You are on page 1of 128

1 i

Ang Aklatang Bayan Online:


Pagpapalaot sa at Pagpapalawig ng Paglalathala

Noong 1989, pinagtibay at ipinatupad sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang Patakarang


Pangwika na naglalayong gamitin at hustuhin ang wikang Filipino bilang midyum ng
pagtuturo, pananaliksik, at paglilimbag. Itinatag ang Sentro ng Wikang Filipino (SWF)
sa parehong taon upang tuparin ang mandatong ito. Bukod sa pagtalima sa probisyong
pangwika ng Konstitusyon ng Pilipinas, ang Patakarang Pangwika ng UP ay pagsandig at
pagtindig na pinakamabisa at pinakaangkop ang sariling wika upang isulong at palakasin
ang makabayan, makatao, siyentipiko, at makatarungang oryentasyon ng edukasyon.
Unang hakbang ang pagkakaroon ng Patakarang Pangwika sa UP. Sa
pamamagitan ng Sentro ng Wikang Filipino, pinagyayaman at pinauunlad ang produksyon
at distribusyon ng kaalaman gamit ang wikang Filipino. Noong 1994, sinimulan ang
proyektong Aklatang Bayan na naglalayong maglimbag sa wikang Filipino at mga wika
sa bansa ng mga aklat at pananaliksik sa iba’t ibang disiplina.
Sa panunungkulan ng dating direktor na si Dr. Rommel B. Rodriguez, pinalawak
ang maaabot ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman (UP SWF-Diliman) sa ilalim ng
proyektong e-Bahagi o Aklatang Bayan Online. Sinimulan ito bilang pag-a-upload sa
seksyong e-Bahagi ng dating website ng UP SWF-Diliman ng mga PDF (portable document
format) na bersiyon ng isina-aklat na mga piling tesis at disertasyon sa UP, anuman ang
disiplina, na gumagamit ng wikang Filipino. Malaya rin itong nada-download.
Sa ika-30 taon ng SWF noong 2019, ininstitusyunalisa ang Aklatang Bayan
Online at pinalawig ang paglalathala online ng mga pananaliksik, pag-aaral, akdang
pampanitikan, at iba pang lathalain. Itinaguyod ang institusyonalisasyong ito ng bagong
direktor ng UP SWF-Diliman at Punong Editor ng Aklatang Bayan Online na si Dr. Mykel
Andrada, kasama ang Katuwang na Editor (agham at kalusugan) na si Gng. Maria
Olivia O. Nueva España at ang Digital na Editor na si G. Michael Balili. Sinuportahan at
pinondohan ito ng dating Tsanselor ng UP Diliman na si Dr. Michael L. Tan.
Simula noong 2020, sinusuportahan at pinopondohan ang Aklatang Bayan
Online ng kasalukuyang Tsanselor ng UP Diliman na si Dr. Fidel R. Nemenzo. Ibinukas
ang paglilimbag ng limitadong kopya ng mga aklat sa ilalim ng Proyektong Silid-Aklatan
katuwang ang mananaliksik na si Gng. Katherine Tolentino-Jayme. Ngayong 2021,
pinalawig din ang editoryal na pamamahala ng Aklatang Bayan Online sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mga Katuwang na Editor: G. Emmanuel Jayson Bolata (humanidades at
kasaysayan), Gng. Elfrey Vera Cruz-Paterno (malikhaing akda at panitikan), Gng. Angelie
Mae T. Cezar (agham panlipunan at ekonomiya), Gng. Gemma Cabrera-Dalmacion
(teksbuk at manwal), at G. John Christopher DG. Lubag (iba pang larangan). Kasama
rin sa produksyon ang mga administratibong kawani na sina Gng. Ma. Evangeline O.
Guevarra, G. Odilon B. Badong Jr., G. Marcopolo P. Pelaez, at G. Guian Fidelson.
Nagpapatuloy pa rin sa pangangalap ng mga manuskrito ang UP SWF-
Diliman para sa Aklatang Bayan Online. Patuloy pa ring tumutugon sa panawagan ang
maraming mga guro, iskolar, mananaliksik, at manunulat upang magsumite ng kanilang
mga manuskrito sa layuning maibahagi ito sa pinakamalawak na mambabasa. Tulad
ng logo ng Aklatang Bayan Online, nasa iisang bangka ang mga manunulat, iskolar,
mananaliksik, at mamamayan: nagpapalaot, sumusulong, at lumalaban sa gitna ng mga
hamon ng pandemya at pasismo.
Bahagi ito ng masidhing paninindigan para sa pagpapalakas at pagsusulong
ng wikang Filipino at mga sariling wika, at ng makabayang diskurso. Dahil naninindigan
ang pamunuan at opisina ng UP SWF-Diliman na dapat malaya at mapagpalaya ang
kaalaman—na hindi ito dapat para sa iilan lamang, at na dapat naaabot nito ang
pinakamalawak na hanay ng mamamayan. Dahil para saan pa ang kaalaman kung
mabubulok lamang ito sa malalamig at inaagiw na espasyo ng kahungkagan.
Sa gitna ng pagharap sa pagpaslang sa wikang Filipino sa kolehiyo, sa gitna
ng pandemya at sa krisis sa pamahalaan, sa gitna ng pasismo at banta sa kalayaan at
karapatan, at sa gitna ng hindi normal na “new normal,” higit na naninindigan ang UP
SWF-Diliman na ang wikang Filipino at mga wika sa bansa bilang mga wikang malaya
at mapagpalaya ay napakahalaga para sa pagpapagaling at pagtatanggol ng bayan.
I-download. I-save. I-share. I-print. Ipasa pagkabasa.

Ang Aklat Sanyata ng Sentro ng Wikang Filipino –


UP Diliman ay serye ng mga akda at pananaliksik sa
panitikan, malikhaing pagsulat at produksyon, wika,
sining, komunikasyon, midya, pamamahayag, at
humanidades. Sa wikang Iloko nagmula ang salitang
“sanyata,” na nangangahulugang “liwanag” o “ganda.”
MGA TULA AT DAGLI MULA SA
SAHAYA: TIMPALAK PAMPANITIKAN (STP) 2021

JOHN CHRISTOPHER DG. LUBAG


KATHERINE TOLENTINO-JAYME
MICHAEL BALILI
MYKEL ANDRADA
MGA EDITOR

SENTRO NG WIKANG FILIPINO


Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Lungsod Quezon
Sahaya:
Mga Tula at Dagli
Mula sa Sahaya: Timpalak Pampanitikan (STP) 2021
© 2021 Sentro ng Wikang Filipino-Unibersidad ng Pilipinas Diliman
at mga may-akda

Sinusuportahan ng Sentro ng Wikang Filipino – Unibersidad ng Pilipinas Diliman (SWF-UPD) ang


bukas na pag-akses (open access). Libreng maaakses, mada-download, maibabahagi, masisipi, at
magagamit nang buo ang mga aklat at materyales ng Aklatang Bayan Online at P2P Digital. Hini-
hiling namin na akmang banggitin ang mga aklat at mga awtor at/o patnugot nito at ang SWF-UPD
bilang orihinal na batis at tagapaglathala, at na huwag babaguhin at gagamitin para sa komersyal
na layunin ang mga dinownload na teksto.

Kinikilala ng Sentro ng Wikang Filipino-Unibersidad ng Pilipinas Diliman ang Opisina ng Tsanselor


ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman para sa pagpopondo ng proyektong ito.

John Christopher DG. Lubag Inilathala ng:


Katherine Tolentino-Jayme Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Michael Balili sa pamamagitan ng
Mykel Andrada Sentro ng Wikang Filipino-
Mga Editor Unibersidad ng Pilipinas Diliman
3/Palapag Gusaling SURP, E. Jacinto St.,
Michael Balili UP Campus, Diliman, Lungsod Quezon
Disenyo ng Aklat at Pabalat Telefax: 8924-4747
Telepono: 8981-8500 lok. 4583
Assets mula sa Heritage Library www.swfupdiliman.org
gamit ang CCO 1.0 na lisensiya
ng public domain.
Larawan sa Pabalat at sa Loob ng Aklat
Introduksiyon
Dayalektika ng Anyo at Nilalaman
mykel andrada

H
indi ba kabulastugan ang magpatimpalak sa gitna ng pandemya at
pasismo?
Puwede. Pero hindi na namin iyon naisip at hindi namin iniisip.
Iba ang mas na(i)isip namin nang simulan naming buuin sa UP Sentro ng Wikang
Filipino – Diliman ang Sahaya: Timpalak Pampanitkan (STP). Sa isang pulong
namin nina Khaye Jayme at JC Lubag, at paglaon ay kasama si Michael Balili,
naisip naming itaon ang STP ngayong Buwan ng Wika 2021. Para sa taong ito,
pinili muna naming tumutok ang STP sa pagsulat ng tula at dagli. Tinatanaw
namin na, sa kalaunan, iba pang porma ng panitikan at sining ang maitampok,
tulad ng sanaysay, dula, panitikang (pam)bata, iskrip sa radyo at telebisyon, nobela,
komiks, grapikong panitikan o biswal na panitikan, eksperimental na panitikan,

1
at iba pang nagbabagong-hubog na panitikan.

ix
Ito ang na(i)isip namin. Unang beses, sa aming pagkakaalam, na magkakaroon
ng timpalak pampanitikan ang Sentro. Mayroon na itong mga Gawad Teksbuk
at Gawad Saliksik na naghihikayat sa iba’t ibang iskolar at mananaliksik mula sa
anomang larangan na magluwal ng mga aklat sa lunduyan ng wikang Filipino at
mga wika sa Pilipinas. Sa ilang dekada ng Sentro, ang opisina ay nakapagbigay-
suporta sa at nakapaglathala ng mga diksyonaryo, glosari, pananaliksik, malikhaing
akda, teksbuk, journal at iba pang lathalain mula sa mga larangan ng agham
panlipunan, humanidades, agham at medisina, urban planning, isports, wika
at pagsasalin, batas, sining, at iba pa. Lahat ng pagtatangka at proyektong ito’y
naglalayong palakasin at isulong ang paggamit ng wikang Filipino at mga wika sa
Pilipinas – at buong-pagpapakumbabang mag-ambag sa produksyon-distribusyon-
resepsyon ng kaalaman para sa lipunan at mamamayan.
Sa gayong linya rin nagmumula ang STP. Hinalaw namin sa popular na
“Serve the People” o “STP” ang pangalan ng Sahaya: Timpalak Pampanitikan.
Walang matayog na pagtingin o paghinagap na buong-buong makakatawan
ng STP ang paglilingkod sa bayan. Walang pagpapanggap, kundi mas pagnanais
o paghahangad na makapag-ambag at makapaglingkod sa abot ng makakaya,
lalo na sa gitna ng sitwasyong panlipunan kung saan ang tanging ambag ng
mga nagpapatakbo ng gobyerno ay pagmumura, pangangarat, pandudura,
pamamanikluhod, pamamaslang, at pangwawarak. Pagtatangka rin ito na
makapag-ambag sa tradisyon ng panitikang (nagpapa)mulat, panitikang saksi, at
panitikang makabayan. Hindi nga ba’t ang mamamayan-manunulat, propagandista,
at rebolusyonaryo – sa lahat ng panahon at antas ng kasaysayan – ay nakapagluwal
ng iba’t ibang malikhaing akdang pampanitikan na, sa minimum, ay nagsilbing
interpolasyon, interpretasyon, at interogasyon ng reyalidad ng bayan?
Kaya heto ang pagtatangka na patuloy na magkaroon ng bukang-liwayway
sa mga panitikang nililikha. Maraming bagong talinghaga ng pag-asa ang

2
ginamit ng mga manunulat sa mga akdang narito. Pero isa sa mga talinghaga o
imaheng hindi nawawala sa panitikan ang bukang-liwayway – liwanag – dahil
sumisimbolo ito sa pag-asa at sa pag-asam sa mas maayos at makataong lipunan,
sa maginhawang kalagayan, at sa mas makabuluhang buhay. Tulad nang hindi
nawawala ang nakakuyom na kamao sa panitikan, o ang ibong malayang nakalilipad,
ang katotohanan ng pagnanais na makawala sa hawla, malagot ang tanikala, at
mabuhay nang malaya ay hindi nawawala sa panitikan. Ang salitang “sahaya,” na
nangangahulugang “liwanag” at “pag-asa,” ay hinihirayang maipahiwatig ang
mga pag-asa(m) na ito.
Sa aming mapagpakumbabang paghahangad, nagpapasalamat kami sa pakikiisa
at paglahok sa STP ng mga manunulat mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa. Lampas
sa kanonisasyong pampanitikan ang tuon ng STP. Higit dito ay ang paghikayat na
maihayag sa sariling wika at maisulat sa masining-makatotohanan-makabuluhang
paraan ang tunay na karanasan at pakikipagsapalaran ng mamamayan ngayong
panahon ng pandemya at pasismo. Humigit-kumulang 130 ang lahok na mga
tula at higit 100 ang lahok na mga dagli. Mula sa mga lahok na ito, limang akda
sa bawat kategorya ang itinanghal na “pinakamahuhusay” habang may humigit-
kumulang 20 akda kada kategorya ang itinanghal na “shortlisted.” Kinikilala
ang mga akdang ito na naisakatuparan ang tinataguriang “dayalektika ng anyo
at nilalaman” – ang mahusay at masining na pagsusulat gamit ang sariling wika
at ang tapat na integrasyon ng reyalidad at adhikaing panlipunan sa mga akda.
Matutunghayan sa mga nagwagi at shortlisted na dagli at tula ang iba’t
ibang tinig ng mamamayan-manunulat sa iba’t ibang lokus o lunan. Ang iba’y
dumaraing at naghihinagpis. Ang iba’y pinagtitimpi ang poot. Ang iba’y idinaraan
sa masisteng pagtugaygay. Ang iba’y parang hanging dumaraan, hindi nakikita
ngunit nararamdaman. Ang iba’y naninipa at/o nangangadyot. Ang iba’y tahasang
nagmumura. Ang iba’y taimtim na nananalangin at nangangarap. Ang lahat ay

1 xi
naghahanap ng pag-asa. Ang lahat ay nagnanais ng totoong pagbabago. Nagmula
ang mga lahok mula sa mga beterano at bago, mas-may-karanasan at bagong-
dugo, at nagsisimula o sumusubok na mga manunulat.
Ang totoo, wala namang natalo sa patimpalak na ito. Lagpas sa pita ng
patimpalak at labas sa ilusyon o histerya ng burgis na pagsusulat, ang maisulat ang
karanasan at katotohanan ay lagpas pa sa sapat, lagpas pa sa kailangan. Nawa’y
mahikayat ang lahat na patuloy na umakda at umadhika – lagpas sa pita, ilusyon,
at histerya – sa loob at labas ng bayang sawi, kung saan ang kaliluha’y siyang
nangyayaring hari.
Dahil ang bayang batbat ng kaliluhan ay ang bayang nagluluwal ng
pinakamaraming manunulat-mamamayan na (nagmu)mulat.

Para kina Sir Neil Doloricon, Nanay Mameng Deunida, Ka Randall Echanis,
Randy Malayao, Mon Ramirez / Monram, Kelot / Kerima Lorena Tariman, at sa lahat
ng mabubuting anak ng bayan. Pinakamataas na pagpupugay!

xii

2
Nilalaman

Introduksiyon / ix

Mga Nagwaging Dagli

Papunta, Pabalik
raffy s. alabado / 3

Merienda
ril arguelles / 5

Pasada / Pasado
joseph argel g. galang / 8

Madaling Awit
ivan emil a. labayne / 11

Ngalay at Hayahay
mj rafal / 13

Mga Shortlisted na Dagli

Tinola
jenalyn j. aman / 19

Kung Paano Maililigtas ang Mundo


christian jeff g. cariaga / 21

Walang-kamatayang Zoom
patrick ernest celso / 23

Zoom

1
junilo s. espiritu / 25

xiii
Messenger
john carlo s. gloria / 27

Puting Baril
ella jane g. hermonio / 29

Face Mask
geraldine gentozala-juachon / 31

Bisita
hannah a. lecena / 34

Labada
francis christian lubag / 35

Kontribusyon
joanah pauline l. macatangay / 36

Manang Mane
rosalina a. mendigo / 38

Jack Maawatan
ben mendillo / 41

Salubong
alpine christopher patio moldez / 42

Ang Drayber, Ang Pasahero,


at Ang Bente Pesos
jademark nadate / 43

Hapunan
mark ortil pornasdoro / 45

xiv

2
Usa, Lugar, Eskina
gerald tabinas / 46

Pagpag
von mark d. viñas / 49

Mga Nagwaging Tula

Sabay Nating Awitin ang Amen


jeff william acosta 53

Salubong
andre alfonso r. gutierrez / 58

Dalit ng Titik
christine marie l. magpile /59

February 24, 2021


acel dc. martinez /61

Huling Sakramento
kian sanchez / 62

Mga Shortlisted na Tula

Ang Paraluman ng Liwanag


louise vincent b. amante / 69

Himala
paterno b. baloloy, jr. / 77

Úhay ng Dilàng Sinalabíd


ernna r. garcia / 79

1 vii
Panluwas
john mark jacalne / 81

Kurtinang Birtwal
miguel carlos c. lazarte / 83

Huling Kwaderno
joshua mari b. lumbera / 84

Panaginip sa Tag-araw
paul joshua d. morante / 87

Enabler
mark ortil pornasdoro / 88

Talasalitaan ng Kabuktutan
at ang Pandemya sa Panahon ng Distopya
gil florentino a. garcia / 91

Ang Hindi Nila Sinasabi


john carlo s. gloria / 93

Kaluluwa
marlon i. santiago / 95

Pandemya
jean mikhail h. santos / 98

Pag-uusig
abel dionisio soto / 100

Ang mga May-akda / 103


2
Ang mga Editor / 109
viii
Mga Nagwaging Dagli

1 1
2

2
Papunta, Pabalik
raffy s. alabado

N aglalangitngit ang bawat bakal ng aking motorsiklo habang binabaybay


ang sira-sirang kalsada sa isang bayan ng Samar. Nagmistulang usok ang
mga nadaanang alikabok sa kalsada na gawa ng pagkakaagnas ng semento.
Nalipasan na ng panahon ang daang ito. Ngunit hindi ito naging dahilan para
hindi magpatuloy sa pagmamaneho.
Kailangan kong bilisan. Kanina pa nagbabadya ang dilim ng langit.
Hinigpitan ko ang hawak sa manobela upang hindi tuluyang matumba mula sa
mga nakausling bato at mga butas sa kalsada. Iba-iba ang laki ng bitak at butas.
Kailangang nakatingin palagi sa harap para kaagad na makapreno kung sakali.
Batid kong nagrereklamo na sa akin ang aking segunda manong sasakyan.
Ramdam ko iyon sa aking pawisang kamay na pumipigil sa tila niyayanig na
manobela. Matapos ang ilang minuto ay narating ko ang dulo ng sementadong
kalsada. Dito na nagtatapos ang pagsesemento sa kalsada na isinagawa ilang siglo
na ang nakalipas. Mula rito ay kailangan ko nang baybayin ang mga tumigas na
putik hanggang sa marating ang aking destinasiyon. Tiningnan ko muna ang
kanina ko pang angkas na sako, siniguradong maayos ang pagkakatali sa mga
bakal. Pinihit ko ang gasolinador at humiling na sana’y hindi maabutan ng ulan
sa daan. Bukod sa walang masisilungan ay delikado pa ang madulas na kulay
kahel na putik. Binilisan ko ang aking takbo. Nagmistulang alon ang hindi
pantay na daan. Para akong bolang tumatalbog sa bawat alon ng lupang aking
madaanan. Ilang saglit lang ay nagsimula nang umambon. Nagsisimula nang
mabasa ang aking puting uniporme. Nag-aalala ako sa dala kong sako. Kapag
nabasa ‘to ng ulan ay mapapasawala lang ang pagod ng aking mga katrabaho.
Kahit na medyo nahihirapan ay mas binilisan ko ang aking takbo hanggang
sa marating ko ang baranggay na paghihintuan ko. Pagkaparada ay agad kong

1
tinanggal ang pagkakatali ng sako at saka pumasok sa isang kubo na inihanda

3
sa akin ng baranggay. Buti na lang at nakarating na ako sa destinasiyon ko bago
pa man bumuhos ang malakas na ulan. Kinuha ko ang mga papel na nasa sako
at inilapag iyon sa isang pahabang mesa. Inihanda ko ang alcohol at inayos ang
lahat para hindi na ako mahirapan mamaya pagkarating ng mga magulang ng
mga estudyante.
Mamaya ay isa-isang magsisidatingan ang mga magulang ng mga estudyante
upang magpasa at kumuha na rin ng modyul. Magiging okupado ang aking mga
kamay sa pag-aasikaso para sa mga dumarating. Ngunit alam kong paminsan-
minsan ay mapapatingin ako sa labas, sa ulan, sa motorsiklo, sa lupa.
Sana may makasabay ako mamaya na pwedeng tumulong sa pagtulak.

