You are on page 1of 6

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Commission of Higher
Education Region IV-A
CALABARZON DIVISION OF
LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG
LIPA

Banghay Aralin sa Baitang III

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kahalagahan ng mabuting paglilingkod ng mga
namumuno sa pagsulong ng mga pangunahing hanapbuhay at pagtugon
sa pangangailangan ng mga kasapi ng sariling komunidad
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakapagpapahayag ng pagpapahalaga sa pagsulong ng mabuting
paglilingkod ng mga namumuno sa komunidad tungo sa pagtugon sa
pangangailangan ng mga kasapi ng sariling komunidad
C. Pamantayan sa Pagkatuto
1. Natutukoy ang mga yamang nakukuha sa anyong lupa at anyong
tubig.
2. Napahahalagahan ang mga yamang nakukuha sa anyong lupa at
anyong tubig.
3. Naisusulat ang mga yamang nakukuha sa anyong lupa at anyong
tubig.

II. NILALAMAN AT KAGAMITAN


a. Paksa:
Mga Likas na Yaman
b. Kagamitan:
Cartolina, Permanent Marker, Mga Larawan
c. Sanggunian:
Sibika at Kultura 3, pahina 33-37

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Paunang Gawain

1. Panalangin
Magsisitayo ang mga
Magsitayo ang lahat para isang maikling mag-aaral para sa isang
panalangin. maikling panalangin.

2. Pagbati

Magandang araw mga bata! Kamusta kayo sa Magandang araw din po!
araw na ito. Mabuti naman po kami.

3. Pagsasaayos ng Silid-Aralan

Bago tuluyang umupo ang lahat sa kanya – (Gagawin ng mga mag-


kanyang upuan ay nais ko munang pulutin aaral ang sasabihin ng
ninyo ang mga nakakakalat na basura sa guro.)
ilalim ng mga upuan at alisin ninyo ang mga
kagamitan na hindi gagamitin sa oras na ito.

4. Pagtatala ng Liban sa Klase


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher
Education Region IV-A
CALABARZON DIVISION OF
LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG
LIPA
“Mayroon bang lumiban sa klase ngayong
araw?”

Mahusay! Masayang malaman na narito ang


lahat upang makinig at matuto ng bagong Wala pong liban sa klase
aralin. ngayong araw na ito.

5. Balitaan/Balik-aral

Ngayon, upang matukoy ko kung talagang


naunawaan ninyo ang tinalakay noong
nakaraan ay may inihanda akong gawain.

Pagpapasya. Unawaing Mabuti ang bawat


pangugusap. Isulat sa patlang kung ito ay
TAMA o MALI.

1. Ito ay ang pinakamalawak at pinakamalalim


na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito.
2. Ito ay malawak na anyong-tubig na mas
maliit lamang ang sukat sa karagatan. Mga Sagot:
3. Ito ay isang mahaba at makipot na
anyong tubig na umaagos patungong 1. Karagatan
dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o 2. Dagat
itaas ng bundok o burol. 3. Ilog
4. Ito ay isang anyong-tubig na nagsisilbing 4. Golpo
daungan ng mga barko at iba pang 5. Kipot
sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig
nito sapagkat nakadugtong ito sa dagat o sa
karagatan.
5. Ito ay isang malawak na look.
B. PAGGANYAK
Bago tayo magsimula sa ating panibagong
aralin ay may inihanda akong gawain. Ang
larong ito ay tinatawag na “HULA-RAWAN”.
Hulaan niyo ang bawat larawan na aking
ipakikita.

(Magtataas ng kamay ang


mga mag-aaral at sasagot
sa guro.


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher
Education Region IV-A
CALABARZON DIVISION OF
LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG
LIPA

Maraming salamat sa inyong mga kasagutan, mga


bata! Ang ating tatalakayin ay may kaugnayan sa
mga binanggit niyong likas na yaman!

C. PAGLALAHAD

Ano nga ba ang likas na yaman?

Ang likas na yaman ay ang mga kapaki-pakinabang


na yaman ng ating bansa. May apat na uri tayo ng
likas na yaman: Yamang Lupa, Yamang Tubig,
Yamang Mineral at Yamang Gubat. Ngayon ay
tatalakayin natin ito.

