ang pambansang demokrasya!
ANG PROBLEMA
KAY JOSE MARIA SISON

ANG PROBLEMA KAY JOSE Maria Sison ay naglatag siya ng mataas


na pamantayan kung paano suriin ang pulitikal na kalagayan ng
bansa. Pagkatapos mo siyang basahin, tatatak sa iyo ang kanyang
kumprehensibo at matalas na gagap sa pulitika. Bilang mga aktibista,
binabasa at inaalam natin ang sinasabi ng maraming tao, kabilang ang
mga tinatawag nating intelektuwal at political analyst. Marami sa kanila
ay may matalinong paghahabi ng mga pangyayari, armado ng samu’t
saring datos, at interesante ang sinusulong na diskurso. Pero parang
kulang ang mensahe, parang hindi natutumbok ang kabuuan at hindi
nadidiin kung ano ang dapat gawin. Sa madaling salita, hindi sila tulad ni
Jose Maria Sison na kung paano sa kanyang mga sulatin ay binabasag ang
dominanteng naratibo at kasing halaga nito’y naghahain ng progresibong
alternatibo.1
Ang problema kay Jose Maria Sison ay pinakita niya na posible
ang maging teorista nang hindi kailangang maging kumplikado. Sabi

*Introduksiyon sa aklat na ‘Strengthen the People’s Struggle against Imperialism and


Reaction’ na binasa noong 8 Pebrero 2019, Solair, UP Diliman
40

ng ilang kritiko, simplistiko ang mga pormulasyon ni Jose Maria Sison.


Maaaring simple, oo; pero simplistiko, hindi. Dahil malalim ang hugot
ng kanyang pag-iisip at nakabatay sa teorya ang kanyang inaabanteng
pananaw. Pero ang artikulasyon ng mga punto ay madaling maunawaan
kahit ng mga karaniwang mamababasa na hindi pamilyar sa wika ng
akademya. Kaya masasabing mabisa ang kanyang paraan. Uso ngayon
ang pagbabawas ng mga bagay na hindi natin kailangan (decluttering)
na pinasikat ng tinatawag na #KonMari. Pero hindi si #KonMari kundi
ang ehemplo ni #JoseMari ang pwede nating gabay. Na sa pagsusulat ay
winawaksi ang sobra-sobrang mabulaklaking mga salita at iniiwasan
ang mga pagsusuring lumilikha ng kalituhan sa halip na makapaglinaw
ng mga usapin. Sumulat upang magpukaw, makapag-organisa, at
magpakilos. Sabi ni #KonMari, spark joy. Ayon naman kay #JoseMari,
spark a revolution.
Ang problema kay Jose Maria Sison ay consistent ang kanyang
tinuturo mula dekada sisenta hanggang sa kasalukuyan. Sabi ulit ng ilang
kritiko, paulit-ulit na lang ang mga sinusulat ni Jose Maria Sison. Totoo,
ang daloy ng kanyang mga pundamental na argumento ay hindi nagbago.
Subalit ang esensiya naman ng mga bagay-bagay ay hindi rin naman
nagbago. Ang sitwasyon natin noon ay totoo pa rin para sa kasalukuyan.
Kahit naman 'yong ilang mga iskolar ay naglagay lang ng palamuti sa
kanilang mga sinusulat at nilangkapan ng mga postmodernistang tingin
pero ang laman naman ay ampaw. Madaling gawin ni Jose Maria Sison
ang ginagawa ng mga pulitiko at iba pang apologist ng sistema na pabago-
bago at urong-sulong ang pag-unawa sa nangyayari sa bansa; pero kung
ang mga aklat ni Jose Maria Sison ang batayan, mas pinili niyang tukuyin
ang katotohanan at isiwalat ang kabulukan ng sistema. At hindi rin
naman totoong paulit-ulit ang kanyang mga sinusulat. Nakaangkla ang
kanyang argumento sa partikular at kongkretong kalagayan, sa umiinog
at pumipihit na sitwasyon, sa mga posibilidad na pwedeng pabilisin o
hulmahin ng mga taong lumalaban. Ang imperyalismong kanyang sinuri
noong 1960s ay patuloy niyang kinukundena ngayon subalit nakatuon
sa partikular na layuning pampulitika na magkaiba noon at ngayon.
Maaaring noon, ang suri sa imperyalismo ay nasa balangkas kung paano
magsilbi sa kampanyang rektipikasyon; at ngayon naman ay kung paano
higit na palakasin (resurgence) ang kilusang masa.
Ang problema kay Jose Maria Sison ay hinahanap ang kanyang
boses at interbensiyon bilang pantapat sa mga atake ni Rodrigo Duterte.
Bukod sa dati niyang estudyante si Digong, humahataw ang kanyang mga
banat at epektibong antidote ito sa mga lasong pinapakalat ng pangulo
41

at ng Malakanyang. Kaya niyang hubaran ang mga pagpopostura’t


kasinungalingan ng rehimen. Madali niyang nauugnay ang krisis ng
kasalukuyan sa mga sumusulpot na iskandalo at kung paano dapat ito
hamunin ng kilusang mapagpalaya.
Ang problema kay Jose Maria Sison ay nilinaw niya ang
kawastuhan ng pakikibaka kahit sa panahong walang lantarang banta
ng diktadurya sa bansa. Si Duterte, walang pagpapanggap na siya
ay diktador, maka-Marcos, at kriminal. Pero ang kanyang sinundan
ay nagpakilalang demokratiko at kumikilala sa karapatang pantao.
Makatwiran pa ba ang pambansang demokratikong linya ng pakikibaka
sa panahong may espasyo diumano ang mga progresibong pwersa sa
paghubog ng demokrasya sa bansa? Sa librong ito na naglalaman ng
mga artikulong sinulat noong 2014 at 2015, tinukoy ni Jose Maria Sison
ang patuloy na pag-iral ng isang sistemang kontra-manggagawa, kontra-
magsasaka, at kontra-maralita. Bilang tagapangulo ng International
League of Peoples’ Struggle, inaral ni Jose Maria Sison ang relasyon ng
mga bansa, ang mga kontradiksiyon sa sistema ng kapitalismo, at ang
epekto nito sa pulitika ng bansa. Kaya mainam itong gabay upang higit
na maunawaan ang nangyayari ngayon sa Venezuela, ang pivot to Asia
ng Estados Unidos, ang pag-angat ng Tsina bilang superpower, ang
dinaanang proseso ng usapang pangkapayapaan, ang buod ng kasaysayan
ng mahabang pakikibaka sa bansa, at ang iba’t ibang manipestasyon ng
krisis sa ekonomiya.
Ang problema kay Jose Maria Sison, ngayon higit kailanman,
ang kanyang mga sulatin ay sandata ng mamamayan laban sa reaksyon at
gabay sa pagpapatuloy ng rebolusyon sa bansa.
Ang problema kay Jose Maria Sison ay patuloy siyang
kinamumuhian ng naghaharing uri. At ang librong ito, kasama ang iba
pang inilulunsad sa araw na ito, ay patunay kung bakit hanggang sa
kasalukuyan at kahit sa edad na 80, siya ay nananatiling isang haligi at
mahalagang boses ng rebolusyon sa Pilipinas.
f
POOK
AT PAKIKIBAKA
LABANAN SA TUBIGAN

AYON SA ISKOLAR NA si Mic Camba, “Ang Filipinas ay may kulturang


tubig.” Eto ang kanyang paliwanag: “Kung babalikan ang kasaysayan ng
bansa, ang Barangay ay isang malaking barko na binubuo na madaming
pamilya / komunidad. Maging sa Manunggul Jar, ang tapayan na
pinaglalagyan ng mga buto ng patay noong sinaunang panahon, ay
kakikitaan ng bangka sa takip nito (pinaniniwalaan na isang mahabang
paglalakbay ang kamatayan). Ang konsepto ng Vanua sa mga Ivatan (ng
Batanes) ay paggawa ng isang port / pier, may kaugnayan muli sa tubig.
Idagdag pa ang sari-saring pangalan ng bayan at probinsya ng bansa na
nakabatay rin sa tubig. Halimbawa: Tagalog = Taga-ilog, Pampanga =
Pampang, Pasig = beach (pansinin ang salitang ugat ng dalampasigan).”
Tanyag sa buong mundo ang mga marinong Pilipino, noon at
lalo na ngayon. Mainam daw ang kasanayan ng ating mga marino. Hindi
ito nakapagtataka dahil arkipelago ang Pilipinas. Natural lamang ang
paglalayag sa tubig.
Pero bihirang pag-usapan ang kulturang tubig sa bansa.
Madalas ang talakayan tungkol sa tubig ay may kinalaman sa kalikasan,
kabuhayan, at mga sakuna. Hindi madalas maugnay ang tubig sa
46

kasaysayan at pulitikal na praktika. Bakit kaya?


Dahil umaapaw ang tubig sa ating paligid, hindi napapansin
ng marami ang papel nito sa ating mga komunidad. Ito ay constant at
karaniwan sa ating buhay. Ito ay nariyan lamang – sa ilalim ng lupa,
sa taas ng bundok, sa katabing probinsiya, sa kabilang bahagi ng pulo.
Ikumpara ang tubig sa langis: Ang huli na bihirang matagpuan sa bansa
ay palaging tema ng mga pulitikal na diskusyon.
Pero kahit hindi tampok na tampok ang kulturang tubig sa mga
usapan, batid ng mga Pilipino ang kahulugan nito. Nasa likod ito ng ating
diwa. Nasa bokabularyo natin ang tubig.
Hindi lamang usapin sa lupa at pag-aari sa lupa ang mitsa ng
mga pag-aalsa sa kasaysayan ng bansa. May kinalaman din ang sigalot
sa tubig: pag-angkin ng iilan sa baybaying dagat, pagkontrol sa agos ng
tubig, pagharang sa irigasyon, pagwasak sa mga palaisdaan, pagsalaula sa
katubigan.
Ang pyudal na pagsasamantala sa lipunan ay hindi lamang
nakabatay sa pagnanakaw ng lupa; simbolo rin ng pyudal na dominasyon
ang kapangyarihang ipagkait sa marami ang biyaya ng tubig. Magkaugnay
ang tubig at lupa. Ang pagkamkam sa mga yamang ito ng iilan ang
nagtulak sa marami na lumaban.
Mayaman ang karanasan ng mga Pilipino sa paglulunsad ng
mga rebolusyon. Naging larangan ng paghihimagsik ang bundok, patag,
at katubigan. Pero hindi buo ang naratibo ng paglaban sa katubigan.
Hindi matingkad ang kasaysayan ng pakikidigmang katubigan sa bansa.

MAHUSAY NA GINAMIT NG mga Moro ang tubig upang talunin ang


mga dayuhang mananakop. Pinagharian nila ang katubigan sa paligid
ng Mindanao. Natumbok nila ang pinakamabilis na direksiyon upang
lumikas (patungong Brunei) kung sakaling manaig ang kaaway. Pinalubog
nila ang mas malalaking barko ng kaaway. Inatake rin nila ang nakakalat
na kampo ng mga Kastila sa Visayas at ilang bahagi ng Luzon. Kinilala
silang mga pirata imbes na mga mandirigmang nais lamang ipagtanggol
ang kanilang sinasakupan. Hanggang ngayo’y nanatili ang taguri sa Moro
bilang mga pirata/terorista sa dagat.
Isang halimbawa lamang ito ng pakikidigma sa katubigan.
Interesado akong lumikom pa ng mga datos hinggil sa paksang ito.
Paano ginamit ang tubig upang hamunin ang kapangyarihan ng mga
Kastila sa ibang rehiyon, lalo na sa Visayas? Ano ang papel ng tubig sa
47

paghihimagsik sa Luzon: May matingkad bang mga labanan sa Manila


Bay (maliban sa pekeng digmaan ng Estados Unidos at Espanya noong
1898)? Mayroon bang mga lihim at tampok na tunggalian sa Ilog Pasig at
Lawa ng Laguna?
Malaki ang potensiyal ng pakikidigmang katubigan sa isang
arkipelago. May tiyak itong lugar sa teorya ng digmang bayan sa
kasalukuyan. Dapat lamanin ng teorya kung anong mga katubigan ang
pwedeng “languyin” ng mga gerilya upang maabot ang mas maraming
larangan; tukuyin ang mga katubigang pwedeng paglunsaran ng mga
opensiba; alamin ang mga katubigang may stratehikong papel upang
mahatak, mahati, mapahina ang pwersa ng kaaway. Saan malakas at
mahina ang kaaway? Paano iipunin ang mga kagamitang pandigma sa
tubig? Paano pagdudugtungin ang mga tubig sa buong arkipelago? Paano
pag-uugnayin ang mga sonang gerilya sa tubig?

HINDI KO KAYANG SAGUTIN ang mga tanong na ito. Pero pwedeng


magbalangkas ng panukala kung paano magagamit ang katubigan upang
higit na palakasin ang mga pagkilos ng legal na kilusang masa sa Mega
Manila.
Sa silangan ng Mega Manila ay matatagpuan ang kabundukan
ng Sierra Madre. Nandito ang probinsiya ng Rizal. Nasa hilaga ng rehiyon
ang Bulacan at Pampanga. Nasa timog ang Laguna at Cavite. May mahigpit
na kontrol ang estado sa lahat ng mga espasyong ito. Naperpekto na ng
mga alagad ng Estado ang taktika kung paano hahadlangan ang mga
pwersang nais sumugod sa Maynila. May naipon na silang karanasan
kung paano bibiguin ang mga magrarali at magkukudeta. Halimbawa:
May mga checkpoint sa North at South Expressway, Fairview/Bulacan,
Coastal Road hanggang Tagaytay, Tanay at Montalban sa Rizal; at naging
permanente na ang kapkapan at inspeksiyon ng mga pulis/militar sa mga
terminal ng bus.
May mga mapanlikhang paraan kung paano makakalusot sa
legal na barikada ng Estado. Pero hindi ito epektibo sa lahat ng panahon
at mangilan-ngilan lamang ang makakagawa nito. Kailangang humanap
ng ibang daan papasok ng siyudad.
Kung pahirapan ang daang lupa, may isang alternatibo: daang
tubig. Ang Mega Manila ay napapaligiran ng tubig. Nariyan ang Manila
Bay, Laguna Lake at Pasig River. Tingan sa Google Map ang posisyon ng
mga katubigang ito at ang lapit ng mga ito sa Mega Manila (pwede ngang
48

idagdag kung tutuusin ang Taal Lake).


Pinakamahalaga ang Manila Bay. Mula sa Manila Bay ay pwedeng
magbangka papuntang Cavite sa Timog; at Bulacan, Bataan at Pampanga
sa Hilaga. Para sa mga nakatira sa Metro Manila, ang imahen nila ng
Manila Bay ay 'yong katubigang nasa harap lamang ng Roxas Boulevard,
Coastal Road at Pier. Dahil ang tingin ng mga tao ay paloob at papasok
ng siyudad, bihirang makita ang palabas na tanawin. Napakalawak ng
Manila Bay. Sakop nito ang mga karatig na probinsiya. Pwede itong
gamitin ng mga nasa probinsiya papasok ng siyudad. Ginawa na ito ng
mga aktibistang mangingisda mula Bacoor papuntang Senado sa Pasay.
Nang tinalo ng mga Kastila ang mga rajah ng Maynila, lumikas ang huli
papuntang Pampanga sa pamamagitan ng Manila Bay.
Matagal nang inabandona ng marami ang Pasig River. Pero
stratehiko ang lokasyon nito. Ang haba nito ay isang adbantahe
para makapaglakbay ang mga tao sa sentro ng Maynila. Ang likod
ng Malakanyang ay Pasig River (Si Erap ay tumakas ng Palasyo sa
pamamagitan ng ilog). Maraming komunidad ang nakatayo sa gilid
ng ilog. Karamihan ng mga nakatira rito ay mahihirap at manggagawa
na nagtatrabaho sa mga pabrikang matatagpuan din sa tabi ng ilog.
Malaking potensiyal sa pag-oorganisa at pagpapakilos ng masa.
Mula sa mga nagtataasang gusali sa Ortigas at Fort ay tanaw
na ang Laguna Lake. Hindi na ito espasyo ng probinsiyal. Nasa likod
lang ito ng bakuran ng Mega Manila. Higit na malaki ang lawa kaysa
sa buong Metro Manila. Pero hindi nakikita ng mga tao ang pulitikal at
ekonomikong papel ng katubigang ito. Mula Laguna Lake ay maaaring
tumbukin ang Cavite, Rizal, timog at silangang bahagi ng Metro Manila.
Pwedeng sumugod ang mga ralyista mula Timog Katagalugan sa
pamamagitan ng lawa.
Posibleng marating ang Maynila ng mga nagbangka sa Laguna
Lake. Tagusan ang lawa hanggang Pasig River. Nasubukan ko na ito.
Mula Binangonan ay nagbangka kami papuntang Pasig. Pagdating sa
Pasig River ay pwedeng dumiretso sa Maynila. Ang mga nagbangka sa
Manila Bay ay pwede ring pumasok sa Pasig River. Magkakaugnay ang
mga katubigang ito. Pwedeng magsalubong ang mga bangka malapit sa
Malakanyang. Tiyak masosorpresa ang mga awtoridad.
Madumi’t mabaho – imbakan na ng basura ang Manila Bay,
Pasig River at Laguna Lake. Mga patay na katubigan. Pwes, ito ay
buhayin. Gawin itong mahiwaga, mapanganib para sa mga may hawak
ng kapangyarihan. Angkinin ito ng lubusan ng mga inaapi.
49

UNA AT HULI, URI, uri, uri ang mapagpasya. Dapat unahin ang
pag-aanalisa at paghubog sa galaw ng mga puwersa sa lipunan. Tama.
Samantala, sa mga aktuwal na labanan, may papel ang kaalaman at
matalinong paggamit ng heograpiya.
Aanhin pa ang mga magagaling na marino kung alipin lang
sila ng monopolyo kapital. Hanggang kailan mananatiling pasibo ang
kulturang tubig ng mga Pilipino? Papayag ba ang mga progresibo na
Kapital lamang ang umaangkin ng katubigan? Na ang silbi ng huli sa
siyudad ay halos wala kundi maging tambakan ng basura?
Kubkubin ang Maynila mula sa kabundukan at katubigan.
BUNDOK, DAGAT, PULITIKA

SA PILIPINAS, SUBERSIBO ANG mga pahayag na ito: Aakyat ako ng


bundok. Mamumundok ako.
Ang pag-akyat sa bundok o ang pagnanais na umakyat ng
bundok ay may radikal na kahulugan, maliban na lamang kung miyembro
ka ng isang mountaineering club.
Bakit bundok? Tinanong minsan si George Mallory kung bakit
gusto niyang akyatin ang Mt. Everest. Ang kanyang sagot diumano:
'Because it is there.' Ganito rin ba ang dahilan ng mga Pilipinong
namumundok? Si Chairman Mao ang nagbigay ng tumpak na sagot:
Umakyat ng bundok dahil nandoon ang masa. 'Because the masses are
there.'
Ang bundok ay simbolo ng kanayunan, ng probinsiya, ng
malawak na espasyong tinitirhan ng masa, ng tagong teritoryong hindi
madaling bagtasin ng kaaway.
Pero bakit napakapulitikal agad ang dating ng pahayag na
“mamumundok ako” kaysa sa tila napakapangkaraniwang “pupunta
ako ng bukid” o “uuwi ako ng probinsiya”? Anong tipo ng mistikal na
kapangyarihan meron sa bundok upang ito ay maugnay sa radikal na
51

praktika?

Walang ibang misteryo kundi ang historikal na karanasan ng mga Pilipino.


Sa mahabang panahon, matapang na tinunggali ng mga Moro
ang mga Kastilang mananakop. Matagumpay at buong giting nilang
pinagtanggol/binakuran ang kanilang mga lupain. Pero marami ring
labanang nanaig ang mga superyor na kagamitang-pandigma ng mga
dayuhan. Sa mga pagkakataong ito, iniiwan ng mga Moro ang kanilang
mga komunidad sa baybaying-dagat at dun sila sa mga bundok nagtatayo
ng mga pansamantalang kampo. Sa bundok nagpapalakas ng puwersa ang
mga Moro; dun pinaplano kung paano muling susugod at lalabanan ang
mga dayuhan.
Masalimuot ang proseso ng kolonisasyon. May nagpasakop;
may lumaban pero nabigo kaya nagpasakop; may lumaban, nabigo, pero
sa halip na magpasakop, sila ay namundok. Ang paglikas sa bundok ay
pagtalikod sa pamumuno ng mga Kastila. Ito ang karanasan ng mga
Igorot sa Kordilyera.
Hindi mapayapa ang paghahari ng mga Kastila sa Pilipinas.
Laging may pag-aaklas. Laging may lumalaban. Kadalasan, usapin sa
lupa, pag-aari sa lupa, ang tema ng pagbabalikwas ng mga indio. Sunod
dito ang poot laban sa mga abusadong Kastila. Kadalasan, namumundok
ang mga rebelde. Hindi ba’t ang mga tulisan at iba pang kaaway ng
batas (halimbawa: Kapitan Pablo) sa mga nobela ni Jose Rizal ay laging
nagtatago sa kagubatan.
Ang mga Katipunero ay nagpupulong sa mga kuweba ng
Montalban. Ang hudyat ng pag-aalsa ay pinagtibay sa mga kagubatan
(Balara, Balintawak). Upang hindi madakip ng mga Amerikano, nagtago
si Aguinaldo sa bundok ng Kordilyera at lumikas siya papuntang Isabela.
Noong World War II, sa kagubatan ng Bataan at Zambales
nakipagtagisan ng lakas ang mga Pilipino at Amerikano laban sa mga
Hapon. Sa mga bundok binuo ang Hukbalahap, ang pangunahing
armadong pwersang lumaban para sa kalayaan ng bansa. Ang huling
dakilang laban ng mga komunistang Huk ay naganap sa bundok Arayat
ng Pampanga.
Mula 1969 inangkin ng mga armadong komunista ang
kabundukan/kanayunan bilang larangan ng pakikidigma. Naging kilala
ang NPA bilang mga rebeldeng namumugad sa bundok.
Hanggang ngayon ang bundok ay mapanganib at mahiwaga.
Tahanan pa rin ito ng mga subersibo. Mga taong labas. Sinumang
nawawalan ng pag-asa sa sistema ay laging nagbabanta: Mamumundok
52

na lang ako. Hindi ba, Robin Padilla?


e

ABANTE ANG PRAKTIKA NG pamumundok ng mga Moro noong


panahon ng Kastila at ng mga komunista sa kasalukuyan.
Ang mga Moro ay hindi lang lumilikas sa bundok kapag nagagapi
ng mga Kastila. Lumilipat sila ng isla: sa mga islang pinaghaharian ng
kanilang sultanato, sa mga teritoryong kaibigan ng sultanato, at maging
sa ibang kaharian (Brunei). Patunay ito na may malakas at sopistikadong
pulitikal na organisasyon ang mga Moro noon.
Ano ang sitwasyon sa Luzon at Visayas? Namumundok ang
mga indio, pero dun lang sa mga bundok na kanilang nakikita. Bihira
ang nagtangkang lumikas sa ibang pulo dahil ang kanilang pulitikal
na organisasyon ay limitado. Bihira ang nag-ambisyong palayain ang
maraming pulo na pinaghaharian ng mga Kastila. Ang pangunahing
motibo ng pag-aaklas ay madalas nakasentro sa pagpapalaya ng maliit
na bayan o probinsiya. Sa madaling salita, wala pang pambansang
kamalayan o pambansang imahinasyon na kailangan para isulong ang
isang panlipunang himagsikan.
Kaya radikal ang diwang pulitikal ng mga propagandista at
Katipunero. Mayroon silang pambansang imahinasyon, pambansang
programa ng himagsikan. Mayroon silang layuning pag-isahin ang mga
pulo upang labanan ang mga dayuhan. May disenyo (blueprint) kung
paano magagamit ang mga “bundok” upang lusubin ang Maynila. May
nabuong teorya ng paghihimagsik na may partikularidad sa kalagayan
ng bansa noon.
Kaya patuloy tayong nagtataka. Sa kabila ng inisyal at
matagumpay na pagtatangka ng mga rebolusyonaryo noong 1896-1898
na magbalangkas ng teorya ng rebolusyon, bakit ang mga sumunod na
henerasyon ng mga rebolusyonaryo ay tila nagkulang sa kanilang misyon
na higit pang pagyamanin ang teoryang ito? Pagkatapos umusbong ang
isang pambansang diwa noong panahon ng himagsikan laban sa mga
Kastila, bakit kailangang maganap ang mga patalong labanan sa Bataan
at Arayat? Na para bang hindi naganap ang 1896, himagsikang may
pambansang anyo. Bakit ang larangan ng pakikidigma ay nasentro sa
isang lugar lamang? Walang pag-uugnay ng mga bundok, ng mga pulo,
ng pagmamaksima sa katangiang pang-arkipelago ng Pilipinas.
Kaya naman tinuturing na mahalagang akda ang dokumentong
sinulat ni Amado Guerrero: Specific Characteristics of our People’s War.
Dito binalangkas ni Guerrero ang partikular na katangian ng rebolusyong
53

Pilipino. Higit na napansin ng marami ang paglilinaw ni Guerrero sa tipo


ng rebolusyong sinusulong ng CPP (pambansa-demokratiko na bagong
tibo, may sosyalistang perspektiba, bahagi ng anti-imperyalistang laban)
at kung anong klaseng reaksiyunaryo ang gobyerno ni Marcos.
Pero hindi na ito bago. Nakasaad na ang mga ito sa mga naunang
dokumento ng partido. Kung gayon, ano ang kontribusyon ng akdang ito
sa teorya ng pakikidigma?
Inabante ni Guerrero ang teorya ng pamumundok sa Pilipinas.
Mula sa punto de bista ng isang rebolusyonaryong lider, higit niyang
pinaunlad ang teorya kung paano magtatagumpay ang rebolusyon sa
isang arkipelago: Paano pag-uugnayin ang mga pulo, ang mga bundok,
saan magtatayo ng mga larangan, anong mga pulo ang dapat bigyan ng
prayoridad, saan magtatayo ng kampo ang pamunuan, ano ang silbi ng
mga bundok sa rebolusyon, ano ang adbantahe ng pulo-pulong katangian
ng bansa. Pinatunayan ni Guerrero at ng praktika ng CPP na posible
ang matagalang digmang bayan sa isang bansa katulad ng Pilipinas
(arkipelago, walang dayuhang mananakop).
Kahit ang mga kritiko ni Guerrero at mga beteranong lider ng
Huk ay kinilala ang orihinal at tumpak na analisis sa akdang ito.

PERO BAKIT SA BUNDOK lang? Paano ang digmaan sa karagatan?


Nabanggit ni Guerrero ang kawastuhan ng sea warfare sa Visayas. Maikli
lamang ang kanyang paliwanag dito.
May potensiyal pang pagyamanin ang temang ito. Sa mga
dokumento ng CPP na mababasa sa internet ay nababanggit na
nilalanguyan din ng mga rebelde ang katubigan. May pangangailangang
ipunin ang karanasan ng CPP sa sea warfare at ihapag ito na dagdag sa
teorya ng pakikidigma.
Kadalasan, ang taguri sa Pilipinas ay isang bansang binubuo ng
7,107 isla (low tide, di ba Charlene?). Medyo ibahin natin ang ating tingin:
imbes sa mga isla, ipokus natin ang ating tanaw sa mga katubigan. Itong
mga katubigang ito ay may natural na dugtong, mula Luzon hanggang
Mindanao. Ang paligid ng tubig ay 7,107 isla. Malawak ang katubigan;
madilim, mapanganib, mahiwaga at higit sa lahat, hindi kayang sakupin
ng kaaway.
Susi sa tagumpay ng mga Moro noong panahon ng Kastila
ang mapanlikhang paggamit ng tubig upang talunin ang mga
mananakop. Tubig para lumikas, tubig para lusubin ang mga kampo
54

ng kaaway.
Ngayon, ginagamit ng mga bandidong grupo sa Mindanao tulad
ng Abu Sayyaf ang tubig upang gumawa ng krimen. Pinapatunayan ng
mga pirata (Somalia) at smuggler (Subic, Cagayan) na posibleng biguin
ang puwersa ng estado sa katubigan.
Kadalasan, ang sea warfare ay nauugnay sa mga terorista
at kriminal. Dapat angkinin ng mga rebolusyonaryo ang katubigan.
Ipakilala ang rebolusyonaryong pakikidigma sa karagatan. Ipakita ang
ugnay ng bundok sa mga katubigan – ilog, lawa, dagat. Magbalangkas
ng plano kung paano ang espasyo ng katubigan ay gagamitin para
sa rebolusyon. Bakit? 'Because the masses are there': mangingisda at
kanilang pamilya, manlalakbay. At kung hahatakin ang kaaway sa tubig,
luluwag ang kalagayan sa iba pang espasyo ng digmaan.
Kaya matalino ang nag-isip ng RORO. Pinag-isa ang mga isla.
Gumawa ng mga tulay para idugtong ang mga tao, produkto, at mga
instrumento ng Estado sa ibabaw ng tubig. Ang tubig, kahit mahiwaga,
malawak at mapanganib, ay napaamo ng Estado. Ano ang sagot ng
kilusan sa RORO ng reaksiyunaryong pamahalaan?

PERO ANG BUNDOK AY hindi lamang para sa mga naghihimagsik.


Kung ang bundok ay simbolo ng oposisyon sa dayuhang
pananakop, ang pagtahak ng daan upang marating ito ay isang
kolonyalistang proyekto. Kung gayon, ang Kennon Road patungong
Baguio na pinagawa ng mga Amerikano ay isa sa mga unang tangka
upang lubusin ang pananakop sa Pilipinas. Pagkatapos makumpleto ang
daan, higit na pinag-ibayo ang proseso ng pag-aangkin ng Estado sa mga
kabundukan.
Dalawa ang layunin ng Estado kung bakit gusto nilang angkinin
ang mga bundok: gapiin ang oposisyon/rebolusyon; at nakawin ang
yamang likas ng bansa para sa personal na kapakinabangan ng mga
panginoong maylupa, pambansang burgesya, burukrata kapitalista at
mga imperyalista.
Palaging mapanira ang dinudulot ng kasakiman. Nasaksihan
natin ang epekto ng labis na pagtotroso. Nakakabahala ang malawakang
pagmimina ngayon. Parang hindi nangyari ang delubyo sa Ormoc, Rapu-
Rapu at Marinduque.
Insulto sa rebolusyon ang mga mapanirang gawain ng Estado sa
mga kabundukan. Dapat namamayani sa mga bundok ang mga rebelde
55

pero tila nagtatagumpay ang mga reaksiyunaryo. Indikasyon ito na hindi


papayagan basta-basta ng Estado ang subersibong pamumundok. Nais
nitong alisin ang pulitikal na halaga ng konsepto ng pamumundok.
Nagpapatuloy ang tunggalian.
Dahil sa kasakimang nabanggit, higit na nagiging makatwiran
ang pamumundok. Inuudyok ang masa na paigtingin ang pamumundok.
Ang susunod na pagguho ng lupa mula sa kabundukan ay maaaring
iba na ang hugis at anyo. Imbes na rumaragasang lupa, ibang putik ang
guguho. Sumabog na ang bulkan.
LOOBAN, PAGSASAMANTALA,
PAG-AALSA

T ATLONG HALIMBAWA NG ESPASYO ang tatalakayin ko sa artikulong


ito: looban ng sementeryo, engklabo, at mga sonang gerilya.

SEMENTERYO

Nililibing ang mga patay sa mga hangganan ng siyudad. Kailangang


malayo sa sentro ang mga sementeryo pero di dapat kalayuan para
mabisita ang mga patay ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan.
Kung gayon, ang mga lumang sementeryo ay mga historikal na espasyo:
nalalaman natin kung hanggang saan ang inabot ng urbanisasyon noon;
at saan nagsisimula ang espasyo ng probinsiyal.
Minamarkahan ng mga lumang sementeryo kung saan ang
hangganan ng loob at labas sa lumang siyudad. Maaaring matukoy kung
saan ang sentro ng mga bayan.
Puwede rin nating masilip ang tanaw sa hinaharap ng mga
ninuno natin: kung positibo ang kanilang paniniwala sa pag-unlad, mas
malayo sa sentro ng siyudad ang mga lumang sementeryo. Pero kung
madilim ang kanilang hula sa kinabukasan, higit na malapit sa sentro ang
57

mga tinatayong sementeryo.


Ang paglawak ng sementeryo ay nakabatay sa pag-usbong ng
mga siyudad. Habang lumalaki ang populasyon, tumataas ang lebel ng
sibilisasyon, lumalago ang ekonomiya – lumalawak din ang sakop at loob
ng mga sementeryo. Ang mga katabing sakahan at bakanteng lupa ay
ginagawang bahagi ng sementeryo.
Pero darating ang panahon na kakailanganing lagyan ng
bakuran ang sementeryo. Bakit? Dahil sa patuloy na paglaki ng mga
siyudad, ang mga lupa sa paligid ng mga sementeryo ay ginagawang
tirahan at mga komersiyal na espasyo. Kung dati rati’y natatanaw mula
sa mga sementeryo ang malawak na bukirin ng kanayunan, ngayon
pinalilibutan ito ng sementong kagubatan. Tinawag ito ng ilan bilang
batas ng pag-unlad.
Kapag itinakda na ang hangganan ng mga sementeryo,
nagbubunsod ito ng pagbabago sa loob. Kumikipot ang mga daanan,
binabansot ang mga puntod, pinag-iisa ang puntod ng mga pamilya,
nagtatayo ng “condominium” para mailibing ang mas maraming tao.
Halimbawa: ang North at South Cemeteries ng Metro Manila.
Ang espasyo sa pagitan ng dalawang sementeryong ito ay sumasakop sa
loob ng lumang Metro Manila. Ang labas ng Metro Manila ay nagsisimula
sa labas din ng mga sementeryong ito. Dati, pinalilibutan ang mga ito ng
malalawak na damuhan. Ngayon, napalitan ito ng mga barung-barong
at matatayog na gusali. Saksi ang mga sementeryong ito sa pagbabago sa
siyudad.
Ano pa ang sinisimbolo ng mga lumang sementeryo: Ang
mga ito ay buhay na patotoo sa kakitiran ng imahinasyon ng tao. May
panahong inakala ng mga tao na ang pag-unlad ay aabot lamang sa
espasyong sinasakupan ng mga sementeryo. Para bang ang mensahe ay
ganito: Hanggang dito na lamang ang pag-unlad, dito magwawakas ang
buhay ng lipunan, ng kasaysayan.
Kung gayon, hindi lang pagpanaw ang simbolo ng mga
sementeryo. Higit pa ang silbi nito para sa mga nabubuhay, kaysa sa mga
humimlay na. May buhay sa mga espasyong matagal ng minarkahan para
sa mga nawalan na ng buhay.

ENGKLABO

Matindi ang pagsasamantala sa loob ng mga engklabo. Tinutukoy ko


ang mga nagsulputang Export Processing Zone sa iba’t ibang bahagi ng
bansa. Nasa loob ito ng teritoryo ng Pilipinas pero tila nasa labas sila ng
58

jurisdiction ng mga ahensiya ng pamahalaan. Ang mga kumpanya dito


ay halos walang binabayarang buwis; at hindi pinapatupad ang mga batas
ng paggawa (minimum wage, karapatan sa pag-uunyon). Parang mga
embassy, opisina ng UN, at mga tagong kampo ng militar. Nasa mapa ng
Pilipinas pero hindi sakop ng batas ng bansa.
Protektadong looban ang mga engklabo. Mahalaga daw sa
ekonomiya ng bansa ang kita mula sa paglalabas (export) ng mga
produkto mula sa assembly line sa loob ng mga engklabo. Pansinin ang
ginamit na termino: assembly line at hindi manufacturing industry.
Walang makikitang usok mula sa loob ng mga engklabo dahil hindi kasi
mga pabrika ang makikita sa mga loobang ito. Walang bagong kagamitang
nililikha na kailangang para sa industriyalisasyon ng lipunan.
Kung ang paglago ng sementeryo ay nakabatay sa paglawak
ng siyudad, ang loob naman ng engklabo ay hindi apektado kung ano
ang nangyayari sa kanyang labas. Magkaroon man ng pagbabago ng
liderato, bumaha, manalo o matalo si Pacquiao, may ibang ritmo ng
buhay o dinamikong sinusunod ang mga engklabo. Tuloy ang paggana
ng assembly line, tuloy ang kontraktuwalisasyon, tuloy ang pasok ng
mga manggagawa, lalo na kung peak season sa Amerika at Europa. 24/7
kumbaga. Ibig sabihin, tuloy ang pagsasamantala.
Samantala, ang labas ay binabago ng mga aktibidad sa loob ng
engklabo. Halimbawa, nagkaroon ng pundamental na transpormasyon
sa Rosario, Cavite noong tinayo ang isang EPZ dito. Ang mga bukid ay
naging barong-barong. Nagsulputan ang mga masisikip na dormitoryo
ng mga manggagawa. Nawala ang mga magsasaka, naging migrant town
ang bayan. Dumating ang mga magsasaka mula sa ibang bayan upang
maging manggagawa sa EPZ.
Lumaki ang populasyon ng Rosario dahil sa EPZ. Pero hindi
nadagdagan ang kita ng lokal na pamahalaan. Walang legal at pinansiyal
na pananagutan diumano ang EPZ sa mga pagbabagong naganap sa
Rosario. Ayaw kilalanin ng EPZ ang masamang dinulot ng pagpasok nito
sa bayan ng Rosario tulad ng paglala ng polusyon at kahirapan.
Ayaw kumilos ng pamahalaan. Malayong magbago ang tindig
ng pamahalaan. Ang estado ay nariyan upang pangalagaan ang interes ng
kapitalista. Paano babaguhin ang di-pantay na relasyon sa loob-labas ng
mga engklabo? – Sa pamamagitan ng pag-oorganisa sa mga manggagawa
ng EPZ. Ang mga manggagawa ay nagbubuo ng mga organisasyon sa
labas ng EPZ: Unyon sa labas. Isa itong epektibong halimbawa kung
paano babaguhin ng labas ang loob; kung paano pupwersahin ng labas
ang pagbabago sa loob.
59

SONA

Maraming looban sa kanayunan. Maraming looban sa labas. Ang


tinutukoy ko ang loob ng mga sonang gerilya. Ang paglabas, ang pagtahak
sa landas ng labas ay pagpasok din sa isang espasyo ng loob. Ang mga
taong-labas ay mga taong-loob din. Ang mga loobang ito sa kanayunan
ay kinakatakutan ng naghaharing uri, kinukutya, minamaliit, kinakaila.
Bakit? Dahil ang paglawak ng mga loobang ito ay hudyat din ng paghina
ng kapit ng Kapital sa bansa. Ibig sabihin, gumugulong ang proseso ng
pagbubuo ng mga bagong loob at bagong labas.

UGNAY

Sementeryo, engklabo, sonang gerilya?


