You are on page 1of 14

Pagsasaayos ng mga Datos sa Character Sketch

• Orasan
• Paputok
• Sayaw
BIONOTE
Mga lingguwistikong Proseso
1. Pagdedebelop ng isang estandardisadong anyo ng wika na magagamit naman sa
pagdebelop ng akademikong diskurso.
2. Pagdebelop ng korpora o lawas ng teksto sa iba’t ibang akademikong larang.
3. Pagbuo ng register ng wika o ang tangi at tiyak na gamit ng wika sa larang.
Repertoire ng gawang malikhain
• Pangkalahatang Repertoire ng Gawaing malikhain
Nilalaman, Tema, Paniniwla, at Pagpapahalaga
• Partikular na Repertoire
Pamamaraan, kumbensiyon, element, estratehiya, teknik, at genre o anyo

Repertoire ng Mambabasa o Rebyuwer

• Pangkalahatang Repertoire ng Mambabasa o Rebyuwer


Pananaw, kaisipan, paniniwala, at pagpapahalaga
• Partikular na Repertoire ng Mambabasa o Rebyuwer
Kaalaman tungkol sa iba’t ibang pamamaraan ng gawaing Malikhain
PANDIWA
Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw
1. Palipat
Ang uri ng pandiwang ito ay nangangailangan ng tuwirang layon na tatanggap sa kilos upang mabuo ang kaisipang
nais nitong ipahayag. Ang tuwirang layon ay karaniwang kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng “ng”, “ng mga”,
“sa”, “sa mga”, “kay”, o “kina”.
Halimbawa:
Nagsabit ng parol sa harap ng kanyang bahay si Ginang Chavez.
Bumili ng gulay kay Aling Ising si Ana.
2. Katawanin
Hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layon na tatanggap ng kilos dahil ito ay ganap o buo na ang diwang
ipinahahayag at nakatatayo na itong mag- isa.
Halimbawa:
Nabuhay si Mary.
Sina Elpie at Jhen ay ikinasal.
Lumilindol!
Natuwa ang magulang sa mataas na marka ng kanyang bunso.
Kumakain sa plasa ang mga kabataan.
 
• ASPEKTO NG PANDIWA
Naganap o Perpektibo
Ito ay nagsasabi na natapos na ang sinimulang kilos. Kung minsan, ang panlaping “nag” ay karaniwang idinirugtong sa
unahan ng pandiwang ginagamit sa pangungusap.
Halimbawa:
• Nagpaalam si Itay bago siya umalis.
• Katatapos ko lang kumain ng bigalang dumating ang Tiyo Alberto.
Imperpektibo
Ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa o kasalukuyang nagaganap. Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang
“habang”, “kasalukuyan”, at “ngayon” o kaya naman ay dinurugtungan ng panlaping “nag” ang unahan ng pandiwang
ginamit sa pangungusap.
Halimbawa:
• Sinamantala kong maglinis ng sasakyan habang malakas ang ulan.
• Naglalaba si Inday.
Kontemplatibo
• Ito ang aspekto ng pandiwa na hindi pa nasisimulan, naisasagawa o nangyari. Plano pa lamang itong gawin o aspektong
magaganap pa lamang. Ilan sa mga halimbawa ng salitang ginagamit bago ang pandiwang ito ay ang “bukas”, “sa
susunod”, “sa makalawa”, “balang araw”, “pagdating ng panahon” at marami pang iba.
Halimbawa:
• Balang araw, uunlad din ako.
• Gusto kong pumunta sa Paris sa susunod na taon
Pokus sa Aktor o Tagaganap-Ang paksa ay ang tagaganap ng kilos umasagot sa tanong
na “sino?”.
• Ang pandiwa ay may mga panlaping (mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- ,
maki- , magpa-)
Halimbawa
• Tumula ng isang madamdaming piyesa si Francesca.
• Ang ating mga bayani ay nagbuwis ng buhay para sa ating bayan.

Pokus sa Layon- Ang paksa ay ang layon ng pandiwa (direct object) Sumasagot sa


tanong na “ano?”.
Ang pandiwa ay may mga panlaping (-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an
Halimbawa
• Tinula ni Francesca ang isang madamdaming piyesa.
• Ang buhay ay ibinuwis ng ating mga bayani para sa ating bayan.
 
