You are on page 1of 7

1

FOR ZAMBOANGA CITY DIVISION USE ONLY


NOT FOR SALE

Schools Division Office of Zamboanga City


Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga City

“Unido, Junto Avanza con el EduKalidad. Cree, Junto-Junto Puede!


RIZZA IVAN T. FLORES
CAWIT ELEMENTARY SCHOOL
2

ASIGNATURA MAPEH-
MARKAHAN 4 LINGGO 1 ARAW _______________________
____________
AT BAITANG Music 5 dd/mm/yyyy

ANG PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN AT SALOOBIN SA


PAKSA
MUSIKA
Natutukoy ang iba’t-ibang antas ng Dynamics.
KASANAYAN Nakikilala ang kaibahan ng iba’t-ibang uri ng dynamics sa pamamagitan
SA PAGKATUTO ng pakikinig.
Naaawit ng wasto ang isang awitin ayon sa tamang dynamics.
TANDAAN: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong sagot sa inilaang
SAGUTANG PAPEL para sa mga Gawain at pagtataya.

ARALIN NATIN
ANG MGA ANTAS NG DYNAMICS

Ano ang ginagawa mo sa tuwing ikaw ay galit o masaya? Paano mo


ipinahahayag ang iyong damdamin kung ikaw ay galit o masaya?
Ang iba’t ibang damdamin ay maaari nating ipahayag gamit ang ating boses.
May mga taong sumisigaw kapag galit o masaya. Kung minsan ay tahimik na lamang
tayong umiiyak sa tuwing tayo ay malungkot. Sa musika, may mga damdamin na
naipapahayag ang iba’t-ibang antas ng lakas o hina ng tunog. Ang wastong pagbasa
at pagsunod sa mga antas ng dynamics ay makatutulong upang maipahayag ng mga
mang-aawit at manunugtog ang wastong damdamin na nais ipahayag ng mga
kompositor. Ginagamit nila ang Dynamics upang magkaroon ng damdamin ang isang
awitin na pupukaw sa emosyon ng isang tagapakinig. Ito ang elemento ng musika na
magpaparamdam ng saya, lungkot o tagumpay na damdamin ng isang tao.

Mga Dynamics
May isa pang element ng musika na nagpapakita sa wastong pagpapahayag ng
damdamin ng musika. Ito ay Dynamics. Ito ay may iba’t-ibang antas ng lakas o hina ng
tunog o musika. Ang iba’t-ibang antas ng Dynamics ay nagpapahayag ng iba’t-ibang
emsoyon o damdamin. Ang malalakas na tunog at musika ay maaaring magpahayag
ng galit, tagumpay at lakas ng tao. Ang mahihinang tunog o musika naman ay
nagpapahjayag ng damdamin na may kapayapaan at katahimikan.

Ang Antas ng Dynamics


Ang mga salitang mahina at malakas ay karaniwang ginagamit upang ilarawan
ang Dynamics. Subalit may mga salita na maaaring gamitin upang ipahayag ng wasto

“Unido, Junto Avanza con el EduKalidad. Cree, Junto-Junto Puede!


RIZZA IVAN T. FLORES
CAWIT ELEMENTARY SCHOOL
3

ang tamang antas ng lakas o hina ng isang tunog. Ang Dynamics ay ipinahahayag sa
wikang Italya.

Antas Simbolo Kahulugan

Pianissimo Higit na mahina

Piano Mahina

Mezzo piano Hindi gaanong mahina

Mezzo Forte Hindi gaanong malakas

Forte Malakas

Fortissimo Higit na malakas

Ang paghina o paglakas ng mga antas ng dynamics ay maaaring biglaan o


dahan-dahan. Ito ay ipinakikita gamit ang simbolong para sa decrescendo o
dahan-dahang paghina ng tunog sa musika at simbolong para sa crescendo
o dahan-dahang paglakas ng tunog.
Ang mga antas ng dynamics ay hindi lamang nailalarawan sa wikang Italya.
Ito ay maaaring ilarawan sa sariling wika ng isang kompositor. Ang mga salita o parirala
na mahina, mas mahina, malakas, higit na malakas o pinakamalakas ay ginagamit
upang ilarawan ang mga antas ng dynamics sa wikang Filipino.

“Unido, Junto Avanza con el EduKalidad. Cree, Junto-Junto Puede!


RIZZA IVAN T. FLORES
CAWIT ELEMENTARY SCHOOL
4

Pagtatasa ng Pagkatuto1:
 Ano ang Dynamics?
 Ano ang halaga nito sa musika?

Pagtatasa ng Pagkatuto2:
 Anu-ano ang mga antas ng Dynamics?
 Ibigay ang katumbas na halaga ng bawat note at rest

Sanayin Natin!
ACTIVITY 1

A. Basahin ang mga sumusunod na mga salita o parirala. Isadula ang pangyayari kung
saan binibigkas ang mga ito. Gumamit ng tama t angkop na mga dynamics sa
pagbiigkas.

