You are on page 1of 3

Ang elemento ng kwento ay nagsisilbing gabay

sa mga mambabasa upang mas maintindihan


nila ang kwentong binasa.

1. TAUHAN Ito ang mga tao/bagay/hayop o


mga tauhan kung kanino nakasentro ang
mga pangyayari at mga pantulong na
tauhan.
2. TAGPUAN/PANAHON Ito ang iba't ibang
lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at
kailan nagaganap ang mga pangyayari.
3.SAGLIT NA KASIGLAHAN Inihahanda sa bahaging
ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga
pagsubok o sulirannin na darating sa buhay ng
mga tauhan sa kwento.
4. SULIRANIN O TUNGGALIAN Tumutukoy ito sa
paglalabanan ng pangunahing tauhan at
sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay
maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa
sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.
5. KASUKDULAN Ito ang pinakamataas na uri ng
kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang
mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y
mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng
suliranin.
6. KAKALASAN Ito ang kinalabasan ng paglalaban.
Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
7. WAKAS Tinatawag na trahedya ang wakas kapag
ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng
layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan.
Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na
sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya
para sa mabubuting tauhan

You might also like