You are on page 1of 5

North Eastern Mindanao State University

Tandag City
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
Graduate School

PANGALAN: ELFEULYN T. TORINO-MAFLT


TOPIC: KULTURA AT EDUKASYON
PAMAGAT: Kulturang Pilipino bilang Estratehiya sa Pagtuturo sa Edukasyon
INTRODUKSYON:
Sa kasalukuyang panahon ngayon masasabing unti- unti nang naglalaho ang kultura ng
mga Pilipino. Sa kadahilanang laganap na sa buong bansa ang kulturang banyaga sa buhay.
Mapapansin sa larangan ng pananamit, mga gamit at sa pag-uugali ng mga kabataan ngayon ay
iba na kumpara sa mga naunang henerasyon. Ayon nga sa nabanggit na konklusyon sa pag-
aaral niRosela (2014), ang pagbabago ay hindi natin kayang pigilan.
Sabi nga, “The only constant thing in this world is CHANGE.” Marami tayong kultura at
tradisyon na hindi pa natin nagagawang limutin. Nagkakataon lang na kaagad tayong
naiimpluwensiyahan ng mga dayuhang bansa. Palatandaan lamang na ang kultura ng isang lugar
ay kinapapalooban ng kanyang mga katutubo at natatanging kaugalian, paniniwala at mga batas.
Dito nakikilala ang isang bansa at ang kanyang mga mamamayan. Ang kultura ay isang
mabisang instrumento sa pambansang pagkakaisa dahil dito naipapahayag ang tunay na diwa ng
pakikipagkapwa.
Ang mabubuting gawi, kaugalian at kinamulatan ng isang Pilipino ay nailalarawan ng
mga kaalamang-bayan gaya ng mga alamat, kwentong-bayan, pabula at epiko. Kahit na ang mga
ito ay masabi luma o lipas na, maaari itong pagbatayan ng mga kabutihang asal na dapat ipamana
at
Malaman sa mga sumsunod na henerasyon. Kung kaya’t
nararapat na panatilihing buhay ang ating mga kultura sapagkat dito nasasalig ang
pagkakakinlanlan, kaisahan,kamalayan at kinabukasan.
Katulad nga ng nabanggit ni F. Sionil Jose (2006), marami sa mga Pilipino ang walang
ganap na pag-unawa sa kanilang pagiging nasyon. Ang kakulangang ito ang sinasabing isa sa
mga dahilan kung bakit walang tunay napagmamahal sa bayan ang maraming mamamayan.
Bilang isang taga-panday ng mga kabaatan na may napakamakabuluhang papel sa paghubog ng
kakayahan at kagalingan ng mga kabataan. At nagsisilbing instrument upang matamo ng mga
mag-aaral ang inaasam na tagumpay sa darating na panahon nang walang pagkukubli sa
kulturang kinagisnan bilang isang mamamayang Pilipino. Kung kaya ang guro ay nasa isang
kritikal na posisyon na magsasagawa ng solusyon sa pagsubok kung papaano niya mas
mapapabuti ang pagtuturo para sa hinahangad na layunin. Sa pagtataguyod ng layunin na ito
hindi lamang ng guro kung hindi pati ang pamahalaan ay magkatuwang upang magkaroon ng
pagbabago sa sistema ng edukasyon. Ang K to 12 Kurikulum (2012) ayipinanukala upang
matugununan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at makasabay sila sa pandaigdigang
kompetisyon. Ang pagbabagong ito ay nakatuon din sa pagbabago sa paraan ng pagtuturo ng
mga guro sa iba’t ibang asignatura. Ang tradisyunal na paraan ay pinalitan ng mga makabagong
estratehiya na kaalinsabay at katulong ang mga nakagisnang kultura ng isang lugar na mas
magbibigay motibasyon sa interes ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Alinsunod sa
isinasaad ng mga tuntunin at mga Regulasyong Pampatupad ng Batas sa Pinabuting Batayang
Edukasyon ng 2013 sa ilalim ng tuntunin sa Kurikulum Section 10.2, na “…Ang kurikulum ay
kinakailangang bukas upang maaaring isalokal, isakatutubo, at pabutihin pa itong mga paaralan
batay sa kanilang mga partikular nakontekstong pang-edukasyon at panlipunan.Binigyang-diin ni
North Eastern Mindanao State University
Tandag City
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
Graduate School
Almario ayon sa isinulat ni Tomas U.Santos sa pahayagan ng Unibersidad ng Sto. Tomas (2012)
na