Magandang umaga. Tulong! Sunog!

Shhh…Huwag maingay. Psst…Natutulog ang beybi.

B. Pagtambalin ang Simbolo at ang tamang antas nito.

1. A. Piano

2. B. Mezzo Forte

3. C. Mezzo Piano

4. D. Fortissimo

5. E. Pianissimo

“Unido, Junto Avanza con el EduKalidad. Cree, Junto-Junto Puede!


RIZZA IVAN T. FLORES
CAWIT ELEMENTARY SCHOOL
5

ACTIVITY 2
A. Bilugan ang sagot na tumutugma sa nakasalungguhit na salita o simbolo.

1. _________ piano mezzo piano forte mezzo forte

2. Mahina___

3. Decrescendo

4. ___________ malakas higit na malakas mahina mas mahina

5. Hindi gaanong malakas

TANDAAN
Mahahalagang Puntos

 Ang dynamics ay isang element sa musika na nagpapakita ng iba’t-ibang antas


ng lakas at hina ng tunog.
 May mga salita sa wikang Italya na maaaring maglarawan sa mga antas ng
dynamics. Kinabibilangan ito ng nga salitang pianissimo, piano, mezzo piano,
mezzo forte, forte, fortissimo, decrescendo at crescendo.

SUBUKIN NATIN
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng taman sagot.

1. Sa awit na Pilipinas kong mahal, sa anong antas ng Dynamics ito nagsisimula?

A. Piano B. Mezzo Piano C. Forte D. Mezzo Forte

2. Ano ang kahulugan ng antas na ito?

A. Mahina B. Malakas C. Malakas D. Higi na Malakas

“Unido, Junto Avanza con el EduKalidad. Cree, Junto-Junto Puede!


RIZZA IVAN T. FLORES
CAWIT ELEMENTARY SCHOOL
6

3. Ito ang elemento ng musika na magpaparamdam ng saya, lungkot o tagumpay


na damdamin ng isang tao.

A. Melodiya B. Dynamics C. Timbre D. Tempo

4. Antas ng Dynamics na ginagamit sa malulungkot na himig o sa mga awit na


pagpapatulog.

A. Piano B. Pianissimo C. Forte D. Mezzo Forte

5. Ito ay pamamaraan ng pag-awit na hindi gaanong mahina at hindi naman


gaanong malakas.

A. Mezzo Piano B. Mezzo Piano C. Piano D. Pianissiomo

6. Antas ng Dynamics na nangangahulugan nang malakas nap ag-awit o


pagtugtog. Ang paglakas ay ginagawa lalo na sa mga bahaging nais bigyan ng
diin.

A. Forte B. Piano C. Mezzo Piano D. Mezzo Forte

7. Antas ng dynamics na sumisimbolo na ang isang awit ay papahina.

A. Crescendo B. Decrescendo C. Ritarando D. Forte

8. Antas ng dynamics na nagpapahitawig na ang isang awit ay papalakas.

A. Forte B. Crescendo C. Decrescendo D. Ritarando

9. Sa awiting “Ako ay Pilipino”, ito ay nagsisimula sa antas na ________.

A. Piano B. Pianissimo C. Forte D. Mezzo Forte

“Unido, Junto Avanza con el EduKalidad. Cree, Junto-Junto Puede!


RIZZA IVAN T. FLORES
CAWIT ELEMENTARY SCHOOL
7

10. Suriing mabuti ang mga antas na ginamit sa awiting “Ako ay Pilipino” Angkop baa ng
mga antas ng dynamics sa damdaming nais ipahiwatig ng mga bahagi ng awitin?
Bakit?

A. Nabibigyan nito ng kahulugan ang bahaging may antas ng dyanmics.


B. Naipapahiwatig nito ang damdamin ng awit.
C. Nabibigyan ng diin ang mga punto ng awit.
D. Tama ang lahat nang nabanggit.

SANGGUNIAN
K-12 Most Essential Learning Competencies, Department of Education, Manila: (May
2020): 340
Deped Tambayan / Grade 5 Teachers Guide in Music Quarter 1
Deped Learning Resources Grade 5 Music, Yunit 4, Aralin 1,
Halinang Umawit at Gumuhit 5 pahina 79-83
Antas Ng Daynamiks - [PPT Powerpoint] (vdocuments.site)

DISCLAIMER
This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not
been specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning
resource in our efforts to provide printed and e-copy learning resources available for
the learners in reference to the learning continuity plan of this division in this time of
pandemic. This LR is produced and distributed locally without profit and will be used for
educational purposes only. No malicious infringement is intended by the writer. Credits
and respect to the original creator/owner of the materials found in this learning
resource.

“Unido, Junto Avanza con el EduKalidad. Cree, Junto-Junto Puede!


RIZZA IVAN T. FLORES
CAWIT ELEMENTARY SCHOOL

You might also like