Hindi ba’t ang proletaryo, tagahukay ng puntod ng kapitalismo,
ay minsang nang hinusgahan na tapos na ang kanyang historikal na
misyon na gapiin ang pwersa ng kapitalismo? Laos na raw ang teorya’t
praktika na umaasa sa pag-aalsa ng manggagawa upang baguhin ang
lipunan. Tapos na ang kasaysayan. Nailibing na ang sosyalistang mithiin
ng proletaryo.
Pero nariyan pa rin ang proletaryo. Nariyan pa rin ang
pagsasamantala sa manggagawa. Buhay pa rin ang mga engklabong
pumapatay sa mga manggagawa. Paano sasabihing lipas na ang
rebolusyong proletaryo kung ang kondisyon upang maisakatuparan ito ay
hindi pa rin nawawala? Hangga’t nananatiling mabangis ang kapitalismo,
higit na nagiging makatwiran ang pagsusulong ng alternatibo nito:
sosyalismo.
Ang tanaw ng proletaryo ay lagi sa hinaharap. Kaya ang
pagnanais niya na palayain ang kanyang uri sa pamamagitan ng pag-
aalsa ay nananatiling buhay.
EBOLUSYON NG METRO MANILA

ETO ANG MGA ESPASYO ng urban sa kasalukuyan: Maynila ang kapital


ng estado; Metro Manila (kilala dati bilang Greater Manila) ang sentro ng
bansa. Saklaw ng Mega Manila ang Gitna at Timog Luzon. Kalimitan mga
istasyon ng radyo at telebisyon ang gumagamit ng terminong ito. Ang
Metro Luzon Urban Beltway ay bahagi ng programang Super Regions ni
Gloria Arroyo. Si Imelda Marcos ang unang nakaisip nito.
Hindi lamang paglobo ng populasyon ang dahilan kung bakit
lumawak nang husto o mabilis na lumalawak ang espasyo ng urban
sa Luzon. Ang kombulsiyon sa ekonomiya ay isa sa mga pangunahing
dahilan kung bakit nasasakop/sinasakop ang espasyo ng probinsiya.
Kaugnay nito ang tunggalian ng mga uri; ang tunggalian sa pag-angkin
ng yaman (at surplus) ng lipunan. Eto ang mga motor ng kasaysayan na
nagpapaandar sa pagbabagong-anyo ng siyudad.
61

EKONOMIYA

Sa mahabang panahon, ang sentro ng Pilipinas ay nasa Intramuros


lamang. Ang Intramuros at Maynila ay iisa. Nagkaroon ng pagbabago sa
siyudad nang magsimula ang Manila-Acapulco Galleon Trade. Sumigla
ang mga aktibidad sa loob at labas ng Maynila. Dumami ang mga
migrante mula sa ibang bansa sa Asya. Ang mga komunidad sa labas ng
Intramuros ay kinilalang bahagi ng Maynila.
Nang binuksan ng pamahalaang Kastila ang mga daungan sa
Pilipinas, lumikha ito ng mataas na demand para sa mga produkto ng
bansa. Sumigla ang kalakalan sa iba’t ibang pulo. Pero ang tubo ay laging
nasesentro sa Maynila. Ang tubo ay pag-aari ng mga dayuhan at iilang
mayayamang pamilya. Ang rebolusyong 1896 ay tunggalian din para sa
pag-angkin ng tubong ito.
Nang dumating ang mga Amerikano, ang Pilipinas ay naging
bahagi ng imperyalistang kaharian ng Estados Unidos. Nagsuplay ang
Pilipinas ng mga hilaw na materyal na kailangan ng ekonomiya ng US.
Ang mga industriyang tinayo ay para tugunan ang demand sa Amerika.
Ang mga pabrika sa Maynila (Grace Park ang unang factory town sa
Pilipinas) ay lumikha ng mga produktong kailangan ng imperyalismo.
Hanggang ngayon ay nakatali ang ekonomiya ng Pilipinas sa
US. Ang tawag dito ng mga aktibista ay malakolonyal at malapyudal
na katangian ng bansa. Paano ito nagdulot ng pagbabagong-anyo sa
siyudad?
Naglunsad ng programang industriyalisasyon si dating
Pangulong Ferdinand Marcos noong 1970s. Huwag itong ituring na
industriyalisasyon batay sa karaniwang kahulugan. Ang mga industriyang
binuo ay nakaangkla pa rin sa dikta ng imperyalismo. Ang bakas ng
industriyalisasyon sa lungsod ay makikita sa dating factory belt ng
bansa: Caloocan, Valenzuela, at Muntinlupa, Taguig (FTI). Pansinin ang
lokasyon ng mga siyudad na ito: hangganan ng Metro Manila at malapit
sa mga linya ng transportasyon.
Gamit ang pondo mula sa pautang ng World Bank, nagtayo
ang gobyernong Marcos ng mga maliliit at malalaking imprastruktura sa
paligid ng Maynila. Ilan sa mga imprastrukturang ito ang North at South
Expressway, Cultural Center, Bliss Housing, at mga ospital sa Quezon
City.
Nagkaroon ng hubog ang Mega Manila sa panahon ng
administrasyon ni Pangulong Fidel Ramos. Higit na tumingkad ang
patakarang liberalisasyon, deregulasyon, at pribatisasyon. Niligawan
62

ni Ramos ang mga dambuhalang korporasyon para dampuan ang


Pilipinas ng kanilang spekulatibong kapital. Ang pang-akit ni Ramos:
mababang buwis, murang lakas paggawa at kapayapang industriyal
(bawal ang pag-uunyon). Nagtayo ng mga engklabo sa labas ng
Maynila (Cavite, Laguna, Batangas, Subic at Clark). Mga engklabong
malapit na malayo sa urban.
Naging permanente rin ang labor export policy ng
pamahalaan. Halos sampung bahagdan ng populasyon ay naging
OFWs. May pisikal itong epekto sa anyo ng Metro Manila: ang
paglipana ng mga mall at paglago ng real estate lalo na sa probinsiya
sa may labas ng bakuran ng siyudad. Ang pera ng mga OFW ang
nagpondo sa mga negosyong ito.
Noong huling bahagi ng dekada nobenta ay umusbong ang
Business Process Outsourcing sa bansa, lalo na sa Metro Manila.
Ramdam pa rin sa kasalukuyan ang pagbubuo ng mga Call Center
Complex: Makati Central Business District, Ortigas, Libis, UP
Commonwealth, The Fort sa Taguig.
Sa kasalukuyan ay malubha ang pandaigdigang krisis sa
ekonomiya. Ano ang epekto nito sa Mega Manila? Nagsasara na
ang mga pabrika sa mga engklabo. Magiging ghost town ba ito sa
hinaharap? Paano ang mga komunidad sa paligid nito? Umuuwi na
ang mga OFW dahil sa tanggalan sa trabaho. Kikita pa ba ang mga
mall? Dadami ba ang mga kaso ng foreclosure? Sino na ang titira
sa mga condominium? May resesyon sa Amerika; tiyak hihina ang
operasyon ng mga call center. Sino na ang gagamit ng mga opisina sa
mga Call Center Complex? Maaapektuhan kaya ang mga kapihan at
h(m)otel?
Ramdam din sa kasalukuyan ang mapanirang epekto ng
deregulasyon at pribatisasyon. Binabawasan at inaalis ang pondo para
sa mga serbisyong panlipunan. Ang gastusin para sa pagpapatakbo
ng mga siyudad ay pinapasa sa mamamayan. Inaako ngayon ng
pribadong negosyo ang pagbibigay ng mga serbisyo sa mamamayan.
Ang charity at corporate social responsibility ang bagong pork barrel
na hinihintay ng masa.
Pansinin na mula dekada nobenta, ang paglawak ng lungsod
at ang pagbabagong anyo nito ay tila inisyatiba lahat ng pribadong
sektor. Dahil tumalima ang pamahalaan sa mga neoliberal na
patakaran, binitawan nito ang kanyang responsibilidad na pangunahan
ang pagpaplano ng pag-unlad ng siyudad. Ngayon nangangako ito ng
stimulus.
63

TUNGGALIAN

Ang ebolusyon ng siyudad ay kinakatangian din ng tunggalian ng mga


uri; tunggalian ng mga nasa loob laban sa mga taga-labas; tunggalian
para sa pamumuno sa siyudad.
Noong panahon ng Kastila, nakatira ang mga dayuhang
mananakop at iba pang elitista ng lipunan sa Intramuros. Mataas na
pader ang proteksiyon nila laban sa mga taga-labas. Ang Extramuros ay
nakalaan para sa mga hindi nila kauri. Ang mga taga-Intramuros ay may
mababang tingin sa mga taga-Extramuros.
Sa kabilang bahagi ng ilog Pasig matatagpuan ang Tondo, ang
looban ng mga indio. (Looban pa rin ito ng mahihirap sa kasalukuyan).
Ang mga dating naghahari sa Maynila ay dito lumikas nang dumating
ang mga Espanyol. Dito sama-samang pinag-usapan ang maraming
tangka upang gibain ang mga pader ng Intramuros.
Laging may hidwaan sa pagitan ng loob-labas. Sa mga panahong
tumitindi ang laban, ang loob ng naghaharing uri ay laging nililikas sa
ibang loob: kumbento, hasyenda.
Halos hindi nagbago ang modelo ng pagdebelop ng mga
siyudad. May loob at may labas. Ang loob ay may negatibong relasyon sa
labas. Takot ang loob sa labas.
Kalakhan ng Central Business District ng Makati ay dating
hasyenda ng mga Ayala-Zobel. Ito ang pinakamahalagang looban sa
bansa. Ang pinakaprotektadong loob ay Forbes Park at mga katabi nitong
subdibisyon. Ito ang modernong tipo ng Intramuros – pansinin ang
kanilang pader sa Edsa. Iba pang bakas ng mga dating hasyenda: Ortigas,
Araneta Center, Camp Aguinaldo (lupain ng mga Ortigas-Madrigal),
Marikina-Diliman (sakop ang UP – donasyon ng pamilya Tuason-
Arroyo).
Namana ba natin ang mentalidad ng mga loob na galit sa
labas? Ang Malakanyang ay permanenteng tagong loob. Simbolo ng
kapangyarihan sa bansa pero hindi nakikita ng madla araw-araw.
Iba pang halimbawa: Mga subdibisyon na hindi pwedeng
pasukin kahit ng mga de-kotseng taga-labas, mga engklabo ng negosyo,
malalaking pribadong eskuwelahan (hindi sapat na mahal ang bayarin
para hindi makapasok ang mga taga-labas; kailangang may matibay na
bakuran para hindi masilayan ang mga pinagpalang taga-loob).
Buti pa ang mall at simbahan laging bukas. Kaya patok ang mga
ito sa masa. Pwedeng pasukin ng mga taga-labas.
64

Mayroong nagaganap na reteritoriyalisasyon. Dati nagkakasya ang


pamahalaan na itago ang “maduming” loob ng mga mahihirap sa
pagtatayo ng mga makukulay na pader. Natatandaan ninyo pa ba ang
mga beautification program ni Imelda? Ngayon hindi na ito uubra.
Sapilitang pinapalayas (pinapatay kung kinakailangan) ang mga slumdog
millionaire ng Metro Manila, lalo na 'yong mga nakatira sa mga lugar na
pagtatayuan ng mga bagong engklabo ng Kapital. Lalong pinahigpit ang
kontrol ng burgis sa siyudad sa pamamagitan ng gestapo-MMDA.
Napansin rin ng mga elitista ang limitasyon ng kanilang dating
looban. Nakatira nga sila sa Forbes Park pero kailangang pa rin nilang
makipagsalamuha’t makipagtitigan sa mata sa mga indio sa simbahan,
palengke, sinehan at kainan. Ngayon ligtas na sila. Ang mga bagong
business center ay super eksklusibo. Pwede na silang pumasok sa opisina
sa umaga, mag-shopping sa hapon at magparty sa gabi nang hindi lalabas
sa kanilang modernong engklabo.
Matindi ang takot ng mga nasa loob kasi alam nilang may
dahilan ang mga taga-labas para magalit. Alam nilang nakaw ang kanilang
yaman. Alam nilang may karapatan ang mga taga-labas na ipaglaban ang
kanilang hati sa yaman ng siyudad. Kaya naman nagtatayo sila ng mga
pisikal at simbolikong pader.
Nayayanig pa rin sila sa takot dala ng banta ng rebolusyon.
Madalas sila mismo ang lumilikha ng bantang ito. Nagalit sila sa
gobyerno nang mabalitaan nilang nasa paligid lang ng Maynila ang mga
Huk noong 1950s. Sa kasagsagan ng First Quarter Storm noong 1970,
nagpanic ang mga mayayaman; akala nila lulusob ang mga radikal kaya
tumuloy muna sila kasama ang kanilang pamilya sa mga hotel. Natakot
sila sa lakas ng NPA noong 1980s at natuwa sila nang humina ang mga
komunista noong unang bahagi ng dekada nobenta. Bangungot para
sa kanila ang mabiktima ng mga kidnapper, carnapper, akyat-bahay, at
mga drug pusher. Kaya naman suportado nila ang demolisyon ng mga
komunidad ng mahihirap. Naniniwala silang pugad ito ng kasamaan.
Hindi nila alam na mga anak at kapitbahay rin pala nila ang marami sa
mga drug pusher at carnapper.

HAMON

May katumbas bang organisasyon ang mga radikal na puwersa para


tapatan ang pamumuno ng estado sa Mega Manila at Metro Luzon
Urban Beltway? Paano pagkakaisahin ang looban ng mga taga-labas para
sakupin ang loob ng naghaharing uri? Anong bagong loob-labas ang
65

pwede nilang ihaing alternatibo? Hindi sapat ang krisis sa ekonomiya


upang matalo ang mga mapagsamantalang elemento ng lipunan.
Hangga’t sumasakop at lumilikha sila ng espasyo, napapanatili nila ang
paghahari sa siyudad.
LOOB-LABAS

KAPAG SASABIHIN NG ISANG taga-Mandaluyong kung saang lungsod


siya nakatira, malamang ay tatanungin siya ng kanyang kausap: “Taga-
Mandaluyong ka? Saan? Loob o labas?” Sabay tawa ng kausap.
Isa itong biro. Kilala kasi ang Mandaluyong bilang lugar kung
saan nakatayo ang National Center for Mental Health. Madalas tinutukso
ang mga taga-Mandaluyong na sila ay nakatira sa “loob” ng Mental.
Lumang biro na ito. Ginagamit pa kaya ito? Nandoon pa ba ang
Mental sa Mandaluyong? Minsan kasing nabalita na ibebenta/ililipat na
ng gobyerno ang ospital. At saka mukhang ang Mandaluyong ay higit na
kilala na ngayon dahil sa Megamall (na isa ring tipo ng Mental). Hindi
ba’t si Ben’s Burjer ay residente rin ng Mandaluyong?
Babalikan natin ang Mandaluyong. Dumako muna tayo sa
Muntinlupa. Ganun din ang biro sa mga taga-Muntinlupa. Biro kung sila
ba ay nakatira sa loob o labas ng New Bilibid Prison. Sa katunayan ang
kulungan ay kilala din bilang Munti.
67

Pero mukhang hindi na masyadong tinutukso ang mga taga-Muntinlupa


kung sila ay nakatira sa loob o labas. Hindi na lang kasi Munti ang sikat sa
siyudad. Noong dekada sisenta at otsenta ay dumami ang mga tinayong
pabrika sa Muntinlupa. Kung ang Valenzuela ang industrial town ng
hilagang Metro Manila, ang katumbas nito sa timog ay Muntinlupa.
Ang tanyag na tirahan ng mga mayayaman at makapangyarihan – Ayala
Alabang – ay matatagpuan din sa Muntinlupa.
Maaaring sabihin ngayon na may tatlong kulungan sa
Muntinlupa: Bilibid para sa mga mahihirap na kriminal, mga pabrikang
kinalalagyan ng mga pinupulubing manggagawa, at ang eksklusibong
tirahan ng mga mayayamang kriminal, este negosyante.

ANG BAGONG LOOB-LABAS

Ang mga salitang “loob” at “labas” ang ginagamit na panturo ng


direksiyon sa Metro Manila. Mayroong loob at labas sa bawat siyudad.
Bihirang gamitin ang mga salitang hilaga, timog, kanluran, silangan
upang tukuyin ang direksiyon sa siyudad. Hindi kasi alam kung saan
ang sentro. Saan nga ba ang sentro ng Metro Manila? Walang point of
reference. Kaya marahil nagkakasya na lamang sa paggamit ng mga
kategoryang loob at labas.
Ngayon ang “loob” at “labas” ay mahirap na rin gamitin. Saan
ang hangganan ng loob ng Metro Manila? Saan nagsisimula ang labas?
Ang dating labas ay loob na ngayon (Mega Manila).
Ang mga dating loob ay nilabas. Naglipat ng loob sa ibang loob.
Halimbawa: ang loob ng Intramuros ay nilabas (simbahan, eskuwelahan);
sumikip ang loob ng university belt kaya nagtayo ng ala-Ubelt sa ibang
lugar (Katipunan, Aurora, Alabang); inspirasyon ang loob ng Makati
nang itinayo ang loob ng Ortigas, Libis, Fort.
Sa kaso ng Mandaluyong at Muntinlupa, ang labas ay naging
loob. Ang palagiang nagmamasid na Estado (Big Brother) ay kumukontrol
sa kilos ng bawat indibidwal sa Metro Manila. Ang mga regulasyon sa
loob ng Mental at Munti ay nilabas sa siyudad dahil ang turing sa mga
tao ay baliw at kriminal. Bakit pa papasok sa loob kung ang labas naman
ay para ding loob?

LOOBAN

May mga looban na hindi nagbabago o pilit na hinahadlangan ang


pagbabago. Mga dating loob na nananatili at pinananatiling loob.
68

Malinaw ang hangganan/teritoryo ng mga loobang ito.


Ang looban ng komyu ay kadalasang tahanan ng mga maralitang
tagalungsod. Sabi nila, ang mga nakatira dito ay halang ang bituka at iisa
ang kidney. Bakit kaya? Dahil kumakain sila ng instant noodles at aso?
Mga taga loobang kumakain ng lamang-loob.
Ang looban ay pugad diumano ng masasamang elemento. Lagi
itong sinusuyod ng mga mapanupil na pwersa ng estado – hinahanay,
nililipol ang mga mangmang, baliw at kriminal ng lipunan: adik, pusher,
holdaper, rapist. Tinatarget din ang mga subersibo. Para daw sa kaayusan,
ang loobang ito ay dapat dahasin. Dapat itong buwagin kung kakayanin.
Ilayo, ilabas.
May isa pang looban. Protektadong looban. Makapangyarihang
looban. Marangyang looban. Halimbawa: Ang loob ng Central Business
District. Ang loob ng Kapital. Ang opisina ng mga burukruta-kapitalista,
alagad ng mga imperyalista, at pambansang burgesya.
Ang looban ng mga eksklusibong subdibisyon ng mayayaman
ay sagrado. Off-limits dito ang mga ordinaryong nilalang. Kahit ang
arogansiya ng MMDA ay di uubra sa mga loobang ito. Pwedeng isipin at
tangkain ng mga opisyal ang paglilipat ng makasaysayang Monumento ni
Bonifacio sa Caloocan upang pagaanin ang trapiko pero putangina ninyo
kung gagalawin ninyo ang bakod ng Corinthians Village sa EDSA. Korte
ang magdedesisyon.
Sa ngalan ng kaunlaran, dapat daw gibain ang looban ng mga
maralita. Gawin itong kalsada, parking lot o shopping center. Pero bawal
galawin ang looban ng Forbes Park. Bawal itong daanan ng mga mortal.
Bawal din itong tingnan. Kaya naglagay sila ng matataas na bakod. Kahit
ang mga nakasakay sa MRT ay bakod na kawayan lang ang masisilayan
nila.
Maraming baliw sa looban ng mayayaman. (Baliw marahil
sa pera, baliw sa kasakiman). Ang pinapakasalan daw kasi ng ilang
mayayaman ay mga kamag-anak din nila para raw ang yaman ng pamilya
ay hindi lumabas at mapunta sa ibang lahi. Kaya minsan nagkakaanak sila
na may sira ang bait. May mga balita rin ng krimen sa mga loobang ito.
Mga adik na anak na binabaril ang mga kasambahay; mga don/donyang
nagmamaltrato ng katulong; mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Sa totoo lang, ang ugat ng kasamaan, pagsasamantala sa Islands
Philippines ay nakasentro sa looban ng mga subdibisyong ito. Dito
nakatira ang mga smuggler, jueteng lord, drug lord, landlord, darklord at
iba pang lords. Dito pinagpapasyahan kung paano nanakawin ang pera
ng bayan o paano isusulong ang Chacha.
69

LABASAN

Delikado ang labas ng Metro Manila. Sa labas ng siyudad ay may mas


malakas na pwersa ang mga taong labas. Nasa labas ang mga pugante,
rebelde, terorista. Magulo ang labas. Walang kinikilalang batas dito.
Tinutugis ang mga taong labas. Paano sila nakikilala?
Dati ang sakop ng loob ay kung ano ang nasa paligid ng
simbahan. Hangga't naririnig ng mga residente ang tunog ng kampana
ng simbahan, sila ay nasa loob. Ang mga malayo sa simbahan ay ayaw
pasakop sa pamumuno ng Diyos at mga Espanyol. Mga walang Diyos,
mga ayaw sumunod sa batas. Sila ay dapat parusahan.
Ngayon ang kampana ay napalitan ng cellphone tower. Tinatayo
ang mga ito upang sakupin ang lahat-lahat, lalo na ang labas. Ang signal ng
cell phone ay indikasyon diumano ng kaunlaran; ng paghahatid ng loob
sa labas. Kaya dapat daw ipagbunyi’t pangalagaan ang mga istrukturang
ito. Ang totoo: Ito ay instrumento ng dominasyon; ginagamit upang
tukuyin ang mga taong-labas. Hindi nakapagtataka’t ginagawa itong
target ng mga taong labas.
Kapag nagsasalubong ang loob at labas, umuusad ang
kasaysayan. Dapat itong kilalanin; pabilisin ang pagtatagpo ng mga
puwersang magkasalungat. Ang hatid nito ay bagong loob, bagong labas.
At ano ang hinaharap? Ang labas ay magiging loob. Ang loob ay
papasukin ng labas. Ang looban ay aangkinin natin. Ang loob. Ang labas.
Lahat-lahat.
RECTO-DOROTEO JOSE

KUNG IKAW AY NAKASAKAY ng LRT-2 at manggagaling ka ng Santolan,


ang pinakadulong istasyon na pwede mong abutin ay Recto (may balak
na dugtungan ang LRT-2 hanggang Divisoria sa hinaharap).
Bago itinayo ang LRT-2, hindi sikat ang istasyon ng Doroteo Jose
ng pinakaunang LRT sa bansa. Para sa akin, bababa lang ako ng Doroteo
Jose noon upang puntahan ang Popular Bookstore. Nang sinimulan ang
operasyon ng LRT-2, naging mahalagang istasyon na ang Doroteo Jose.
Malapit kasi ito sa istasyon ng Recto ng bagong LRT. Biglang dumami ang
bilang ng mga taong sumasakay at bumababa sa Doroteo Jose.
Isang elevated walkway ang nagdudugtong sa Recto at Doroteo
Jose. Uso talaga ngayon ang mga walkway at footbridge. Maraming
tinatayong mga tulay-daanan kung saan-saan. Ilan sa mga ito ay
matatagpuan sa Makati, Cubao, Commonwealth at Edsa-Taft.
Tinuturing kong mini-flyover ang mga walkway. Pinapadulas
ng mga ito ang trapiko dahil ang tao ay naglalakad sa ibabaw ng kalye.
Nagiging mabilisan din ang byahe ng mga pedestrian; tuloy-tuloy kasi
ang kanilang paglalakad. Walang mga sagabal sa daan, walang detour na
nagpapatagal ng byahe.
72

Para itong pulisiya ng pamahalaan sa ekonomiya: neoliberalismo.


Kailangan walang restriksiyon sa pagpasok ng mga kalakal sa bansa.
Kailangan mabilis ang transaksiyon sa negosyo sa pamamagitan ng pag-
alis ng taripa at pakikialam ng gobyerno.
Malayang galaw ng kapital. Malayang pangangalakal. Tila ito
rin ang pakay ng mga walkway. Tila ito rin ang mga dahilan kung bakit
itinayo ang walkway sa pagitan ng Recto-Doroteo Jose.
Oo mabilis ang byahe sa LRT. Pero may patid sa paghahatid ng
tao sa kanilang mga destinasyon kapag kailangang lumipat ng tren ang
mga pasahero mula LRT-1 tungo sa LRT-2. May restriksiyon sa galaw
ng mga tao kapag lumilipat sila ng istasyon. Halimbawa, humahaba ang
oras ng byahe ng mga tao kapag bababa pa sila ng istasyon ng Recto at
lalakarin ang maduming daan patungong Doroteo Jose.
Pinaikli ng walkway ang distansiya sa pagitan ng Recto-Doroteo
Jose. Inalis ang mga abala sa daan. Hindi na kailangang tumawid sa
mga kalye ng Recto at Avenida na pinamumugaran ng mga maliliit na
mangangalakal (street vendor), pulubi, adik, snatcher, pusher, prosti,
bugaw, kotong cop, barker at mga anarkistang drayber. Mas ligtas at
mabilis ngayon ang byahe ng mga tao. Wala ng pagkakataon upang
makasalamuha ang mga nilalayuang uri ng tao. Sa elevated walkway ay
may pribilehiyong sulyapan sa ibaba ang mga di mapalad na nilalang ng
lipunan.
May isa pa akong obserbasyon. Mahaba-haba ang walkway ng
Recto-Doroteo Jose. Pero hindi boring ang paglalakad. Ang tanawin sa
labas ng walkway ay nakakapagpamulat tungkol sa tunay na mukha ng
kahirapan sa bansa. Hindi pwedeng hindi makita ang isang komunidad
ng mahihirap sa gilid mismo ng walkway.
Minsan habang naglalakad ako sa walkway ay naalala ko ang
bagong bukas na Ocean Park malapit sa Quirino Grandstand. Sa Ocean
Park ay papasok ka sa isang tube kung saan pwede mong makita ang mga
maliliit at malalaking isda. Pwede mong pagmasdan ang kanilang mga
kulay, hugis, at paglangoy sa tubig. Hindi mo ito pwedeng gawin kung
totoong nasa ilalim ka ng dagat.
Hindi ba’t ganito na rin ang konsepto ng mga bagong zoo sa
mundo? Malayang nakakagalaw ang mga hayop sa isang protected
wildlife area; hindi sila nakakulong. Habang ang mga turista naman ay
ligtas na nakasakay sa isang trak o sasakyan. Masusing tinutunghayan at
kinukunan ng litrato ng mga tao ang gawi ng mga hayop sa parang.
Ganito rin ang eksena sa pagtawid sa walkway ng Recto-
Doroteo Jose. Public exhibit ang exotic na buhay ng mahihirap. Parang
73

turista ang mga pedestrian. Napapanood ang loob at labas ng bahay ng


mga mahihirap sa isang ligtas ng paraan. Walang salamin na nakaharang
tulad sa Ocean Park pero may transparent na bintana na naghihiwalay sa
walkway at sa komunidad. IIbig sabihin, hindi pwedeng saktan, batuhin
at hawakan ng mahihirap ang 'malilinis na tao' na naglalakad sa walkway.
(Parang bintana sa mga tren ng lumang PNR; mabisang pangharang sa
mga basurang tinatapon ng mga residente sa gilid ng riles).
Araw-araw nakagimbal sa paningin ng mga pasahero ang
buhay ng mga tao sa komunidad na 'yon. Pawang gawa sa pinagtagpi-
tagping lumang plywood ang tila marurupok na bahay. Ang ilan ay may
ikatlong palapag ang tinitirhan. Ang kulay orange na mahahabang tali sa
pagitan ng mga bahay ay hindi art installation; linya ng kuryente pala.
Ang mga metro ng Meralco ay nakalagay sa ibabaw ng poste; para daw
hindi nakawin at gamitin sa mga ilegal na koneksiyon. Nakalabas ang
mga sinampay na damit. May gulong sa ibabaw ng mga bubungan. Iba-
iba ang laki ng mga antenna ng TV. May nag-iigib sa poso, mayroon din
namang water pump at water tank ang iba. May nanonood ng TV, nag-
aalaga ng bata, dinig ang karaoke sa isang bahay. Hindi pansin ng ilang
residente na sila ay pinagmamasdan. Sanay na kaya sila sa tanaw ng mga
taong hindi naman nila kapitbahay?
Hindi permanente ang tanawin sa labas ng walkway ng Recto-
Dorote Jose. Malay natin sa susunod na araw kulay asul at pink na ang
dingding ng mga bahay. Baka umatake na ang MMDA (f)Art. Hindi ba’t
kailangang gawing metro guwapito ang siyudad ngayong taon? O kaya
naman bigla na lang mawala ang komunidad. Sa ngalan ng kaunlaran,
kailangang gibain ang komunidad. Hindi ito malayong mangyari. Sunod-
sunod ang mga demolisyon sa Metro Manila ngayon.
Pero ang higit na trahedya ay ang kawalang-pakialam ng ilang
pedestrian. Ang kabiguan na maramdaman ang pighati ng kapwa. Ang di
pagtingin sa komunidad ng mahihirap habang dumadaan sa walkway sa
takot na makakita ng mga matang mabagsik ang lungkot. Ang paglamig
ng emosyon sa sinasapit ng maralita. Ang pag-alis sa malay na napadaan
siya sa komunidad ng maralita.
Hindi lang tayo pedestrian o pasahero kapag dumadaan
sa walkway ng Recto-Doroteo Jose. Tayo ay mga Pilipino din: mga
nagmamalasakit sa kapwa; galit dahil sa kahirapang nasasaksihan at
nararanasan natin; higit sa lahat, mga Pilipinong handang baguhin ang
lipunang binubuyangyang ang sugat ng pagkaagnas sa mata at matwid ng
publiko.
BAKIT HINDI MATALU-TALO
ANG NEW PEOPLE’S ARMY?

LAHAT NG REHIMENG NAGDAAN ay nagtangkang buwagin at talunin


ang New People’s Army (Bagong Hukbong Bayan). Lahat ay nagsabing
sila’y magtatagumpay. Lahat sila’y nabigo. Ano ang nasa likod ng
misteryong lakas ng NPA? Paano ito nagpunyagi sa nakalipas na limang
dekada? Walang sikreto maliban sa puspusang pakikibaka habang
sinusulong ang pulitika ng rebolusyon. Walang kakaibang doktrina
maliban sa paglingkuran ang sambayanan hanggang magtagumpay ang
pambansang demokratikong pakikibaka. Bakit hindi matatalo ang NPA?
Narito ang ilang dahilan….

1. Dahil ang hukbong bayan ay kakampi ng mga magsasaka sa


pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa. Sa minimum, binababa
ang upa sa lupa at pinatataas ang kita ng magsasaka mula sa benta ng
kanilang ani; at sa maksimum ay pamamahagi ng lupa. Kaya naman
ang masa kinupkop ang NPA bilang kaibigan, kaanak, at kasama.

2. Dahil tagapagtanggol sila ng kalikasan. Kalaban ng mapanirang


pagtotroso, malakihang pagmimina, at mga dayuhang korporasyong
nagkakalat ng dumi sa kapaligiran. Kaya hindi nakapagtataka kung
75

ang karaniwang tao ay sumasaludo sa malinis na rekord ng NPA.

3. Dahil ang NPA ay lubog sa pang-araw-araw na buhay ng


mamamayan sa kanayunan. Pwersang militar subalit mas abala sa
pagtulong sa bukid, gawaing produksiyon, at pagtataguyod ng mga
batayang serbisyo sa baryo tulad ng edukasyon, kalusugan, seguridad,
at patubig.

4. Dahil bahagi ito ng pagbubuo ng gobyernong bayan; haligi ng pulang


kapangyarihan sa mga pinalayang purok. Gobyernong may masaklaw
na teritoryo, nagtatakda ng sariling batas, nagtatayo ng mga paaralang
bayan at pagamutan. Pinagkakaisa ang hanay ng mamamayan upang
wakasan ang pamumuno ng mga oligarkiya sa bansa.

5. Sumbungan ng bayan. Ang orihinal na 911 at 8888 sa kanayunan.


Para sa mga problemang walang aksiyon ang burukrasya, idinudulog
sa NPA upang magkaroon ng mabilis na tugon at hustisya. Pwersang
nagpaparusa sa mga despotikong panginoong maylupa, abusadong
pulitiko, mabagsik na warlord, sundalong may utang na dugo, at
mga kriminal tulad ng mga magnanakaw ng kalabaw. Nagpapatupad
ng kaayusan, kapayapaan, at kumikilala sa pakikibakang masa sa
kanayunan.

6. Bihira o halos walang NPA na kinamumuhian ng masa. Minsan


ang tawag sa kanila ay ‘Nice People Around’. Bakit? Dahil may
disiplinang gabay ang NPA na ang tawag ay tres-otso. Halimbawa,
bawal magnakaw sa mga tinutuluyang pamayanan, isauli ang hiniram
sa masa, igalang ang mga kababaihan at matatanda, magbayad ng
tama sa bawat biniling produkto, at huwag manira ng pananim. At
kapag may labis sa gawi at paglabag sa alituntuning pangdisiplina,
malayang punahin ng masa ang NPA. At ang NPA marunong humingi
ng paumanhin sa komunidad.

7. Dahil isa itong rebolusyonaryong grupo na may rebolusyonaryong


tindig sa lahat ng usapin. Lagi itong may matalas na pagsusuri sa
kalagayan ng bansa at pandaigdigang ekonomiya. Pinag-uusapan pa
lang ang diborsyo at same sex marriage sa Kongreso samantalang
matagal na itong pinatutupad sa hanay ng NPA. Tagapagpadaloy ng
abanteng kultura at proletaryadong pananaw. Tagapagtaguyod ng
pambansang wika, linangan ng katutubong kultura.
76

8. Dahil ang kalabang pwersa nito ay pinamumunuan ng mga kurakot


at pulpol na heneral. Mismong opisyal ng estado ang nagbunyag na
may ‘pabaon generals’, at kamakailan ay pinangalanan ang mga heneral
na protektor ng mga drug lords. Pasista na nga, kurakot pa. Habang
bulag na sumasamba sa teknolohiyang pandigma ng Estados Unidos
at kakutsaba ng imperyalista sa pagmamaniobra sa pulitika ng bansa.

9. Dahil ang panlipunang krisis ay patuloy na lumulubha at walang


hinahaing signipikanteng solusyon ang mga nagdaang rehimen upang
tapusin na ang pananalasa ng imperyalismo, pyudalismo at burukrata-
kapitalismo. Tumitindi ang kahirapan at pambubusabos, patuloy na
tinataboy ang magsasaka sa kanyang lupang sinasaka, dinadahas ang
mga katutubo, at laganap ang kagutuman samantalang iilan lamang
ang gumiginhawa ang buhay at kumakamal ng yaman ng bansa. At
kapag lumaban ang mamamayan, kamay na bakal ang sagot ng estado.
Kahirapan at kawalan ng hustisya – ito ang di-nakikitang karahasan
na nagbibigay matwid sa pambansang demokratikong rebolusyong
binabandila ng NPA.

10. Dahil pulitika ng rebolusyon ang nangingibabaw na prinsipyo


ng NPA. Dahil sinasabuhay nito ang diwa ng Katipunan. Dahil
pinagpapatuloy nito ang laban nina Bonifacio. Dahil ginagabayan ito ng
teoryang Marxismo-Leninismo-Maoismo. Hukbong nasa kolektibong
pamumuno ng uring manggagawa. Mga gerilyang nakabase sa
kanayunan; nagpapalawak ng hanay at lakas bago ang paglusob sa
mga sentrong lungsod. Hukbong humamon sa diktaturyang Marcos,
hukbong nanatiling pwersa ng rebolusyon sa kabila ng mabangis at
sunod-sunod na militaristang atake ng estado, hukbong gerilya sa
isang bansang binubuo ng maliliit na isla. Hukbong nagpapakahusay
sa kasanayang militar habang nagpapakadalubhasa rin sa teorya’t
praktika ng digmang bayan.

11. Dahil sa panahon ng ligalig at nawawalang pag-asa, nananatiling


maningning na pwersa ng paglaban at pagbabago ang NPA. Hukbong
bayan ng mga inaapi, kalaban ng mga nang-aapi, at kumikilos
upang wakasan ang pang-aapi ng tao sa kapwa tao. Hukbong
may kumprehensibong tanaw at plataporma para sa panlipunang
pagbabago. Hukbong kasama natin sa pagpapalaya ng bayan. Hukbong
pwersang nakikibaka upang baguhin ang lumang mundo.
f
HALALAN
BAYANIHAN SA 2010

ILANG SEGUNDONG KATAHIMIKAN PARA sa mga nasalanta ng


bagyong Ondoy at Pepeng….
1
Ako’y naimbitahang magsalita tungkol sa responsableng papel
ng kabataan sa halalan. Napapanahon ang paksang ito dahil sa Pilipinas,
may tatlong panahon: Wet Season, Dry Season, at Election Season.
Walang duda, ramdam nating lahat ang papalapit na halalan.
Sinasabi nila, ang halalan ay pagkakataong bumoto ng
pagbabago. Tumpak. Pagbabago. Pero ang tanong naman ng ilan,
paano magkakaroon ng pagbabago kung madumi ang sistema; kung
namamayani ang dayaan, karahasan? Malalim ang ugat ng problema.
Wala na bang pag-asa? Mayroon. Kung gayon, ano ang solusyon?
Simpleng sagot sa mahalagang tanong: Bayanihan. Oo, bayanihan sa
2010. Hindi pwedeng ipakete ang solusyon; nakabatay dapat sa sama-
samang pagkilos ang ating sagot sa problema.
Paano ba magbayanihan? Hindi ba ang bayanihan ay pagbubuhat
at paglilipat ng mga bahay sa ibang lugar? Sa simpleng pakahulugan,

*Talumpating binigkas sa Olongapo City Convention Center


80

ang bayanihan ay pagtutulungan, pagsasama-sama para gumampan ng


isang gawain. Kinikilala ang bayanihan bilang kalakasan sa ating kultura.
Tumitibay ang pagkakaisa sa mga komunidad kapag may bayanihan.
Nitong nakalipas na linggo, nasaksihan natin ang isang bagong
bayanihan. Tatawagin ko itong Bayanihan 2.0. Sa totoo lang nagulat ako
sa nasaksihan kong bayanihan na ipinamalas ng bawat isa sa atin. Hindi
ko inaasahan na halos lahat ay tumindig, umaksiyon, nakipagkaisa para
maging bahagi ng bayanihang ito. Ang tinutukoy ko ay ang pambihirang
kabayanihan at kadakilaang ipinakita ng mga Pilipino sa harap ng
trahedyang sumambulat sa bansa noong isang linggo. Dapat ipagmalaki,
ipagbunyi, ipagpatuloy ang bayanihang nasaksihan natin.
Pagkatapos magbagsak ng mabigat na tubig-ulan si Ondoy,
halos buong kamaynilaan ay binaha. Lubog din ang mga karatig na
probinsiya. Mahigit 3 milyong katao ay apektado ng trahedyang ito.
Naging mabilis ang ating tugon. Agad nagvolunteer ang mga kabataan,
estudyante sa mga relief center. Sinimulan ang maraming relief drive
sa mga eskuwelahan. Nagdonate tayo ng mga damit, pagkain, gamot,
pera para sa mga biktima. Higit sa lahat, naglaan tayo ng oras, ng ating
lakas para tumulong. Nagrepack, nagbuhat, nagluto, namigay ng mga
relief goods. Nagpunta sa mga komunidad para magwalis, maglinis,
magkalkal ng basura, magtanggal ng putik sa kalsada. Nakita natin ang
pangangailangang tumulong kaya tayo ay mabilis na kumilos; at hindi
natin binigo ang mga umaasa sa kabataan.
Akmang-akma, matalino, epektibo ang paggamit natin ng
social media. Ginamit natin ang teknolohiya bilang kasangkapan para
pabilisin ang proseso ng pagbibigay tulong sa mga biktima ng baha. Sa
pamamagitan ng Twitter at Plurk, tinulungan natin ang mga awtoridad
kung anong mga lugar ang nangangailangan ng tulong. Saang mga lugar
ang mataas pa rin ang tubig baha; saan kulang ang mga relief; saan
kailangan ng relief truck, ng volunteers, ng relief goods. Nagpalitan ng
impormasyon sa internet kung anong tulong ang pinakakailangan sa
mga nabahang lugar. Pinalaganap natin ang mga artikulong naglalaman
ng mga datos na kailangan ng mga tao para sa kanilang kaligtasan. Tayo
ay nagtweet, nagretweet, nagplurk, nag-email, nagblog.
Nag-upload tayo ng mga litrato, video na nagpakita ng lawak
at lalim ng trahedya. Nakita natin sa Facebook ang iba’t ibang mukha,
anggulo ng sakuna. Dahil dito, naunawaan ng buong mundo ang ating
paghihirap kaya mabilis dumating ang tulong ng ating mga kababayan sa
ibang bansa. Bumuhos ang simpatiya para sa Pilipinas.
Pero alam ninyo, hindi ito ang buong istorya ng Bayanihan 2.0.
81

Ang mainam, ang kamangha-mangha, lumabas tayo ng ating mga bahay


para tumulong. Hindi lang online bayanihan; aktibo rin tayo sa offline
bayanihan. At ito ang pinakamahalaga. Nakipagkaisa tayo sa mga grupo’t
indibidwal na hindi natin kakilala para gumawa ng kabutihan.