limitado ang cultural literacy ng mga Pilipino lalo na ang mga kabataan kaya dapat itong mas
palawigin pa. Ayon nga kay Avila (2010): Patunay lamang ito na hindi dapat kalimutan o iisang-
tabi ang kahalagahan ng kultura. Ito ang magsisilbing giya
sa kabila ng modernisasyon ngayon.Ang paggamit ng mga kulturang Pilpino sa pagtuturo ay
magbibigay kasiningan sa pagtuturo at paggunita ng mga mag-aaral sa kulturang mayroon tayo
sa bansa. Malaking hamon para sa isang guro na buhayin ang mga bagay na hindi naman
masasabing patay na. Ito ay dalalamang ng pagtabon ng mga makabagong kaugalian na nagging
dahilan sa pagkalimot ng mga kulturang Pilipino.
“Ang Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng (2010) Secondary Education
Curriculum) sa Filipino,na kasalukuyang ipinapatupad ng Kagawaran ng Edukasyon, ay
nagbibigay-diin sa pagtuturo ng iba’t ibang uri ng panitikan (literari). Kinikilala ang isinaayos na
kurikulum ang kahalagahan ng panitikan sa paglinang ng kasanayang pangkomunikatibong mga
mag-aaral, mga angkop na pagpapahalaga at mahahalagang kaisipan tungo sa pagtatamo ng
kultural literasi (cultural literasi”.
  Patunay lamang ito na hindi dapat kalimutan o iisang-tabi ang kahalagahan ng kultura. Ito
ang magsisilbing giya sa kabila ng modernisasyon ngayon.Ang paggamit ng mga kulturang
Pilipino sa pagtuturo ay magbibigay kasiningan sa pagtuturo at paggunita ng mga mag-aaral sa
kulturang mayroon tayo sa bansa.Malaking hamon para sa isang guro na buhayin ang mgabagay
na hindi naman masasabing patay na. Ito ay dala lamang ng pagtabon ng mga makabagong
kaugalian na nagging dahilan sa pagkalimot ng mga kulturang Pilipino.
Sa larangan ng pagtuturo ng kahit anumang wika ayhindi nag-iiba kung ang pag-uusapan
ay pananaw atpamamaraan nito. Sa kahit na anong pagtingin, ang pagtuturona may maaayos na
komunikasyon ay nagiging epektibo kungang isang guro ay gumagamit ng isang epektibong
teknik,pamamaraan o metodolohiya na nilalangkapan ng pagpapahalagasa kultura upang mailipat
ang pagkatuto sa wikang ninanaismatutunan ng mga mag-aaral.Ang usapin tungkol sa mga
mabisang pamamaraan ngpagtuturo ay hindi dapat ipag-walang bahala sapagkatimportanteng
mabigyang pansin nito hindi lamang ang mgamag-aaral na may iba’t ibang paraan ng pagkatuto
kung hindipati na rin sa mga guro na nakakaharap sa isangnapakalaking hamon sa buhay.
Marapat lamang na pagtuunan ngpansin ang isyu tungkol sa kung ano ang mabisang paraan
ngpagtuturo na hindi naiiwanan ang kulturang Pilipino. Kunggayon pangunahing layunin ng pag-
aaral na ito na tiyakinkung gaaano kabisa ang paggamit ng kulturang Pilino bilangestratehiya sa
pagtuturo ng Filipino sa pagkakaroon ngmakabuluhan at mabungang pagkatuto.

