Professional Documents
Culture Documents
- Ang panitikan ang naglalarawan sa kalinangan ng isang bansa, may mga sari saring anyo at
hubog na naglalarawan sa sa kalinangan ng mga mamamayan. Ito ang sumasalamin sa kultura
ng isang bansa at dito rin naipahahayag kung ano nga ba ang nasa isang bayan. Na naayon na
rin sa kanilang mga nakasanayan na tradisyon .
1.4 Ilarawan ang naging kalagayan ng Panitikan noong panahon ng mga Amerikano at
panahon ng Hapon. Gamitin ang Venn Diagram sa ibaba.
1. Bigyang katuturan ang salitang “Kahirapan”, saliksikin din ang mga sanhi at bunga ng
kahirapan sa ating bansa.
- Korupsyon
Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na ang Pilipinas ang isa sa may pinakakurap na gobyerno sa
mundo kung kayat hindi komportable ang ibang bansa na mamuhunan o tumulong sa bansa dahil
kadalasan ay ibinubulsa lamang ito ng mga politiko. Ang pagiging korap ng mga politiko ang isa
sa mga dahilan kung bakit naghihirap ang bansa. Noong nakaraang bagyong Yolanda, mahigit
labing-walong bilyon ang ibinigay ng limamput-anim na bansa kagaya ng Australia, Bahrain,
Taiwan, at Amerika para sa mga nasalanta ng bagyo ngunit ni katiting ay walang napunta sa mga
tao (Rappler, 2013). Saan nga ba napupunta ang mga pondo ng gobryerno para sa mga
mahihirap? Ibinubulsa nga lang ba nila ang lahat ng ito?
Isa pa rito ang nangyaring pork barrel scam o kilala rin bilang Priority Developemnt Assistance
Fund (PDAF) scam noong Hulyo ng 2013. Isa itong naging malaking eskandalo sa Kongreso.
Base sa naganap na imbestigasyon, mahigit sampung bilyon ang ibinulsa ni Napoles at ibang
miyembro ng Kongreso. Bukod pa roon, 900 milyong piso ang nawalang pera mula sa
Malampaya gas field. Pero bakit nga napakakorap ng mga politiko sa ating bansa. at sa sobrang
korap natin ay nagmumukha na tayong katawa-tawa sa ibang bansa. kailan ba ito nagsimula?
Makokonekta ba natin ito sa kolonyalismo.
Kasakiman
Dahil sa sobrang kasakiman ng ilang mga Pilipino, mas pinipili nila ang ipagbili ang kanilang
mga sarili sa mga taong may kapangyarihan. Minsan hindi na nakukuntento ang ibang tao sa mga
biyayang natatanggap nila at sa sobrang gusto nilang yumamaan o umakyat sa itaas, kadalasan ay
nandadamay at humahatak sila ng ibang tao pababa. Ang isa sa mga halimbawa nito ay ang
tanim-bala iskam na hanggang ngayon ay laganap pa rin sa Ninoy Aquino International Airport
(NAIA). Ayon sa CNN, nagsimula ito noong Nobyembre ng 2015 pagkatapos magreklamo ng
isang pasahero na wala siyang kinalaman sa natagpuang bala sa kanyang bagahe. Sinasabing may
isang malaking sindikato ang nasa likod ng mga kababalaghang nangyayari sa establesimiyentong
ito at kasabwat rin ang ilang mga seguridad na tauhan ng paliparan. Mayroon nang halos
tatlumpung kaso na ang naitaya noong taon ng 2015 (CNN, 2015).
Ang isa pang halimbawa nito ay ang nakakainsultong paglalagay ng pangalan ni Henry Sy sa
isang istraktura ng UP sa may Bonifacio Global City (Mabini, 2011). Ngunit bakit nga ba ito
nakakainsulto? Naiinsulto sila dahil si Sy ang isa sa pinakakilalang negosyante sa Pilipinas na
tumatanggap lamang ng mga trabahador na kontraktwal kung kaya’t walang benepisyong
natatanggap ang kanyang mga manggagawang Pilipino. Ipinapakita nito na, ang mga mayayaman
ang naglulugmok ng mga tao sa kahirapan. Nagiging masyado silang gahaman sa kanilang mga
pera kung kayat hindi umaasenso ang bansang Pilipinas. Isa pa rito, ibang lahi ang nakikinabang
sa mga mamamayang Pilipino para sa ikauunlad ng kanilang mga negosyo.
