You are on page 1of 4

1st Scene:

(Nagpeplay ang video na sumasalamin sa panlipunang kahirapan)

Narrator:

Kayod dito kayod doon, hanggang sa hantungan. Libu libo ipinunlang mga pagkakataon, ngunit kada

sampu, isa lang tumutugon. Ang iba’y nakaaalpas, may nananatiling nakasayad. Hinamon ng milenya at

dekada ang bansa. Maraming siglo na ang nagdaan, ngunit nanatiling talamak. Tala ng mababang bilang

ng mga empleyado, madugang pagpapasweldo, pagtaas ng mga kapitalista kung saan sila ang nakaangat

sa siso, at pagkagutom na tumatabla sa bawat maralita dahil sa kakapusan. Hindi nagtatapos, muling

hihilab kung maibsan. Mga salik na nag-ambagan upang mabuo, ang KAHIRAPAN.

(Magpeplay ang video sa labas ng Caloocan City Hall)

Isa sa mga nakararamdam ng malubhang kahirapan noon sa bansa, ay ang siyudad ng Caloocan. Mula sa

napakahirap at di maunlad na siyudad, naging pampito ang Caloocan sa pinakamayayamang lungsod sa

bansa. Ano kaya ang ilan sa mga solusyon ng pamununan nito?

Taong Dalawang libo labing lima hanggang labing anim, naitatag ang Caloocan City Cooperative

Development and Coordinating Office at Special Program for the Employment of Students Program.
Narrator: Ano kaya ang tulong ng mga programa na ito? (Magblablack out, nakalagay ang caption na: Ano

kaya ang tulong ng mga programa na ito?)

(Ipeplay ang video ng intro ni Russell na papuntang PESO,)

(Kasunod ang interview sa PESO)

(Papuntang pinto si Russell)

(Interview sa mga SPES at kay Ms. Furo)

(Conclusion video)

(Magbablack out ulit, pagkatapos ay papasok ang solemn acoustic habang binibigkas ang tula)
Tagabigkas:

(Isalpak ang angkop na video bawat taludtod)

Sinadlak sa putikan, mga nanatiling abo


Bitbit ang karwahe, maya- mayang pag-ubo
Buhay tinumbas kapalit ng piso,
HUlog barya sa may takip na baso
(2 second pause)
Nilinis dignidad upang walang kaso,
Kaso, basura ang tagalinis, yan ang kaso
Kalamna’y nagbitak sa karpenterong may maso
Kaya’t sumayaw habang suot lang ay laso
Iniba ng kartero ang suot nyang sombrero,
Nagpakalbo dahil maiinit ang kwentong barbero
Kaya’t di mo masisi pagkat mataas ang presyo,
Kaysa sumahod na tulad ng preso
Kataka-taka, walang kulay asul na kuwelyo
Nasaksihan ang di umalis na bagyo
Di mabasag ang kandadong selyo,
Patuloy na nakatayo, pero di narating ang malayo
(2 second pause)
Kadahilanan, kaya nawalan ng pag-asa,
Inasa sa isa pang umasa ang pag-asang tatwa mula sa paasa
Tila nag-ulam ng adobong walang manok o baboy
Tanging naganap,0 ay kutuhan ng unggoy
Mga kabataang wala sa hulog ang hila,
Literal na puro lamang salindila
Halik ang natutunan kaysa yumakap sa bayan,
Sana’y tuunan na lang, pangkabuhayan
(2 second pause)
Di masipat ang bisaklat, sa lamat ng ugat
Datapwat ang pagbangon ay di sapat,
Ilapat ang tatlongkapat, kung ka’ya ay lahat
Sama- sama, sabay sabay na kakagat,
Malasakit, tumulong habang natutulungan,
Sarili’y palakarin upang may mapagkunan
Bayanihan ang sagot sa pagkakapantayan,
Iisang kumpas tungong kaunlaran

(Fade black then credits)

You might also like