You are on page 1of 3

https://www.academia.

edu/36139783/ISANG_PAGSUSURI_PATUNGKOL
_SA_EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_PAG_AARAL_NG_MGA_MAG_
AARAL_SA_PAARALAN_NG_RESPSCI

https://www.academia.edu/36072366/MABUTI_AT_MASAMANG_EPEKTO
_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_WIKANG_FILIPINO

https://vdocuments.site/ang-epekto-ng-social-media-sa-wikang-filipino-sa-
mga-mag-aaral-ng-pntc-sa-unang.html

https://www.researchgate.net/publication/340953850_Epekto_ng_Paggamit
_ng_Social_Media_sa_Paggamit_ng_Wika

Sa mga dumadaang makabagong teknolohiya, dumarami na rin ang kahalagahan na


naiaambag nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa buhay ng isang mag-aaral at mga gurong
gumamit ng social media, importante na may partikular na estilo at pamamaraan ng patuturo o
pagkatutuo. Hinihingi ng mabisa at mabilis na pagkatuto ang wastong paggamit ng social media
sa pagtuturo ng asignaturang filipino. Maraming pagbabago ang nangyayari sa larangan ng
edukasyon maging ang pamamaraan at estratehiya ng pagtuturo na nagsisilbing malaking
hamon na kinkaharap ng mga guro sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya.
Maaari nating sabihin na napakalaki ng epekto ng social media sa kalidad ng edukasyon
ang paraan ng pagtuturo ng mga guro sa isang paaralan. Madami mang ibang salik ang
maaaring maging hadlang para matagumpayan ang pagkatuto ng bata ay lubos pa ring mas
nakakaapekto ang paraan kung paano nailahad o ilalahad ng guro ang mga leksyon. Dahil na din
sa pag-usbong ng mga makabagong gamit at kasabay ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay
nagkakaroon tayo ng dalawang paraan ng pagkatuto ito ay ang tradisyusnal at ang makabagong
paraan ng pagkatuturo.
Ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay an gating nakagisnan at nakalakihan. Ayon
kay Novak (1998), ang tradiyusnal na pamamaraan ng pagtuturo ay nakapokus sa guro bilang
isang taga-kontrol sa kapaligiran ng mg mag-aaral. Nasa guro ang responsibilidad at sa kanya
ang mga paraan at estratehiyag gagamitin sa pagtuturo sa kanyang mga estudyante. Sa
ganitong sitwasyon, mas malaki ang posibilidad na maipakita at mahasa ang mga natatagong
angking galling o talento ng mga estudyante. May ilan na nagsasabi na ang paraan ng
pagtuturong ito ay isang “spoon feeding knowledge”. Nakapaloob dito ang paggamit ng mga
iba’t ibang makakapal o maninipis na libro bilang batayan para sa pag-aaral at maging sa
pagtuturo. Ang paggamit ng mga makukulay at malikhaing visual aids ang kanilang sandata. Dito
nagaganap ang normal na ayos sa isang silid-aralan, kung saan ang guro ang nagsasalita sa
unahan at ang mga estudyante ang nakikinig sa kani-kanilang mga upuan.
Ang makabagong paraan ng pagtuturo o ang alternatibong pagtuturo ay ang mga paraan
ng pagtuturong makabago sa ating kasanayan na umuusbong sa ating panahon ngayon. Ito ay
nag-uugat sa iba’t ibang pilosopiya na nagtataglay ng pangunahing kaisipan na ibang iba sa
tradisyunal na paraan.
Ang paraan ng pagtuturong ito ay nakapukos sa kung papaano tutuklasin ng mag-aaral
ang kanyang kakayahan o angking galling na nakasubaybay lamang ang kanyang guro sa kanya.
Sa panahon ngayon ay mayroon ng isang malaking pagbabago ang nagaganap sa dimension ng
pagtuturo. Dahil na rin sa nasa makabagong panahon na tayo naniniwala ang mga eksperto na
ang mga mag-aaral sa panahon ngayon ay hindi na mababansagan na mabagal o mahina sa
pagkatuto. Ayon kay Komhaber ( 2004), naiisakatuparan ng Multiple Intelligence ni Dr. Howard
Garnier sa paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral na magpahalaga at magtamo ng kaparaanan
para sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin, kuro-kuro at damdamin ganun din sa mga
ideyang mayroon sila base sa kanilang mga nalalaman na naitulong ng teknolohiya.
Ayon sa UNESCO “isa sa mga problemang ikinakaharap sa ating edukasyon ay ang
midya, sosyal midya, pelikula, mga kultura, samahan ng mga kabataan na may di pagkakatulad
o pantay na pinagaralan. Sa pormal na edukasyon at di pormal na edukasyon”.
Sa modernong panahon, ang pag-aaral sa tulong ng midya ay talagang maituturing na
napakahalaga. Malayang naipagpapahayag ng midya ang ekspresyon ng bawat isa, kung kaya’t
mas nakatutulong ang midya sa pagbibigay impormasyon at pagdedesisyon ng lahat. Ang mga
pagsasanay sa mga guro na maipakita ang kahalagahan ng midya sa pag-aaral ay makatutulong
sa kanila upang mas maging tama at kapaki-pakinabang ang talakayan. Hindi lamang sa loob ng
silid-aralan kundi maging sa totoong hamon ng buhay.
Ayon nga kay Leitner [2]: “Ang mass midya ay salamin ng riyalidad, at para sa iba, ay
bahagi mismo ng mga pangyayari sa lipunan. Ang mga ugnayang ipinapahayag sa midya ay
kapwa nakasalalay at humuhubog sa wika at lipunan” Makatotohanan ito sapagkat anumang
paraan nang paggamit sa wika ay masasabing nasasalamin ng midya. Kumplikado ang
interaksyon ng mass midya at mga tao sa lipunan. Kapwa salamin at tagahubog nang midya ang
kasanayang indibidwal sa paggamit ng wika. Sa tulong ng midya, may malaking bahagi ito sa
pagtuklas at paglago sa paggamit ng wika

DEPINISYON AT TERMINOLOHIYA
1. Social media - online na platform na ginagamit ng mga tao upang bumuo ngmga
social network o relasyon sa lipunan sa ibang mga tao na nagbabahagi ngmga
kaparehong personal o karera na interes, mga gawain, mga pinagmulano mga
koneksyon sa totoong buhay.
2. Teknolohiya - Ang kasaysayan ng teknolohiya ay ang kasaysayan ngpagkaimbento
ng mga kasangkapan at mga teknik, at kahalintulad ngmaraming mga paraan
sa kasaysayan ng sangkatauhan.
3. Facebook - ang facebook ay isang social networking website na karamihanginagamit
ng tao.
4. Wikang Filipino - Ang wikang filipino ang pambansang wika at isa sa mgaopisyal na
wika ng Pilipinas.5. Lenggwahe - Ang lenggwahe ay salitang Kastila na tumutukoy sa
wika. Itoay ginagamit sa pakikipagtalastasan. Ito ay koleksyon ng tunog, simbolo
atkaugnay na bantas upang magpahayag ng kaisipan

ANG SULIRANIN AT MGA SALIGAN NITO


*panimula
*saligan ng pagaara
*batayang tyoretikal
*batayang konseptwal
*paglalahad ng suliranin
*hypotesis
*saklaw at limitasyon
*kahalagahan ng pagaaral
*katuturan ng mga katawagan

You might also like