2
Merienda
ril arguelles

T anghaling-tapat. Kung meron mang nangyari, walang nakakita at walang


makakakita. Walang ibang tao sa bahay o sa kalye kundi ako ngunit hindi
ko magawang lumayo sa kinatatayuan.
Marami akong kailangang gawin.
Nilunok ko ang paparating na hikab bago subukang sundang-tingin
ang mga mala-kitikiting kulay na lumalangoy sa aking tanaw. Nagpuyod ng
namumuhaghag na buhok gamit ang malaking plastic na hair clip. Dumukot sa
bulsa ng palda’t isinantabi sa pasemano ang ilang barya, ilang gusot na beinte, ilang
himulmol. Ang isang pulseras na Hello Kitty kasama na rin ang nangungupas
kong singsing na may munting bato sa gitna. Panandaliang naghugas ng kamay
na ipinahid sa malagihay na apron.
May mga nakahanay sa mesa: chopping board, malaking kutsilyo, ilang plato.
Basahan. Malunggay at kalabasa na ibubulanglang para sa hapunan, habang sa
kaliwa, may dumadada sa telebisyon: isang mister na ‘di namamansin ng misis, o
isang dancer na binastos umano ng host, o kaya’y isang palabas na nambubulabog
ng mga barangay bitbit ang papremyo, hindi ko alam. Sansaglit silang pumasok
sa aking isipan. May pakwan. Minatahan kong sandali ang talim, ang aking
nangangaspang at namamaltos na mga palad, ang nanunuklap na adhesive ng
bandaid sa ilang bahagi nito. Nalulunod ang mga salita sa paglagapak ng talim
ng kutsilyo sa plastic na gayatan. Tak. Tak. Tak. Tak.
Kung may darating man, pakwan ang merienda. Hindi ako madalas
makaalala at waring makina ang aking mga braso sa paggayat, ngunit kanina,
habang naglalakad pauwi, napahinto ako sa tapat ng isang construction site dahil
may butiking huminto sa tabi ng aking paa. Nagkatagpo kami ng tingin. Bitbit
ko sa aking kamay ang plastic ng mga pinamili habang bitbit niya sa kanyang

1
bibig ang isang nagpupumiglas na ipis. Napaurong akong kaunti, kinilabutan at

5
marahil nanghina, ngunit hindi ko napigilang manood ng kanilang pagbubunoan.
Pumipitlag-pitlag ang ipis, kumakawag-kawag ang mga biyas, at ang butiki, palaki
nang palaki nang palaki ang pagnganga, waring nais ipagkasya ang kabuoan ng
ulo ng kapuwa insekto sa kanyang bunganga.
Nakadidiri. Kung paanong umuunat ang manipis at madumi at namumutlang
balat ng butiki sa kanyang mapagpilit na paglulon, nakadidiri, ngunit ngayon,
habang bumabagsak ang talim ng kutsilyo sa gayatan, naisip kong hindi ko dapat
pinagninilayan ang nasaksihan habang naghihiwa ng pakwan.
Inilinya ko ang talim sa gitna ng laman at unti-unting iniangat ang brasong
walang-tigil ang pag-unat sa anino sa mesa, at ibinagsak. Sa pwersa, ramdam ang
pagbaon ng talim sa lalim ng namumulang laman.Tak. Nagsisimulang mamasa-
masa ang gayatan.Waring makina, iniangat kong muli ang braso’t ibinagsak ang
talim sa isang kalahati mula sa unang paggayat. Inulit sa kabila. Inulit at inulit
at inulit at ibinagsak nang ibinagsak pang muli ang kutsilyo sa paliit nang paliit
na mga parte. Natabunan ng mga lagapak sa plastic na gayatan ang mga salita
mula sa telebisyon habang dumarami ang namumulang patak sa ilalim ng mesa.
Pumasok sa isip kong paghambingin ang tunog ng hinihiwang pakwan
at tunog ng ipis na kumakawag at kinakagat ng butiki. Hindi ko masabi kung
magkatulad ang pakiramdam, kung matubig ba ito sa bibig ng butiki, kung
mahirap ba itong kagatin, kung may mga mumunting buto bang nakasasagabal
sa pagnamnam. May buto ba ang mga ipis? May leeg ba ang mga ito? Huminto
akong sandali upang tingnan ang mga ginayat na pakwan, kutsilyo sa kanang
kamay. Matubig at namumula-mula ang pinaggayatan, waring munting ilog
sa kahabaan ng mesa, ngunit pwede ring dugong dumadaloy sa mga ugat ng
katawan. Ano kayang pakiramdam ng manakmal at lumulon ng kapuwa hayop?
Malamang ay hinabol ng butiki ang ipis. Malamang ay ginawa ng ipis ang lahat
ng makakakaya upang makatakas. Sa segundong nabali’t napagkasya ng butiki
ang ulo sa kanyang bibig, nakaramdam kaya siya ng kasiguraduhang sa kanilang
dalawa’y siya ang mananaig? Tumingin ako sa paligid noon. Kakaunti lang ang
lamang ng araw sa taas ng itinatayong gusali, at sa kalayuan, waring langgam na
umaakyat sa pader ang mga manggagawa dito. Sa kalsada, may umarangkadang
sasakyang kumikinang. Natalsikan ng putik ang mga batang-araw, at matapos
matilamsikan ay nagsimulang magmartsa ang tunay na mga langgam, ninakaw ang
sa ipis na naiwang bangkay.Tulad ng mga manggagawa ng gusali, sila ay mabilis;

2
ilang kurap lamang ay wala nang naiwang bakas ng ipis, butiki, o langgam sa

6
tabi ng aking paa. Malinis.
Kutsilyo sa kanang kamay, dinampot ko ang basahan at unti-unting
nilampaso ang parte ng sahig na napatakan ng katas. Kung hindi aamuyin ang
basahan, aakalaing pinamunas ito ng natubigang dugo sa halip na katas ng
pakwan. May lumalakas na namang mga sigaw sa kalapit-bahay; nilulunod ng
mga nagtatalasang boses nina Nena at Dumondon at ng batang ngumangawa
ang mga dumadada sa aking telebisyon. Sa paglapag ng basahan sa mesa, naisip
kong sumandali sa kanilang kinalalagyan. Napansin kong malagkit ang aking
gagap sa tangkay ng kutsilyo.
Maaari ko siguro silang alukin ng pakwan.

1 7
Pasada / Pasado
joseph argel g. galang

P auwi na. Inihanda ko na ang sarili; nasipat ko na kasi na bakante ang harapang
passenger seat ng paparating na jeepney. Pasensyahan na, makikipag-unahan,
isa lang ang pwedeng umupo sa pinakakumportableng pwesto.
Pagkasakay, namukhaan ko ang tsuper. “Boss… ay, ser, face shield,” aniya,
sabay turo sa noo ko, “dami po nilang istrikto ngayon.” Lumingon din siya sa
mga nasa likuran, at mahinahong pinaalala,“Mga madam, face mask, face shield.”
“Pasensya na, Tang, kapali!1” bungad ko naman.
“Wapin, ser.2 Air-continuous pa naman tayo rito,” biro niya.
“Tagal ko na pong di sumakay rito. Kumusta po si Reina?”
Mabilis na nawala ang tawa niya, bumuntong-hininga at patuloy na lang
na nagmaneho. Sumaglit ang jeep sa gasolinahan. Saka ko pa lang siya narinig
muling magsalita. “Kasakit ngeni3” at isa na namang buntong-hininga, para sa
isang mahaba-habang pagkainis.“Pamahal na naman ang diesel! Halos sampung
piso kumpara nang nakaraang mga buwan. Kalaki, may discount na ‘yan, ah.”
Hihirit sana ng: Lahat na lang nagmamahal. Ako na lang hindi.
Kaso, walang joke na tatapat sa bad trip niya. “Halos sa mga hintayan
na lang ako may pasahero, ser. Dati lahat ng barangay na madaanan pa-Tarlac,
punuan ang jeep. Kalahati na lang nga ngayon ang pwede kong isakay, minsan
di pa napupuno. Wala, eh. Pandemic.”
Tumango ako nang saglit siyang humarap. Naalala ko lahat ng mga balita
sa TV, mga napanood online. Nahihirapan si Tatang sa “new normal.” Lahat
naman tayo. Ata.
Ngumuso siya sa isang bagong-bagong mini-bus na nag-overtake sa kanya.

2
“Isa pa ‘yang modernization na iyan. Patok pa naman. Mas gusto talaga ng mga
pasahero sa mga de-aircon, ane?” sunod ang nakaismid niyang pag-iling. “Pero,
kung uutang lang din naman ako para sa bagong jeep, huwag na. Sasakay na
lang ako ng eroplano,” biro pa niya.
“Wala po ba kayong natanggap na ayuda para sa mga drayber?”
“Minsan. Ang sumunod, ser, wala na. Wala raw ‘yung pangalan ko sa
listahan.” Tumahimik sandali, saka pangiting,“Di bale. Nalista naman ako sa iba.”
Naglakas loob na akong kumambyo pabalik. “Si Reina po? Bakit po di
na siya ang kumukuha ng modyul ng ading4 niya sa Gerona?”
Saglit siyang tumingin uli sa akin; mas matagal nga lang siyang tumingin
sa daan bago makapagsalita. “Matatapos na siya niyan ng hayskul. College na
ang susunod. Pina-transfer ko na siya, ser. Tumutulong na sa tita niya sa Tarlac,”
sinundan muli ng malalim at malungkot na kunot-noo. “Wala akong pambili
ng laptop niya, ser.”
Hindi na ako nagsalita pa. Bago pa ako mapalapit sa babaan, bumunot na
ako ng pera. Sinenyasan nga lang ako ni Tatang na huwag magbayad. “Bigay po
sana akong dagdag, Tang.”
Kita sa mukha ni Tatang na natatawa siya na nakararamdam ako ng awa.
“Ser, libre ko na. May diskarte pa ako, ser. May pinagmanahan kaya sa akin si
Reina. Laging pasado. Nasa listahan na ng magpapabakuna. Nasa listahan na
rin ako ng agency, ng mga lilipad pa-Saudi sa mga susunod na buwan. Sana di
magkaaberya. Pinagbigyan pa naman ako kahit tumatanda na.”
Hindi pala birong iiwanan niya ang jeep para sumakay ng eroplano.
Bago ako bumaba, may pahabol pa ang madaldal na tsuper, “Ingat, ser.
Ang dami laging nagbabago, pero, ano… milabas murin.5”
Tumalilis ang jeepney nang di man lang ako nakapagpasalamat. Tumabi
muna ako. Inilabas ko ang smart phone ko. Sa kanya na ako magpapasalamat.
Facebook. Open. Pangit ng bumungad sa news feed. Bagsak na naman
ang Pilipinas sa survey ng ASEAN sa pagtugon sa pandemya. Ano ba ‘yan,
nakasasama ng loob. Kaya hindi masisi kung bakit ngayon, mas kailangan natin
ng kausap. O makipag-usap.
Search. Reina Rasalan. Message. Active. Baka makapagbayad din ako kay
Tatang, balang araw. “Kumusta, nak? May utang ako kay tatay mo. Ano, tuloy
ka pa ba niyan mag-educ sa college? Kung mamroblema ka, message mo lang

1
kaming mga teacher mo!”

9
“HI SIR! Yes, sir, lapit na graduation. Tuloy pa rin. Sana bumalik na ang
lahat sa dati. Iba pa rin dati. Alam mo, sir, na-miss ko na ang natuturuan nang
face-to-face.”
“Ako rin, nak.” Napangiti ako. Oo, na-miss ko nga ring maturuan.

1. “kainit” sa Kapampangan.
2. “Oo nga, ser” sa Kapampangan.
3. “Kahirap ngayon” sa Kapampangan.
4.“nakababata” (kapatid, pinsan, atbp.) sa Ilocano. Dahil halo-halo ang pangkat-etniko sa Tarlac,
di maiwasang napaghahalo rin ang mga wika.

2
5. “Makararaos din” sa Kapampangan.

10
Madaling Awit
ivan emil a. labayne

N agkanda-leche-leche na yata rito, wika ni Pinpin, nang makita ang walang-


katapusang gamit ng ‘Awit’ sa aparatong ‘di niya pa lubos maunawaan.
Kaylayo na ng naabot ng mga indio mula nang mahawakan nila ang
palimbagan. Ilan na kaya ang nakabasa sa sinulat kong Librong pagaaralan nang
manga Tagalog nang uicang Castila? Akala ko’y nalampasan na namin ang mga
epiko at awit, at panahon na ng mga exempla, sermon, pagsusulatan, mga aklat.
Hapong-hapo na siguro ang panahon sa ginagawa nating pagbabago rito.
Ginagatasan lang ng bawat isang porma ang iba pang porma upang magsilang
ng mga bagong kabatiran, mga bagong kaalaman, mga bagong pamamaraan ng
pag-usal at pag-iral sa mundo. Ngunit itong “awit,” “IKR,” “CTTO,” “sa true
lang,” “amp,`” at iba pa, wala na nga, wala, nagkanda-leche-leche na.
Hindi mapigilan ni Pinpin ang pagsabog ng mga ugat sa kaniyang noo,
panira sa matiwasay dapat niyang postura habang nagmumuni-muni. Nagpatuloy
siya: Wala man lang tumalima sa aking baliwag na panawagang “… at yayamang
naman tayo’y, manga casama na, nang manga Castilang, dating manga Christiano,
at paran yysa na ang loob natin nila, lamang yysa na nga ang poon…1 ay diyata
magpilit tayong magaral, nang canilang manga uica.”2
ARGHH!!! Hindi na napigilan ni Pinpin ang pagsabog ng isang praymal
na parirala upang bigyang-porma ang kaniyang pait na nararamdaman. Nag-
imbento pa siya ng mga bagong salita upang maging panumbas sa praymal niyang
nararamdaman: heto, ARGHHH!!! Hindi nila sinunod ang aking mainam na
payo! AWWWW, ang sakit.
Sa harap ng panlulumo ay sinubukan niyang bumigkas ng isang old skul awit,
mula sa gunita, mula sa yaman ng kaniyang karanasan mula sa isang nakaraang
siglo, ngunit parang nahahaluan din ng mga kontemporanyong karanasan:

1 11
Niyurakan nila ang kanilang wika
Winarak ang salitang Taal, ano raw?
Payo kong estudiar Espanyol, badly hit
E di wow, petmalu, chareng, at iba pa
Pumasok na sa katutubong palahaw
Ano pa bang babanggitin, kundi ‘Awit.’

Pinapayuhan si Pinpin na lasapin, salatin ang mga pagbabagong nakikita. May


mga pinsalang ginawa sa wika at sa pagsasabuhay nito sa araw-araw. Bagkus, hindi
naman ito pinaslang, o mas akma, pumaslang ng ibang katawagan at kahulugan
at kalagayan upang makalikha ng mga bagong buhay. Nais niyang matalos kung
paanong mula mahabang litanya ay naging ‘awww… sakit’ ang ‘awit.’
Nagsimula siya sa isang tinatawag na Google Search ngunit ‘di niya maisip
kung ano ang ise-search.
Nainip siya sa harap ng aparatong ‘di niya pa lubos maunawaan kaya
tumayo at nagsimulang mag-search elsewhere; hindi na sa harap ng aparatong
‘di niya pa lubos maunawaan.

1. “Pono” sa orihinal. Kailangang punahin ang hinihinalang sinadyang maling salin na ito na
maaaring iugnay sa binubuong naratibo ng nag-iisang Poon na kaisa ng kalooban ng kaniyang
mga nasasakupan.

2
2. Mula sa The Origins and Rise of the Filipino Novel ni Resil Mojares (pahina 51).

12
Ngalay at Hayahay
mj rafal

A las-sais trenta ng gabi. Pinara at pinatabi sa daan ni PO1 Acab si Victor.


