You are on page 1of 5

Filipino V

1st Periodical

Bilugan ang titik ng tamang sagot

1. Ipinagbunyi ng mga tauhan ng bagong pangulo ang kanyang pagkapanalo. Ano


ang ibig sabihin ng ipinagbunyi?
a. namatayan B. nawalan ng pag-asa C. nalungkot D. nagdiwang
2. Ang nilutong sinigang ni Maria ay malabnaw. Ano ang ibig sabihin ng
malabnaw?
a. makulay B. hindi malapot C. masarap D. hindi malutong
3. Nakalimutan ni Lina ang isang linya ng tula. Ano ang kasalungat ng
nakalimutan?
a. nakita B. naiwan C. nadala D. naalala
4. . Mayabong ang puno ng narra sa labas. Ano ang kasalungat ng mayabong?
a. buhay B. namatay C. dumadami D. malilim
5. . Si Marian Rivera ay isang marikit na babe. Ano ang kasingkahulugan ng
marikit?
a. pangit B. mataray C. maganda D. mabait
6. Ang mga bata ay natutulog sa bahay.Aning uri ng pangngalan ang bata?
a. pambalana B. pantangi C. pambabae D. wala
7. Ang mga guro ng Pulong Sta. Cruz Elementary School ay masipag
magturo.Anong uri ng pangngalan ang nasalungguhitan?
a. pambalana B. panlalaki C. pantangi D. lahat ng nabanggit
8. ______________ bata ay umiiyak. Anong ilalagay sa patlang upang maging
marami ang pangngalang tinutukoy?
a. Ang B. Dalawang C. Isang D. Ang mga
9. . Ginagamit ng mga guro ang libreng oras para makagawa ng mga kagamitan
sa pagtuturo at lesson plan. Ano ang kasarian ang nasalungguhitang salita?
a. pambabae B. di-tiyak C. panlalaki D. walang kasarian
10. Balat-sibuyas ang batang iyan. Anong kayarian ng pangngalan ang
nasalungguhitan?
a. payak B. may lapi C. tambalan D. inuulit
11. Si Ana ay bumili ng laptop dahil kailangan niya ito. Anong gamit ng salitang
nasalungguhitan?
a. simuno B. panaguri C. layon ng pandiwa D.ganapan ng pandiwa
12. Nagpapaliwanag sa pangalan tumutukoy ng tao, bagay , hayop, lugar o
pang-yayari.
a. pangngalan B. panghalip C. konkreto D. di- konkreto
13. Anong uri ng pangngalan ang tumutukoy sa tanging ngalan ng tao,
bagay,lugar o pangyayari sa mga sumusunod
a. pambalana B. pantangi C. konkreto D. di-konkreto
14. Anong pangngalang ang hindi material na bagay. Ito ay tumutukoy sa
diwa o kaisipan.
a. Konkreto B. di – konkreto C. pambalana D. pantangi
15. Kilalanin sa mga sumusunod ang pangngalang nakikita at nahahawakan.
a. Di- konkreto B. konkreto C. pambalana D. pantangi
16. Piliin sa mga sumusunod ang ibang tawag sa konkretong pangngalan?
a. basal B. tahas C. pambalana D. pantangi
17. Ano ang ibang katawagan ng tahas na pangngalan
a. di – konkreto B. konkreto C. pantangi D. pambalana
18. Hanapin sa mga sumusunod ang di nabibilang sa grupo ng pangngalan
a. kaligayan B. katalinuhan C. kagandahan D. bulaklak
19. Mula sa iyong natutunan ang mga sumusunod ay mga pangngalang
konkreto maliban sa isa.
a. upuan B. prutas C. kapayapaan D. sabon
20. Tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao , bagay. Anong uri ng
pangngalang pambalana
a. tahas B. lansakan C. basal D. pantangi
21. Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa lansakan pangngalan
a. lahi B. kasakiman C. eroplano D. kabayanihan
22. Ang buwig ng saging ay matatamis . Anong uri ng pangngalang
pambalana ang nasalungguhitan.
a. tahas B. basal C. lansakan D. pantangi
23. Si G. Teodoro ay kawanisa munisipyo ng kanyang siyudad.
a. Simuno b. kaganapang pansimuno c. pantawag
24. Si Maricel, ang panganay ni Gng. Romeo, ay magtatapos sa
susunod na taon.
a. Pamuno b. pantawag c. tuwirang layon
25. Ramil, magsaliksik tayo sa silid-aklatan mamayang hapon.
a. Pamuno b. pantawag c. tuwirang layon
26. Ang pulong na ito ay tungkol sa mga bagong panukala.
a. Layon ng pang-ukol b. tuwirang layon c. kaganapang pansimuno
27. Sina Carmina at Shiela ay sasama sa ating paglalakbay.
a. Simuno b. kaganapang pansimuno c. pantawag
28. Gumuhit ng napakagandang larawan ang tanyag na pintor.
a. Layon ng pang-ukol b. tuwirang layon c. kaganapang pansimuno
29. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa grupo.?
a. Ramil, magsaliksik tayo sa silid-aklatan mamayang hapon.
b. Sa susunod na linggo na po ang mga pagsusulit namin sapaaralan, Nanay.
c. Hadlang sa kaunlaran ang mga katiwaliang nagaganap sapamahalaan.
30. Alin sa mga sumusunod ang hindi tuwirang layon?
a. Bumili ng mas malaking sasakyan si Roger para sa kanyangpamilya.
b. Unti-unting nawawala ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan.
c. Si Jonas ay mag-aaral sa ika-anim na baitang.
31. Isang umaga ay naglakad-lakad si Princess sa parke kasama ang
kanyang alagang matabangaso. Sa may salungguhit na mga salita, alin ang
pangngalang pantangi?
a. Princess B. parke C. mataba D. aso
32. Biglang dumating ang ulan habang naglalakad kayo ng iyong kaklase
pauwi. Napansin mong wala siyang dalang payong. Ano ang nararapat mong
gawin?
a. Hayaan siyang maglakad sa ulan.
b. Samahan siyang hintaying huminto ang ulan.
c. Anyayahan siyang makisukobsa iyong payong.
d. Iwanan siya sa daan
33. Nakasanayan na ni Kris Ann na may handa sa kanyang kaarawan ngunit
hindi ito nangyari sa taong ito dahil nagkasakit ang kanyang kapatid. Ano
ang nararapat niyang gawin?
a. Magsungit sa kanyang mga magulang.
b. Awayin ang kanyang kapatid.
c. Intindihin ang sitwasyon at magpasalamat sa Panginoon sa kanyang buhay.
d. Magmukmok buong araw.

