You are on page 1of 11

Aspekto ng

Pandiwa
Naganap Na
Ang pawatas na may panlaping
um-/-um- at ang aspektong
naganap na ay pareho.
Salitang- Pawatas Naganap Na
ugat+Panlapi
inom + -um uminom uminom
Ang panlaping - in – sa isang
pawatas ay nagiging unlapi kung ang
salitang-ugat ay nagsisimula sa
patinig at nagiging gitlapi kung ang
salitang-ugat ay nagsisimula sa
katinig.
Salitang- Pawatas Naganap Na
ugat+Panlapi
alis + -in alisin inalis
Ang panlaping ma-, mag-, at
mang- sa isang pawatas ay nagiging
na-, nag-, at nang- sa aspektong
naganap na.

Salitang- Pawatas Naganap Na


ugat+Panlapi
hulog + ma mahulog nahulog
laba + mag- maglaba naglaba
Ginaganap
Kung ang pawatas ay may
panlaping um-, ulitin lamang ang
unang pantig o unang dalawang
titik ng salitang-ugat.

Pawatas Ginaganap
uminom umiinom
kumain kumakain
Kung ang pawatas ay may
panlaping in:
a. Kapag ang salitang-ugat ay
nagsisimula sa patinig, ilagay ang
panlaping in sa unahan at ulitin
ang unang pantig o unang dalawang
titik ng salitang-ugat.
Halimbawa:
alis + in = alisin = inalis
b. Kapag ang salitang-ugat ay
nagsisimula sa katinig, gawing gitlapi
ang in at ulitin ang unang pantig o
unang dalawang titik ng salitang-
ugat.
Halimbawa:
mahal + in = mahalin = minamahal
Kapag ang panlapi ng pawatas ay
ma-, mag-, mang-, gawing na-,
nag-, at nang- at ulitin ang unang
pantig o unang dalawang titik ng
salitang-ugat.
Pawatas Ginaganap
mahulog nahuhulog
maglaba naglalaba
manghiram nanghihiram
 Gaganapin Pa
1.Kapag ang pawatas ay may
panlaping –um/-um-, alisin ang –
um/-um- at ulitin ang unang
pantig o unang dalawang titik ng
salitang-ugat.
Pawatas Ginaganap
uminom iinom
kumain kakain
2. Kapag ang pawatas ay may
panlaping –in, ulitin lamang ang
unang pantig o unang dalawang
titik ng salitang-ugat.

Pawatas Ginaganap
alisin aalisin
mahalin mamahalin
3. Kapag ang pawatas ay may panlaping
ma–, mag-, mang-,mananatili ang ma-,
mag-, at mang-, at uulitin lamang ang
unang pantig o unang dalawang titik ng
salitang-ugat.
Pawatas Ginaganap
mahulog mahuhulog
maglaba maglalaba
manghiram manghihiram
GAWIN
Piliin ang mga pandiwa sa pangungusap. Suriin
ang aspekto nito kung naganap na, ginaganap o
gaganapin pa.
1. Tumutulong ako sa aking nanay sa
mga gawain araw-araw.
2. Nahihilo si Emily kahapon.
3. Laging dumadalo ang mga magulang sa
pulong.
4. Namili si Aling Tinay kahapon.
5. Nagluto ng ulam ang mga anak niyang dalaga
kahapon.

You might also like