You are on page 1of 6

Mga Uri ng Panghalip

 Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay ang salitang pamalit o panghalili sa


pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o sa kasunod na pangungusap. Isa
rin ito sa mga Bahagi ng Pananalita o Parts of Speech.

Hal.
Sina Carlo at John ay magkaklase. Sila ay magkaibigan rin.
Ano ang ipinalit kina carlo at john sa pangalawang pangungusap? (SILA) upang hindi na
ulitin pa ang pangalan.

Ang aming tahanan ay masayang bayan. Doon ay masaya kaming naninirahan.


Ano ang salitang ipinalit sa pagtuturo ng pangngalang tahan? DOON
May anim (6) na uri ang panghalip: ang Panao, Pamatlig, Pananong, Panaklaw, Pamanggit, at
Patulad.
1. PANGHALIP PANAO
Mula ito sa salitang “tao”, kaya’t nagpapahiwatig na “para sa tao” o “pangtao”. Ito ay kilala rin
sa Ingles bilang personal pronoun. Panghalili ito sa ngalan ng tao.
Ilan sa mga salitang halimbawa ng panghalip panao ay ang:
ako (me), ko, akin (mine), amin, kami (we), kayo, atin, inyo, kita, kata, mo (you), siya (he/she),
kanila (theirs), at kanya (hers/his).
Ang Panghalip Panao ay may kailanan:
Ang Panghalip na Panao ay may isahan, dalawahan at maraming anyo.

Taong Taong Pinag-


Panauhan Taong Kausap
nagsasalita uusapan

ikaw, ka, mo,


Isahan ako, ko, akin siya, niya, kanya
iyo

Dalawahan kata, kita

Tayo, Kami,
kayo, inyo,
Maramihan amin, atin, sila, nila, kanila
ninyo
natin, namin
Si Tatay Eli at Lloyd ay papunta sa palengke.
(Sila ay papunta sa palengke.)

Ang magsasaka na ang bahala diyan.


(Siya na ang bahala diyan.)

Ako ang may-ari ng kotseng pula sa labas.


Mag-iipon ako ng pera para may maipambayad sa kuryente sa makalawa.
Sa akin mo isauli ang damit na hiniram niya.
Bukas ko pupuntahan si Mori.
Ako ay may lobo.

Gawain:
Ako at ang kaibigan kong si Toto ay magbibigay ng donasyon sa mga nasalanta ng bagyo.
Kami ay bibili ng mga pagkain at magbibigay ng mga lumang damit.

Kita nang kumain sa karinderya. (Kumain tayong dalawa sa karinderya.)


Kata nang magbasa sa silid-aklatan.(Magbasa tayong dalawa sa silid-aklatan.)
Kita nang sumayaw sa saliw ng “Sige, Ikembot”. (Sumayaw tayong dalawa sa saliw ng
“Sige, Ikembot”.)
Kata nang umawit ng “Magtanim ay di biro”. (Umawit tayong dalawa ng “Magtanim ay
di biro”.)
Kita nang mag-ehersisyo sa may plasa. (Mag-ehersisyo tayong dalawa sa may plasa.)
Kata nang matulog sa bahay ni Lola Penchang. (Matulog tayong dalawa sa bahay ni Lola
Penchang.)

Tumakbo kata.
Let’s run.
Tumakbo tayo.

MGA KAHULUGAN SA TAGALOG


katá: táyong dalawa
katá: ikaw at ako

2. PANGHALIP PAMATLIG
Kilala ito sa wikang Ingles na demonstrative pronoun. Ito ay inihahalili sa pangngalang
nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip na
pamatlig ang mga salitang ito:

Uri ng panghalip pamatlig.

 Kunin mo ang pitaka (nasa ibabaw ng mesa).