Hiningi nito ang lisensya ni Victor at ORCR ng motorsiklo. Iniabot
naman ito agad ni Victor kasabay ng pagtatanggal ng helmet. Sandaling lumayo
si PO1 Acab at lumapit sa kasamang pulis. Hindi alam ni Victor kung bakit siya
pinara. Mayroon naman siyang IATF ID, naka-helmet, nakapantalon at sapatos,
at kahit luma na ang motorsiklo, alaga niya ito at maayos ang plaka at tambutso.
Naka-facemask rin siya kahit naka-helmet.
Alas-sais ng gabi. Ngalay na ang kanang pulsuhan ni Victor. Kanina pang
alas-siyete ng umaga—hindi, alas-sais kung isasama ang pag-alis niya sa inuupahang
bahay sa Tundo at pagkuha sa warehouse, na nasa Pasig, ng mga ide-deliver na mga
parcel—nakahimpil sa throttle ang kanyang kanang kamay.Ang kaliwang kamay, bukod
sa pagpreno-preno, at busi-busina, ay padutdot-dutdot din—Waze, chat sa receiver,Waze
uli, chat uli sa receiver—sa cellphone niyang nakalagay sa cellphone holder ng kanyang
motorsiklo. Ngalay na rin ang mga balikat niyang tagapiga ng puwersa sa pagkanan-
kaliwa sa manibela. Ngalay na kahit ang mga tuhod at binti niyang umiipit sa isang
luma-laspag na sako—na nakasuksok sa footboard ng motorsiklo niyang kinulapol ng
alikabok—na naglalaman ng mga parcel na iba-iba ang laki, umbok at laman. Dagdag
pa ang kalahating-kilong bigat ng helmet niyang pingas na ang visor at pitpit na ang
impact-absorbing liner sa kalumaan kaya’t aalog-alog ang ulo niya sa loob nitong amoy-
pawis. Ngalay na rin ang leeg niyang umiinda-indayog sa arangkada-suksok-hinto-singit
sa araw-araw niyang paggalugad-suyod sa lungsod upang ihatid ang online orders ng mga
customer, Lunes hanggang Linggo, umulan o umaraw. Lahat bilang pagtupad sa tungkulin
na maiwasan ang lalong pagkalat ng virus sa pamamagitan ng kanilang sakripisyo sa
paghahatid ng mga pangangailangan ng mga mamimili.
Binalikan siya ni PO1 Acab. “Grab ka ba, Food Panda? Peke ‘tong lisensya

1
mo. Titiketan kita.” Umalma si Victor, maayos niyang ipinila, sa LTO Tayuman,

13
ang pagkuha niya ng lisensya.“Boss, hindi peke ‘yan. Sa Tayuman ko ‘yan kinuha,
bago pa mag-pandemic.” Ayaw siyang tingnan ni PO1 Acab, nagsusulat lang ito
sa papel. “Boss, pauwi na ako, d’yan lang ako nangungupahan sa Coral.” Hindi
pa rin tumitinag si PO1 Acab. Kuha na ni Victor ang gusto ng pulis. Pero hindi
niya ito pagbibigyan. Hindi niya itatapon sa bulsa ng pulis na ito ang kita niya
buong araw. Sa isip-isip niya: sa laki ng mga sahod ng mga ‘to, ang lakas pa ring
mangotong! Isa pa’y iniipon niya ang kaunting ekstra sa araw-araw na biyahe
para sa panggatas ni Rojo, ang 5-month old niyang anak. “Boss, kayo nga, hindi
naka-facemask, kayo ang may violation.” Dito siya binalingan ng tingin ni PO1
Acab. “Putangina mo, a! Ginagago mo ‘ko?” Malakas at mataas na ang boses ng
pulis. Nagtinginan na ang ibang mga rider na pinara at pinahinto, lumapit na
rin ang isang pulis. “Anong meron, Acab?” Kumalma si PO1 Acab. “Wala ‘to,
ser. Makulit lang ‘tong ‘sang ‘to, ayaw magpa-tiket.” “Makulit ba? Dalhin mo na
sa presinto.” Umalis ang kasamang pulis at bumalik sa kinakausap.
Alas-sais ng gabi. Hayahay ang upo ni PO1 Acab sa plastik monobloc. Kanina pang
alas-diyes ng umaga—hindi, alas-onse kung isasama ang almusal niya at kaunting push-
ups at jumping-jacks na uma-umaga niyang ginagawa upang makabawas sa umuumbok
nang tiyan—siya nakahimpil sa command post na nasa kanto ng Moriones St. at Plaza
Morga. Hayahay ang paminsan-minsan niyang pagsipol ng paboritong kanta—“Ikaw
Lamang” ng Silent Sanctuary, o mahinang pagra-rap ng mga kanta ni Smugglaz. Bago
magtanghali ay tinawagan at sandali siyang inutusan ng kanyang senior officer upang
kumuha ng dokumento sa PCP Don Bosco, sa Pacheco St., at bumalik rin sa command
post matapos ang kinse minutos. Hayahay siyang bumalik sa pag-upo sa magaspang na
monobloc, dinutdot ang cellphone, nag-tsek ng Facebook, natuwa-kagatlabi sa post ng
dating kaklaseng babae noong hayskul na malanding sumasayaw sa saliw ng pinakabagong
dance craze sa Tiktok. Maya-maya’y hayahay siyang humikab at sandaling napaidlip
nang nakaupo. Bigla siyang napabalikwas nang maalalang kailangang mag-checkpoint
nang alas-sais ng gabi, maglagay ng karatula sa gitna ng daan at magpahinto ng mga
sasakyan, lalo ng mga motorsiklo. Lahat bilang pagtupad sa tungkulin nilang masugpo
ang kumakalat na virus sa pamamagitan ng checkpoint at curfew.
“Ikaw, tangina mo, ang sarap ng buong araw ko, bubuwisitin mo lang ako?
Matapang ka?” Nakahawak si PO1 Acab sa holster ng kanyang baril. Pagod na
si Victor at gusto nang umuwi at makapahinga, ayaw na niyang makipagtalo kay
PO1 Acab. Wala na siyang amor na tingnan pa ito kahit nagkukumuyos na ang

2
asar sa kanya. Tinalikuran niya ito, kinuha sa bulsa ang cellphone at tinawagan

14
ang asawa: “Be, dito pa ako Moriones, tulog na ba si Rojo? Na-checkpoint ako.
May tangang pulis, sabi e peke raw lisensya ko.” Narinig ni PO1 Acab ang tanga,
nagpanting ang tainga, hinatak sa balikat si Victor paharap sa kanya. “Putang’na
mo, matapang ka talaga?” Nakatutok na ang nguso ng baril nito sa noo ni Victor.
Nakatutok na rin ang mga mata ng lahat sa kanilang dalawa. “Acab, baba mo
‘yan. Dalhin na lang natin ‘yan sa presinto.” Sa galit at inis, wala nang naririnig
si PO1 Acab kundi ang dagundong ng kanta nina Smugglaz sa utak niya: we
don’t die, we multiply. “Sige, putok mo. Ganyan naman kayo.” Pagod na si Victor
para makipagtalo. Basang-basa na rin sa pawis ang malibag niyang face mask.
Alas-siyete ng gabi. Patuloy ang pagkalat ng virus sa buong Pilipinas.

1 15
16

2
Mga Shortlisted na Dagli

1 17
18

2
Tinola
jenalyn j. aman

Inihanda ang mga sahúg:

3-5 kutsaritang mantika, panggisa


1 sibuyas na may katamtamang laki, hiniwa-hiwa
6 na ngipin ng bawang, binalatan at pinitpit
1 luya na may sukat na 2 pulgada, pinitpit at hiniwa nang pahaba
1 kutsaritang paminta
1 buong manok na labuyo (native),kasama ang lamang-loob,hiniwa sa maliliit na piraso
8 tasang tubig
1 may katamtamang laking hilaw na papaya, hiniwa-hiwa
20-25 dahon at talbos ng sili
Patis, ayon sa timpla o panlasa

Sa isang kaserola, sa katamtamang apoy, iginisa ang bawang, sibuyas, paminta


at luya. Nang mabango na ang samyo nito, inihalo ang piraso ng manok, kasama
ang lamang-loob (atay at balunbalunan), at walong tasang tubig. Tinakpan ang
kaserola, nilaksan ang apoy upang mabilis itong kumulo. Nang magsimula na
itong kumulo, hininaan ang apoy, pinakulo ng 15-20 minuto hanggang ang
manok na labuyo ay tuluyang lumambot. Ibinuntog ang hiniwang berdeng
papaya at tinimplahan ng patis ayon sa pamilyar na panlasa. Hinayaang kumulo
pa ito nang ilang minuto. Idinagdag ang dahon ng sili sa mga huling sandali
bago tuluyang patayin ang apoy ng kalan. Tinikman.
Kumuha ng mangkok. Sinandok ang balunbalunan at pecho – ang parte
ng manok na paborito ni Tatang. Dama ang init ng sabaw sa mangkok. Handa
nang ihain ang masarap na tinola.

1 19
Sa pagitan ng paghihip at paghigop sa mainit na sabaw, bakit parang may
kulang na sangkap? Bakit parang hindi malinamnam ang manok? Bakit biglang
naging magayot ang kaninang malutong na papaya? Bakit hindi sapat ang anghang
ng paminta, luya, at talbos ng sili?
“Kung andito lang sana si Tatang para tikman ang niluto kong tinola. Kung
andito lang siya para tuluyang makumpleto ang sangkap”.
 Muli kong hinigop ang sabaw. At hinigop ako ng nakapapasong alaala.

20

2
Kung Paano Maililigtas ang Mundo
christian jeff g. cariaga

H inihingal na nagkukubli si Spiderman sa likod ng maliit na gusali. Nag-


iingat siyang muling madampian ng nagngangalit na apoy na ibinubuga
ni Godzilla. Pilit siyang nag-iisip ng paraan upang iligtas ang mas maraming
mga tao mula sa tiyak na kamatayan, subalit nag-iisa siya. Nauubusan na siya ng
lakas at mukhang hindi na niya kakayanin.
Samantalang si Harry Roque ay hindi magkamayaw sa dami ng paliwanag
kung ano ang ibig sabihin ng presidente sa tinuran nitong hindi maaaring
lumabas ng bahay ang mga hindi bakunado. Dahil kasi dito’y dumagsa ang
mga tao na tila mga langgam na kumpol-kumpol na nag-aabang upang agad
na mabakunahan. Wala daw sinabi ang pangulo at mayroon lamang daw mga
troll na nagpapakalat ng mga fake news.
Tulad ito ng isang batalyon ng mga army na sabay-sabay na naghagis ng
bomba at nagpaputok ng mga kanyon upang matalo ang huklubang si Godzilla,
subalit isang buga lamang nito ng nagniningas na apoy ay natupok agad sila.
Malakas at makapangyarihan pa rin talaga si Godzilla. Kaya niyang talunin lahat.
Tama, lahat na yata ng ahensya ng gobyerno ngayon ay nababalot sa isyu
ng hindi wastong paggamit ng pera mula sa Bayanihan 2 ayon sa Commission
On Audit. Todo-tanggi naman ang bawat pinuno ng mga ito at panay lang ang
paliwanag na ‘walang perang napunta sa korapsyon.’ Subalit hindi rin naman
masagot kung nasaan ang mga badyet na nawawala at bakit hindi ito naibigay
sa mahihirap at nangangailangan ngayong pandemya. Ipinagtatanggol din sila ng
presidente at matigas sa pagsasabing walang korapsyon sa mga ahensya.
Dumating na nga ang mga tagapagtanggol. Nakaluwag nang kaunti sa
paghinga si Spiderman. Kasama na niya sina Thor, Iron Man, Hulk, at iba pa.
Handa na nilang patumbahin ang makapangyarihang si Godzilla. Kung hindi kaya
ng isa, sila’y magsasama-sama para sa kaligtasan ng lahat at para sa kapayapaan

1
ng mundo.

21
Kung magiging katulad lamang muli tayo ng mga tagapagtanggol ng
mundo at kalawakan, matatalino, matatapang at nagkakaisa, disin sana’y wala ng
Godzilla o anumang halimaw mula sa ibang dimensyon ang mauupo sa trono
at maghahasik ng kaguluhan at kasamaan.
“Tama na yan. Magsikilos na kayo’t gabi na. Wala kang mapapala sa mga
taong yan. At yung anak mo, pagligpitin mo na nga ng mga laruan,” pagalit na
biglang sigaw ni misis.
Tapos na.Tapos na ang panonood ko ng telebisyon tungkol sa mabulaklak na
mga pahayag ng mga lider ng gobyerno habang pinapakain ang anak ng hapunan
at bahagyang nakikinig sa kwento nito kung paano maililigtas ang mundo.

22

2
Walang-kamatayang Zoom
patrick ernest celso

1:30 n.h. Zoom. Klase ng SHS UCSP 11.


Panalangin.
Wika ko, “Mahal na Ina ng Candelaria…”
“Ipanalangin mo kami,” tugon ko.
Pagbati.
Bleep. Bleep. Bleep. Sunod-sunod na good pm po sa chat box.
Checking of attendance.
“Unang pangkat?”
“Mam, all present po,” sagot ng attendance checker ng unang pangkat.
“Ikalawang pangkat?”
“Mam, all present po,” sagot ng attendance checker ng ikalawang pangkat.
“Ikatlong pangkat?”
“Mam, all present po,” sagot ng attendance checker ng ikatlong pangkat.
“Ika-apat na pangkat?”
“Mam, all present po,” sagot ng attendance checker ng ika-apat pangkat.
“Ikalimang pangkat?”
“Mam…”
Katahimikan.
Pangalawang tawag: “Ikalimang pangkat?”
“Mam…”
Pangatlong tawag: “Ikalimang pangkat!”
Katahimikan.
*Class Beadle raises a hand*
“Nawalan po ng signal si Reyes. Ako na lang po mag-check ng attendance
po para sa ikalimang pangkat.”

1
Lumipas ang ilang segundo.

23
“Mam, all present po.”
“Paanong all present pero wala si Reyes? Counted as absent siya ngayon!
Class secretary, paki-take note!”
“Pinapaabot po ni Reyes, sori raw po.”
“Sori rin sa kaniya dahil pang-ilang araw na niyang lumiliban sa klase.
Baka FA na nga siya.”
“Mam, pinapasabi po ni Reyes, wala po siya sa bahay nila. Naka-mobile
data lang daw siya at naka-quarantine sa bahay ng tita niya.”
“Lahat tayo, naka-quarantine. Lahat tayo, nahihirapan. Hindi siya excused
dahil lahat tayo kailangang um-attend ng klase.”
“Hindi lang daw po siya nawalan ng signal. Nawalan din daw po siya ng
magulang. Covid daw po.”
Nakatitig lamang ako sa harap ng kompyuter. Nanahimik. Nanalangin.
1:35 n.h. Zoom. Klase ng UCSP 11.
“Mam, nandiyan pa po ba kayo? Mam, nag-freeze po kayo. Nawalan yata
po kayo ng signal?”

24

2
Zoom
junilo s. espiritu

“Cha, dinig mo pa ba ako?


“Sir……………?”
“Hala, tuluyan na siyang nawala.Yna, mabuti pa ikaw, ang lakas ng signal
mo diyan.”
“Yes, Sir. Malakas ang signal namin dito sa veranda.”
“Noel, paki-mute ang mic mo, ang lakas ng tahol ng aso at tilaok ng manok!”
“Ano Sir? Choppy na po kayo.”
“Naku, mag-break muna nga tayo. Paki-off muna ang inyong cam at mic.”

Dali-daling nagtimpla ng gatas para kay baby. Ininit na lamang ang tirang
ulam at ang kaning lamig. Nagmamadaling dinala ito sa kuwarto upang makakain
na ang kanyang pamilya.

“Okay class continue na tayo. Paki-on ang cam.”


“Sorry, Sir, mahina po signal.”
“Sir, naka-data lang po ako.”
“Okay lang.”
“Ate, nagkaklase pa ako. Ikaw na muna ang maghugas ng pinggan!”
“Hala, Elvin, maghugas ka muna daw ng pinggan!”
“Ay! Sorry, Sir, hindi pala naka-mute mic ko! Hahahaha!”
“Anyhow, tuloy na natin ang lesson.”

Biglang sumigaw ang kapitbahay.

1 25
“Class, saglit lang ha!

Mabilis na binuksan ang pintuan bitbit ang nangangamoy na basurang


naipon sa loob ng tahanan.

“Guys, pasensiya na talaga. Muntik na akong hindi umabot sa trak ng basura.”


“Hahahaha, okay lang po, Sir.”
“Okay, Julia, paki-unmute ang mic mo at pakisagot na ‘yong online
assignment mo.”
“Sorry Sir, hindi ko po nagawa kasi lagi pong brownout sa amin.”
“Ganun ba? lkaw na lang, Michael.”
“Sir, naubusan ako ng data kaya hindi ko natapos ang assignment.”
“Hmm, ikaw, Elysha?”
“Sir, nagawa ko naman po.”
“Sige, pakisagot nga.”

“When times get rough, and your dreams just fall apart…”

“Hala, hayan na ang kapitbahay namin. Nagsimula nang mag-karaoke.


Pakisagot na nga, Elysha. Mute ko na muna mic ko.”

26

2
Messenger
john carlo s. gloria

“W alang biro… kay langan ko ng pamasahe totohanan lang… papatayin


nako .. ng mgs pulis.. pinapipili ako kong ako o si Edgar .. kaylangan
ko tulong mo binigyan sko ng palugid hangang bukas” 1
“Hindi ako naniwala kaagad noong binasa ko. Sana nirespondehan ko. ‘Di ko
nireplyan. Naisip ko, baka napapraning lang ‘to. Tsaka pandemya ngayon. Sipa na
naman sa diyes mil mahigit ‘yung mga nagkakasakit. ECQ ulit kaya tigil-sideline
na naman. Kung may extra sana ‘ko, mapapahiram ko sana siya. Pareho kaming
kelangan ng tulong e kaso mas importante pala ‘yung kanya.
Gulity na guilty ako kasi di ko napakinggan. Hindi ko nabigyan ng pasan. Dapat
pala, mas inintindi ko ‘yung message niya. Tinawagan ko sana. Tangna naman
kasing Messenger ‘yan! Malay ko bang taranta talaga ‘tong si Vincent. Matagal na
kaming tropa e. May mga pareho kaming kaibigan dito sa Angono na nagsama-
sama kasi pare-pareho ng trip – bisyo, toma, drugs. Nung madampot ako noon,
dumalaw pa sa ‘kin ‘yan. Me dalang kaha ng yosi. Sabi pa niya, ‘Tatag lang, pre.
Kita ulit tayo sa labas.’ Tapos nagkausap na lang kami ulit paglabas ko.
Halo-halo feelings ko ngayon, Ma’am. Naaawa ako sa nangyari kay Vincent.
Binaril nila nang tatlong beses, kinaratulahan ng ‘Pusher’ tapos iniwan nilang
nakatiwangwang sa bangketa. Me nakakita raw na humihinga pa kaya nadala
sa ospital. Me sa-pusa talaga, ang ‘langhiya! Kaso nabalitaan nila kaya binalikan
sa ospital. Gustong kunin. Kanila raw ang custody kahit walang pinapakitang
warrant. Tapos ‘yun, nakatiyempo sila. Binaril ulit ng dalawang beses sa dibdib
si Vincent. Sinugurado nilang di na makakakanta.
Ganyan sila ngayon, Ma’am. Tatakutin ka sa text pero madalas, tawag.
Sasabihin nilang me taning ka na. Himas-rehas o rekta-bulagta pag di ka nagturo
ng ibang kakilala na gumagamit o nagbebenta. Palit-ulo ang tawag nila. Ang

1
sabi-sabi, paraan daw nila ‘yan para makaabot sa quota. Me pera daw na katapat

27
pag nakakarami kada estasyon e. Gago silang lahat, Ma’am! Para silang kumakatay
lang ng manok. Inuulol lang nila tayo sa mga salita – nanlaban, nasalisihan, vigilante
killing, presumption of regularity, line of duty. Sinisirko-sirko nila ang totoo sa mga
salita. Iniingles-Ingles kaming mga pobre dito tungkol sa batas para di makasagot
tapos iniisa-isa kami. Putang ina talaga!
Tulungan n’yo kami, Ma’am. Tulungan n’yo pamilya ni Vincent. Pare-
pareho kaming walang boses dito.”
Tumayo si Melissa sa pagkakaupo kasabay ng pagpindot sa teleponong
pan-record sa interview. Nagpasalamat siya para sa panahon ni Theo pero wala
siyang mabitiwang pangako. Paglabas sa eskinita ng lugar, iniisip pa rin niya kung
sasapat bang sandata ang salita laban sa naging paboritong papet ng diablo: ang tao.