Hindi lang tayo nagtweet para humingi ng relief goods. Nagtext tayo ng
mga kaibigan.Tumawag sa mga kamag-anak. Pumunta sa relief center.
Hindi lang tayo tumulong sa harap ng kompyuter. Higit na mahalaga,
nagbayanihan tayo, kasama ang mga kaibigan natin. Naputikan ang
ating damit, lumusong tayo sa baha, pinawisan tayo, nagbigay tayo ng
sakripisyo. Naging bahagi tayo ng isang kolektibong aksiyon. Sama-
sama, iisa ang hangarin, tumulong tayo sa ating kapwa. Hinangad nating
maging kapaki-pakinabang sa ating komunidad. Hindi kanya-kanya,
hindi mga indibidwalistang inisyatiba, hindi ako, ako, ako, mismo.
Ito ang makabagong bayanihan. Bayanihan 2.0. Gamit ang
modernong teknolohiya habang nagkakabit-bisig, nangangarap,
kumikilos para sa pagbabago. Ito ang bayanihan na kailangan natin sa
2010.
Bayanihan para labanan ang maduming sistema ng halalan.
Bayanihan para maging malinis, maayos, matagumpay ang halalan.
Nagkaisa tayo noong isang linggo para linisin ang putik sa kalye. Ngayon
naman magkaisa tayo para linisin ang putik sa gobyerno; at ipakain ang
putik na ito sa mga tiwaling pulitiko.
Kung naantig ang ating damdamin sa trahedyang dinulot
ni Ondoy at Pepeng, dapat higit tayong matakot sakaling magkaroon
ng kaguluhan sa 2010. Gamitin natin ang bayanihan para harangin
ang mga maitim na plano ng mga loko-loko sa gobyerno na sadyaing
gawing palpak ang halalan. Mas malaking trahedya kaysa sa Ondoy kung
hindi matuloy ang halalan o kaya’y manatiling madumi ang sistema ng
pagboto at pagbilang sa bansa. Higit na matinding krisis ang kamatayan
ng demokrasya.
Mahalaga na tayo ay maging mapagbantay, gamitin ang
imahinasyon para maunawaan ang trahedya na pwedeng humagupit sa
bansa sakaling maging bigo ang halalan.
Kailangang maging volunteers ulit tayo sa 2010. Kailangang
makipagkaisa ulit sa mga taong hindi natin kakilala. Mga taong
naghahangad din ng isang matagumpay na halalan.
Maging pollwatcher. Maglaan tayo ng oras, ng ating lakas para
tumulong. Magrepack, magbuhat, magluto, namigay ng pagkain sa mga
volunteer. Magpunta sa mga komunidad para walisin ang mga bumibili
82

ng boto, linisin ang voter’s list para mawala ang mga flying voters, ghost
voters at swimming voters. Magkalkal ng basura, ng baho ng mga sagad-
sagarang kahiya-hiyang kandidato.
Gamitin ulit ang teknolohiya bilang kasangkapan para gawing
mas sistematiko ang pagbabantay ng halalan. Gamitin ulit ang Twitter at
Plurk para tukuyin ang mga lugar na laganap ang mga kaso ng dayaan at
karahasan. I-maksimisa ang microblogging para malaman kung saang
mga presinto nangangailangan ng pansin; saan nagkalat ang mga goons,
saan ang bilihan ng boto, saan hinaharangang bumoto ang mga botante.
Gamit ang datos na ito, gumawa ng interactive map. Magpalitan ng
impormasyon sa internet kung anong aksiyon ang pinakakailangan sa
mga election hotspot. Mag-upload ng mga litrato, video na magpapakita
ng mga problema na may kinalaman sa halalan. Palaganapin natin ang
mga artikulong naglalaman ng mga datos na kailangan ng mga tao para
sa matalinong pagboto. Tayo ay magtweet, magretweet, magplurk, mag-
email, magblog.
Kumpletuhin natin ang Bayanihan 2.0. Lumabas tayo ng
ating mga bahay para bumoto at maging volunteer. Hindi lang online
bayanihan; dapat aktibo rin tayo sa offline bayanihan sa 2010.
Hindi lang tayo magtweet para manawagang bumoto. Magtext
tayo ng mga kaibigan.Tumawag sa mga kamag-anak. Pumunta mismo
sa presinto. Huwag lang maging aktibo sa harap ng kompyuter. Higit
na mahalaga, magbayanihan tayo, kasama ang mga kaibigan natin.
Kung kinakailangang lumusong sa baha at maputikan ang damit
para makaboto, gawin natin. Magsakripisyo. Maging bahagi ng isang
kolektibong aksiyon. Sama-sama, iisa ang hangarin, tumulong tayo sa
ating kapwa, sa ating komunidad, sa ating bansa.
Bayanihan 2.0 laban sa dagdag-bawas.
Bayanihan 2.0 laban sa guns, goons, gold.
Bayanihan 2.0 laban sa warlords, druglords, jueteng lords.
Bayanihan 2.0 para sa eleksiyon na may kredibilidad.
Bayanihan 2.0 para sa pagbabago.
PAGBABAGO PARA SA PILIPINO

MARAMING CHANGE NGAYON: CHARTER Change, Character Change,


System Change, Sex Change, Change of Citizenship. Kayo, anong change
ang gusto ninyo?1
Sa pangkalahatan, hangad natin ang pagbabago. Mga emperador
at diktador lang ang may ayaw ng pagbabago. Dapat lang na manawagan
tayo ng pagbabago; at inaasahan natin na kabataan ang manguna sa
panawagang ito. May karapatan tayong maging ideyalista, mapangahas,
matapang. Maging pilyo at suwail paminsan-minsan.
Anong pagbabago ang dapat nating ipaglaban? Pagbabago na
kailangan natin. Pagbabago para sa magandang kinabukasan. Hindi
ampaw na pagbabago. Hindi atrasadong pagbabago.
Lahat ng bagay nagbabago. Kayo ang magsabi kung mabuti o
masama ang sumusunod:

Noon, bigas ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino.


Ngayon, bigas at instant noodles. Kahit sa mga eskuwelahan, instant

*Talumpating binigkas sa UP Integrated School


84

noodles ang pinapakain sa mga bata.

Noon, ang mga mahihirap ay walang pera pero dalawa ang kanilang
kidney.
Ngayon, ang mga mahihirap ay wala pa ring pera pero isa na lang ang
kanilang kidney.

Noon, ang mga nurse ay nag-aaral ulit para maging duktor.


Ngayon, ang mga duktor ay nag-aaral ulit para maging nurse.

Noon, bukas ang mga bar, disco, at restaurant sa gabi.


Ngayon, bukas ang mga bar, disco, at restaurant sa umaga dahil ito
ang uwian ng mga call center agent.

Noon, kapag ngumiti ang isang tao, may kislap ang kanyang mata,
buong giliw ang kanyang ngiti.
Ngayon, kapag ngumiti ang isang tao, walang emosyon ang kanyang
mukha dahil sa…botox.

Noong 2001, ang yaman ni President Gloria Arroyo ay P67 milyon.


Ngayon, ito ay P143 milyon. Tumaas ito ng 114 percent.

Noon, ang simple dinner ay pagpunta sa isang mumurahing


carenderia o restaurant.
Ngayon, ang simple dinner ay nagkakahalagang $20,000 sa isang
restaurant sa New York.

Malaki ang kinalaman ng pamahalaan sa mga pagbabagong


naganap, nagaganap, at magaganap sa bansa. Kaya dapat lang na piliin
natin nang husto ang mga taong iniluluklok natin sa gobyerno. Dapat
sa 2010, pumili tayo ng bago. Ibig sabihin, hindi pwedeng saktan,
batuhin at hawakan ng mahihirap ang 'malilinis na tao' na naglalakad
sa walkway.
Alam kong hindi pa kayo botante pero marami kayong
magagawa para maging malinis ang darating na halalan. Noong 1986
maraming NAMFREL volunteers ay mga high school student. Sa
2010 kailangan natin ng pollwatcher na may batayang kaalaman sa
information technology. Kailangang turuan ninyo ang mga nakakatanda
kung paano ba ang pagboto at pagbilang sa poll automation system.
Pwede pakibanggit din kung ano ang partylist system.
85

Sabihan ninyo ang inyong mga ate, kuya, magulang, kaibigan


at mga kamag-anak na hanggang Oktubre 31 na lang ang deadline para
sa voters’ registration. Aabot sa 40 bahagdan ang kabataang botante na
may edad 18-35. Humigit-kumulang limang milyon ang first-time voters.
Ito ay malaking bilang. Isang milyon lang ang lamang ni GMA kay FPJ.
Sa 2010 pwedeng idikta ng kabataan ang resulta ng halalan…kung
rehistrado at boboto ang mga kabataan.
Kaso sabi ng mga PR firm, wala raw youth vote. Hindi raw kasi
bumuboto ang mga kabataan. Patunayan nating mali sila. Pero ako ay
naniniwala na may youth vote. Sinuportahan ng mga kabataan si Cory
noong 1986. Mga kabataan ang bumoto kay Miriam Santiago noong 1992.
Naging pangatlo sa halalan si Roco noong 1998 dahil sa mga kabataan.
Naging senador sina Chiz Escudero, Alan Cayetano, at Antonio Trillanes
dahil tinulungan sila ng mga kabataan.
Kailangang bumoto sa araw ng halalan. Bakit? Dahil sa araw ng
halalan, tayong lahat ay pantay-pantay. Mayaman ka man o mahirap, may
pinag-aralan ka man o wala, taga-UP ka man o hindi, ang boto natin ay
iisa ang bilang. Sa 364 na araw, makapangyarihan ang mga pulitiko, pero
sa araw ng halalan (lalo na sa nag-iisang araw na ito),, makapangyarihan
ang mga botante.
Bilang kabataan, bilang estudyante, pwede kayong magbalangkas
ng youth agenda. Criteria sa pagpili ng mga kandidato. Hamunin ninyo
sila, kami. Interesado tayo sa plataporma ng mga kandidato; hindi sa
kanilang infomercial, kasintahan, kayamanan, o magulang. Ano ang
kanilang adyenda para sa edukasyon? Ano ang solusyon sa korupsiyon?
Ano ang alternatibong programa para iahon ang ekonomiya?
Kailangang labanan rin natin ang maduming sistema ng halalan.
Ayaw na natin ng 6G sa halalan – Guns, Goons, Gold, Garci, Generals at
Gloria. Dapat hindi na gamitin ang KBL ng mga lokal na kandidato –
Kasal, Binyag, Lamay. Gusto natin ng mga makabuluhang proyekto, hindi
lang dapat 4B – Basketball Court, Basurahan, Bingo at Beauty Contest.
Kailangang ilampaso ang Theory of Relativity ng mga pulitiko. Na kapag
ikaw ay aking relative, ikaw ay tama, magaling at pwedeng ilagay sa
posisyon. Huwag bumoto ng mga pulitiko na magiging miyembro lang
naman ng Committee of Silence.
Sa Senado, may majority bloc, may minority bloc, at may
entertainment bloc. Trapo ang tawag sa mga makalumang pulitiko.
Ngayon sila ay Transpo o Transactional Politicians. Kung may chacha,
may tango. Tinatawag itong politics of ta-ngo. Tango nang tango ang
trapo kapag kausap ang botante. Hindi himihindi ang pulitiko tuwing
86

halalan. Paano lalabanan ang ganitong sistema? Paano magkakaroon ng


pagbabago? Magsimula muna tayo sa pinakamadali at pamilyar sa inyo.
Ang sabi nila tayo ay nasa Information Age na raw.
Makapangyarihan ang impormasyon, kaalaman. Kung gayon,
dapat maging masigasig upang magpalaganap ng bagong kaalaman
sa lipunan. Pakikinggan ng publiko ang inyong tinig dahil kayo’y
kabataan. Magpadala ng mga letter to the editor sa mga magasin at
dyaryo; magsulat sa Youngblood ng Inquirer. Makinig sa AM radio
paminsan-minsan. Sulatan ninyo ang mga pulitiko (huwag naman
solicitation letter sa lahat ng panahon) at iba’t ibang ahensiya ng
pamahalaan. Kung hindi kayo magrereklamo, walang aksiyong
maaasahan. Kung hindi kayo magsasalita, sino ang magsasalita para
sa inyo?
Gamitin ninyo ang teknolohiya para sa ating kampanya para
sa isang malinis na halalan. Ang cellphone at internet ay hindi lamang
para sa mga sex scandal at pornograpiya. Bisitahin ang blog at website ng
mga kandidato; suriin ang kanilang programa. Mag-iwan ng komento.
Magblog tungkol sa reaksiyon ninyo sa mga nangyayari sa ating lipunan.
Alamin kung ano ang saloobin ng ibang kabataan sa ating bansa sa
pagbabasa ng kanilang mga personal na blog.
Gumawa ng mga online petition. Basahin ang mga news
website. Pumunta sa Google Map at Google Earth; hanapin ang bahay na
binili ni Mikey Arroyo sa California. Alamin kung gaano kalaki sa mapa
ang hasyenda ng mga Arroyo sa Negros.
Bago ipataw ang tax sa text, bago mawala ang unlimited texting,
magtext ng mga political quote. May m-governance tayo: ibig sabihin
pwede ang text para magreklamo sa mga ahensiya ng pamahalaan.
Nakakatulong ang text jokes para batikusin ang mga tiwali at loko-loko
sa gobyerno.
Marami pang pwedeng gawin sa internet sa pamamagitan ng
inyong mga blog, Twitter, Plurk, at Facebook. Kaso ayokong i-endorso
sa lahat ng panahon ang virtual activism. Minsan kasi kuntento na
ang marami na kumilos para sa pagbabago sa harap ng kompyuter.
Dumarami ang mga kabataang naniniwala na posible ang pagbabago
sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga advocacy o cause sa kanilang
Facebook. Hindi na sila lumalahok sa mga pulitikal na aktibidad dahil
pinanonood na lang nila ito sa Youtube o kaya’y binabasa na lang sa mga
blog o mga tweet sa Twitter. Noong 2001, ang sigaw ng tao ay People
Power sa EDSA. Ngayon, ang sigaw ng kabataan ay People Power sa…
Facebook.
87

Sa YM at gmail pwede kang maging invinsible kahit nandoon ka


naman. Pwede kang maging busy kahit hindi ka busy. Ganito rin ba ang
ginagawa natin sa ating tunay na buhay? Gusto nating maging invinsible
sa harap ng samotsaring problema sa ating paligid? Kunwari busy tayo
kaya wala tayong panahon para sa mga isyung panlipunan.
Kapag tayo ay nasa cyberspace, expert tayo sa multitasking.
Pwedeng bukas ang ating email habang may bukas na window rin para
sa Facebook, Friendster, Multiply, Youtube, at mayroon tayong tatlong
ka-chat – habang bukas ang TV sa bahay; at habang may binabasa
tayong libro para sa ating homework. Hindi sa lahat ng panahon uubra
ang multitasking. Nakakagulo ito ng utak. Hindi maganda sa kalusugan.
Dapat may pokus. Dapat may prayoridad. Sana isama ninyo sa
multitasking, sana kasama sa prayoridad ang paglutas ng mga problema
sa ating komunidad.
Dahil sa teknolohiya, mabilis at instant ang access natin sa
impormasyon. Kapag may tanong, i-google. Kapag may kailangang
dokumento, i-download. Kapag may ipapakitang dokumento sa iba,
i-upload. Google. Download. Copy. Paste. Save. Print. Click. Left click.
Right click. Double click. Ganyan kadali ang buhay sa internet.
Pero wag ninyo sana isiping ganyan din kadali ang totoong
buhay, lalo na sa pulitika, lalo na kung nais nating baguhin ang mundo.
Sa totoong buhay, hindi instant ang sagot sa mga tanong. Hindi pwedeng
i-download ang solusyon sa ating mga problema. Hindi pwedeng
nakaharap ka lang sa kompyuter. Kung gusto natin ng pagbabago, may
katumbas itong sakripisyo. Laging matagal ang paghihintay ng resulta.
Minsan, walang resulta ang ating pagod. Laging may kabiguan. Pero
dapat maging mapagpasensiya, masusing inaaral ang sitwasyon, at
sumasangguni sa kapwa. Pinag-uusapan sa grupo ang mga problema.
Sa kompyuter, kapag may problema ang hardware o software,
pwedeng i-restart, i-reboot, lagyan ng anti-virus. Sa totoong buhay
pwede rin ang restart at reboot pero kailangan mayroon kang tamang
aktitud at disposisyon sa buhay na ito’y tanggapin. Mahaba ang prosesong
ito. Kapag naghang ang ating mga kompyuter, napapamura na tayo. Sa
totoong buhay, laging naghahang ang mga plano natin. Dapat lagi tayong
nakahanda sa anumang aberya.
Huwag nating gayahin si lola techie ng Bayan DSL ad: isang
matalino’ aktibong lola pero nilalaan ang oras sa harap ng komyuter.
Ito ay isang malungkot na buhay. Celebrate life, not virtual life. Social
interaction, hindi virtual interaction. Heal the world, not the cyberworld.
Noon, nagbabasa pa ang mga estudyante. Nagpupunta sa library
88

para magresearch. Nangongopya ang iba. Ngayon hindi nagkokopyahan


pero pare-pareho ang sagot dahil sa Wikipedia.
Noon, marami tayong kaibigan sa totoong mundo. Ngayon,
marami tayong kaibigan sa Friendster at Facebook. Ilan dun ang tunay
nating kaibigan?

Noon nag-uusap pa ang mga tao sa kalye. Ngayon nakatutok ang


ating atensiyon sa cellphone, ipod, at PSP habang nasa byahe.
Noon nagyayakapan ang magkakaibigan, naghahawakan ng kamay,
naghahalikan ang mga tao, nagkakapit-bisig. Ngayon bawal maghawakan
ng kamay sa simbahan, bawal ang beso-beso, kadiri hawakan ang kamay
ng ibang tao dahil sa Swine Flu
Ano ang epekto nito sa isip ng mga bata, ng mga kabataan?
Dahil nasa aking mga kamay ang kaalaman, dahil kaya kong i-download
ang lahat ng sagot sa aking tanong, ako ay makapangyarihan. Hindi ko na
kailangan ang iba. Kumpetisyon, indibidwalismo, imbes na bayanihan.
Kaya para sa ilan, ako mismo ang kikilos para sa pagbabago. Ako mismo
ang magliligtas ng mundo. Ako, ako, ako. Me na me. Myspace.
Pero kung ako ang inyong tatanungin, dapat tayo mismo, sama-
sama kasama ang masa. Sabi nga sa High School Musical, 'we’re all in this
together.'
Maraming problema ang ating bansa tulad ng kahirapan,
kagutuman, korupsiyon. Maraming hinahapag na solusyon ang iba’t
ibang tao, maraming inisyatiba, maraming pag-aaral. Pero kulang sa
aksiyon. Bilang kabataan, ang tungkulin natin ay kumilos. Mag-aral,
maglingkod, kumilos para sa pagbabago.
Ang sabi ng ilang marketing firm, 7C ang pangarap ng
mga kabataan ngayon: career, car, cash, credit card, country club,
condominium, citizenship. Nakilumutan nila ang ikawalong C (hindi
condom, charter change) – the Filipino youth also clamor for change.
At para magkaroon ng tunay na pagbabago, kailangan ng
sama-samang pagkilos. Pana-panahon, isarado ang kompyuter, ilagay sa
bulsa ang cellphone at iPod, iuwi ang PSP, at sumama sa mga pagkilos
sa kampus, simbahan, komunidad, at maging sa kalye. Tayo mismo ang
kikilos para sa pagbabago. Ayon sa Wonder Girls, 'nobody nobody but
you.' Sa Filipino, wala nang iba, wala nang iba kundi ikaw. Wala nang iba,
wala nang iba kundi tayo.
WIKA NG HALALAN

SA PILIPINAS MAY TATLONG panahon: wet season, dry season, at


election season. Pero para sa ibang pulitiko, dalawang panahon lang 'yan:
eleksiyon at paghahanda sa eleksiyon. Hindi nakapagtataka, kung gayon,
na umusbong sa bansa ang paggamit ng mga salitang may kinalaman
lamang sa halalan. Ano-ano ang mga salitang ito? Ano ang gamit at
katangian ng wika ng halalan?

Maaari nating ikategorya ang wika ng halalan sa tatlo:

1. Mga salita ukol sa proseso ng halalan;


2. Mga salita ng pangangampanya; at
3. Mga salita na ginagamit ng kandidato para sa name recall.

Kadalasan mga Pilipino lamang ang nagkakaintindihan kapag


ginagamit ang wika ng halalan. Ito ay mga salitang tumutukoy sa
partikular na karanasan ng mga Pilipino sa halalan. Minsan ang mga
hiniram na salita mula sa ibang bansa ay nagkakaroon ng bagong gamit.
90

Halimbawa: Presidentiable. Hindi ito salita sa wikang ingles pero ginamit


ng mga Pilipino para tukuyin ang mga kandidato sa pagkapangulo ng
bansa. Gayundin ang salitang senatoriable para naman sa mga nais
maging senador. Ang salitang sortie sa wikang ingles ay may kinalaman sa
operasyon ng militar. Sa Pilipinas, ang sortie ay tumutukoy sa kampanya
ng mga kandidato o partido.
Noong 2004 naging salita ng tao ang canvass na minungkahi ng
iskolar na si Randy David. Eto ang ilang bahagi ng kanyang paliwanag:
“Sa kasalukuyang takbo ng ating politika, mapapansin ang unti-
unting paglalaho ng isang kahulugan ng canvass na dati nang bahagi
ng lumang gamit nito: ang masusing pagsisiyasat at pagtatalo ukol sa
katotohanan ng mga dokumento ng botohan. Ang kahulugang pumalit
at nangibabaw ay pagsusuma, pagtatala, o paghahanay ng mga boto, na
dati nang wala sa mga kahulugan ng salitang ito.
“Nitong nakaraang eleksiyon, pagkatapos tingnan kung
kompleto ang mga pirma at kung malinaw ang pagkakasulat ng mga
resulta sa “certificates of canvass,” isa sa mga miyembro ng Congressional
o National Canvassing Committee ay nagsabing, “I move to canvass.”
Malinaw sa ganitong gamit na ang katumbas ng salitang canvass para sa
kanila ay pag-tabulate o pagsusuma.”
Mali ba na binigyan ng bagong kahulugan ng mga Pilipino
ang ilang salita ng wikang ingles? Hindi. Dahil ang wika ay dinamiko at
patuloy itong nagiging makabuluhan hangga’t ginagamit ng tao. Kaya sa
tingin ko mali ang Xerox nang ito’y magreklamo kung bakit xerox ang
ginagamit na salita ng mga Pilipino imbes na photocopy. Ang Xerox na
pangalan ng isang kumpanya ay naging xerox na tumutukoy sa photocopy
dahil sa malawak na pag-angkin ng salita ng komunidad. Hindi dapat
magalit ang Xerox, dapat pa nga itong matuwa.
Isa pang katangian ng wika ng halalan ay ang karaniwang
paggamit ng acronym. Nagiging mas mabilis ang usapan kapag may gamit
na acronym. Minsan nakakabuti rin ito sa seguridad ng mga kandidato
o partido. Para sa media, nakakatipid ito ng espasyo o air time. Imbes na
Operation Dikit (ng mga poster), OD na lang ang ginagamit. Bukal para
sa Provincial Board Member. ACOR ay area coordinator samantalang
BACOR para sa Barangay Coordinator. Acronym din ang gamit para sa
pangalan ng mga kandidato o pulitiko o partido: PGMA, FVR, LAKAS-
NUCD, FM, JPE, NPC.
Lumalabas din ang ugaling mapagpatawa ng mga Pilipino sa
wika ng halalan. Ang Partido Lakas Kampi ay naging PALAKA. Trapo
(basahan) ang tawag sa tradisyunal na pulitiko. Ang kontrobersiyal na
91

recording sa pagitan ng isang taga-Comelec at kandidato ay binansagang


Hello Garci scandal noong 2005. Naging ringtone pa nga ito. Nagagamit
ang text jokes para batikusin ang mga kilalang personalidad. Nagpapatawa
pero nag-iiwan din ng kirot o pitik ang wika ng halalan. Hindi ba, Ben’s
Burjer?

PROSESO

Ngayong taon unang beses magkakaroon ng AES o Automated Election


System sa buong bansa. Smartmatic ang partner ng Comelec kaya ang
biro Commission on Smartmatic na ang bagong pangalan ng Comelec o
Cosmetic. Hindi pa nasusubukan sa bansa ang PCOS o Precinct Count
Optical Scan, ang makinang gagamitin sa halalan kaya marami ang
nangangamba kung magtatagumpay ba ang poll automation. Tapos ayaw
pang ilabas sa publiko ang source code na gagamitin sa halalan. Baka ang
Hello Garci ay maging Cyber Garci. Baka ang dagdag-bawas ay maging
Automated Cheating.
Hindi na isusulat ang pangalan ng kandidato kundi lalagyan
na lang ng shade ang oval sa gilid ng pangalan ng kandidato. Pero mas
pinasikat ng Sexbomb ang paalalang lagyan ng shade ang bilog na hugis
itlog. Kaya may mga pilyong kandidato na kung mangampanya ay
sinasabing “bilugan ang itlog ni ___________”
Umaasa ang marami na mababawasan ang dayaan dahil hi-
tech na ang pagboto. Tapos na ba ang career ng mga lansadera – ang
pagsusulat sa balota ng ibang botante. Hindi na ba makakalipad ang mga
flying voter? Pero buhay na buhay pa rin ang mga zombie voter. Tiyak
tuloy pa rin ang vote buying. May tinatawag na technical vote buying: ang
pag-upa ng sobra-sobrang bilang ng mga pollwatcher para makuha ang
boto ng pamilya ng pollwatcher.
Sino ang mas kapani-paniwala: SWS o Pulse Asia? Patuloy na
nag-aaway ang Namfrel at PPCRV; buti na lang matatag ang Kontra
Daya. At mahigpit ang pagbabantay ng Cenpeg.

KAMPANYA

Kapag may OD, dapat banig o dikit-dikit ang mga poster. May isang
pulitiko ang tawag niya sa postering ay plastering. Uso ngayon ang mga
tarpaulin. Mag-ingat sa operasyon baklas ng MMDA, Comelec, at ng
mga katunggaling kandidato.
92

MPT o rekorida ang pag-iikot ng sasakyan na may malakas na sound


system para sa pagtugtog ng (plagiarized) jingle ng kandidato. Mahalaga
ang motorcade para maabot ang maraming botante. Mainam din ang
tricycle caravan o padyak. Pinakamabisang paraan ng pangangampanya
ang House-to-House kasi may pagkakataong makausap at makumbinsi
ang mga botante. Dapat maraming volunteers para sa leafleteering at gift-
giving.
Kapag nag-uusap ang kandidato kasama ang kanyang campaign
team, natatalakay ang candidate awareness, vote conversion, single
voting, bloc voting, flock voting (lalo na ang boto ng Iglesia), solid votes,
at nego votes (negotiated votes). May administration vote, opposition
vote, protest vote, at sympathy vote. Ang single voting ay katumbas
'yan ng junking. Nakukumpirma ang junking kapag lumabas na ang
sample ballot ng mga partido. Kadalasan lumalaro ang mga kandidato:
nakikipag-usap kahit sa mga kalabang partido. Kadalasan din hindi nag-
eendorso ang kandidato para maging free zone ang lugar at hindi siya
pag-initan ng mga bigating pulitiko.
May dirty tricks department ang mga partido. Dito niluluto ang
black prop (at kahit gray prop) na gagamitin laban sa kalaban. Bahagi
nito ang guns, goons, gold. Marami kasing pulitiko, lalo na sa probinsiya,
ang may sariling private army. Mga warlord, landlord, druglord at
jueteng lord na mahilig manindak ng botante. Mag-ingat sa pagtanggap
ng pekeng pera, nagkalat 'yan ngayong halalan.
Hindi naluluma o nawawala sa uso ang Miting de Avanse.
Pagkakataon ito upang magpakita ng lakas at gilas ang kandidato at
partido. Napapatibay din ang loob ng mga taga-suporta.

KANDIDATO

Huwag maliitin ang mga islogan. Kahit minsan corny, may epekto ito
sa pag-iisip ng mga botante. Hindi tanga ang mga kandidato. May balak
silang likhaing opinyon o emosyon sa publiko.
Noong 1993 ang islogan ni Bill Clinton ay “It’s the economy,
stupid!” Naging epektibo ito upang isipin ng tao na ekonomiya ang isyu
na dapat pag-usapan sa halalan at hindi gera sa Iraq. Nanalo si Clinton.
Epektibo rin ang “Erap para sa Mahirap” na ginamit ni Estrada noong
1998. Ramdam noon ang hagupit ng 1997 Asian Financial Crisis.
Ngayong patuloy na sumisirit ang ekonomiya dulot ng 2008
Global Financial Crisis, magiging matagumpay pa rin kaya ang “Erap
93

para sa Mahirap” o mas matunog ba ang “Tatapusin ang kahirapan” ni


Villar, o “Kung walang corrupt, walang mahirap” ni Noynoy, o “Mabilis
na pag-ahon” ni Gibo?
Dahil tumatakbo rin sa pambansang lebel ang mga senatoriable,
susi rin sa kanilang tagumpay ang matalinong pagpili ng islogan. “Kapag
bad ka, lagot ka” ni Joker. “Huwag matakot, stop kurakot” ni Lacson.
“Ang gara ng buhay” ni Angara. Ngayon ang sabi ni Enrile, “Gusto ko
happy ka” – wasto ito para makalimutan ng tao na siya ay 86 taong gulang
na.
Para sa name recall, mahalaga ang tagline. Amigo ng bayan si
Zubiri. Tol si Mike Defensor. Pro-Pinoy si Pichay. Justice Man si Bello.
Mr. Palengke si Mar. Korekto si Recto. Captain Barbell si Bong Revilla
noong 2004, ngayon siya ay Panday. Anak ng Masa si Jinggoy. Dirty
Harry si Lim. Magdalo si Trillanes. Gabriela ng bagong panahon si Liza
Maza. Transformers si Gordon at Bayani.
Noong tinanong si Budget Secretary Rolando Andaya kung
bakit ayaw niyang tumakbong senador, ang sabi niya ay wala naman
siyang sikat na apelyido tulad ng Recto, Osmeña, Legarda, Roxas o
Macapagal. Tama siya. Noong unang tumakbong senador si Ramon
Revilla Sr., hindi Revilla ang ginamit niyang apelyido kundi Bautista.
Natalo siya. Mula noon, pinalitan niya na ang kanyang apelyido. Eto
siguro ang dahilan kung bakit posibleng manalo ang mga kandidatong
may kilalang apelyido tulad ng Pimentel, Biazon, Mitra, Lozada, Roco,
Guingona, De Venecia, at Lacson.
Sa lokal na halalan, ramdam na ramdam ang sobra-
sobrang pagmamahal ng mga kandidato sa kanilang pangalan. Bawat
pampublikong programa o serbisyo ay may katumbas na inisyal batay sa
pangalan ng kandidato. Pilit na tinutugma ang lahat ng greeting materials
sa pangalan ng pulitiko. Halimbawa, SB sa Quezon City, LIM at Atin Siya
sa Maynila, BF sa Marikina. Kakaiba si Mayor Rekom ng Caloocan dahil
ang kanyang logo ay smiley na may bigote.
Dahil sa poll automation, hindi lang apelyido ang nakalagay
sa mga poster. Mahalaga ngayon ang mga numero. Halimbawa, si Satur
Ocampo ay number 37 sa balota at number 152 naman ang Kabataan
Partylist.
Ang sistemang partylist, nakakalungkot mang isipin, ay labanan
sa pagiging una sa balota. Kaya imbes na pagandahan ng plataporma,
nagiging pagandahan ng pangalan. Kaya karamihan ng partylist,
nagsisimula ang kanilang pangalan sa 1 o A.
94

WIKA AT HALALAN

Ano ang silbi ng wika sa halalan? Pwede itong magbuklod sa komunidad


(“Tama na, Sobra na, Palitan na” noong 1986). Pwede itong magtakda
ng pambansang adyenda (People Power Coalition laban sa Puwersa ng
Masa noong 2001). Pwede itong mangalap ng boto (Boses ng Masa ni
Kabayan Noli). Pwede itong magamit sa negatibong pangangampanya
(Villaroyo, Arroyoquino, C5 at tiyaga, Mama at Papa). At kadalasan,
pwedeng magamit upang linlangin ang publiko. Sa halalan at sa pulitika,
ang katotohanan at kasinungalingan ay mahirap pag-ibahin.
Ang wika ng halalan ay pulitikal. Mula pagpaparehistro
hanggang pagboto, pulitikal agad ang bisa ng mga salitang may kinalaman
sa halalan. Dahil ito’y pulitikal, lagi itong may pag-anib sa isang puwersa,
pabor man o hindi sa dominanteng partido o uri sa bansa.
Dapat gamitin ang wika upang patingkarin ang pag-asam ng
taong bayan sa tunay na pagbabago. Kaso mas madalas, ginagamit ng
mga reaksiyunaryo ang wika para sa kanilang pansariling interes. Kahit
ang radikal na konsepto ng pagbabago ay nauuwi lamang sa pagbabago ng
lider tuwing halalan. Dapat hamunin ang dominasyon ng mga malalaking
partido at makapangyarihang mga pulitiko sa pagtakda ng mga salitang
gagamitin sa halalan. Dapat lagyan ng progresibong nilalaman ang mga
palamuting salita na ginagamit sa halalan.
Hindi pangarap. Hindi simpleng panata. Hindi nostalgia.
Hindi TV soundbytes. Pagbabago. Pag-asa. Pakikibaka. Rebolusyon.
Makabayan. Makamasa.
PAGMUMUNI-MUNI
NG ISANG KANDIDATO

NAIKOT KO ANG KALAKHAN ng ating bansa. Nakilala ko ang


maraming tao. Nakausap ko ang maraming kabataan. Marami akong
napatunayan. Lubhang napakayaman ng ating bansa. Tunay na natatangi
ang ating yamang-likas. Napakabuti ng ating mga kababayan. Kaya
nakakahinayang at sa kabila ng ating angking yaman, mayorya ng mga
Pilipino ay naghihirap.1
Kung dito lang tayo maglalagi sa Maynila, maaari nating isipin
na napakadumi, mabaho, masikip at wala ng pag-asa ang bansa. Pero
higit na makabuluhan, ngunit di pinapansin, ang mga nagaganap sa
ating mga probinsiya. Sila ang higit na pinagkakaitan ng biyaya sa ating
lipunan.
Maaaring marami sa atin ang problema ay mabigat na trapik,
mabagal na internet connection, ang nakakadisappoint na Playstation
3; pero marami sa ating mga kababayan ang kanilang iniisip araw-araw,
oras-oras, ay kung saan sila maghahanap ng pagkain para sa kanilang
mga anak. Habang tayo ay inaaliw nina Ruffa Guittierez, Gretchen

*Talumpating binigay sa De La Salle-Greenhills, 27 Hunyo 2007


96

Barreto at Paris Hilton, ang pinagkakaabalahan ng marami sa ating bansa


ay paghahanap ng pera para pambili ng mahal na gamot, upa sa bahay at
damit para sa mga bata.
Sa aking paglilibot, nasaksihan ko ang mukha ng kahirapan:
kagutuman. Hindi ba’t ito’y lubhang nakakalungkot? Perlas ng silangan
pero walang makain ang mga tao. Nag-iisang Kristiyanong bansa sa Asya,
at di ba’t ang turo sa atin ay 'love thy neighbor', pero marami tayong mga
kapitbahay na pinagkakaitan natin ng tulong.
Masaya ang marami noong eleksiyon. Lahat ng pulitiko ay
namimigay ng pera. Kahit ako, isang hamak na partylist candidate, ay
hinihingian ng limos. Ganyan kalala ang kahirapan sa bansa. Ganyan
kababa ang pagtingin ng mga tao sa ating mga lider.
Mula Luzon hanggang Mindanao, ang daming kuwento ng
korupsiyon, pandaraya, karahasan at pang-aabuso. Si mayor nagpatayo
ng palengke pero binulsa ang pera. Si gobernador nagpatayo ng kalsada
pero kalahati lamang ang tapos. Kandidato para sa konsehal pinaslang.
Asawa ng kandidato dinukot. Guro sinunog. Mga nawawalang COCs.
Hello Garci noon. Hello Bedol ngayon.
Kahit ang militar ay nakialam sa halalan. Nagdeploy ng sundalo
sa mga komunidad dito sa Metro Manila. Ginawa nila ito upang takutin
ang mga taong sumusuporta sa mga progresibong grupo. Dalawa sa
aming pollwatcher sa Camarines Norte ang dinukot, saka pinaslang.
Marahas, madumi, mabangis ang halalang nagdaan. Hindi
nakapagtataka’t marami sa mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan ang di
aktibong lumahok sa halalan.
Kaso marami sa atin ang hindi nakuhang magalit sa halalang
naganap. Ang pandaraya at karahasan ay pambabastos sa esensiya ng
demokrasya. Nakakabahala ang pahayag ng ilan na natural lang naman
daw ang korupsiyon, pandaraya, karahasan tuwing halalan. Ganito na ba
kalabnaw ang ating pagpapahalaga sa ating demokrasya?
Ayaw ko sumali sa korus na pinapalutang sa mas midya na
matured na raw ang ating mga botante. Hindi na raw tradisyunal ang
eleksiyon. Hindi na raw uubra ang pagtakbo ng mga artista. Oo, may
nanalong pari, sundalo at pilay sa eleksiyon. Pero kalakhan pa rin ng
mga pulitiko ay mga tradisyunal o warlord. Marami pa ring asawa,
anak, kapatid, kamag-anak ng mga magreretirong pulitiko ang nanaig sa
halalan. Limang G pa rin ang kailangan para manalo: guns, goons, gold,
garci and generals. (isama ang pang-anim, si Gloria).
Tapos na ang halalan. May nanalo, natalo, nandaya at nadaya.
Ibig sabihin, tuloy ang buhay sa enchanted kingdom. Tuloy na ang mga
97

demolisyon (lalo na sa Maynila), pagtaas ng presyo ng langis, jueteng at


kalakalan sa droga. Masaya na ulit ang mga nangogotong: sa kalsada man
'yan o sa Commission on Appointments.
Ngayon na ang panahon para maghanda sa halalang 2010.
Gawing moderno ang halalan. Palitan ang namumuno sa Comelec.
Ipagbawal ang mga dinastiya. Patatagin ang political party system. Higit
sa lahat, kailangan natin ng pagpapanibagong-hubog sa kultura, gawi, at
praktika sa usaping pampulitika sa bansa.
Sa inyong lahat, mga susunod na lider ng ating bansa, matuto
kayo sa mga kamalian namin ngayon. Sana’y higit ninyong bigyang
pansin ang problema ng ating lipunan.
f
SEKTORAL
NA LABAN
ANG LUMALABANG LUMAD
BILANG TANGLAW NG MINDANAO

SA SUSUNOD NA LINGGO, ipapalabas na ang inaabangang huling


installment ng pelikulang Hunger Games. Sa pelikula, lumusob sa Capitol
ang mga nakatira sa District 12 at iba pang inaaping distrito ng Panem.
Sa isang banda, hindi ba’t ang mga Lumad na andito ngayon sa Maynila,
ang kapitolyo ng Pilipinas, ay tulad din nina Katniss at mga kasamahan
niya na ang pinaglalaban ay katarungan at kapayapaan? Hindi ba’t ang
Panem ay tulad din ng Pilipinas na may malaking agwat ang mayaman at
mahirap? Sa Panem, sinisipsip ng Capitol ang yaman ng lahat ng distrito;
sa Panem, ang mga komunidad na pumipiglas ay tinatapatan ng dahas
ng estado. Ganito rin ang relasyon ng Metro Manila at Mindanao, ang
imperyal Manila at ang mayamang lupain ng Mindanao. Ang yaman ng
bansa ay nakakonsentra sa iilang pamilya at korporasyon habang ang
mayorya ay nasasadlak sa kahirapan.1
Binabati ko ang lahat ng isang mapagpalayang hapon subalit
nais kong ibigay ang aking pinakamatikas na saludo sa mga Lumad na