Populasyon
Nakakabahala ang mga numerong ito dahil sa pagdami ng populasyon, magiging mas mahirap sa
gobyerno na kontrolin ang mga mamamayan nito. Bukod duon, ilan rin sa epekto ng paglobo ng
populasyon ay ang kakulangan sa pagkain at trabaho. Mas tataas ang porsiyento ng mga taong
walang trabaho dahil mas mahihirapang hanapan ng trabaho kung masyadong maraming tao.
Hindi kayang tulungan lahat ng mga kumpanya ang lahat ng mga nangangailangan. At dahil rito,
mas marami ang mga taong nakatira sa lansangan dahil sa kakulangan ng pera, na isa ring sanhi
kung bakit maraming bata ang hindi nagkakaroon ng sapat na edukasyon.
Edukasyon
Dahil na rin sa kahirapan, kadalasang napagkakaitan ang mga mahihirap ng oportunidad para
makapag-aral. Karapatan nga raw ang edukasyon pero sa bansa nating ito, mas pinipili pa rin ng
ibang mga bata na tumulong sa kani-kanilang mga magulang upang may makain sila araw-araw.
At dahil dito, mas nahihirapan silang makahanap ng maayos na trabaho dahil wala silang sapat na
edukasyon upang makapagtrabaho sa malalaking kumpanya.
Ipinapakita ng bidyong Ang Larawan Ng Kahirapan (Poverty and Education) kung paano
pinagkaitan ng kahirapan ng edukasyon ang mga mahihirap. Minsan kasi kinakailangan munang
kumayod ng mga bata bago sila makapag-aral. Kinakailangan nilang tumulong sa kani-kanilang
mga pamilya para may pangkain ito sa pang-araw araw. Kung kayat sinasabi nila na minsan hindi
“option” ang edukasyon sa nakararami. Sinasabi din na “karapatan ang edukasyon pero sa mundo
nating ito, 121 milyong daang bata ang hindi pumapasok sa eskwelahan at dahil ito sa kahirapan”
(Lazaro, 2010). Mas pinipili ng mga bata na lamanan na lang ang kanilang mga tiyan bago ang
kanilang mga kaisipan.
Ayon sa kay Anne Villegas, na isang estudyante dito sa Unibersidad ng California, Los Angeles
at naranasang makapag-aral sa isang pampublikong paaralan, kulang na kulang ang pasilidad ng
pampublikong paaralan sa Pilipinas. Kumpara sa mga pribadong paaralan, kulang ang kanilang
mga pasilidad para mapagkasya at matulungan ang lahat ng mga estudyante. Minsan ay kulang
sila ng mga klasrum, upuan, at maayos na palikuran. Sa dami ng mga estudyante ay nagmumukha
ng payatas ang mga silid-aralan na nagiging dahilan kung bakit nahihirapang makinig ng mga ito
sa kanilang mga guro. Mayroon din namang iba na walang sapat na pera pambili ng mga
kagamitan nila pang-eskwela kagaya ng sapatos, uniporme, kuwaderno, at lapis.
Ngunit hindi lang naman dito nagtatapos ang lahat dahil may iba pa ring mga mamamayan na
gumagawa ng paraan upang makatulong sa kanilang kapwa sa kanilang sariling maliit na paraan.
Sabi nga nila, ang pagtutulungan ay nagsisimula sa isang tao. Si Efren Penaflorida ay isang
mamayang Pilipino na nanalo bilang CNN Hero of the Year noong 2009 (CNN, 2009). Sinimulan
niya ang pushcart klasrum na nagsilbing eskwelahan para sa mga batang nakatira sa lansangan.
Naglalayon itong mapabuti ang kalagayan ng mga batang walang kakayahang pumasok sa
eskwelahan at para ilayo na rin sila sa paggamit ng droga. Sinabi niya sa kanyang talumpati na
ang bawat tao ay may kakayahang tumulong sa ating kapwa, mahirap man o mayaman.
Kinakailangan lang nating magtulungan lahat at maglingkod nang mabuti sa mga mamayanan.
Kawalang Disiplina
Sabi nga nila, sa panahon ngayon sa Pilipinas, opsiyonal na lang ang pagsunod sa mga batas.