1
Mula ang siping pahayag at mga nakahilig na pangungusap na simula ng ikalawa at ikatlong
talata sa:Talabong, R. (2020, November 9). [EXCLUSIVE] last words of hospital ‘ejk’ victim:
‘the police are about to kill me’. Rappler. Nasa https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/

2
vincent-adia-angono-rizal-hospital-ejk-victim-last-words

28
Puting Baril
ella jane g. hermonio

S a tsekpoint sa hangganan ng Barangay Nagkaisa patawid ng Barangay


Poblacion, mahaba na ang pila ng mga taong halos pare-pareho ang mga
bitbit na sandata: gas mask, payong, bayong, at quarantine pass na nakasabit sa
kani-kanilang leeg. May tig-isang dipa ang distansya ng bawat nakapila mula sa
isa’t isa. Lahat sila’y pawisan sa dami ng nakabalot sa katawan nila sa ilalim ng
tirik na araw. Ito ang pinaiiral na sistema ng pamahalaan bilang pag-iwas sa isang
misteryosong sakit na mabilis na kumakalat sa buong bansa.
Sa tolda sa hangganan ng dalawang barangay, may nakabantay na sampung
sundalo. Kumpleto ang kanilang uniporme, mula helmet hanggang bota. Ang
ila’y nakatayo habang bitbit ang mahahabang armas, dalawa ang nanghaharang
sa unahan ng pila, at ang iba’y nakamando sa katabing mesa sa silong ng
tolda. Nakalatag doon ang bote-boteng alcohol, ilang papel, isang radyo, mga
baril, at isang kontrol bord na may mga buton na kulay luntian, dilaw, at pula.
Nakaparada rin ilang metro lang mula sa tsekpoint ang malaki nilang trak na
may nagsusumigaw na mga letra ng “LINGKOD BAYAN.”
Sa barikada sa gitna, mababasa ang karatulang nagsasabi na sinumang
magresulta ang temperatura higit sa 37 digri sentigrado ay hindi palalampasin.
May itinututok ang mga sundalo na puting aparato sa noo ng bawat tao. Iyon
ang ginagamit nilang panukat.
Tinanong ng sundalo ang isang matabang babae sa unahan ng pila habang
itinututok ang puting aparato sa noo nito: “Saan ka?” “Palengke,” ang tugon ng
matabang babae. Nagkulay berde ang ilaw sa puting aparato at mababasa ang
salitang TAMA. Mabilis na pinalagpas ng sundalo ang matabang babae.
Tinanong din ng sundalo ang kasunod na matangkad na babae. Itinutok
ang puting aparato sa noo niya nang sumagot ito ng “Palengke.” Lumabas ulit

1
ang TAMA nang nag-ilaw berde ang aparato. Pinalusot din siya ng sundalo,

29
na sinundan pa siya ng malagkit na titig mula ulo, puwet, makinis na binti,
hanggang paa.
Sumunod sa pila ang isang maliit at payat na lalaki. Siya naman ang
tinutukan ng sundalo ng puting aparato sa noo. “Saan ka?” ulit ang tanong.
“Palengke” ulit ang naging sagot. Pero tumunog ang aparato, kulay pula ang
ilaw na lumabas dito, at mababasa ang salitang MALI. Kumunot ang noo ng
sundalo. Sinubukan ulit ng sundalo na itutok ang aparato sa noo ng lalaki, sabay
tanong ulit kung saan siya pupunta. Pareho ang sagot ng lalaki,“palengke” pa rin.
Tumunog ulit ang aparato. Nagkulay pula. MALI ulit ang nakalagay. Nagduda
na ang sundalo. Nagtinginan na rin ang ibang kasamahan nito. Isang beses pa,
pasigaw nang tinanong ng sundalo ang payat na lalaki na mukhang kabado pero
mapilit at palaban pa rin ang sagot: “Palengke nga!” Namumulang MALI pa
rin ang lumabas sa puting aparato. Nagkaintindihan sa titig ang mga sundalo:
nagsisinungaling ang lalaki.
Biglang nagtayuan ang mga sundalo sa may tolda. Pumalibot na rin ang mga
nakatayong sundalo na may dalang armas. Mahigpit silang kumapit sa mahahaba
nilang baril, at diretsong itinutok ang mga ito sa payat na lalaki. Nagsiatrasan at
nagsitakbuhan ang lahat ng nakapila kasunod ng payat na lalaki. Nandilat siya
sa gulat at sa bilis ng mga pangyayari, pero walang bahid ng takot ang mukha
niya. Mas napuno ito ng galit.
May sundalong sumunggab sa payat na lalaki mula sa likod. Napadapa ang
payat na lalaki habang dinadaganan ng sundalong ‘di hamak na mas malaki kaysa
sa kanya. Sumubsob ang mukha niya sa mainit at maruming semento. Nanlaban
at nagpumiglas ang payat na lalaki pero hindi siya makawala sa pagkakapulupot
sa kanya.
Kinaladkad ng mga sundalo ang payat na lalaki papunta sa likod ng malaki
nilang trak habang paulit-ulit siyang sumisigaw ng “Solusyong medikal, hindi
militar!” Pinagsisipa ng mga sundalo ang bibig ng lalaki para mapatahimik ito.
Pero ‘di maawat ang daldal niya. Makailang ulit pang narinig ng lahat ng saksi
sa paligid ang hiyaw niya. Hanggang sa humina. Hanggang sa nawala.
Ang mga nakamaskarang testigo na nagsitakbuhan ay nakatayo lang sa malayo,
nakapako ang kanilang mga paa sa lupa ng takot at kawalang-kapangyarihan.
Nakatanghod lang sila sa pandarahas laban sa kanilang kabarangay, nakaabang
na humupa na ang tensiyon para makapamalengke na sila.

30

2
Bumalik ang siyam na sundalo sa mga puwesto nila kanina. Pinalapit ulit sa
tolda ang mga taong nagsitakbuhan. Masunurin at tahimik naman silang bumalik
sa linya para ipagpatuloy ang tanungan at ang pagtutok ng puting aparato sa
kanilang mga noo. Mas naging maayos ang daloy ng pila. Puro berde na ang
pag-ilaw ng aparato.Wala nang nagkukulay pula, wala nang aberya. Kumakalma
na ang nerbyos ng lahat.
Ang ikasampung sundalo ay bumalik na rin sa tolda, pawis at humihingal.
Pinindot niya ang pulang buton sa kontrol bord sa kanilang mesa.
Mula sa radyo sa tsekpoint sa hangganan ng Barangay Nagkaisa patawid
ng Barangay Poblacion, maririnig ang isang kapapasok lamang na balita. May
nadagdag na naman daw na isang bagong kaso ng namatay dahil sa kumakalat
na misteryosong sakit. Nanggaling daw ang biktima sa Barangay Nagkaisa
ngayong araw lang.

1 31
Face Mask
geraldine gentozala-juachon

I niakyat kong muli ang mask ng aking ama mula sa kaniyang baba tungo sa
ilong. Idiniin ko nang bahagya ang manipis na bakal sa hulma ng mukha.
Nakakunot ang noo niya sa ginawa ko.
“Maluwag ba?” tanong ko. “Higpitan ko na lang.”
“Masakit sa tenga!” iritableng sagot nito. 
“Hindi pwedeng walang mask, Tay,” paliwanag kong muli. Bumalik ako
sa mahabang upuan na siyang kama ko rin mamayang gabi.
“Nahihirapan akong huminga,” naiinis niyang idinagdag. 
“Panlaban natin ito sa virus, ‘di ba?”
Ibinaba niya muli ang mask. “Itong mga ospital na ito, trangkaso lang
ang sakit ng pasyente pero ililista nilang covid na!” Hindi ko na pinansin ang
paulit-ulit niyang komento.
“Di ba kailangan nating masanay sa mask?”
“Ngongo na ako magsalita.”
“E di wag na tayong magsalita,” mabilis kong tugon.
“Pambihirang sagot yan, oo!”
“Tay, may sakit ka sa dugo kaya ka nahilo at pagbagsak mo, nadurog pa
ang buto sa binti. Gusto pa ba nating idagdag ang covid sa lista?” tanong ko.
Hindi umimik ang matandang nakahiga sa kama. Kasabay ng pagdaan ng
taon ang unti-unting pagpayat nito. At gayundin ang pagkakulit, sabi nga ng
nanay ko. 
Mahinang katok ang narinig namin. Marahang binukas ng kumatok ang
pinto at sinabing, “Hapunan po.”
Tumayo ako at inabot ang dalawang karton ng pagkain at dalawang bote
ng tubig. May dalawa ding maliit na plastic cup para sa nakahiwang prutas. 

2
“Bakit ba hindi pwede ang nanay mo dito?” malungkot niyang tanong.

32
“Senior na rin si Nanay. Bawal lumabas ang tulad ninyo dahil maraming
sakit, di ba? Pagtiyagaan mo na ako,” biro ko habang inaayos sa mesang de gulong
ang pagkain. Nakapatong rin dito ang isang basong plastic na may logo ng ospital,
lalagyan ng kutsara’t tinidor.
“Gusto mo na bang kumain?” Iniba ko ang usapan. Hindi tumatanggi sa
pagkain ang aking ama.
“Sige, iupo mo na ako. Sindihan mo rin ang TV. Balita na,” mabilis niyang
sagot sabay baba ng mask sa kaniyang baba.

1 33
Bisita
hannah a. lecena

N agmadaling bumaba si Titser Fema sa sinasakyang habal-habal habang


dala-dala ang modyul ng kanyang estudyanteng nagngangalang Lel na
naninirahan sa Bundok Kansan. Bibisitahin niya ito. Sa lahat ng kanyang mga
mag-aaral, ito na lang ang hindi pa niya nakikita.
“Ayo! Ayo! Naa dinhi si Lel?” sigaw niya mula sa tarangkahan ng isang
bahay-kubo.
Lumabas ang isang matandang lalaki. Agad naman itong nakilala ng guro.
“O, Ma’am, dinhi mi nagpuyo,” pagtitiyak ng lalaki na iyon nga ang bahay
na hinahanap niya.
Pinapasok ng lalaki si Titser Fema.
“Asa si Lel,Tay?” tinatanong ng guro kung nasaan si Lel.Tinawag ng lalaki
ang isang batang babae mula sa kusina. Madungis ang damit nito.
“Lel, ako si Titser Fema,” ngiting sambit ng guro.
“Ang Tatay mo kasi palagi ang kumukuha at nagsasauli ng mga modyul
mo. Kumusta ka na?”
Ngunit hindi nagsalita si Lel. Nakita ng guro ang lumulobo nitong tiyan.
“Nasaan ang Nanay mo?” usisa ulit ng guro.
Agad na kinuha ni Lel ang modyul. Nanginginig ang kamay nito.
“Nasa Maynila,” sagot nito.
Tiningnan ng guro ang estudyante. Nakita ni Titser Fema na humihingi
ng saklolo ang kanyang mga mata.

34

2
Labada
francis christian lubag

I nis na inis ako sa anak ko tuwing makikita kong nakakalat sa kuwarto ang
mga pinaghubaran niya. Parang ahas na kung saan na lang maisipang iwan
ang maduming damit.Tapos makikita ko pa ang higaan niyang hindi nakaligpit.
Kumukulo ang dugo ko. Parang kailangan ko laging sundan nang sundan.
Pero simula nang pumutok ang pandemya, bihira na ang kalat. Hindi
na rin kami masyadong nagkikita. Kapag kukumustahin ay puro trabaho ang
ibinabalita. Sa text ko na nga lang siya nakakausap, ang tagal pa bago makasagot.
“Anak, kumusta ka diyan? Mag-iingat ka at mahirap nang mahawa. Huwag
mo kalimutang kumain.”
“Sorry, Ma, sobrang busy. Kaunti lang kasi kaming nag-aalaga sa mga pasyente.
Nagkasakit na ang mga kasamahan ko.Yung ibang doktor nahawa na rin.”
Kapag umuuwi ay nakakulong lang siya kuwarto. Madalas tulog. Hinahatiran
ko na lang ng pagkain at di ko alam kung kailan ako puwedeng mahawa. At sa
tuwing papasok siya, parang hinahalukay ang dibdib ko sa kaba. Kung anong
tahimik ng bahay ay siyang ingay ng aking pag-aalala.
Pagkaalis niya ay pinupuntahan ko agad ang kuwarto niya. Kailangang
linisin. Pero sinusubukan ko muna siyang damhin sa mga naiwan niya sa makalat
na silid. Dati lagi ko siyang sinisikmatan sa bantot niya. Ngayon sa iniwang amoy
ko na lang nasisiguro na kaya pa niya.
Tapos lilikumin ko ang mga pinaghubarang damit, kobre kama, kumot
at punda ng unan. Dadalhin sa labas para labahan. Minsan parang gusto kong
yakapin pero hindi ko magawa. Ibababad ko na lang agad sa tubig na may sabon
at tititigan. Papanooring malusaw ang bahagi niyang naiwan sa mga tela. Iiwan ko
sandali at mamaya na babalikan. Makalipas ang kalahating oras, haharapin ko na
ang ibinabad. Idadaan sa mga gigil na pagkusot ang pangungulila at pangamba.
Sa ganitong paraan ko na lang siya naaalagaan. Dito ko na lang siya kayang

1
sundan.

35
Kontribusyon
joanah pauline l. macatangay

“M ga kapitbahay, magkakaroon tayo ng ambagan para sa gagawin nating


Community Pantry dito sa tapat ng subdivision. ‘Yung buwanang
kontribusyon, ipang-ayu…”
Hindi pa man tapos ang anunsyo ng Pangulo ng Homeowners Association
(HOA), samu’t saring reaksyon ang nangingibabaw sa mga dumalo sa Zoom
meeting ng magkakapitbahay. Naka-mute ang mga mikropono ngunit kitang-
kita sa maliliit na kahon sa screen ang mga nakataas ang kilay, nagseselpon, may
kausap na hindi nakikita, at iba pa.
“Hindi ba pwedeng relief goods na lang?” sabi ng isa.
“Kasi kung halos isandaan tayo ritong pamilya sa subdibisyon na may
tigsisingkuwentang kontribusyon kada buwan, sapat na ang malilikom nating
pera para rito,” sabi naman ng isa na nagbibilang sa daliri.
Nagtanguan ang mga magkakapitbahay.
“Ganoon din ang naisip ko nung una. Pero kasasabi lang kasi kanina sa
akin ng Kalihim na nagamit na ang kalahati ng limang buwang kontribusyon
para sa pasahod sa guwardiya, kable, at pailaw sa mga kalye natin. Sasapat kung
magdaragdag na lang daw tayo ng kontribusyon. Hindi naman siguro kabigatan
ang bente bawat pamilya? Biglaang anunsyo kumbaga,” paglilinaw ng Pangulo.
Nagpatuloy ang samu’t saring reaksyon ng isa, ng isa pa, at ng iba pa,
mapa-chat man sa Zoom o kaya’y nag-unmute.
“Bakit kasi ipipilit ang monetaryong ambagan?”
“Ang laki naman ng patong!”
“Ay sus! Maaari bang kung ano na lang ang mailalagay sa pantry?”
“Oo nga. Ang dami rin kaya nating gastusin sa kani-kaniyang bahay!”
“Aha! Ganito. Kung magkano na lang ang kaya ninyong ibigay, syempre

2
‘yung bukal sa puso, iyon na lang,” sabi ng Ingat-Yaman.

36
“O sige, mga kapitbahay, ganoon na nga lang. Mahalaga ang bawat baryang
maipantutulong natin sa kanila,” sabi ng Pangulo sa matipid na ngiti.
Kinahapunan, nagsimulang lumibot sa mga kabahayan ang Ingat-Yaman
hawak ang kapirasong papel na listahan ng pangalan ng mga nagbigay at ng
halaga ng ambag saka pinapipirmahan sa sinumang nag-abot.
“Kinakailangan bang bawat bahay talaga kakatukin ninyo para rito? Hindi
ba dapat boluntaryo ito?”
“O, heto,” sabay sara ng pinto.
“Ano ba naman ‘yan? Baka naman padagdagan pa ninyo ang kontribusyon
sa susunod na buwan ha!” sabi ng isa matapos iabot ang isang sobreng maingay
ang laman.
Nagsalubong ng tingin ang Pangulo at Ingat-Yaman.
Dumulas ang barya mula sa palad. Bumagsak sa sahig.
Matining na umikot ang barya. Nagpapalit-palit ang mukha ng ibon at
ng heneral. Harap. Likod. Harap. Likod. Tumigil ang pag-ikot. Humarap ang
mukha ng heneral.
“Nandito lang pala kayo. Tamang-tama dahil naglagay na ako ng mga
nakabalot na bigas at delata sa tapat ng subdibisyon,” nanlalabong face shield at
nakangiting mata mula sa face mask na salubong ng Bise Pangulo ng HOA. “Mga
kapitbahay, kuha lang po kayo sa labas, ah. Libre po ito.” Nawala ang ngitian ng
Pangulo at Ingat-Yaman.

1 37
Manang Mane
rosalina a. mendigo

H umikab ako at tinignan ang maliit kong selpon malapit sa aming higaan.
Lagpas alas 4:00 na ng umaga. Ang inyo pong lingkod, si Lolita, artistahin
ang name, di ba?
Kailangan ko nang bumangon. Maghanda ng pang-almusal naming mag-
asawa, kasama ang pamilya ng aking mga anak. Sama-sama together. At mag-ayos
ng aking sarili para pumunta sa Town. Pagkainom ng mainit na kapeng alamid,
kinuha ang bayong na gawa sa plastic at tumungo na ako sa palengke. Ba’t
ganun? Hinihingal na ako sa pag-akyat sa Kayang. Nag-antay ako sa aking suki
nang may ilang minuto rin. Ayan dumating na sa wakas ang nag-zumba kong
tindera. Hayun, ready naman na pala ang mga nahimay niyang mani, bawang,
siling pula, at nabalot na asin na para sa akin. At dinagdagan ko pa ang mga ito
ng singkamas, mangga (Indian mango, ha), ayan, nakatiyempo pa ako ng kamote.
Tinahak ko na ang bukana ng eskuwelahan. Pinatuloy, nagbigay-pugay pa
ang guwardiya. Umupo na ‘ko sa aking Trono habang inaalis ko ang balot (na
trapal) ng single gas stove. Natatanaw ko na ang aking Lakay, bitbit ang nahugasan
nang kawali, sandok, at llanera. Sinimulan ko nang painitin ang mantika sa kawali.
Nang uminit, ibinuhos ko na ang mga butil ng mani.
Siya namang sunud-sunod nang nagsisidatingan ang mga mga admin staff,
faculty, estudyante. May ilan sa kanila na napapahinto dahil sa halimuyak ng aking
ipinipritong mani. Tigsa-sampu lang ang benta ko sa bawat supot. May ilang
nagpapadagdag, at may ilang kulang ang sukbit na pera pambayad. Binibigyan
ko pa rin para na rin sa kasabihang “buena mano,” kasabay pa rin siyempre ang
aking nag-uumapaw na mga ngiti.
Batid ko sa bawat araw ng kanilang pagpasok, panibagong pagbuno ang
kanilang tinatahak sa pag-aaral. Maglilipana na ang mga paksang applied science,

2
ethnocentric, social discourse, deconstruction, echetera… echetera. Sa mga admin

38
naman, ang kanilang pagtapos ng mga obligasyon sa opisina. Sa faculty, ang
preperasyon sa pagtuturo. May ilan pa sa mga estudyante, ang aking tinda ang
bumubusog na pang-almusal sa kanilang sikmura. Kaya habang nakasalang ang
mani, binabalatan ko na ang kamote para maiprito sa isa pang kawali. Gayundin
ang mangga, singkamas, unti-unti lang muna ang babalatan ko nito, at tapos ay
ididisplay ko na sa eskaparate. Nariyan ang ilang bata na may breaktime na, uupo
na sa tambayang ito, kung saan nasa gilid nito ang aking Trono. Hindi bibili,
magbabasa ng naipa-xerox na readings. Tinitingnan-tingnan ko rin at binabasa
ang hilatsa ng mga bata, na may ilang lulunuk-lunok, dahil siguro sa halimuyak
ng aking piniprito. Susuputan ko ng ilan sa aking paninda at iniaabot. May ilang
tumatanggi, may ilang umaamin na hindi pa dumarating ang kanilang allowance.
At tuluyan nang makikisuyo kung maaari ko ba siyang pahiramin. May ilang
ang dahilan ng pag-utang ay para sa pagkain, upa sa boarding house, pang-xerox
ng readings, pang-load sa sim card ng selpon, o dili kaya pamasahe. Nag-aabot
ako hanggang sa kung ano ang kaya kong maiaabot. Iniisip ko kasi lagi, baka
ganito rin ang sitwasyon ng aking mga nag-aaral na anak. At sa awa ng Diyos,
may dalawa na kaming napatapos sa kolehiyo at tumutulong na rin sa amin,
kaya, napalagyan na namin ng ikalawang palapag ang aming bahay. May mga
kwarto na, na aming napapaupahan. Sa kabila na ang asawa ko ay isang retiradong
Administrative Aid – ang ganda ng name tag, ano? – pero ang ginagawa niya ay
naglilinis ng building, nagtatabas ng mga damo at nagpupunas ng book shelves
—proud pa rin ako nito, dahil permanente at nakuha niya ang 5-year lump sum
ng kaniyang pension. Alam mo, maipagmamalaki ko ang unibersidad na ito, kasi,
tuwing Disyembre, nagdadaos ang eskwelahan ng Community Party. Kasama sa
iniimbitahan sa okasyong ito ang mga nagretiro. Maging sa taun-taong Medical
Consultation, kabilang pa rin sila.
Masasabi ko namang conflict na naranasan namin dito, nang mabigyan si
Lakay o ako ng memo. Iyan ay tungkol sa aking pagtitinda dito sa Tambayan.
Humahalukipkip ang aking balikat.
Pero, nungka, nariyan na ang progresibong boses mula sa konseho ng
estudyante at unyon ng admin at propesor na napangangatwiran ang aking
pagtitinda sa aking Trono, sa Tambayang ito. Kung ilang dekada naglingkod si
Lakay, ang siyang bilang ng taon din ng aking pagtitinda. Ilang beses na rin ako
lumipat ng lugar, tinitingnan ko rin kasi kung ang puwesto ko ba ay magiging

1
sagabal o hindi naman.