*Talumpating binigkas sa Mindanao Human Rights Summit na ginanap sa Philippine


Normal University, Taft, Manila noong 12 Nobyembre 2015
101

naglakbay pa mula Mindanao, binagtas ang silangang Visayas, tumawid ng


dagat, binaybay ang Bikol, dumako sa Timog Katagulagan, at nagmartsa
mula timog Metro Manila papuntang UP Diliman, at nandito ngayon sa
Maynila. Araw-araw nagrereklamo tayo sa trapik, siksikan sa MRT, at
byaheng nakakahilo; subalit ang mga kapatid nating Lumad, pambihirang
paglalakbay ang kanilang ginawa upang ipaabot lamang ang kanilang
mensahe sa pamahalaan at sa ating lahat.
Pinaunawa sa atin ng mga Lumad na ang problema ng Pilipinas
ay hindi lamang ang mabagal na Internet, tanim bala at trapik sa kalsada
kundi mas malala pa: kahirapan sa lahat ng panig ng bansa – at ito ay
ramdam na ramdam ng mga magsasaka at mangingisda sa kanayunan.
Sino-sino sila? Sila lang naman ang mga taong nagpapakain sa atin araw-
araw.
Dagdag pa sa kahirapan ay ang karahasan sa kanayunan.
Mahirap na nga ang buhay, pinapalayas pa sa kanilang lupang tinubuan.
At kapag lumaban, pinaparatangang kriminal o kalaban ng gobyerno.
Sa pelikulang Avatar, nais patalsikin ng isang korporasyon ang
tribong Na’vi sa kanilang tinitirhan dahil gusto nitong minahin ang
kagubatan. Pamilyar ito sa mga Lumad dahil nasa Mindanao ang mining
capital ng bansa. At tulad ng mga Na’vi, pinapaalis din ang mga Lumad
sa kanilang lupa ng mga gahamang transnational corporation kasabwat
ang armadong pwersa ng estado. Sino ang tunay na kriminal: ang
mersenaryong korporasyon o ang katutubong nagtatanggol ng kanilang
buhay at pamumuhay?
Ang karanasan ng Lumad kaugnay ng pagmimina ay di naiiba
sa kuwento ng maraming komunidad na sinasalanta ng tinatawag nating
development aggression. Mga aktibidad na mabuti raw ang epekto sa
ating ekonomiya subalit kapalit naman ay habambuhay na pagdurusa ng
mamamayan. Halimbawa: mining, logging, expansion ng mga plantasyon,
agribusiness ng malalaking korporasyon, at land conversion para sa
biofuel na pang-eksport.
Sa nakaraang dekada, lumobo ang industriya ng pagmimina.
Gaano ba kalawak ang kasalukuyan at mungkahing mining operation sa
bansa? Mga dabarkads, natataandaan ninyo pa ba ang Philippine Arena?
Ayon sa grupong Kalikasan, kasinglaki ng 62,000 na Philippine Arena ang
proposed mining areas sa bansa.
Hindi tayo tutol sa pag-unlad; tutol tayo sa pangangamkam ng
lupa at pagkasira ng kalikasan habang ang yumayaman ay iilang indibidwal
lamang. Ito ang karanasan ng Pilipinas sa nakalipas na siglo. Inubos na
nila ang mga kagubatan, yumaman ba ang ating bansa? Noon, ang sabi
102

nila huwag tumutol sa pagputol ng puno dahil kapalit nito ay dagdag kita
ng mga komunidad. Magkakaroon daw ng mga kalye, paaralan, health
center, negosyo at iba pang biyaya mula sa mga kumpanya ng troso. Ano
ang nangyari? Kalbo na ang mga bundok subalit nanatiling atrasado ang
ating ekonomiya. Sino ang yumaman? Silang mga nasa poder. Samantala,
sino ang nagdusa? Tayong lahat.
Ngayon ang target naman nila ay ang ilalim ng bundok. Sa
Mindanao, agresibo ang pamahalaan at mga dayuhang korporasyon sa
pagbili ng lupa upang ito’y mabilis na pagkakitaan. Subalit ang kanilang
modelo ng pag-unlad ay walang espasyo para sa ordinaryong mamamayan.
Hindi rin holistiko ang idudulot na kaunlaran sa komunidad at sa bansa.
Kung matutuloy ang kanilang disenyo, hindi magagamit ang yamang
likas ng Mindanao upang madebelop ang mga industriya sa bansa.
Magpapatuloy lang ang kalakaran kung saan sadyang nililimita lang ang
ekonomiya ng Pilipinas sa pagsuplay ng hilaw na materyales na kailangan
ng ibang bansa.
Kung bakit binabansot ang kakayahan ng ating lokal na
ekonomiya ay may kinalaman sa mga preskripsyon ng mga kasunduang
ating nilagdaan at mga pormasyong ating nilalahukan tulad ng Asia Pacific
Economic Cooperation o APEC. Dahil sa APEC, lalong pinagtibay ang
papel ng Pilipinas na maging supplier lamang ng murang lakas paggawa
at hilaw na materyal. Inalis ang proteksiyon para sa mga produktong
agrikultural at hinayaan ang pagbaha ng murang imported goods sa mga
pamilihan. Nagresulta ito sa pagbagsak ng kabuhayan ng mga magsasaka
na hindi kinaya ang kumpetisyon mula sa mas murang produktong
galing sa ibang bansa. Ito rin ang dahilan kung bakit lumawak ang mga
plantasyon, dumami ang mining application, at sinakop ang ancestral
domain ng mga katutubo.
Unang naging host ng APEC ang bansa noong 1996 at
kasunod nito’y ratsadang imposisyon ng mga patakarang liberalisayson,
deregulasyon, at pribatisasyon. Kung ang pamantayan ay pagbukas ng mga
oportunidad para sa malaking negosyo at dayuhang kapital, masasabing
nagtagumpay ang APEC. Kung susuriin ang buhay ng ordinaryong
mamamayan lalo na ng manggagawang kontraktuwal, malinaw na higit pa
sa delubyo ang idinulot ng APEC. Subalit kahit masaklap ang karanasan
ng bansa sa pagsunod sa dikta ng APEC, nakatakdang gawin ang APEC
summit sa Maynila sa susunod na linggo.
Sa pelikulang Jurassic World, nalaman natin na binuksan
muli ang lumang Jurassic Park kahit na napatunayang nakamamatay
ang ganitong klase ng theme park. Hindi ba’t ganito rin ang aktitud ng
103

pamahalaan sa mga patakarang neoliberalisasyon na pinagtibay natin


noong unang APEC? Lalong lumubha ang kalagayan ng ekonomiya
subalit eto ulit ngayon ang pamahalaan, tagasuporta pa rin ng APEC.
Kontraktuwalisasyon pa more. Mababang sahod pa more. Taas singil
sa kuryente, tubig, at pamasahe para sa mga kumpanyang pag-aari dati
ng estado na ngayo’y kontrolado na ng pribadong interes. Sa pelikulang
Pacific Rim, ang tawag sa mga halimaw ay Kaiju; para sa akin 'yan ang
APEC: halimaw na pumapatay at mapaminsala sa Asya-Pasipiko.
Isa sa malagim na pamana ng APEC ay ang mabilis na pagkasira
ng kalikasan. Kinamkam at sinira ng maraming dayuhang korporasyon
ang ating yamang likas, kabilang ang lupang ninuno ng mga katutubo.
Sa mga mining areas, nilason ang tubig at hangin. Nilamon ang mga
kagubatan, ang luntian ay naging putik.
Kaya mahalagang basahin muli ang Laudato Si ni Pope Francis.
Napapanahon ang kanyang paalala na ang pag-unlad ay dapat nag-
aambag sa maaliwalas na buhay at pagkalinga sa kapaligiran.
Marami sa mga kalamidad na humagupit sa bansa nitong mga
nakalipas na taon ay naganap sa Mindanao tulad ng bagyong Sendong
at Pablo. Sa kasaysayan nito, bihirang daanan ng malalakas na bagyo ang
Mindanao. Subalit dahil sa climate change, mukhang nagiging madalas
na ang pagdating ng mga kalamidad sa isla. Gayunpaman, ang pinsala sa
kalikasan ay nagdudulot ng mas malaking trahedya sa buhay ng tao. Dahil
sa expansion ng mga plantasyon sa Bukidnon, ang dating kagubatan ay
ginawang taniman ng pinya, saging, at iba pang export crops. Ganito rin
ang nangyari sa timog Mindanao. At nang rumagasa ang bagyo, lumikha
ito ng flashflood at mudslide na pumatay ng marami.
Hindi natin kailangan ng ‘guardians of the galaxy’; sapat na ang
‘guardians of the gubat’ upang maibalik ang sigla ng kabundukan. Sa
mahabang panahon, ginampanan ito ng mga Lumad subalit nanghimasok
ang estado at tinaboy ang mga katutubo. Hinati ang hanay ng Lumad
at sinilaw ang ilan ng alok ng kapangyarihan at salapi. Minaliit ang
sinasabing makalumang kultura ng Lumad at pilit na pinalit ang pangako
ng modernisasyon.
Agad nagdulot ito ng kaguluhan at pagwasak sa lupang ninuno
ng mga Lumad. Ito ang dahilan kung bakit marami sa mga Lumad ay
lumikas papuntang sentrong bayan o kaya’y mariing tumutol sa mga
proyektong sumisira sa kalikasan.
Kung uunawain natin ang buod ng kahilingan ng mga Lumad,
simple at makatwiran lang naman ang kanilang mensahe: hayaan silang
mabuhay nang mapayapa sa kanilang komunindad.
104

Hindi ito mahirap ipatupad lalo na kung ang pamahalaan ay


nakikinig sa boses ng mamamayan. Ang problema, ang tunay na ’boss’
ng pamahalaang Noynoy Aquino ay hindi ang karaniwang tao kundi mga
campaign donor, malaking negosyo, at dayuhang interes. Kaya ang bilis
ng aksiyon kapag may dinadaing ang mga kaibigang oligarkiya. Mining
permit, approved. Tax exemption, approved. Private armies, approved.
Military escort, approved. Pero nang Lumad na ang may hinahapag na
usapin, sinisi pa ang Lumad kung bakit nagpapagamit daw sa NPA.
Totoo, marami sa mga problema ng Lumad ay deka-dekada na
ang tagal. Totoo, minana ito ni Pnoy. Subalit, ang daming pananagutan
ni Pnoy: Bakit pinagpatuloy niya ang mapaminsalang pagmimina? Bakit
pinayagan niya ang militarisasyon sa mga mining areas? Bakit hindi
inatras ang mga patakarang nagpatindi sa paghihirap ng magsasaka at
katutubo? At bakit sa halip na kapayapaan ay pinili niya na maghasik ng
dahas sa kanayunan?
Kung pinagpatuloy lang sana ni Pnoy ang usapang
pangkapayapaan kasama ang National Democratic Front, isa sana itong
pagkakataon upang resolbahin ang ilan sa mga isyung bitbit ng Lumad.
Nasa adyenda dapat ng peace talks ang mga sosyo-ekonomikong isyu na
mahalaga sa Lumad tulad ng repormang agraryo, pag-unlad sa kanayunan,
pagplano ng ekonomiya, at pagrespeto sa ancestral domain.
Tinalikuran ni Pnoy ang peace talks at sa halip ay hinarap sa
katutubo ang brutal na mukha ng pasismo. Nagdeploy ng bata-batalyong
sundalo at pinalawak ang counterinsurgency gamit ang iba’t ibang
ahensiya ng pamahalaan. Marami sa mga serbsiyong pinamimigay ay
nakaangkla sa misyon na magkondukta ng surveillance at pahinain ang
tinatayang support base ng mga rebelde sa mga komunidad.
Kinakailangan pa bang maging conflict area ang isang lugar para
lang mabigyan ito ng mga kaukulang serbisyo mula sa pamahalaan? Hindi
ba’t responsibilidad ng estado na magtayo ng paaralan o pagamutan sa
bawat barangay, ito man ay may malaki o maliit na bilang ng botante o
iniimpluwensiyahan man o hindi ng mga rebelde?
Subalit walang interes ang pamahalaan ni Pnoy na ugatin ang
sigalot sa kanayunan kung kaya’t ang stratehiya nito ay talunin ang mga
rebelde sa pamamagitan ng militarisasyon sa mga komunidad. At nang
hindi ito umubra upang talunin ang rebolusyon, inakusahan ang mga
sibilyan bilang protektor ng NPA o kasabwat ng mga rebelde. Kabilang sa
mga sinasangkot sa rebelyon ay ang mga Lumad.
Nagtayo ng paaralan ang mga Lumad, subalit sa mata ng estado,
paaralan daw ng NPA. Tumutol ang mga Lumad sa pagmimina, subalit
105

para sa militar at malaking negosyo, pakana daw ng NPA.


Tanggapin natin ang argumento na nasa likod ng mga Lumad
ang NPA, ang solusyon ba ay gibain ang mga eskuwelahan? Patayin ang
mga guro? Magsunog ng mga bahay, nakawin ang mga pananim, at sirain
ang kabuhayan ng mga katutubo?
Kung tinuloy lang sana ni Pnoy ang peace talks, pwede niyang
singilin nang harapan ang NPA at NDF kung ano ang katotohanan sa
bintang na pumapatay ng Lumad ang mga rebelde. Sa pamamagitan ng
peace talks, pwedeng pagkasunduan ng magkabilang panig ang mga
kongkretong hakbang na makakatulong sa panunumbalik ng normalidad
sa buhay ng Lumad.
Ngunit sadyang utak-pulbura ang nasa pamunuan o kaya nama’y
tila mas nanaisin pa ng pamahalaan na lumikas ang mga Lumad upang
tumigil na rin ang oposisyon sa pagmimina at iba pang operasyon ng mga
oligarkiya sa Mindanao.
Tama si Cardinal Tagle sa kanyang pahayag na itigil ang
militarisasyon sa mga komunidad ng Lumad. May mga mungkahi siyang
hakbang na pwedeng pag-usapan ng NPA-NDF at pamahalaan ni Aquino.
Samantala, habang hindi umuusad ang usapang pangkapayapaan,
igalang natin ang karapatan ng Lumad na ipabatid sa lahat ang kanilang
sitwasyon. Nandito sila dahil ang kagyat na sagot sa kanilang problema ay
nakasalalay sa mabilisang aksiyon ng pamahalaan ni Aquino. Idagdag natin
ang ating boses sa mamamayang nakikiisa sa laban ng Lumad. Iparating
natin hanggang Malakanyang ang ating suporta para sa pinaglalaban ng
Lumad. Medyo lakasan natin ang ating mga sigaw kasi si Pnoy baka abala
sa mga kasalan at hindi niya tayo mapansin.
Marami akong pelikulang nabanggit ngayong hapon tulad
ng Hunger Games at Avatar. Sa dalawang pelikulang ito, tampok ang
matapang na pag-aklas ng mamamayan. Kabigha-bighani, di ba? Madali
tayong napahanga kahit ito ay mga likhang sining lamang. Kaya bakit
magkakasya lamang sa pantasya kung nariyan at pinatunayan ng mga
Lumad na nagpapatuloy ang pakikibaka. Dun tayo sa totoo.
Ngayong taon, sumikat sa bansa ang pangalang Duterte bilang
lider na pwedeng mamuno. Binigyan niya ng pag-asa ang marami. Isa ako
sa mga naging interesado sa pwedeng gawin ng Duterte pero sa totoo lang,
hindi siya ang maningning na liwanag na natatanaw natin sa Mindanao.
Ang liwanag na ito ay buhat sa sulo na hawak ng mga Lumad habang
magiting nilang tinataguyod ang paglaban para sa tunay na kalayaan,
katarungan at panlipunang pagbabago.
KABATAAN AT ‘DAANG MATUWID’

CHANGE? TAMA. SINO BA ang may ayaw ng pagbabago. Pero hindi lahat
ng change ay kaakit-akit, katanggap-tanggap o ninanais ng lahat. Paano
kung charter change, climate change, sex change, change of citizenship?
1
Mula sa baluktot na daan, ang tatahakin na daw natin ay daang
matuwid. Paano kung matuwid nga ang daan pero overpriced naman, at
substandard na materyal ang ginamit? Matuwid na daan ang Diosdado
Macapagal Boulevard pero pinakamahal na kalsada sa buong mundo. At
dapat nating tandaan na hindi lang isa ang daang matuwid. Ibig sabihin,
hindi lang ang daang matuwid ni PNoy ang pwede nating gamitin. Pwede
tayong gumawa ng sarili nating daang matuwid. May tamang daan ang
Iglesia, dating daan ni Bro. Eli. Kayo anong klaseng daan ang gusto
ninyo?
Ang sabi nila, the road to hell is paved with good intentions.
Dapat bantayan natin ang daang matuwid, baka mamaya papunta ito
sa impiyerno. Baka matulad ito sa isang tulay sa Loboc, Bohol na hindi

*Talumpating binigkas sa isang porum na inorganisa ng Social Sciences and Humanities


Association ng San Beda College.
107

natapos ang konstruksiyon dahil tinutumbok nito ang isang lumang


simbahan. O kaya para mabigyang-katwiran ang paggawa ng isang tulay
sa Iloilo, gumawa sila ng ilog.
Paano nagiging masama ang isang mabuting tao? Ayon kay
William Ryan, “in order to persuade a good man to do evil, it is not
necessary first to persuade him to become evil. It is only necessary to
teach him that he is doing good.” Hindi sapat na maganda ang iyong
intensiyon. Tayo, tayo ang huhusga kung naging mabuti ba ang ating mga
pinuno.
Hindi dapat tayo agad maniwala sa layunin ng daang matuwid.
Madalas banggitin ni PNoy ang kanyang ina, ang dating pangulong Cory
Aquino, bilang kanyang inspirasyon o modelo. Mabuting tao si Tita Cory,
pero hindi lahat ay nagkakaisa sa paniniwala na naging epektibo siyang
lider.
Eto ang sabi ni Joker Arroyo noong 1992; si Joker ay nagsilbing
executive secretary ni Tita Cory: “When I was still in the Guest House, I
asked for the logs which listed those who had visited President Marcos.
I compared them with those visiting President Aquino. They were the
same people – they came from the same companies, shared the same
business views, the same mindset, and they went to the same parties.”
Pagbabago ba ito?
Eto naman ang pag-amin ni Tita Cory: “I knew when I assumed
office that poverty alleviation should be the primary concern of my
administration. I must admit, however, that we didn’t have a clear idea of
how to go about it.”
Aral: huwag hayaan ang mga lider na mamili ng daan para sa
atin. Tayo ang boss, hindi ang Balay faction, hindi ang Samar faction,
hindi si Danding, hindi ang Tsina, hindi ang Estados Unidos. Dapat tayo
ang magtakda kung anong pagbabago ang gusto natin.
Maaaring tanungin ninyo, ano ang pwede naming gawin?
Bumoto na kami, di pa ba sapat 'yon? Hindi sapat ang eleksiyon. Karamihan
ng nananalo sa halalan ay mga lords: jueteng lords, drug lords, gambling
lords, warlords, landlords, at mga praise the lords. Huwag nating ikahon
ang pulitika sa pagpili lamang ng mga pinuno. Gawin natin itong sandata
ng taong bayan para makamit natin ang tunay na pagbabagong inaasam
natin. At ang pulitika ay nagiging mabisa, makapangyarihan kung ito ay
pinapanday ng sama-samang pagkilos ng mamamayan.
Ilang dekadang ninais ng mga estudyante na matanggal ang
ROTC. Nagtagumpay tayo noong 2001 nang magprotesta ang mga ROTC
cadets. Natakot si Gloria dahil katatapos lamang noon ng People Power
108

II kung saan aktibong lumahok ang maraming kabataan. Ang naging


resulta, pinalitan ang ROTC ng NSTP. At ngayon, hindi na mandatory
para sa lahat ang pagpasok sa ROTC.
Paano nabalik ang student council, student publication, mga
campus organization noong panahon ni Marcos? Pinaglaban ito ng mga
mag-aaral. Kumilos sila para kilalanin ang ating mga karapatan sa loob
ng paaralan.
Matagal nang gustong magpataw ng text tax ang pamahalaan.
Pero ang pumipigil sa kanila ay ang banta ng texters’ revolt.
Huwag nating kalimutan na ang ating Republika ay tinatag ng
mga bata. Si Rizal ay 25 lamang nang sinulat niya ang Noli Me Tangere.
Si Bonifacio ay 28 nang pinamunuan niya ang Katipunan. Si Aguinaldo
ay 29 nang idineklara niya ang ating kalayaan noong 1898. Si Emilio
Jacinto ay 20 lamang nang maging utak siya ng Katipunan. Maraming
kabataan ang sumapi sa Huk noong World War II para labanan ang
mga mananakop. Ang dinadakila nating War Veterans ngayon ay mga
kabataang lumaban para sa kalayaan noong 1940s.
Hindi nagtapos ang kasaysayan noong 1946. Ang kinikilala
nating mga bagong martir ay mga kabataang lumaban sa diktaturyang
Marcos. Ang mga salitang People Power, Welgang Bayan, Boykot, Noise
Barrage ay naging popular lamang nitong nakalipas na tatlong dekada.
Ibig sabihin, kapag sinasabi nating dapat kumilos ang kabataan, ang
batayan natin ay ang iba’t ibang porma ng pag-aalsa ng mamamayan sa
modernong panahon.
Noon at lalo na ngayon, mahalaga ang kolektibong aksiyon sa
mga pampublikong espasyo. Gayunpaman, kinikilala ko na maraming
balakid ang humahadlang para mangyari ito. At dapat natin itong
tukuyin para maunawaan natin ang mga hakbang na dapat nating gawin
o baguhin upang epektibo nating magampanan ang ating mga tungkulin
bilang mga dakilang pag-asa ng bayan.

1. Nagiging spectacle na lang ang pulitika para sa marami. Parang


sports 'yan: may mga propesyunal at amateur. Nanonood tayo ng
tennis o football; hinahangaan ang mga propesyunal na manlalaro.
Hanggang panonood na lang ang ating ginagawa. Hindi tayo
nangangahas na maging propesyunal na manlalaro.

Ganun din sa pulitika. Hinahayaan natin ang mga propesyunal na


maging dominante sa pulitika. Tayo ay nagkakasya na lamang sa
pagiging amateur dahil ayaw natin makisawsaw sa pulitika. Tayo
109

ay may mga pulitikal na opinyon pero ano ang ginagawa natin para
baguhin ang uri ng pulitika sa bansa?

2. Malakas ang kultura ng indibidwalismo ngayon. Halos nawawala


ang sense of collective solidarity. Masyadong nagpopokus sa
kompetisyon imbes na bayanihan. Nawawasak ang mga panlipunang
institusyon na nagbubuklod sa mga indibidwal.

Halimbawa, hiwa-hiwalay ang pamilyang Pilipino dahil ang mga


nanay at tatay ay nangingibang-bayan. Karamihan sa mga kabataan
ay hindi batid ang kahalagahan ng pag-uunyon. Palibhasa uso ngayon
ang mga trabaho sa service sector tulad ng mga call center company
na bawal ang pag-uunyon. At kapag sinabi mong unyon, ang una
nating iniisip ay welga, at hindi ang benepisyong binibigay nito sa
pangkalahatang kagalingan ng mga manggagawa.

Hindi na rin uso ang pagsali sa mga kooperatiba. Sa katunayan, ang


panawagan ngayon ng pamahalaan sa mga magsasaka ay maging
farmer-entrepreneur.

Sa paghina ng mga batayang institusyon tulad ng pamilya, unyon


at kooperatiba, naaapektuhan din ang pulitikal na pananaw ng mga
tao. Wala ng komunidad, mga indibidwal na lamang. Wala ng sama-
samang pagkilos, sariling diskarte na lamang ang uso.

3. Pati ang teknolohiya ay nagiging kasangkapan para pahinain ang


pulitikal na pakikisangkot ng kabataan. Makikinig na lang ako ng
mga kanta sa aking iPod. Maglalaro ng portable playstation. Mag-
iinternet at magbubukas ng Facebook.

Malaki ang epekto nito sa pulitikal na kamalayan ng kabataan. Bukod


sa nahahatak ang mga kabataan na maglaan ng oras sa mga ganitong
aktibidad, tinuturuan din nito ang mga tao na pwede ang mapayapang
paglahok sa pulitika kahit nasa bahay lamang.

Bakit ako pupunta ng rali eh pwede naman ako manood ng ANC


o makinig sa radyo? Pwede ako mag-internet, basahin ang breaking
news sa Twitter. Ano ba ang top trend ngayon? Puntahan ang website
ni PNoy at mag-iwan ng komento. Pumirma sa online petition.
110

4. Dapat labanan natin ang amnesia. Kahapon ay anibersaryo ng


Martial Law. Kahapon napanood ko si Enrile sa jueteng hearing,
pinapagalitan niya ang mga pulis. Kahapon napakinggan ko si
Senator Bongbong, maganda raw ang buhay ng mga Pilipino noong
Martial Law. Kahapon nakita ko si Imelda sa Batasan.

Ang Martial Law ngayon ay parang World War II ng aming


henerasyon. Ang sabi sa amin ng matatanda, at ang turo sa paaralan,
magulo daw ang Pilipinas noong gera. Mababagsik ang mga Hapon.
Pero hindi namin maramdaman ang sinapit ng mga kababayan natin.
Ang yugtong 'yon ng kasaysayan ay binasa na lang namin sa libro. Hindi
rin nakatulong na ang mga Hapon noong kami ay mga bata ay hindi na
tinuturing na mananakop kundi mga mababait na foreign investors at
turista. Ang tanging ugnay namin sa panahong 'yon na nagpapaalala sa
amin sa malagim na karanasan ng mga Pilipino ay ang mga beterano at
comfort women.
Ngayon ang martial law ay isa na lamang bahagi ng ating
kurikulum sa paaralan. Si Imelda ay adik sa sapatos. Si Bongbong ay
nagpatayo ng windmill sa Ilocos. At si Imee ay nanay ni Borgy. Kung
may mga beterano at comfort women noong panahon ng Hapon, ang
panahon ni Marcos ay may mga martial law victims, torture victims,
political prisoners. Sila ang mga buhay na alaala ng martial law. They are
the “walking wounded” of that dark, yet almost forgotten episode of the
modern history of the Republic. Huwag natin silang kalimutan.
Ano ang dapat nating gawin?
Lumahok sa pulitika. Makisangkot. Makialam. Pero hindi lang
dapat ito tulad ng pag-volunteer natin sa mga charity events. Mahaba,
masalimuot ang proseso ng pagbabago. Maraming sakripisyo ang dapat
nating gawin. Hindi uubra na ang daang matuwid ay ipantay natin sa
paggawa lamang ng mga bahay o pagpost ng mga witty comment sa
Twitter o FB.
Malapit kayo sa Malakanyang. Maririnig ni PNoy ang inyong
mga boses. Huwag ninyong isipin na mababasa ni PNoy ang inyong mga
komento sa kanyang website. Sa budget hearing sa Kongreso, inamin ni
Secretary Coloma na hindi sa lahat ng panahon ay nababasa ni PNoy ang
mga sinusulat natin sa kanyang FB account at official website.
Pag-aralan ninyo ang lipunan. Suriin ninyo ang buhay ng ating
mga kababayang maralita at huwag lamang ang personal na buhay ng
ating mga FB friends. Alamin ang kabuluhan ng land reform at hindi
ninyo 'yan mauunawaan sa paglalaro lamang ng Farmville.
111

Nasa harapan ninyo lang ang Mendiola. Bakit ba nagrarali dito


ang mga aktbista? Hindi 'yan tinakda ng batas. Noong 1970, naghanap
ng daan ang mga estudyante kung paano ba makakalapit sa Palasyo. At
ang natukoy nilang daang matuwid ay ang Mendiola. Mula noon, ito
na ang naging altar ng masang naghahangad ng tunay na pagbabago
sa lipunan. Ito ay makasaysayang espasyo. Ito ay simbolo ng tunggalian
sa ating lipunan sa pagitan ng mga mapanupil na pwersang nasa
kapangyarihan at mga pwersang demokratiko. Kaya ako ay nalulungkot
at nagagalit diyan sa Peace Arch na tinayo sa Mendiola. Peace Arch pero
sarado ang gate. Peace arch pero may CCTV cameras. Bakit hinarangan
ang Mendiola? Bakit ayaw payagan ang taong bayan na magpahayag ng
kanilang damdamin sa harap ng Palasyo. Sa US, nagrarali ang mga tao sa
harap mismo ng White House. Kailan huling nakita ng mga Pilipino ang
Malakanyang? Siguro kaninang tanghali nang mag-abot kayo ng bente
pesos sa canteen.
Tayo ang magmamana ng lipunang ito. Ngayon pa lamang
ay mag-ambag na tayo sa kilusang pagbabago. Baguhin natin ang
lipunan. Baguhin natin ang mundo. Higit sa pagpili sa daang matuwid,
pinakamahalaga ang panglilingkod sa kapwa.
ISKOLAR NG BAYAN

MAHIGIT 20 MILYON ANG mag-aaral sa Pilipinas, mula kinder


hanggang post-grad. Subalit hindi lahat nakakatapos ng pag-aaral.
Mataas ang drop-out rate mula elementary hanggang kolehiyo. Sa
kolehiyo, hindi lalagpas sa kalahating milyon ang nakakatapos taun-taon
samantalang 4 milyon ang enrolment kada semestre. Sana ang grupong
ito ay maging bahagi ng statistika ng mga mag-aaral na magtatapos sa
kolehiyo.1
Sa ating kasaysayan spesyal ang sektor ng edukasyon. Spesyal
dahil hindi lahat nakakamit ito. Sa mahabang panahon, at kahit sa
kasalukuyan, ang mataas na kalidad na edukasyon ay pribilehiyong
pinagkakaloob sa mga pinagpalang indibidwal. Kapag sinasabing
pulitikal ang edukasyon, tinutukoy nito ang makauring distribusyon ng
karunungan sa lipunan. Gamit ang iba’t ibang arbitraryong pamantayan,
dinidikta ng naghaharing kaayusan kung sinu-sino, saan, at kailan pag-
aaralin ang mamamayan.
Noong mga huling dekada ng pananakop ng mga Kastila, anak

*Talumpating binigkas sa UST, 24 Oktubre 2013


113

ng mga ilustrado ang nagkaroon ng access sa edukasyon. Mula sa hanay


nito ay umusbong ang mga prominenteng propagandista na nanguna sa
laban para sa reporma hanggang sa kalayaan ng ating bansa.
Masasabi natin na ang nakaraang siglo ay isang mahabang
panahon ng paggigiit ng mamamayan upang kilalanin ng estado ang
karapatan sa edukasyon. Tayo ay nagkaisip sa panahong mayroon nang
unibersal na pagkilala na karapatan ang edukasyon. Dapat hindi natin
makalimutan ang matagal at nagpapatuloy na laban upang ipagtanggol
ang ating karapatan sa edukasyon. Sa ating Konstitusyon, 1987 lang
tinukoy na dapat compulsory ang elementary at libre ang hayskul.
Sa totoo lang walang libreng edukasyon. Kahit libre ang tuition,
kailangang kumain ng estudyante. Kailangan niyang bumili ng uniform
o school supply. Kailangan ng pamasahe at paminsan-minsang paglalaro
ng DOTA. Alam ito ng estado kaya naglalaan ito ng mga programa upang
makapagbigay ng tulong pinansiyal sa mga piling kabataan. Nagtutukoy
ito ng mga mag-aaral na maaaring idebelop bilang mga susunod na
kawani at lider ng burukrasya.
Kilala natin ang Pensionados, mga Pilipinong pinag-aral ng
pamahalaan sa Estados Unidos. Ngayon wala ng Pensionados subalit
mayroon pa ring mga iskolar ang pamahalaan.
Habang bumulusok ang kalidad ng edukasyon sa bansa,
naapektuhan din ang scholarship program ng pamahalaan. Pinakamainam
na halimbawa ay ang scholarship o student assistance na binibigay sa
pamamagitan ng pork barrel o PDAF. Ayon sa ilang mambabatas, kapag
tinanggal daw ang PDAF ay hindi na makakapag-aral ang maraming
kabataan. Paano daw ang mga iskolar? Paano daw ang mahihirap?
Ang panawagan natin ay hindi naman sunugin ang pera
kundi ilipat sa mga ahensiyang may tuwirang kinalaman sa pagbibigay
ng serbisyo sa mamamayan. Bakit kailangang pumila sa opisina ni
congressman o senador?
Sa totoo lang ang PDAF ay patunay na di pantay, di maayos,
at di sistematiko ang distribusyon ng pera sa bansa. Hindi demokratiko
ang pagbibigay ng tulong at serbisyo sa mamamayan. Kung may efficient
na mekanismo ng pagkakaloob ng mga subsidyo sa tao, hindi na sana
kailangan ng PDAF.
Ang PDAF ay isa pang patunay na may malaking mali sa ating
scholarship program. Una, nakabatay ito sa political patronage. Iskolar
ka kapag kakampi ng pulitiko. Paano naman 'yong ibang matalino subalit
mahirap, at higit sa lahat, walang koneksiyon sa pulitiko? Pangalawa,
ginawang tingi-tingi ang pondo sa scholarship. Kadalasan ang binibigay
114

sa bata ay mumo o barya na kasya lamang para sa ilang bahagdan ng


tuition. Sa ibang bansa ang iskolar ay nakakatanggap ng kumpletong
tulong, kasama ang living allowance, may stipend pa. Pangatlo,
napakaraming scholarship programs ng maraming ahensiya at kahit sa
mga LGUs subalit walang koordinasyon ang mga ito; at higit sa lahat,
walang malawakang pagbibigay ng impormasyon sa publiko kung paano
maging kwalipikado dito.
Panahon na upang i-overhaul ang scholarship program sa bansa.
Sa minimum, dapat alisin ang malaking impluwensiya ng pamumulitika
sa distribusyon ng scholarship. Kahit saan at kahit kailan may bahid ng
pulitika ang edukasyon subalit hindi makatwiran ang pagpapatuloy ng
isang sistema na legal ang tuwirang pangingialam ng pulitiko kung sino
ang dapat bigyan ng scholarship sa bansa. Isa pa, nagagamit ang pag-
aaral ng kabataan upang nakawin o kamkamin ang pera ng bayan. Hindi
ito katanggap-tanggap.
May scholarship dahil mataas ang ating pagpapahalaga sa
edukasyon. Kinikilala natin na marami ang may talino, kasanayan, at
determinasyon subalit walang sapat na yaman upang makapag-aral. Sa
lipunang hindi pantay, hindi sapat ang sipag at tiyaga. Kailangan talagang
makialam ang estado sa pamamagitan ng affirmative action upang
makatulong sa inaapi. Ang scholarship ay binibigay dahil tinuturing
nating public good ang edukasyon. Ibig sabihin, lahat nakikinabang
kapag may pinag-aralan ang mamamayan. Ayon sa NSO noong 2006,
aabot sa 65% ang mahirap sa mga hindi nakatuntong sa paaralan; 44%
sa nakatapos sa elementary; 23% sa hayskul; at 2.3% lamang sa kolehiyo.
Malinaw na may korelasyon ang pag-aaral at kahirapan. Isang mabisang
sandata ang edukasyon upang labanan ang kahirapan.
Subalit mayroon pa ring mga Kristel Tejada na dahil sa sobrang
kahirapan ay hindi nakamit ang pangarap na makatapos ng pag-aaral.
Ang edukasyon ay kinikilalang karapatan. Subalit para sa
pamahalaan, hanggang basic education lang ang pwedeng ilibre. Ang
kolehiyo daw ay pribilehiyo. Ayon sa kanila, indibidwal lang daw ang
nakikinabang sa kolehiyo at hindi ang komunidad. Mas makatwiran daw
kung ibubuhos ang ating suporta sa basic education. Wala akong pagtutol
sa huling punto. Subalit may habol ako sa argumento na minimal lang
ang ambag ng kolehiyo sa komunidad. Tayong lahat panalo kung pinag-
aaral ang maraming kabataan sa kolehiyo. Aangat ang komunidad kung
may kolehiyo na nagbibigay ng mas mataas na karunungan at kasanayan
sa kabataan.
Marahil ang pagtingin na hindi nalulubos ang investment sa
115

kolehiyo ay dahil sa pag-alis ng mga bagong graduate papuntang ibang


bansa. Sa isang banda, dapat hikayatin ang mga iskolar na manatili sa
bansa at mag-ambag sa pag-unlad ng mga komunidad. Subalit dapat
tiyakin na may sapat ding oportunidad at karagdagang edukasyon para
sa ating mga graduate.
May tatlong papel na pwedeng gampanan ang ating mga iskolar:
Bilang iskolar, bilang akademiko, pilosopo, siyentista.
Magpakadalubhasa at mag-ambag ng dagdag karunungan. Magturo,
magresearch, magpublish, magpatent.
Bilang iskolar, leader. Public intellectual. Philosopher king.
Tagapayo sa mga lider, consultant sa mga pampublikong proyekto. Kritiko
ng mga pulisiya. Naghahain ng mga kongkretong ideya. Namumuno sa
mga laban. Lumalahok sa halalan.
Bilang iskolar ng bayan, ng masa at mahirap. Nakikipamuhay
sa batayang masa. Inaalam ang kalagayan at kasaysayan ng ating mga
kababayan. Nagbibigay opinyon sa ikabubuti ng interes ng nakakarami at
hindi lamang ng malalaking korporasyon. Inilalaan ang talino at pangalan
upang ipagtanggol ang kapakanan ng ordinaryong mamamayan.
Sobra-sobra ang ating mga suliranin na dapat bigyan ng
atensiyon. Hindi tayo mauubusan ng pagkakaabalahan. Ang kailangan
natin ay mga iskolar na buong panahong nagbibigay prayoridad sa mga
isyung panlipunan.
Halimbawa: Distaster preparation, climate change, corruption,
inequality, poverty, food security.
Walang ibang panahon upang kumilos kundi ngayon. Isipin
natin kung ano ang ating ipapamana sa susunod na henerasyon.
Nakakalungkot at may kabataang nanalo sa kompetisyon subalit
nakaw pala ang kanyang akda. May mga batang chief of staff ang ilang
mambabatas subalit kasabwat pala sa nakawan. Matuto tayo sa aral ni
Emilio Jacinto, ang batang ‘utak ng katipunan’:
“Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na
kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag.
“Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala’y
mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan ay di na muli pang
magdadaan.”
Buhayin ang mapanlabang diwa ni Jacinto, Bonifacio, at iba
pang bayani ng ating lahi.
DIWA NG AKTIBISMO
SA KASALUKUYAN

WORLD YOUTH DAY. Nagtitipon ang maraming kabataan ngayon sa


Brazil para sa World Youth Day (Bahagi ako ng WYD 1995). Isa itong
selebrasyon na pinangungunahan ng simbahang Katoliko subalit ang
kabuluhan nito ay hindi lamang para sa mga Romano Katoliko tulad ng
maraming Pilipino. Ito ay pagkilala sa spesyal na papel ng kabataan sa
mundo; ito ay nagsisilbing hamon sa maraming kabataan na harapin at
lumahok sa paghahanap ng solusyon sa mga suliraning bumabagabag sa
ating mga komunidad. Nasa mga bata ang panahon, lakas, at oportunidad
upang aktibong buuin ang isang bukas na mas payapa, malinis, at
masagana. Sa ating bansa, bata ang populasyon. Babymaking is more fun
in the Philippines. Dahil maraming kabataan, dapat adbantahe sa atin ito.
Yaman ang kabataan, mga taong mag-aangat sa ating ekonomiya at balon
ng talino at ideyalismo. Subalit bakit tayo nasasadlak sa hirap?1
40 families own 76 percent of economy. Ito ang balita ilang
buwan na ang nakakaraan. Para sa akin, nananatili itong natatanging

*Talumpating binigkas sa regional student leaders assembly ng University of Assumption,


