You are on page 1of 8

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 4


12:40 PM -1:20 PM (IV- SAKAY)
4:50 PM – 5:30 PM ( IV JACINTO)
Ms. Shamil May Monido
AUGUST 13, 2018 MONDAY

I. Layunin:
1.Naiisa –isa ang mga katangiang pisikal ng mga anyong tubig na nakatutulong sa pag-unlad
ng bansa.
2. Natutukoy ang mga katangiang pisikal ng mga anyong tubig na nakatutulong sa pag-unlad
ng bansa.
3. Nailalarawan ang mga katangiang pisikal ng mga anyong tubig na nakatutulong sa pag-
unlad ng bansa.

II. Paksang Aralin:


A. Paksa: “ Mga Anyong tubig ng Bansa na nakatutulong sa Pag-
unlad ng bansa”
B. Kagamitan: Mga Larawan, libro at Manila paperLarawan,
Cartolina,Manila paper
C. Mga Sanggunian: Ang Makabayan sa ating panahon by. Luzviminda Lapaz-Ona ph.70,
CG p. 40, TG p. 44-47, LM p 108-111
Code: AP4AAB-Ij-13
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
(Ipaawit sa mga bata ang awiting “Yaman ng Bansa ko” sa himig ng leron-leron sinta)
“Yaman ng Bansa ko”

Mayaman ang Pilipinas


Maraming likas na yaman
May yamang tubig at
Yamang Lupa
Halina atin itong alamin
May bundok na mapuno
Ang ilog may isdang mabibilog
Yamang likas ating gamitin
Nang wasto nang di maubos mandin.
B. Panlinang na Gawain
1.Paunang Pagtataya:
Mga bata tungkol saan ang awit?
Ano ano ang mga likas na yaman ng Pilipinas ang nabanggit sa awit?
2.Paglalahad:
Sino - sino sa inyo ang nakapunta na sa dagat? Ilog?
talon? At iba pa……
Ano ano ang mga katangiang pisikal nito?
3.Pagtuturo/Paglalarawan: Graphic organizer
Magpapakita ang guro ng larawan ng ibat ibang anyong tubig.
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga ito at isusulat ang sagot
gamit ang graphic organizer.
Mga tanong:
 Anong anyong tubig ang nakita mo sa larawan?
 Anu-ano ang mga katangiang pisikal ng anyong tubig na nasa
larawan? (ilog, dagat, sapa, talon, golpo, kipot at iba pa)
MGA ANYONG TUBIG

ilog dagat kipot


lawa Talon
sapa
golpo

4. Kasanayang Pagpapayaman/Pagkabisa:
Panuto: Hahatiin ng guro sa apat na pangkat ang mga mag-aaral at bibigyan ng kanya -kanyang
gawain na maisasagawa sa loob ng limang minuto.

A. Unang pangkat- Paglalarawan sa katangiang pisikal ng larawan ng sapa at


golpo
B. Ikalawang pangkat- Paglalarawan sa katangiang pisikal larawan ng ilog at lawa
C. Ikatlong panglat-- Paglalarawan sa katangiang pisikal larawan ng talon at kipot
D. Ikaapat na pangkat -- Paglalarawan sa katangiang pisikal Larawan ng dagat

Tanong:
Paano nakatutulong sa pag-unlad ng bansa ang mga katangiang pisikal ng mga
anyong tubig?

5. Paglalahat:
Ano ano ang katangiang pisikal ng mga anyong
tubig ng bansa na nakatutulong sa pag-unlad ng bansa?

Ang katangiang pisikal ng mga anyong tubig ng bansa na nakatutulong sa pag-unlad ng bansa ay
ang ilog, dagat,golpo, lawa, sapa,talon at kipot.
6.Pagpapahalaga :
Paano mo mapapahalagahan ang katangiang pisikal
ng mga anyong tubig na nakatutulong sa pag-unlad ng bansa?
7. Panghuling pagtataya:
Tukuyin ang mga katangiang pisikal ng anyong tubig sa sumusunod na mga
pangungusap.Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
A. Dagat B. Sapa C. Ilog D. Talon E. Lawa

________1. Ito ang pinakamaliit na anyong tubig.


_________2. Ito ay anyong tubig na mas malaki kaysa sapa na ang tubig na umaagos ditto ay galing
din sa bundok.
_________3. Mas malaki ito sa kaysa ilog at maalat ang tubig nito.
__________4. Ito ay anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
__________5. Ito ay anyong tubig na pwedeng pagkunan ng kuryente.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 4


12:40 PM -1:20 PM (IV- SAKAY)
4:50 PM – 5:30 PM ( IV JACINTO)
Ms. Shamil May Monido
AUGUST 14, 2018 TUESDAY