39
Katwiran ng mga ugnayang ito, una, ang puwestong kasya lang ang lamesita
ay ang siya kong inookupa. Dugtong pa nila, hindi ako gumagamit ng kuryente,
maging ng tubig. Nakiki-CR lang ako. At kapag umuulan, nakikisilong din sa
tabing Tambayang ito.
Nagiging papel ko rin ang maging recorder: nariyan ang mga hinaing
kaugnay sa pag-ibig, pinansyal, sitwasyon ng kanilang pamilya, harassment, at
pagbu-bully. At lagi pa rin ako nagtatanong sa mga sinasambit ng ilan: “malaya
at masayang umakyat, Manang.”Tugon ko, “Oo, nandito ka kasi sa Baguio.
Dito nga, may binansagan kayong abortion stairs,” o dili kaya, may iba pa
bang kahulugan ito?
Paparating na si Lakay, dala na niya ang malaking bayong para mailagay
na niya dito ang kawali, sandok, kutsilyo, sangkalan, at iba pang gamit sa aking
pagluluto.At bukas, muli akong maghahanda sa muli kong pagpasok sa aking Trono.
Teka, teka. May dalawang taon na pala ang nakalipas nang huli kong gawin
ang paglalakong ito.
Nag-lockdown, ECQ dahil sa pagkalat ng COVID-19 virus, na may iba’t
ibang variant, marami ang nahawaan, ang active case, severe case hanggang sa
kaso ng mga namatay.
Tinamaan at naka-recover ako sa COVID-19, subalit si Lakay na aking
personal assistant, nag-iisang humanga sa aking alindog at nagluklok sa aking
Trono na malapit sa Dap-ay, sa Tambayan, bumigay ang katawan... sumakabilang-
buhay. Diretso, nai-cremate ang kaniyang labi para sa kapakanan ng pamilya,
ng komunidad, ng bayan. Gayong sa aming diwa, buong-puso namin siyang
pagpupugayan.
Kapag natapos na ang pandemyang ito, hanggang maliksi pa ang aking
pangangatawan, itutuloy ko pa rin ang pagtitinda ng mani, na paniniwala ng
marami ay ang tulong-sustansya ng isipan. Dahil nasa aking damdamin pa rin
ang mahalin ang nag-iisang Unibersidad ng bansa at buong-diwang paglingkuran
ang Lupang Hinirang. Sa muli kong paggising sa umaga at pagpuwesto sa aking
Trono, tiyak may mga mag-aaral na hahangos sa Tambayan at magsasambit,“Pabili.
Patambay. Palagak po ng gamit, baka abutan pa kami na pagsarhan ng pinto ng
aming prop, Manang Mane.” Sambit ko, naimbag nga gasat kenka (good luck
ang ibig sabihin nito sa Ilocano).

40

2
Jack Maawatan*
ben mendillo

Maagang nagbukas ng computer si Bobet para sa online class niya sa


Literature. Paboritong klase niya ito kahit noon pang elementarya. Nakita niyang
marami-rami na rin ang nasa platform. Naka-video-off siya habang inaayos ang
kurtina at ring light. Tumingin siya sa salamin at hinawi ang buhok pakanan
habang ipinipinta ang malihim na ngiti. Clinick niya ang “join” at narinig niyang
marami-rami na rin ang nasa platform. Nag-uusap ang mga kaklase niya subalit
bago lang siya sa eskuwela kaya isang background picture lang ang nakikita sa
kaniya habang siya’y nakikinig sa kanilang kani-kaniyang kumustahan.
Nagsimula na ang klase at sabi ni Ms.Wollberg na magpakilala ang bawat
isa. Namutla si Bobet habang ang bawat isa ay nagpapakilala. Sinubukan niyang
mag-ensayo sa sasabihin pero parang ‘di niya alam kung tama ang sambit nito.
Hanggang nang tawagin siya ng titser. Alam niya ang kaniyang sasabihin at kung
paano ang balangkas nito, subalit nang nagsalita siya at wala pang ilang saglit ay
nagwika ang titser, “Please, speak English only.”
Naumid si Bobet. Walang ano-ano’y clinick niya ang video-off sa screen
at nagwika — “I am having a bad connectivity po, Ma’am,” sabay pag-log-out
at pag-shut down sa computer na sinundan nang marahas na paghawi sa kurtina
pabalik sa kama.

*Jack Maawatan – mula sa wikang Ilocano na “diak maawatan” na ang ibig sabihin ay “hindi

1
ko maintindihan.”

41
Salubong
alpine christopher patio moldez

W ala halos umiimik. Ni ang apoy sa mga kandila ay rumahan ang pag-
andap. Matapos maghiwalay sa simbahan, nagtagpo din dito sa plaza
ang pila ng mga lalaki at pila ng mga babae na sumunod sa magkaibang karosa.
Binulungan ako ni Nanay, “Nandito na tayo, Reynalyn.” Ito ang unang taon na
sumama ako sa pila nila. Hawak ang kanang kamay niya, iginala ko ang aking
mga mata at nakita ko siya: si Tatay. Nakatingin sa akin at lumuluha.
Tumugtog ang mosiko at dahan-dahang inawit ng batang nakabihis-anghel
ang “Regina Cæli.” Hinigpitan ko ang hawak ko sa palad ni Nanay habang titig
na titig siya sa pagtatanggal ng belong itim kay Maria at ako nama’y abala sa
pagtitig kay Tatay.
“Wala na po si Rey. Sorry po.” Bumulong ako sa hangin at tingin ko’y
naunawaan niya naman iyon. Halos masinok sa pag-iyak, ikinabig niya ang
kaniyang ulo at umiling-iling. Sumabay siya sa taong bayan at sinagot ako nang
may ngiti, ”Regina cæli, lætare!”

42

2
Ang Drayber, Ang Pasahero,
at Ang Bente Pesos
jademark nadate

M ahigpit ang sakal niya sa hawakan ng minamanehong traysikel. Takip ng


kulay-kaking mahabang manggas ang kaniyang balát mula pulsuhan ng
palad hanggang balikat. Suot niya ay itim na blazer na isang palatandaang kasapi
siya ng samahán ng mga tricycle driver sa kanilang barangay. Ang suot nitong face
mask ay tila humihingang langit sa kaniyang itsura. Bumalong naman ang mga
kristal na pawis sa noo at marahang dumausdos tungong leeg. Humahaplos sa
mukha niya ang sinusuong na hihip ng hangin, yumayapos. Isang pangkaraniwan
nang biyahe sa kahabaan nitong pandemya.
Pansamantala kaming napahinto nang isang pasaherong nakatayo sa gilid
ng kalsada ang naglahad ng kamay.
“Palengke ho,” wika niya nang makalapit.
Tumango ang drayber. Umupo sa harap ang lalaking pasaherong suot ang
itim na facemask at face shield.
Tuloy-tuloy lang ang biyahe magmula sa lugar na pinagsakayan ng bagong
pasahero kanina. Hindi na ito muli pang nagpasakay ng iba pang pasahero.
Iyon din naman ang utos ng Local Government Unit sa kanilang bayan—tanging
dalawang pasahero lámang ang maaaring ilulan kada traysikel.
Huminto kami bigla sa mismong babâan ng palengke. Isang nakangiting
Quezon na papel ang kinuha ng pasahero sa kaniyang itim na pitaka at iniabót
sa drayber.
“Salamat po, sir!” wika niya nang matanggap ang bayad at makababâ na
ang pasahero.
Saglit na sumilay ang ngiti sa kaniyang mga mata. Pagkatapos ng ilang

1
sandali ay napalitan ito ng pag-aalala. Inihulog niya ang natanggap ring palad sa

43
bag na suot na yumayakap sa kaniyang bewang. Nang maisara iyon ay iyon din
ang pagkalansing ng barya na nasa loob. Mahina. Malamya. Tila hindi ganoon
karami ang nasa sikmura ng bag. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Muli niyang
ipinagpatuloy ang biyahe.
Parang mga multo naman ang mga tao sa kahabaan ng daan. Susulpot at
mawawala. Nang makalapit na kami sa kung saan niya ako ibababâ ay napatingin
ako sa relong yapos ang aking braso.Ang oras, 5:36pm. Nasilip ko rin ang paglubog
ng araw nang mapagawi kami sa isang malawak na daan, at ikinukubli na rin ng
mga ulap ang langit sa kanilang mga likod. Doon ay hindi ko namalayang nasa
harap na palá akó ng aking babâan.
“Dito na po tayo, sir,” tawag niya sa akin. Parang pinitik ako ng kaniyang
boses at saglit na napagitla. Para din akong isang bagahe na inalis sa loob ng
sasakyan nang makababa.
Lumapit ako sa kaniya at iniabot ang dalawang papel na nakangiting Quezon.
“Salamat sa biyahe,” wika ko, at ngumiti.
Bago ko bawiin ang aking kamay ay hinablot niya ito at inilapat ang likod
ng palad sa kaniyang noo.
“Salamat po, ‘Tay. Pakikumusta na lang po ako kay Nanay. Ikukumusta ko
rin po kayo kay Jennie at sa mga apo ninyo.”
Matapos iyon ay siya namang pagsundo sa kaniya ng kalsada pauwi sa
sariling tahanan.

44

2
Hapunan
mark ortil pornasdoro

M atapos ibunton sa ilalim ng kalang de-uling ang pira-pirasong lawanit, papel,


at hininga, niningasan ni Tumba ang goma ng sirang tsinelas – pandiklab.
Ilang araw na rin niyang ginugutay-gutay ang sapin sa paa; at inuutay-utay ang
pansapin sa tiyan – mga inimbak na lata ng ayuda, at ng pag-aalala. Paypay, paypay.
Mangiyak-ngiyak sa usok, tinitigan niya ang nagliparang mga alipato. Kumapit
ang abo sa sanay-na-sa-pawis-n’yang-mga-kamay. Paypay, paypay.
Ilang sandal pa, nakaupo sa harap ng bilog na mesang yari sa tabla sa loob
ng maliit na inuupahang bahay. Nakapaghugas na ng kamay para lantakan ang
ilang pitak ng laman mula sa ulo ng lechong kaiinit pa lamang; nakahanda na rin
ang sawsawan mula sa pinaghalo-halong kamatis, gata, atay ng baboy, at sibuyas
—mga tira mula sa salo-salo sa estasyon kasama ang hepe kaninang tanghali.
Bumuntong-hininga siya at sinimulang paglamyerdahin ang kamay sa
nakahaing grasya. Dukhaw sa bahaw, pingas sa karne, dawdaw sa sarsang sinlapot
ng panis na dugo ng tao. Nang matapos, itiniwangwang niya sa lababo ang mga
pinggan, plato, at dighal. Nagbanlaw ng kamay na sanay na sa paghuhugas.
Makailang ulit pang nagsabon para mawala sa singhot ang kumapit sa palad at
daliri na amoy ng goma’t lechon. Pero mahirap pa ring matanggal – hindi ang
amoy ng kinain. Kundi ang sangsang ng dugo ng dalawang aktibistang ipinaligpit
sa kanya kanina.
Ayaw niya ng ganitong klaseng hapunan, ngunit ito ang kadluan niya ng
ayuda.

1 45
Usa, Lugar, Eskina
gerald tabinas

“T acloban Kassel,Tacloban Diit,Tacloban New Bus Terminal.” Ito ang mga


salitang namutawi sa bibig ni Julius habang sakay sa isang van na derecho
na ng Tacloban. Minememorya niya ang mga ruta ng multi-cab ng kabisera.
Kabadong-kabado siya dahil unang beses na luluwas siya na wala ang kaniyang
Mama. Nang nagsimula ang pandemiya ay natutunan na niyang gumawa ng
mga bagay nang mag-isa: ang mamalengke, mamili ng gamot, at mga gawaing
panlabas ng bahay. Naturingan kasi na ang kaniyang ina na isang senior citizen
ay nabibilang sa persons at risk kung mahawaan ng COVID-19. Schedule na
rin niya ngayon sa isang private na ospital sa Tacloban para sa kaniyang seizures.
Wala silang sopistikadong gamutan sa kanilang lalawigan kaya mamabutihin
niyang pumunta roon para sa ikaaayos ng kaniyang kalusugan.
Pinagtitinginan siya ng kaniyang mga katabi na parang ewan. Magpapaliwanag
pa ba siya? Mukhang hindi na. Ganoon minsan ang mga tao sa probinsiya. ‘Pag
may ginagawang kakaiba ay pinagtitinginan agad ng mga tao. Pag-iisipan kung
may mali ba sa kanila.
Siyempre naman nagpabakuna siya. Takot lang niya kung ma-detain siya
sa checkpoint sa hindi niya kilalang lugar doon papuntang Leyte mula Samar.
Mahirap na at baka masita siya dahil naglipana ang chismis na walang puwedeng
gawing transaksiyon sa labas ng tahanan ang mga taong walang vaccination card.
Ni hindi nga siya naniniwala sa bakuna. Kumuha lang siya nito dahil na nga rin
sa pagpapasiguro niyang maayos ang lakad sa mga gawain sa labas. May nabasa
rin kasi siyang artikulo sa Facebook na gawa-gawa talaga ng tao ang virus na
iyon na kumalat na ngayon sa mundo at ang bakuna raw ay daan patungo sa
New World Order. May posibilidad naman doon sa virus na pwedeng maging
man-made, at totoong nakatatakot ang bakuna dahil pinahina itong virus, at

2
ang kaisipang ii-inject iyon sa kanya gamit ang hiringgilya ay isa mismong

46
rason na magkakasakit siya dahil pinapasok na ang naturang virus sa katawan,
ayon sa nabasa. Pero hindi siya naniniwala na ang virus na ito ay gawa-gawa ng
Illuminati. Hindi naman siya ganoon kapayak. Kaya nga nagdududa na rin siya
sa mga video na naglalabasan doon sa social media sites. Tinatangkilik naman
kahit nagdudulot ng takot sa masa. ‘Yung kaibigan nga niyang buntis na single
mother ay mas bubutihin na lang manganak sa loob ng bahay. Lalagyan daw kasi
na COVID kahit hindi COVID ang sakit. Natanong nga niya sa kaibigan kung
paano niya gagawin iyon nang ligtas kasi nga walang mga aparato doon sa kanilang
bahay. “Ulol,” tugon ng kaibigan niyang iyon. “Si Mareng Nelda, magaling ‘yan
magpaanak kahit walang rehistro. Neknek ng ospital na ‘yan. Peperahan lang
ako kagaya ni Kumareng Tesla. Bilin pati baby doon kay waray pambayad? Eh,
kung magka-COVID tuloy ako sa ospital kung tumagal ako roon? ‘Yung chika
nga eh lalagyan ng COVID daw ang sakit, kahit hindi naman, kasi may pera
daw na ayuda doon sa ospital kung marami daw ang COVID dito.” Napailing
na lang si Julius. Nagtaka nga siya kung ginagawa pa talaga ang mga bagay na
iyon. Nagbago naman ngayon dahil may Tulfo na at KMJS. Isang pa-trending
lang, bistado na lahat. Ay, oo nga pala, mabagal mag-upload sa probinsiya, naisip
niya. Hindi rin magkakaroon ng clout dahil hindi kaawa-awa o kilala. Iba-bash
lang si Tesla dahil chismosa raw siya.
One time, nagpunta rin siya ng ospital para magpareseta ng gamot niya.
Mahirap din makadelihensiya sa panahong ito at malayo ang Tacloban kaya
nirapat niyang magpakonsulta sa kanilang lugar muna para makakuha na rin
ng gamot. Nagtaka siya kasi siya lang ang nakapila maliban sa mga nanghihingi
ng medical clearance ng mga taong magta-travel palabas ng kanilang lugar.
Kapansin-pansin na madalang ang mga tao na nagpapa-check up doon. Sinabi
nung bantay roon ay eh takot daw sa COVID ang mga tao. ‘Di niya nga lang
maintindihan, eh panay pa nga post nang post ang mga kabaryo niya sa Instagram
kung may mga handaan at pista. Eh ‘di ba may social distancing dapat? Hindi
na lang nakatugon si Julius sa sinabi ng bantay doon.
Dumaan ang ilang minuto at nakatulog nga siya habang nakabiyahe.Walong
oras ang lumipas at narating na nga niya ang San Juanico. Mga madaling araw
siya umalis sa kanila, bandang alas kwatro, at nakarating siya bandang tanghalian
doon na sa may terminal. Pinaalalahanan siya ng Mama niya na sa terminal
talaga siya ng van bababa. ‘Yung last stop. Ilang lakad lang naman mula doon ay

1
makikita niya ang McDo na malapit sa marina. Gamitin nalang daw ang GPS

47
sa phone kung maligaw, ani ng kaniyang ina. Mananghalian muna roon, tapos
sasakay ng multi-cab na may nakalagay na Tacloban Marasbaras dahil nasa ruta
nito ang ospital na pupuntahan niya.
Pagkatapos mananghalian ay sumakay na siya ng multi-cab. Lumingi-lingi
siya. Marami rin namang táong lumalabas kahit pandemya. Pulos naka-face
mask, pero nakalabas ang ilong ng iba. Mahirap daw makahinga, sabi nila. Wala
namang nakikipagdayalogo at may sariling mundo ang mga ito o ‘di kaya’y
hawak-hawak ang cellphone. Tumingin na lang si Julius sa durungawan ng
multi-cab. Kailangan niyang makita ang ospital na kanyang pupuntahan. Nakita
niya ito at ang malawak nitong paanan.
Napabulalas siya sa bernakular na salita.
“Kuya, nganhi la! Chadto man!”
Ngunit dere-derecho lang ang sasakyan. Hindi huminto. Iba pala ang Waray
dito sa Leyte. Nataranta siya. Maliligaw ba siya rito sa Tacloban?
“Usa, lugar, eskina.”
Buti naman at naanghelan ang kaniyang tadhana. May nagbitiw ng mga
turan na nakapagpigil sa makina. Binigyan ng ale ng bente ang drayber at sumama
siyang bumaba ng multi-cab.
Kumapa siya sa kaniyang bulsa. Napagtanto niyang hindi pa pala siya
nakapagbayad.

48

2
Pagpag
von mark d. viñas

M atapos ang isang linggong walang-tigil na pag-ulan, maaani na rin ang


paghuhunusang anihin ni Kakang Mercy na bago pa umulan naitalapok.
Pinangangamba niyang may tubo na ang mga palay at lubog na ito sa putik.
Siguradong barya na naman ang kikitain sa mga gintong butil na kanilang
maaani. Pangungutang na lamang ang bumubuhay sa kanila dahil isa sa nawalan
ng trabaho sa koprahan ang kaniyang anak ngayong may pandemya. Tulad ng
pagkalubog sa putik ng mga palay, ganoon din sila sa kanilang mga utang ngayong
kinakamkam pa ang ipinaglalaban nilang lupang sakahan.
Bago magising ang araw sa Silangan, nailatag na niya ang saykit sa tabi ng
talapok. May dala rin siyang panahod upang mamagpag at manaymot. Hindi iniinda
ang puwing na mga palay at gabok na tumatalsik sa kaniyang mata. Initataas sa
hangin ang mga ipa upang mahiwalay ito sa mga palay na napupunta sa kaniyang
panahod. Inaalis ang mga uar at ginigiik ang pinanaymutan. Panay ang taas-baba
ng bilao upang maihiwalay ang palay kahit na namamanhid na ang balikat.
Dumating ang ilang mga lalaki sa anihan na animo’y maghahakot ng mga
palay. Kasabay ng malakas na tunog ng makina ng treser, sunod-sunod na putok
ng baril ang umalingawngaw. Natumbang duguan ang isa sa mga magtetreser sa
kaniyang tabi. Hindi siya nakatakbo at ipinikit na lamang ang mga mata dahil
sa pangangatal sa takot. Wala na siyang marinig na kahit ano.
Kinaumagahan, pauwi na sina Kakang Danilo galing kina Kakang
Mercy. Nagpagpag muna sila bago pumasok ng kanilang bahay.