San Fernando, Pampanga
117

balita ng taon. Hindi ang panalo ni Nancy Binay, hindi ang pag coming
out ni Charice, at lalong hindi ang bagong silang na miyembro ng royal
family ng England. Kundi ang kumpirmasyon ng isang katotohanan na
matagal na natin alam subalit hindi masyadong binibigyang pansin.
Na sa perlas ng silangan, dito sa mayamang arkipelago ay naghahari
ang iilan samantalang ang karamihan ay nabubuhay sa kumunoy ng
kahirapan. Paano nangyari ito, paano nating hinayaan na 40 pamilya
lamang ang nagmamay-ari, kumukuntrol, at nagdidikta sa ating buhay at
kabuhayan? Hindi ba ito’y malinaw na patunay na may malaking mali sa
ating lipunan? Hindi naman pwedeng sabihin at huwag nating tanggapin
ang argumento na may monopolyo sila ng katalinuhan, kabaitan (at
swerte) kung bakit sila yumaman nang husto. Ito ay isyu ng panlipunang
katarungan o kung paano ang akumulasyon ng yaman ng iilan ay naganap
habang may pagdurusa sa lahatang panig ng bayan. O kung paano ang
nakaw na yaman ay naging lehitimo o legal sa pagdaan ng panahon.
Bonifacio@150. Kung kaliluhan ang siyang naghahari sa loob at
labas ng ating bayang sawi (Balagtas), ano ang dapat gawin? Ano ang
alternatibo? Dalawa ang mahalagang pampulitikang kaganapan ngayong
taon: Ang halalang midterm noong Mayo at Bonifacio@150 o ang 150th
kapanganakan ng ama at bayani ng himagsikang Pilipino. Napapanahon
na paghalawan ng aral ang buhay ni Bonifacio, sariwain ang kanyang alaala
sa pagtutuloy ng kanyang sinimulang laban. Ang kaaway ni Bonifacio
ay hindi si Rizal kundi ang mga mapang-api at elitistang walang puso
para sa masa. Kumilos siya upang wakasan ang kadilimang bumabalot
sa lipunan noon; itinatag niya ang Katipunan upang palayain ang bansa
mula sa kuko ng kolonyalismo; higit sa lahat, malaki ang kanyang tiwala
sa mga Pilipino na sama-samang pababagsakin ang sistemang mapang-
api. Namatay si Bonifacio subalit hindi ang kanyang diwa. Buhay siya sa
katauhan ng mga Pilipinong nakidigma sa Philippine-American War, sa
mga lumaban sa pananakop ng Hapon, sa mga Huk na nakibaka para
sa repormang agraryo, sa mga kabataang aktibista ng dekada sisenta, sa
mga nangahas na tumindig laban sa diktaturya noong Batas Militar, sa
mga bayani ng Edsa Uno, Edsa Dos, sa mga naghanap ng katotohanan
noong panahon ni Arroyo. Ngayong taon, nagisnan natin ang matapang
na paggigiit ng mga biktima ng bagyong Pablo sa Davao na makuha
ang tulong pinansiyal at relief goods na tinatago sa mga warehouse ng
gobyerno. Buhay, buhay na buhay si Bonifacio sa mga lugar na kung saan
may kolektibong aksiyon para sa radikal na pagbabago. Sa kasalukuyan ay
laganap ang korupsiyon, kahirapan, at kaapihan. Hindi ba’t makatwiran
ang maghimagsik? At hindi ba’t ang buhay ni Bonifacio at ang dakilang
118

hangarin na kanyang iniwan ang tamang inspirasyon na pwedeng


gumabay sa atin?
IT. Subalit sa panahon ng smartphone at wifi, uso pa ba
si Bonifacio at ang Katipunan? Kailangan pa ba ang pakikibaka
samantalang pwede namang itama ang mali sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng social media, mass media, at palitan ng impormasyon,
opinyon at katotohanan sa cyberspace? Kailanman hindi mawawalan ng
saysay ang sama-samang pagkilos. Kapag mas mahigpit ang pagkakaisa,
mas masaklaw na pagbabago ang magagawa. Ang kasaysayan natin ay
hindi lang naratibo ng pagdurusa kundi ng kabayanihan. Ang bagong
teknolohiya na gamit natin araw-araw, minu-minuto, bawat segundo,
ay hindi dahilan upang talikuran ang ating tungkuling panagutin
ang nagkasala sa kasaysayan at ang gumawa ng bagong kasaysayan.
Bagkus dapat ang teknolohiya ay nagpapaunlad sa ating praktika ng
pakikibaka. Noong panahon nina Rizal, hindi niya simpleng pinuri ang
pagpapalimbag ng mga aklat. Gumawa siya ng mga nobela, sumulat
ang mga Propagandista ng mga artikulong nagbigay ng kaliwanagan sa
sitwasyon ng bansa. Ganito rin dapat ang ating aktitud at gawi: lumikha
ng mga subersibong teksto gamit ang Twitter, Facebook, at social
media. At higit pa dito, lumahok sa laban ng mamamayan online at
offline. Umuunlad ang teknolohiya hindi lang dapat sa dikta ng tubo o
komersiyo kundi para mag-ambag sa pangkalahatang kapakinabangan
ng lahat. Habang nananatiling bukas ang internet at ang regulasyon ay
hindi pa mahigpit, dapat tuluy-tuloy ang ating pag-eeksperimento kung
paano ito magiging mabisang instrument para sa kilusang pagbabago.
Huwag nating payagang mangyari sa internet ang nangyari sa TV, radyo,
pelikula at mainstream media – mga inobasyon sa komunikasyon na
may matayog na simulain subalit mabilis ding nilamon ng kapitalistang
adhikain.
Student leadership. Himagsikan, pakikibaka, pagbabago.
Parang ang bigat naman. Kaya ba natin ito? Mga mag-aaral lang tayo.
Tama. Subalit hindi edad ang batayan ng pagkilos para sa bagong bukas.
Walang age restriction, bata o matanda pwedeng-pwede, kayang-kaya
na maging bayani ng kasalukuyan. Si Jacinto 20 taong gulang lamang
nang maging utak ng katipunan. Aasahan ba natin na mga senior citizen
ang kumilos para tiyakin na maging mas maliwanag ang ating bukas?
Si Enrile 89 years old at aktibo pa rin sa pulitika. Hahayaan ba natin na
mga tradisyunal na pulitiko at kanilang mga kamag-anak ang mamuno
habambuhay sa ating bayan? Nagsimula ako bilang student leader –
may ambisyon, may hangaring makatulong sa komunidad, nais kong
119

maging matagumpay sa isang propesyon na ipagmamalaki ng aking


pamilya. Nag-aral ako ng mabuti, naging grade conscious, bookworm,
geek, snob. Tapos naging aktibista ako. Di nagtagal natutunan ko na
mali pala ang aking konsepto ng isang student leader. Na ang lider mag-
aaral ay hindi dapat self-promotion, self-fulfillment ang prayoridad.
Na ang student power o youth power ay isang popular subalit sakim na
adhikain. Arogante ang kaisipang pwedeng magbunsod ng pagbabago
kung ang inihahaing panukala ng mga kabataan ay mga repormang
para lamang sa kanyang sektor. Na kayang lumikha ng kasaysayan
kung kikilos ang kabataan. Naunawaan ko na ang esensiya ng pagiging
isang lider mag-aaral ay hindi katumbas ng pagkamit ng mga medalya
o ang mahusay na pamumuno sa mga kapwa estudyante para sa mga
usaping limitado lamang sa parokyal na usapin ng kampus o mga isyung
aprubado ng mga awtoridad. Ang student o youth power ay mabisang
kapangyarihan kung isasanib ang lakas ng kabataan sa lakas ng masa.
Ibig sabihin, ang kabataan ay nakikipagkapit-bisig sa mga aping sektor ng
bayan. Binibigyang boses ang mahihirap, inaaral ang kalagayan ng mga
inaapi, lumalaban, nagmamartsa kasama sila. Hindi pwedeng umangat
ang indibidwal habang naiiwan ang marami. Ang student leader ay
responsableng mamamayan, iskolar, at may malasakit sa kapwa.
Aktibismo. Kung gayon, ang imbitasyon ko sa inyo ay maging
aktibista ng bayan. Siguro inaasahan ninyo na sabihin ko na tulad ko,
lumahok din sa halalan at maging kongresista. Subalit insidental lang
ang pagiging congressman ko. Una at huli, ako ay aktibista. At lagi
kong ipagtatanggol ang makatwiran kong desisyon na maging aktibista.
Habang bata, habang may lakas, panahon, at puno ng ideyalismo,
mainam na ialay ito sa aktibistang layunin. Huwag ninyong tanggapin
ang makitid na pakahulugan sa aktibismo sa pagsasali lamang sa mga
rali, huwag tanggapin ang stereotype na magulo, mabagsik, at hindi
rational ang pagrarali. Ang aktibismo ay isang esensiyal na gawain sa
isang demokrasya, isang rekisito upang mas mabilis nating maitayo ang
isang mas maunlad na hinaharap, isang paggigiit ng ating mga karapatan
bilang mamamayan, bilang tao. Sa katunayan, marami sa mga karapatang
tinatamasa natin ngayon ay bunga ng matapang na paglaban ng mga
nauna sa atin. Tayo, ano ang ating iaalay na tagumpay sa susunod na
henerasyon?
EDUKASYON, WIKA, TEKNOLOHIYA

MAGANDANG UMAGA. NOONG HUWEBES, Agosto 12, ay Pandaigdigang


Araw ng mga Kabataan, kaya pagbati sa inyong lahat. Ngayong 2010
ay pandaigdigang taon ng mga kabataan. Mabuhay ang lahat ng
naghahangad ng tunay na pagbabago.1
May tatlong magkakaugnay na paksa ang nais kong talakayin
ngayong umaga. Una, pag-usapan natin ang ugnayan ng pag-aaral,
trabaho, at ilang panukalang reporma sa sektor ng edukasyon. Pangalawa,
dahil buwan ng wika, nais kong tukuyin ang silbi o papel ng wika sa pag-
unlad ng ating komunidad. At pangatlo, ano ang dapat nating bantayan
sa nakakabahalang pagtitiwalang binibigay natin sa teknolohiya.

ROBOT

Napanood ninyo na ba ang TV ad ng Berocca? Bida sa patalastas ang


isang kabataang empleyado. Sa opisina, siya lang ang tao. Lahat ng
empleyado ay mga robot. Bida siya dahil kasingbilis o mas mabilis pa

*Talumpati sa Luzon-wide assembly of UP students. 14 Agosto 2010, UP SOLAIR.


121

siya sa robot kaya naman pinalitan niya ang isang empleyadong robot.
Alam ninyo mayroon akong anak na limang taong gulang
kaya ang napapanood ko araw-araw sa TV ay Playhouse Disney o kaya
Nickelodeon. Minsan nalipat ko ang channel sa isang lokal na istasyon
at itong patalastas ng Berocca ang napanood ko. Nagtataka ako dahil
walang nagrereklamo tungkol dito. Payag ba tayo, payag ba kayo, sa
mensahe ng patalastas: na dapat kumilos tayo na parang robot para
manatili sa trabaho; na dapat kasingbilis tayo ng robot – hindi napapagod,
hindi nagrereklamo, tuluy-tuloy kung magtrabaho? At kung hindi ka
robot kumilos, maghanap ka na lang ng ibang mapapasukan. Kasi ang
kailangan ngayon diumano ng mga kampanya ay globally competitive,
efficient, productive workforce.
Dati, kapag sinasabi nating ginagawa tayong robot ng
kasalukuyang sistema ng ekonomiya, ang tinutukoy natin ay ang paulit-
ulit na trabaho natin sa pabrika araw-araw dahil bahagi tayo ng assembly
line production. Ngayon hi-tech na kaya may robot na sa pagawaan, at
tayo pala yun. Mga taong-robot, sinasanay na mekanikal kung mag-isip
at kumilos.
Walang nagulat sa patalastas ng Berocca dahil ang mensahe nito
ay tila sumasalamin lang sa katotohanan. Tanggap natin ang mensahe.
Tanggap natin ang banta na dapat maging masipag tayo tulad ng robot
kundi marami diyang taong-robot na pwedeng pumalit sa atin. At para
sa mga kabataan, tulad ng bida sa patalastas, payag tayong maging robot
basta may trabaho, basta mataas ang bayad – kahit gabi ang pasok,
kahit hindi ka Pilipino sa trabaho, kahit pagod na ang lalamunan mo sa
kakahello sa iyong mga tangang kausap.
Ang sinisisi ko kung bakit humantong sa panahon kung saan ang
makapangyarihang tao ay pumayag maging de-susing robot ay ang ating
mga eskuwelahan. Sinanay tayong mag-isip tulad ng robot. Tinuruan
tayong manabik na maging robot. Hindi ba’t ang payo sa atin, mag-aral
ka para makakuha ka ng magandang trabaho sa hinaharap. Tiisin mo ang
terror teacher, boring lecture, at tila walang katuturang mga textbook –
lahat ng sakripisyong ito ay sulit dahil magiging mas mabuti ang iyong
buhay kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral.
Eto ang tanong ng maraming iskolar: tayo ba ay nag-aaral
para maging highly-paid worker sa hinaharap? Para yumaman? Kung
ito ang pangunahing layunin, hindi ba’t makitid ang pananaw na ito?
Napakaspesyal ng edukasyon, makapangyarihan ang bisa ng edukasyon
para lang ituring itong isang tuntungan para makuha ang ating dream
job.
122

Dapat ang silbi ng edukasyon ay hindi ibatay sa taas ng suweldo


natin sa hinaharap kundi sa ating karakter bilang tao. Tayo ay nag-aaral
para maunawaan natin ang ating pagkatao (humanity, human dignity),
ang ating kultura, at sa pamamagitan ng karunungan ay magtutulak ito sa
atin upang pagbutihin ang ating sarili, pagbutihin ang ating pakikitungo
sa iba, at kumilos para sa pag-unlad ng ating komunidad. Kung epektibo
ang edukasyon, namumulat tayo sa katotohanan ng ating paligid, at
tayo ay nagtatanong kung bakit ganito ang sitwasyon samantalang
kaya namang maging iba ang kaayusan. Dahil sa ating pagtatanong,
nakakasalamuha natin ang iba pang tao na may pareho ding mga tanong
at magiging simula ito ng pagsusulong ng isang magandang adhikain.
Eto ang diwa ng pagiging iskolar ng bayan, nagsisilbi sa kapwa. Hindi
iskolar ng bayan ngayon para maging makasariling taong-robot sa
hinaharap.
Balikan natin ang ating pagkabata. Ano ang pangarap ninyo
noon? Maging superhero? Maging bida sa totoong buhay? Matayog ang
ating pangarap. Mayaman ang ating imahinasyon. Tapos tayo ay nag-aral.
Tayo ay nag-elementary, naghayskul, nagkolehiyo. Ano ang pangarap
ninyo ngayon? Sa inyong high school yearbook, ano ang nilagay ninyong
sagot sa tanong na: What do you want to be 10 years from now? Doctor?
Engineer? Architect? Accountant in an international credit agency? May
sumagot ba sa inyo na gusto kong maging magsasaka? Maging NGO
worker? Gusto kong baguhin ang mundo?
Iyan ang kasalanan ng mga eskuwelahan: Sinabi sa ating malaya
tayong mangarap basta ba kikita ka sa pangarap na 'yan. Maging praktikal,
dapat asikasuhin muna ang sarili. Tapos na ang panahon na kung saan
ang mga tao ay handang ibuwis ang buhay para sa mga abstraktong
prinsipyo.
Kaya ako ay hindi lubos na sumasang-ayon sa panukalang
dagdagan ng dalawang taon ang basic education cycle. Batay sa mga
balita, gusto ng pamahalaan na isulong ang repormang ito para madali
raw makakuha ng trabaho ang mga bata. Maging employable. Isasama na
raw ang vocational-technical skills sa kurso para pwede na agad tayong
magtrabaho pagkatapos ng hayskul. May mali sa puntong ito. Kung
ngayon nga ang mga college graduate ay nahihirapang magtrabaho, ano
ang garantiya na ang mga graduate ng 12-year education cycle ay mas
madaling makakapagtrabaho? Hindi dadami ang trabaho kapag 12 years
na ang basic education; hindi rin awtomatik na lalago ang ekonomiya. Ito
ang maling paniniwala: na ang edukasyon ang sagot sa lahat ng problema
natin sa ekonomiya.
123

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit maraming estudyante ay


walang ahitasyon sa loob ng eskuwelahan? Hindi kaya dahil huminto
na silang maniwala sa pangangaral ng matatanda na edukasyon ang susi
sa kaunlaran? Kaya ito pa ang tanong ng mga iskolar: Bakit hindi natin
gawing kasiya-siya ang proseso ng pag-aaral? Na iparamdam sa mga bata
na ang edukasyon ay pakikinabangan nila ngayon; ngayon at hindi sa
isang pinapangarap na hinaharap.
Kapag tayo ay nanonood ng sine, iniisip ba natin na ginagawa ko
ito para magkaroon ako ng magandang propesyon sa hinaharap? Hindi,
dahil gusto nating maaliw sa oras na 'yon. Ganun din dapat sa pagpasok
sa paaralan. Gusto kong matuto, pinili kong mag-aral dahil masaya ito at
may pakinabang ito sa akin ngayon. Natututo ako at dumarami ang aking
mga kaibigan.
Hindi 'yan ang kalagayan ngayon. Malungkot ang sitwasyon
ng ating mga eskuwelahan. Paano liligaya ang mga bata kung siksikan
ang loob ng classroom, mali-mali ang textbook, walang banyo, mainit,
kulang ang mga pasilidad? At ngayon ang dinadanas na tortyur ng mga
bata ay gusto nating pahabain ng dalawang taon?

WIKA

May isa pang kasalanan ang ating mga eskuwelahan. Tinuruan tayong
mahalin/yakapin ang isang dayuhang wika at maliitin ang ating sariling
wika. Kung itutuloy ang dagdag na dalawang taon sa eskuwelahan,
anong wikang panturo ang gagamitin? Anong kurikulum ang itatakda?
Sa Kongreso may mga panukalang gamitin ang wikang Ingles sa mga
eskuwelahan. Dapat maunawaan ng ating mga lider ang kahalagahan
ng pagkakaroon ng iisang wika na magbubuklod sa atin. Mas madaling
matuto ang bata gamit ang ating wika, at higit sa lahat tayo ay
nagkakaintindihan.
Nais kong ihalimbawa ang inaugural speech ng pangulo.
Basahin natin ito sa jejemon, na napili kamakailan bilang salita ng taon

anG pAg+ayoh ME HIR nGuAyon @Y PATuNUaeH Nah KAYoh aNg


AKing tunay nu@H L@kuAZ JeJeJ3jE ♥♥♥♥♥. Nd Me !nU@
kuAluah naH dUARat!N6 T@yOH Sah puntOnG 1toh, nah AK0w’3y
ManUnumpah s@H hu@rap niNy0h VilAnG !nYong p@NGuloW. nd
KOW p1NanGaRAp m@G1ng tagAPa6tu@GuyOd n6 Pag-Asah a+
tAg@pagMu@NuAH NG mGaH suL!r@n!n nG @t!Ng b@yu@n.
124

u@nG l@yUn1n KOW Z@h vuHaY AEH ZiMPle ♥ xD ♥ l@Ng


p0wZ: magIng tapAt ZAh AK1ng MGaH MAGulang At s@h baYAn
vILuaNG 1ZaNG mUaran6ual nAh @N@K jejejEjE, m@vaIt NaH
KuYAh, aT maBut1ng mamAmay@n powZszsszZ.

Basahin naman natin sa Bekimon:

ang pagtayeklavu ni watashi ditetch ngayon ay patunay na kayeklavu


ang aking tunay na lakas chenelin. hindi ni watashi mudrakalatchi na
darating jotons sa puntong itechi tarush, na watashi’y kikirounumpa
satchi harap sokaw bilang jokawng panguleklavu. hindi ni watashi
pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmanatchi ng
mga suliranin ng ating bayan.

ang layunin ni lolabelles sa buhay ay simple lang tarush: maging tapat


sa aking mga magulang at sa bayan vilang isang marangal na anak
tarush, mabait na kuya, at mabuting mudramayan.

Sa wikang Ingles:

My presence here today is proof that you are my true strength. I never
expected that I will be here taking my oath of office before you, as your
president. I never imagined that I would be tasked with continuing
the mission of my parents. I never entertained the ambition to be the
symbol of hope, and to inherit the problems of our nation.

I had a simple goal in life: to be true to my parents and our country as


an honorable son, a caring brother, and a good citizen.

At sa ating pambansang wika:

Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay


na lakas. Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na
ako’y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi ko
pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng
mga suliranin ng ating bayan.

Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga


magulang at sa bayan bilang isang marangal na anak, mabait na kuya,
125

at mabuting mamamayan.
Hindi ba’t tagos sa damdamin ang mensahe ng pangulo sa
orihinal na teksto? Kung gusto nating pagbutihin ang komunikasyon sa
bansa, gamitin natin ang ating wika. Kung naantig ang inyong puso noong
mapakinggan ninyo ang inaugural speech, higit na magiging mabisa ang
pag-aaral ng mga bata kung ang wikang naiintindihan ng lahat ang ating
ginagamit.
Hindi jejemon, hindi bekimon ang may salarin kung bakit
mababa ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Mga indikasyon lang 'yan ng
pagiging dinamiko ng wika batay sa paggamit ng tao. Higit na malaking
pinsala sa kaisipan ng ilang henerasyon ng mga Pilipino ang pagdebelop
ng struktura ng karunungan sa bansa na nakabatay sa wikang Ingles.

INTERNET

Ang huling paksang nais kong talakayin ay ang pagtukoy sa mga


nakakabahalang impluwensiya ng internet sa pagkilos ng mga kabataan.
Marami na ang nasulat ukol sa positibong papel ng internet sa
pagpapakalat ng impormasyon. Ang pakay ko ay magbigay lang ng ilang
paalala na hindi lahat ng aktibidad natin sa internet ay may magandang
dinudulot.
Eto ang optimistikong pagtingin sa ugnayan ng internet
at pulitika: sa pamamagitan diumano ng malawak na pamamahagi
ng impormasyon – teksto, larawan, video, ilustrasyon, podcast, –
magbubunsod ito ng bukas na komunikasyon sa lipunan. Lilikha ito ng
spesyal na kilusan ng mga citizen journalist kung saan ang impormasyon
o katotohanan na pinamamahagi natin ay siya ring armas para labanan
ang mga tiwali. At kapag malaya ang palitan ng impormasyon, ito ay
magtutulak sa tao na kumilos para sa pagbabago.
Ideyal ito. Pero hindi ito ang nagaganap batay sa aking
obserbasyon. Imbes na magtulak sa mga kabataan na makipagkapit-bisig
sa iba, napapatingkad pa nga ang indibidwalismo. Virtual activism, hindi
social interaction ang nangyayari. Imbes na katotohanan ng lipunan
ang ating sinusuri, katotohanan ng ating mga buhay ang pareho nating
binubuyangyang sa publiko, tinitingnan at tinititigan. Hindi internet
activists ang nabubuo, kundi mga makabago at hi-tech na narcissist sa
virtual at totoong buhay.
Halimbawa, may isang larawan tungkol sa kahirapan ang na
upload sa Facebook. Sa ideyal na sitwasyon, pagkatapos mo itong titigan,
mahihikayat kang umaksiyon. Gagawa ka ng kongkretong hakbang sa
126

offline na mundo para may mangyari. Pero kadalasan ang gagawin mo,
you will like it sa FB, at 'pag nabasa ito ng mga kaibigan mo, they will
also like it. Malay mo ang isa, gumawa ng cause para dito. Marami ang
magiging fan ng cause. Tapos ang litrato ay magiging viral na, makikita
sa labas ng iyong network of friends. Tapos may magtweet nito, tapos
ireretweet ng isang sikat na twiterrer. Masayang-masaya ka na. Pero paano
kung hanggang internet na lang umikot ang mga aksiyon? Laganap nga
ang impormasyon, pero mananatili lang itong impormasyon hangga’t
walang interbensiyon sa totoong mundo. Dapat, pana-panahon isarado
ang inyong computer.
Nakakabahala na may mga kabataang nag-iisip na pwede nilang
baguhin ang mundo kahit nakaharap sila sa internet. Mas nakakalungkot
'yong mga naniniwala na hindi na dapat kumilos, mag-organisa,
makibaka dahil mas epektibo daw ang maging aktibista sa internet.
Alam ninyo kahit libu-libo pa ang pirma sa isang online
petition, hindi 'yan mababasa ng mga pulitiko. May mga kasamahan ako
sa Kongreso na hindi marunong magbukas ng computer.
Simple lang naman ang mensahe: ang susi sa pagbabago ay nasa
sama-samang pagkilos ng mamamayan, sa totoong mundo, hindi sa
Farmville o pag-iiba ng ating FB status update araw-araw.
Nagiging mas matalino raw ang tao dahil sa internet. Maaaring
tama. Pero nagiging tamad din tayo.
Maglista tayo ng ilang salitang pang-aksiyon: maglakad,
tumakbo, tumalon, lumangoy, buhatin, tadyak, suntok, tumalbog, yakap,
halik, hawak, dukot, lagok, lunok, taob, dapa, gulong, ikot, magpadulas.
Maaaring ngayon alam pa natin ang ibig sabihin ng mga salitang
'yan dahil naranasan natin ang mga 'yan noong bata pa tayo. Pero ang
aking pangamba ay unti-unti na silang nagiging banyagang mga salita.
Paano at bakit? Kasi ba naman, araw-araw ang ginagawa natin ay iisa
lang: click. Left-click. Right-click. Double-click. Fast click. Silent click.
Click para tumawag at kumausap ng kapwa tao. Click para
magpahayag ng damdamin. Click para gamitin ang imahinasyon. Click
para magbasa, mag-aral, magturo. Click para kumilos para sa pagbabago.
Click para magpatawa, magmahal, at magpaiyak ng kapwa. Kung may
one ring to rule the world ang Lord of the Rings, may one word to rule
the world: click.

PAGBUBUO

Modernong edukayon. Oo. Pero mas mainam kung kritikal na edukasyon.


127

Higit na mabuti kung makabayang edukasyon. Pag-aralan ang mga wika


ng mundo, pero pambansang wika ang gamitin bilang wikang panturo.
Gamitin ang teknolohiya bilang kasangkapan sa pagbabago. Huwag
magpagamit sa teknolohiya.
CAMPUS PRESS AT HALALANG 2010

PAGBATI SA COLLEGE EDITORS Guild, ang prestihiyoso at pinaka-


malaking organisasyon ng mga batang mamamahayag sa bansa. Ako po
ay galing sa National Union of Students na itinatag noong 1957. Pero ang
CEGP, 1931 ipinanganak. Ibig sabihin, 1931 pa lamang ay pinangungu-
nahan na ng CEGP ang kilusang estudyante sa bansa. Wala nang ibang
organisasyon ang kayang tumapat sa naabot ninyo. Kinikilala na hang-
gang sa kasalukuyan patuloy ang inyong paglawak at pagkamit ng mga
tagumpay sa iba’t ibang laban.1
Una kong nakilala ang CEGP noong 1999. Ginulat ng mga
lider ng CEGP ang marami nang maglagay sila ng busal sa bibig bilang
protesta sa pang-aaway na ginagawa ni dating Pangulong Joseph Estrada
sa media. Gamit ang islogang “Gag us Not”, pinaunawa ng CEGP sa
publiko ang ibig sabihin ng sistematikong panunupil sa mass media.
Kasama rin ang CEGP sa malaking rali na ginawa sa Ayala noong Agosto
1999 upang ipaglaban ang karapatang sibil ng mamamayan.

*Talumpating binigkas sa 69th National Convention ng College Editors Guild, Lucena


City, 17 Mayo 2009.
129

Naging mahalaga rin ang aktibong papel na ginampanan ng


CEGP noong People Power II. Nagkaisa ang campus press sa paglalabas
ng mga espesyal na isyu ng kanilang mga publikasyon upang isiwalat
ang mga iskandalong kinakasangkutan ng gobyernong Estrada. Ang
mga pahayag ng CEGP ay laging makabuluhan, marubdob at matalino.
Laging inaabangan ang mga nilalabas na publikasyon ng CEGP sa mga
forum, rali, at loob ng mga kampus.
Pagkatapos ng Edsa Dos ay isa na namang pambansang
kampanya ang nilahukan ng CEGP: ang kampanya upang ibasura
ang ROTC. Tagumpay ang laban! Dahil sa sama-samang pagkilos ng
kabataan, ang ROTC ay hindi na compulsory sa kasalukuyan.
Hindi nawawala ang boses ng CEGP sa pagrerehistro ng tindig
nito sa mga pambansang usapin. Laging progresibo ang posisyon ng
CEGP: sa isyu ng reporma sa edukasyon, krisis sa ekonomiya, dayaan
tuwing halalan, korupsiyon sa pamahalaan, at siyempre sa usapin ng
kalayaan sa pamamahayag. Kung iisa-isahin ko ang mga makabayang
tindig ng CEGP, baka abutin tayo ng 2010.
Kasama ang CEGP nang binuo namin ang Anak ng Bayan
Youth Party noong 2001. Kabilang ang CEGP sa nagbalangkas ng youth
agenda ng partido noong 2003. Si Ronalyn Olea, dating tagapangulo ng
CEGP, ang 3rd nominee ng Anak ng Bayan noong 2004. Nang lumahok
ulit ang partido sa halalan noong 2007, gamit ang bagong pangalan –
Kabataan Partylist – kasama pa rin namin ang CEGP. Hindi mabubuo,
hindi magtatagumpay ang Kabataan Partylist kung wala ang matayog na
suporta ng CEGP.
Sa madaling salita, ang inyong kinatawan ay hindi lang boses
ng Kabataan Partylist sa Kongreso. Ako rin po ay kinatawan ng CEGP sa
Kongreso.

ITULOY ANG ELEKSIYON

Totoo ang balita. May mga elemento sa lipunan na nais biguin ang ating
hangaring matuloy ang eleksiyon sa 2010. Si PGMA ang makikinabang
kung hindi matutuloy ang eleksiyon. Nais ninyo bang manatili pa si
Arroyo bilang Presidente o Prime Minister? Sa tulong ng media, dapat
itambol ang panawagang ituloy ang eleksiyon. Ituloy ang modernisasyon
ng eleksiyon. Hindi No-el; kundi Mo-el o modernization of elections.
May mabigat na tungkulin ang media sa darating na halalan. Para
magkaroon ng malinis at mapayapang halalan, kailangan natin ng kritikal
at malayang palitan ng impormasyon sa bansa. Kailangang malayang
130

makapagsulat at makapagbroadcast ang ating mga mamamahayag.


Dapat manaig ang katotohanan. Walang takot na pwedeng ibalita ang
mga anomalya sa halalan at pangangampanya.
Kung patuloy na gigipitin ang media, kung patuloy na
patatahimikin ang mga palabang boses sa lipunan, kung haharangin ang
mga expose, kung igigiit nilang ipatupad ang Right of Reply bill, huwag
tayong umasang magiging matahimik, matapat at may kredibilidad ang
halalang 2010.
Susi sa pagkakaroon ng halalang may mataas na kredibilidad
ang pagtitiyak sa kalayaan ng media. Dapat labanan ang censorship.
Kundenahin ang pagpaslang sa mga kasamahan natin sa media. Dapat
biguin ang korupsiyon sa industriya. Dapat tukuyin at iwaksi ang
dominasyon ng corporate interest sa media.
Malaki ang maitutulong ng media para magkaroon ng mga
matalinong talakayan ukol sa eleksiyon. Sa pamamagitan ng media,
maaari nating makilala nang husto ang mga kakandidato. Anu-ano ang
kanilang posisyon sa mga isyung pambayan? Saan sila pumanig sa mga
mahahalagang usapin? Sinu-sino ang nasa likod ng kanilang kandidatura?
Ano ang kanilang plataporma para sa kabataan?
Alam ng mga kandidato ang kapangyarihan ng media. Susuyuin
ang media. Tutuksuhin ang media. Aalukin kayo ng kayamanan at
kapangyarihan. Dapat huwag masilaw, huwag matukso ang media. Pero
marami pa rin ang mabibihag ng salapi. Bilangin ninyo ang mga dating
kritikal na mamamahayag na ngayo’y nasa tabi na ni PGMA.
Dito higit na tumitingkad ang pangangailangan para sa
alternative press.

ALTERNATIVE MEDIA

Kayo ay bahagi ng alternative media. Ang CEGP ay kilalang tagapamandila


ng alternatibong pamamahayag sa mga kampus. Dapat sikaping patatagin
pa ang alternative media sa bansa.
Kung hindi kayang palabnawin ang malapot na kapit ng
Big Business sa mainstream media, nariyan ang alternative media na
magpapatuloy ng krusada para sa katotohanan. Kung puro kandidatong
may pera ang laging binabalita ng mainstream media, nariyan ang
alternative media na pwedeng maglaan ng espasyo o airtime para sa mga
kandidatong mahihirap ngunit may makabuluhang adhikain.
Malaki ang matutulong ng internet para sa operasyon ng
alternative media. Maraming online media ang umaani ng mataas na
131

respeto dahil sa kanilang matapang na pagbabalita. Nais kong ihalimbawa


ang Bulatlat at Pinoy Weekly. Yakapin natin ang potensiyal ng Web 2.0
para sa pagsusulong ng katotohanan.
Huwag din natin maliitin ang bloggers. Totoo: marami sa kanila
ay walang matinong mensahe na maaaring ibahagi. Marami sa kanila puro
copy and paste lamang ang ginagawa sa kanilang mga blog. Pero marami
rin ang matatalinong blogger sa bansa. Marami rin ang may tumpak at
kritikal na opinyon tungkol sa kalagayan ng bansa. Parami nang parami
ang mga blogger na nagiging saksi sa iba’t ibang kaganapan sa lipunan.
Dapat hikayatin sila, pati ang iba pang ordinaryong mamamayan, na
patuloy na magsulat, magbalita, magblog tungkol sa mga napapanahong
usapin.
May tradisyunal, at mayroon ding new media. Pareho natin
itong gamitin. Ilan sa mga publikasyon ninyo ang mayroon ng website?
Ilan sa inyo ang bloggers? Ilan sa inyo ang gumagamit ng Twitter para sa
breaking news? Malamang may Facebook page na ang mga dyaryo ninyo.
Ilan ang gumagamit ng podcast? Pwede pa nating pag-aralan kung paano
magagamit ang video blogging at mobile blogging sa ating pagbabalita.
Huwag pagbanggain ang tradisyunal at new media. Huwag
din kalimutan na kahit sa new media, hindi pa rin nagbabago ang
papel ng mamamahayag. Lahat ng ating sinusulat at binabalita ay para
sa pagsusulong ng katotohanan. Mga katotohanang pakikinabangan, at
dapat pakinabangan, ng publiko.

KABATAAN AT HALALAN

Tulad noong 2007 malaking bilang ng mga botante sa 2010 ay mga


kabataan. Marami ang first time voters. Sana makaboto sa susunod na
taon ang mga hindi nakaboto noong 2004 at 2007. Tinatayang aabot ng
50 bahagdan ang mga kabataang botante sa 2010. Tayong mga kabataan
ang pipili kung sino ang papalit na presidente ng bansa. Exciting, di ba?
Pero marami tayong tungkuling kailangang gampanan.
Una, kailangang magprehistro agad ang marami sa atin. Hindi
automatic ang pagiging botante. Kailangang magparehistro sa Comelec
o munisipyo. Simple lamang ang proseso. Kung nakakainip pumila,
magsama ng barkada o kaya’y magdala ng libro. Sana ang unang isyu
ng mga dyaryo ninyo ngayong first sem ay may balita tungkol sa voters’
registration.
Kailangan din natin ang maagap na voters’ education. Kailangang
ituro ang wastong pagpili ng mga kandidato. Kung matutuloy ang poll
132

automation, dapat ipalaganap ang tamang paraan ng pagboto. Dapat


ipaliwanag din kung ano ang partylist system. Pinakamahalagang paksa
ang usapin kung bakit kailangang bumoto ang bawat isa. Marami kasi sa
atin nagsawa na sa lumang sistema kaya ayaw bumoto tuwing halalan.
Kailangan ng tuluy-tuloy na edukasyon upang kumbinsihin ang ating
mga kababayan tungkol sa kahalagahan ng pagboto bilang pagtatanggol
ng demokrasya. Karapatan at responsibilidad natin ang bumoto.
Pangunahan natin ang pagbubuo ng youth agenda. Iharap natin
ito sa mga kandidato. Alamin ang kanilang tugon sa ating panawagan
para sa mas mataas na badyet sa edukasyon, kalusugan at pabahay. Ano
ang sagot nila sa kawalan ng trabaho sa bansa? Ano ang programa nila sa
ekonomiya? Palaganapin natin ang youth agenda.
Idagdag natin ang ating boses para sa isang malinis na halalan.
Kailangang ipabatid sa Comelec at sa mga lider ng bansa na gusto natin
ng modernong halalan. Ngayon pa lamang ay magbuo na tayo ng mga
anti-fraud at anti-violence network. Mahalaga ito upang bantayan ang
pagboto at pagbilang ng mga boto. Ayaw na natin ng mga Hello Garci
at Hello Bedol. Ayaw na natin ng mga dagdag-bawas. Ayaw na natin ng
karahasan tuwing halalan. Ayaw na natin ng 5G – guns, goons, gold, garci
at gloria.

TAYO ANG PAGBABAGO

May iba’t ibang inisyatiba upang pukawin ang makabayang damdamin


ng kabataan. Positibo ito. Napapansin ko lang na ang binibigyang diin ay
may kinalaman sa mga indibidwal na pagkilos ng mga kabataan. Hindi
na ito bago. Noon pa man marami na ang nanawagan ng pagbabago batay
sa inisyatiba ng bawat isa. Kahit ang Malakanyang, nananawagan na ang
pagbabago ay dapat magsimula sa sarili. Ang mga nasa kapangyarihan
ay nananawagan rin ng pagbabago – pagbabago sa gawi, sa puso’t isipan.
Lumang ideolohiya na ito.
Sinisisi ko ang dominanteng ideolohiya kung bakit popular ang
ganitong mensahe. Di ba ito ang turo sa atin – na basta’t maging mabuting
tao ka o mamamayan ay sapat na upang guminhawa ang lipunan. Huwag
nang makialam sa pulitika; asikasuhin na lamang ang sarili at pamilya.
Huwag nang magrali; huwag nang labanan ang dambuhalang sistema.
Magsimula sa sarili. Ako mismo. Magpayaman, mamigay ng limos,
magvolunteer, magpintura ng mga bahay. Sapat na ang mga ito.
Samantala, sila mismo – silang mga buwaya na nasa gobyerno –
ay patuloy na nangangamkam ng yaman ng lipunan. Habang abala tayo
133

sa ating mga sarili, sila mismo ay patuloy na nagkakalat ng lagim doon


mismo sa ating mga komunidad. Kaya ang sagot ay hindi ako mismo
kundi tayo mismo ang magpapalayas sa mga masasamang elemento
ng lipunan. Tayo mismo, sa ating sama-samang pagkilos ang lilikha ng
pagbabago sa bansa.
Hindi simple ang manawagan ng pagbabago. Hindi ito nadadaan
sa pag-iimbento ng mga makukulay na palamuti sa katawan. May
sakripisyong kailangang ibigay ang bawat isa kung nais natin ng tunay na
pagbabago. May interes tayong babanggain kung seryoso tayong kikilos
para sa pagbabago. Makapangyarihan ang interes na ito. Mabagsik silang
kaaway. Mapanganib na laban. Kaya hindi uubra kung nag-iisa lang
tayong sisigaw ng pagbabgo. Ikaw mismo ay mabibigo. Dapat kolektibo,
dapat sama-samang manawagan ng pagbabago. Dapat pagtulungan natin
sa ating mga organisasyon kung anong mga mainam na paraan upang
isulong ang pulitika ng pag-asa, pagbabago at pakikibaka.
Bahagi ang CEGP sa ating binuong kilusan: Tayo ang Pagbabago.
Layon nating pakilusin ang pinakamalawak na bilang ng mga kabataan –
sa paaralan, komunidad, siyudad, probinsiya, pagawaan – upang maging
pwersa ng pagbabago sa lipunan. Hindi lamang malinis na halalan ang
ating ipaglalaban. Titiyakin din natin na magiging mas maaliwalas ang
ating kinabukasan.
Sa ngalan ng Kabataan Partylist, hangad ko ang tagumpay ng
inyong pagtitipon sa araw na ito. Binabati ko ang mga lider at miyembro
ng CEGP.
Mabuhay ang Guilders!
UP MULTISECTORAL ALLIANCE:
‘MAGBUKLOD PARA ITAGUYOD
ANG PAMANTASAN NG BAYAN,
PARA SA BAYAN’

ILANG SEGUNDONG KATAHIMIKAN PO ang ialay natin para kay Kris-


tel, isang iskolar ng bayan na pinagkaitan ng karapatang makatapos sa
pamantasan ng bayan…1
Binabati ko ang lahat ng kalahok sa makasaysayang pagbubuo ng
Multisectoral Alliance ngayong hapon. Alam kong marami sa ating mga
kasamahan ay kasama ng pamilya ni Kristel ngayong oras; pero kailangan
din nating ituloy itong napakahalagang pagtitipon na isinasagawa natin
ngayon dahil ang layunin nito ay para din sa pangmatagalang interes ng
mamamayan, lalo na ng mahihirap, na nag-aaral dito sa tinatawag nating
pamantasan ng bayan.
Napangiti po ako nang mabasa ko ang imbitasyon kasi nakasulat
doon na ang institusyonalisasyon ng MSA ay sinimulan ng student
council noong 2000, ito 'yong schoolyear na kung saan ang inyong
lingkod kasama ang STAND-UP ay pinamunuan ang USC. Landslide po
ang pagkapanalo namin noon.

