You are on page 1of 10

POKUS NG PANDIWA

Ang pokus ay nagpapakilala ng kaugnayan ng iba’t ibang panlapi ng


pandiwa sa naging posisyon ng paksa sa pangungusap.
1.Pokus sa Tagaganap o Aktor Pokus
Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa
sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sino?”.
• [mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- ,
magpa-]
Hal:
1. Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
2. Nagluto ng masarap na ulam si nanay.
3. Bumili si Rosa ng bulaklak.
4. SiIa ay humingi ng payo sa kanyang kapatid.
• 2. Pokus sa layon – ang layon ng pandiwa ang
siyang nagiging paksa ng pangungusap.
Ginagamitan ito ng mga panlaping i-, -in/-hin, -an/-
han, -ipa, ma-, paki—at pa-
• Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap;
sumasagot sa tanong na “ano?”.
• Sa Ingles, ito ay ang direct object.
Hal:
1. Nasira mo ang mga props para sa play.
2. Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa
amin.
3. Binili ni Rosa ang bulaklak.
• 3. Pokus sa ganapan – ang pokus ay nasa
lokasyon.
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na “saan?”.
[pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an]
• Hal:
1. Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming
gulay.
2. Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para
magluto ng masarap na ulam.
3. Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng
bulaklak.
4. Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong
entablado.
• 4. Pokus sa pinaglalaanan – ang binibigyang-diin ay
ang bagay o taong pinaglalaanan ng kilos.
Ginagamitan ito ng mga panlaping ipag-, at ipinag-.
Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na “para
kanino?”.
[i- , -in , ipang- , ipag-]
Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
• Hal:
1. Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na
ulam.
2. Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen
• 5. Pokus sa instrumento – ang paksa ay an ginagamit
sa pagganap ng kilos.
• Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit
upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na “sa
pamamagitan ng ano?”.
• [ipang- , maipang-]
Hal:
1. Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng masarap
na ulam para sa amin.
2. Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
3. Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa
magnanakaw.
6.Kosatibong pokus o pokus sa
sanhi
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng
pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong
na “bakit?”.
[i- , ika- , ikina-]
Hal:
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam
ng aming nanay.
Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang
nobyo para sa kanya.
Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag
-anak .
7.Pokus sa direksyon
• Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng
pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong
na “tungo saan/kanino?”.
• [-an , -han , -in , -hin]
• Hal:

Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng


kagamitan.
1.Pokus sa Tagaganap o Aktor Pokus
• Ang nanay ay bumili ng tinapay sa supermart.
2. Pokus sa Layon
• Ang tinapay ay binili ng Nanay sa supermart.
3. Pokus sa Ganapan
• Ang supermart ay binilhan ng Nanay ng tinapay.
4. Pokus sa Instrumento
• Ang pera ay ipinamili ng Nanay ng tinapay sa
supermart.
5. Pokus sa Pinaglalaanan
• Ipinamili ng Nanay ang mga bata ng tinapay sa supermart.
6. Kosatibong Pokus
• Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
7. Pokus sa Direksyon
• Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.
Mamatzzzzz!!

You might also like