You are on page 1of 1

Diana Rose L.

Bautista BSAIS 2nd Year


Ms. Eloisa Cortez Rizal’s Life & Works

Edukasyon
Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay n mga aklat o mga bagay na
natutunan sa ating mga unibersidad at paaralan. Bagabat maaari ito’y isa sa
pangunahing gamit upang tayo’y magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na
edukasyon na nakabase sa ating pang araw-araw na pamumuhay na siya paring dapat
nating maabot.

Ang edukasyon noon ay tulad ng pagpasok ng isang baka sa butas ng karayom.


Sa pagpapalit-palit ng mga nanakop na dayuhan sa pilipinas, hindi na nakakapagtaka
ang iba’t ibang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Noong panahon ng mga Kastila,
ang mga pilipino ay nakaranas ng kahirapan sa edukasyon sapagkat naging ekslusibo
lamang ito sa mga may kayang pamilya. Ang mga indiyo at mahihirap ay
nagmimistulang alipin ng edukasyon gayundin nung panahon ng mga
Amerkano,pinipilit ang lahat na magsalita ng Ingles gayung sila ang nagtuturo upang
ang mga Pilipinas ay maging bansang demokratiko.

At ang edukasyon naman ngayon ay walang pinipiling antas ng pamumuhay.


Lahat may karapantang mag-aral mahirap, mayaman, o may kapansanan kaman. Ang
sistema ngayon ng pag-aaral ay mas makakabuti pa sa lahat ng kabataan. Walang
sino man ang pwedeng magdikta kung sino lang ang maaaring matuto.

Dala ng makabagong panahon, unti-unti din nagbago ang sistema ng


edukasyon. Dahil sa mga modernong teknolohiya, ang mga impormasyong mahirap
hanapin ay nakukuha na natin sa isang pindutan lamang. Naging mas mabisa ang
paraan ng pagtuturo sa mga kabataan.

Upang mapaunlad pa ang bansa, ipinakilala ng pamahalaan ang sistemang K to


12. At ito ay magdudulot nang magandang bunga sa mga kabataan. Sa pagdadagdag
ng dalawang taon sa high school, ganap na mahahasa ang mga estudyante.
Masisiksik sila sa kaalaman, hindi katulad sa dating 10 taon lang binubunong pag-
aaral. Makapaghahanda ang mga estudyante sa sistemang ito sa kanilang tatahaking
career.

Ang pag-aaral ay siyang magdadala sa ating sa magandang kinabukas. Ito ang


maaring maging dahilan para sa mga kabataan na pag-asa ng ating bayan. Mahirap
man ang pag-aaral dapat natin itong pagtuonan ng pansin lalo na ngayon.

You might also like