*Talumpating binigkas sa pagtitipon ng UP Multisectoral Alliance, College of Engineering,


23 Marso 2013
135

Sa totoo lang po, nakalimutan ko na ang mga detalye ng


pagbubuo ng Community Rights and Welfare (CRAW) at ng MSA. Pero
para sa nakakabatid ng oryentasyon at programa ng STAND-UP, hindi na
dapat ipagtaka kung bakit kasama sa aktibidad ng USC ang pagtataguyod
sa kapakanan ng buong komunidad ng UP.
Noong bago ako sa STAND-UP, ipinaunawa agad sa amin
na dapat magkaisa ang lahat ng sektor sa loob ng pamantasan. Bilang
bagong estudyante, medyo naguluhan ako. Hindi ba ang pamantasan ay
binubuo lang ng estudyante, guro, at mga administrador?
Kaya naiba ang mundo ko at ang pagtingin ko sa mga bagay-
bagay nang ipinaliwanag sa amin ang elitistang batayan ng ganitong
pagtingin. Pinamulat sa amin na ang UP ay isang komunidad, isang
dinamikong komunidad na binubuo ng iba’t ibang sektor. At ang mga
mag-aaral ay hindi dapat hinihiwalay ang sarili sa ibang mga sektor.
Dahil magkakaugnay ang ating sitwasyon, dahil bahagi tayo ng isang
pamayanan, dahil sa ating pagsasama ay mas tumitibay ang ating hanay.
Naalala ko, kapag nagpaplano ang mga aktibistang grupo noon,
miyembro po ako ng Center for Nationalist Studies, hindi lang naming
binibilang at hinahanay ang mga kolehiyo kundi pati mga komunidad sa
paligid ng kampus.
Naging Basic Masses Integration officer ako ng STAND-
UP. Noong halalang 1998, sa komunidad namin binuo ang Kalakap o
Kabataan Laban sa Karahasan at Pandaraya sa eleksiyon. Taong 1998
din binuo ang Anakbayan, ang komprehensibong organisasyon ng mga
kabataan; at marami sa mga kasapi nito ay mga mag-aaral ng UP at mga
kabataang naninirahan sa paligid ng kampus.
Nasabi ko kanina halos hindi ko na tanda ang mga detalye ng
MSA nang kami ay mamuno sa USC. Pero ang alam ko, kasama namin ang
guro, empleyado, manininda, at mga drayber sa panawagang patalsikin si
Erap. Bago 'yon may koalisyon laban sa kartel ng langis. Regular ang mga
pulong kung paano palalakasin ang laban ng mga sektor – kampanya
para sa badyet sa edukasyon, kampanya para sa dagdag na benepisyo ng
mga kawani ng pamantasan, kampanya laban sa demolisyon, at iba pang
panggigipit sa mga komunidad palibot ng UP.
Ang pormal na pagbubuo ng MSA ngayong araw ay tunay na
makasaysayan. Pormal nating inaanunsiyo sa buong bayan na dito sa
pamantasan ng bayan, nagbubuklod ang lahat ng sektor para isang tinig
at isang hanay tayong titindig sa mga susunod na laban. Ipinagpapatuloy
natin ang progresibong tradisyon na kung saan ang mga iskolar ng bayan
ay nakikipagkapit bisig sa mga manggagawa at iba pang aping uri ng
136

lipunan.
Marahil isa rin itong pagtatangka o pamamaraan upang itama
ang mga kasalanan ng UP. Ang UP na umagaw ng lupa sa mga magsasaka
at mga maralitang naninirahan noon dito sa Diliman, Tandang Sora,
Katipunan at Krus na Ligas. Kinamkam ng estado ang lupain para pag-
aralin ang mga kabataan – magandang layunin pero hindi sapat na
dahilan upang isantabi na lamang ang mga taong umaasa sa lupang ito
para sa kanilang buhay at kabuhayan. Sana ituring natin itong pagbubuo
ng MSA bilang pagbibigay galang din sa mga maralitang pinatahimik at
tinaboy ng estado upang itayo ang matayog na pamantasan ng bayan.
Pormal nating binubuo ang MSA ngayon pero sa totoo lang,
kahit wala pa ang MSA, marami na rin tayong tagumpay na nakamit.
Dahil sa matagalang paggigiit na ang UP ay isang malaking komunidad
na binubuo ng iba’t ibang sektor, napagtagumpayan natin na kilalanin
ng administrasyon ng UP sa maraming pagkakataon ang boses ng mga
sektor na ito. Siguro mamaya, iisa-isahin ng mga susunod na magsasalita
ang mga matatagumpay nating kampanya. At 'yong iba ay nakasulat sa
ating orientation paper.
Ang natatandaan ko, pagkatapos ng Edsa Dos, kasama namin
ang mga kawani na nagbigay ng hamon sa bagong pangulo ng bansa, si
Gloria Arroyo, doon mismo sa palasyo ng Malakanyang.
Dapat ipagmalaki ang pagbubuo ng MSA. Kakaiba ito, natatangi
sa bansa, at radikal na hakbang. Saan ka makakahanap ng alyansa sa
loob ng pamantasan na kung saan may boses at representasyon ang mga
labandera at manininda?
At dapat lang, dahil ang UP ay may tungkuling patuloy na
maghapag ng mga mapangahas na panukala at mga aksiyon na ang layunin
ay para gawing mas demokratiko ang buhay at pag-aaral dito sa loob ng
kampus. Sa UP unang minungkahi ang pagkakaroon ng student regent;
at ilang dekada itong pinaglaban. Ngayon mayroon ng batas na dapat may
student regent sa Board of Regents ng lahat ng state universities. Tapos
sumunod ang faculty regent. Ngayon ang UP ay may staff regent. Ang
pagtataguyod sa MSA ay kaugnay ng mga naunang panukalang nabanggit
ko. Ibig sabihin, ang MSA ay isang paghahamon sa estado sa isang banda,
at sa kabilang bahagi naman, ito ay pagpapakilala sa publiko at paalala
sa iba pang pamantasan na posible, posibleng-posible, ang pagsilang ng
isang alyansang kinabibilangan ng mga inaakalang magkakahiwalay na
grupo o sektor sa loob ng isang malaking pamantasan.
Walang lugar ang MSA sa isang intelektuwal na institusyon, sa
isang pamantasang may kumplikadong burukrasya? Hindi ba’t ganyan
137

din ang argumento noon nang tinutulan ng estado ang pagkakaroon ng


student regent at faculty regent? Mag-aral na lang daw ang mga estudyante,
magturo ang mga propesor. Huwag ng makialam sa pamamahala ng
kampus. Kaya tunay na magandang balita ang pagbubuklod natin ngayon
dahil ito ay magiging modelo para sa iba pang pamantasan. Pagpupugay
sa inyo na bahagi ng makasaysayang pagtitipon ngayong araw.
At napakamakabuluhan ng napili ninyong tema: Magbuklod
para itaguyod ang pamantasan ng bayan, para sa bayan. Dalawang
magkaugnay na paksa ito: Una, dapat ang UP ay manatiling pamantasan
ng taongbayan, nagbibigay serbisyo sa taongbayan, at pinag-aaral
ang mga matatalinong kabataan lalo na ang mga nanggaling sa mga
mahihirap na pamilya. At pangalawa, dapat pinaglilingkuran ng UP ang
interes ng bayan, hindi ng kapital, hindi ng malalaking negosyante, hindi
ng mga pulitiko, at mga aroganteng teknokrata.
Tinutumbok ng inyong tema ang tinahak na direksiyon ng UP
nitong mga nakalipas na dekada. Tila ang pamantasan ng bayan ay naging
pamantasan ng mayayaman. Nakalimutan ng marami, lalo na ng mga
namumuno na ang pamantasan ay dapat para sa bayan. At para sa akin,
ang dapat sisihin ay walang iba kundi ang kaisipang neoliberalismo na
ugat ng polisiya na magbawas ng pondong bayan para sa mga serbisyong
lipunan, kasama ang edukasyon. Ito ang lason na bumulok sa kaisipan
ng mga ating mga lider, burukrata, at mga teknokrata – mga mababait na
indibidwal pero hinubog ng ideolohiyang elitista. Ang edukasyon, tulad
ng ibang serbisyo, ay tinuring na kalakal na hindi dapat ibigay ng estado
kundi dapat ipagbili. Handang ipagkait sa mamamayan at ibigay lamang
sa kayang magbayad, sa mga mayayaman.
Nitong mga nakalipas na taon ay nasaksihan natin ang mga
mapapait nitong manipestasyon: budget cut, tuition increase, pagbenta
ng mga ari-arian, at iba pang porma ng komersyalisasyon. Pawang
papatindi ang komodipikasyon ng edukasyon sa pamantasan ng bayan.
Tama na gawing prayoridad ng MSA ang pagtataguyod sa isang
pamantasan ng bayan, para sa bayan. Labanan ang tangkang isapribado
ang iba’t ibang serbisyong dapat binibigay ng libre o abot-kaya para sa
ating mamamayan.
At mga kasama, sa pagbubuo ng MSA, ay may tagumpay na
tayong nakamit. At patuloy tayong aani ng tagumpay. At patuloy na
titibay ang ating ugnayan. Ang UP, ang UP na tahanan ng mga board
topnotchers, senador, mga pangulo ng bansa, ang UP na binubuo ng
493 ektarya, pero higit sa lahat, ang UP na binubuo ng 24,000 students,
1,500 teachers, 1,369 employees, 1,800 contractuals, 394 drivers, 63 small
138

vendors, at 20,000 residents. Ito ang UP na nakikita ko ngayong araw.


Ito ang kinakatawan ng MSA, ang pinakamahalagang alyansa sa loob ng
kampus.
MDGS AT HEALTH WORKERS

BINABATI KO KAYONG LAHAT sa paglulunsad ng aktibidad na ito. Higit


akong humanga sa inyong desisyon na gamitin ang okasyong ito upang
pagtibayin ang ating panata na makamit ang tinatawag nating Millenium
Development Goals.
1
Taong 2000, buwan ng Setyembre, nang magbuklod-buklod ang
191 bansa, kabilang ang Pilipinas, at nilagdaan ang isang deklarasyon
upang sugpuin ang kahirapan, at iba pa nitong manipestasyon tulad ng
malawak na di pagkapantay-pantay sa lipunan at mga sakit na pwede
namang mapigilan ang pagkalat kung ito ay bibigyang pansin ng mga
pamahalaan. Halimbawa, taong 2009 nang binulaga tayo ng AH1N1 at
nakadebelop agad ang mga doktor ng bakuna para ito ay sugpuin.
Ano na ang narating natin sampung taon pagkatapos pirmahan
ang MDG declaration? Mahabang panahon ang sampung taon at
nasaksihan natin ang maraming pagbabago sa paligid: Noong 2000,

*Talumpating binigkas sa pambansang kumbensiyon ng Alliance of Young Nurse Leaders


& Advocates International Inc. na ginanap sa Manila Pavilion.
140

nasa elementary pa lamang kayo. Ngayon, malapit na kayong magtapos


sa kolehiyo. Noong 2000 si Justin Bieber ay anim na taon pa lamang.
Ngayon siya na ang pinakasikat na teenager sa buong mundo. Si Erap
pa ang presidente noong 2000 kaso pinabagsak siya ng jueteng. Ngayon
si PNoy na ang nakatira sa Malakanyang kaso may jueteng pa rin.
Noong 2000 ang nakalagay sa aming mga bag ay notebook, libro, pager,
at walkman. Ngayon ang nakalagay sa inyong bag marahil ay netbook,
cellphone at MP3 player. Noon, at kahit hanggang ngayon, nakakahiyang
magdala ng condom.
Kamusta naman ang performance ng Pilipinas sa target nitong
makamit ang MDGs? Kaya ba nating habulin ang 2015 deadline? O
mananawagan ba tayo ng extension, tulad ng ginagawa natin kapag
voters’ registration?
Hindi ito ang panahon upang bulatlatin ang status ng MDG sa
bansa. Pwede ninyong basahin ang ulat ng mga ahensiya ng pamahalaan.
I-google ninyo na lang. Nais kong talakayin ang ilang natatanging paksa
na may kaugnayan sa kalusugan at pagkamit natin ng MDG.
Narinig ninyo na marahil ang sanggol na iniwan ng nanay sa
basurahan sa ating pandaigdigang paliparan. Pansinin ang ilang mungkahi
na dapat tugisin ang ina. To quote former Senator Ramos Shahani, the
first instinct was to criminalize the mother. Pero ang trahedyang ito ay
isang sampal sa ating lahat, lalo na sa ating mga pinuno. Tayo ay bigo na
maglaan ng impormasyon at serbisyo ukol sa safe pregnancy, maternal
care, infant care.
Nitong mga nakaraang araw, maraming dead fetus ang
natagpuan sa mga basurahan at simbahan. Kung babasahin mo ang mga
dyaryo, parang mga bombang di sumabog ang mga natatagpuan kung
saan-saan. Kung bomba ang mga dead fetus, baka napasa na ngayon ang
Reproductive Health Bill. Kaso ang nababasa ko ay mga pagkutya sa mga
kabataan na hindi raw marunong magpigil ng kanilang mga hormones.
Dapat wala raw munang pre-marital sex.
Susi sa pagkamit ng MDG ay pagkakaroon ng isang epektibong
health delivery system. Pero dapat hindi ito humuhusga. Wala dapat
diskriminasyon. Dapat ibigay ang serbisyo sa lahat – bata man o
matanda, kasal man o hindi, mayaman man o mahirap lalo na 'yong
walang pambayad ng deposit sa ospital.
Malaki ang pananagutan ng pamahalaan. Matagal na nating
binabarat ang sektor ng kalusugan. Kung susundin lang natin ang
Magna Carta for Public Health Workers at Nursing Act of 2002, dapat
signipikante na ang pagtaas ng sahod ng ating mga manggagawa sa
141

sektor pangkalusugan.Kaso iba ang prayoridad ng pamahalaan. At


ang masaklap, gusto nitong magbawas pa ng ginagastos para sa ating
kalusugan. Gusto nitong ipaubaya sa mas maraming pribadong ospital
ang pangangasiwa sa kalusugan ng mga Pilipino. Dapat kalampagin natin
si PNoy at ipaalala sa kanya na ang kalusugan ay dapat ituring na mayor
na responsibilidad ng estado.
Ano ang pwede ninyong gawin bilang kabataang naglilingkod
sa sektor ng kalusugan?
Gamitin ang teknolohiya para sa pagpapabuti ng serbisyong
pangkalusugan. Sa Ghana, ginagamit ang SMS o texting para sa
konsultayon sa pagitan ng pasyente at doktor. Pwede kayong gumawa ng
mashup sa tulong ng Google Map at tukuyin ang mga lugar na malayo sa
mga health center. Para sa inyong kaalaman, ang mga Pilipino sa buong
bansa ay bumabyahe pa ng 39 minuto para marating ang isang health
center. Sa ARMM, ang byahe ay tumatagal ng 83 minuto.
Mainam at kayo ay nagsama-sama upang iparamdam ang
inyong lakas sa mga kinauukulan. Gamitin ninyo ang inyong kolektibong
impluwensiya upang malutas ang mga sakit ng sektor ng kalusugan. Igiit
ninyo ang mga repormang kailangan upang maging kaakit-akit ang
paglilingkod sa mga pampublikong ospital, lalo na sa kanayunan. Ipatigil
ninyo ang mga di makatwirang patakaran na inyong nararanasan: Dapat
bang wala kayong sahod na natatanggap bilang mga student nurse? Dapat
bang kayo pa ang magbayad nang sobra-sobra sa mga pagamutan?
Hindi ko kayo mapipigilang umalis ng bansa pero ako ay
nakikiusap sa inyo na isama ninyo sa inyong prayoridad ang paglilingkod
sa ating mga komunidad, lalo na sa probinsiya, lalo na sa mga malalayong
barangay.
Hindi kayang pantayan ng remittance o padala ang serbisyo
na pwede ninyong ibigay sa ating mga komunidad at ospital. Hindi
rin pwedeng maghintay ang mga may sakit. Kailangan nila ng agad na
pansin at aruga. Kailangang ibalanse ang pagsusulong ng pansariling
kagustuhan at pagbibigay ng napapanahong serbisyong pangkalusugan
sa ating kapwa.
Minsan hindi lang isa ang daang matuwid. Pwede kayong
mangibang bayan, magpakadalubhasa, mag-ipon at pagkatapos ng ilang
taon o dekada, bumalik dito sa ating bayan. Pero pwede rin kayong
manatili dito; dito sa bansang hitik sa likas-yaman subalit naghihikahos
ang kanyang tao. Dito pwede kayong maging doktor at nurse ng
mahihirap, at higit sa lahat, may pagkakataon kayong baguhin ang mali
sa paligid.
142

Pero aanhin mo ang daang matuwid kung lahat ay nag-eroplano


na papunta sa ibang bayan?
Hangad ko ang tagumpay ng pagtitipong ito. Isang matamis na
pagpupugay sa lahat ng kabataang naghahangad ialay ang kanilang talino’t
lakas sa ating inang bayan. Maraming salamat sa inyong imbitasyon.
Mabuhay!
K12 NG KABATAAN

MAHALAGA ANG LETRANG K O Ka sa ating kasaysayan, partikular sa


pagbubuo ng bansa at pagsasabuhay sa diwa ng nasyonalismo. Mula
KKK nina Bonifacio, ginamit ang simbolo ng baybaying Ka upang
isalarawan ang rebolusyonaryong hangarin ng mamamayan. Ngayon ang
sikat na K ay may kinalaman sa programa ng DepEd: ito ang K-to-12.
Pero kontrobersiyal ang programang ito at maaari pa ngang magpaha-
mak sa edukasyon ng bansa kung hindi tutugunan ng pamahalaan ang
mga rekisitos na kailangan para ito’y magtagumpay. Bukod pa dito’y hin-
di pa lubusang nasasagot ang tanong kung ito ba ang pinakamainam na
solusyon sa dambuhalang krisis na bumabalot sa sistema ng edukasyon.
Bilang mag-aaral at kabataan, dapat kalahok kayo sa debate
ukol sa K-12. Kayo ang maging boses ng kasunod na henerasyon na tiyak
apektado ng programang ito.1
Iwanan natin pansamantala ang K-12 ng DepEd dahil may ibang
K12 na nais kong talakayin ngayong hapon. Dahil kaharap ko ngayon
ang mga lider-kabataan ng bansa, may mungkahi akong labingdalawang

*Talumpating binigkas sa assembly ng SK Mindanao sa Davao.


144

K o K12 na sa tingin ko’y dapat taglayin o abutin ng ating mga kabataan.


Anu-ano ang mga K12 na ito?
1. Karunungan. Kaisipan. Kaliwanagan ng pag-iisip. Hindi ito
nakukuha sa pagpasok sa pamantasan at minsan ang pormal na pag-
aaral ay nagiging hadlang pa nga upang pumanig tayo sa katotohanan.
Ang susi sa karunungan ay dapat may bukas tayong pag-iisip.
Handang subukin ang mga bagong ideya o teorya. Ang kritikal at
matalas na pag-iisip ay tanda ng maayos na kalusugan.

2. Kilos. Kapasyahan. Kasipagan. Kusa. Walang saysay ang katalinuhan


kung walang aksiyon. Dapat laging mapagpasya, may kahandaan at
inisyatiba sa lahat ng bagay. Sipag hindi lamang sa trabaho kundi
sa pag-abot sa ating mga minimithing adhikain sa buhay. Kung
walang pagkilos ng kabataan, mabagal din ang pag-usbong ng bago o
maaaring manatili ang bulok na luma.

3. Katapatan. Kalinisan. Kabutihang-loob. Mag-ipon ng kagandahang-


asal, hindi materyal na bagay; ito ang sukatan ng tunay na kayamanan.
Pero huwag sanang dumulo ito sa mababaw na moralidad. Katapatan
sa ating sinumpaang tungkulin. Kalinisan ng budhi at konsiyensiya.
Kabutihan na may kinalaman sa pagtalima sa piniling prinsipyo sa
buhay. Buhay na inalay sa isang dakilang misyon.

4. Komunikasyon. Epektibong propagandista ang bata; may sariwang


perspektiba, edukadong opinyon na tiyak gagalangin ng iba. Mapalad
ang inyong henerasyon dahil nariyan ang iba’t ibang teknolohiya na
pinapabilis ang komunikasyon at palitan ng impormasyon. Pero
kapag sobra-sobra na ang daloy o buhos ng datos, lalo na ng maling
kaisipan at mga walang katuturang detalye, dapat tumulong tayo
para ang mangibabaw ay katotohanan at kaliwanagan. Mag-usap,
magchat, maging aktibo sa social network nang hindi nawawala sa
isip ang motibong mag-ambag sa pagpapatibay ng ating pagkatao.
Komunikasyon para sa kabutihan ng tao.

5. Karapatan: Kasuotan, Kabahayan, Kabuhayan, Kapayapaan,


Katarungan, Kalayaan. Krusada para sa pagbabago. Kampanya para sa
mga batayang pangangailangan ng tao sa buhay at mga kongkretong
kagustuhan na magpapaunlad sa kalidad ng pamumuhay. Hindi
sapat na may pagkain, dapat may dignidad din. Trabaho na may
dangal. Walang silbi ang mansiyon sa isang lipunang walang
145

kalayaan, demokrasya, at pagkapantay-pantay. Kapayapaan batay sa


katarungang panlipunan.

6. Katapangan. Kagitingan. Kabayanihan. Hindi tayo kapos sa


halimbawa: Propaganda. La Liga Filipina. KKK. Mga kabataang
lumaban noong Philippine-American War at World War II. First
Quarter Storm. Edsa 1986. Kampanya para sa pagpapatalsik ng Base
Militar. Edsa 2001. Mapusok ang kabataan, at dapat ang galit ay
gamitin laban sa mga tiwali. Ang kapangahasan ay kailangan para
sumilang ang bago at pagbabago. Kaaway ng kabataan at pagbabago
ang sinumang nagnanais na ilimita ang potensiyal ng bata na
tumulong sa pagpapanday ng bagong kaayusan.

7. Komunidad. Hindi kanya-kanya, hindi indibidwalismo, hindi


mapanirang kumpetisyon. Dapat bayanihan sa komunidad. Bahagi
tayo ng mas malalaking yunit sa bansa. Mayroon tayong kapamilya,
kapuso, kapatid, kalahi, kabarkada, kasambahay, katropa. Ang pasya
ng karamihan ang dapat mangibabaw, hindi ang sakim na pansariling
interes. Mas bigyang timbang ang kapakanan ng nakakarami at hindi
ng pinagpalang iilan. Pribilehiyo ang maging kasapi ng komunidad;
hindi dapat yumuko ang komunidad sa dikta ng pribilehiyo.

8. Kolektibo. Katipunan. Kapwa. Kasama. Kapitbahay. Kaibigan.


Dapat lahat kabahagi sa pag-usad ng panahon; walang iwanan. Imbes
na pangaraping maging sentro ng mundo, dapat ang kapangyarihan
ng tao ay gamitin para lumikha ng bagong daigdig ng mga tao.
Pagkakaisa at pagbubuklod-buklod para tapusin na ang pang-aapi ng
tao sa kapwa tao.

9. Kalikasan. Dahil iisa lang ang ating daigidg. Sino pa ang dapat
manguna sa pagtatanggol ng kalikasan kundi ang kabataan na
magmamana sa planetang ito. Kabundukan. Katubigan. Kapatagan.
Kagubatan. Kalawakan. Kalunsuran. Kanayunan.

10. Kultura. Kasaysayan. Mayaman at makulay ang ating nakaraan


at ang bakas nito’y buhay na buhay pa rin sa maraming komunidad.
Pero nakakabahala ang paglimot at mababang pagpapahalaga ng
ilan sa ating kultura. Kaugnay nito ang mababaw na pagkilala sa
kapangyarihan ng kasaysayan. Paano tayo lalaban sa ibang lahi
sa panahon ng globalisasyon kung wala tayong malalim na pag-
146

unawa sa ating pagkakakilanlan? Kulturang popular ng ibang bayan


ang ipapasa ng kabataan sa hinaharap kung walang sustinidong
pagbabaliktanaw sa ating nakaraan. Pero kapag armado ng aral ng
kasaysayan, magagamit ito ng kabataan sa paggampan ng kanyang
dakilang misyon na lumikha ng bagong kasaysayan.

11. Kinabukasan. Kasaganahan. Kaginhawaan. Kaligayahan. Pag-


asa ng bayan kung gagamitin ang lakas, giting at talino; at handang
kumilos para magkaroon tayo ng mas maaliwalas na kinabukasan.
Imposible? Hindi kung kikilos ang marami ngayon; kung babasagin
ang katahimikang tinakda ng mga mapang-api; at kung tuloy-tuloy
ang pag-abot sa matamis na pangarap.

12. Kabataan. Dahil ang kabataan ay tinatakda din ng mentalidad,


aktitud, at gawi ng tao. Ang tao ay tumatanda kapag bumibitiw siya
sa kanyang prinsipyo. Subalit nananatili siyang bata habang patuloy
na lumalaban, nakikibaka, at nangangarap. Si Harry Potter, the boy
who lived. Si Peter Pan, the boy who never grew up. Si Benjamin
Button, pabaliktad ang kanyang pagbata at pagtanda. Maraming bata
pero maagang sumuko sa mga hamon ng buhay; nasilaw at nalason sa
tuksong dala ng salapi, katanyagan, at kapangyarihan.

Hindi problema ang pagtanda, ang paghina ng katawan, kung


nananatiling bata ang inyong pag-iisip at pagtingin sa buhay. Ito ang
sikreto ng habambuhay na pagkabata.
HAMON SA SANGGUNIANG KABATAAN

TO MY FELLOW PUBLIC servants, my co-workers in government, my


fellow youth leaders, magandang araw.
Sa diwa ng Araw ng Kagitingan na ating ipinagdiwang noong
Lunes, ilang segundong katahimikan ang ialay natin para sa mga
bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaang tinatamasa natin ngayon.
Mamaya po tatalakayin ko ang ugnayan ng kabataan at
kabayanihan. Mag-uulat muna ang inyong lingkod sa parliamentary
status ng mga panukalang batas na may kinalaman sa Sangguniang
Kabataan. Palaging tinatanong sa akin: Mabubuwag ba ang SK? O
reporma ba ang gagawin? May term extension ba? May halalan ba sa
susunod na taon?
Una, bakit ba tayo tutol sa mungkahing buwagin ang SK? Dahil
ang akusasyon nila sa SK tulad ng korupsiyon, na kahit tama sa maraming
pagkakataon, ay higit na dapat ituro pabalik sa mga mas nakakatanda
sa pamahalaan. Hindi SK ang pasimuno ng korupsiyon sa bansa. Hindi
SK ang nabigo kundi ang bulok na sistemang pulitikal na nagkulang
na magbigay ng mga wastong halimbawa para sa mga bata. Bakit SK
lang ang bubuwagin kung korupsiyon lang ang dahilan? Buwagin ang
148

Kongreso. Buwagin ang AFP. Walang ahensiya ng pamahalaan ang


bukas sa mungkahing reporma maliban sa SK. Hindi tinatanggi ang
problemang bumabalot sa SK pero hindi solusyon ang abolisyon.
Kamusta na ang SK sa Kongreso? Nasa technical working group
pa rin ang pending bills ukol sa SK. Pero sa yugtong ito ay pwede na
nating masabi na nabigo na ang tangka ng ilang mga pulitiko na buwagin
ang SK. Gayunpaman, may mga banta pa rin tayong dapat bantayan.
Oo, pumayag na ang mga abolitionist sa pananatili ng SK. Pero,
ang kondisyon, gusto nilang tanggalin ang kabataan sa mga konsehong
bayan. Nais nilang bawiin ang tagumpay ng ating sektor na may boses at
boto sa mga lokal na pamahalaan. Layunin nilang itansporma ang SK mula
sa isang institusyong may pambansang saklaw at may potensiyal na pag-
isahin ang interes ng kabataan tungo sa mga maliliit na samahan na lang
ng mga kabataan sa mga barangay. Kung may Boy Scout sa mga paaralan,
SK ang katumbas sa mga komunidad. Walang mali sa intensiyong itulak
ang SK na maging mas aktibo sa mga usaping panglokal, pero hindi ba’t
pag-atras ang pagpayag na alisan ng boses at boto ang mga kabataan sa
mga konsehong bayan? Pinaglaban ng mga nauna sa atin ang karapatan
ng kabataang magkaroon ng kinatawan sa mga lokal na pamahalaan;
bakit natin ito ngayon ibabasura?
Isa pang argumento ng ating mga katunggali: kasi daw ang boto
ng SK sa konseho ay nabibili, pinag-aawayan ng mga pulitiko. Tama.
Pero bakit 'yong boto ng ABC ayaw tanggalin? At kung ang problema
ay korupsiyon at pakikialam ng mga pulitiko, bakit ang solusyon ay
alisin ang voting power ng kabataan? Ipagbawal ang pamimili ng boto,
harangin ang interbensiyong ilegal ni Mayor at ng Gobernador. Totoo na
sa kasalukuyan ang boto ng SK ay hindi nagagamit para sa mas malawak
na kapakinabangan ng sektor. Pero kung nasa tamang oryentasyon ito, at
matapang na tumitindig ang SK bilang boses ng kabataan, ang isang boto
bawat konseho ay may potensiyal na magamit sa pagsulong ng interes ng
mga kabataan sa komunidad.
May ilang mga kasunduang pinagtibay na sa bahagi ng mga
mambabatas na bumubuo sa reform bloc. Anu-ano ang mga repormang
isusulong natin? Una, ang edad ay itataas natin sa 18-24. Pangalawa,
may financial autonomy ang SK subalit may responsibilidad itong
magpatupad ng mga transparency measure. Pangatlo, tatlong ex-officio
member ang ihahalal na magsisilbi sa konseho ng isang taon. Palalakasin
natin ang Katipunan ng Kabataan bilang sangay na may malakas na
boses sa pangangasiwa sa mga gawain ng SK. Hinigpitan natin ang
kuwalipikasyon ng magiging SK: dapat walang kamag-anak na pulitiko
149

sa bayan, dapat nag-aaral o nagtatrabaho sa probinsiya, at dapat handang


maging ex-officio member kahit walang sahod. Nais nating patingkarin
ang diwa ng boluntarismo o paglilingkod sa komunidad sa hanay ng mga
kabataan habang sinasanay sila sa paraan ng pamamahala sa bansa. Nais
din nating ilapit ang SK sa mga grupong nagsasabuhay ng alternatibong
paraan ng pamumuno.
May mga mungkahing silipin din ang civil service eligibility
ng SK, rebyu sa pagpapatupad ng scholarship para sa SK sa mga
pampublikong pamantasan at pagbibigay ng iba pang non cash incentives
sa mga kagawad.
Sapat ba ang mga repormang ito para tuluyang mailayo na
sa kasamaan at kapahamakan ang SK? Hindi. Hangga’t ang sistema sa
kabuuan ay hindi nababago, wala dapat asahan na pundamental rin
na pagbabago sa SK bilang bahagi ito ng reaksiyonaryong kaayusan.
Gayunpaman, bilang kabataan, bilang lider-kabataan, pwedeng tumindig
ang SK sa iba’t ibang isyung pambayan. Pwede itong maging konsiyensiya
ng pamahalaan. Be young whistleblowers in the local government. Dapat
kritikal, progresibo, at mapangahas ito sa lahat ng aspeto.
Para sa akin, hindi 'yong SK Reform Bill ang susi sa pananatili
ng SK sa pamahalaan. Kailangan tanggap at unawa ng publiko o ng
nakararami ang silbi ng SK. Dapat makita nila ang kawastuhan ng
pagkakaroon ng boses ng kabataan sa mga konsehong bayan. Paano?
Dapat kumawala ang kasalukuyang SK sa makitid at tradisyunal
na pamantayan at pamamaraan ng pamumuno. Pwede sa simula
ay magbalangkas ng plano ang SK kung paano ito tutugon sa ilang
mahahalagang usaping pambayan tulad ng pagtanggol ng kalikasan,
paglunsad ng voters registration at voters education, paglahok sa debate
ukol sa K-12 ng Department of Education, pagsugpo sa korupsiyon, at
pagbandila ng nasyonalismo.
Kamakailan lang ay galing ako ng Baguio at nabalitaan ko na
naglabas ng manipesto ang SK Baguio laban sa plano ng SM na magputol
ng 182 pine trees para sa itatayo nitong multilevel parking. Binati ko
ang SK kasi ang LGU ng Baguio hindi man lang naglabas ng resolusyon
hinggil sa usaping ito.
Kausapin ninyo na ang DENR kung paano kayo lalahok sa
National Greening Program. Alamin ninyo mula sa Deped at Ched kung
paano ituturo ang climate change sa mga paaralan at komunidad. Tutol
ba kayo sa mining? May mining applications ba sa inyong lugar? Ano ang
tindig ng kabataan dito?
May bagong kurikulum na ipapatupad ang DepEd ngayong
150

Hunyo. Baka pwedeng humingi kayo ng pormal na oryentasyon kung


paano ang paghahanda ng DepEd sa inyong lugar. Dapat makialam ang
mga bata sa usaping ito kasi may kongkreto itong epekto sa pag-aaral ng
inyong constituents.
Lapitan ninyo rin ang Comelec kung paano kayo tutulong sa
voters registration. Magpanukala kayo ng satellite registration sa inyong
lugar.
Noong 1990s nakilala ang SK sa kanyang anti-drugs advocacy
maliban sa mga paliga tuwing summer. Panahon na upang maging mas
aktibo ang SK sa usapin naman ng pagtatanggol ng kalikasan. Ramdam
na natin ang negatibong epekto ng climate change sa bansa. Kung gusto
nating manahin ang isang mas malinis na kinabukasan, dapat ngayon pa
lang ay handa na tayong umaksiyon. Bukod sa tree planting at coastal
clean-up, marami pang pwedeng gawin ang kabataan upang buhayin ang
bagong kaisipan at gawi hinggil sa pagligtas ng kapaligiran.
Hindi sapat na tuwid ang daan. Zigzag ang daan papuntang
Baguio. Tuwid nga ang daan pero substandard pala ang materyales na
ginamit, walang punong matatanaw sa gilid, sa halip ang makikita’y
tarpaulin ads at mga epal billboard, walang bahay na madadaanan dahil
eyesore daw para sa mga turista, tuwid na daan kahit binabaha at laging
may landslide. Ang hamon sa atin, dapat tiyakin na ang daang matuwid
ay para sa lahat at pakikinabangan ng lahat (hindi lang sa mga may
hasyenda, Porsche, at mga kabarilan).
Huwag kayo pumayag na sa inyong termino magkaroon ng
pinal na desisyon na buwagin ang SK. Huwag kayo pumayag na sa inyong
termino mawalan ng boses at kinatawan ang kabataan sa mga konsehong
bayan. Hindi lumang SK ang pinagtatanggol natin kundi ang karapatan
ng susunod na henerasyon.
Sana magpatuloy kayo sa paglilingkod sa komunidad at bayan
kahit tapos na ang inyong termino. Hindi sa SK natatapos ang ating ambag
para mas maging maliwanag ang kinabukasan ng lahat. Patunayan ninyo
na SK man o hindi, kayo ay tapat sa inyong panata na maging tunay na
makabayan at maaasahang anak ng bayan. Tatlong daang libo ang SK; ito
rin dapat ang bilang na handang kumilos sa lansangan o kung saan man
kung kinakailangan para ipakita sa lahat na ang kabataan ay nagmamahal
sa inang bayan.
Ang kabataan dapat tulad ng ibon – nag-aasam maging malaya;
dapat tulad ng agila: mataas ang lipad, matayog ang pangarap, malawak
at masaklaw ang pananaw. Mula kay Matanglawin sa nobela ni Rizal,
Ibong Mandaragit na sinulat ni Amado Hernandez, tapos noong 1986
151

narinig natin ang awiting Bayan Ko at ang popular na linyang ‘Ibon


man may layang lumipad’, at ngayon mayroon tayong mga Angry Birds.
Mga kabataan, I want you to be like the angry birds. Labanan ang tiwali,
isuplong ang mga baboy sa pamahalaan (paumanhin sa mga baboy), at
higit sa lahat gamitin ang galit, ang ideyalismo, at tapang ng kabataan
para sa tunay at makabuluhang pagbabago sa lipunan.
KABATAAN:
PAG-ASA NG BAYAN NGAYON

NATATANDAAN NINYO PA BA ang insidente sa Peninsula Hotel noong


Nobyembre 29? Ano ang naaalala ninyo? Tiyak si Senador Antonio
Trillanes at Brigadier General Danilo Lim. Maraming sibilyan ang hinuli
at kinasuhan noong araw na 'yon. Tampok sa mga inaresto ay mga senior
citizen. Halimbawa sina Dr. Dodong Nemenzo, Bishop Julio Labayen at
Vice President Tito Guingona. Ang mga sikat na kritiko ng pamahalaan
ay matatanda.*1
Bakit walang kabataan sa tabi ni Trillanes at Lim nang
magpresscon sila sa Makati? Bakit senior citizens ang lumalaban? Bakit
mga trapo at sundalo ang nagsasalita para sa atin?
Nasaan ang mga kabataan? Maaaring andito sila: nakapila sa
mga embassy, nag-aapply na makakuha ng visa para makapagtrabaho
sa ibang bansa. Maaaring ang iba ay subsob sa pag-aaral. O kaya ay
natutulog dahil gabi pa ang kanilang pasok bilang mga call center agent.
O baka naman nasa mga katabing mall, naglalaro sa arcade, nanonood

*Talumpating binigay sa Alternative Education Program ng Ateneo de Naga,


7 Pebrero 2008
153

ng sine, nag-uukay. Iyong iba naman ay nakaharap sa kompyuter, may


dinadownload na kanta, naghahanap ng magandang video clip sa
YouTube o may ka-chat na kaibigan o kapamilya.
Inaakusahan ang mga kabataan ng mga nakakatanda. Apathetic
daw ang bagong henerasyon ng mga Pilipino. Walang pakialam sa
nangyayari sa gobyerno. Tahimik sa mga isyung panlipunan. Hindi na
kritikal, hindi na nagtatanong, hindi na nagrereklamo. Totoo ba ito? Ano
sa tingin ninyo?
Sikat ang mga market study na ginagamit ng mga
advertising company upang makuha ang atensiyon ng mga
kabataan. Ang mga kabataan daw ngayon ay nabibilang sa tinatawag
nilang virtual o networked generation. Mahilig sa panonood ng
TV, makinig ng mga kanta sa ipod, magtext bawat minuto at laging
nasa cyberworld.
Kung gagawin pa nating mas partikular: 55 milyon ang may
cell phone sa bansa, mahigit isang daang milyon ang napapadalang text
bawat araw, mahigit 5 milyon ang Friendster account sa Pilipinas. Higit
na pinaniniwalaan ng mga kabataan ang lumalabas sa TV kaysa mga turo
sa bahay, simbahan o eskuwela.
Nag-iiba na rin daw ang moralidad ng mga kabataan. Mas
maraming kabataan ngayon ang may positibong tingin sa premarital sex,
paggamit ng condom at kahit sa abortion.
Kahit ang mga guro nagrereklamo sa study habits ng mga mag-
aaral. Maikli na daw ang attention span, hindi na nagbabasa, hindi na
marunong gumawa ng mga sulat – negatibong epekto diumano ng email
at texting. Dati nangongopya sa mga kaklase, ngayon pare-pareho ang
sagot ng lahat dahil sa Google at Wikipedia. Kailangan palaging may
litrato sa pagtuturo para maintindihan ang usapin.
Madaling akusahan ang kabataan. Nakakaaliw tukuyin ang mga
kahinaan ng bagong henerasyon. Marahil nakakabuti sa kalusugan ng
matatanda ang magsermon at pagalitan ang mga bata. Pero dapat ilagay
ito sa konteksto.
Kasi kapag sasabihin lang na apathetic ang kabataan, nang hindi
inuunawa ang konkretong kalagayan ng mga kabataan, mauuwi ito sa
unproductive na pangangaral. Ito ay pesimistang aktitud. Tuluyan ng
mawawalan ng saysay ang sinabi ni Rizal noon. Hindi ko na babanggitin
ang sinabi ni Rizal, masyado na kasing palasak.
Ang mungkahi ko, imbes na magpokus sa iniisip nating
kakulangan o kalabisan ng kabataan, dapat alamin ang kalagayan ng
kabataan.
154

Bakit nga ba ganito na ang aktitud, gawi at pag-iisip ng


kabataan? Ano ang nagtutulak sa kanila palabas ng bansa? Natutugunan
ba natin ang mga pangangailangan ng kabataan? Sila ba, kayo ba, tayo
ba, ay binibigyan ng sapat na edukasyon, wastong kasanayan, maayos na
kalusugan, disenteng pananamit, pabahay, at iba pang batayang serbisyo?
Sa madaling salita, empowered, enlightened, educated ba ang mga
kabataan?
Bahagya kong tatalakayin ang partikular na sitwasyon ng
kabataan. Tatlong paksa ito: edukasyon, trabaho at sekswalidad.
Pero bago 'yan, kilalanin muna natin kung sinu-sino ang
kabataan.
Aabot ng 1/3 ng populasyon ang kabataan. Bata ang populasyon
ng Pilipinas. Malaki itong consumer market para sa mga negosyante. May
sobrang suplay ng mga manggagawa. Higit sa lahat, espesyal at epektibong
grupo ito na mainam na mapakilos para sa panlipunang pagbabago.
Nakikita niyo ba ang potensiyal ng sama-sama nating pagkilos? Kapag
milyun-milyong kabataan ang magmamartsa laban sa korupsiyon,
tiyak mapaparusahan ang mga magnanakaw. Kapag milyun-milyon ang
magtetext o susulat sa mga pulitikong pulpol, may maipagwawagi tayong
mga kampanya.
Kapag sinabi nating kabataan, hindi lang estudyante ang ating
tinutukoy. May iba’t ibang kategorya ng kabataan: In-school youth, out of
school youth, working youth, youth with special needs.
Unahin natin ang sitwasyon ng edukasyon sa bansa. Mababa
ang kalidad, tumataas ang gastusin, lumiliit ang enrolment at kapos ang
badyet ng mga public school.
Nais kong bigyang pansin ang problema ng pag-alis sa bansa ng
mga batang propesyunal. Taun-taon, mahigit isang milyong Pilipino ang
nangingibang-bayan. Karamihan sa kanila ay mga kabataan. Hindi na
brain drain ang suliranin, isa na itong brain hemorrhage.
May pananagutan din ang mga eskuwelahan sa nilalaman
ng kanilang tinuturo. Dapat hindi tinuturo ang selfish individualism,
sobrang pagmamahal sa mga materyal na bagay at makitid na pagturing
sa edukasyon bilang susi sa pagkuha ng trabaho na may mataas na sahod.
Dapat ang edukasyon ay naglalayong magsanay ng mga holistikong
indibidwal na nagmamahal sa bayan; naghuhubog ng mga kabataang
maglilingkod sa mahihirap.
Natatandaan ninyo pa ba ang inyong yearbook noong hayskul?
Ano ang sinulat ninyong pangarap o target na propesyon? May nagsulat
ba na gusto kong maging magsasaka? Maging doktor o nurse sa malayong
155

baryo sa kanayunan? Ang maging social worker?


