You are on page 1of 14

FILIPINO:

Aralin 2.3
Ang Panitikan sa
panahon ng Kasarinlan

GAWA NI: JAMELA


G. CALIMPUSAN
Maikling
Maikling Kwento
Kwento
Maikling Kwento
• Ang Maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang
mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari
tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang
pangyayari. Taglay nito ang pagkakaroon ng (1) iisang kakintalan; (2) may isang
pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng solusyon;
(3) tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay, (4) may mahalagang tagpuan,
(5) may kawilihan hanggang sa kasukdulan na kaagad susundan ng wakas.
Tauhan
• Ang binibigyang-diin sa kuwento ng tauhan ay ang pangunahing tauhan o mga tauhang
gumagalaw sa kuwento. Ipinakikilala ang kanilang pag-uugali, pagkilos, pananalita at iba
pang katangian sa pamamagitan ng tahasan o tuwirang paglalarawan o kaya’y
pagpapahiwatig sa pamamagitan ng usapan ng mga tauhan at sa ikinikilos ng mga iyon.

• Ang mga tauhan ang gumagalaw sa akda- protagonista na tinatawag na bida at antagonista
na nagpapahirap o nagpapasalimuot sa buhay ng bida.
• Ang tauhang lapad (flat character) ay hindi nagbabago ang pag-uugali kung ano ang gawi,
kilos at katangian niya sa simula ng akda hanggang katapusan; habang ang tauhang bilog
(round character) naman ay nagbabago mula sa pagiging salbahe ay nagiging mabait; kung
api sa simula, sa pagwawakas ay natuto nang lumaban.
Aspekto ng
AspektoPandiwa
ng Pandiwa
Aspekto ng Pandiwa
• Ang aspekto ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang
kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang
pagganap.
• May apat na aspekto ang pandiwa: aspektong perpektibo kung ito ay nagsasaad o
nagpapahayag na ang kilos na nasimulan na at natapos na, aspektong
imperpektibo kung nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos
at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy, aspektong kontemplatibo ay naglalarawan
ng kilos na hindi pa nasisimulan at aspektong perpektibong katatapos kung saan
nagsasaad ito ng kilos na katatapos lamang bago nagsimula o naganap ang kilos.
Dula
Dula
Dula
• Ang dula ay isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan
ay naglalarawan ng isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng
kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Gaya ng ibang katha, ang dula
ay lumilibang, nagbibigay-aral, pumupukaw ng damdamin at
humihingi ng pagbabago. Higit na nakapagpapakilos ang dula kaysa sa
ibang akda sapagkat bukod sa naririnig ang mga salita, nakikita pa ang kilos
at galaw sa tanghalan.
Dula
• Ang anumang uri ng dula ay binubuo ng mga sangkap na nagpapatingkad
dito kung kaya’t nararapat lamang na ang isang dula ay hindi magkulang ng
sangkap sapagkat ito ang nagsisilbing haligi nito upang lalong makatayo
nang buong husay at makulay. Ito rin ang nagdudulot ng kawilihan sa mga
manonood.
• a) Tanghalan-lugar- kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa isang
pagtatanghal;
• b) iskrip- itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula, lahat ng pangyayaring
isinasaalang-alang o nagaganap sa isang pagtatanghal ay naaayon sa iskrip;
Dula
• c) aktor- gumaganap at nagbibigay-buhay sa dula, sila ang nagpapahayag ng
mga diyalogo, nagsasagawa ng mga aksyon at nagpapakita ng mga emosyon
sa mga manonood;
• d) direktor- nagbibigay ng interpretasyon at nagpapakahulugan sa isang
iskrip;
• e) manonood- mga saksi o nakapanood ng isang pagtatanghal;
• f) eksena- ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang
tagpo-ang pagpapalit ng mga pangyayari sa dula.
Mga
MgaPahayag
Pahayag ngng
Pagsang-ayon
Pagsang-ayon at at
Pagsalungat
Pagsalungat
Salamat sa pakikinig!!
( ✧≖ ͜ʖ≖)

You might also like