You are on page 1of 27

Pandiwa

Ano ang pandiwa?


-Ang pandiwa ay isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos o
galaw (lakad, takbo, dala), isang pangyayari (naging, nangyari), o isang
katayuan (tindig, upo, umiral). Tinatawag ito na verb sa wikang Ingles.
Mga halimbawa (naka-italiko):
• Pumunta ako sa tindahan.
• Binili ko ang tinapay.
• Kumain ako ng tinapay kaninang umaga.
• Sumakay ako sa jeep papunta sa paaralan.
• Ginagawa ko palagi ang aking mga takdang-aralin.
Aspekto Ng Pandiwa
Ano ang aspekto ng pandiwa?
• Ang pandiwa ay isang salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng
kilos o galaw. Ito ang nagbibigay buhay sa isang pangungusap. Ito ay
maaaring gamitin bilang pang-isahan o pang-maramihan. Ang
pandiwa ay binubuo ng isang salitang ugat at panlapi.
• Bukod dito may mga pandiwa naman na ginagamitan ng higit pa sa isa
pang uri ng panlapi. Panlaping makadiwa ang tawag sa mga panalapi
na matatagpuan sa unahan ng mga salitang ugat ng isang pandiwa.
• Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapahayag kung kailan naganap o
nangyari ang isang kilos o galaw.
• Inilalarawan nito kung ang kilos ay naganap na, magaganap pa lamang
o kung ipagpapatuloy pa ang kilos na kasalukuyang ginagawa.
Mga Aspekto
1.) AspektongNaganap o Perpektibo – Ito ay nagsasaad ng isang kilos na
kung saan na ito ay tapos na, o naganap na. Ito ay tinatawag din na
panahunang pangnagdaan na aspekto ng pandiwa o aspektong katatapos.
Kadalasan itong ginagamitan ng mga salitang kahapon, kanina, noong
isang taon, nakaraan at iba pa.
Halimbawa:
• Naaalala ko pa ng unang beses kong makita ang Maynila.
• Kahapon ako kinasal.
• Noong 1984 nakapagtapos ng pag-aaral ang aking tatay.
• Dating presidente ng Pilipinas si Marcos.
• Nakaalis na ang mga bandido nang kami ay dumating sa kanilang kuta.
• Dumating kahapon sina Pedro galing ng America.
• Ang aming punong guro ang nagbigay ng parangal sa mga natatanging
atleta ng aming paaralan.
2.) Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan – Ito ay naglalarawan ng
isang kilos na laging ginagawa o kasalukuyang nagaganap. Ito ay pandiwa na
nasa panahunang pangkasalukuyan o aspektong nagaganap. Ito ay ginagamitan
ng mga salita na habang, kasalukuyan, at ngayon.
Halimbawa:

• Mamaya na tayo mag-usap dahil nagmamaneho ako ngayon ng kotse sa NLEX.


• Teka, kumakain pa po si mama.
• Habang ako ay naglilinis ng kwarto, si tatay naman ay naglilinis sa sala.
• Naglalaro kami ni bantay sa labas ng bahay.
• Sinamantala kong maligo sa ulan habang ito ay malakas pa.
• Araw-araw na pumupunta si ama sa bukid at nagbubungkal ng lupa.
• 3.) Kontemplatibo o Aspetong Naganap na – Ito ay uri ng pandiwa na nagsasaad
na ang kilos o galaw ay hindi pa nagagawa o nangyari. Ito ay plano pa lamang na
gawin. Tinatawag itong pandiwa ng panahunang panghinaharap o aspektong
magaganap pa lamang. Ito ay ginagamit ng mga salitang tumutukoy sa panahon na
darating pa lamang. Halimbawa ng mga salitang ginagamit bago ang pandiwang ito
ay sa susunod, bukas, sa makalawa, pagdating ng panahon, balang araw at iba
pa.