Pag-usapan naman natin ang sitwasyon ng mga batang
manggagawa. Karamihan sa mga Pilipinong walang trabaho ay mga
kabataan. Higit na marami ang mga kabataang underemployed. Mababa
ang pasahod, kaunti ang benepisyo, hindi nakakabuhay ang kinikita ng
manggagawa. Isang insulto sa dignidad ng tao ang kontraktuwalisasyon.
Maraming batang manggagawa, lalo na sa service sector, ay hindi
kabilang sa unyon. Kadalasan, kapag walang unyon, madaling nalalabag
ang karapatan ng mga batang manggagawa. Nakakaalarma ang bilang ng
mga unfair labor practice. Pero higit na nakakaalarma ang walang kibong
pagtanggap sa mga paglabag na ito.
Isang kontrobersiyal sa usapin ang sekswalidad. Pero dapat
natin itong pag-usapan. Humigit-kumulang kalahating milyon ang mga
kaso ng abortion sa bansa. Halos 1/3 ng mga kaso ay nabibilang sa may
edad na 15-24. Tatlo sa bawat apat na namamatay sa panganganak ay mga
teenager.
Kapag sinabi nating reproductive health, hindi lang premarital
sex ang isyu. Nariyan ang maagang pagbubuntis at panganganak,
abortion, rape, violence at sexual harassment.
Maraming kabataan ang hindi inuulat sa mga doktor ang
kanilang mga problema sa reproductive health. Dysmenorrhea sa mga
kababaihan at masakit na pag-ihi sa mga kalalakihan.
Nakakatakot ang sarbey na pinapakita ang pagtaas ng bilang ng
mga teenager na iniisip na mayroon ng gamot sa AIDS. Nakakatakot din
ang kanilang iniisip na hindi sila vulnerable sa sakit na ito. May tsismis
na tumataas daw ang bilang ng may AIDS sa mga call center.
Aabot ng 13 percent ang bilang ng mga teenager ang nag-isip
at nagtangkang magpakamatay. Kalahati ng bilang ay may kinalaman
sa paglalaslas ng pulso. Aabot ng 11 percent ang gumagamit ng ilegal
na droga. Pinakapopular ang marijuana, rugby, shabu, ecstasy at cough
syrup.
Nailahad natin ang pahapyaw na pagsilip sa kalagayan
ng kabataan: may problema sa kalidad at kantidad ng edukasyon,
marami ang walang trabaho, may diskriminasyon sa mga batang
propesyunal, hindi nasasagot ang problema sa kalusugan ng mga
kabataan.
Paano maayos at tuloy-tuloy na maisasakatuparan ng kabataan
ang kanyang dakilang misyon na maging pag-asa ng bayan kung hindi
natin siya nabibigyan ng sapat na pagkalinga? Dapat itaguyod muna ang
kapakanan ng kabataan.
156

Pero hindi lang ito ang mga dahilan kung bakit tumatalikod ang
maraming kabataan sa pulitika. Nariyan ang korupsiyon, karahasan ng
pulitika at mababang kalidad at moralidad ng ating mga lider. Magulo sa
Kongreso, laging may bangayan sa Senado, kinikidnap ang mga testigo,
pugad ng mga ahas ang Malakanyang.
Kadalasan, isang reaksiyon ng kabataan sa mabahong sistema
ng pulitika ay talikuran ang pangangailangang makisangkot. Imbes na
aktibong ayusin ang nakikitang kapalpakan sa pamahalaan, nagiging
madali para sa mga bata ang pag-iwas sa kanilang tungkulin.
“Aayusin ko na lang ang buhay ko, ito na ang kontribusyon ko
sa lipunan. Magbabayad ako ng tamang buwis,” ang laging sambit ng
maraming kabataan.
May problema sa bayan, alam ito ng marami. Kaso anumang
oras pwedeng piliin ang desisyon na mangibang-bayan. Iniiwan sa iba
ang hamon na makialam at itama ang mali. May iba naman na ayaw
madungisan ang kanilang budhi ng bulok na pulitika sa bansa.
Sa isang banda, masisisi ba natin ang kabataan na umalis ng
bansa kung hindi naman mabubuhay ng disente ang kanilang pamilya?
Paano natin sila mahihikayat na manatili samantalang totoo naman
ang kanilang hinaing na hindi makakabuti sa pagpapalaki ng anak ang
ganitong klase ng sistema sa bansa? Tunay na kasuklam-suklam ang
pagnanakaw sa bayan, pang-aabuso ng kapangyarihan at kainutilan ng
mga lider.
Ano ang dapat unahin? Ano ang pwedeng gawin ng kabataan?
Malaki ang papel ng mga lider. Dapat bigyan nila ng inspirasyon
at motibasyon ang mga kabataan na mag-alay muna ng talino, giting at
lakas sa ating bansa bago makipagsapalaran sa ibayong dagat. Dapat may
mga lider tayo na titindig at hihimok sa kabataan na manatili sa bansa.
Bilang isang komunidad at lahi, kailangang pag-usapan kung
uubra ba na ipagpatuloy ang pagsandig sa perang pinapadala ng mga
overseas Filipino worker upang manatiling buhay ang ating ekonomiya.
Ito ba talaga ang tanging paraan para makalikom ng salapi? Ibebenta
natin ang ating murang lakas paggawa, iiwan ang ating minamahal
sa buhay, makikipamuhay sa ibang lupain, para lang isalba ang ating
ekonomiya?
Anong tipo ng lipunan ang gusto nating iwan sa susunod na
henerasyon? Ano ang ipapamana nating aral: wasakin ang mga pamilya,
magbenta ng mga kidney organ, mangibang-bayan para lang mabuhay?
Kailangang pagbutihin ang uri ng pulitika at ekonomiya sa
bansa. Kailangan ng isang kalakarang paghuhusayin ang kapakanan ng
157

kabataan. Dapat pwede nating makumbinsi ang mga kabataan na pwede


nilang matupad ang kanilang pangarap kahit hindi umalis ng bansa.
Higit sa lahat, mahalaga ang pagkausap mismo sa kabataan.
Huwag tumigil sa panunuyo sa kanilang makabayang damdamin. Dapat
ulit-ulitin: huwag sumuko sa kawalang pag-asa. Huwag magpatalo sa
cynicism at pessimism. Ibalik ang tiwala sa sarili at kapwa na pwede ang
pagbabago kung sama-sama, kung nagkakaisa palagi ang kabataan at
mamamayan.
Dapat tukuyin din ang mga aksiyon na pwede nating isulong.
Hangga’t maaari, resolbahin ang ugat ng mga problema. Hindi masama
ang maging matulunging karpintero. Sige, gumawa tayo ng mga bahay.
Pero dapat kilalanin na may higit pa tayong maaambag. Higit pa ang
pagbabago kung aayusin din ang pamamahala sa pambansang lebel.
Malalim ang ugat ng kahirapan. Dambuhala ang hamon ng
pagbabago. Sopistikado ang pang-aapi sa lipunan. Ano ang ituturo natin
sa kabataan? Pulutin ang candy wrapper sa corridor? Ok lang 'yon.
Pero dapat handa din tayong tumugon sa mga mapangahas na aksiyon.
Maging matapang, mapanlikha, mapanuri. Huwag matakot magtakda ng
mga dambuhalang tugon sa mga dambuhalang suliranin.
Bawat henerasyon ay may kanya-kanyang sagot sa tawag
ng panahon. Ang dami-daming nananawagan ng pagbabago. Tiyak
nauuyam na kayo. Moral revolution daw. Social change. System change.
Charter change. Character change.
Patuloy na sumugal sa kakayahan ng kabataan. Huwag nating
biguin ang mga umaasa sa atin. Milyon-milyon tayo samantalang
iilang libo lamang ang kalaban natin. Iilang daang pamilya lamang ang
nagkokontrol ng ating lipunan.
Sige na nga sasabihin ko na rin ang payo ni Rizal: Kabataan ang
pag-asa ng bayan. Dinagdagan 'yan ni dating senador Raul Roco. Wika
niya: Kabataan ang pag-asa ng bayan ngayon.
Ngayon ang panahon para tumindig. Hindi bukas, hindi sa
susunod na semestre. May senate hearing bukas ukol sa ZTE scandal.
Ano ang pwedeng gawin ng mge estudyante ng Ateneo de Naga?
f
LABAS
NG BATASAN
SONA SA LABAS NG BATASAN 2009

MAGANDANG TANGHALI PO MGA kababayan at mga kasama sa paki-


kibaka! Halos isang dekada na si Gloria Arroyo sa Malakanyang. Isang
dekada na ring nagtitiis at lalong naghirap ang ating bansa. Para po sa
aming henerasyon na naging bahagi ng Edsa Dos, ang nakalipas na siyam
na taon ay parang bangungot. Bakit ang People Power president ay nag-
ing “halimaw sa banga”? Imbes na pagbabago, imbes na kaunlaran, ang
nasaksihan natin ay ang kabaligtaran. Kung mayroon mang pagbabago,
eto ay ang pagdami ng mga tagong yaman ng First Family; kung may-
roon mang pag-unlad, eto ang pag-unlad ng kabuhayan ng mga kroni
ni Arroyo.
Isang insulto sa mamamayang Pilipino ang nilulutong Con-Ass
ng Kongreso. Hindi tayo mangmang; huwag nila tayong lokohin. Ang
Con-Ass ay pinasa para sa kapakinabangan ni Arroyo. Walang ibang
layunin ang Kongreso kundi bigyan ng legal na batayan ang hangarin ni
Arroyo na manatili sa kapangyarihan habambuhay.
Ginagawa ni Arroyo ang lahat para hindi makaalis ng
Malakanyang. Bukod sa Cha-Cha, nariyan ang banta ng Martial Law. May
mga pangamba na sasadyaing palpak ang poll automation ng Comelec
162

para gamitin sa dayaan o kaya’y magkaroon ng failure of elections sa


susunod na taon.
Desperado na si Gloria at ang kanyang mga kasapakat. Para sa
kanila, hindi pa sapat ang siyam na taon ng pandarambong at maduming
pamamahala.
Pero para sa mamamayang Pilipino, nasaid na ang ating
pasensiya. Ngayon ang oras ng paniningil. Isa-isahin natin ang ilang
tampok na kasalanan ng rehimeng ito:
Una, higit na nasadlak sa kumunoy ng kahirapan ang masang
Pilipino. Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.
Dahil sa mga neoliberal na patakaran sa ekonomiya, bumagsak ang
maraming maliliit na kumpanya sa bansa. Kaibigan ni Arroyo ang
mga dambuhalang negosyo kaya pinayagan ang pagtaas ng presyo
ng langis, tubig, kuryente, at LPG. Mas mataas ngayon ang singil sa
VAT.
Nananatiling maliit ang suweldo ng mga manggagawa.
Patuloy na tinutulak ni Arroyo ang mga kabataan papalabas ng bansa.
Walang dangal ang pamahalaang ito; pati ang kanyang mamamayan ay
ginagawang export commodity.
Pangalawang tampok na kasalanan ni Arroyo: pandarambong.
Plunder. Nariyan ang Jose Pidal account, fertilizer scam, Diosdado
Macapagal Boulevard, Jueteng payola, Euro generals, NBN-ZTE,
Northrail, Mega Pacific. Tunay nga siyang reyna ng mga kurakot. Kung
papayagan nating manatili pa sa puwesto si Arroyo, baka dumami pa ang
ating listahan.
Pangatlong kasalanan: Paglabag sa karapatang pantao. Nasaan
na ang aming mga kaibigang aktibista, tulad nina Karen Empeno at
Sherlyn Cadapan? Bakit nasa Kongreso si Jovito Palparan at wala sa
kulungan? Si Arroyo ay kaibigan ng mga berdugo, ng mga nagtotortyur,
ng mga pumapatay at kumikidnap sa mga aktibista, mamamahayag at
iba pang kritiko ng pamahalaan. Walang pigil si Arroyo sa paggamit ng
kamay na bakal ng estado para patahimikin ang lahat ng kumakalaban sa
kanya.
Pang-apat na kasalanan: si Arroyo ay tuta ng imperyalismo.
Pinayagan ni Arroyo na gahasain ng mga sundalong Amerikano
ang ating dignidad at soberenya. Sinuportahan niya ang gera kontra
terorismo ni Bush. Nilagdaan niya ang ilang kasunduan tulad ng JPEPA
na lalong nagbukas sa ating ekonomiya sa dayuhang kontrol. Ngayon, sa
pamamagitan ng Cha-Cha, nais ibenta ni Arroyo ang marami pa nating
lupa at likas na yaman.
163

Para sa aming mga kabataan, si Arroyo ang sinisisi namin


kung bakit maraming estudyante ang hindi nakakapag-aral; ang ilan ay
nagpapakamatay dahil hindi kayang bayaran ang singil sa mga paaralan.
Tumindi ang krisis sa edukasyon dulot ng kakarampot na badyet ng
pamahalaan sa edukasyon. Kinasusuklaman ng mga kabataan ang siyam
na taong pamumuno ni Arroyo.
Nasilaw na sa kapangyarihan si Arroyo. Akala niya habambuhay
na siya sa kanyang nabubulok na trono. Dapat siyang matakot. Dahil
hindi magiging payapa ang kanyang buhay. Titiyakin natin na habang
wala pa siya sa impiyerno, dito sa mundo ng mga tao sa kulungan natin
siya ilalagay.
Lahat ng diktador ay paparusahan. Lahat ng kasamaan ay may
hangganan. Ang mga tuta, pasista at kurakot ay makakatikim ng galit ng
sambayanan. Gloria, tapos ka na!
WALANG KAPAYAPAAN
SA ‘DAANG MATUWID’

MGA KABABAYAN, SI NOYNOY Aquino kandidato raw para sa Nobel


Peace prize. Tama ba 'yon? Naniniwala po ba kayo na si Aquino ay nag-
tataguyod ng kapayapaan sa bansa?1
Narinig naman po natin ang mga naunang tagapagsalita.
Malinaw nilang pinaliwanag ang pananagutan ni Aquino kung bakit
lalong tumindi ang kahirapan, kawalan ng katarungan, at korupsiyon sa
bansa. Paano magkakaroon ng tunay na kapayapaan kung ang pinuno ng
bayan, ang pamahalaan mismo, ay hindi binibigyang solusyon ang mga
ugat ng karahasan sa lipunan?
Ang tunggalian sa ating bayan ay hindi naman po mahirap
intindihin. Kaya may lumalaban dahil may nangangamkam ng lupa. Kaya
may nag-aarmas ay dahil may nandadahas. Kaya may digmaan ay dahil
ang inaapi ay naghahanap ng alternatibo, ng pagbabago, ng katarungan.
At sa halip na baguhin ang sistemang mapang-api, ang
ginagawa ni Aquino, mula sa simula, ay agresibo itong ipagtanggol.

*Talumpating binigkas sa rali noong 2014 State of the Nation Address


165

Sa halip na trabaho, dagdag sahod, kabuhayan, pabahay, kalusugan,


edukasyon, malinis na pamayanan – ang dala ni Aquino ay demolisyon,
militarisasyon, pribatisasyon. Kaunlaran para sa iilan, ang dusa ay para
sa karamihan. Kagutuman, kawalan ng trabaho, tumataas na presyo ng
bilihin, maduming kapaligiran – hindi po ba ito ang tunay na karahasan
na dapat gapiin ng pamahalaan?
Ang gusto ni Aquino ay kapayapaan ng libingan. Kaya kapag
ang mamamayan ay lumalaban, tumitindig para sa karapatan at tunay
na pagbabago, mabilis po itong winawalis ng pamahalaan. Ang mga
kumukontra ay kinakasuhan, dinudukot, at pinapaslang.
Walang kapayapaang maasahan sa pangulong utak-pulbura.
Walang kapayapaan kung ang pamahalaan ay bulag sa kahirapang
dinaranas ng mamamayan.
Hindi tapat si Aquino sa pagsusulong ng usapang
pangkapayapaan. Ayaw kilalanin ang mga pinirmahang kasunduan, ayaw
talakayin ang adyenda ng panlipunang reporma, at sa halip na palayain
ang mga bilanggong pulitikal ay patuloy ang pag-aresto sa mga consultant
ng National Democratic Front. Paano susulong ang kapayapaan kung
tinalikuran ni Aquino ang proseso ng usapang pangkapayapaan?
At kahit po ang pinirmahang kasunduan ng pamahalaan
at Moro Islamic Liberation Front ay kumakaharap pa ng maraming
usapin. Habang nakikipagnegosasyon, ay tuloy-tuloy ang pamahalaan
sa pagnakaw ng yamang likas sa Mindanao. Binubukas ang mga lupain
ng Lumad sa dayuhang pandarambong. Sunod-sunod ang pagbobomba
sa mga komunidad sa kanayunan, lalo na sa mga plantation at mining
areas. At dahil ang ugat ng kahirapan at sigalot sa Mindanao ay hindi
tinutugunan, walang ibang alternatibo ang mamamayang Moro kundi
patuloy na ipaglaban ang kanilang hangarin para sa tunay na pagbabago
at kaunlaran.
Si Aquino ang numero unong hadlang upang makamit natin
ang isang lipunang maunlad at payapa. Si Aquino ang dahilan kung bakit
hindi umuusad ang usapang pangkapayapaan. At sa halip na tulungan
ang mahirap, sinisisi pa ang mahirap kung bakit sila lumalaban.
Mga kababayan, para sa tunay na kapayapaan, para sa tunay
na pagbabago, dapat nang patalsikin ang pangulong kurakot, pabaya, at
pasista.
SALAMAT SA HOUSE SECRETARIAT

MAGANDANG UMAGA SA INYONG lahat, mga kapwa ko kawani sa pama-


halaan. Una, ako po ay nagpapasalamat sa karangalang magsalita sa ating
flag ceremony ngayong araw na ito.
Matagal ko na pong iniisip kung matatapos ko ba ang aking
termino nang hindi mabibigyan ng pagkakataon na maging panauhin
sa ating lingguhang flag ceremony. Kaya ako po ay lubusang nagalak
nang makatanggap ng imbitasyon na magsalita ngayong umaga. Dahil
long weekend (napuyat sa kakapost ng pictures sa Facebook), ang hirap
bumangon kanina, ang bigat sa paa, at hirap kumbinsihin ang katawan na
maghanda para sa trabaho. Pero para sa akin, espesyal ang araw na ito.
Mayroong lamang 52 linggo sa isang taon, at sa isang termino,
hindi laglagpas sa 150 ang bilang ng mambabatas na makakapagsalita sa
harap ninyo tuwing Lunes. Kaya para sa akin, mapalad ang mambabatas,
at kami po ay mahigit 285 na ngayon, na napiling tumindig at magsalita
tuwing lunes ng umaga. Kaya ang magsalita sa flag ceremony ay
matuturing na privilege speech dahil ito ay tunay na pribilehiyo.
[UPDATE: Buwanan na lang daw ang asembliya sa harap ng Batasan
para sa flag ceremony]
167

Hindi lang simboliko ang mga flag ceremony. Lahat ng kawani


ay nagbibigay galang sa watawat at uulitin ang sumpa bilang lingkod
bayan. Sa tingin ko mahalaga itong ritwal upang ipakita ang pagkakaisa
sa loob ng institusyon at upang ipaalala sa bawat isa kung ano ang ating
tungkulin sa taongbayan.
Ilang ulit na rin akong naimbitahan na magsalita sa mga flag
ceremony – sa mga paaralan, munisipyo, kapitolyo, at maging sa ibang
mga ahensiya ng pamahalaan – at pansin ko lang na andoon lahat: ang
principal, si kapitan, si mayor, si gobernador, mga konsehal, mga bukal,
ang Cabinet secretary. At silang lahat, kasamang bibigkas ng panata
bilang opisyal ng bayan.
Sa tingin ko, at ito ang aking munting mungkahi, dapat gawin
din natin 'yon dito sa ating House of Representatives. Simulan natin
ang tradisyon na bawat miyembro ng kamara ay inaasahang lumahok
sa lingguhang flag ceremony. Hindi ba’t kamakailan lang ay naging isyu
ang pagliban ng ilang Supreme Court justices sa kanilang flag ceremony?
Panahon na siguro upang idagdag sa tungkulin ng mga mambabatas,
kasama ang kanilang mga opisina, ang pagpunta sa mga flag ceremony,
sa kanilang distrito o dito mismo sa Batasan.
Palaging nababanggit sa mga balita ang mataas na public trust
rating ng House of Representatives. With due respect to my colleagues,
dapat kilalanin ang mahalagang papel ng House Secretariat kung bakit
positibo ang imahen ng HRep. Kayo ang tagapagtaguyod sa Kongreso
ng mamamayan. Ang mga miyembro ay hindi permanente dahil may
term limit, ang dominanteng political party ngayon ay baka minority na
lang sa susunod, hindi lahat ay babalik sa 16th Congress. Pero kayo, kayo
na mananatili sa institusyon ay saksi at tagapagpatuloy ng kasaysayan
ng bayan. At higit pa rito, lingid sa kaalaman ng marami, kayo ang
gumagawa ng kalakhan ng trabaho ng mga mambabatas.
Noong 14th Congress, nang ako po ay unang maging
congressman, may nagsabi sa akin na ang Kongreso raw ang best
retirement place para sa mga beteranong pulitiko. Sabi kasi niya kahit
hindi ka pumasok, mananatili kang congressman. Pagkatapos ng tatlong
taon at dalawang termino, masasabi ko na may bahid ng katotohanan
ang pahayag na ito. Pero dapat kong idagdag na madali o gumagaan ang
trabaho namin kasi ang bigat ay pinapasan ng House Secretariat.
Walang dahilan para maging bokya ang output mo dito sa
Kongreso. Sa totoo lang, lahat ng aming dapat gawin, lahat ng aming
pangangailangan ay ginagawa na ng House Secretariat. Paggawa ng batas o
resolusyon? Nandiyan ang Bill Drafting. Research at pagsusuri sa budget,
168

mayroon tayong Congressional Planning and Budget Department.


Salamat sa mga agency budget notes, nagiging matalino ang debate sa
mga budget interpellation. Lahat ng dokumento, libro, mga materyales
hinggil sa maraming isyu ay handang ibigay sa amin ng secretariat. Kung
kinakailangan ng RTD o policy briefing, maaari ding gawin.
Mayroon tayong legal service, library, security, engineering,
IPRD, may media service na tumutulong para i-broadcast ang aming
mga aktibidad. Salamat sa committee affairs at plenary service at ang
aming mga maling grammar sa deliberasyon ay hindi mapapansin ng
publiko at ng susunod na henerasyon kung babasahin ang mga House
Journal at House records.
Hindi na kailangan ng mga tarpaulin para ibalita ng bawat isa
sa amin kung ano ang aming mga programa. May sarili namang printing
press ang Kongreso at dahil sa franking privilege ay pwedeng idiretso ang
aming mga liham sa aming constituents.
Kung gayon, wala ng dapat pang gawin ang mambabatas kundi
ang pumasok sa trabaho. Pumunta sa committee hearing at magpakita sa
roll call sa plenary ng 4pm. Hindi ko maintindihan kung bakit tila ang
hirap-hirap para sa ilan ang magpakita sa sesyon samantalang tinitiyak
naman ng House Secretariat na alaga at ligtas ang mga miyembro. May
lounge (sira ang diet ng marami kapag Lunes hanggang Miyerkules;
araw-araw kapag budget season), clinic, gym, day care, bangko, at hindi
problema ang parking space.
Sinasabi ko ito hindi upang kumutya kundi upang una, ipabatid
sa inyo na kung ano man ang kritisismo ng publiko sa work ethic ng
maraming congressman ay hindi wasto at hindi akmang ilapat sa inyo;
at pangalawa, magpasalamat sa inyong tulong, sipag, at katapatan sa
paggampan ng inyong tungkulin. Mapalad ang 286 House Members
dahil may efficient House Secretariat na gumagawa ng kanilang trabaho,
araw-araw. Palagi kaming nagbabakasyon pero ang House Secretariat
subsob sa gawain sa Batasan.
Ito ang aking ikalawa’t huling termino bilang kinatawan ng mga
kabataan. Gusto ko pong ipaalam sa inyo na sa nakalipas na tatlong taon,
at home ako dito sa House kasi mababait, matatalino at may puso ang
mga kawani. Maraming salamat po at magandang umaga.
f
PAG-IBIG
MAGMAHAL NA PARANG
WALANG BUKAS

TUWING GRADUATION AY NASUSUBOK muli ang katatagan ng ating


mga guro. Marahil nalulungkot kayo ngayon dahil iiwanan ninyo na ang
hayskul kung saan nakilala ninyo ang inyong mga kaibigan at BFF. Pero
sa totoo lang, mas malungkot ang inyong mga guro. Pagkatapos ng apat
na taon, ang mga batang kanilang inalagaan, tinuruan, at ginabayan ay
aalis na lang ng bigla. Alam nilang bahagi ito ng propesyon; alam din
nilang ang pagtuturo mismo ay walang katumbas na salapi kundi ang
kaligayahang maging bahagi ng inyong buhay; at alam din nilang ang
iba sa inyo’y bibisita sa hinaharap pero ang karamihan siguro hindi na
muli makakabalik sa kampus para makamusta ang inyong mga guro. At
sa darating na Hunyo, bagong schoolyear na naman; bagong batch na
gagabayan, tuturuan, at mamahalin. Ganito ang buhay sa paaralan, tran-
sient ang mga estudyante. Darating, mananatili ng ilang taon, at aalis din
tungo sa kanilang bagong mundo. Para sa dedikasyon sa pagtuturo, sa
kanilang pag-alay ng buhay at panahon para sa inyong edukasyon, mga
magsisipagtapos, palakpakan ninyo ang inyong mga guro.
Bakit espesyal ang hayskul? Bakit iiyak ang marami sa inyo
mamaya? Bakit kahit ilang dekada na ang lumipas ay mananatiling
172

sariwa ang alaala ng inyong inilagi dito? Marahil dahil pumasok kayo
sa hayskul na musmos pa lamang at ngayon ay ganap na kayong mga
kabataan. Maraming nagbago sa inyong pag-iisip, pag-uugali, at katawan
sa nakalipas na apat na taon at saksi ang inyong mga kaklase sa mga
pagbabagong ito. Wala kayong masisikreto sa kanila kaya habambuhay
ninyo silang mga kaibigan. Dahil hayskul, talagang pilyo, makukulit,
palabiro pero pinagsasabay ang pag-aaral. Hindi muna masyadong
seryoso sa buhay. May nagpapaaral pa sa atin at medyo inosente pa ang
tingin sa mga bagay-bagay.
Lahat 'yan iiwanan ninyo na ngayon. May bago na kayong
mundo. 'yong marami didiretso sa kolehiyo. Iyong iba baka magtrabaho
muna. Maghanda dahil hindi magiging madali ang paglalakbay. Marami
kayong sasaguting tanong sa susunod na mga buwan at taon: Tama ba
ang kursong kinuha ko? Nasa tamang kolehiyo ba ako? Sinasayang ko
lang ba ang buhay ko? Ano ang magiging kinabukasan ko? Bakit hindi
niya ako mahal? Bakit laging galit si tatay at nanay sa akin? Bakit may
nararamdaman ako sa kapwa ko babae? Relaks lang. Kahit 2012 na,
hindi pa katapusan ng mundo. Normal ang magkaroon ng problema,
normal ang makaranas ng kalituhan, normal ang maging di-tiyak sa mga
desisyon sa buhay. Hindi naman tayo perpekto dahil tao lang tayo.
Ang mahalaga, at ito ang pakiusap ko sa inyo, wag sumuko sa
problema. Wag idaan sa bisyo. Wag isisi sa iba ang inyong kabiguang
harapin ang iba’t ibang pagsubok sa buhay. Wag hayaang mangibabaw
ang galit. Dapat pag-ibig lang. Magmahal na parang walang bukas. Pero
sana mag-iwan ng sapat na pagmamahal para sa sarili.
Sa kolehiyo makikilala ninyo ang iba’t ibang personalidad.
Walang sikreto sa kolehiyo maliban sa inaasahan na kayo ay maging
mas responsable sa pangangasiwa ng inyong oras. At gawin ninyong mas
makabuluhan ang buhay kolehiyo sa paglahok sa maraming aktibidad sa
labas ng klasrum. At laging tandaan sana, nag-aaral tayo hindi lamang
para yumaman (bonus na lang 'yon) kundi para maging mas matalino at
mabuting tao.
Para sa akin ang pag-aaral ay hindi dapat hiwalay sa paggampan
ng ating tungkulin bilang mamamayan ng lipunan. Dahil tayo ay iskolar
ng bayan, dapat inaalay natin ang ating angking talino sa komunidad.
Ibinabalik natin sa bayan kung ano man ang natutunan natin.
Mabigat at marami ang mga problema ng bansa: kahirapan,
korupsiyon, krimen. Pero alam ninyo na marahil ang mga tinukoy ko
dahil pinag-aralan ninyo 'yan sa hayskul. Mula ngayon, maglaan sana
kayo ng panahon kung paano sa susunod na henerasyon ay hindi na ito
173

malaking usapin. Kailangan ko itong banggitin dahil ang atensiyon ng


kabataan ngayon ay nahahati sa maraming bagay. Sa pelikulang Wall-E,
tila hypnotized ang mga taong nakatira sa spaceship; wala silang pakialam
sa iba o sa paligid dahil nakatutok ang kanilang mga mata sa mga
personalized screen; wala silang pisikal na aktibidad kundi ang magclick
o kumain. Hindi ba pamilyar ang imahen? Hindi ba’t sa kasalukuyan
ay manghang-mangha tayo sa mga bagong gadget – cellphone noon,
Kindle, smarthphone, tablet PC ngayon – na kahit sa daan o byahe ay
dito nakapokus ang ating atensiyon? At 'pag nasa bahay o opisina, kung
hindi TV ay sa kompyuter pa rin tayo nakatambay. Walang pagtutol
sa paggamit ng teknolohiya para sa mas mabilis na komunikasyon
at pagkuha ng impormasyon pero aminin natin, may epekto ito kung
paano tayo nakikisalamuha sa iba dahil hinahatak tayo nito paloob sa
ating sariling mundo. Nagiging convenient ang virtual interaction kaya
minsan nakakaligtaan natin na dapat mas maging aktibo tayo sa offline
na mundo.
Hindi kaya’t umaatras tayo sa totoong mundo dahil nababagsikan
tayo sa mga taong nakikilala natin? Pero kung lahat tayo ay magiging
abala sa ating sariling mundo, kung ang pineperpekto natin ay ang ating
FB profile, sino ang maiiwan sa maduming mundo para ituwid ang mali?
Paano magsisimula? Ituon ang paningin natin mula sa mga
LCD screen tungo sa ating paligid. Aktibong alamin ang nangyayari sa
ating komunidad. Walang dahilan para maging ignorante ngayon. Lahat
pwedeng i-google. Makialam sa mga usaping bayan. Kausapin ang mga
opisyal. Umakisyon.
Lahat ng pagbabago nagsisimula sa pagtatanong. Lahat ng
rebolusyon nagsisimula sa isang ideya. Paano maging changemaker sa
panahon ngayon? Sabi ni Antoine de Saint-Exupery, “If you want to
build a ship, don’t drum up people together to collect wood and don’t
assign them tasks and work, but rather teach them to long for the endless
immensity of the sea.”
Walang mas makapangyarihang ideya sa mundo maliban sa
ideya ng pag-ibig. Pag-ibig sa bayan ang dahilan kung bakit nagbuwis
ng buhay ang mga bayaning dinadakila natin. Noong Lunes ay Araw
ng Kagitingan. Pag-ibig sa pamilya ang inspirasyon ng milyon-milyong
OFW kung bakit natitiis nila ang maging malayo sa bansa. Pero pag-
ibig din ang dahilan ng maraming kasawian, kalungkutan, at kasamaan
sa mundo. Madalas napagkakamali kasi na pag-ibig din ang agresyon.
Pero ang pag-ibig na tama, kahit labis, magbubunga ng mas maraming
kasiyahan.
174

Turo ng simbahan, humayo kayo at magparami. Graduates,


humayo kayo, magparami at maghasik ng karunungan at pagmamahal sa
mundo.
PARA SA MGA MAGSISIPAGTAPOS:
BOOM PANES!

BAKIT BA MAY GRADUATION samantalang pwede namang kunin na


lang ang diploma sa registrar? Dahil ang okasyong ito ay espesyal. Una,
para ito sa inyo na mga magsisipagtapos.1
Nararapat lamang na batiin kayo pagkatapos ng mahabang
panahong nilagi ninyo sa loob ng paaralan mula kinder, elementary,
hayskul, hanggang kolehiyo. Hindi biro ang maupo sa loob ng klasrum
ng maraming taon at magkunwaring nakikinig sa lecture, o kaya’y tiisin
ang paghihintay sa recess (ang paboritong subject ng lahat) o uwian. Pero
nagawa ninyo ito, at naipasa ang mga exam (kahit marami sa mga sagot
ay hula lamang), natapos ang term paper (salamat sa magic formula na
control a, control c, at control v), at nakakuha ng magandang grado kahit
hindi mo tiyak kung sumobra na ang pagiging absent mo o late sa klase.
Puwera biro, dapat lang na ipagdiwang ang pagkuha ninyo ng
diploma mamaya dahil ibig sabihin may dumagdag sa bilang ng mga
kabataan na may kasanayan, kapabilidad at kahandaang tumanggap ng

*Ilang piling bahagi ng aking talumpati sa graduation ng STI Meycauayan. Bulacan


Provincial Gym, 16 Mayo 2014
176

mas mabibigat na hamon sa buhay na pakikinabangan ng komunidad.


