You are on page 1of 8

Pokus ng Pandiwa

1. Tagaganap o Aktor. Ang paksa ng


pangungusap ang gumaganap sa kilos o
sinasabi ng pandiwa. Ang mga panlaping
ginagamit sa mga pandiwang nasa aktor
pokus ay um, mang, maka, maki, makipag,
at ma. Sumasagot sa tanong na “sino?”.

Hal.
1. Nangisda sa ilog si Nonoy.
2. Nagbabasa ng aklat ang kapatid ko.
3. Kumuha ng mais sa taniman sina Luis at
Leo.
2. Layon o Gol Pokus.
Ang paksa ng pangungusap ang layon
ng kilos o pandiwa. Gumagamit ng
pandiwa na may panlaping –in/-hin.
Maaari ring gamitin ang pandiwa na may
panlaping –i-, –an/-han, -ipa-, at ma-.
Sumasagot sa tanong na “ano?”.

Hal.

1. Iniluto ni Nena ang ulam.


2. Nilalaro ni Lita sa parke ang kanyang
pamangkin.
3. Huhugasan ni Mely ang ating
pinagkainan.
3. Ganapan o Lokatib.
Ang paksa ng pangungusap ay ang
pinangyarihan o ginaganapan ng kilos.
Ang mga panlaping ginagamit ay –an/-
han, pag-/-an, –in/-hin, pang-/-an, at
mapag-/-an. Sumasagot sa tanong na
“saan?”.

Hal.
1. Pupuntahan namin ang Puerto Galera.
2. Tinamnan nina Angel ng kamote ang
bakuran.
3. Inaakyat ng mga sundalo ang matarik
na burol.
4. Tagatanggap o Benepaktib.
Ang paksa ang tumatanggap sa kilos
ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot
sa tanong na “para kanino?”. Gumagamit
ng mga panlaping i-,-in,ipang-, at ipag-.

Hal.

1. Kami ay ipinagluto ni Nanay ng


masarap na ulam.
2. Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal
na Birhen.
5. Instrumental.
Ito ang instrumentong ginamit sa
pagganap ng kilos. Gumagamit ito ng
panlaping ipang-/maipang-. Sumasagot sa
tanong na “sa pamamagitan ng ano?”.

Hal.

1. Ipanghahakot ni Mang Berong ng palay sa


bukid ang kareta.
2. Ipinanungkit ni Sam ng mangga ang
kawayan.
6. Sanhi/Kosatibo/Kawsatib.
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi
ng kilos ng pandiwa sa pangungusap;
sumasagot sa tanong na “bakit?”.
Panlaping ika ang ginagamit.

Hal.

1. Ikinayayamot ni Nene ang maanghang


mong biro.
2. Ikinatuwa ng Lolo ang pagtatanim ni kuya
ng gulay.
7. Direksyunal.
Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon
ng kilos ng pandiwa sa pangungusap;
sumasagot sa tanong na “tungo
saan/kanino?”. Gumagamit ng mga
panlaping –an /-han at –in/-hin ang
pandiwa.

Hal.

1. Sinulatan niya ang kanyang mga


magulang.
2. Pinasyalan ng pangulo ang bahay-
ampunan.
8. Resiprokal.
Kapwa paksa ang gumaganap at
tumatanggap ng kilos at gumagamit ng
panghalip na mag-/-an.

Hal.

1. Nagpasalamatan ang magkakapatid.


2. Nagkukwentuhan ang magpipinsan.
3. Nagbabangayan ang magkakapitbahay.

You might also like