REAKSYON:
Ang pag-aaral na ito ay may layuning magamit ng mga
guro ang mga kulturang Pilipino bilang estratehiya sa pagtuturo ng Filipino.
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
North Eastern Mindanao State University
Tandag City
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
Graduate School
Sa bahaging ito nakapaloob ang mga kaugnay na literatura na isinagawa sa Pilipinas at maging
sa ibang bansa na kakalapin sa mga silid-aklatan at sa internet namay kaugnayan sa pananaliksik.

KAUGNAY NA LITERATURA
Tinuran ni Kizlik (2012) sa paggamit ng mga teknik sa pagtuturo, magiging epektibo lamang ito
kung nauunawaan ng guro ang mga pangunahing panuntunan at mga palagay kung saan at paano
iaangkop ang isang espesipikong teknik sa kanyang pagtuturo. Mahalaga ayon sa kanya ang
magkaroon ng tumpak na estratehiya na babagay sa mga uri ng mag-aaral upang mapataas ang
antas ng kanilang pagkatututo.Ayon nga sa sinabi ni Lardizabal (2003), maituturing na mabisa
ang paggamit ng mga estratehiya kung natitiyak ng mga ito ang pagkatuto ng mga mag-aaral.S
inang-ayunan ito ni Magpantay (2011),na ang pagpiling angkop na estratehiya o metodo sa
pagtuturo upang makamit ang epektibong pagkatuto ay nakasalalay sa guro. Sa bawat araw ay
kailangang makabuo sila ng mga dulog o interbensyon nalalamanin ng aralin na aangkop sa mga
pagbabagong nagaganap sa sistema ng edukasyon.
Ayon naman sa nabanggit ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang estratehiya ay
isang kasanayan at kadalubhasaansa pamamatnugot ng alinmang gawain o suliranin.
Kung kaya’t ani ni Davis (2008), maraming magagandang estratehiyang magagamit ang mga
edukador upang malinang at mapaunlad ang pagpapahalaga sa literature o kultura ng kanilang
mga mag-aaral.Kailangang maghanap at mag-isip ang guro ng mga interbensyong may temang
nag-uugnay sa kasalukuyang panahon o kalagayan ng buhay ngayon. Ang mga pagbanggit sa
mga literatura ay makatutulong nang malaki sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat ang mga ito ay
mapanggagalingan ng mga ideya at konseptong may kaugnayan sa pag-aaral. Ang angkop na
estratehiya o pamamaraan ng pagtuturo ay magpapatibay upang mapataas ang antas ng pagkatuto
ng mga mag-aaral. At para mas lalong malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral.Sang-ayon ito
sa sinabi ni Morley (2001) ang awtentikong kagamitan ay makabuluhan at nagbibigay
motibasyon sa mga mag-aaral sa matalinong pagkatuto,nagagawa nitong ipahayag ang tunay na
nilalaman ngi struktura ng lenggwahe.
Dagdag pa ni Peacock (1997) ang mga materyales ay ginagawa upang matugunan ang
ilang adhikaing pangsosyal sa pag-aaral ng lenggwahe sa komunidad. Sa pamamagitan nito
nagkakaroon ng eksposyur ang mga mag-aaral sa pag- aaral ng wika, gamit ang awtentikong
kagamitang panturo. Sa gayon madaling ,magkaroon sila ng pagkatuto at kamalayan sa mga
bagay sa kanilang komunidad na ginagamit nila sa kanilang pang-araw-araw na pakikipamuhay.
Kung kaya’t ang akda ng mga Pilipino ay malaki ang nagagawa sa paghubog ng bawat
yugto ng kasaysayan ng lahi sinabi pa rin niya na magiging malawak ito sa darating na panahon.
(Alejandro.1985). Dagdag pa, na ang panitikan ay hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo
kung hindi ito’y nag-iingat ng mga karanasan, tradisyon at mga mithiin ng bawat bansa.
Hinuhubog sa panitikan ang kagandahan ng kultura ng bawat lipunan. Dito nasusulat ang mga
tunay na henyo ng bawat panahon (Salazar, et.al.2005).Patunay lamang na ang paggunita sa mga
kulturang Pilipino ay nararapat na paunlarain sa kabila ng pagiging moderno ng bansa. Bukod
dito nararapat na simulan ito sa paaralan, ipaalala gayundin, ituro sa mga mag-aaral nang bagong
henerasyon ang nakublihang mga yaman ng isang mamamayang Pilipino.Ayon nga sa paghayag
na mahalaga ang pagkakaroon ng mga mamamayang makabayan sa pagsulong ng isang bansa
(Loong,2007; de Quiros, 2002,Lumbera, 2000).Alinsunod ito sa isinasaad ng konstitusyon 1987
na kumikila sa kahalagahan ng kultura , artikulo IV. Seksyon17, dapat kilalanin, igalang, at
pangalagaan ng Estado ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural sa
pagpapanatili at pagpapayaman ng kanilang kultura, mga
North Eastern Mindanao State University
Tandag City
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
Graduate School
tradisyon, at mga institusyon. Dapat isaalang-alang nito ang mga karapatang ito sa
pagbabalangkas ng mga pambansang plano at mga patakaran.Kung gayon, paano mapapaunlad
ang isang bayan kung tayo mismong nakasaksi nito ay lumimot
nadin sa ganitong nakagisnan. At sekyon 18 na, (1) Dapatseguruhin ng Estado ang pantay na
pagtamo ng mga pagkakataong kultural sa pamamagitan ng sistemang pang-edukasyon, mga
kultural na entity sa publiko o pribado, at mga scholarship, mga kaloob at iba pang mga
insentibo, at mga pampamayanang sentrong kultural at iba pang mga tanghalang pangmadla.
(2) Dapat pasiglahin at tangkilikinng Estado ang mga pananaliksik at mga pag-aaral tungkol sa
mga sining at kultura.
 
