You are on page 1of 21

SIMUNO

Ang simuno ang siyang


nagsasabi kung ano o sino
ang pinag-uusapan sa
pangungusap. Ito ang paksa
ng pangungusap.
Halimbawa:

1.Ang mga lobo ay makukulay.

Ano ang makukulay? Ang mga lobo

2.Si Martha ay naghuhugas ng pinggan.

Sino ang naghuhugas ng pinggan? Si Martha

3. Nagtatanim ng palay sina Lukas at Tonyo.

Sinu-sino ang mga nagtatanim ng palay? Sina Lukas at Tonyo


Panaguri
Nagsasabi tungkol sa simuno o paksa ang
panaguri.

Halimbawa:
1.Ang mga lobo ay makukulay.

*Ano ang sinasabi tungkol sa mga lobo?


Makukulay
Panaguri

Halimbawa:
2.Si Martha ay naghuhugas ng pinggan.

 Ano ang sinasabi tungkol kay Martha?


naghuhugas ng pinggan.
AYOS NG PANGUNGUSAP
 KARANIWANG AYOS– ang ayos ng
pangungusap kung nauuna ang panaguri sa
simuno.

HALIMBAWA: Masayahin ang mga Pilipino

 DI-KARANIWANG AYOS- ang ayos ay


may ay na nag-uugnay sa simuno at panaguri.

HALIMBAWA: Ang mga Pilipino ay masayahin


Ang relasyon ng pandiwa sa simuno
o paksa ng pangungusap
1. Tagaganap o Aktor
 Ang paksa ay ang tagaganap ng kilos sa pangungusap
 SINO?

 Bumili si Rosa ng bulaklak

Pandiwa Simuno Aktor/tagaganap


 Naglunsad ng proyekto ang mga
kabataan.

 Nagluto ng masarap na ulam si nanay para


sa amin.
2. Layon o Gol
 Ang paksa ay ang layon sa isang pangungusap.
 ANO?

 Bibilhin ni Rosa ang bulaklak

Pandiwa

Simuno Layon / Gol


 Nasira mo ang mga props sa play.

 Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay.


3. Ganapan o Lokatib
 Ang paksa ay ang lugar na pinaganapan sa pangungusap
 SAAN?

 Ang tindahan ay ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak

Simuno Pandiwa

Lokatib / Ganapan
 Pinagdausan ng paligsahan ang bagong
tayong entablado.

 Pinagtamnan namin ang bukirin ng


maraming gulay.
4. Tagatanggap o Benepaktib
 Ang paksa ay ang tao/bagay na nakinabang sa
kilos na isinagawa sa pangungusap.
 PARA KANINO?

 Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen

Pandiwa Simuno

Tagatanggap / Benepaktib
 Ipinagtimpla niya ng kape ang kanyang
butihing ama.

 Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap


na ulam.
5. Gamit o Instrumental
 Ang paksa ay ang bagay o kasangkapan na
ginagamit upang maisagawa ang kilos.
 SA PAMAMAGITAN NG ANO?

 Ipinambili ni Rosa ang isang daang piso ng isang


bungkos na rosas. a

Pandiwa

Simuno Gamit / Instrumental


 Ipanangguhit niya ang lapis sa papel.

 Ipinangsungkit ni Elena ang tungkod sa


damit na nasa sampayan.
6. Sanhi o Kosatib
 Ang paksa ay ang dahilan ng kilos sa
pangungusap.
 BAKIT?

 Ikinatuwa ni Lola ang pagbili ng rosas ni Rosa.

Pandiwa
Simuno Sanhi / Kosatib
 Ikinainis niya ang di pagdalo ng kanyang
kaibigan sa kanyang kaarawan.

 Ikinamatay ang paninigarilyo simula pa


noong kanyang kabataan.
Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan
para sa mga nasalanta ng bagyo. Pinagdausan
ng paglulunsad na ito ang bulwagan ng
baranggay. Bibigyan nila ng pangkabuhayan
ang mga maralitang palaboy-laboy sa
lansangan. Ipinamili nila ng gamit sa pagluluto
ang mga ilaw ng tahanan. Ang mga materyales
pangkonstruksyon ay ipangkukumpuni sa mga
sirang tahanan ng mga haligi ng tahanan.
Sobrang ikinatuwa ng bawat mag-anak ang
tulong na ito ng mga kabataan.
 Tagaganap
 Ganapan
 Layon
 Tagatanggap
 Gamit
 Sanhi

You might also like