Halimbawa:
• Papunta kami sa party ni Eric mamayang gabi.
• Sa darating na sabado, walang makakapigil sakin lumangoy buong araw sa dagat.
• Balang-araw, papakasalan kita.
• Kapag dumami na ang miyembro ng ating grupo, seseryosohin na nila ang pakay
natin.
• Gusto kong manirahan sa Japan sa susunod na buwan.
• Pagkatapos ko sa pag aaral ay makakabili rin ako ng mga bagay na gusto ko.
• 4.) Tahasan – Ang pandiwa ang gumaganap na simuno sa isang
pangungusap.
Halimbawa:
• Sinulat ni Juan dela Cruz ang kwento ng mga bulaklak.
• Siya ng nagluto ng aming tanghalian.
• Si Miriam Santiago ang may akda ng paborito kong libro.
• Si Eric Santos ay umawit sa Showtime kanina.
• Pumunta si kuya sa mall para mamili ng mga gamit sa bahay.
• Namitas ng gulay ang mga bata sa bukid.
• 5. Balintiyak – ito ang kasalungat ng aspektong tahasan kung saan ang
simuno ay hindi gumaganap ng kilos o galaw. Ang taga-ganap ng kilos ay
nasa hulihan ng pandiwa.
Halimbawa:
• Ibinato ni tatay ang bola sa akin.
• Gumawa ng magandang komposisyon ng awit si ate Isabel.
• Masarap ang nilutong pagkain ni aling Juana.
• Maayos kong ginawa ang trabaho ko.
• Ang magandang dokumentaryo sa telebisyon ay gawa ni Kara David.
Panlapi
Ano ang panlapi?
• Ito ay mga salitang ginagamit na magkadugtong sa
salitang ugat.
Mga Uri
1. Unlapi
• Ito ay ginagamit sa unahan ng salitang ugat. Ang mga madalas
ginagamit na mga unlapi ay ma-, ,mag-, na-, nag-, pag-, pala-, atbp.
Halimbawa:
• magtanim
• mahusay
• pagkabigat
• makatao
• nahulog
• palabiro
2. Gitlapi
• Ito ay ginagamit sa gitna ng salitang ugat. Ang mga madalas
ginagamit na mga gitlapi ay -um-, at -in-
Halimbawa:

• pinasok
• pinalitan
• gumagamit
• tumakbo
• sumayaw
3. Hulapi
• Ito ay nasa huli ng salitang ugat. Ang karaniwang ginagamit na hulapi
ay -an, -han, -in, -hin.
Halimbawa:

• kaligayahan
• palitan
• basahin
• pinagsabihan
• sabihin
4.Kabilaan
• Kapag ang panlapi ay nasa unahan at hulihan ng salitang-ugat.
• Ang mga salitang-ugat na simula, husay, at tawad ay dinagdagan ng mga
kabilaang panlaping kaparis ng pinag- at –an, ka- at –an, at pa- at –in.

Halimbawa:
• Hindi nila malilimot ang kanilang pinagmulan.
• Ipinamalas ng manlalaro ang kahusayan sa boksing.
• Patawarin nawa ng Maykapal ang mga taong gumagawa ng krimen.
5. Laguhan
• Kapag may mga panlapi sa unahan, gitna, o hulihan ng salitang-ugat.
• Ang mga salitang-ugat na sigaw, gata, at sukob ay kinabitan ng mga
panlaping ipag-um-an, nag-in-an, at pinag-in-an.
Halimbawa:
• Ipagsumigawan mong mahal mo siya.
• Ang ina ay nagginatan para sa kanyang mag-anak.
• Nilabhan ng lola ang pinagsinukuban ng apo.
Panandang Salita
Ano ang panandang salita?
• Ang Panandang salita ay nagbabadya o nagsisilbing tanda ng
gamit na pambalarila ng isang salita sa loob ng pangungusap.
Maaari itong magbadya ng ayos ng mga bahagi ng
pangungusap.
Halimbawa ng
Panandang Salita
1. 'kay/kina' - ito ay isang pananda ng pangngalan na ginagamit na layon
ng pandiwa o panuring. 'Kay' ang ginagamit kung ang pangngalan ay isa
o pang-isahan at 'kina' kung ito naman ay pang maramihan.
Halimbawa:
• Ang sulat ay para kay nanay.
2. 'ang/ang mga' - ay ginagamit sa pantukoy ng simuno o pangngalan sa
pangungusap.
Halimbawa:
• Sinulat ang pangalan ng mga maiingay sa pisara.
3. 'sa/para sa' - ito ay ginagamit bilang isang panandang ganapan kung
saan naganap ang kilos ng pandiwa. Ito ay nagiging panandang kaalanan
kung sinamahan ng salitang 'para’.
Halimbawa:
• Ginagawa ko ito para sa aking mga panagarap.

4. 'si/sina' - ay ginagamit sa pagtukoy ng tao o mga tao sa pangungusap.


Ang 'si' ay ginagamit sa isahan at ang 'sina' ay para sa dalawahan o
maramihan.
Halimbawa:
• Sina nanay at tatay ang nagdisenyo ng aming bahay.
5. 'ng/ng mga' - ito ay ginagamit bilang pananda sa pangngalan na
ginagamit na layon ng pandiwa, panuring na paari o tatanggap ng
pandiwa.
Halimbawa:
• Bumili ka ng gulay sa palengke.
6. 'ay' - isang pang-angkop o panandang pagbabaliktad. Kadalasang
ginagamit sa pangungusap na di-tuwiran o baliktad na ayos .
Halimbawa:
• Sina Romeo at Juliet ay ikakasal na.

You might also like