You are on page 1of 20

PANALANGIN

Buhayin mo ako, O banal na Espiritu,


Nang ang aking diwa ay maging banal,
Akayin mo ang aking puso, O banal na
Espiritu,
Na aking mahalin at pahalagahan kung ano
ang banal,
Patatagin Mo ako, O banal na Espiritu,
Bantayan Mo ako, O banal na Espiritu,
Nang ako nawa’y manatiling banal,
Amen.

Magkaisang isip at magkaisang puso,


Laan para sa Panginoon.
a l ip a t
Pangh
r i N ito
Mg a U
stor
G. Karl E. Pa

>
PANGHALIP
Bahagi ng pananalitang inihahalili o
ipinapalit sa pangngalan.
Mn Panghalip Panao
-mga panghalip na ipinapalit o
inihahalili sa ngalan ng tao. Ang
panghalip panao ay may
panauhan, kaukalan, kailanan.

< >
Panauhan ng Panghalip na Panao
-taong tinutukoy sa panghalip
Unang Panauhan Ikalawang Panauhan
Mn
Taong Nagsasalita Taong Kinakausap

Ikatlong
Panauhan

Taong
Pinag-uusapan
< >
Kailanan ng Panghalip na Panao
-tumutukoy sa dami o bilang ng taong
tinutukoy ng panghalip
Mn

Isahan Maramihan
(kasama na rito ang dalawahan)

< >
Kaukulan ng Panghalip Panao
-tumutukoy sa gamit ng panghalip sa pangungusap.

Mn
Palagyo- mga panghalip panaong ginagamit bilang simuno o
paksa ng pangungusap.

Halimbawa:

Siya ay nagkaroon ng matibay na paninindigan.

Ako ay may prinsipyo at dangal na pinangangalagaan.

< >
Palayon- mga panghalip na ginagamit bilang layon ng
Mn
pandiwa.

Halimbawa:

Ang lupa ay ipinagbili niya. (layon ng pandiwa)

Ang kwento ay tungkol sa kanila. (layon ng pang-ukol)

< >
Paari- mga panghalip na nagpapakita ng pagmamay-ari sa
Mn
isang bagay.

Halimbawa:

Hindi ipinagbili ni Edith ang lupa niya.

Akin ang lapis na ito.

< >
Kailanan Kaukulan

Palagyo Paukol Paari

Isahan

Una ako ko akin


Ikalawa ikaw, ka mo iyo
Ikatlo siya niya kanya
Dalawahan/
Maramihan

Una kita, tayo, kami namin, natin atin, amin


Ikalawa kayo ninyo inyo
Ikatlo sila nila kanila

< >
Mn Panghalip Pamatlig
-mga panghalip na inihahalili sa
pangalang itinituro o
inihihimaton. Ang panghalip
pamatlig ay may panauhan at uri
din.
< >
Panauhan Uri

Pronominal Panawag- Patulad Panlunan


Pansin
Una- malapit ito, nito, dito (h)eto ganito narito/
sa taong nandito
nagsasalita.
Ikalawa- iyan, (h)ayan ganyan nariyan/
malapit sa niyan, nandiyan
taong diyan
kausap.
Ikatlo- iyon, (h)ayun ganoon naroon/
malapit sa noon, ganon nandoon
taong pinag- doon
uusapan

< >
Mn
Halimbawa:

• Ganito ang susundin nating tradisyonal na sayaw


• Ang pitaka ni Rey ay narito.
• Nandiyan sa silid ang hinahanap mong damit.
• Heto na ang hinihingi mong regalo sa akin.
• Dito na tayo titira sa siyudad.

< >
Mn Panghalip Panaklaw
-mga panghalip na sumasaklaw sa
kaisahan, dami, o kalahatan ng
tinutukoy.

< >
Narito ang mga panghalip panaklaw

Mn
-iba, lahat, tanan, madla, pawa
-anuman, alinman, sinuman, ilanman, kailanman
-saanman, gaanuman, magkanuman

Halimbawa:
• Lahat ng mag-aaral sa klase ay nakapasa sa
eksaminasyon sa Filipino.
• Walang sinuman ang maaring manghusga sa kanyang
kapwa.
• Dumagsa ang madla sa plaza upang mapanuod ang
pagdiriwang.
< >
Mn Panghalip Pananong
-mga panghalip na ginagamit sa pagtatanong o
pag-uusisa na pumapalit sa isang pangngalan,
pariralang pangngalan o panghalip. Mahalaga ito
upang makilala ang pagkakaiba ng panghalip
pananong sa iba pang uri ng mga salitang
nagtatanong tulad ng pang-uring pananong at
pang-abay na pananong.

< >
Ang panghalip pananong ay maaring maging isahan o maramihan.

Isahan Maramihan

sino sino-sino

ano ano-ano

kanino kani-kanino

alin alin-alin

< >
Halimbawa:
Mn

• Ano ang hinahanap mong katangian sa isang Pangulo?


• Sino ang kumuha ng tsokolateng iniligay ko sa
pridyider?
• Kanino ko ibibigay ang ipinadala mong pera?
• Ano-ano ang mga idinala mong pagkaing mula sa
handaan?

< >
Hindi kasama sa mga panghalip pananong
Mn ang mga salitang pananong na saan,
nasaan, kailan, bakit, paano at gaano dahil
ang mga ito ay pang-abay na pananong
gayundin ang mga salitang pananong na
magkano, ilan at pang-iilan dahil ang mga
ito naman ay pang-uring pananong.

< >
PANALANGIN
Buhayin mo ako, O banal na Espiritu,
Nang ang aking diwa ay maging banal,
Akayin mo ang aking puso, O banal na
Espiritu,
Na aking mahalin at pahalagahan kung ano
ang banal,
Patatagin Mo ako, O banal na Espiritu,
Bantayan Mo ako, O banal na Espiritu,
Nang ako nawa’y manatiling banal,
Amen.

Magkaisang isip at magkaisang puso,


Laan para sa Panginoon.

You might also like