1 49
Gabok – alikabok
Giik (ginigiik) – mano-manong pag-aalis ng mga palay mula sa tangkay nito na ginagamitan ng
puwersa tulad ng pagkikiskis nito gamit ang palad o paa.
Hunos (paghuhunusang) – 1/5 ng kabuoang ani kada mag-aani
Ipa – palay na walang lamang butil ng bigas
Magtetreser – operator ng makina ng treser
Pagpag (mamagpag) – isang agrikultural na termino sa pagsalo sa mga palay na tumatalsik
kasama ng mga ipa
Saykit – isang malaking kulambong panlatag o pansalo sa mga palay na inaani
Talapok (naitalapok) – isang bunton ng mga palay kada mag-aani

2
Uar – putol-putol na tangkay ng palay na nasasama sa mga palay

50
Mga Nagwaging Tula

1 51
52

2
Sabay Nating Awitin ang Amen
jeff william acosta

I.

Hindi ko alam ang susunod sa susunod.


Gustong sabihin ng dila
pero para ano pa? Para lumuhod? Lumunok
ng tubig mula sa mga sementong santo?
Sa krus? Para sambahin ang mga kalansay
ng mga nauna?

II.

Hindi dahil may oras, ay oras na rin


para magmahal, para ipakitang mahal pa rin
ang iyong mga daliri na bumaybay

sa aking balagat. Kailanman hindi ko hiniling

1
sa mundo na pansinin mo ang aking mga mata:

53
bulag hindi dahil sa pagmamahal
54
ng iyong relihiyon, sa aking pagnanasa
sa hubog ng iyong katawan, o sa mga bungong
wala nang leeg, walang lumalabas na wika.

Bagkus, pilit ipinipikit ang talukap

2
ng mata, na parang katedral
—ipinapanalangin na walang nakikita.

III.

Hindi mo ba alam? Sa ilalim ng ulan,


ang aking pawis ay nakikipagtalik
sa mga ipinanganak-panandalian
upang maglaho. Kinuskos at kinuskos ko
ang putik sa bawat sulok ng aking balat.

IV.

Ikaw, na nalulunod sa gitna


ng ating mga matang nagkasalubong—pakiusap, manatili.

Ikaw, na pilit na umiiwas


sa bahaging pampang, sa mga alon na tila lalamunin ka—pakiusap, manatili.
V.

Bawat paghalik ay nangangahulugan ng paglunok.


Bawat paglunok ay takot
ang nangingibabaw sa ibabaw ng dila.

Marahil mas matimbang ito sa balat. Marahil ang mga hibla


ng buhok ay hindi na kayang saluhin
ng anit—ang bigat ng pagluluksa ng mga nabaril.

VI.

Purihin ang mga alipin! Purihin ang mga pangalan


ng iyong mga diyos-diyosan! Purihin ang tagsibol!

Purihin ang bukal,


ang batis,
ang kuwerdas ng lalamunan.

Sabay nating sabihing kahit na
may mapatay ka pa. Sabay nating ipagdiwang
ang halang sa bituka—ang mga salitang naiwan sa kailaliman

1
ng puson—nagpupumiglas, lumalaban, umaahon

55
sa pagkalunod.
56
VII.

Minsan napapaisip ako kung ang iyong katahimikan ay nangangahulugan ng paglayo.


Minsan naiisip ko na kamatayan lamang ang sagot sa hinagpis. Ngunit bakit? Inuulit ko,
para kanino? Para sayo? Para sa bayan? Para sa mga taong hindi ako mahal?

2
VIII.

Sabihin nating Diyos. Sabihin nating Diyos


ang maysala. Sabay nating awitin ang Amen
sa kalangitan. Tatlong Amen para sa araw,
sa bitwin at sa mga naiwan. Sabay nating harapin
ang buwan at kanyang kaluluwa. Ihain
ang kanyang mga naiwang buto
dahil sa pagmamahal, dahil hindi sapat
ang pagmamahal lamang sa mundo
ng pulbura, nang pag-alila sa dila,
at sa mga naagnas?
IX.

Hindi ko tuloy maiwasang tanungin sa sarili (kung may sarili pa sa mga dasal bago
bumangon) kung ipinanganak lamang upang kalabitin ang gatilyo.

X.

Inaamin ko,
hindi ko na namamalayan ang pagtakbo
ng orasan, ng mga sasakyang pampasahero, ang dahan-dahang
paghubog ng panahon sa aking katawan,
ng pag-iisa at ng pagnanasa
sa walang sawang buhos-ulan. Tatanungin ulit
sa bungad, sa mga bulaklak ng lila, sa gitna ng hiwa
ng iyong mga labi
kung ang dugo sa kailaliman ng kuko
sa kamay ay galing din sa sarili? Tatanungin ulit
sa sarili, magdarasal,
magdadasal hindi para tingnan ang sarili
sa teleskopyo ng baril, ngunit
magdadasal na sa bawat pagkilos ay walang gagalaw.

1
57
Salubong
andre alfonso r. gutierrez

Bulalas ng bagong taon na itaboy


ang mga malas na namahay sa magkabilang
balikat ng amang naremata ang tahanan,
ng inang nawaglitan ng sanggol,
ng anak na sigaw ang tanging umagahan,
at ng tiyuhing lagalag at sugarol.

Mungkahi ng pamahiin na gamitin ang kung


anong bagay na pupuwedeng lumikha ng ingay,
nangangalawang na kaldero’t kumpol ng mga tansan,
nakatodong estereo’t mga plato ng timbangan,
upang makasabay sa kahol ng mga asong ginagambala
ng dagundong ng mamahaling mga paputok.

Pagtahan ng mga usok sa kalangitan,


at pagkatapos ng handaan at tawanan,
paulit-ulit ding ipinapaalalang sa paggising
kinabukasa’y ang mga alingawngaw
ng putukan at pitada’y magpapatuloy
mula sa mga kamalasang pipiliting maitaboy.

58

2
Dalit ng Titik
christine marie l. magpile

Ginipit ang umento.


Welga sa monumento.
Tinta ay instrumento.
Pluma’y nagkukuwento.

Sandata ang panulat.


Ito’y nakasusugat.
Titik ay mapagmulat.

Ang panitika’y mayaman,


Sa sining at karunungan.
Tinig ng katotohanan.
Manunulat, ‘wag pigilan.

Kalayaan ang hiling.


Mata man ay may piring,
Wika ay nagniningning.

Pekeng balita tuwina.


Rizal, del Pilar, at Jaena.
Kung naririto lang sana.
Reporter, patay kanina.

Nagdurugo ang tinta.


Makabayang makata,

1
Bakit hindi makita?

59
Wika ko ay nilagot.
Panitika’y binansot.
Paano na sasagot?
Panulat napopoot.

60

2
February 24, 2021
acel dc. martinez

Hindi nagawang ikubli


ng nag-uunahang hikbi
at ng bawat palahaw
ang katahimikang
handog ng nakabibinging
putok ng baril.

Walang nakapaghanda
sa delubyong dulot
ng walang-humpay na kalabit
ng mga nakauniporme.

Walang nakaaalam
kung sino o ano
ang dahilan.

Bakit may barilan?

1 61
Huling Sakramento
kian sanchez

May dalang panganib ang kura-paroko ng kapilya.


Sakuna ang dulot ng isang kumpol niyang rosaryo’t ostiya.
Babala: Huwag kang palilinlang sa mga huwad na Salita ng Diyos;
Igagapos ka nito sa upós ng nilamukos at naagnas na bayag, saká ka nito
Lulunurin sa kumukulong laway ng mga sariwang nasasalat na pílat.
At sa pagsapit ng gabí, habang sumisikdo ang kampanilya,
Unti-unting hinuhubad ang estolang nakasakbit sa kaniyang leeg.
At isa-isang babakbakin ang naglalangib niyang umaalipatong sugat;
Hanggang sa muling magnaknak at tumagas ang dugô sa tabernakulong
Lupaypay sa mahika ng salteryo. Tahimik na ang lahat, at doon na
Magsisimulang mangagat ang labìng salat sa katas ng kalis ng Kaniyang Dugo.
Muling haharap ang Pari sa ostensoryo. Mananalangin nang taimtim sa
Nagbabanal-banalang santo habang sumisingaw sa alimuom ng usok mula sa
Insensaryo. Sa pagtatapos ng nobena’y aalingawngaw ang palahaw na sigaw
Ng kaluluwang ligaw; ng mga pinatay na walang kalaban-laban; ng mga
Pinagsamantalahan; ng mga gutom; ng mga Lumad; ng mga Aba; ng mga Api;
Ng mga nasa laylayang walang ibang nagawa kundi tanggapin ang kamatayan.
Kikilalanin nito ang mga bagong salta sa kaharian ng lumang simbahan,
Ang mga nangamatay na bangkay at kalansay; mga nangamatay
At nabuhay na namang muli sa paglipas ng ikatlong araw.
Tulad ng isang mangangayaw, kinikilala nito ang rabaw ng kilapsaw
Ng alon. Sinasaulo ang bawat detalye ng teritoryong nais sakupin
Bago awitin ang homiliyang magpapadaloy ng takot sa biktima.
Kasama ng mga Sakristang Mayor na gatilyo ang tangan-tangan,
Walang bisa ang pilak na seryales sa kamatayan ng aandap-

2
Andap na kandila. Musika sa kanila ang hagulgol,

62
Ang ungol, ang alulong, ang bulong ng mga buwayang gutóm.
“Punô na naman ang ating binahera,” sabi ng madreng
May suot na itim na belo. Bakas sa hayok nitong mata
Ang pagkasabik sa inuuod na laman ng mga sawi sa gintong patena.
Waring walang alam na wikâ, dinirimdim pa ang nakabaóng lihim,
Nagkukumahog ang suwail na madre at bulaang pari na ikubli
Ang tumitilamsik na titik, kinikitil ang hamba ng pahina ng bibliya,
Ginugupo ang walang sulat na leksyonaryo,
Sabay ibabaón sa limot ang lansag-lansag na kuwaderno.
Habang magkasama sa iisang silid ang dalawang banal
At ang Sakristan Mayor ay sa pinto nakabantay,
Pare-parehong sinasalsal ang asal ng mapurol na sundang,
Hanggang sa maarok ang ‘sansinukob at ‘sanlakasang pampang,
Mabilis na labas-masok sa tinutumbok na tumpok ng kaók,
Pabilis nang pabilis, humihilis ang mga kamay nilang bulok
Na nagdagta ng sapa ng mga patay.
Ng mga hindi nakikilalang bangkay.
Ng mga naagnas na kalansay.
Ng mga namumutlang kamay.
At doon isinilang ang tagabinyag na walang kasuotan.
At maghahasik ng lagim sa malamig na gabi sa biktimang nanlaban.
Silang nabinyagang walang relihiyon ay patuloy sa pag-apuhap ng alon,
At ng kalunos-lunos na lunas sa natitigang nilang kaluluwa.
Wala pang hatol ang sintensyador, ngunit agad nang naitalâ
Ang husga sa hugás na Ordo at koleksiyong rituum.
Matapos ang hulíng sakramento, ipamamana na ang pulang biretta
Sa huling hininga ng malamig na biktima sa bako-bakong kalsada,
Mananahan ang titulong nanlaban at adik maging sa huling hantungan.
Gaya rin sila ng mga dakilang kuwentista
Na dapat parangalan at alayan ng kumpol ng sampaga.
Sa mga nanlilimahid na kasinungalingan at haka-haka,
Sa mga katotohanang binaluktot ng kapangyarihan at dilà,
Sa isang iglap, malinis na ang kanilang kamay sa

1
Basbas ng Langis ng Krisma at Agua-Bendita.

63
Wala silang itinitirang humihinga, mula sa lalamunang tigang
Hanggang sa lunggating gumagapang sa hilakbot ng kaluluwa.
Hindi nila hahayaang huminga ka pa,
Kikitilin sa pinakahindi mo inaasahang kaparaanan.
Susunggaban ka ng pangil at matutulis nilang kuko,
Wawakwakin ang dibdib at lalamunin ang iyong puso
At kapag wala na silang narinig na tibok ng pulso—
Magdiriwang ang mga Banal sa kanilang tagong palasyo.
Habang abala ang lahat sa pag-atungal at mga matang nangangatal,
Patago nilang ipagkakanulo ang kulay-dugong karagatan sa dayuhan.
Patuloy nitong isinasanla ang kumbento kapalit ng Vulcan de la Agua,
Panggamot daw sa ubóng bigla na lang umusbong sa Hilaga,
Kakat’wang nagmistulang karnabal ang banal nilang tahanan.
Bagong sibol na hasmin ang nangangamoy sa tarangkahan
Nitong simbahan, ngunit amoy nakasusulasok na nabubulok
Na halaman sa pagsabog ng dilim na nakikipaglampungan
Sa pupungas-pungas na bituwin at lukot-lukot na buwan.
Nagbabagong-anyo ang mga bagong kawal
Ng Suwail na Madre at Bulaang Pari; raratsada sa kapabayaan
Kasabay ng huni ng mga kuliglig ang awit ng Papuri
Sa Misa ng Huling Hapunan hanggang sa manganak
Sa kalembang ng matraka sa Misa ng Pasko ng Pagkabuhay.
Sa huling bahagi ng gunamgunam, sa mga sinulsing balintataw,
Mababanaag ang durungawan niyang yelado’t maalinawnaw,
Waring kasulyang albang pumipigil sa maayos nilang paghinga
Naglipat-lipat na ang taon, upos na ang karidad ng madla,
Nakatakip ang ilong, gayundin ang bibig. Walang may karapatang magsalita
Laban sa pasismong nagsusuot ng masalimuot na kapa.
Ang Pari ang Hari, ang nagmamay-ari sa masangsang na nahihirati,
At sa pagsapit ng umaga, suot-suot niyang muli ang sotana,
Kakalembang ang kampanilya at magtatawag ng mananamba,
Magpapakalat muli ng Salita ng Diyos at kimpal ng luha.
Bulaan siyang propeta; isang huwad, taksil, sinungaling at baliw na orden,

2
Mangangalingasaw ang pinabrikang aroma at haginit na balita,

64
Mag-uumpisa na ang misa, habang sakbit-sakbit ang itim na estola,
Dadasalan ang sinasasalsal na bangkay hanggang sa muling humimlay.
Pinalakas pa yaring mga dasal ng Laong Birhen ng mga patay,
Babagtasin ang agaw-buhay ng kaluluwang sa hustisya’y uhaw,
Mananahan sa purgatoryo ang espirito-santo ng mga nagpagbintangan
At maiiwan ang bakas ng mga Pari at Madre sa rabaw ng tubig na banal.

1 65
66

2
Mga Shortlisted na Tula

1 67
68

2
Ang Paraluman ng Liwanag
louise vincent b. amante

I. May bagyo ma’t may rilim…

Mula sa paraluman nating gabay


Ngiting marikit ang ating nasisilay
Na hitik sa birtud, bisa’t bighani ng bukang-liwayway.

At wala noon sa ating hinagap


Ang pakikipagsapalaran ukol sa liwanag
‘Pagkat lagi’t laging umaaraw sa ating natatanaw.
Kaya araw-araw tayo kung magpasalamat
Sa mga diwata’t bathalang kasabay
sa nilalakarang landas.

Subalit dumating ang isang sigwa!


Nilukuban ang buong lupain!
Bugso nito’y hindi natin natakasan,
Hagupit nito’y nag-iwan ng mga latay sa ating balat.
Halos napalubog ng baha
Ang buong kapuluan!

Kaya ang ating paraluman


Ay natangay, napalayas.
Naglaho tuloy
Pati kanyang halimuyak.

1
Ating hanapin ang paralumang nabihag.

69
II. Salamat nang walang hangga…
Ang landas patungo sa liwanag
Ay naging liko-liko at madawag.

Kahit pilay at pilantod,


Nakahahakbang tayo
Nang paunti-unti.
Kahit mga galos
ang mamamalas
sa mga paa hanggang tuhod,
nagpapatuloy tayo sa paghahanap.
Mabuti na lamang nagsilbing tungkod
Mga baganing sina Lapulapu, Lakandula, at Soliman,
Magat Salamat, Panday Pira,
at mga babaylang hindi napangalanan.
Nanguna rin sa atin ang mag-asawang Silang at si Palaris,
si Hermano Pule, at si Dagohoy.

Ang landas patungo sa liwanag


Ay naging liko-liko at madawag.
Ating hanapin ang paralumang nabihag.

Mga dahon ng laurel ang namamalas


Sa nilalakaran nating landas.
Umalingawngaw ang kalilikhang awit ni Balagtas
Nang siya’y ating makatagpo.
Nasa hangin ang mga salitang
La Solidaridad nina Lopez Jaena at Plaridel,
At Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal.
Sa magkabilang mga pader, nag-aagaw

ang dilim at liwanag

2
Sa mga hulagway ng Spoliarium ni Luna,

70
Ng Las Virgenes Cristianas Expuestas al Populacho ni Hidalgo,
Ng El Fuego ni Guerrero.

Pinakamatingkad sa dulo ang mga sinag


Mula sa Kalayaan ng Katipunan.
Kaytamis usalin ang mga taludtod mula kay Bonifacio:
“Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.”
Maliwanag ang paliwanag ni Pingkian
Ukol sa Ningning at sa Liwanag:
“Nakabibighani ang ningning
Ngunit nakasusugat sa paningin.
Ating hanapin ay liwanag…”

At sa abot-tanaw ng ating tinatahak,


Nababanaag ang paralumang ating hinahanap.

III.Take up the White Man’s burden—

Naiwagayway natin ang ating watawat.


Ngunit ang nababanaag nating malaon
nang hinahanap
na paraluman
Biglang nadagit ng isang dambuhalang agila.
Sinibat ang higanteng ibon ng mga Malvar, Sakay, at Ricarte;
Umasinta din ang mga Tolentino, Abad, at Matapang Cruz.
Dumadagundong ang batingaw ng mga kampana sa Balangiga.
Subalit hindi natin
nagapi ang ibong mandaragit.

At ang ating ibang mga kapatid,

1
Sa isang iglap,

71
Mga dila’y biglang naging pihikan.
Kaya sa pagkain, hanap ay apple at grapes.
Sa sariling pangalan ay dagling naging ulyanin.
Ang dating Jorge ay dapat nang bigkasing George.
Ang noo’y kinawiwilihan, agad itinakwil ng diwa.
Panulat sa sariling wika ay basura,
World-class kapag nasa Ingles ang binabasa.

Ang landas patungo sa liwanag


Ay liko-liko pa rin at madawag.
Mailap tuloy ang paghahanap
Sa paraluman nating nabihag
muli ng dilim.

Subalit nang ititik


Nina Huseng Batute at mga kasama
Dito sa dakong silangan
Ang pag-alpas ng ibon sa hawlang ginto,
Nababanaag natin
Ang muling pagsikat ng landas
Patungo sa paralumang malaon nang hinahangad.

IV. Before the bombs fall, let me take your hand and kiss your gentle cheeks …

Ngunit naglipana ang mga ahas sa daanang ito.


Ang ating natutuhan: kailangang magbangon
Ang mga anak at mga kapatid sa pakikitalad.

Tora! Tora! Tora!


