You are on page 1of 12

(Verb)

PANDIWA
Ang pandiwa ay salitang nagpapahayag ng:

- kilos, aksiyon, o gawa


Hal. kumain, mag-aral, malinis, bigyan)
- proseso o pangyayaring karaniwang sadya, ‘di
sadya, likas o ‘di likas
Hal. masunog, bumagyo, kumidlat, umulan,
natabunan, naaksidente
PANDIWA
-karanasan o damdamin
Hal. matuwa, sumaya, magmahal, nilamig,
nainitan, yumabang

May dalawang pangkalahatang anyo ang


pandiwa:
1. binubuo lamang ng salitang-ugat
2. binubuo ng salitang ugat + panlapi
PANDIWA
Ang pandiwa ay may tatlong aspekto. Ang
aspekto ay katangian ng pandiwang nagsasaad
kung kailan nangyari, nangyayari, at mangyayari
o isasagawa pa lamang ang isang kilos.

1. Aspektong Naganap o Perpektibo


2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo
PANDIWA
1. Aspektong Naganap o Perpektibo
- ito ay nagsasaad na tapos na ang gawain

Aspektong Katatapos
- Nangangahulugan itong katatapos pa
lamang ng kilos. Nabubuo ito sa pamamagitan
ng paglalagay ng panlaping ka at pag-uulit sa
unang pantig ng isang salita.
PANDIWA
Perpektibo Perpektibong Imperpektibo Kontemplatibo
Katatapos
nagsaka kasasaka

bumigkas kabibigkas

nag-aral kaaaral

nilikha kalilikha

sinabi kasasabi
PANDIWA
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo
- ito ay nagsasaad na ang inumpisahang
kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa
tapos
PANDIWA
Perpektibo Perpektibong Imperpektibo Kontemplatibo
Katatapos
nagsaka kasasaka nag-sasaka

bumigkas kabibigkas bumibigkas

nag-aral kaaaral nag-aaral

nilikha kalilikha lumilikha

sinabi kasasabi sinasabi


PANDIWA

3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo


- ito ay nagsasaad na ang kilos ay hindi
pa nauumpisahan ay gagawin pa lamang
PANDIWA
Perpektibo Perpektibong Imperpektibo Kontemplatibo
Katatapos
nagsaka kasasaka nag-sasaka mag-sasaka

bumigkas kabibigkas bumibigkas bibigkas

nag-aral kaaaral nag-aaral mag-aaral

nilikha kalilikha limilikha lilikha

sinabi kasasabi sinasabi sasabihin


Kaya mo ‘yan!
Kompletuhin ang table sa baba sa pamamagitan ng
paglalagay ng tamang aspekto ng pandiwa.
Perpektibo Perpektibong Imperpektibo Kontemplatib
Katatapos o
araro

laba

talumpati

sayaw
Kaya mo ‘yan!

sagutan sa aklat

MADALI LANG ‘YAN (260-261)


SUBUKIN PA NATIN (261)

You might also like