Maging ang mga kabataan ngayon ay hindi na natatakot sa batas. Kailangan nating maging
disiplinado at matakot sa mga awtoridad para matuto tayong sumunod sa mga patakaran. Marami
nang nagdaang matatalinong mamumuno sa ating bansa pero kung hindi marunong sumunod ang
mga tao ay wala ring patutunguhan ito. Lahat ng tao ay gustong makamit ang pagbabago pero
iilan lang talaga ang handang magbago.
Paano nga ba nating masusulusyunan ito? Ang totoo niyan, bago mo malinis ang isang lungsod,
kinakailangan muna nating maayos ang peace and order sa bansa. Ang ibig sabihin nito ay
kailangan muna nating patinuin ang mga pulis at iba pang mga awtoridad. Mahirap naman kasi
kung ang unang mga tagapagtupad ng batas ang siyang unang nagiging pasaway pagdating sa
pagsunod ng mga patakaran. May ilang mga lugar sa Pilipinas ang nauna nang maghanap ng
solusyon upang maisaayos ang kanilang mga lugar. Isa na dito ang lungsod ng Laoag na
nagpatupad ng mas mahigpit na batas para sa kapulisan at buong komunidad nito. Napag-
alamanan ko na sa Laoag, kapag nahuli ang isang pulis na hindi gumagawa ng trabaho ay agad
siyang paparusahan ng nakatataas sa kanya at pag inulit niya pa ito ay maaari na siyang masibak
sa trabaho. Bukod pa rito, noong nadisiplina na nila ang kapulisan ay gumawa na sila ng ilang
programang pangkaligtasan. Dito ay naglagay sila ng police C.A.R.T (Community Assistance and
Referral Team) sa buong kapaligiran ng Laoag. Ang programang ito ay ipinatupad upang
magkaroon ng mas matinding presensya ang mga pulis sa lugar. Ang C.A.R.T ay isang maliit na
estasyon ng kapulisan sa isang kariton. Malaking tulong ito sa komunidad ng Laoag dahil mas
malaki ang presensya ng mga pulis kung kayat mas natatakot ang mga taong hindi sumunod sa
batas dahil mas madali silang mahuli. Bukod duon, mas madali ring makapag-aabot ng tulong
ang mga kapulisan sa mga nangangailangan.
Malaking tulong rin ang paglalagay ng mga CCTV dahil mas namomonitor ang kilos ng mga tao
at mas nagiging mabilis rin ang paghuli sa mga taong gumagawa ng krimen. Nagkaroon rin sila
ng mga check points para siguraduhin ang kaligtasan ng mga taong nagsisilabas-masok ng
lungsod. Dahil dito, tumaas ang crime solution efficiency ng Laoag ng halos kalahati; mula
36.75% noong 2013 ay naging 66.61% ito pagdating ng 2014 para sa kanilang agarang paglutas
ng mga krimen. Bukod duon, malaki rin ang binaba ng kanilang monthly crime rate, na mula 306
noong 2013 ay naging 268 nalang ito noong 2014 (News 5, 2016).
Napakahilig ng gobyerno na gumawa ng mga batas tuwing namomroblema sila sa pag disiplina
ng mga tao pero wala namang sumusunod sa mga ito. Ang problema kasi ay walang
nagpapatupad ng mga batas na ito kaya patuloy pa rin ang mga tao sa paglabag nito. Wala silang
kinakatakutan dahil wala namang humuhuli sa kanila. Isa pa, mahilig rin silang magpalusot;
palagi nilang sinasabi na likas na sa mga Pilipino ang hindi sumunod sa batas at mahirap nang
baguhin ito. Pero hindi dahil mahirap nang gawin ang isang bagay ay imposible na itong gawin.
Hindi laging kinakailangan ng bakal na kamay upang laging mapasunod ang mga tao dahil maaari
rin itong daanin sa kusa kung matututo lang makipagtulungan ng mga tao. May iba kasi na hindi
sumusunod sa batas dahil lang sa walang nakatingin o nagbabantay sa mga kilos nila.
Kolonyal na Kahirapan
Ang ilan sa mga ugali ng mga Pilipino na pumipigil sa pag-asenso ng mga mamamayan nito ay
ang “crab mentality,” procrastination, “bahala na,” pagiging ipokrito, ningas kogon, Pilipino time,
pagiging tsismoso, paninisi sa ibang tao, pagsasawalang-bahala ng mga patakaran, at pagiging
balat-sibuyas (Abello, 2014).