Ginagawa natin ang ritwal na ito taon-taon upang ipakita sa lahat – sa
inyong pamilya, mga guro, mga kaibigan – hindi lamang ang inyong
tagumpay bilang bagong graduate kundi pati ang inyong pagsang-ayon
na mula ngayon, gagampan kayo ng mas maraming responsibilidad.
Pero bago natin pag-usapan ang mga dapat ninyong gawin
pagkatapos ng buhay estudyante, kailangan muna nating kilalanin
ang mga taong nagsakripisyo at nagbuhos sa atin ng sobra-sobrang
pagmamahal upang kayo ay tuloy-tuloy na makapag-aral. Sa totoo
lamang, ang graduation ay higit para sa kanila kaysa sa inyo.
Kung may Napoles List, dapat may listahan din kayo. Pero
hindi listahan ng utang at lalong hindi listahan ng mga ninakaw na
pork barrel. Ang tinutukoy ko ay listahan ng mga taong dapat ninyong
pasalamatan, mga taong nag-ambag ng malaki sa inyong pag-aaral, mga
taong humubog sa inyong pagkatao, mga taong hindi nagduda sa inyong
kakayahan at karakter.
Sino-sino sila? Hindi si tanda, sexy, at pogi. Pero marami sa
kanila may katandaan na, dating sexy o maaaring hanggang ngayon
ay sexy pa rin sila, at pwede rin namang pogi pa rin. Nangunguna sa
listahan ang inyong mga magulang at kamag-anak. Nandito sila bilang
saksi sa inyong tagumpay. Batch 2014, bigyan ninyo ng pinakamalakas
na palakpak ng pasasalamat ang inyong mga magulang at kamag-anak.
Kung masaya kayo dahil graduate na kayo, tinitiyak ko sa inyo
na mas nag-uumapaw sa galak ang inyong mga magulang. Lahat ng
kanilang paghihirap ay biglang gagaan mamaya 'pag nakita nila kayong
kukuha ng diploma. Lahat ng pagod at gutom ay kanilang tiniis upang
maibigay sa inyo ang pinakamahalagang pamana na pwede nilang
ipagkaloob; at ito ang inyong edukasyon.
Marahil 'yong iba nagtrabaho pa sa ibang bansa, at kinaya nila
ang mapalayo sa inyo, dahil mas tinimbang nila ang inyong kapakanan
at pag-aaral. Walang magulang ang gustong mawalay sa kanilang anak
subalit kailangang gawin upang mas guminhawa ang inyong buhay.
Mamaya, please lang, umamin na kayo, sabihin ninyo na minsan 'yong
baon ninyo ay pinanlaro ninyo ng DOTA. At 'yong mahal na school project na ang
pangalan ay Google at Wikipedia ay wala naman talagang bayad. At 'yong field trip
sa isang luxury hotel, ay swimming lang ng inyong barkada.
Mamaya, pusta ko sa inyo, mga magulang ninyo ang
mangunguna sa pagkuha ng selfie dito sa stage. Sila rin ang unang
mag-uupload ng pictures sa social media. Kung mayroon mang selfie na
dapat ipagmalaki, ito 'yon.
177

Sunod sa listahan ng mga dapat pasalamatan, ang inyong


mga guro. Literal na mahirap ang maging guro: ilang oras nakatayo
at nagsasalita. Tapos maingay pa o hindi nakikinig ang klase. Pag-uwi
kailangang ihanda ang lesson plan. Batch 2014, bigyan ninyo ng malakas
na palakpak ng pagpupugay ang inyong mga guro.
Sabi ng ilan, dahil sa teknolohiya, liliit ang papel ng mga guro sa
loob ng paaralan. Bakit kailangan pa ng guro kung pwedeng i-google ang
lahat ng tanong, instant ang komunikasyon, at mabilis ang transmisyon
ng karunungan gamit ang iba’t ibang apps at mga sopistikadong gadget?
Tama, sa panahon ngayon, pwedeng i-fact check ang lahat.
Subalit huwag nating isipin na iisa lang ang kahulugan ng impormasyon at
katotohanan. Marami ka ngang nakikitang biswal na datos sa kompyuter
subalit hindi ibig sabihin ay karunungan na ito o kaya’y katotohanan.
Pwedeng nabasa mo ang mga artikulong minungkahi sa google result
subalit paano kung ito pala ay mga maling impormasyon. Sa Internet,
maraming spam at trash. Ang kailangan natin ay batayang kasanayan
upang matukoy ang tama at mali.
Dito pumapasok ang napakamakabuluhang ambag ng ating mga
guro. Natuto ka ng ABC hindi dahil may makinang nagturo sa iyo kundi
dahil may nagtiyagang guro upang malaman mo kung paano magbasa at
magsulat. May gumabay sa iyo kung anong mga paksa ang dapat mong
pag-aralan, ano ang mga usaping dapat mong unahin, paano ang tamang
tugon sa iba’t ibang sitwasyon. At higit sa lahat, may nagtiwala sa iyong
galing at potensiyal kahit na minsan o madalas ay hindi mo siniseryoso
ang pag-aaral.
At ngayong gagraduate na kayo, masaya din ang inyong mga
guro. Hindi dahil aalis na ang mga maiingay at makukulit, kundi dahil
nagbunga ang kanilang trabaho, sakripisyo, at pagmamahal. Hindi ninyo
sila pinili, hindi rin nila kayo pinili, subalit nagtiwala kayo sa isa’t isa at
nagtulungan upang higit na mapayaman ang inyong karunungan.
Mamaya, magselfie kayo kay Ma’am at Sir. At bago kayo tuluyang
umalis ng paaralan, ay huwag kalimutang magpasalamat sa kanila.
Sunod sa listahan na dapat pasalamatan, ang inyong mga kaklase.
Masaya mag-aral kung kasama mo ang iyong mga kaibigan. Masaya ang
buhay kolehiyo dahil marami kayong pinagdaanan na kasama ang iba
pang mga tao na pareho ninyo ng edad, sirkumstansiya sa buhay, at pare-
parehong may matatayog na pangarap.
Marami sa kanila naging katunggali ninyo, kakumpetisyon,
kabiruan, kasintahan. Kung ano mang mapait na karanasan na mayroon
kayo na may kinalaman sa kanila, isipin ninyo na lang na bahagi ito ng
178

pagtanda. Habang bata, matuto sa mga pagkakamali. Sa paglipas ng taon,


magiging mas kumplikado ang buhay. Pagtatawanan ninyo lang ang mga
sinayang na oras sa pakikipag-away sa mga bagay na hindi naman talaga
mahalaga.
Pagkatapos ng araw na ito, marami sa kanila ay hindi ninyo
na muling makikita sa mahabang panahon. Siguro sa tulong ng FB,
magtutuloy-tuloy ang inyong ugnayan. May reunion isa o dalawang
beses kada taon.
Pero sa tuwing magkikita kayo sa hinaharap, huwag gawing
batayan ng tagumpay ang mga materyal na bagay. Hindi sa kotse, taas ng
sahod, laki ng bahay nasusukat ang kaligayahan sa buhay.
Paumanhin pero sa yugtong ito ay gusto kong talakayin
ang aking buhay. Wala akong kotse, wala akong mansion, wala akong
mamahaling ari-arian subalit kahit kanino pwede kong ipagmalaki ang
naging direksiyon ng aking buhay.
Nagiging makabuluhan ang buhay hindi dahil nabibili mo ang
lahat ng gusto mo kundi dahil inaalay mo ito sa mas dakilang layunin.
At kasama mo sa byaheng ito ang iba pang mga tao na may pareho ding
perspektiba.
Para sa akin, hindi sapat na ang edukasyon ay gawing
pamamaraan lamang upang makakuha tayo ng tarabaho sa hinaharap.
Nag-aral tayo upang maging mas mabuting tao, upang maunawaan natin
ang kasaysayan ng ating sibilisasyon, upang ang nakasanayang gawi sa
pag-aaral ay maging panghabang buhay na aktitud.
Magtrabaho kayo pero huwag kalimutan ang tuloy-tuloy na
pag-aaral. Magbasa, magsulat, alamin ang mga bagong kasanayan. Hindi
humihinto ang sabik sa mga karunungang kapaki-pakinabang.
Huwag matakot mabigo, huwag malungkot kapag nagkakamali,
huwag isipin na ang dominanteng pamantayan sa lipunan ang siyang
pwede lang nating gamitin.
Si Van Gogh sikat na pintor sa buong mundo pero isang
painting lang ang nabenta niya noong siya ay nabubuhay. Si Francisco
Balagtas namatay na mahirap pero bawat Pilipino ngayon ay binabasa
ang kanyang akda.
Nabubuhay tayo sa panahon na bawat galaw natin ay nalalaman
ng lahat. Hindi maiwasang makumpara ang buhay ng bawat isa. Imbes
na tangkaing lagpasan ang nakamit ng kaibigan sa FB, hindi ba’t mas
tama kung may sarili tayong pamantayan o kaya’y nangangahas tayong
magtakda ng mas malalaking misyon sa buhay?
Nabubuhay tayo sa panahong malakas, napakalakas ng
179

impluwensiya ng indibidwalismo. Na ang pag-angat sa sarili ay


nangunguna imbes na isipin kung paano aangat ang lahat.
Isipin na lang natin, nag-aral tayo ng ilang taon, at ilang
dekada lang ang ating ilalagi sa mundong ito, ibig sabihin ba ang buong
buhay natin ay walang katapusang paghahangad lamang ng pansariling
kaginhawaan? Pangulo ka ng bansa ngayon pero bukas pwedeng nasa
kulungan ka; oops hospital arrest pala.
Bukod sa ating edukasyon, mayroon tayong kayamanan na
wala na si Enrile at iba pang matatanda. Ito ang biyaya ng oras. Mayroon
tayong panahon, sapat na panahon, upang makamit natin ang ating mga
pangarap. At ang payo ko sa inyo, ang aking apela, na sana ay isama natin
sa pangarap natin kung paano ang susunod na henerasyon ay hindi na
mararanasan ang mga paghihirap na dinanas natin.
May mali sa ating lipunan, pansinin natin at huwag talikuran.
Paano? Magpakahusay sa pipiliing karera sa buhay subalit maglaan ng
panahon upang makisangkot sa mga usaping pambayan.
Batch 2014, huwag lang magdala ng foods sa condo. Huwag
maniwala sa lahat ng sinasabi ni Kris Aquino. Huwag maging Napoles.
Huwag tularan si tanda, sexy, at pogi at lahat sila na kurakot at abusado.
Huwag mawalan ng pag-asa. Si Bonifacio, ang kanyang alyas ay
Maypagasa. Tayo ang pag-asa. Kayo ang pag-asa. Batch 2014, binabati ko
kayo. Maghasik kayo ng mas marami pang karunungan para sa bayan.
Batch 2014, isigaw at ipagyabang sa lahat: Boom Panes!
ANG PAGLABAN AT PAG-IBIG
AY LAGING NASA TAMANG PANAHON

UNA SA LAHAT, SALAMAT at andito kayo kahit may Aldub ngayon. Hu-
wag gawing obvious ang pagsilip sa Aldub hashtag.1
Pangalawa, salamat sa College Editors Guild para sa karangalan
na maging keynote speaker. Saludo ako sa CEGP, matayog na sandigan
ng kilusang kabataan sa bansa na patuloy ang paglaban hindi lamang
para sa karapatang magpahayag kundi kasama rin ang demokratikong
karapatan ng mamamayan.
Nagagalak akong makita kayo na aktibong kalahok sa pagtitipong
ito. Ibig sabihin kasi may extra effort kayo na inilalaan para sa pag-aaral.
Hindi naman lahat pinipiling maging bahagi ng student paper; hindi
lahat nauunawaan ang halaga ng tinatawag natin sa akademya na extra
curricular activity. Kung ako ang inyong tatanungin, at ako ay nagsasalita
sa punto de bista ng isang guro, kasing halaga ng pormal na kurikulum
o minsan nga higit na mabisang learning tool ang mga aktibidad sa labas
ng klasrum. Kapag aktibo kayo sa mga ganitong samahan, lumalawak

*Talumpating binigkas sa rehiyunal na kongreso ng College Editors Guild Cagayan Valley


sa Isabela State University Cauayan noong 10 Setyembre 2015
181

ang inyong network, nabubukas sa inyo ang maraming oportunidad, at


nadadagdagan ang inyong praktikal na kaalaman sa maraming bagay.
Marahil ngayon ay napansin na ninyo ang inyong espesyal na
status bilang mga mag-aaral sa kolehiyo. Sa ating bansa, mataas ang drop-
out rate mula kinder, elementary, at hayskul. Ang problema natin ay hindi
lamang ang maikling high school system kundi ang mas pundamental
na usapin na marami ang hindi nakakatapos ng hayskul. Alam 'yan ng
DepEd pero tinuloy pa rin nito ang pagpapatupad ng programang K-12,
isang reporma na maaaring magpalubha sa halip na resolbahin ang krisis
sa edukasyon. Kung hindi K-12 ano ang alternatibo? Ano ang ating
isusulong?
Bigla kong naalala ang 1987 Constitution dahil nakasaad dito
na dapat libre ang hayskul. Sa 1973 Constitution, nakalagay doon na
elementary lang ang libre. Panahon na siguro upang isakatuparan ang
matagal nang sinisigaw ng mga kabataan na libreng edukasyon kahit
sa kolehiyo. Imposible? Sundin ang nakasulat sa konstitusyon na dapat
ang pinakamataas na gastusin ng pamahalaan ay nakalaan sa edukasyon.
Ayusin muna ang mga pangunahing problema sa batayang edukasyon
tapos pag-usapan natin kung paano hakbang-hakbang na ipapasok ang
mga nilalaman ng K-12.
Sana bago matapos ang pagtitipong ito ay maaari na kayong
makapagbigay ng inyong sariling kasagutan sa mga tanong na ito: Bakit
ba tayo nag-aaral? Bakit ba tayo nagsusulat?
Tila simple, napakasimpleng mga tanong, hindi ba? Pero
sa totoo, hindi. Sabi ng mga nakakatanda, kailangang mag-aral para
magkaroon ng magandang kinabukasan. Susi raw ang edukasyon para
makuha natin ang trabahong ating inaasam. Tama. Subalit hindi ba ito
makitid na pananaw? Bakit natin ililimita ang misyon ng edukasyon sa
paghahanda sa atin kung paano magtrabaho sa hinaharap? Wala namang
problema kung tuntungan ang edukasyon upang maabot ang ating mga
pangarap pero bakit kailangang nasa unahan ang mga indibidwal na
mithiin? Mainam sana kung ang pokus ng lahat, kung ang tinataguyod ng
mga paaralan ay hindi indibidwalismo o kompetisyon kundi panlipunang
kagalingan din.
Iwan muna natin ang usaping ito at babalikan natin ito mamaya.
Samantala, pag-usapan natin ang pagsusulat.
Mayroon akong pagtingin na nasa peligro ang batayang
kasanayan sa pagsusulat. At ang banta ay nanggagaling sa popular na
teknolohiya na ang tawag natin ay Internet. Oo, maraming positibo ang
mababanggit patungkol sa Internet – mabilis na komunikasyon, instant
182

na palitan ng impormasyon – at marami pa itong potensiyal na pwedeng


magamit sa pag-aaral; subalit dapat din nating kilalanin na may epekto
ito na hindi nakakabuti.
Maaaring sabihin na lahat naman ng disruptive technology ay
may ganitong katangian tulad ng mga pagbabagong idinulot ng libro,
makinilya, at TV noon. Tama ulit. Subalit nasa maagang yugto pa lang
tayo ng Internet at kaugnay na teknolohiya sa tinatawag nilang Knowledge
o Information Economy. Ibig sabihin, mahalaga na matukoy agad natin
ang mga binabagong gawi at aktitud ng Internet sa ating pang-araw-araw
na buhay upang maagap din tayong makapag-adjust o makahanap ng
karampatang aksiyon o reaksiyon.
Bilang mga milenyal o henerasyong nagkaisip sa panahong
halos mainstream na ang paggamit ng smartphone, maaaring hindi na
kakaiba sa inyo ang paggamit ng Internet o paglahok sa social media.
Dapat nating maunawaan na lahat ito ay naging popular sa nakalipas na
dalawang dekada lamang. Subalit sa maikling panahong ito, nagbunsod
na ito ng maraming pagbabago sa mundo ng tao. Wala tayong kakulangan
ng mga babasahing pumupuri sa IT; ang kailangan natin ay mga kritikal
na talakayan hinggil dito.
Mayroon akong mga mungkahing paksa kung paano natin
ilulugar ang mga pagbabagong ito sa distribusyon at pagdebelop ng
kaalaman sa lipunan:

– Ang Internet bilang search, email, blog, social media at app o kung
paano umusbong, yumabong, at naging bonggang plataporma ang
Internet sa mundo. Kaugnay nito, ang social media bilang gatekeeper
ng impormasyon. At ang susunod na default technology: paggamit
ng apps na gagabay sa ating bawat pagkilos;
– Pagbasa sa panahon ng realtime, instant info o kung magiging mas
prangka tayo: may nagbabasa pa ba o simpleng tumitingin na lang ng
mga visual?;
– Ang bilis o instant ay pinagkakamali bilang totoo;
– Malikhaing pagsulat gamit ang 140 characters. Malikhain ba ito?
Pagsulat ba ito?;
– Kailan kulang at sobra ang impormasyon? Bakit trending
samantalang kay bilis naman makalimutan?;
– Totoo bang may diversity ng opinyon sa ating timeline?;
– Self-surveillance bilang bagong privacy;
– Fact checking bilang expertise ng lahat kaysa pagsusuri sa lipunan.
Gusto ba nating tumingin sa paligid o mas hangad nating makita ng
183

iba? Paano ang social responsibility kung abala ang marami sa self-
representation?

Habang pinag-uusapan natin ang Internet, huwag nating
kalimutan na malaking bahagi pa rin ng bansa ang hindi online. Ang
tawag nila dito ay digital divide o digital exclusion. Ang mahirap ay higit
na nagiging marginalized dahil sa mga serbisyo at impormasyong pwede
lamang makuha gamit ang laptop o smartphone.
Sa tingin ko’y pwede na nating pag-ugnayin ang dalawang
tanong na nabanggit ko kanina: Bakit ba tayo nag-aaral? Bakit ba tayo
nagsusulat? Sa panahon na may Internet, nagbago na rin ba ang mga
dahilan kung bakit tayo nag-aaral at nagsusulat?
Eto ang aking pagmumuni-muni sa mga tanong na 'yan:
Ang pag-aaral at pagsusulat ay dapat nakaangkla sa paghahanap
at pagtatanggol sa katotohanan. Ang katotohanan ng lipunan, ang
katotohanan ng pakikibaka para sa pagbabago. Ang katotohanan na
susi para paglingkuran ang masa, ang inaapi, ang mga walang boses sa
lipunan. Nag-aaral at nagsusulat tayo para sa kanila, para sa iba, para sa
bayan, para sa katotohanan. At ang pagpanig natin sa katotohanan ay
sumasalamin sa tunay na layunin ng pag-aaral: hubugin ang indibidwal
na magkaroon ng dunong at puso para sa kapwa.
Kaya ang pag-aaral at pagsusulat ay dapat nagbibigay liwanag sa
mga usaping kasangkot ang lahat. Hindi pag-aaral na nakabatay lamang
sa teksbuk. Hindi pagbubuo ng kaalaman ayon sa tinakdang kahulugan
ng mga nasa awtoridad. Dapat mapangahas na sinusulat natin ang mga
usaping may kongkretong pakinabang o silbi sa mamamayan.

Halimbawa:

– Plataporma hindi porma sa halalang 2016. People’s agenda hindi


politicians’ agenda sa kampanya;
– Climate change bilang malupit na realidad sa bansa;
– Nagpapatuloy na pagkasira ng kalikasan. Sino ang dapat magbayad
pinsala? Kailangan bang wasakin ang yamang likas sa ngalan ng
kaunlaran?;
– Bakit pinapaslang ang mga lumad sa Mindanao? Bakit may
militarisasyon sa mga plantasyon at ancestral domain?;
– Labor export bilang tanikalang bumihag sa maraming pamilyang
Pilipino;
– Lumalalang kahirapan, lumalaking agwat sa pagitan ng mayaman at
184

mahirap, tumitinding pagsasamantala sa kanayunan. Bakit mahirap


ang magsasaka at mangingisda?

May pagkakataon tayong palalimin ang pag-unawa sa mga


problemang ito sa nalalapit na APEC Summit sa Pilipinas. Ipakita natin
na hindi ramdam ng marami ang sinasabi ng pamahalaan na pag-unlad
ng ekonomiya. Itama natin ang makaisang panig na ulat hinggil diumano
sa kaunlarang tinatamasa ng marami sa rehimen ng daang matuwid.
Bilang campus press, mahalaga ang inyong papel sa pagpukaw
sa atensiyon ng inyong komunidad sa mga usaping hindi nababalita, mga
isyung ayaw pag-usapan, mga solusyon na minamarkahang radikal o
imposible. Ginagawa tayong tangang konsyumer ng TV, kontrolado ng
malaking negosyo ang mga pahayagan, ang Internet naman ay binabaha
tayo ng mga spam at iba pang walang katuturan na libangan.
Samantalang ang campus press, wala itong pananagutan sa
anumang interes maliban sa magbigay ng tamang impormasyon sa
madla. Nawa’y ang mga pahina ng inyong mga pahayagan ay magbigay ng
inspirasyon sa marami na pumanig sa katotohanan. Aanhin ang balitang
pwede namang i-google. Kaya dapat may dagdag imbestigasyon, may
komprehensibong pag-aaral, may pagsisikap isulat ang mga istoryang
kailanman ay ihindi ilalabas ng malaking media, may pagsagot sa mga
tanong na kailanman ay hindi mababasa sa mainstream.
Ang kumpetisyon ninyo ay hindi dyaryo ng ibang paaralan
sa Cagayan Valley kundi ang lahat ng dyaryo sa mundo, lalo na kung
mayroon kayong website. Kaya sana tangkain ninyong isulat ang sikreto
ng mga kurakot at mapang-api sa Cagayan Valley. Ano ang mukha ng
kahirapan sa rehiyon? Saan ang logging at mining plantations? May mga
biktima ba ng human trafficking? Bakit walang tren sa bahaging ito ng
Luzon? Kailangan natin ng mga whistleblower na may kredibilidad at
pwede itong gampanan ng campus press. Kailangan natin ng mga ulat na
magpapaalala sa atin na tayo ay may matapang at mayamang kultura.
Maaari ninyong isagot na napakabata pa ng inyong mga edad
upang gawin ito. Huwag kayong pabebe. Kung kaya ng mga teenager na
magvideo at maging YouTube sensation, kayang-kaya ninyo rin maging
investigative reporter. Matuto tayo sa aral ng kasaysayan: hindi hadlang
ang edad upang magkaroon ng makabuluhang ambag para sa pagbabago.
Ngayong buwan ng Setyembre ay ginugunita natin hindi lang
ang deklarasyon ng Martial Law noong 1972 kundi kung paano rin ito
nilabanan ng maraming kabataan hanggang mapatalsik ang diktador.
Kung kaya nila, kayang-kaya ninyo rin. Oo, wala ng Martial Law pero
185

nagpapatuloy ang kahirapan, kawalan ng hustisya, at paglabag sa


karapatan ng mamamayan. Sila, lumaban kahit walang cell phone at
Internet. Kayo, tayo, walang dahilan upang maging tahimik at sumuko
na lamang.
Maaari ninyong idagdag, lalaban tayo…sa tamang panahon.
Hindi ngayon, kundi sa tamang panahon. Una, hindi kayo si Aldub
o lola Nidora. Pangalawa, mali si lola. Ang paglaban ay laging nasa
tamang panahon. Ang pag-ibig ay laging nasa tamang panahon. Walang
maling panahon; ang mali ay nasa pag-iisip natin. Kung hindi tayo
lalaban, magpapatuloy ang kasalukuyang kalakaran. Magpapatuloy ang
karangyaan ng iilan habang mayorya ay gutom at walang pag-asa sa
buhay. Ang maginhawang buhay, hindi hinihintay ang tamang panahon.
Ipinaglalaban 'yan.
PAGPUPUGAY SA BATCH 2017!
NAGMAHAL, NAGSIKAP, NAGTAGUMPAY

ISA PONG MALAKING KARANGALAN ang mapiling tagapagsalita ngayong


araw na ito. Ispesyal at di malilimutan ang pagtitipong ito. Para sa mga
mag-aaral, lubos ang kasiyahan dahil natapos din natin ang kolehiyo sa
kabila ng maraming pinagdaanang pagsubok, hindi po ba? Para sa mga
magulang, walang papantay sa kanilang galak na makita kayo sa inyong
pag-akyat sa entablado mamaya. At para sa mga guro, sulit ang pagod at
inalay na dunong dahil nagbunga ang kanilang sakripisyo.1
Hindi kayang isalarawan mamaya sa Facebook o Instagram
ang nag-uumapaw na emosyon na ramdam ng marami ngayon. Kahit
naka-FB Live mamaya sa pagkuha ninyo ng diploma, walang app na
uubra upang sukatin ang kaligayahan ng bawat isa sa bulwagang ito.
Ang seremonyang ito ay ginagawa hindi lamang upang bigyang
pagkilala kayo, mga bagong graduate. Isa itong natatanging aktibidad
upang sama-samang magdiwang at magpasalamat dahil nagawa ninyong
tapusin ang isang mahalagang yugto sa buhay ng isang tao. Hindi lahat
nakakatuntong sa kolehiyo, hindi lahat nakakatapos ng pag-aaral; pero

*Talumpating binigkas sa STI Meycauayan, Bulacan


187

heto kayo at ilang minuto na lamang ay ganap na kayong susulong sa


bagong hamon sa buhay.
Kaya bago ang uwian, ang kainan, at pagpost ng litrato sa social
media mamaya, dapat unahin natin ang pagkilala sa mga taong nag-
ambag sa inyong pag-aaral at naging bahagi ng inyong paglalakbay mula
kinder hanggang kolehiyo.
Una, para sa mga kaibigan at kaklase, salamat sa masayang
samahan, paminsang-minsang away, araw-araw na asaran, patagong
pangongopya, maaasahang sandalan kapag may problema, sapilitang
panlilibre ng pamasahe o pagkain, at aminin na natin, lingguhang inuman
o pamamasyal sa mall. Kahit sabihin ninyong lagi kayong magrereunion,
hindi na kayo madalas na magkikita. Malamang sa FB, pero kaya ba
nun higitan ang kwentuhan sa tambayan at tsisimisan sa fastfood? Kaya
para sa di malilimutang alaala kasama ang inyong batchmates, palakpak
naman diyan.
Para sa inyong mga guro naman, salamat po mga ma’am at sir
sa pasensiya, sa oras na inyong binahagi, sa mga payo na inyong binigay,
sa kaalaman na tuntungan upang tumuklas pa ng mga bagong aral sa
buhay, sa lahat ng hirap, pawis, at friend request na inyong tinanggap,
habambuhay po kayong pasasalamatan. Estudyante lamang ang
tumatanda, pero ang guro hindi 'yan nagbabago sa puso ng bawat bata.
Para sa aruga, dedikasyon, at tiyaga sa pagtuturo, palakpakan natin ang
ating mga propesor.
At para naman sa ating pamilya, kay nanay at tatay, kay ate at
kuya, kay lolo at lola, ang diploma ay alay po sa inyo. Lalo na sa ating
butihing magulang. Para sa tiwala na kakayaning tapusin ang kolehiyo,
para sa suporta mula umpisa hanggang sa pagpili ng isusuot kanina, para
sa palagiang pangungulit este pangangamusta kung ano na ang lagay ng
pag-aaral, para sa makatwirang pangangaral ng mga dapat unahin sa
buhay, para sa pag-unawa kung may pagkukulang, para sa inspirasyon,
sa presensiya, sa pagpapakita ng halimbawa kung paano ang bawat
problema ay may karampatang solusyon, para sa pagpaparamdam na
kami ang dahilan kung bakit kailangang bumangon araw-araw, para po
sa inyo ang araw na ito. Ibigay natin ang pinakamalakas na palakpak na
pwede nating iparinig sa ating mga magulang.
Ang edukasyon natin ay nagsimula bilang pangarap. Pangarap
na simbolo rin ng pagmamahal. Pero hindi sapat na magmahal lamang.
Dapat pinaglalaban ito. Sa inyong kaso, hindi ba’t pinagsikapan ninyong
marating ang araw na ito pagkatapos ng mahigit isang dekadang
pagbabasa, pagsusulat, pagpupuyat, paghahabol ng deadline, pag-
188

apela na madugtungan ang deadline, pagkukumpleto ng requirements,


pagkuha’t pagpasa sa mga eksam. Ibig sabihin, ang pangarap ay naging
realidad dahil pinaghirapan ninyo itong isakatuparan. Mayroon kayong
nilaan na sapat na oras, sobrang pagod at sakripisyo bago ninyo matamasa
ang tagumpay ngayong araw na ito. Hindi ba’t mas makabuluhan at mas
masaya ang tagumpay kung ito ay binunga ng inyong pagsisikap?
Kung hugot ang kuwento ng inyong buhay, pwede itong
tawaging ‘nagmahal, nagsikap, nagtagumpay.
Iyan din ang paalala na nais kong bigyang diin sa araw na ito.
Lahat ng biyaya na gusto nating makamit ay dapat ipaglaban. Hindi ito
madaling gawin sa panahon na kung saan maraming bagay ay tila pwede
makuha sa isang iglap, o instant kumbaga.
Research, search lang. Komunikasyon, realtime. Transportasyon,
uber. Pagkain, ready to cook. Pelikula, streaming. Gamit, 3D printing.
Pero sa totoo lang, batay sa karanasan at obserbasyon na
rin, ang kaligayahan sa buhay ay hindi instant na natatamasa. Huwag
ipagkamali na ang bagong gadget o trending apps ang lulutas sa marami
nating problema. Huwag ituring ang materyal na kasangkapan bilang
panandang bato kung ano na ang narating o silbi ng isang indibidwal.
Dahil ang dominanteng diskurso ngayon ay pabor sa mabilisang
resulta o proseso, ang gusto ng marami ay ganun din ang dapat mangyari
sa ating buhay. Dapat instant may kotse na (kaya ayon instant din ang
paglubog sa utang), dapat instant mayaman na (kaya ayon, biktima ng
pyramid scam), dapat instant sikat at may pangalan na (kaya ayon viral
ang scandal sa Internet).
Tanggihan natin ang pag-iisip na pumipigil sa ating makita ang
mas masaklaw na mundo. Mahirap gawin pero tandaan hindi lahat ng
trending tama. Hindi lahat ng instant ay kailangan. Hindi lahat ng yaman
ay kaligayahan ang dinudulot.
May epekto rin ito kung paano natin inuunawa ang nangyayari
sa pulitika ng ating bansa. Sa halip na masinop na ugatin at himay-
himayin ang mga problema ng komunidad, nagkakasya sa mga instant o
shortcut na solusyon. At dahil gusto ng marami ay may makitang instant
na resulta, mag-ingat baka ang ibigay sa atin ng mga nasa pamunuan ay
pagbabagong walang laman. Ay natokhang na buhay naman o!
Bilang kabataan, tiyak kong marami kayong gustong gawin,
mga pangarap na tutuparin, mga tagumpay na aabutin. Gawin natin ito,
pero huwag magmadali. Nasa atin ang lahat ng panahon upang makamit
natin ang lahat ng ating minimithi sa buhay. Hindi kailangang makipag-
unahan at tapakan ang iba. At habang ginugugol natin ang ating buhay sa
189

layuning ito, huwag sana nating kalimutan na maglaan ng panahon, lakas


at talino para sa bayan. Buksan ang mata sa realidad ng ating panahon.
Pakinggan ang daing ng karaniwang tao. Mag-ambag sa
kaginhawaan ng ating mga komunidad. Ang mali na ating nakagisnan
ay huwag na nating ipasa sa susunod na salinlahi. Ang lahat ng mali
na nangingibabaw ngayon, lahat 'yan ay pwede nating tuldukan.
Nagmumukhang imposible kung ang iniisip kasi natin ay dapat
instant alisin na ang bulok sa lipunan. Pero kung ang perspektiba ay
pangmatagalan, kung malayo ang tanaw, walang krisis o problema ang
hindi natin pwedeng pangibabawan.
Batch 2017, magsimula sa pangarap, balutin ito ng pagmamahal.
Matiyagang kumilos, marubdob itong ipaglaban. Matuto mula sa mga
kabiguan, bumangon nang may dignidad. Kasama ang iba, hindi nag-
iisa. At pagkatapos, ialay ito para sa kapwa. Ito ang tunay na tagumpay na
pwede nating ipagmalaki. Ito ang ating tugon, ang ating pasasalamat sa
lahat ng tumulong na hubugin ang ating pagkatao bilang mga indibidwal
na may talino’t malasakit sa kapwa.
Batch 2017, magmahal, magsumikap, magtagumpay!
BAKIT AKTIBISTA
ANG CRUSH NG CRUSH MO?

DAHIL NAGTITIWALA SIYA SA masa; dahil kinakalinga siya ng masa

Kaibigan ng mga inaapi, kaaway ng mga ilustradong kontrabida sa


lipunan. Hindi umaastang bayani, sa halip ay nakasandig sa lakas ng
mamamayang pumipiglas. Mayroon siyang barkada na ang tawag
niya ay kolektib, mayroon siyang ugnay mula siyudad hanggang
probinsiya na tinukoy niyang mass base, at ang motto niya sa buhay
ay sundin ang linyang masa. Sabi niya, hindi habag (at hashtag) ang
kailangan ng mahirap kundi ang pagsulong ng kanilang pakikibaka.
Tinanong siya minsan ng crush mo, pwede ba akong lumahok sa
pakikibakang ito? At ang kanyang sagot, palayain mo muna ang puso
kong binihag mo.

Dahil siya ay palaban; dahil siya ay lumalaban

Hindi naman siya basag-ulo at bodybuilder pero lagi siyang nang-


aaway. Wala siyang pasensiya sa mga kurakot, sa mga pulitikong
abusado sa kapangyarihan, sa mga nangangamkam ng lupa, sa mga
191

nanghahamak sa karapatan ng manggagawa, sa mga sunod-sunuran


sa dikta ng dayuhan. Tila hindi sapat para sa kanya ang magpahayag
ng galit; sa tuwina ay may kasunod itong pagkilos, pag-oorganisa,
pagbaklas. May nagliliyab na poot sa kanyang dibdib. At ang hangad
niya ay pasiklabin ang apoy na ito at paramihin ang mga pusong
umaalab hanggang magluwal ng bagong liwanag sa lipunan.

Dahil prinsipyo ang kanyang ginto

Halos walang bisyo at hindi sabit sa mga uso dahil kadalasan kulang
o walang pambili ng luho. Dahil wala naman siyang romantikong
pagtingin sa buhay mahirap; sadyang natutunan na lamang niyang
huwag sambahin ang mga materyal na bagay. Kung gayon, ano ang
kanyang pinagmamalaking yaman? Dunong-paaralan, diploma?
Kahit trapong pulpol mayroon niyan. Pero ang prinsipyong di-
nabibili, 'yan ang kanyang sinisikap isabuhay at higit na pinagyayaman.
Natatangi dahil may paninindigang marupok at mapagkunwari.
Pero ang kanyang pamantayan ay maging tunay na lingkod bayan
at rebolusyonaryo. Lagi niyang sambit, simpleng pamumuhay at
puspusang pakikibaka. Paano 'yan, romantiko na’y mandirigma pa.

Dahil marunong siyang umako ng kanyang kahinaan at pagkakamali

Kaugnay ng sinundang talata, maaaring isiping nagpapanggap


na perpektong karakter ang aktibista. Subalit hindi. Tao rin na
may kapintasan. At maraming masusumbat sa kanya: sa kanyang
pakikitungo sa kapwa, sa kanyang aktitud sa mga praktikal na usapin,
sa kanyang tila malagim na tanaw sa buhay. Pero may silbi ang
husga dahil pinagmuni-munian niya ito at umakma sa mga punang
natanggap. Ang tawag niya doon ay pagpapanibagong-hubog. Minsan
may dinaluhan siyang group therapy na kung saan ang mga sumali
ay nagpuna sa aktitud ng iba habang nagpuna rin sila sa kanilang
sarili. At pagkatapos nito’y tila higit na tumibay ang motibasyong
makibaka, lumaban, at umibig.

Dahil binabaka niya ang pyudal na kultura at pagsasamantala

Pwede bang maging “maginoo pero medyo bastos”? Magalang pero


lihim na arogante sa relasyon? Bukas ang isip sa mga bagong ideya
pero hindi sa kasarian? Inaangat sa pedestal ang kababaihan subalit
192

ayaw silang pakawalan sa kulungan ng kusina’t kama? Ang palusot


ng marami ay pamana diumano ng depektibong kultura; hindi pa
daw tayo handa sa makabagong sensibilidad. Subalit umaalma ang
aktibistang tutol sa diskriminasyon. Kung pyudal ang kaisipan, bakit
hindi ito baguhin? Kung ang kultura ay mapang-api’t dekadente,
bakit hindi ugatin ang sanhi nito at pangibabawan? 2015 na, kahit
ang burgis na pananaw sa pakikipagrelasyon ay dapat ng ibasura.

Dahil habang pinaglilingkuran niya ang sambayanan, inaalay niya ang


natitirang lahat-lahat sa kanyang iniirog

Hindi kaya siya napapagod magmahal? Mahal niya ang manggagawa,


ang magsasaka, ang masang lumalaban, at iba pang mga taong hindi
niya kakilala subalit kakapit-bisig niya sa parlyamento ng kalye.
Namamangha ka’t di makapinawala na pagkatapos magpamalas ng
pag-ibig sa bayan, siya ay nakapaglalaan pa ng pambihirang pag-ibig
sa isang indibidwal, sa kanyang sinisinta. May puwang sa kanyang
puso na hindi pwedeng angkinin ninuman, kahit ni Inang Bayan.
Ang puso ng tibak ay alay sa bayan subalit ang tibok nito ay para
lamang sa kanyang pinakaiisang minamahal.

Dahil pangmatagalan ang kanyang perspektiba kaya’t handa siyang


maghintay hanggang magtagumpay

Mahaba raw ang pakikibaka, matagalan daw ang digmang bayan,


at siya ay buong loob na magpapakatatag. Handa raw niya ialay ang
lahat-lahat sa kilusang masa habang bitbit ang pangako ng pag-ibig.
Kung hindi pa ukol ngayon, bakit manlulumo samantalang hindi pa
nasusulat ang kuwento ng hinaharap. At bakit hihintayin ang wakas
samantalang pwedeng umusbong ang pagmamahalan sa panahon ng
digma. Maraming sangandaan sa mahabang byahe, at ang daan ay
tigib ng panganib, subalit sa kahuli-hulihan ang kanyang katapatan
sa ideya ng rebolusyon at pag-ibig ang huhubog ng kanyang bukas.

Dahil dalisay at dakila ang kanyang pag-ibig

Paalala ni Bonifacio: “Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa


pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?”
Wagas dahil bakit mo mamahalin ang isang daang milyong nilalang
na hindi mo pa naman nakikita. Dagdag pa’y walang katiyakan na
193

makakatanggap ka ng gantimpalang mangingibig. Subalit patuloy


ang pag-alay ng buhay para sa bayan. Mga bayani at karaniwang tao
– lahat sila, lahat tayo nagmamahal kahit pilit dinudungisan ng mga
mapang-api ang pagsangkot sa pakikibaka ng masa. Ang gusto ng
ilan, pag-ibig na mababaw, pakitang-tao na gumagampan diumano
ng tungkulin para sa bayan. Subalit para sa aktibistang nagmamahal,
hindi uubra ang mga ganitong simbolismo at posturang walang silbi.
Dapat tapat sa panata. Dapat ramdam ng mamamayang bumubuo sa
bayan. Dapat pag-ibig na marubdob, mabagsik subalit matamis.

Dahil ang pag-ibig niya ay mapagpalaya

Tulad sa telenobela, masayang pagtatapos ang pangarap niya. Pero


ligaya na hindi pangdalawang tao lamang. Pag-ibig na mapagbigay,
nagsasariling mundo subalit bumabago ng mundo. Aanhin ang saya
ng dalawang puso kung mayroong dalawang bilyon na lugmok sa
pagdurusang pwede namang maiwasan o tapusin. Kaya ang pag-
ibig niya ay para sa isa at para rin sa lahat. Pag-ibig na bumibihag at
nagpapalaya. Sa isang lipunang marahas, pag-ibig at pakikibaka ang
tanging pag-asa na magpapalaya sa lahat.
TUNGKOL SA MAY-AKDA

Si MONG PALATINO ay nagtapos ng pag-aaral sa UP Diliman. Siya ay


blogger, aktibista, at unang kinatawan ng Kabataan Partylist sa Kongreso.
May pagkutya sa salitang blogger dahil kinakabit siya sa mga
kontrobersiyal na tagasuporta ng gobyernong ‘dilaw’ at Digong.
Akala tuloy ng marami ang pagiging blogger ay pagpili lamang
sa dalawang panig na ito. Ang librong ito ay isang paalala na
may mga gumamit ng blog hindi upang maging propagandista
ng estado kundi hamunin ang kontra-mamamayang diskurso ng
mga nasa kapangyarihan.

May hugot ang mga pinili kong sanaysay sa mga nagdaang rehimen
at marami ay naglalaman ng mga salitang hango sa balita na
maaaring hindi na pamilyar sa konteksto sa kasalukuyan. Kaya
isang byahe sa malapit na nakaraan ang alay ng kompilasyong
ito. Gayunpaman, hindi lang ito komentaryo patungkol sa na-
kalipas na dekada. Ito ay may layong magbigay din ng
kritika sa pulitika ng bansa habang nagbibigay diin sa halaga ng
pakikisangkot ng marami, lalo na ng kabataan, sa pagtulak ng
pagbabago.

Nagkaroon ako ng pambihirang pagkakataon na masulyapan ang


loob ng kongreso at mula dito ay naabot ko ang mas maraming
kababayan natin sa iba’t ibang dako ng bansa. Marami sa aking
nasaksihan ay nasulat sa aking blog o nalathala sa Bulatlat, isang
alternatibong news website. Nawala na sa uso ang blog pero
ang librong ito ay patunay na nagkaroon ng partikular na silbi
ang espasyong ito upang hikayatin ang mga tao na magsulat,
na ngayo’y pwedeng pag-aralan bilang dokumentasyon ng iba’t
ibang naratibo, opinyon, at karanasan sa ating lipunan sa unang
bahagi ng bagong siglo.

—Mula sa Introduksiyon

ISBN 9786218196018

SENTRO NG WIKANG FILIPINO


9 786218 196018
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Lungsod Quezon

You might also like