You are on page 1of 26

POKUS NG

PANDIWA
ang tawag sa
relasyong pansemantika ng
pandiwa sa simuno o paksa
ng pangungusap. Naipapakita
ito sa pamamagitan ng taglay
na panlapi ng pandiwa.
Ang paksa ang tagaganap ng
kilos na isinasaad ng pandiwa
sa pangungusap; sumasagot
sa tanong na "sino?".
"sino?"
(nag-,mag- , -um- , mang- , ma- ,
maka- , makapag- , maki- , magpa-)
HALIMBAWA:

Nagluto ng masarap na
ulam si nanay para sa amin.
Bumili si Rosa ng bulaklak.
Ang paksa ang layon ng
pandiwa sa pangungusap;
sumasagot sa tanong na
"ano?".
"ano?"
(-in-, -i- , -ipa- , ma- , -an)
Sa Ingles, ito ay ang direct
object.
HALIMBAWA
Ang ulam na masarap ay
niluto ni nanay para sa
amin.
Binili ni Rosa ang bulaklak.
Ang paksa ang lugar na
ginaganapan ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa
tanong na "saan?".
"saan?"
(pag-/-an , -an/-han , ma-/-an ,
pang-/-an , mapag-/-an)
HALIMBAWA
Pinuntahan ni nanay ang kusina ng
bahay para magluto ng masarap na ulam.
Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng
bulaklak.
Ang paksa ang tumatanggap
sa kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa
tanong na "para kanino?".
"para kanino?"
(i-, -in , ipang- , ipag-)
Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
HALIMBAWA
Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap
na ulam.
Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na
Birhen.
Ang paksa ang kasangkapan o
bagay na ginagamit upang
maisagawa ang kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong
na "sa pamamagitan ng ano?"
"sa pamamagitan
ng ano?"
(ipang- , maipang-)
HALIMBAWA
Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay
ng masarap na ulam para sa amin.
Ipinampunas ni Marco ang basahan sa
mesa.
Ang paksa ang nagpapahayag
ng sanhi ng kilos ng pandiwa
sa pangungusap; sumasagot
sa tanong na “bakit?”.
"bakit?"
(i- , ika- , ikina-)
HALIMBAWA
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng
masarap na ulam ng aming nanay.
Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas
ng kanyang nobyo para sa kanya.
Ang paksa ang nagsasaad ng
direksyon ng kilos ng
pandiwa sa pangungusap;
sumasagot sa tanong na
"tungo saan/kanino?"
"tungo
saan/kanino?"
(-an , -han , -in , -hin)
HALIMBAWA
Sinulatan niya ang kanyang mga
magulang.
Pinuntahan ni Henry ang tindahan
para mamili ng kagamitan.

You might also like