Pokus sa Benepaktibo o Tagatanggap- Ang paksa ay ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa
pangungusap (indirect object) Sumasagot sa tanong na “para kanino?”.
Ang pandiwa ay may mga panlaping (i- , -in , ipang- , ipag-)
Halimbawa
• Idinalaw ni Kyeli ang anak sa kanyang ama.
• Ang ating bayan ay ipinagbuwis ng buhay ng ating mga bayani.
Pokus sa Direksyon- Ang paksa ay ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap
Sumasagot sa tanong na “tungo saan/kanino?”.
Ang pandiwa ay may mga panlaping (-an , -han , -in , -hin)
Halimbawa
• Tinunton ni Kyeli at ng anak niya ang landas patungo sa liblib na gubat.
• Ang iba’t ibang tanawin ay pinuntahan nila.
• Pokus sa Lokatibo o Ganapan- Ang paksa ay ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap
Sumasagot sa tanong na “saan?”.
• Ang pandiwa ay may mga panlaping (pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)
Halimbawa
• Pinag-enrolan ni Vian ang Pamantasan ng Pilipinas para sa kanyang araling gradwado.
• Ang internet ay mapagkukunan ng mga iba’t ibang impormasyon.
Pokus sa Intrumental o sa Gamit- Ang paksa ay ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa
ang kilos ng pandiwa sa pangungusap Sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng ano?”.
Ang pandiwa ay may mga panlaping (ipang- , ipinang-, maipang-, -ipinam)
Halimbawa
• Ipinang-enrol ni Vian sa Pamantasan ng Pilipinas para sa kanyang gradwado ang naipong pera.
• Ipinanlinis niya ng bahay ang mga makabagong kagamitan.
Pokus sa Kosatibo o Sanhi- Ang paksa ay ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap
Sumasagot sa tanong na “bakit?”.
Ang pandiwa ay may mga panlaping (i- , ika- , ikina-)
Halimbawa
• Ikinatuwa ni Lyndon ang pagdalaw ni Kenneth.
• Ikinatuwa ng mga tao ang pagkapanalo muli ni Pacquiao. 
Pokus sa Repsiprokal o Gantihan- Ang simuno ay siyang katuwang o kagantihan ng kilos
Ang pandiwa ay may mga panlaping (-kin, -hin, – ka)
• Halimbawa
• Sa pagdalaw ni Lyndon kay Kenneth, nagkatuwaan sila.
• Kinatulong niya ang anak sa pagtratrabaho sa bukid.
 
1. Pang-abay na Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay
ng isang pandiwa sa pangungusap. Mayroon itong tatlong (3) uri: may pananda, walang pananda, at
nagsasaad ng dalas.
May Pananda
Halimbawa: nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
Tayo nang manood ng sine.
Naglalakad sa kawalan ni Marco.
Walang Pananda
Halimbawa: kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali
Sumayaw kami kahapon sa palatuntunan.
Kanina pa sila umalis.
Nagsasaad ng Dalas
Halimbawa: araw-araw, tuwing, taun-taon
Kailangan mong maligo araw-araw.
Tuwing umaga nangunguha si ama ng mangga.
2. Pang-abay na Panlunan
Ang pang-abay na panlunan ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Ito ay nagsasabi kung saan
ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap. Tumutukoy din ito sa pook na pinangyarihan, o
pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Ilan sa mga halimbawa ng pang-abay na panlunan ang mga salitang sa, kina o kay.
Samantala, ginagamit ang ‘sa’ kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Ang
‘kay’ at ‘kina’ naman ay ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao.
Halimbawa:
• Buksan mo ang pinto sa kusina.
• Ibinigay sa akin ni Mariel ang hawak niya.
• Pag-aaralin kita kung sa amin ka titira.

3. Pang-abay na Pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa. Ilan sa mga halimbawa nito ang nang, na, at -ng.
Halimbawa:
• Sinuntok ko siya nang malakas.
• Binigyan niya ako nang matinding sampal sa mukha.
• Kumain ako ng mabilis para makanood agad sa telebisyon.
• Bukas ng gabi ko balak tumakas.
• 4. Pang-abay na Pang-agam
• Ang pang-abay na pang-agam ay nagpapahiwatig ng hindi o kawalan ng katiyakan sa
pagganap sa kilos ng pandiwa. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga salitang marahil,
siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa.
• Halimbawa:
• Parang ayoko nang pumunta sa lugar nina Elmer.
• Marahil ay wala na tayong aabutan kung tutuloy pa tayo.
5. Pang-abay na Panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon ng nagsasalita sa
pangungusap. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya,
talaga, syempre at marami pang iba.
• Halimbawa:
• Sadyang mabilis kumilos ang batang si Irene.
• Tunay ngang napakabuti ng ating Diyos.
• Talagang malikot ang anak ni Don Pepot.
• 6. Pang-abay na Pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pagtanggi, pagsalungat o pagtutol. Ilan
sa mga halimbawa nito ang mga salitang hindi, di at ayaw.
Halimbawa:
• Hindi ako makakapayag sa nais mo.
• Ayaw kong makita kang pagala-gala sa oras ng gabi.
• Di bale nang tamad basta marunong mahiya.
7. Pang-abay na Panggaano o Pampanukat
Ang pang-abay na panggaano o pampanukat ay nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat
ng pinag-uusapan sa pangungusap. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa tanong
na gaano o magkano ang halaga.
• Halimbawa:
• Tumakbo ako ng limang kilometro kanina.
• Marami akong kinaing gulay.
• Tatlong litrong tubig ang kaya kong ubusin sa maghapon.
• 8. Pang-abay na Pamitagan
Ang pang-abay na pamitagan ay nagsasaad ng paggalang.
Halimbawa:
• Bukas ko na po iuuwi ang pusang ito.
• Saan po maaring makakuha ng libreng tubig?
• Maaari po bang makiinom?
9. Pang-abay na Panulad
Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay
sa pangungusap.
• Halimbawa:
• Mas marami siyang alam kaysa sa akin.
• Higit na magaling umawit si Erik kaysa kay Mark.
• Mas maingay ang bapor kaysa sa tren.

You might also like