You are on page 1of 21

Filipino:

Aralin 1.1
Ang Panitikan sa panahon ng Katutubo.

GAWA NI:
JAMELA G. CALIMPUSAN AT JONA
ALBANIEL
Ano ang Karunungang bayan?
• KARUNUNGANG BAYAN (FOLK SPEECH)
• Ang karunungang bayan ay isang sangay ng pantikan kung saan nagiging daan
upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng mga
tao. Nakakatulong ito sa pag-angkin ng kamalayang tradisyunal, na
nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural at kasama sa kabang-yaman ng
ating bansa bago dumating ang mga Espanyol. Ito ay ang:

• Salawikain
• Sawikain/Kawikaan
• Kasabihan
Salawikain

• Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang


nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may sukat at
tugma kaya masarap pakinggan kapg binibigkas.
 Padre Gregorio Martin at Mariano Cuadrado
-Unang nagtipon ng mga salawikaing Tagalog.
• Damiana Eugenio
Gumawa ng masusing pag-aaral tungkol sa mga salawikain ng
Pilipinas.
Halimbawa ng Salawikain

• Pag ang tubig ay magalaw Ang ilog • Ang tumatakbo ng matulin Pag
ay mababaw masusugat ay malalim
• Ang maniwala sa sabi-sabi, walang • Daig ng taong maagap Ang taong
bait sarili. masipag
• Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang • Mas delikado ang
gawa. taong edukado
Sawikain

• Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng pagsasalita na


hindi guamagamit ng mararahas na salita upang maiwasang makasakit
ng loob ng ibang tao. Ang sawikain o patambis samakatuwid ay
masasabing mga salitang patayutay o idyomatikong ginagamit upang
maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.
Halimbawa ng Sawikain

• Parang natuka ng ahas- natulala


• Malayo sa bituka- hindi malubha
• Itaga mo sa bato- pakatandaan
• Mahaba ang kamay- magnanakaw
Kasabihan

• Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit


ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos ugali, at gawi ng
isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan.
• HALIMBAWA:
• Tulak ng bibig kabig ng dibdib
• Ubos-ubos biyaya bukas nakatunganga
Dalawang Uri ng
Paghahambibing
Dalawang Uri ng Paghahambing

• Ano ang Paghahambing?


• Ang paghahambing ay paglalarawan ng antas o lebel ng katangian ng tao, bagay,
hayop, ideya at pangyayari. Sa Ingles: comparison.
• Ang pahiwatig na paghahambing ay metaphor — isang uri ng panghahambing ng
dalawang bagay na magkaiba, ngunit tinutukoy kung ano ang katangiang pinag-
uusapan. Tinatawag din itong pagwawangis sa Tagalog.
Dalawang Uri ng Paghahambing

1. PAGHAHAMBING NA MAGKATULAD
Ginagamit ito kung ang dalawang ihinahambing ay antas na
katangian ng isang bagay o anuman.
Mga Halimbawa:
Magkasing-haba ang buhok nina Ana at Elena.
Magkasing-tangkad kami ni Miguel.
Dalawang Uri ng Paghahambing

2. PAGHAHAMBING NA DI-MAGKATULAD
Ginagamit ito kung ang hinahambing ay magkaiba ang antas ng isang
bagay o anuman. Mga Halimbawa:
Mas mahaba ang buhok ko kaysa kay Pilar.
Mas matangkad ka sa kuya ko
Pang-abay na Pamanahon at
Panlunan
Ano ang Pang-abay?

• Ang tawag sa salita o lipon ng mga salitang


nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa
pang-abay.
• May iba’t-ibang uri ng pang-abay. Ilan sa mga ito ang
sumusunod:
Pang-abay na Pamanahon

• Pang-abay na nagsasaad kung kalian ginanap, ginaganap, o


gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.
• May dalawang pangkat ang ganitong pang-abay:
1.Pananda
2.Walang pananda
Pang-abay na Pamanahon

• Pananda
Gumagamit ito ng nang, sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula,
umpisa, at hanggang bilang mga pananda ng pamanahon.
• Walang Pananda
Gumagamit ng kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at
iba pa.
Pang-abay na Pamanahon

Pananda Walang Pananda


• Tuwing Pasko isinasabit ang • Manonood kami bukas ng
parol pambansang pagtatanghal ng
• Umpisa bukas ay dito ka na dulang Pilipino
manunuluyan • Ipagdiriwang ngayon ng ating
pangulo ang kanyang ika – 40
na kaarawan.
Pang-abay na Panlunan

• Tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa


pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang sa, kay o kina. Ito ay
sumasagot sa tanong SAAN. Karaniwang ginagamitan ng:
sa – ginagamit
kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.
kay /kina – ginagamit kapag ang kasunod
ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.
Pang-abay na Panlunan

• HALIMBAWA
1.Maraming masasarap na ulam sa kantina.
2.Nanawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo 3.Tumawag siya
kay Fely upang ipagbigay- alam ang nangyari.
Pang-abay na Pamaraan
Pang-abay na Pamaraan

• naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos


na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-
ng. Ito ay sumasagot satanong na PAANO.
• Halimbawa:
• Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Bakit siya umalis na umiiyak?
Salamat sa panonood!!

You might also like