“Walang identidad ang mga Pilipino.” Iyan ang mga maririnig mo palagi sa Amerika. Sa sobrang
tagal nating nasakop ng iba’t ibang bansa, sadya nga talagang hindi na natin kilala kung sino
tayo. Pero talaga bang iyon ang dahilan para hindi tayo at magkaroon ng malasakit sa taong
bayan sa ating bansa. Nakakatawa lang isipin na kahit tinawag tayong little brown brothers ng
mga Amerikano at ginawa tayong mga alipin (na makikita mo hanggang ngayon) napakalakas pa
rin ng impluwensya nila sa atin at minsan nga ay parang “sinasamba” natin sila na ginugusto
nating maging katulad nila. Hindi ba sinasabi nga na kapag nag-iInggles ang isang indibidwal ay
sosyal na siya at nakakataas na siya sa ibang mga tao. Hindi ba nila naiisip na ginagamit lamang
tayo ng mga Amerikano para pagsilbihan sila? Ang palusot naman ng ilang tao sa pagsasalita ng
Inggles ay para makakuha ng magandang trabaho. Pero kung susuriin mong mabuti, ang ilan sa
mga pinakamaunlad na bansa ay hindi masyadong marunong magsalita ng Inggles kagaya ng
Hapon, Timog Korea, at Tsina. At dahil sa kadahilanag napakatapat nila sa kanilang bansa.
Iniengganyo sila na tangkilikin ang kanilang sariling mga produkto kaysa sa mga produktong
galing sa Amerika. Sa Pilipinas kasi, makakita lang tayo ng imported, eh nagkakagulo na kaagad
tayo.
Masasabi mo nga bang maipagmamalaki nating tayo’y mga Pilipino? Sa tingin ko kasi
ikinakahiya natin ang ating mga sarili. lagi mong makikita ang mga katagang proud to be pinoy
sa social media tuwing may Pilipinong nabibigyan ng parangal sa ibang bansa kagaya ni Pacquio,
Lea Salonga, o kahit yung mga nananalo sa “the Voice” o iba pang mga paligsahan na kahit
kalahating Pilipino lang ay grabe na nilang angkinin ang pagkapilipino nito. Pero sa totoo lang,
hindi naman talaga tayo proud to be pinoy. Sadyang gusto lang natin na may maipagyabang tayo
sa ibang mga tao. Una sa lahat, wala ka namang makikitang proud to be American, Korean,
Mexican, at kung ano ano pang mga lahi na nagsasabing “proud” sila sa kanilang mga sarili.
“Proud” sila kung sa tingin nila ay may benepisyo silang makukuha sa ginagawa nila pero
ikinakahiya na nila ito pagkatapos kung may nagawa itong mali kagaya na lang ng nangyari kay
Pacquiao at sa komunidad ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT). Isa pa, may
pagkapikon din tayong mga pilipino. kung saan napakalakas nating manlait ng ating kapwa pero
kapag tayo na ang nilalait eh masyado na tayong nagiging defensive and nasasaktan sa ibang tao
at kadalasan ay sasabihin nating masahul na ang sinasabi nila.
2. Paano nakatutulong ang mga akdang pampanitikan sa paglutas ng kahirapan?
- Paano nga ba natin susulusyunan ito? kainakailangan ba na umabot tayo sa isa pang Martial
Law para lang disiplinahin ang mga tao? Sabi nga nila, kung hindi mo kayang daanin sa maayos
na usapan, marahil ay kailangan na itong daanin sa santong paspasan. Minsan ay naghahanap tayo
lagi ng mga taong masisisi sa mga kapalpakang nangyayari sa ating mga buhay. Ang paglutas sa
isang problema ng bansa o komunidad ay parang sulating panitikan, kailangan nating simulant
ang pagbabago sa ating mga sarili, kailangan nating isulat sa mga isip at puso natin ang mga
bagay na nagpapahirap at sumasakal sa atin, kailangan nating iprinta sa ating mga isipin ang mga
dapat na solusyon upang magwagi ang pagbabago. Kailangang matutunan ng mga tao na ang
pagbabago ay dapat magsimula sa ating mga sarili at hindi sa ibang tao. lahat tayo ay gusto ng
pagbabago ngunit wala sa atin ang handang magbago para sa ikakaayos ng ating kinabukasan.
Tigilan na natin ang inggitan at kasakiman.