Bilugan ang 1 kung isahan ang kailanan ng pangngalang nakasalunguhit,

2 kung dalawahan at 3 kung maramihan.

34. 1 2 3 - Pupunta ang magkapatid sa eskwelahan.


35. 1 2 3 - Dala ng magkakalaro ang kanilang mga bisikleta.
36. 1 2 3 - Kakausapin ni Lance at Ralph si Gng. Altares.
37. 1 2 3 - Tatlong titser ang tutulong sa palarong Pinoy
38. 1 2 3 - Ang kambal ay pareho ang suot na damit.

Ang Manok at Ang Uwak

Noong araw, magkaibigang matalik ang manok at ang uwak. Madalas dumalaw ang
uwak kay inahin at makipaglaro sa mga sisiw nito.

Isang araw, sa paglalaro nila, napansin ng manok na may magarang singsing ang
ibon. “Uy, pahiram naman ng singsing mo. Ang ganda-ganda!” sabi niya sa uwak.

“Sige, iiwan ko muna ito sa iyo. Bukas ko na lang kukunin uli,” sagot ng uwak na
mabilis na lumipad uli.
Naglalakad ang inahin at tuwang-tuwa na ipinakikita sa ibang hayop ang singsing
niya nang lumapit ang isang tandang. “Bakit mo suot iyang di sa iyo? Iyang uwak
ay hindi manok na tulad natin, kaya hindi ka dapat makipagkaibigan diyan.
Itapon mo ang singsing!”

Sa kapipilit ng tandang, itinapon ng inahin ang singsing. Kinabukasan, napansin


agad ng uwak na di niya suot ito. “Nasaan ang singsing ko?” tanong ng ibon.

“Ewan ko,” takot na sagot ng manok. “Naglalakad lang ako ay bigla na lang
nawala sa mga kuko ko. Luwag kasi.”

Nahalata ng uwak na nagsisinungaling ang manok dahil nanginginig ito. “Alam ko,
itinapon mo siguro dahil ayaw mo na sa akin. Hanapin mo iyon at ibigay mo uli sa
akin. Hanggang hindi mo naisasauli ang singsing, kukuha ako ng makikita kong
sisiw mo at ililipad ko sa malayo.”

Buhat na nga noon, tuluy-tuloy ang pagkutkot ng manok sa lupa para hanapin ang
itinapong singsing. Pati ibang mga manok, sa pakikisama sa kanya, ay naghahanap
din. Kapag may lumilipad na uwak sa itaas, mahigpit ang tawag ng inahin sa mga
sisiw at tinatakluban agad ng mga pakpak dahil baka danggitin ng uwak.

39. Sino ang matalik namagkaibigan?


a. Inahin at Tandang
b. B. Inahin at Sisiw
c. C. Sisiw at Uwak
d. D. Manok at Uwak
40. Ano ang hiniram ni Inahing Manok kay Uwak?
a. . korona B. kuwintas C. singsing D. hikaw
41. Ano ang ginawa ni Inahing Manok sa singsing?
a. ipinahiram B. itinapon C. ipinagbili D. itinago
42. Bakit itinapon ni Inahing Manok ang singsing ni Uwak?
a. dahil galit siya kay uwak C. dahil pangit ang singsing
b. dahil sa kakapilit ni tandang D. dahil maluwag sa kanya ang singsing
43. Bakit daw hanggang ngayon ay walang tinggil sa pagkutkot salupa ang
mga manok?
a. upang gumawa ng pangingitlugan
b. upang hanapin ang itinapong singsing
c. upang gumawa ng taguan kapag dumating ang uwak
d. upang tabunan ang mga sisiw kapag dumating ang uwak
44. Sino ang ama ng wikang Pambansa?
a. Manuel L. Qizon b. Manuel V. Quizon c. Manuel L. Quezon
45. Kailan ipinanganak si Manuel L. Quezon?

You might also like