I. Layunin:
1.Natutukoy ang mga anyong lupa gamit ang mga larawan
2.Naipakikita ang kahalagahan ng mga katangiang pisikal ng mga anyong lupa na nakatutulong sa pag-
unlad ng bansa.
3. Napapahalagahan ang mga anyong lupa ng bansa.
II. Paksang Aralin:
Paksa: “ Mga katangiang pisikal ng Anyong Lupa na nakatutulong sa pag-unlad ng bansa.”
Kagamitan: Clay/putik o luwad, mga larawan ng anyong lupa
Mga Sanggunian: K to 12 BEP CG ph. 40, TG ph44, http://homeworks-
edsci.blogspot.com/2009/09/mga-anyong-lupa.htmlhttps://encrypted-
Code: AP4AAB-Ij-13
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
Pumili ng isang Anyong lupa, Ihulma ito gamit ang putik o luwad/clay.
B. Panlinang na Gawain
1.Paunang Pagtataya:
Ano ang anyong lupa na inyong inihulma o binuo?
2.Paglalahad:
Ano ang katangiang pisikal ng Anyong lupa na inyong binuo?
3.Pagtuturo/Paglalarawan:
Gawain 1
Panuto: Sabihin ang pangalan ng larawan at katangian ng
Anyong Lupa na ipinakita at Idikit ito nakaakmang ngalan ng
larawan.

Naitutulong sa
Mga Anyong Lupa Katangian ng mga Anyong lupa pagunlang ng
bansa
Matataas at matatarik na bundok na Turismo at
magkakadikit at sunud-sunod Agrikultura

Bulubundukin

Isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik Agrikultura,


na bahagi at hamak na mas mataas kaysa burol.

Bundok
Isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang
tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa
kailaliman ng daigdig. maaari itong sumabog
Bulkan anumang oras. Mapanganib ang. Maaari itong Turismo
sumabog at magbuga ng kumukulong putik at
abo
Higit na mas mababa ito kaysa bundok Turismo

Burol

Bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat. Turismo at


nagsisilbing
daungan ng mga
Baybayin sasakyang pang
dagat

Malawak na patag na lupa maaari itong Agrikultura,


pagtamnan ng palay, maiis, gulay at iba pa.
Kapatagan

Mga likas na butas na may sapat na laki at lawak Turismo


na maaaring pasukin ng tao at hayop.

Yungib

Pulo Mga lupain na napalilibutan ng tubig.


Turismo

Isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga


Agrikultura
bundok
Lambak

4. Kasanayang Pagpapayaman/Pagkabisa:
Panuto: Hatiin sa tatlong grupo ang klase.
Unang pangka
Ipapakita kung paano nakatutulong sa pag-unlad ng bansa ang bundok at kapatagan sa pamamagitan ng
isang dula-dulaan. Ikalawang pangkat
Ipapakita kung paano nakatutulong sa pag-unlad ng bansa Talampas at Bulubundukin sa pamamagitan ng
isang dula-dulaan.
Ikatlong panglat
Ipapakita kung paano nakatutulong sa pag-unlad ng bansa ang Bulkan at Burol sa pamamagitan ng isang
dula-dulaan.
5. Paglalahat:
Bawat anyong lupa ay may natatanging katangian na nagagamit sa pag-unlad ng isang lugar/bansa, gaya
ng kapatagan na maaaring pagtaniman, bundok na nagbibigay ng kahoy sa paggawa ng bahay, bulkan at
burol na umaakit sa mga turista at iba pa.

6.Pagpapahalaga :
Ang mga Anyong Lupa ay dapat nating ingatan at gamitin ng tama sapagkat ito ay
nagbibigay ng pagkakakitaan at nakakatulong sa pag-unlad ng bansa.

7.Panghuling pagtataya:
Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang T kung tama ang ipinapahayag nito. M
kung mali ang ipinapahayag.
_______1. Ang Anyong lupa ay nagbibigay ng trabaho at hanapbuhay sa mga mamamayan.
_______2. Ang mga Anyong Lupa ay may pareparehong pisikal na katangian at pagkakaibaiba.
_______3. Ang katangiang pisikal ng Anyong lupa ay nagbibigay ng turismo sa bansa.
_______4. Ang labis na paggamit ng pisikal na katangian ng lupa ay nakabubuti.
_______5. Lahat ng Anyong Lupa ay maaaring pagtamnan.
Sagot : 1. T 2. T 3. T 4.M 5. M
7.
8. Takdang Aralin:
1. Paano nakatutulong ang pisikal ng Anyong Lupa sa pag-unlad ng bansa?
2. Paano mo mapapangalagaan ang katangiang pisikal ng Anyong Lupa
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
City Schools Division of Dasmariñas
SALAWAG ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 4


12:40 PM -1:20 PM (IV- SAKAY)
4:50 PM – 5:30 PM ( IV JACINTO)
Ms. Shamil May Monido
AUGUST 15, 2018 WEDNESDAY
AUGUST 16, 2018 THURSDAY ( FIRST PERIODICAL EXAM)
AUGUST 17, 2018 FRIDAY ( FIRST PERIODICAL EXAM)

I-Layunin
1. Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin kung mayroong lindol.
2. Naipakikita ang mga paghahandang nararapat gawin kung mayroong lindol.
3. Naisasabuhay ang kahalagahan ng mga paghahandang nararapat gawin kung mayroong lindol.

