You are on page 1of 2

B. Panuto: Basahin ang isang akdang magtuturo sa atin ng halaga ng pagkakaroon ng kapatid.

At
pagkatapos nito’y sagutin ang mga tanong. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.

Mapagmahal na Kapatid

Si Ciara ay isang mabait na bata at mapagmahal na kapatid. Inaalagaan niya ito lalo na kung wala
ang kaniyang nanay. Ngunit isang araw, nagalit si Ciara. Sinira ng kaniyang nakababatang kapatid na
lalaki ang papel na sinulatan ng kaniyang takdang-aralin. Ipinatong niya ito sa ibabaw ng kama. Kinuha
ito ni Hero, ang kaniyang kapatid. Pinaglaruan niya ito. Ginawa niya itong eroplanong papel hanggang sa
mapunit ito.

“Ayaw ko na sa kaniya!” Nasambit niya habang lumuluha at hawak ang papel. Pinagsumikapan
niyang sumulat muli ng panibagong takdang-aralin. Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig siya ng
isang malakas na kalabog. Nahulog ang kaniyang kapatid na si Hero mula sa silya. May galos ito sa
pisngi. Pumalahaw ito ng iyak. Umaagos ang luha nito.

Nakalimutan ni Ciara ang kaniyang galit. Agad na niyakap niya ang kaniyang kapatid.

21. Bakit nagalit si Ciara sa kaniyang kapatid na si Hero?


A. Makulit ang kaniyang kapatid.
B. Hindi sumama sa kaniyang nanay si Hero.
C. Masyadong malikot ang nakababatang kapatid.
D. Pinaglaruan ang papel na sinulatan ng kaniyang takdangaralin.
22. Paano ipinakikita ni Ciara ang pagmamahal sa kapatid?
A. Binibigyan niya ito ng kendi. C. Pinagsasabihan niya ang kapatid.
B. Inaalagaan niya ang kapatid. D. Isinusumbongniya sa nanay.
23. Bakit may narinig na malakas na kalabog si Ciara?
A. Nahulog si Hero. C. Isinara ng nanay ang pinto.
B. May inihagis si Hero. D. Binato nang malakas ang bahay nila.
24. Paano nakalimutan ni Ciara ang galit sa kaniyang kapatid?
A. Nagpakitang-gilas ang kapatid. C. Niyakap siya ng kaniyang kapatid na si Hero.
B. Binigyan siya ng pagkain ng kapatid. D. Nakita niyang may galos sa pisngi at umiiyak ito.
25. Paano ipinadama ni Ciara ang pagdamay at pag-alo sa kapatid?
A. Pinalo niya ang kapatid. C. Pinatulog niya ang kapatid.
B. Niyakap niya ang kapatid. D. Isinumbong niya ang kapatid sa nanay.

Sa bilang 11-15-Isaayos ang pagkasunud-sunod ng mga hakbang sa pagsaing ng bigas.


Isulat ang titik na (A-B-C-D-E) sa patlang.
_________11. Maglagay ng dalawang basong bigas sa kaldero.
_________12. Isalang sa kalan ang kaldero at pabayaang kumulo.
_________13. Sukatin ang dalawang basong tubig. Dagdagan ayon sa uri ng bigas.
_________14. Patayin ang apoy kapag luto na ang sinaing.
_________15. Pahinaan ang apoy kapag wala nang tubig.
Sundin ang panuto.
Gumuhit ng maliit ng parisukat.Sa taas nito ay gumuhit ng tatsulok.Sa magkabilang gilid ay gumuhit
ng pahalang na parihaba. Sa ilalim ng parisukat ay gumuhit ng dalawang nakatayong pahihaba.
Ilagay sa loob ng kahon ang iginuhit mong larawan.

Iguhit ang kung ang pahayag ay gumagamit ng magagalang na pananalita. Iguhit naman

kung hindi. Iguhit sa patlang.

____________1.“Maari po bang akong makahingi ng tubig?”


____________2.”Bakit, Lolo? Ano ang nangyari?”

____________3.”Magandang umaga po, Bb. Marisa.”

____________4.”Paraan nga dyan, Gio!”

____________5.”Tumabi ka nga dyan.”

____________6.”Pakiabot naman po iyong tinapay.”

____________7.”Pakikuha naman ang aking aklat.”

____________8.”Maaari nyo ba akong turuang magluto?”

____________9.”Gusto ko ng tsokolate!”

____________10.”Bayad po.”

You might also like