You are on page 1of 4

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Ika-limang Baitang
I. Layunin:
1. Natutukoy sa bawat pangungusap ang pang-abay na ginamit at ang uri nito.
2. Nagagamit ang mga uri ng pang-abay sa pangungusap.
3. Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng bawat uri ng pang-abay.

II. Paksang-Aralin
Aralin: Uri ng Pang-abay
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Cartolina, Video clip.
Sanggunian:

III. Pamamaraan
A. Pagbati

B. Panalangin

C. Pagtala ng Lumiban sa Klase

D. Pagtsek ng Takdang-Aralin
E. Balik-Aral
Itanong:
Ano ang pang-abay?

F. Pagganyak
Pangkatang Gawain:

Pangkatin ang klase sa tatlo. Magpakita ng isang video clip at


sasagutin ang mga sumusunod na tanong ng guro. (Batang sumasayaw
VIDEO CLIP)
Itanong:
a. Paano sumayaw ang bata?
b. Saan sumayaw ang bata?
c. Kailan sumayaw ang bata?

G. Pagtatalakay
Pang- abay
• Ang pang-abay ay nakikilala dahil sa kasama ito sa pandiwa, pang-uri o isa
pang pang-abay na bumubuo ng parirala.
• Naglalarawan sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang pang-abay.
Halimbawa:
1. Malayang mamumuhay ang mga mamamayan.
Mga Uri ng Pang-Abay
1. Pang-abay na Pamanahon
Nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
• nang, sa, noong, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
Halimbawa:
1. Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw.
kahapon, kangina, ngayon, bukas, sandali at iba pa
Halimbawa:
Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal.
araw-araw, taon-taon, oras-oras at iba pa
Halimbawa:
Dinidilig araw-araw ng masipag na hardinero ang malawak na damuhan sa
paaralan.
2. Pang-abay na Panlunan
Tumutukoy sa pook na pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos ng
pandiwa.
kay o kina
Kapag kasunod ay pantanging ngalan ng tao.
sa
Kapag kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.

• kay + pangngaalang pantanging ngalan ng tao


Halimbawa: Tumawag siya kay Fely upang ipagbigay-alam ang nangyari.

• kina + pangngaalang pantanging ngalan ng tao


Halimbawa: Nagpaluto ako kina Aling Ingga ng masarap na keyk para sa iyong
kaarawan.

• sa + pangngalang pambalana
Halimbawa: Maraming masasarap na ulam ang itininda sa kantina.

• sa + pangngaalang pantangi na di ngalan ng tao


Halimbawa: Maraming nagsasaliksik sa U.P., sa Ateneo at sa PNC tungkol sa wika.

• sa + panghalip na panao
Halimbawa: Ninawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo.

• sa + panghalip pamatlig
Halimbawa: Nagluto sa ganito ang kanyang ina.

• Maaring sundan ng pariralang pusisyunal na pangngalan at ng.


Halimbawa: Nakita ko ang hinaharap mo sa likod ng kabinet.

3. Pang-abay na Pamamaraan
Naglalarawan kung paano naganap o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa o ng
isang kayariang hango sa pandiwa.
Panandang nang
Halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit.

Panandang na/-ng
Halimbawa:
Bakit siya umalis na umiiyak?
Tumawa siyang parang sira ang isip.

H. Paglalapat
Papangkatin ang klase sa tatlo at sasagutin ang pagsasanay na ibibigay ng guro.
Panuto: Ilagay ang mga pang-abay sa tamang kahon na kinabibilangan nito.

Kay Sandali Hanggang Mula

Sa hospital Mahigpit Kagabi Kahapon

Nang Araw-araw Dahan-dahan Ngayon

Umpisa Sa simbahan Mahigpit Kina

Na/-ng Bukas Mabagal

I. Paglalahat
a. Ano ang uri ng pang-abay?
b. Anu-ano ang mga pinagkaiba ng mga ito?
c. Magbigay ng halimbawa ng pang-abay at gamitin ito sa pangungusap.

IV. Pagtataya

Panuto: Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit
ay pangabay na pamaraan, PN kung ito ay pang-abay na pamanahon, o PL
kung ito ay pang-abay
na panlunan.
______1. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina.
______2. Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw.
______3. Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan.
______4. Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.
______5. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.
______6. Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna.
______7. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak.
______8. Darating na mayamaya ang mga bata mula sa paaralan.
______9. Naglakad nang matulin ang magkapatid.
______10. Dali-daling tumakbo si Alicia sa kanyang inay

V. Takdang-Aralin

Panuto: Isulat ang tamang uri ng pang-abay ang mga sumusunod:

______1. Niyakap ni Aling Dina nang mahigpit si Alicia.


______2. Nahalata ni Alicia ang merienda sa ibabaw ng mesa.
______3. “Nagkaroon kami ng maikling pagsusulit kanina,” sabi ni Alicia.
______4. “Naunawaan mo ba nang mabuti ang leksiyon?” tanong ni Aling Dina.
______5. Pumunta muna si Allen kina Jack dahil may hihiramin siyang aklat.
______6. Nagsisimba ang buong pamilya tuwing Linggo.
______7. Binibisita nila ang kanilang lolo at lola buwan-buwan.
______8. Nakatira ang lolo at lola nila sa isang subdibisyon sa Barangay ng San
Martin.
______9. Masayang nakipagkuwentuhan si Lolo Pedring sa kanyang mga apo.
______10. Nangako ang mga bata na tatawag sila sa telepono bukas.

You might also like