II- Paksang-Aralin
A. Paksa: Mga Paghahandang Nararapat Gawin Kung Mayroong Lindol
B. Kagamitan: aklat, graphic organizer, laptop, speaker/tsart
C. Mga Sanggunian: CG pp. 40, AP4AAB-Ii-j-12
Kagamitan ng mag-aaral, pp. 99-100
Patnubay ng Guro pp. 41-44
III- Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pamukaw siglang gawain- Music Video (Masdan Mo Ang Kapaligiran)
Pabatid: Kung walang music video maaaring isulat ang awitin sa tsart.

B. Panlinang na Gawain
1. Paunang Pagtataya
Lagyan ng tsek ang loob ng kahon kung alin sa sumusunod na kalamidad ang naranasan mo
na sa ating sariling bayan.
1.bagyo
2.baha
3.lindol
4. pagputok ng bulkan
5. tsunami
2. Paglalahad
Sino na ang nakaranas ng paglindol?
Ano ang inyong nararamdaman nang mangyari iyon?

3. Pagtuturo/ Paglalarawan
 Ipakita ang video ng lindol na naganap sa Nepal.
Pabatid: kung walang video maaaring humanap ng larawan ng nangyayari ng
magkaroon ng lindol sa Nepal.

 Anong kalamidad ang ipinakita sa video?

 Pagbasehan ang video upang mapunan ang graphic organizer ng mga ideyang
nararapat gawin kung mayroong lindol.
 Umalis sa mga lugar na mataas na maaaring maapektuhan ng landslide o pagguho ng
lupa.

 Pagkatapos, lumabas at pumunta sa ligtas na lugar at maging kalmado at huwag mag-


panic.

 Lumayo sa mga uno, linya ng kuryente, poste at iba pa.

 Manatili sa loob ng gusali hanggang matapos ang pagyanig.

 Duck, cover and hold

Kung nasa loob ng Kung nasa labas ng


gusali gusali

Mga Nararapat Gawing


Paghahanda Kung
Mayroong Lindol

4. Kasanayang Pagpapayaman/ Pagkabisa


Pangkatang Gawain

Unang Pangkat
Magpakita ng maikling dula-dulaan ng mga nararapat gawin kung sakaling magkaroon
ng lindol.

Ikalawang Pangkat
Lumikha ng tula o awitin na may kaugnayan sa nararapat gawin kung mayroong lindol.

Ikatlong Pangkat
Lumikha ng slogan na may kaugnayan sa mga nararapat isagawa kung may lindol.

Ikaapat na Pangkat
Magbrainstorming tungkol sa mga nararapat gawin upang makaligtas sa panganib kung
may lindol.

5. Paglalahat
Ano-ano ang mga nararapat gawin upang makaiwas sa mga sakunang dulot ng lindol?

Kung ikaw ay nasa loob ng gusali sa panahon ng lindol nararapat mong


gawin ang sumusunod:
 Duck, cover and hold

 Manatili sa loob ng gusali hanggang matapos ang pagyanig.

 Pagkatapos, lumabas at pumunta sa ligtas na lugar at maging


kalmado at huwag mag-panic.

Kung ikaw ay nasa labas ng gusali sa panahon ng lindol nararapat mong


gawin ang sumusunod:
 Lumayo sa mga uno, linya ng kuryente, poste at iba pa.

 Umalis sa mga lugar na mataas na maaaring maapektuhan ng


landslide o pagguho ng lupa.
6. Pagpapahalaga
Bakit mahalagang matutunan natin ang mga safety measures kung mayroong lindol?

7. Pahuling Pagtataya
Panuto: Lagyan ng tsek ang kolumn ng inyong sagot.
SITWASYON DAPAT GAWIN DI-DAPAT GAWIN
1.Kung ikaw ay nasa loob ng gusali sa
panahon ng lindol nararapat mong gawin
ang sumusunod; duck, cover and hold.
2. Lumabas kaagad ng gusali habang
lumilindol upang makaiwas na
mabagsakan ng mga kagamitan sa loob
ng gusali.
3. Maging kalmado at huwag magpanic.
4. Kung nasa labas ng gusali sa panahon
ng lindol nararapat na lumayo sa mga
puno, linya ng kuryente at mga poste.
5. Ang Disaster Risk Reduction and
Management Congress(DRRMC) ang
nangunguna sa pagsasagawa ng
earthquake drill sa mga paaralan.

8. Takdang-Aralin
Ano ang iyong gagawin kung nagkaroon ng paglindol habang ikaw ay nasa loob ng paaralan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

You might also like