You are on page 1of 6

ARVIN GAE D.

CALUNSAG
MALT-FILIPINO
arvingae.calunsag@deped.gov.ph

Pang-abay
 Istruktural na Kahulugan
 Ang pang-abay ay nakikilala dahil sa kasama ito sa
pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo ng
parirala.
 Pansemantikang Kahulugan
 Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang pang-
abay.

Halimbawa:

A. Panturing sa pang-uri

 Ang manggang itinitinda ni Maria ay masyadong maasim.

B. Panturing sa pandiwa

 Dahan-dahang inakyat ni Ben ang puno.

C. Panturing sa kapwa pang-abay

 Talagang mabagal umunlad ang mga taong tamad.

Dalawang Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Kataga o Ingklitik

 Mga katagang laging sumusunod sa unang salita ng kayariang


kinabibilangan.

16 na Kataga

ba daw/raw pala man

din/rin tuloy muna


lamang/lang

kaya nga naman pa

yata na sana kasi


2. Pang-abay na Salita o Parirala

a. Pang-abay na Pamanahon

 Nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay


ng pandiwa.
May Pananda

sa noong kung kapag tuwing

buhat mula umpisa hanggang at iba pa

Halimbawa: Naliligo ako tuwing gabi.

Walang Pananda

kahapon kangina ngayon bukas sandali atbp.

Halimbawa: Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal.

Dalas ng Pagganap

araw-araw taon-taon oras-oras at iba pa

Halimbawa: Dinidilig araw-araw ng masipag na hardinero ang


malawak na damuhan sa paaralan.

b. Pang-abay na Panlunan

 Tumutukoy sa pook na pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos


ng pandiwa.
kay o kina
 Kapag kasunod ay pantanging ngalan ng tao.
 kay + pangngalang pantanging ngalan ng tao

Halimbawa: Tumawag siya kay Fely upang ipagbigay-alam ang


nangyari.
sa
 Kapag kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.
 sa + pangngalang pambalana
Halimbawa: Maraming masasarap na ulam ang itininda sa
kantina.
 sa + pangngalang pantangi na di ngalan ng tao

Halimbawa: Maraming nagsasaliksik sa U.P., sa Ateneo at sa PNC


tungkol sa wika.
 sa + panghalip na panao

Halimbawa: Nanawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo.

 sa + panghalip pamatlig

Halimbawa: Nagluto sa ganito ang kanyang ina.

 Maaaring sundan ng pariralang posisyunal na pangngalan


at ng.

Halimbawa: Nakita ko ang hinaharap mo sa likod ng kabinet.

c. Pang-abay na Pamaraan

 Naglalarawan kung paano naganap o magaganap ang kilos na


ipinahahayag ng pandiwa o ng isang kayariang hango sa pandiwa.

Panandang nang

Halimbawa: Kinamayan niya ako nang mahigpit.

Panandang na/-ng

Halimbawa: Bakit siya umalis na umiiyak?

Tumawa siyang parang sira ang isip.

d. Pang-abay na Pang-agam

 Nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.

marahil, siguro, tila, baka, at iba pa

Halimbawa: Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa


desisyon
ng Sandiganbayan.
e. Pang-abay na Kondisyunal

 Nagsasad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng


pandiwa.
kung, kapag, o pag at pagka-

Halimbawa: Luluwag ang ekonomiya ng bayan kapag


nakapagtatag ng maraming industriya dito sa atin.

f. Pang-abay na Panang-ayon

 Nagsasaad ng pagsang-ayon.

oo, opo, tunay, talaga, at iba pa

Halimbawa: Oo, asahan mo ang aking pagtulong.

g. Pang-abay na Pananggi

 Nagsasaad ng pagtanggi
hindi/di at ayaw

Halimbawa: Hindi pa lubusang nagagamot ang sakit na kanser.

h. Pang-abay na Panggaano o Pampanukatan

 Nagsasaad ng timbang o sukat.

Halimbawa: Tumaba ako nang limang libra.

Tumagal nang apat na oras ang operasyon niya.

i. Pang-abay na Kusatibo

 Nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa.


dahil sa, sanhi ng/sa, bunga ng/sa

Halimbawa: Nagkasakit si Vianing dahil sa pagpapabaya sa


katawan.
j. Pang-abay na Benepaktibo

 Nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagganap sa


kilos ng pandiwa o ng layunin ng kilos ng pandiwa.
para sa

Halimbawa: Mag-aroskaldo ka para sa maysakit.

k. Pang-abay na Pangkaukulan

 Nagsasaad ng pag-uukol.

tungkol, hinggil o ukol

Halimbawa: Nagplano kami tungkol sa gagawin nating


pagdiriwang.

*********************************************************************************

SANGGUNIAN:

Internet

Santos, P (2011, Marso 13). Bahagi ng Pananalita: Ang Pang-abay


(Adverb). [Web log post] Filipino Tutorial. Retrieved from
http://filipinotutorial.blogspot.com/2011/03/bahagi-ng-
pananalita-ang-pang-abay.html

________, (__________). Pang-abay Powerpoint Presentation. [Web log post]


________. Retrieved from https//katherinellup.files.wordpress.com/
pang-abay-powerpoint-presentation.html

Aklat
Santiago, Alfonso O. Tiangco, Norma G. 2003. Makabagong
balarilang Filipino (Binagong edisyon). Maynila: REX Book Store.

You might also like