You are on page 1of 11

PANDIWA

BY:
1/C SANTOS JM.
1/C PARUNGAO V.
• Ang pandiwa ay isang salita (bahagi ng pananalita) na
nagsasaad ng kilos o galaw (lakad, takbo, dala), isang
pangyayari (naging, nangyari), o isang katayuan
(tindig, upo, umiral). Tinatawag ito na verb sa wikang
Ingles.
• Mga halimbawa:
• Pumunta  ako sa tindahan
• Binili  ko ang tinapay
• Kumain  ako ng tinapay kaninang umaga
• Lumipad ang mga ibon kasama ang kanilang pinuno
• Tumakbo si Oya sa tindahan
• Lumapit si Badang dahil syaa ay may kaiangan
• Tuon ng pandiwa
• Tuon ng pandiwa ay ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa
sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan
ng taglay na panlapi ng pandiwa.
• Aksyon
• Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa
pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "sino?"
• (mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)
• Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
• Si Anne ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang
suliranin.
• Karanasan
• Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Ito
ay sumasagot sa tanong na "ano?". Tinatawag ito direct
object sa wikang Ingles.
• (-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an)
• Binili ni Jomelia ang bulaklak.
• Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.
• Ganapan
• Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa
pangungusap.Ito ay sumasagot sa tanong na "saan?"
• (pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)
• Dinaraan ng tao ang kalsada.
• Ang tindahan ang pinagbilhan ni Jomelia ng bulaklak.
• Tagatanggap
• Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa
pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "para
kanino?"
• (i- , -in , ipang- , ipag-)
• Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
• Pinakilala sa madla ang kampeon.
• Gamit
• Ang paksa ang bagay na ginagamit upang maisagawa
ang kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot
sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?"
• (ipang- , maipang-)
• Ipinangsulat niya ang pentel pen para mabasa nila ang
nakasulat.
• Si Luciano Pavarotti ay pinagkalooban ng talino sa pag-
awit.
• Pangyayari
• Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng
pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong
na "bakit?"
• (i- , ika- , ikina-)
• Ikinalungkot ng mga bata ang hindi nila pagkikitang
mag-anak.
• Ang pagkain ng mayaman sa kolesterol ang
ipinagkasakit sa puso ni Tong.
• Direksiyon
• Ang paksa ang nagsasaad ng direksiyon ng kilos ng
pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong
na "tungo saan/kanino?"
• (-an , -han , -in , -hin)
• Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
• Pinuntahan ni Maryse ang tindahan para mamili ng
kagamitan.
WAKAS

You might also like