You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region ______
Schools Division of _______________
District of ______
_________________________________
_____________________________________________

BANGHAY ARALIN para sa CLASSROOM OBSERVATION sa


FILIPINO 6

I. LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
A. Pamantayang Pangnilalaman
napalalawak ang talasalitaan.
Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin,
B. Pamantayan sa Pagganap
tono, antala at ekspresyon.
Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng
C. Mga Kasanayan sa Pagkakatuto nakalarawang balangkas at pamatnubay na tanong.
Isulat ang code ng bawat
kasanayan
F6PB-Ib-5.4 F6RC-IIe-5.2
Napagsunod-sunod ang mga Pangyayari

Integrasyon: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO,


MUSIKA, NAPAPANAHONG ISYU - PANDEMYA
II. NILALAMAN
Pagpapahalaga: PAGKAKAISA AT KOOPERASYON,
PAG-ALALA SA TUNAY NA DIWA NG PASKO

Istratehiya: DISCOVERY LEARNING, GAME-BASED LEARNING,


EXPLICIT TEACHING
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Most Essential Learning Competencies (MELCs) p. 165

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Filipino 6 –Unang Markahan


Pang-Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk pp.

4. Karagdagang Kagamitan mula


sa portal ng Learning
Resource
B. Iba Pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Pag-awit ng “Kumusta Ka”
at/o pagsisimula ng bagong
aralin
Balik-aral sa nakaraang aralin
Paggamit ng laro ‘TIK - TOK”

Panuto: Sabihin ang TIK kung wasto ang kahulugan ng sawikain at


TOK kung hindi.

1. Bukas ang Palad = Matulungin

2. Amoy Pinipig = Mabango

3. Nagsusunog ng Kilay = Masipag mag-aral.

4. Makapal ang Palad = Tamad

5. Kilos Pagong = Mabagal

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Lokalisasyon at Kontekstuwalisasyon


Discovery Learning

Panuto: Ayusin ang mga larawan ayon sa wastong pagkakasunod-sunod


ng tamang paghuhugas ng kamay. Isulat ang bilang 1-5 sa kahon.

Ano ang ating ginawa sa ating pagsasanay? Ngayon ay makikinig tayo sa


mga kuwento at magsasanay tayo sa pagsunod-sunod ng mga
pangyayari.

C. Pag-uugnay ng mga Paglalahad ng Kasaysayan


halimbawa sa bagong aralin
Ang kasunod na gawain, ay magbibigay sa iyo ng pananaw sa kung
gaano kahalaga ang pagdiriwang ng Pasko at paano nito pinagbubuklod
ang pamilya.

Makinig nang mabuti sa maikling kuwento.

Ang Kapaskuhan sa Aming Barangay

Ang Pasko sa aming barangay ang isa sa pinakahihintay ng lahat.


Makikita mo sa bawat mamamayan ang galak at pananabik sa nasabing
pagdiriwang. Ilang araw pa bago ang Pasko ay abala na ang Barangay
Palanit sa pagsalubong sa Pasko. Halos lahat ng mga tao ay tulong -
tulong na sa pagsasabit ng mga parol sa mga poste.

Bawat tahanan ay may kanya-kanyang pailaw at may Christmas Tree


na nakahandang pailawan sa pagsapit ng Pasko. Pagsapit ng alas dose ng
gabi ng araw ng Pasko, na itinuturing pagsalubong sa pagkabuhay ng
Panginoon, ang
bawat pamilya ay nagsasalo-salo ng kanilang Noche Buena. Nagaganap
din dito ang pagpapalitan ng regalo na siyang simbolo ng kanilang
pagmamahalan sa isa’t
isa.

Pagsapit nang umaga ng Kapaskuhan, ika-25 ng Disyembre ay


maraming bata ang nakabihis na at handa nang pumunta sa kanilang mga
ninong at ninang
upang tanggapin ang kanilang mga aginaldo, na maaring pera o kaya ay
bagay. Sa simpleng pagdiriwang na ito, naipadadama ng bawat kasapi ng
pamilya ang
kanilang pagmamahal at pagbibigay sa bawat isa na siyang nagsisilbing
diwa ng Kapaskuhan.

Paglalapat ng HOTS
Paggamit ng Laro: Tanong Ko, Sagot Mo!
Integrasyon sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Napapanahong Isyu -
Pandemya

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga pamatnubay na tanong.