Mga Likas na Yaman ng Pilipinas


 
Likas na Yaman
• ang mga pinagkukunan ng mga bagay, materyal
at sangkap para sa ikabubuhay ng tao • ito ay
mga yamang natural at hindi ginawa o binago ng
tao.

Apat na Uri ng Likas na Yaman

Yamang Lupa • ito ay mga yamang galing sa


lupa, hayop man o halaman.

Halimbawa: palay, bulaklak, pulo, mais, puno,


kapatagan, sibuyas, lambak, talampas, kamote,
bundok, ampalaya, patatas, tubo, kabundukan,
manga, bulkan, bigas

Yamang Tubig
• mga likas na yaman na galing sa tubig.
• Halimbawa: isda, starfish, perlas, corales,
pating, lawa, dagat, karagatan, ilog, pawikan

Yamang Gubat
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher
Education Region IV-A
CALABARZON DIVISION OF
LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG
LIPA
• ito ay mga yamang nanggaling sa gubat.
Halimbawa: punongkahoy, kawayan, agila, narra,
usa, pine tree, insekto, dipterocarp, tamaraw,
tarsier

Yamang Mineral
• ito ay makikita sa mga kuweba o sa kalaliman
ng lupa.
• ang mga ito ay hindi napapalitan at hindi rin
maaaring dagdagan

Halimbawa: ginto, copper, pilak, marmol, tanso,


jade, diamante, limestone, nickel, gas

• Tatlong uri ang yamang mineral  metal  di-


metal  panggatong 

• Metal -- isa itong matibay at solidong bagay na


mabisang kagamitan at tagapaghatid ng
kuryente.

Halimbawa: ginto, pilak, bakal, tanso, nikel,


copper

• Di-Metal – mainam na konduktor ng kuryente.


Halimbawa: marmol, aluminyo, jade, limestone,
semento

• Panggatong – mga ginagamit sa pagpapatakbo


ng sasakyan at iba pa.
Halimbawa: petrolyo, gas, karbon

Naiintindihan niyo bam ga bata ang tinalakay natin sa Opo, Binibini.


araw na ito?

Ano-ano nga ang ating tinalakay sa araw na ito? Tinalakay po natin ang
iba’t-ibang anyong lupa.

Mayroon ba kayong katanungan o nais linawin


tungkol sa ating napagtalakayan? Wala po.

D. PAGLALAHAT
Base sa ating talakayan, ano ang inyong natutunan Tataas ng kamay ang mga
ngayong araw na ito? bata at sasagot sa guro.

Magbigay nga kayo ng mga likas na yaman na ating


tinalakay ngayon araw na ito.

Mahusay, mga bata! Tama ang inyong mga sagot.

E. PAGLALAPAT
Group Activity. Muling papangkatin sa tatlo ang
klase. Ang bawat pangkat ay bubuo ng awit tungkol Gagawin ng mga bata ang
sa pagpapahalaga sa mga likas na yaman. Awitin ito sinabi ng guro.
sa klase.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher
Education Region IV-A
CALABARZON DIVISION OF
LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG
LIPA
IV. Ebalwasyon

Pagtataya. Maikling Pagsusulit. Sabihin kung tama o mali ang binabanggit sa


bawat bilang.

1. Ang likas na yaman ay ang mga yaman na kapaki-pakinabang sa bansa.


2. Mayroong tatlong uri ng likas na yaman.
3. Ang Yamang Lupa ay nanggaling sa mga halaman at hayop.
4. May limang uri ng Yamang Mineral.
5. Ang Yamang Tubig ay mga isda, coral reefs, at mga anyong tubig.

Mga Sagot:
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Mali
5. Tama

V. Takdang Aralin

Ibigay ang kahalagahan ng bawat likas na yaman. Magbigay lamang tigtatatlo.

Inaprobahan Ni: Inihanda Ni:


Bb. Liezel P. Dajuya Ivy Lorenze C. Cortez
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission of Higher
Education Region IV-A
CALABARZON DIVISION OF
LIPA
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG
LIPA

You might also like