Sagot natin: Sugod! Sugod! Sugod!

Tatlong taon iyon, mga kapatid.


Tatlong taong walang pag-asang dumating.

2
Nangakong magbabalik

72
Ngunit libo-libong mga kapatid natin
Ang naibuwis ang kanilang mga buhay
Mahanap lamang ang paraluman natin.

Tora! Tora! Tora!


Sagot natin: Sugod! Sugod! Sugod!

Tatlong taon iyon, mga kapatid.


Tatlong taong walang pag-asang dumating.
Ngunit hindi natin ninais
Na ang mapamuksang ningning
Ng pagmasaker sa mga walang malay
Sa Hiroshima at Nagasaki.
Hindi ang kanilang pagkasawi
Ang tutulot sa atin
Na muling makita
Ang paralumang hangad.

Tora! Tora! Tora!


Sagot natin: Sugod! Sugod! Sugod!

V. Maraming anino ang pira-pirasong doon nagbubuhat…

Karima-rimarim na panaginip
Ang nasa loob ng ating mahabang pagkakaidlip.
Ngunit sa ating paggising,
Katubusan ay ating nasamyo.

Nasa harap natin ang ating paraluman!

Nakangiti! Kayrikit ng kanyang bihis!


Nang ating abutin ang kanyang kamay,
Nadama natin ay ang hangin.

1 73
A, ilusyon!
Guniguni!
Ilang beses nang nabiyak ang mga landas.
Ilang beses na ring nakipaghiwalay sa atin ang ibang kapatid
At tinahak ang maningning na landas ng mga hunyango.
Ilang beses na tayong nagpasya
Na sundin lamang ang matuwid,
Ang daanang itong nagtuturo
Sa kinaroroonan ng paraluman.

A, ilusyon!
Guniguni!
Ilang kapatid natin
Ang nanguna sa ngalan ng magandang buhay,
Tila mga sikat na santo.
Ngunit nag-iba ang kanilang mga anyo!
Inuna nila ang mga sarili
at kanilang mga kampong limatik
sa pagkamit ng kaginhawaan.

A, ilusyon!
Guniguni!
Ngunit may mga nagising sa kabulaanan.

“Dapat nang magwakas ang kanilang mga gawa-gawang mito.”


Ang paraluman!
Nagwika ang paraluman sa atin!

Maraming nakarinig at dagsa-dagsang sumugod


Sa trono ng hambog ngunit duwag na pinuno.

Naganap ang lahat ng ito.


Sapagkat hindi ito ilusyon.

2
Hindi ito guniguni.

74
VI. Hanggang sa makamtan ng bayan ang taal
na lupang pangako …

Mga kapatid:
Kaylayo na ng ating nalakbay.
Magkabilaan ang mga himlayan
Ng mga kapatid nating natimbuwang sa dilim.
“Magpatuloy! Padayon!” bilin nila sa atin.
Kaya tayo nagpapatuloy sa paghagilap
Sa mutyang paraluman.

May mga piniling maiwan,


May mga piniling umiba ng landas.
May mga natuksong tayo’y ipagkanulo
Sa kalansing ng ginto’t pilak.
“Magpatuloy! Padayon!”
Ito ang ating nasasaisip.

Nalagasan man tayo ng ilang ulit,


Lagi’t laging may kapalit.
Dumarami tayong magkakapatid –
(“Magpatuloy! Padayon!”)
Mga naliwanagan
Mula sa kamangmangan,
(“Magpatuloy! Padayon!”)
Mga naliwanagan
Mula sa kabulaanan,
(“Magpatuloy! Padayon!”)
Mga naliwanagan
Mula sa kasakiman,
(“Magpatuloy! Padayon!”)
Mga naliwanagan
Mula sa kahambugan –

1
(“Magpatuloy! Padayon!”)

75
Na ang tanging lunggati
Ay ang makapiling muli
Ang paraluman ng liwanag.
Ang paraluman ng bukang-liwayway.

76

2
Himala
paterno b. baloloy, jr.

magkaiba ang mukha


ng takot at pangamba

sa dulo ng gatilyo. Iba


ang sinasabi ng konsensya, nakamulaga

ang kamatayan sa gabuhok na takot


at walang maaninag na langit

sa sandaling pinupunit ang pangamba,


tumatabon ang kaba sa nagdidiliryong pag-asa. Bumubuhos

ang pagsusumamo,
wala ang sinasabing santo. Sa dulo

ay daliri ng nakaumang na demonyo,


nagbabakasakali kung may milagro.

paano hahanapin ang himala


sa anghel na nasa lupa?

may saysay ba ang panata


sa minimithing birhen? Bingi

ang paglalagakan ng katawan

1
sa kamatayang nakaumang sa huli ng dasal. Siya nawa.

77
maaaring di pa masambit
kung nilikom na ang huling dasal. Doon

hagilapin mo kung tunay na nakakawing


ang mukha sa takot at pangamba.

78

2
Úhay ng Dilàng Sinalabíd
ernna r. garcia

Dungô man ang dunggót, namilipit ang dilà,


‘pagdaka’y titiklop kung magkakailâ;
hindi ito takót sa laksâng salitâ—
bagkus sa palasák na pasál pang diwà.

Wikang Filipino o ang katutubò —


ang yamang minana sa nunò ng nunò,
taál na sumibol, nag-ugat sa pusò;
tuluyang nagsanga mabilis tumubò.

Miski anong langkag kung s’yang sisipíin,


ano pa ngang bunga yaong huhutukin?
Kung panakáw din lang namang aanihin;
Ay baka magtampo! Hirap pagbungahin.

Wikang inuusal kawangis di’y ngipin,


kung bawat pagsu-ál, s’ya ring uugain;
minsan mang mabú-ay kung ‘di bubunutin,
úbod ay matibay, impit mang pagtíim.

At gaya ng ngiping ‘di magkakaagwát —


ang ating mithiing magbuklod ang lahat,
hindi nanaising sa síwang masípat,
dulo n’yaring dilà sa panlasa’y salát.

1 79
Kung malalangô man sa dumáyong dilà,
lingaping mag-uli abâng inang wika;
namnaming mainam sa diwang malayà,
bakit nakagapos pa ri’t lumuluha?

Ngunit kung limiin ang siklo sa saloy,


maliban sa dáyong masamyong sumuloy,
ang sa mga ugat na s’yang dumadaloy,
minsa’y naiiga bunga’y pagkaluoy.

Ang wika kong saplot mula pagkasilang,


Iyo ring panapín nang mahinulugan;
iba man ang bihis niring salitaan,
kap’wa bumabalot sa ‘ting katauhan.

Kayâ kung laliman yaong paghuhukay,


magbuklod ang yaman— magkaintindihan,
matatás na dilà, mataas na úhay;
matalas ang diwa sa pagbabanyuhay.

80

2
Panluwas
john mark jacalne

Tungód kay di na kitá nakakaghulat


Han sentenyal nga kahuwasan,
Lugod nagkakalalastruhan kitá dara
Hinin tuminungnong nga pag-ilub,
Ngarani na dinhi an inihap nga mga minatay,
Subhi hin pulong an mga pulong nga nápasô
Kundi diri nálaga. Himulsi yana an primordiyal
Nga aningal nga pinanday han mga metaliko nga tingug,
An nakakapiksi bisan hadton
Pinakadanggabanon nga but-ol.
Bilnga niyan an lugaringon nga orasyon
Ha laberinto han imo dila.
Dida ta ikukuligi an pagtipa ha mga balá ngan buwa,
Dida angay ta iasoy an emerhensiya han pagsarig.

1 81
Bigkasan
Bersiyon sa Filipino
john mark jacalne

Sapagkat hindi na táyo nakapaghihintay


Ng sansiglong rekuperasyon,
Bagkos ay nagkakandasugat táyo sanhi
Nitóng katutubong pagtitiis,
Pangalanan na dito ang mga bangkay na biláng,
Subhan ng salitâ ang mga salitâng nag-iinit
Ngunit di nagliliwanag. Pakinabangan na ngayon ang primordiyal
Na alingawngaw na pinanday ng mga metalikong tinig,
Ang nakawawarat kahit niyaong
Pinakahalimaw na lalamunan.
Ngayon din ay hanapin ang sariling orasyon
Sa laberinto ng iyong dila.
Diyan natin ihihiyaw ang pagtutol sa bála at bulà,
Diyan natin nararapat na iulat ang emerhensiya ng pananalig.

82

2
Kurtinang Birtwal
miguel carlos c. lazarte

Masikip na silid, mamuta-mutang tingin


Salitan ang salita, kubli ang pang-ilalim
Bago ang hudyat ng araw, may tahimik na sandali
Sa munti naming opisinang sabay-sabay ang miting

Sa townhall ni mama, kilala ko na rin si Matet


Sa klase ni bunso, laging wala si Ms. Bridget
Sa mga GC ko nama’y sunod-sunod ang pangungulit
Pero biglang napatigil kami. Nawala ang net!

Nawala o naputulan, agad na tanong


Data na muna kung kaya, ang tugon
Balandra ng mukha sa screen, nagbalik ang sabong:
Boses ni boss, recite ni klasmeyt, sabay na mga pulong!

Sa hapon, laging malalayo ang aming tingin


Kulong sa kung anong pauso na namang akronim
Sa hapag, umuuwi ang isip, bumabalik ang wika
Sa pagkikita-kita ng mga mukhang tinago sa madla

Kain na, malumanay ang mga salita


Palubog na ang araw, tanda ng aming pahinga

1 83
Huling Kwaderno
joshua mari b. lumbera

Naubos na ang lahat ng natitirang pahina

sa huling kwaderno ng bata,

sa dami ng bangkang papel

na kaniyang ginawa.

Sinulatan niya ang bawat isa ng liham

para sa mga doktor, nars at lahat ng may COVID.

“Sa tuwing babasahin nila ito,

maglalayag sila sa karagatan para makauwi

sa naghihintay nilang tahanan,” wika niya.

Ipinaanod ang mga liham, iniabot

sa nanay niyang lady guard.

Naging pantalan ang ospital sa pagdaong

ng napakaraming liham,

84

2
taimtim kung dumamay ang mga salita,

nangungusap ng dalangin ng paggaling

ang puso ng isang bata.

1 85
Panaginip sa Tag-araw
paul joshua d. morante

(alay sa mga batang bakla ngayong pandemya)

Nakasilip siya sa bintana


Habang hinahawakan ng kanyang mga mata
ang inabandonang kalsada,
mula sa yabag at tawanan
ng mga pawisang bata
habang naglalaro ng:

Habulan
Piko
Chinese garter
Tumbang-preso
Langit-Lupa

Tinatanaw niya
ang sumasabog na liwanag,
wari hinog na ponkan.
Humahalik sa kaniyang balat
ang kaibigan at kalaro na diwatang araw.

Ramdam ng bata ang bigat na bitbit


ng mga punong aratiles sa bakuran.
Wala na ang maliliit na kamay na umaabot at pumipitas
Sa mga hinog na bunga

86

2
Nangungulila ang bughaw na langit
sa makukulay na saranggola.
Matatayog ang lipad
Humahaplos sa malalambot na ulap.

Nasasabik ang bata


na tumakbo nang malaya.
Makipaghabulan at maglaro
sa malawak na paràng, sa pamilyar na damuhan.

Nangangarap ang bata habang nasa bintana


Humihiling at nananalangin
na sa panaginip ay may
hahagkang tag-araw.

1 87
88
Enabler
mark ortil pornasdoro

Tulad ng karsonsilyo’t labakara sa umaga,

2
binabanlawan natin ang mga bagahe’t pag-aalala
na pilit kinasalo ng loob sa mga nagdaang araw at gabi ng kuwarantina.
Umaasa na kasabay ng panunuyo nito, hihigupin ng langit ang lahat ng bigat.

Pagkarakay paliliguan ang katawan ng pagtitiis, ng pagtitiyaga, o ng pagdarasal


bilang biyayang panlanggas sa sariling magbibigla --
dahil bukas-makalawa’y muli namang bibisita ang alikage’t dumi, ang libag ng panibagong araw.
Mga pambansang tanawi’t balitang magpapalala sa pag-aalala:

mag-inang Gregoriong itinumba ni Nuezca; bilyon-bilyong nawawala sa mga nasyunal na ahensya;


Pilipinong mangingisdang itinataboy sa Bajo de Masinloc; mga minasaker na katutubong Tumandok;
mga tinaniman ng droga’t itinumba; mga smuggled na bakuna’t heringgilya.
Bagsak presyo ng palay. At buhay.
Mga gawaing hindi na pinatawad sa gitna ng pandemya:
kontra-mahirap na likaw ng pamamahala,
impunidad at inhustisya,
pananakot at paglimot.
At ang lahat ng ito’y hindi mo papansinin; ang lahat ay aariin mong pagsisinungaling
Hanggang sa magising ka sa katotohanang hindi agad makapagpapalaya.
Mangmumulto muna ito; mambabangungot.
Pilit kang pamumulatin sa gitna ng dilim.
Lalapirutin nito ang mga sugat mong malayo pa sa pagkabahaw.
Pahihinugin ang mga agam-agam hanggang sa maglamyerda ang bunto sa bawat mong hinga
at magnana ang nabubulok na alaala—
yaong mga nabiktima ng buktot mong pagtatanggol
yaong mga ginahasa ng iyong salita at pamamanginoon.

May hatol ang katotohanan, may sentensya. —‘Yun ang kailangan mong pagsilbihan bago ang paglaya.

1
89
Talasalitaan ng Kabuktutan
at ang Pandemya sa Panahon ng Distopya
gil florentino a. garcia

“P*tang ina! Patayin ko kayong lahat!”

Pabrika
ng panitikan
ng kapalaluhan at kalaswaan
ang bibig
ng naghaharing walang puri
na palagiang tinitisod ng kaniyang
makating dilang ‘di mapigilan
ang pagsasatsat-satsat
at pagdadada-dada
(nang walang kapararakan)
na repleksiyon (diumano)
ng kaniyang kaisipang nababalot ng
miyasma ng pagpatay
sa mga kalaban niyang
katha ng isip o tunay man ay
‘di na mahalaga (para sa kanya)
basta’t may ipinapataw
na batas militar at walang
dudang may pumapanaw
sa ngalan (diumano)
ng mga digmaan laban
sa droga, komunismo,

2
at kahirapan.

90
Wala
naman tayong
magagawa kung
nais niyang pasiritin
ang kaniyang utak palabas
sa mga butas
ng kaniyang ilong,
subali’t,
marapat lamang
na bawat isa sa atin
ay matuto na ngang mag-isip
(at lalong marapat ginagamit
ang sariling dunong)
upang magtanong
kung nararapat pa ba
ang kaniyang ginagawa
dahil ‘di lamang naman
buntot niya
ang kaniyang hila-hila
kung ‘di sariling bait din
ng Republikang
kinabibilangan ng
‘sangdaa’t sampung milyong kaluluwa
ng mga Pilipinong patuloy na sinasalanta
ng Pandemya ng Pesteng Korona.

Mas malala pa sa epekto


ng Koronang delubyo
ang karamdaman sa ulo
ng (nag-uumastang) naghaharing palalo,
sapagkat,
mortal na katawan lamang ang
sinisira ng salot na Korona,

1
samantalang, kaluluwa

91
ng mahal nating Inang Bayang
lumuluha ang niyuyurakan
ng kaniyang
pagkapurol-purol na utak,
pagkarumi-ruming isip, at
pagkatalas-talas na dila
sa tuwinang magbubuka
itong kaniyang bungangang
balon ng binubulate’t
naaagnas at ubod ng bahong
talasalitaan ng kabuktutan.

Tigilan
na ang pag-inom
mula sa balong
sa kaluluwa,
puso’t isipa’y
nakalalason.

18 Agosto 2020

92

2
Ang Hindi Nila Sinasabi
john carlo s. gloria

Marami silang hindi sinasabi sa ‘min, mga tungkol sa ‘min


Na nauunawa na lang din sa dulo. Itinuturo

Nitong buhay-na-wala ang kayraming pagkakaroon


Ng tapang, lakas ng loob at sikmura para balikatin

Itong pahirap ng pandemya. Ikinukumpas nila


Ang mga salat na araw sa kung ilang akronim na di mawawaan

Ang kaibahan. Na magkakatulad lang din naman


Ang tunog at dulot: Kailangang banatin ang hungkag nang buto

Para may mailagay sa plato. Parating pansamantala ang ayudang


Suwertihan kung lumapat sa palad. Kaya’t hindi puwedeng pumirmi

Sa bahay. Laging sugal at sapalaran ang paglabas. Tinatayâ


Sa hapag ng kamatayan itong buhay para sa kabuhayang may naghihintay

Na tiyang lalamanan, gatas at diaper na bibilhin, rentang babayaran.


Hindi nila sinasabi na kami ang isasakripisyong tupa, ang eksperimental

Na katawan na pantubos sa kabaogan ng punong walang ugat,


Walang bayag na umako ng responsibilidad kaya’t kami ang ituturo

Bilang mga pasaway, mga tagapagpakalat sapagkat lagalag

1
Dito sa lungsod. Habang silang hindi nagpapawis

93
Ang singit, nakaprenteng namamahinga. Kunwaring nagkukulambo
Kahit di naman nilalamok ang bundat na bulsa. Itim ang kaluluwa

Nilang hindi sinasabi ang lansing nauunawa na lang namin sa dulo:


Talinghaga ang tayog ng retorika nilang pangunahing layon ang panlilito.

Ayaw man nilang sabihin, nalalaman naming hindi tanawing nakalulugod


Ang pag-asa. Matititigan lang namin ito nang mata-sa-mata sa mga sandali ng pakikibaka.

94

2
Kaluluwa
marlon i. santiago

Isang daang siglo nang patuloy na paglalakbay


Umiinog sa mundong puno ng ligaya’t lumbay
Matimyas na pag-ibig ang dugong nananalaytay
Tumatalima sa mga patnubay at takdang gabay
Kahit pa kapalit nito’y katawang lupaypay

Namamayani sa puso ang pinipintig na pangarap


Bayan niya’y maiahon lamang sa dusa’t paghihirap
Umaalagwa mula sa impiyerno ng pagdurusa
Mula sa mga ganid at hangal na mapang-alipusta
Sumanib sa pag-aalsa makamit lamang ang adhika

Mabilis na tumakbo ang oras at di namalayan,


Pagpikit ng mga mata, hudyat ng katapusan
Naaaninag nang bahagya, lahat ay nagtatangisan
Mugtong mga mata, mga kamay na ayaw bitawan
Isang tagpong pampelikula; di nais ika’y pasakitan

Sa sandaling iyon walang anumang maulinigan,


Gaano man kalakas ang mga daing at hiyawan
Tila bingi’t tulala sa mundo ng kadiliman
Naghihintay ng sintensya mula kay Kamatayan
Nilalang na di nakahanda sa kanyang paglisan

1 95
Bawat luha niya’y tigatik ng malakas na ulan
Hudyat ng pagtangis nais na kayo’y balikan
Mayakap man lamang at kayo’y mahagkan
Bago lumayo’t maglaho mula sa kawalan
Pilit inaabot ang mga tangang di mahawakan

Bagama’t espiritu’y lilisan sa mundong ibabaw


Siya’y magmamasid at alaala’y di papanaw
Mananatiling inspirasyon sa inyong pananaw
Magsisilbing liwanag gaya ng isang bulalakaw
Sa damdamin ng marami ay siyang pupukaw

Siya ang kaluluwang sa ati’y magbubuklod


Liwanag na tatanglaw sakop buong sansinukob
Pag-asa’t kapayapaan kanyang ipagkakaloob
Sa bansang may pagtatangi’t mabubuting loob
Adhikaing isinusulong, sa Diyos naninikluhod

Madamdaming tinig mula sa ilalim ng daigdig


Pilit nanggigising at boses niya’y walang kaligkig
Isang matapang na kaluluwa’t siya’y tumitindig
Repleksyon ng katotohanan kaniyang iniibig
Musika ng pag-asa mula sa harapa’y ipinaririnig

Magkaiba-iba man lugar na ating pinanggalingan


Isipin man ng marami ito’y isang kababalaghan
Di maitatanggi, siya’y ating naging kanlungan
Pagtahak sa mundo ng mga bagong kaalaman
Hindi kailanman bumitiw bagkus mas pinagbutihan

96

2
Ikaw ang lumi’t luwalhati mula kaibuturan
Lunduyan ng lahat ng natatanging kasaysayan
Nakakintal sa isipan, itinatampok ng sandaigdigan
Perlas na hiyas ng mga nagugulumihanan
Kaluluwang nagsusumamo, sa ‘yo’y nananangan

Siya’y muling titindig mula sa pagkakahimbing


Magbabagong-anyo’t di kailaman maihahambing
Malamyos niyang mga tinig na may paglalambing
Pupukaw sa damdamin, maalab na manggigising
Wikang itatampok, sinoma’y wala nang mahihiling

1 97
Pandemya
jean mikhail h. santos

Noong bata pa ako’y di batid ng paniniwala ang maligno,


mga espiritu, at lamang-lupa na pinaglalaruan ang mga tao;
hanggang sa masilayan ng pawang mata ko,
ang mga inosenteng sinasaniban nito.