1. Ano ang pinapaksa ng kuwento/ teksto?


2. Bakit pinakahihintay na araw ng Barangay Palanit ang
Pasko?
3. Batay sa iyong karanasan, ganito rin ba ang
paghahanda ng inyong barangay sa araw Kapaskuhan?
4. Kung ikaw ay isa sa mga nakatira sa Barangay Palanit,
anong paghahanda na iyong gagawin para sa Pasko?
5. Ngayong panahon ng pandemya, naipagdiwang pa rin
ba ninyo ang nakaraang Pasko? Ano-anong mga
pagbabago ang inyong naranasan sa pagdiriwang ng
Pasko sa panahon ng pandemya?
6. Ibahagi mo rito ang pagkakasunod-sunod ng mga
hakbang sa gagawin mong plano sa pagdiriwang ng
Pasko sa inyong barangay.

Balikan ang napakinggang kuwento. Pagsunod-sunurin ang mga


pangyayari binanggit dito sa pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng
bilang 1 hanggang 5 ayon sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod ng
pangyayari.

_________ a. Sa ganitong selebrasyon ay mas naipapadama


ang pagmamahalan ng bawat isa.

_________ b. May mga pagkaing nakahanda sa


hapagkainan upang may mapagsaluhan sa
Noche Buena.

_________ c. Bawat tahanan ay may kaniya-kaniyang


pailaw at palamuti ng nakasabit.

_________ d. At pagsapit ng ika-25 ng Disyembre ay mas lalo


pang nagging maingay dahil sa mga batang
handa ng tumanggap ng aginaldo

_________ e. Maaga pa lamang ay abala na ang Barangay


Palanit para sa selebrasyon ng Pasko.

Malayang Talakayan

Ang paraan ng pagsunod-sunod ng mga pangyayaring nabasa o


napakinggan ay tinatawag na kronolohikal na pagsunod-sunod kung
saan ginagamit ito upang mas madaling mailahad nang maayos ang mga
hakbang at mga pangyayaring nais ipabatid ng isang manunulat.
D. Pagtalakay ng bagong Mahalaga na nauunawaan ang binasa o napakinggang
konsepto at paglalahad ng teksto para napagsusunod-sunod ito nang tama. Madalas ginagamit ang
bagong kasanayan #1 bilang sa kronolohikal na pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Ang
paraang kronolohikal na pagsunod-sunod ay isang mainam na paraan
upang mailahad ang kaisipan o pangyayari na makatutulong sa pag-
unawa at pagpapalinaw ng ideya, ang hulwarang ito ay nagpapakita ng
serye ng mga pangyayari na maaaring humantong sa konklusyong
pagkasunod-sunod ng pangyayari.

E. Pagtalakay ng bagong Paggamit ng laro “Pagsunod-sunurin Mo!”


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2 Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Pagkatapos, pagsunod-
sunurin ang mga pangungusap batay sa pagkakasalaysay nito kuwento.
Gamitin ang titik A hanggang E upang maipakita ang pagkakasunod-
sunod ng mga ito.

Ang Puerto Princesa Underground River

Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP)


ay makikita sa Palawan. Ito ay matatagpuan sa hilagang kanlurang
bahagi ng Puerto Princesa.
Ipinapakita sa tanyag na pook na ito ang mga higanteng limestone na
nasa kuwebang pinalolooban ng ilog. Iba’t ibang kamangha-manghang
hugis ang nabuo mula sa limestone sa loob ng kuweba. Ang ilog ay
tinatayang 8.2 kilometro ang haba at ito ay tumutuloy sa dagat. Ang
kagandahan nito ang dahilan kung bakit nakilala ang Puerto Princesa
Underground River bilang isa sa Pitong New Wonders of Nature.

Makikita sa paligid ng ilog ang kabundukan at kagubatan. Ang


makapal na kagubatan ang nagsisilbing tahanan ng ilang hayop na
pambihira at endangered.
Sa baybayin naman nito makikita ang halamang bakawan at mga coral
reefs. Mula nang maitalaga ang Puerto Princesa Underground River
bilang isa sa Pitong New Wonders of Nature, dumami na ang mga taong
gustong makita ito, maging Pilipino man o dayuhan.

Maliban sa pagsakay sa bangka upang makita ang limestone sa loob


ng kuweba, marami pang maaring gawin dito na ikasasaya ng mga
turista. Kinagigiliwan ng mga bisita rito ang jungle trekking, wildlife
watching, mangrove
forest tour at paglangoy sa tabing dagat na puti ang buhangin.

-Hango sa Phil. IRI Manual 2018, DepEd, pahina 107

______ 1. Isa ito sa kinagigiliwang puntahan ng mga turista


maging Pilipino man o dayuhan.