 KONKLUSYON:
Ang sistema ng paaralan ay binubuo ng mga paniniwala, pananaw, ugali at tuntunin na
nakakaimpluwensya sa lahat ng aspeto ng isang paaralan. Gayunpaman, ang kahalagahan ng
kultura ang paaralan ay higit pa sa mga tuntunin at pag-uugali, kabilang dito ang pagkakaiba-iba
ng mga mag-aaral, ang kanilang kagalingan at maging ang kaayusan sa loob ng mga silid-aralan
at mga karaniwang lugar.
Maraming magagandang estratehiyang magagamit ang mga edukador upang malinang at
mapaunlad ang pagpapahalaga sa literature o kultura ng kanilang mga mag-aaral.Kailangang
maghanap at mag-isip ang guro ng mga interbensyong may temang nag-uugnay sa kasalukuyang
panahon o kalagayan ng buhay ngayon. Ang mga pagbanggit sa mga literatura ay makatutulong
nang malaki sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat ang mga ito ay mapanggagalingan ng mga
ideya at konseptong may kaugnayan sa pag-aaral. Ang angkop na estratehiya o pamamaraan ng
pagtuturo ay magpapatibay upang mapataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao. Nakakatulong ito sa
pagpapa-unlad ng sarili at maging ang kinabukasan. Nagpapalakas ito ng loob ng isang tao para
makipagsapalaran sa buhay. Nagpapatatag sa pagkatao para harapin ang mga pagsubok at
matutong lumaban sa agos ng buhay. Madalas nating naririnig sa ating mga magulang na ang
edukasyon lamang ang tangin ilang maipapamana sa mga anak kaya pinapayuhan silang mag-
aral mabuti at magtapos sa pag-aaral. Ang edukasyon daw ang pamanang kailanman ay hindi
mawawala sa tao at hindi mananakaw ninuman.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang
bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng
isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na
abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala
sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.
Ang Kultura ay napakahalaga sa isang lugar o bansa. Ito aysumasalamin sa mga paniniwa
la, kaugalian at mga nakasanayang gawain ng mga tao. Ang kultura ay nagmula sa ating mga
ninuno na siyang nagpalaganap at nagkalat nito hanggang sa nagkapasa-pasa. Ang kultura ay
isang patunay na may pinagmulan tayo sa mga bagay at gawaing nakasanayan natin. Ngunit sa
pagtagal ng panahon , ang mga katutubong kultura natin ay unti-unti ng naglalaho at napapalitan
dahilan ng pag-usbong ng mga makabagong kaisipan o pagbabago tulad ng modernisasyon ,
teknolohiya at paniniwala ng mga tao.
  Ang ilan sa sa mga dahilan ng pagbabago at tuluyang paglalaho ng mga nakasanayang
Gawain ay ang pagkakaroon ng iba-t ibang relihiyon , pagkamulat ng mga tao sa makabagong
teknolohiya , at ang pagigiging moderno ng ating panahon . Nakakalungkot mang isipin ngunit
sa panahon ngayon ay umuunti na ang mga gumagamit nito.
North Eastern Mindanao State University
Tandag City
Telefax No. 086-214-4221
Website: www.sdssu.edu.ph
Graduate School