Unti-unting kinukonsumo ang lakas at pag-asa,


pinipigilan nila ang paghinga ng kalul’wa;
hanggang sa sumuko ang biktima
at tanging abo na lamang ang matira.

Sinubukang makipagbakbakan, nanatili sa loob nitong tahanan;


isinuot ang baluting maskara at gasgasing kalasag,
habang ang iba’y mano-manong nakikipagpatayan;
muling binubuo ang pag-asang binasag-basag.

Nagsilabasan muli ang mga bayani,


hinayaang pag-ibig sa bayan at kapwa’y mamayani.
Binawasan nila ang umiigting na pagngalit at panganib,
sa lupaing mga pinaslang at inabuso’y tigib.

Ngunit nasilayan ko rin ang pagbukas ng impyerno,


kung saan lumabas ang nagbabalatkayong demonyo;
wari’y payak at matulunging tao,
ngunit mas pinalalala pa ang pwersa ng maligno.

98

2
Di nila alintana ang mga humihingi ng saklolo,
masyado silang abala sa kung paanong muli maluluklok sa trono.
Naglaho ang pag-asa nating lumaya mula sa mga maligno,
na tila mga bayaning nagmistulang abo.

Walang-habag nilang pinaslang ang mga musmos maging hikahos;


Binabalewala ang halaga ng dugo’t luhang umaagos.
Sila namang magsusulit sa kahangalang kanilang ginawa;
lahat tayo’y mamamatay at haharap kay Bathala.

1 99
Pag-uusig
abel dionisio soto

(para sa mga pamilya ng mga biktima ng “Tokhang”/EJK)

Paano nga ba naisasaling-wika


Ang panaghoy ng puso na dulot ng pait
Ng kabiguang hindi marinig, na pilit
Na binibigkas ng mga siniil na luha?

May sasapat kayang angkop na salita


Upang maikubli ang sakit na umiigpaw
Sa hindi magpatahimik na mga alingawngaw
Ng mga ngumunguyngoy at nagluluksang diwa?

Saan makahahanap ng kanlungan ang hinagpis


Kung pati ang hangin ay nabingi na rin
Sa mga alulong ng mga nabaliw na hangarin,
At mga ibinaong tagumpay na nabalot na ng hapis?

Saan nga ba uuwi ang naulilang kamalayan


Kung ang bawat espasyo at hungkag na puwang
Ay tahanan na rin ng mga pinunong mangmang
Kasama ng mga gunitang bumabalabal sa isipan?

Masusumpong ba sa katotohanan ang puso


Kung pilit itong nililinlang ng isipan
Sa tuwing ito’y humahalihaw ng katuwiran

2
Kung bakit mailap ang karapatang pantao?

100
Hanggang kailan papalahaw ang mga tanong?
Ilang panahon ang kailangang kalimutan?
Ilang karanasan ang kailangang damitan,
Upang maitago lamang ang tunay na tanong:

Makalalaya pa nga ba ang tunay na inuusig


Sa nanunudlang paniniil ng dalumat at unawa,
Kapag nagsa-isang-tinig ang wika at dalita,
Na sa iyo’y uusig sa ipinagkait mong pagdinig?

1 101
Ang mga May-akda

Si raffy salazar alabado ay mula sa Lungsod ng Calbayog, Samar. Nakapagtapos


siya ng kursong Bachelor of Secondary Education, Major in Mathematics.
Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang guro sa Oquendo National High
School.
 
Si maria rilke c. arguelles (ril arguelles) ay isang incoming Grade 10
student sa Philippine High School for the Arts. Nailathala ang kaniyang mga
akda sa labas ng paaralan, gaya ng Variations, Dagta, at The Basement. Liban sa
pagsusulat, mahilig siyang maggantsilyo at matulog.
 
Si joseph argel g. galang ay tubong-Tarlac City at isang guro at manunulat
sa wikang Filipino at Kapampangan. Naitampok at nailathala ang kaniyang mga
akda sa iba’t ibang antolohiya, pahayagan, at radyo. Kasalukuyan siyang bahagi ng
Departamento ng Filipino ng Corazon C. Aquino High School sa Gerona,Tarlac.
 
Si ivan emil a. labayne ay bahagi ng Pedantic Pedestrians. Tinapos niya ang
kaniyang MA Language and Literature sa UP Baguio at kasalukuyang kumukuha
ng PhD Philippine Studies sa UP Diliman. Kasalukuyan din siyang nagtuturo
sa UP Los Baños. 
 
Si mj rafal ay nagtapos ng AB History at MA Filipino sa Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas. Dito rin siya nagtuturo ng mga asignaturang Filipino,
Panitikan, at Malikhaing Pagsulat. Kasalukuyan niyang binubuno ang programang
PhD Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.

1 103
 Nagtapos si jenalyn j. aman ng kursong BSED-Filipino sa Pambayang Kolehiyo
ng Mauban (PKM) at MA Education with Specialization in Filipino sa Sacred
Heart College, Lucena City. Kasalukuyang siyang kumukuha ng PhD Filipino
sa University of Batangas at nagtuturo ng Wika at Panitikan, Kulturang Popular,
at Malikhaing Pagsulat.
 
Tubong-Nueva Ecija si christian jeff g. cariaga at isang guro na nangangarap
na maging isang manunulat. Nagsisilbing inspirasyon niya sa paglikha ang
kaniyang pamilya, pagtuturo, at pangarap na makatulong sa pagbibigay tinig at
laya sa mga patuloy na pinagdaramutan nito.
 
Si patrick ernest c. celso ay kasalukuyang nagtuturo ng Midya at Komunikasyon
sa Pamantasang Ateneo de Manila. Nakapagtapos siya ng kursong BSED-English
sa Unibersidad ng Santo Tomas at kasalukuyang kumukuha ng MA Creative
Writing.
 
Si junilo s. espiritu ay isang gradwadong mag-aaral ng MA Malikhaing Pagsulat
sa Unibersidad ng Pilipinas. Kasalukuyan din siyang nagtuturo ng wikang Hapon
sa mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas at Pamantasang Ateneo de Manila.
 
Kasalukuyang isang guro si john carlo s. gloria ng Wika at Panitikan.
Paminsan-minsan siyang nagsusulat ng mga akdang binabasa niya sa harap ng
kaniyang mga alagang aso at pusa. Siya rin ang laging kahati sa tagay ng tatay
niyang nag-iisa niyang kasama sa bahay at buhay.
 
Si ella hermonio ay isang mananaliksik at manunulat. Nagtapos siya ng Broadcast
Communication sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Walong taon na siyang
nasa midya at kasalukuyan siyang nagtatrabaho para sa isang banyagang pahayagan.
Paminsan-minsan siyang nagsusulat ng mga tula, maikling kuwento, at screenplay.

Si geraldine gentozala-juachon ay nagtapos ng SMPF at BA Araling Pilipino


sa UP Diliman. Nagtrabaho siya bilang isang manunulat sa mga programang
pantelebisyon, pelikula, ahensiya, events, at turismo. Naging fellow siya ng
Palihang Rogelio Sicat 12 at isa rin siya sa mga nagwagi ng AAG-KFLI Essay

2
Writing Prize 2020. Kasalukuyan siyang isang freelance writer.  
104
Si hannah a. lecena ay isang pampublikong guro mula sa Region 12. Nagtapos
siya ng BSED-Filipino sa MSU-GSC. Naging fellow siya ng 20th Iyas National
Writing Workshop, 59th Silliman National Writing Workshop, at 5th Amelia
Lapeña-Bonifacio Writing Workshop. Nagkamit siya ng Jimmy Balacuit Literary
Awards at Satur Apoyon Prize para sa kanyang mga Sugilanon.
 
Kasalukuyang nagtatrabaho sa industriya ng komunikasyon si francis christian
lubag. Dati siyang nagsusulat sa ClickTheCity at ABS-CBN Lifestyle. Bagamat
nagsusulat ng iba’t ibang materyal, kamakailan na lamang niya muling binisita
ang malikhaing pagsulat. Makikita ang kaniyang mga pananaw hinggil sa mga
likhang-pampelikula, telebisyon, at entablado sa frommyseatph.com.
 
Kasalukuyang isang guro sa Pamantasang Ateneo de Manila Junior High School
si joanah pauline macatangay. Sa pamantasan ding ito siya kumukuha ng
kursong Master of Arts in Literature (Filipino). Naging fellow siya ng Ikatlong
Palihang Lazaro Francisco at Palihang Rogelio Sicat 14.
  
Si benjamin m. mendillo ay isang praktisyoner ng pagsasaling wika. Siya ang
dating punong tagapagsalin sa tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas sa ilalim ng
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Naglingkod din siya bilang direktor ng
Graduate Studies ng Far Eastern University. Kasalukuyan siyang fultaym na
komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa wikang Ilokano.
 
Si alpine christopher patio moldez ay nagtapos ng kursong Bachelor of
Arts in Communication Arts sa University of Santo Tomas. Kasalukuyan siyang
bahagi ng isang marketing team ng isang kompanyang pang-imprastraktura sa
Australia at New Zealand. Dati siyang manunulat sa pahayagang The Varsitarian
para sa seksyong Literary at Filipino.
 
Si jademark nadate ay tubong-Kalibo, Aklan at isang iskolar na kasalukuyang
nasa kolehiyo at kumukuha ng kursong Batsilyer ng Agham sa Pagtutuos
(Accountancy). Nagsusulat siya ng mga tula, dagli, at maikling kuwento bilang
libangan at pangarap.
 

1 105
Si mark ortil pornasdoro ay nagtapos ng Batsilyer sa Sekondaryang Edukasyon
(cum laude) sa Southern Luzon State University. Kasalukuyan niyang tinatapos
ang programang MA Philippine Studies sa Pamantasang De La Salle, Maynila.
Kasalukuyan din siyang nagtuturo sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Malusak
at Leon Guinto Memorial College Inc., sa lalawigan ng Quezon.
 
Si gerald e. tabinas ay nagtapos ng Batsilyer sa Pang-elementaryang Edukasyon
(cum laude) sa Unibersidad ng Silanganing Pilipinas-Laoang Campus. Kasalukuyan
siyang nag-aaral ng Batsilyer sa Pagtutuos (Accountancy) sa National Bookstore
College.
 
Si von mark viñas ay isang magsasaka na nangangarap na maging isang guro
sa hinaharap. Siya ay tubong-Quezon Province at kasalukuyang kumukuha ng
Batsilyer sa Edukasyong Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, Maynila.
 
Si jeff william acosta ay isang makata na nagmula sa Salcedo, Ilocos Sur.
Nailathala ang kaniyang mga tula sa wikang Ingles sa Voice & Verse Poetry Magazine,
The Dark Horse, Carousel, Matter Press, Prairie Fire, at iba.
 
Kasalukuyan mag-aaral ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa UP Diliman si
andre ramirez gutierrez. Naging fellow siya para sa tula sa 7th Angono
National Writers’Workshop at 2nd Cavite Young Writers’Workshop. Kasalukuyan
siyang ganap na kasapi LIRA, Cavite Young Writers Association, Kalasag, at
Alay Sining KAL.
 
Si christine marie l. magpile ay nagtapos ng Bachelor in Secondary Education,
Major in History (cum laude) sa Unibersidad ng Santo Tomas, Maynila. Kasalukuyan
siyang kumukuha ng MA Araling Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
at nagsisilbing University Research Associate II sa UP Kolehiyo ng Arkitektura.
 
Si acel dc. martinez ay isang estudyanteng kasalukuyang naninirahan sa Santa
Maria, Bulacan. Lumabas ang ilan sa kaniyang mga akda at dibuho sa mga online
page ng Titik Poetry, Likhanayan, Lapis Artcom, Artists in BPO Unite for Social
Change (AUX), at Vox Populi Ph. Kasalukyan siyang fellow ng Palihang LIRA

2
Poetry Clinic 2021 ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA).
106
Si kian sanchez ay kasalukuyang kumukuha ng kursong Batsilyer sa Sekondaryang
Edukasyon (Filipino) sa Bataan Peninsula State University-Balanga Campus.
Kasalukuyan siyang tumatayong Head Lens Artist at nagsisilbi rin siya bilang
isang literary writer ng The Defender, ang opisyal na publikasyon ng BPSU.
 
Nagmula sa bayan ng Binangonan, Rizal si louise vincent b. amante. Nagtapos
siya ng BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino at MA Araling Pilipino sa UP Diliman.
Kasalukuyan siyang instruktor sa University of Asia & the Pacific. Naging fellow
siya para sa tula sa Filipino ng Ikatlong Palihang Rogelio Sicat, 11th Iyas National
Writers’ Workshop, at 20th Iligan National Writers’ Workshop.
 
Si paterno “pat” baloloy, jr. ang awtor ng librong Agam-agam ng Langgam.
Nagtapos siya ng kursong MFA Creative Writing sa De La Salle University, Manila
noong 2020. Naging fellow siya ng 18th Iyas National Writers’ Workshop, 11th
Palihang Rogelio Sicat, at 14th Ateneo National Writers’ Workshop. Nagkamit din
siya ng mga parangal mula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards.
 
Si ernna r. garcia o kilala rin sa sagisag-panulat na “Agassi” ay tubong-Bataan
at kasalukuyang kumukuha ng kursong BS Civil Engineering. Mula pa pagkabata
ay yakap na niya ang sining at literatura na nagsisilbing kanlungan ng malikot
niyang imahinasyon at ekspresyon sa mga bagay sa paligid.
 
Si john mark jacalne ay tubong-Samar at kasalukuyang estudyante ng BA
Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
 
Si miguel carlos lazarte ay nagtapos ng Komunikasyong Pangkaunlaran sa UP
Los Baños at kasalukuyang kumukuha ng MA Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman.
Kasalukuyan din siyang naninirahan at naka-work-from-home sa Parañaque.
 
Si joshua mari b. lumbera ay tubong-Laguna at kasalukuyang nasa huling
taon ng kaniyang kolehiyo sa Pamantasan ng Cabuyao sa kursong BS Psychology.
Ganap siyang kasapi ng Sunday Writing Class at kasalukuyang Filipino Editor
ng Novice Magazine.
 

1 107
Si paul joshua morante ay tubong-Cabuyao, Laguna at kasalukuyang nagtatrabaho
sa isang BPO company sa Makati. Ganap siyang kasapi ng Sunday Writing Class,
isang komunidad ng mga manunulat, at organisasyong The Storytelling Project.
Naging fellow siya ng Palihang Rogelio Sicat at isa rin siyang resident-artist sa
Global Grace Air Philippines. 
 
Si gil florentino a. garcia ay isang manunulat na nagsisikap magsulat ng
mga tula at iba pang akda. Nagtapos siya ng Master of Public Management sa
University of the Philippines, Manila at BS Nursing sa La Consolacion College,
Manila. Kasalukuyan siyang manunulat at mananaliksik sa Komisyon sa Pagbabago
ng Klima ngayong panahon ng pandemya.
 
Si marlon i. santiago ay isang manunulat, mananaliksik, at guro sa isang
pampublikong paaralan sa bayan ng Baliwag sa Bulacan. Kasalukuyan siyang
gradwadong mag-aaral ng MA Filipino: Wika sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya
ang tagapagtaguyod at pangulo ng Samahang KAsaysayan, TULA, at Danas
(KaTULAd).
 
Si jean mikhail h. santos ay kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Science in
Mechanical Engineering sa Dr. Yanga’s Colleges, Inc. Nagkamit siya ng Gintong
Medalya mula sa Bulacan Private Schools Association para sa pagsulat ng sanaysay
noong 2019. Pangarap niyang maging isang mahusay na manunulat at ganap na
dalub-agham upang makatulong sa larang ng agrikultura at enerhiya.

108

2
Ang mga Editor

Si john christopher dg. lubag (o jc rivera) ay isang guro, manunulat, at


editor. Nagtapos siya ng Bachelor of Secondary Education Major in English
sa La Consolacion University Philippines noong 2016. Naging fellow siya ng
mga palihan at nailathala ang kaniyang mga akda sa iba’t ibang publikasyon at
antolohiya sa parehong digital at print. Kasalukuyan siyang kumukuha ng Master
of Arts Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.

Si katherine tolentino-jayme ay isang manunulat, mananaliksik at tagasalin.


Nagtapos siya ng kursong Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
Naging bahagi ng CCP Encyclopedia of Philippine Art (ikalawang edisyon)
ang isinulat niyang artikulo na “Komedya ng Pakil.” Nagsilbi siyang Kawaksing
Editor ng Agos: Refereed Journal ng Malikhaing Akdang Pampanitikan. Hilig niya
ang pagsusulat ng mga tula hinggil sa lunggati at pag-ibig.

Si michael balili ang awtor ng poetry chapbook na Velocirupture (Gacha


Press, 2018). Nailathala ang kaniyang mga tula sa jubilat, Magma Poetry, at iba pa.
Kasalukuyan siyang naninirahan sa Maynila at nagtatrabaho bilang isang editor,
layout artist, at tagasalin. Ang Kaiju, ang una niyang koleksyon ng mga tula, ay
ilalathala ng Math Paper Press.

Si mykel andrada ay nangangarap ng hindi baradong lababo para malaya


siyang makapaghugas ng kamay at ng mga bagay-bagay. Nagtuturo siya sa UP
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng mga kurso sa Malikhaing
Pagsulat, Panitikan, at Philippine Studies. Isa rin siyang mamamahayag, editor, at
tagasalin. Kasalukuyan siyang direktor ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman
at Pangkalahatang Patnugot ng Aklatang Bayan Online.

1 109
Kasama ang nagwaging mga akda nina:

raffy s. alabado jeff william acosta


ril arguelles andre alfonso r. gutierrez
joseph argel g. galang christine marie l. magpile
ivan emil a. labayne acel dc. martinez
mj rafal kian sanchez

Tampok din ang mga akda nina:

jenalyn j. aman gerald tabinas


christian jeff g. cariaga von mark d. viñas
patrick ernest celso louise vincent b. amante
junilo s. espiritu paterno b. baloloy, jr.
ella jane g. hermonio ernna r. garcia
geraldine gentozala-juachon john mark jacalne
hannah a. lecena miguel carlos c. lazarte
francis christian lubag joshua mari b. lumbera
joanah pauline l. macatangay paul joshua d. morante
rosalina a. mendigo gil florentino a. garcia
ben mendillo john carlo s. gloria
alpine christopher patio moldez marlon i. santiago
jademark nadate jean mikhail h. santos
mark ortil pornasdoro abel dionisio soto

SENTRO NG WIKANG FILIPINO

2
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
DILIMAN, LUNGSOD QUEZON

112

You might also like