______ 2. Ang Puerto Princesa ay makikita sa Palawan.

______ 3. May iba’t ibang hayop ang naninirahan dito.

______4. Mayroon itong mga limestone na nagtataglay ng


kamangha-manghang hugis.

______ 5. Kinilala ito bilang isa sa Pitong Wonders of Nature


dahil sa taglay na kagandahan.

F. Paglinang sa kabihasnan Paglalapat ng Differentiated Instruction/Activities


(Tungo sa Formative Pangkatang gawain
Assessment)
Panuto: Pakinggang mabuti ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa
ibaba.

Pistang Bayan

Ang pagdiriwang ng pistang bayan ay labis na nagugustuhan ng mga


Pilipino. Bago pa dumating ang kapistahan ay abala na ang mga tao sa
paglilinis ng kani-kanilang mga tahanan, naglalagay ng mga palamuti sa
mga lansangan at naghahanda ng mga pagkain.

Sa madaling-araw ng pista maririnig ang ingay ng mga baboy,


kambing, itik, manok, bibe, baka, at iba pang hayop na kinakatay. Sa
araw ng kapistahan, makikita ang matatanda at mga bata na masayang
nagsisimba, nanonood ng parada at sumasakay sa iba’t ibang uri ng
sasakyang pampasaya.

Masaya rin silang pumupunta sa bahay ng mga kamag-anak at


kaibigan upang mamista. Sa gabi, sumasama sila sa prusisyon at
nanonood ng mga palabas. Pagkatapos ng pista, masaya silang naglilinis
ng tahanan, nagliligpit ng mga pinagkainan at nagkukuwenta ng
pinagkagastusan, subali’t makikita mo naman sa kanilang mga mukha
ang labis na kaligayahan.

Pangkat 1- Boys

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Sa araw ng pista, aling ang dapat gawin?


a. sumasama sa prusisyon
b. naglilinis ng tahanan
c. masayang nagsisimba
d. manood ng palabas

2. Batay sa kuwento, alin sa mga pangyayari ang dapat ay


huling bahagi?
a. naglilinis ng tahanan
b. nagkukuwentuhan ng pinagkagastusan
c. masayang nagsisimba
d. nagkakatay ng baboy

3. Bago dumating ang kapistahan, ano ang karaniwang


unang ginagawa ng mga tao?
a. naglalagay ng dekorasyon
b. naglilinis ng tahanan
c. naghahanda ng pagkain
d. nagsisimba

4. Pagsapit ng gabi ng kapistahan, ano ang ginagawa ng


mga tao?
a. sumasama sa prusisyon at nanonood ng mga palabas
b. nanunuod ng parada
c. sumasakay sa iba’t ibang uri ng sasakyang pampasaya
d. masayang nagsisimba

5. Sa araw ng kapistahan, ano ang karaniwang makikita.


a. mga bata at matatanda na nagsisimba
b. nagliligpit ng pinagkainan
c. nagkukwentuhan ng pinagka gastusan
d. nanunuod ng palabas

Pangkat 2 – Girls

Panuto: Ayusin ang sumusunod na pangyayari ayon sa pagkakasunod-


sunod nito sa kuwento. Lagyan ito ng bilang isa (1) para sa una, dalawa
(2) sa kasunod at hanggang 6 para sa pinakahuling pangyayari.

*_____sumasama sa prusisyon

*_____naglilinis ng tahanan

*_____masayang nagsisimba

*_____naglalagay ng dekorasyon

*_____nagkukuwenta ng pinagkagastusan
*_____nagpapatay ng hayop

Paglalapat ng Higher Order Thinking Skills


Integrasyon sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Pagpapahalaga:
Itanong:
-Nagustuhan ninyo ba ang inyong ginawa?
-Madali ba ang inyong ginawa?
-Bakit kaya ito naging madali? *HOTS
Dahil sa pagkaka-isa at pagtutulungan

Paglalapat ng Laro: Masaya o Malungkot na Mukha

Panuto: Makinig at unawaing mabuti sa teksto. Sagutin mo ang mga


gawain na nasa ibaba.

Ako si Maria, sampung (10) taong gulang at ulilang lubos.


Ipinanganak na mahirap lamang subalit sa kabila ng kahirapan ay
pinalaki ako ng aking mga magulang na responsable at may takot sa
Diyos. Sa murang edad ay natuto na ako ng mga gawaing bahay at
maghanap buhay para may makain sa araw-araw.