LISTAHAN NG MGA PINAGBABATAYAN:


Источник: https://unate.org/tl/instituciones-educativas/que-es-la-cultura-y-su-importancia-en-la-
educacion.html
Cabigao, J. R. (2021). School-Based Assessment Framework Version 2.0 (The New Normal).
International Journal of Multidisciplinary Research Review. Volume 5. 106-108.
https://www.researchgate.net/publication/
349463546_SchoolBased_Assessment_Framework_Version_20_The_New_Normal
Colman, Helen (2021, June 29) 9 Ways toAsses Student Learning
https://www.ispringsolutions.com/blog/8-ways-to-assess-online-student-learning
Malone, Susan. Developing Teaching at Learning Materials For MT-Based Multilingual
Education. SIL: Bangkok, Thailand, 2007. Nakalimbag.
Nixon, Jon. “Education for the good society: The Integrity of Academic Practice.” London
Review of Education 2:3 (2004): 246-50. Nakalimbag.
Parks, Janet. B. at Roberton, Maryann. “Attitudes Toward Women Mediate the Gender Effect on
Attitudes Toward Sexist Language.” Psychology of Women Quarterly 28 (2004): 233-39.
Nakalimbag.
Patton, Michael Quin. Qualitative Evaluation and Research Methods (2nd ed.). CA: Sage, 10,
Mayo 1990. Web. 2 Setyembre, 2013 Sharma, Umesh, Forlin, Chris, at Loreman, Tim. “Impact
of Training on Pre-ServiceTeachers’ Attitudes and Concerns About Inclusive Education and
Sentiments About Persons with Disabilities.” Disability and Society 23.7 (2008): 773- 74.
Nakalimbag.
Sharma, Umesh, Forlin Chris, Loreman Tim, at Earle C. “Pre-Service Teachers’ Attitudes,
Concerns, and Sentiments About Inclusive Education: An International Comparison of Novice
PreService Teachers.” International Journal of Special Education 21.2 (2006) 80-
84.Nakalimbag.
Theoharis, George. et al. “Teaching Pre-Service Teachers to Design Inclusive Instruction: A
Lesson Planning Template.” International Journal of Inclusive Education 12 (2008). 381-399.
Nakalimbag.
Thorsen, Don at Becker, Vivian. Inclusive Handbook: A Practical Guide to Using Inclusive
Language. 31 Enero, 2006. Web. 24 Agosto 2012. Ulep, Lilian. “Inclusive Education in the
Elementary level, Division of Benguet.” M.A. Thesis. University of the Cordilleras, Baguio City,
2006. Nakalimbag.
UNESCO. “Education Sector Technical Notes: Inclusive Education.” 8, Hunyo, 2013. Web. 23
Nobyembre, 2013.

You might also like