 Kunin mo iyan.
 Tupiin mo bago mo ipasok sa kabinet.
 Ganito ang gawin mo bago mo ipasok sa kabinet.
 Ang bag na ito ay bigay ni nanay sa akin.
 Doon nakatira si Pamela.
 Ito ang aking kaibigang si Julius.
 Dito kame kinasal ni Leni.
 Kunin mo iyan.
 Diyan tayo maglalaro ng basketball bukas.
3. PANGHALIP PANANONG
Ang panghalip pananong ay inihahalili sa pangngalan sa paraang patanong. Maari itong isahan o
maramihan. Ito ay mula sa salitang “tanong”, kaya’t may pakahulugang “pantanong”. Ang
panghalip na pananong ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao, pook, pangyayari, bagay,
etc. Tinatawag itong interrogative pronoun sa Ingles. (sino, ilan, ano-ano, sino-sino, atb.)
Narito ang panghalip na Pananong at ang Pangngalang pinapalitan ng bawat isa.

 Saan-Lugar
 Sino- tao
 Kanino/nino-tao
 Ano-bagay,hayop,katangian,pangyayari
 Alin-bagay na may pagpipiliian
 Bakit- dahilan ng pangyayari
 Paano – paraan ng paggawa
 Gaano – sukat o bigat
 Magkano-halaga

Ang panghalip na pananong ay may kailanang isahan at maramihan. Nabubuo ang


maramihan sa isang panghalip na pananong sa pamamagitan ng pag-uulit ng salita o ng
unang dalawang pantig. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip na pananong o patanong
ay ang mga salitang ano (what), anu-ano, sino (who), sino-sino, nino, alin, at alin-alin.

Isahan Maramihan

Ano Ano-ano

Sino Sino-sino

Ilan Ilan-ilan

Alin Alin-alin

Kanino Kani-kanino

Halimbawa:

 Sino ang kumuha ng aking pera sa wallet?


 Ano ang mga natutunan mo sa eskwelahan?
 Kanino ko ibibigay ang napulot kong pera?
 Ilan ang iyong anak?
 Sino ang ama ni Jose Rizal?
 Kanino itong payong?
 Ano ang pangalan mo?
 Alin sa mga ito ang susuotin mo mamaya sa party?
 Ilan lahat ang natirang tupa?
 Anu-ano ang mga pinamili mo sa bayan?
 Sinu-sino ang kasama ni Marta kanina?
 Alin-alin ang mahalaga sa iyo?
 Ano ang miryenda mamaya?
 Sino ang kasama ni Inday sa mall?
4. PANGHALIP PANAKLAW
Ang panghalip panaklaw o Indefinite Pronoun sa wikang Ingles ay mga panghalip na
sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan. Mula ito sa salitang
saklaw na may pahiwatig na pangsaklaw o pangsakop. Ito ay nagsasaad ng dami o bilang ng tao
o bagay na nasasaklaw ng kilos. Ilan sa mga halimbawa nito ang lahat, madla, sinuman, alinman,
anuman, pawang, saanman, ilan, bawat,gaano man, kaninoman,kapwa,marami…

Mga Halimbawa:

 Lahat ay manonood ng sine bukas.


 Sinuman sa kanila ay karapat-dapat na manalo.
 Sinuman sa inyo ay maaring kumain sa piging mamayang gabi.
 Alinman ang iyong maibigan ay ibibigay ko sa iyo.
 Anuman ang iyong pangarap ay susuportahan ko.
 Pawang kasinungalingan ang lumalabas sa kanyang bibig.
 Isa tayo sa naambunan ng grasya.
 Bawat isa ay may karapatang maging masaya.
 Ang lahat ng ito ay magagawa mo rin.
 Pawang kabutihan ang iginaganti niya.

5. Panghalip Pamanggit
Panghalip na Pamanggit

Ang panghalip na pamanggit ay ginagamit bilang tagapag-ugnay ng dalawang pananalita. Sa


Ingles, ito ay itinatawag na relative pronoun.
Mga Halimbawa:

na
ng
Ang babae na nanalo ay sa barangay namin nakatira.
Ang paa ng kalabaw ay malalaki.

Gawain: Tukuyin ang angkop na panghalip sa Pangungusap

2. Sabihin kung anog uri ng


panghalip ang may salungguhit sa
pangungusap.

You might also like