Paggising sa umaga ay agad akong nagdarasal at nililigpit ko ang


aking hinigaan. Matapos kong magligpit ay nagluluto na ako ng aking
almusal pati na rin ng baon ko sa pangangalakal. Bago ako umalis ng
bahay ay kumakain muna ako saka dumeretso sa lugar kung saan
maraming basura, na ang puwede kong pagkakitaan. Subalit ngayong
araw ay kaunti lamang ang aking nakalakal kaya
G. Pag-uugnay sa pang araw- nagpasya akong umuwi na lamang at bumalik kinabukasan.
araw na buhay
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangungusap na nasa ibaba ayon sa
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa napakinggang teksto. Iguhit
ang Masayang Mukha kung tama ang bilang sa pagkakasunod-sunod at
Malungkot na Mukha kung mali.

3
_____ Nagluto na ako ng aking almusal pati na rin baon.
4
_____ Umuwi na lamang at bumalik kinabukasan.
2
_____ Paggising sa umaga ay agad akong nagdarasal
5
_____ Kumain muna ako bago umalis ng bahay.
1
_____ Natuto na ako ng gawaing bahay at
maghanapbuhay.
Tandaan:

Ang kronolohikal na paglalahad ng mga pangyayari sa isang


babasahin ay mahalaga dahil ito ay nakapagpapadali sa pag-unawa sa
binabasa. Madali mong naiintindihan ang iyong binabasa kung sunod-
sunod ang pagkakalahad ng mahahalagang pangyayari. Tumatatak sa
isipan ng mga mambabasa ang mga
H. Paglalahat ng Aralin
pangyayari sa isang babasahin kung maayos at sunod-sunod ang
pagkakalahad nito.

Tanong:
Bakit mahalaga na sunod-sunod o kronolohikal ang pagkakalahad ng
mga pangyayari sa isang akda lalo na ang kuwento?

I. Pagtataya ng Aralin Paggamit ng Laro: “Pagsunud-sunurin Mo!

Panuto: Pakinggang mabuti ang kuwento. Pagkatapos, ayusin ang mga


pangungusap sa ibaba ayon sa pagkakasunod–sunod ng mga pangyayari
sa nabasang kuwento. Ilagay sa bilang isa (1), ang pangungusap na dapat
mauna hanggang sa huling pangungusap na dapat ay nasa bilang lima
(5).

Pista ng Bulaklak

Tuwing Pebrero, ipinagdiriwang ang pista ng mga bulaklak sa


Lungsod ng Baguio. Kilala rin ito sa tawag na Pista ng Panagbenga.
Ang Panagbenga ay salitang galing sa Cordillera na ang kahulugan ay
panahon ng
pamumukadkad ng mga bulaklak. Binibigyang halaga sa pistang ito ang
magagandang bulaklak kung saan kilala ang lungsod dito.

Nagsimula ang pagdiriwang ng Panagbenga noong 1995. Isinagawa


ang pistang ito para muling maibangon ang Lungsod Baguio mula sa
sinapit nito dulot nang malagim na lindol noong 1990.

Maraming gawain ang makikita sa pagdiriwang ng Panagbenga. Ang


pinakasikat at inaabangang gawain tuwing pista ng bulaklak ay ang
parada. Kasama sa paradang ito ang sayawan sa kalsada at pagtugtog ng
mga banda. Pinakabida sa paradang ito ang mga higanteng karosa na
puno ng mga magaganda at mababangong bulaklak. Sa paggawa ng
karosang ito,
ipinapakita ng mga Pilipino ang kanilang pagiging malikhain at pagiging
matulungin. Ipinaparada ang mga ito sa malalaking kalsada ng lungsod.
Maraming mga taong galing pa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang
dumadayo sa Baguio upang mapanood ito.

-Hango sa Phil. IRI Manual 2018, DepED, pahina 104

_____ A. Kasama sa paradang ito ay sayawan sa kalsada at


pagtugtog ng mga banda.

_____ B. Ipinagdiriwang ang pista ng mga bulaklak sa


Lungsod Baguio.

_____ C. Binigyang halaga sa pistang ito ang


naggagandahang bulaklak.
_____ D.Ipinapakita ng mga Pilipino ang kanilang pagiging
malikhain at pagiging matulungin.

_____ E. Maiangat muli ang Lungsod ng Baguio mula sa


malagim na lindol.

Panuto: Sa tulong ng iyong magulang o kamag-anak, magtanong ka


kung paano magluto tulad ng pagprito ng isda at iba pa. Gumamit ng
J. Karagdagang gawain para sa bilang para sa unang
takdang aralin at remediation hakbang hanggang sa huling hakbang sa pagluluto nito.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng Mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
nararanasan na nasulusyunan
sa tulong ng punong guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa kapwa ko
guro?

Inihanda ni:

______________________
Ratee
Noted:

_______________________
Principal ____
Rater

You might also like